• Tidak ada hasil yang ditemukan

Ang Wikang mga Produkto

Ang mga produktong isang lugar ay mabisang repleksiyon ng kultura. Wika ang pangunahing kasangkapan sa pagbibigay ng pangalan sa mga produktong ito. Samakatuwid, ang pagpapangalang ito ay pagwiwika rin ng kultura. Nauunawaan ang isang salita ayon sa pagkakagamit at nabibigyang-halaga ang isang bagay ayon sa pagkakalikha nito. Sa kontekstong llokano, ang mga produktong ipinangalan sa sariling wika ay maituturing na representasyon ng kanilang kultura.

Ang One Town, One Product (OTOP) na adhikain ng mga namumunong La Union ay nagging matagumpay dahil nakikilala ang kalidad ng isang produkto ayon sa lugar na pinagmulan nito. Ito rin ang nag-udyok sa mga llokano upang ipagpatuloy ang sinimulang hanapbuhay na nagiging malaking bahagi ngkanilang pamumuhay. Mahalaga ang mga produkto na kanilang nililikha dahil bukod sa isa itong pangunahing paraan nila upang mabuhay, ito rin ang dahilan upang maangkin nila ang kanilang produkto. Ito’y nagpapatunay na bagama't nabibilang sila sa iisang lahi, may

162

pagkakaiba-iba o natatanging pagpapakita ng kagandahan na nirerepresentang kanilang mga produkto. Ang pagkakaiba-ibang ito ang nanghihikayat sa mga Ilokano upang maniwala sa kahalagahan ng kanilang mga likha sa kabila ng malakas na kompetisyon sa mga modernong produkto.

Sa mga produktong nabanggit, ipinakikita ang iba't ibang katangiang tinataglay ng mga Ilokano mula sa pinagmulang bayan. Halimbawa nito ang pagkamalikhain at pagiging mapamaraan ng mga taga-Bacnotan at Sudipen sa paghahabi sa mga hiblang kawayan. Ang laga (finished product) o paglalaga (kung tumutukoy sa proseso) na nasa anyong lalagyan o sambalilo ay ginagamit ng mga mangingisda at mga magsasaka na panangga sa sinag ng araw. Ibang uring pagtitiyaga ang ipinakikita ritong mga lIokano dahilang bawat hiblang kawayan ay masusing hinuhugis upang matamo at umangkop sa iba pang hibla ng kawayan at mabuo ang pinong kalatagan ng sambalilo. Ang katangian ng kawayan na maaaring baluktutin ay isa pang aspekto ng pagpili sa kawayan bilang pangunahing materyalng paglalaga. Ang masusing paghuhugis ng kawayan ay nangangahulugang lamang na ang isang tagagawa nito ay may sapat na pasensiya upang perpektong makamit ang inaasam na hugis na aakma sa isa't isa kung pinagsama-sama. Sa pagkakataong ito, walang ibang maaaring asahan ang tagagawa nito kundi ang kaniyang sarili upang tapusin ang prosesong paggawa nito lalo na't mawawalan ng saysay ang una niyang ginawa kung hindi naisakatuparan ang kabuuang proseso ng paglalaga. Ito ang relasyon ng mga kawayan at tagapaglaga, kailangan niyang ariin ang kawayan upang mapasunod niya ito sa ninanais na resulta ng produkto.

163

Talahanayan I.

Angmga ipinapahiwatigng mga produkto sa Sillag Festival

Produkto Munisipalidad Konsepto Kultura at Identidad

1. pinakbet Buong Probinsiyang La Union Ang pinakasikat at masustansiyang pagkain ng mgallokano, pinaghalo-halong

sangkap mula sa iba't ibang gulayna tumutubo sa lugar. Ginagamit ang bagoong bilang

mabisang pampalasa.

