• Tidak ada hasil yang ditemukan

Kritikal sa Umiiral na Kaayusang Panlipunan

Sa nobela tinalakay na ang mga katunayang panlipunan ng pagsasamantala, kahirapan, karahasan, pagkatiwalag ay hindi katadhanaan o ugat ng kanser ng lipunan o nagpapatindi sa kumukulong putik ng nagbabantang sasabog na bulking panlipunan. Manapa, niliwanag na ang mga ito ay bunga ng kalakarang kaayusang mala-kolonyal at mala-piyudal ng lipunan/bansa.

Tinukoy na ang pagdaralita ng sambayanan ay isang katunayan ng buhay panlipunan na nakaugat sa kalakarang pagsasamantala ang puhunan sa paggawa sa isang mala-kolonyal at mala-piyudal na lipunan/bansa. Sa kasalukuyang yugto ng pambansang kasaysayan, tinurol na ang mala-kolonyal na kaayusan ng lipunan/bansa ang pangunahing sanhi ng marawal na kalagayang panlipunan ng nakararaming mamamayan. Hawak-sakal ng mga dayuhang korporasyon, sa pangunguna ng Amerikano, ang kabuhayan ng bansa. Hawak nila ang mga panguhahing produkto na kailangan sa pag-iral ng buhay-bansa tulad ng langis. Hindi ang mga bansang may langis at nagluluwas nito ang siyang nagtatakda ng sobrang taas na presyo kundi ang mga kompanya ng langis na karamihan ay pag-aari ng Amerikano.Hawak din nila ang mga saligang kalakal na kailangan para sa makataong pag-iral tulad ng pagkain.

Nagpasok sila rito ng maliit na kapital at nangungutang ng bilyong piso sa mga bangko ng Pilipinas para makapagtayo ng

118

negosyo rito. Dito rin nila ibinebenta ang kanilang produkto pero ang daan-daang milyong piso na tinutubo ng kanilang mga kompanya ay iniuuwi nila pagkatapos sa kanilang bansa. (p.29)

Ang saklaw ng imperyalismong Amerikano ay hindi lamang sa kabuhayan kundi maging sa pang militar, pampulitika’t pangkulturang larangan ng buhay-bansa. Di kasi nga nasagkaan angating tunay na pag-unlad.Anumang kaunlarang makikita sa bansa ay hindi nakaabot sa nakararaming mamamayan. Ang tanging nakikinabang ay ang mga dayuhan at ang mga Pilipinong siyang mayhawak sa kapangyarihang pulitikal at pangkabuhayan.Nabansot ang pagyabong ng industriyang Pilipino na ang karamihan ay naging “junior partners” ng mga korporasyong multinasyunal. Ang mga ito pa rin ang siyang nagmamay-ari ng mga malalaking pataniman kaya’t sila rin ang nakikinabang sa programang agricultural ng pamahalaan ng ipinilit naman ng mga ahensiyang pinagkakautangan tulad ng International Monetary Fund (IMF) at World Bank (WB). Dahil dito nawawalan nang pagkakakitaan ang mga magsasaka at dulo nito ay napipilitang lumikas sa lunsod upang makipagsapalaran kaya lumalala naman ang mga suliraning panlipunan kaugnay ng mga tinaguraing “urban poor” o ang mahihirap na lunsod.

Upang lunasan ang hindi maitatatwang pagbulusok ng kabuhayang-bansa, ang laganap na pagdarahop ng nakararaming bilang ng masang Pilipino, at ang napipilang pag-unlad ng bansa, nangutang ang pamahalaan sa IMF at WB na kahimat kapwa binubuo ng lagpas sa isang daan at tatlumpung kasaping bansa ay kapwa dominado’t kontrolado ng Amerika.Sa pagtatapos ng nobela umabot na sa $17 bilyon ang panlabas na utang ng bansa. Kaya’t ang buong bansa ay nakasanla na sa IMF at WB.

