• Tidak ada hasil yang ditemukan

Ekspresyon ng Mukha-

Dalam dokumen Retorika Book sa TUP (Halaman 118-121)

YUNIT VI – MALIKHAING PAGSULAT

4. PAGSULAT NG KOMIKS

5. Ekspresyon ng Mukha-

5. Ekspresyon ng

Nailalarawan sa ilang linya ang ekspresyon na mukha na nais natin ihatid gaya ng ngiti, pagkunot-noo o isang malaking tawa.

Kaibahan sa Animasyon. Mayroon malaking kaibahan ang animasyon sa basta kartun. Binibigyang buhay at pinakikilos sa animasyon ang mga tauhang drowing na parang tunay na tao. Lumalabas na mas kumplkado ang mga gawain dito at marami ang sangkot. Masdan ang mga hakbang sa paglikha ng animasyon:

• Pangunahin dito ang masusing talakayan hinggil sa magiging takbo ng kuwento. Kabilang sa magpapalitan ng kuro ang kartunista, debohista, litratista, maglalapat ng tunog, maglalagay ng kulay, diyalogo, musika at editor ng pelikula. Pagsasamahin ang kanilang galling at kaalaman upang lumabas na makatotohanan ang isinasagawang animasyon;

• Nakaalalay ang mga orihinal na drowing ng kartunista o animator o habang iginuguhit ang mga katangian ng mga pangunahing tauhan;

• Pagkatapos nito ihahanda ang bawat kahon ng aksyon o kilos kung naaayon ang kanilang angulo pati na ang angkop na background;

• Paglalagay ng kulay sa mga guhit ng tauhan at ang pagkakasunod ng mga kilos sa bawat kahon;

• Muling paglalapat ng kulay na naaayon sa kasuotan ng mga tauhan ayon din sa pagkakasunod ng eksena sa pelikula;

• Dito’y bubuin ang pangkalahatang background para sa lahat ng tagpo;

• Pagkatapos na mailipat ang lahat ng kulay at aksyon ayon sa kanilang pagkakasunod, ilalapat naman ang tamang musika at diyalogo ng akmang-akma sa oras at kilos;

• Kukunan ng kamera ng paisa-isa ang kilos ng mga tauhan sa unahan ng background; at

• Para sa pinal na paghahanda, muling isa-isang susuriin ng editor ng pelikula ang lahat ng mga inilapat upang masiguro ang kaisahan ng akyon at tunog.

Pagsulat ng mga Karaniwang Katha. Hindi katulad sa paglikha ng malikhaing komposisyon na nangangailangan ng mga kasangkapang pampanitikan upang patingkarin ang hatid na layunin o tema, maaari din tayong sumulat ng mga kauri nito na salat sa mahaba at maraming salitang prosa.

Ito ang katangian ng mga karaniwang katha. Sino man sa atin ay madaling makalilikha nito, kailangan lamang ang kaalaman sa paksang nais makintal sa isipan ng mga mambabasa. Ilan dito ang mga sumusunod:

1. Islogan. sining ng matalinong paglikha ng parirala ang islogan. hatid nito ang mga angking kaibahan at nakikitang kalamangan sa iba. Kapansin-pansin sa pagsulat ng islogan ang pagiging maikli nito, may tugma, minsa‘y may halong biro at kadalasang may kislap ng katalinuhan panretorika upang hindi malimutan. Halos lahat ng islogan ay nasa anyong panawagan. Humihingi agad ito ng pagkilos at pakikiisa. Anumang islogan ang ating gawin maging ito’y para sa produkto, sa tao o sa isang adhikain kailangan maging malakas ang dating nito at may malinaw na mensahe. Kailangang may sapat tayong kaalaman sa paksa upang makasulat ng epektibong islogan.

Bukod sa alam natin kung ano ang ating panawagan, kailangang alam din natin kung kanino ito patungkol. Maaaring ang islogan natin ay ukol sa lumalalang polusyon sa ating mga ka-ilugan kung kayat ang ating panawagan ay para sa kailangang pagkilos ng pamahalaan at sa pinagmumulan nito lalo na sa may-ari nG mga pabrika at kompanyang walang habas sa pagtatapon ng kanilang basura at maruming tubig.

Tulad ng nabanggit na natin sa unahan kailangan maging simple lamang ang pagkakasulat ating mensahe sa islogan at baka mabagot o masuya ang ating mambabasa.

Hindi agad makukuha ang ating panawagan kung lubha itong mahaba at maligoy. Hindi rin kailangan ang mga terminolohiyang teknikal sapagkat lalo lamang makalilito ang mga ito.

Kailangan sa unang basa pa lamang ay maunawaan na ang hinihingi ng islogan. hindi kailangan sa islogan ang mga parirala o pangungusap na pag-aaralan pa ng babasa nito.

Alalahanin sa pagsulat ng islogan ang kahalagahan ng mga salita. Mayroong islogan na tatatlo lamang ang mga salita subalit malakas na ang dating at nakukuha agad ang atensyon ng mambabasa at kung magkakaganon, nakasisiguro tayo ng kanilang suporta.

Hindi matatawaran ang kahalagahan ng islogan kung kayat halos lahat ng produkto at maging ang mga istasyon sa telebisyon at radyo ay gumagamit ng sariling islogan.

Karaniwang makikita ito o naririnig kasabay sa pagsasahimpapawid ng mga nasabing produkto at istasyon. Ito ang kanilang pang-akit. Madaling tandaan. Nakatutulong ito sa pagkilla ng kanilang kahalagahan para sa ating kapakanan. Hinihingi sa pagsulat ng islogan ang pokus ng kaisipan. Dito’y natututo tayong sumulat ng maikli ngunit makahulugan. Maaari tayong gumawa ng islogan para sa isang kandidato, palakasan, konsiyerto ng isang mang-aawit, debate sa loob ng kampus, at iba pa.

Ang sumusulat ng islogan ay manunulat ng parirala.

Sumusulat rin tayo ng islogan para itaas ang katangian ng isang bagay sa isipan ng mamamayan at ipakita ang pinakamabuting katangian o kahalagahan.

Kailangan maging maingat at mapili tayo sa mga salitang bubuo ng islogan. Walang apila ang mga islogang na likha sa pagmamadali at kawalan ng pili ng mga salita. Lalabas na lubha itong pangkaraniwan at walang hatid na kahalagahan o di kaya nama’y walang orihinalidad at nakakatamad na basahin o pakinggan.

Lahat ng islogan ay nagnanais na magbigay puri, magpaliwanag o magtaas ng katangian. Ito rin ang layunin ng mga anunsyo. Sa ganitong pamamaraan maaaring, mapasailalim ang islogan sa alin mang pangkalahatang klasipikasyon tulad ng makikita sa sumusunod:

Dalam dokumen Retorika Book sa TUP (Halaman 118-121)