Hinahaluan o sinasahugan/ sinasagpawan (karne,longganisa,chicharon at alamang) ang pagkaing ito upang lalong maging malinamnam.Ang pagsasama-sama ng berde at dilaw na gulay sa palayok ay tulad din ng mga llokano sa La Union. Bagama't magkakaiba sa pananaw at pilosopiya sa buhay nagkakaisa naman sa mga adhikain upang mapaunlad ang bawat isa at ang kanilang bayan

2. bagoong Buong Probinsiyang La Union Isang anyong pampalasa na ang pangunahin at karaniwang sangkap ay maliliit na isda na dumaraan sa prosesong fermentation

Sa perspektiba ng mga gumagawa ng bagoong, sumasalamin ito sa kabutihang asal dahil bagama't hindi nakikita ang proseso ng paggawa, napapanatili ang kalinisan nito. Urnuunlad dinang lasa nito dahil tinitimpla ito ayon sa pangangailangan ng publiko.

164

Produkto Munisipalidad Konsepto Kultura at Identidad

3. bisil Luna Pebbles ito sa Ingles na

karaniwang ginagamit bilang disenyo sa

aquarium at itinuturing

na kaakit-akit na

concrete material upang

pagandahin ang

panlabas na disenyo ng isang bahay.

Ang matiyagang paghahanap ng kaakit- akit na anyo at kulay ng mga bato sa

dalampasigan ay isang malaking hamon parasa isang llokano. Nagiging kagiliw-giliw ang paghahanap dahil nabubusog ang mga matasa sari-saring kulayna tinataglay ng mgaito. Napapalitan ang pagsisikap sa paghahanap ng mga ito dahil sapagbili at pagtangkilik ng mga turista at mga karatig-lugar sa kanilang produkto. Bilang isang hanapbuhay, ang isang llokano ay kailangang maging matiyaga sa paghahanap ng magkakasinghugis,

magkakasingkulay at magkakasing-anyong mga bato upang masiguro ang de-kalidad na kalalabasan nito. Nagpapatunay ito na kinikilala ng mga llokano ang malaking kontribusyon ng isang simpleng bagay tulad ng bisil. Bagama't literal na rnaliit, malaki naman ang pagpapahalaga ng mga llokano dahil kinikilala ito na katangi-tanging biyaya.

165

Produkto Munisipalidad Konsepto Kultura at Identidad

4. daing Santo Tomas Isang katakam-takam na ulam na matapos hulihin sa dagat ay pinapahiran muna ng asinbago ibilad sa araw hanggang matuyo. Maaaring gawing daing ang bangus, igat, atbp.

Ang proseso ng pagdadaing mula sa pangangalap ng isda o pangingisda hanggang sa pagprepreserba nito ay kumakatawan sa pagiging maparaan ng mga Ilokano upang manatili ang lasa ng pagkain

5. buybuy San Gabriel Santol; Burgos

lsang pinong materyal na ginagamit na panlinis at disenyo ng tahanan.

Ang mataas na bilang ng mga mamimili ng buybuy ang isa sa mga dahilan ng patuloy na pagpupursige ng mga llokano sa

pagtatanim at paggawa nito. Ito rinang dahilan ng pag-usbong ng iba't ibang habi o pagtatahi sa disenyo ng mgabuybuy.lba-ibarin ang estilo ng pagsama-sama ng kulay nito upanglalongmagingkaakit-akit sa mga mamimili.Iniaangkop ang katangianng buybuy sa pleksibilidadng mgallokano at ang kanilang kakayahan upang iayon at iangkopang kanilang sarili at gawi sa anumang sitwasyon na maaari nilang kakaharapin.

166

Produkto Munisipalidad Konsepto Kultura at Identidad

6. diru Bacnotan Honey ang mas kilalang katumbas nito sa Ingles na dahil sa matamisna lasa ay ginagawang palaman sa tinapay. Bukod dito, mabisa rin itong natural na gamot para sa sipon at

maaaring isinasama sa beauty regimen

Ng kababaihan upang mapakintab ang buhok.