Di man aminin ngating pamahalaan at maging IMF at WB, ang dalawang ito na ang umuugit sa mga patakarang pangkabuhayan na ipinatutupad ng pamahalaan. Ang plano’y gawin tayong malaking planta ng mga produktong magseserbisyo sa mga pangangailangan ng mga ibang bansa kaya pilit na ginagawang panluwas ang oryentasyon ng ating ekonomiya. Sa kabila nito hindi naman umuunlad ang kabuhayang bansa pagka’t bukod sa nakaasa ito sa pamilihang pandaigdig na siyang nagtatakda sa presyo ng mga iniluluwas na produkto ay mga dayuhang korporasyon pa rin ang may hawak ng larangang ito. Bungang naturang patakaran naging

119

mang-aangkat tayo maging ng mga pangunahing pangangailangan natin upang mabuhay.Anupat lubusan na tayong nahawakan ng dayuhan.

Bukod sa pangungutang ay niligawan ng pamahalaan ang dayuhang puhunan upang magnegosyo rito. Ang ginamit na panghikayat ay ang kamurahan ng paggawa at ang “tamang klima” sa pamamagitan ng mga mapagkandiling batas sa ilalim ng Investments Incentive Act, tax credit, tax exemption, deduction of expansion re-investment, deduction of labor training expenses, deduction of past losses against earnings of the following periods, at walang tasang paglalabas ng tubo.Hindi magagawa ang lahat ng ito nang hindi ibababa ang Batas Militar na ibinaba nga nuong 21 ng Setyembre 1972.

Palibhasa’y ang nalikhang kalagayan ay halos kumitil na ng buhay ng nakararaming Pilipino, may mga namulat at kumilos buhat sa iba’t ibang sektor ng lipunan upang ipagtanggol ang karapatang mabuhay. Nakagitaw na muli ang mapagpalayang kilusang napapatnubayan ng ideolohiyang nasyonalismo na ang ibinabandilang linyang pulitikal ay pambansang demokrasya. Mapapabilang dito ang muling itinatag na Partido Komunista ng Pilipinas nuong 1968 at ang Armadong Hukbo nito – ng New People’s Army (NPA) na tinatayang nasa lahat ng ng rehiyon ng bansa at may kabuuang lagpas dalawampung guerrilla fronts. Kabilang din ang sumisidhing aktibismo ng mga kabataang makabayan na ang larangan ng pagkilos ay hindi nakulong sa loob ng paaralan kundi sinaklaw din ng malawak na lipunan. Tataas pa ang kamulatang pulitikal ng karamihan sa mga kabataan na magpapalaki pa sa bilang ng Partido Komunista’t sa hukbo nito. Kabilang din ang mga unyon at samahang pangmanggagawa’t pangmagsasaka na ang karamihan ay susulong ang kamulatan na magiging makauri’t makabayan. Kabilang din ang Moro National Liberation Front (MNLF) na sinasabi ng military ay may kaugnayan na sa Partido Komunista. Kabilang din ang mga makabayang samahan ng mga manananggol tulad ng FLAG, MABINI, at PROTEST na nagtatalaga bilang manananggol ng mga kasong pulitikal.Kabilang din ang mga mamamahayag na siyang bubuo sa tinatawag na “alternative press” o ang kataliwas ng pamamahayag ng establisimiyento. Maging ang isang sektor ng mga alagad ng simbahan ay namulat na ang tunay nilang Gawain ay hindi lamang magdasal at magkawanggawa kundi ang makiisa sa pagkilos ng mga naaapi sa ngalan ni Kristo.

Ang kabi-kabila’t sama-samang pagkilos ng iba’t ibang sektor ng sambayanan ay tinugon ng karahasan at panunupil ng pamahalaang