Ang matatag na determinasyon ng mga llokano ang kinakailangan upang hindi sila masiludan ng bubuyog. Nagiging kaakit-akit ang pagbili sa aytemna ito dahil inilalagay ito sa sari-saring uri ng presentasyon o lalagyan. Ang diru ay inihahalintulad sa pagtanggap ng ng mgalIokano sa kanilang bisita. Mula sa pakikitungo at pamaraan ng pakikipag-usap, ang mgallokano ay kagandahang-asal na inihahalintulad sa natural na tamis ng diru.

6. 7.buneng Bangar Ang likha ng mga panday na pamutol ng kawayan o kahoy na ginagamit na

panggatong. Ito rin ay nakatutulong sa pagkatay ng baboyat paghiwa ng karne. Maliban dito, mabisa itong kagamitan sa paglilinis ng mga damo at pagbubungkal sa lupa.

Ang presisyon ng panday ay lubos na pangangailangan upang perpektong makamit ang disenyo o tulis (tadem) ng produktong ito. Maaari itong lumabas sa iba't ibang sukat at hugis. Nakaayon din ito sa layunin ng paggamit ng isang gumagamit nito.

167

Produkto Munisipalidad Konsepto Kultura at Identidad

7. 8. tabako Bauang Angpangunahing sangkap o mismong sangkap ng sigarilyo para samatatanda.

Ang natural na pagpapatuyo sa dahong ito ang nagdudulot ng de-kalidad o hindi magaspang na anyo nito ang nagiging batayan upang maibenta sa palengke at/o sa mga nagaangkat ng produktong ito. Ang anus o pagtitiyaga ang kailangang pairalin sa paggawa nito mula sa pagtatanim na kailangang paulit-ulit na diligan, paglalagay ng abono, at paglilinis upang alisin ang damong tumubo sa paligid ng bawat tangkay ng tabako. Kailangan ang matatag na pagtitiis upang alagaan ang bawat dahon nito sa pamamagitan ng pagsubaybay at pagtanggal sa mgauod na maaaring makapinsala sa kalidad ng dahon. Kailangan din itong bantayan upang maging maayos ang pagkaluto ng mga dahon sa pugon.

168

Produkto Munisipalidad Konsepto Kultura at Identidad

8. 9. laga Sudipen Mga produktong

dumaan sa proseso ng pag-hahabi o weaving na gawa sa kawayan tulad ng sambalilo, alat, labba, bilao at salakot.

Ang malikhaing pag-aanyo ng mga strips ng kawayan ang nagbubunsod sa mga mamimili upang bilhin ang iba’t ibang produktong yari sa kawayan. Ang lohikal na pag-iisip upang makabuo ng mga patern sa paglalaga ay isang pangangailangan upang makabuo ng isang obra na praktikal

na nagagarnit sa kanilang probinsiya. Ang paglalaga ay tulad ng pagtanaw ng mga llokano sa konsepto ng tagumpay. Ito ay pinaghihirapan at kailangang dumaan sa masusing proseso upang lubos na mapahalagahan ang bungang dulot ng kanilang paghihirap.

169

Sapang-organisasyong kultura ngmga mangangalakal na sina Wang etal.(93-98), tinalakay nila ang kahalagahan ng produkto hindi lamang bilang bahagi ngkultura kundi bahagi rin ng komersiyo at pangangalakal. Kinikilala ang impluwensiya ng kasaysayan at estilo ng pamumuno bilang isang mahalagang salik sa paglikha ng isang produkto. Ang mga gawi sa produksiyon hanggang sa pagpapaunlad ng produkto ay isinasaalang-alang sa ngalan ng marketability impact at inobasyon o pagbabago.