120

masasabing bihag nang imperyalismong Amerikano. Hindi na sinino ang progresibo sa subersibo. Kabi-kabila ang hulihan at pagbilanggo (at kaakibat na pagpapahirap na pangkatawan at pang-isipan), ang madugong sagupaan na humantong sa pagkaputi ng maraming buhay sa magkabilang panig, ang marahas na pagsugpo sa mga rally, demonstrasyon, at martsang multisektoral at sa mga welga ng mga maggagawa. Ibinunga nito ang pagkatiwalag ng pamahalaan sa mammayan at ang pag-igting ng kilusan ng pagtutol at ang patuloy na paglakas ng armadong pakikibaka ng hukbo ng sambayanan. Hindi lamang napipinto ang digmaang-bayan. Sa katunayan, nagaganap ito. Inugat ng Dekada ’70 ang mga kadahilanang pinagmulan nito. Marahas ang kalikasan ng isang lipunang uri’t maka-kolonyal.Dahas ang ipinansusuhay ng imperyalismong Amerikano sa pananatili ng kaayusang mala-kolonyal ng bansa. Tinutustusan at pinalalakas nito ang sandatahang lakas ng pamahalaan upang sugpuin ang mga namumulat at nagbabalikwas na sambayanan. Itinuring na mapanganib para sa kaligtasan ng bansa ang sinumang magkatinig at kumikilos upang baguhin ang mapaniil at di makataong kaayusang panlipunan.

Pasismo ng pamahalaan ang suhay ng mala-kolonyal at maka-uring lipunan. Sa ngalan ng pangangalaga sa kaayusan at kapayapaan ng bansa buong bangis na pinawawalan sa sambayanang Pilipino ang magkakambal na dahas ng imperyalismong Amerikcano at ng hawak nitong pamahalaan ng naghaharing uri.

Hindi rin maiwasang hindi mabahiran ng karahasan ang mga bumubuo sa hukbo ng pamahalaan. Bagamat hilig ni Bingo ang criminology, natatakot siyang kauwian niya’s maging isang PC dahil sa nakikitang kabangisan ng karamihan sa militar. Tanong niya:

…..Bakit pumapatay sila tulad ng ginawa nila kay Kuya Jason(biktima ng salvaging). Ba’t sila gano’n kalupit kung minsan? (Nang awtopsiyahin si Jason, lumabas na labimpito ang saksak nito. Tagos sa baga ang iba, tuhog pati puso. May marka din ng itinaling alambre sa pulso niya, talop halos siko, tastas pati hita’t tuhod, basag pati bayag). Ba’t pati mga mata, minasaker ng special forces sa Sag-od? I mean, Mom… hindi sila lahat ng pagkakataon justified ang pumatay. Lalong hindi

121

Kahaliling Lipunan

Yaman di lamang at binabansot ng umiiral na kaayusangmala-kolonyal at maka-uri ng lipunan/bansa ang kaganapan ng pagkatao ng makapangyayari’t napangyayarihan, tungkulin ng mga namulat sasama-samang isabalikat na baguhin ang umiiral na kaayusan upang mahalinhan ng isang matabang lupang bubuhay at magpapabulas sa pagkamakatao ng lahat ng mamamayan. Sa yugtong ito ngating kasaysayan isang pambansang demokratikong lipunan ang inaadhika’t ipinakikipaglaban. Ang pagpapakatao’t pakikipagkapwa-tao ng indibidwal ay nakasalalay sa isang tunay na malaya’t nagsasariling lipunan/bansa na siyang kaganapan ng kabansaan ng lipunan/bansang Pilipino. Gayundin, sa isang demokratikong lipunan/bansa na tumitiyak at nangangalaga sa karapatan ng bawat indibidwal/mamamayan hindi lamang sa pantay na pagkakataon kundi, higit pa, sa pantay na karapatan sa kaparaanan ng buhay na siyang daan ng kanyang makataong kaganapan. Pinanghahawakan ng nobelista na ang pagpapakatao ng idibidwal ay nagaganap sa kanyang pakikipagkapwa tao sa loob ng isang prosesong historikal. Kung gayon ang lipunan ang siyang larangan ng pagpanday sa sarili ng indibidwal at ito rin ang layon ng kanyang paggawa/pagkilos. Anupat sabay na nagaganap ang pansarili’t panlipunangn kaganapan. Ang mabuting lipunan ay katumbas ng mabuting tao: ganap, matino, maunlad, malaya, malikhain, nagsasarili.