Ang marketability impact ay isang positibong pagsasaalang-alang ng isangmangangalakal sa paghahanda ng kaniyang produkto. Ito'y dahil hindi nakaaapekto at/o naisasakripisyo ang kalidad ng isang likha sa ngalan lamang ng aspektong pang-ekonomiko (upang makabenta ng mas marami). Sa kasong mga produktong makikita sa Sillag festival, lalong nagiging inspirasyon ng isang tagagawa ang pagpapanatili ng obra sa ngalan ng de-kalidad na serbisyong maipagmamalaki upang maging kakaiba at mapanatili ang natatanging identidad ng kanilang lugar na isa sa pinakalayunin sa festival – ang makilala ang bayan sa pamamagitan ng nangingibabaw na produkto. Gaya ng unang nabanggit, maingat ang mga tagagawa ng produkto sa pagpapanatili ng awtentiko ng representasyonal hindi lamang upang maibenta ang mga ito bilang pagpapakilala ng kanilang natatanging identidad at bilang marangal at mabuting hanapbuhay. Maliban sa konsyumerismong kontribusyon ng mga produktong ito, may winiwikaang mga proseso sa paggawa ng produktong ito. Tulad halimbawa sa katapangan na kailangan ng mga Ilokano upang makamit ang matamis na diru o honey mula sa anigo pulupukyutan ng mga bubuyog. Bagama't may posibilidad na mamaga ang alin mang bahagi ng katawan at mamanhid dahil sa kagat ng bubuyog, kailangang suungin ng agdidiru ang kolonyang mga bubuyog upang makamit ang inaasam na katas. Dedikasyon sa pamilya ang nagiging lakas ng isang IIokano upang gawin ang sakripisyong ito.

Ang pagtitiis (anus) at pagmamahal (ayat) naman ang puhunan ng mga taga-Luna upang matagpuan ang pinakamagagandang bisil o pebbles sa tabing-dagat at magamit sa disenyong isang bahay. Likas na mapangalaga ang mga IIokano sa kagandahang dulot ng karagatan, tulad halimbawa ng pagbibigay ng mataas na pagpapahalaga sa simpleng bato na magiging espesyal sa tuwing ginagamit itong panlabas na palamuting tahanan.

Katatagan, determinasyon, at disiplina naman ang ipinalalabas na identidad ng mga llokano mula sa paglikha ng buybuy (tigergrass) dahil ito ay dumaraan sa proseso ng pangangalap (harvesting), pagpapatuyo (drying), paglininis (dusting), pagsusukat (measuring), paghahabi (forming o sewing), at pagdidisenyo (designing) ng isang de-kalidad na walis tambo. Pinakamahirap gawin sa prosesong ito ang "dusting" dahil maliban sa Makati

170

ito kung kumapit sa balat, nakakapuwing din ito at maaari pang maging sanhi ng hika kung hindi maingat o eksperto ang gumagawa nito.

Ang pagpapahalaga sa mga produkto bilang pagpapalakas ng kultura at identidad ng Ilokano ay sinang-ayunan ng pahayag ng tagapamahala hinggil sa impak ng trade fair sa kabuhayang llokano:

Makatutulong ito lalong-lalo na sa mga llokano dahil magdadala itong mataas nakita sa kanilang kabuhayan lalo pa’t nagtawag kami ng mga dayuhan upang saksihan hindi lamang ang hope lanterns kundi para na rin maipakilala ang iba’t ibang produktong Ilokano.

Ang kulturang isang bayan ay nababatid sa iba’t ibang anyo dahil nagpapakilala ito ng sari-saring porma. Nakakasalamuhang indibidwal ang halos kabuuan ng isang lipunan dahil sa kanilang material na kultura at di-materyal na kultura na kinilalang UNESCO na nasa Koc(184-185) bilang lantad at hindi lantad na kultura. Naniniwala naman ang antropologong si Eves (250-262) na ang mga material na kultura, maging kongkreto man o hindi, ay maituturing na anthropology of art dahil ang anumang bagay na nilikhang nagkakaisang lipunan ay maaaring gamiting instrument upang ipakilala o makilala ang kanilang pagkalalang.