1. Pamagat ng Proyekto: Glosaring Dihital (Ingles-Filipino)
2. Proponent ng Proyekto: Sentro ng Wikang Filipino – UP Diliman
3. Deskripsiyon ng Proyekto:
Ang Glosaring Dihital (Ingles-Filipino) ay isang glosaring bilingguwal sa Ingles at Filipino na maaakses sa kompyuter, maaring nakapasok sa programang Microsoft o sa isang hiwalay na program. Sa simula, ibabatay ang glosari sa mga gamitin at pinagkakatiwalaang bilingguwal na diksiyonaryo sa kasalukuyan, ngunit bahagi rin ng proyekto ang pagpapalawak nito sa tulong ng mga aktibong tagasalin mulang Ingles patungong Filipino.
4. Rasyonal ng Proyekto:
Mahalaga ang pagsasalin para mapaunlad at maipalaganap ang ating wikang pambansa. Sa pamamagitan ng pagsasalin, naililipat sa wikang Filipino ang iba’t ibang produksiyong intelektuwal ng daigdig na mas madali at mabisang mapakikinabangan ng mambabasang Filipino. Sa pamamagitan din nito, napalalawak ang gamit ng wikang Filipino sa iba’t ibang disiplina at napauunlad ang bokabularyo ng wikang pambansa. Sa gayon, ang pagsasalin ay nagiging mahalagang kasangkapan para matupad ang probisyong pangwika sa Konstitusyon na “ang wikang Filipino ay dapat pagyamanin salig sa mga umiiral na wika sa bansa.”
Kung gayon, kailangang pumanday ng hukbo ng mga tagasalin na haharap sa napakalaking gawaing pagsasalin. Kasabay nito, kailangan ding bumuo ng mga kasangkapan sa pagsasalin (transalation aids) na mapakikinabangan ng mga tagasalin para lalong mapadali ang kanilang gawain. Kaugnay nito, dapat na samantalahin
59
ang anumang pakinabang na dulot ng mga bagong teknolohiya para mapabilis ang trabaho ng mga tagasalin at maparami ang produksiyon ng mga likhang salin.
5. Layunin ng Proyekto
5.1. Pangkalahatang Layunin:
Makabuo ng glosaring dihital na bilingguwal sa Ingles-Filipino
5.2. Mga Tiyak na Layunin:
Makabuo ng pinagsamang glosari (integrated glossary) na nakabatay sa pinakagamitin at pinakamapagkakatiwalaang diksiyonaryo ngayon
Maiedit ang pinagsamang glosari sa format na angkop sa anyong dihital
Mailipat sa dihital na format ang pinagsamang glosari
Mapalawak ang glosaring dihital sa pamamagitan ng pagdaragdag ng mga entri dito ng mga tagasalin
6. Estratehiya
Bubuuin ang Glosaring Dihital sa pamamagitan ng mga sumusunod na estratehiya.
Una, ang pag-encode ng nilalaman ng mga bilingguwal na diksiyonaryo. Kabilang sa balak gamiting diksiyonaryong bilingguwal sa Ingles at Filipino ang mga sumusunod:
English-Tagalog Dictionary ni Leo James English New Vicassan’s English-Pilipino DictionaryninaVito C.
Santos at Luningning E. Santos
Wordbook (English-Filipino) ni Renato Perdon
Wordbook (English-Filipino), Technical and Business ni Renato Perdon
60
Dahil ang bubuuin ay glosari at hindi naman diksiyonaryo, hindi lahat ng nilalaman ng mga diksiyonaryo, nabanggit ang ie-encode. Kukunin lamang ang mga sumusunod: 1) salita, 2) bahagi ng pananalita, 3) katumbas ng mga salita, 4) larang na pinaggagamitan ng salita kung kinakailangan tukuyin ang konteksto. Kung mayroon, isasama rin ang mga pariralang gumagamit ng lahok na salita.
Ikalawa, ang pagsasanib ng nilalaman ng mga diksiyonaryo. Matapos, ang pag-encode ng mga diksiyonaryo, pagsasanibin ang mga ito para makabuo ng isang komprehensibong glosari. Dito na masasala ang duplikasyon ng mga lahok.
Ikatlo, ang pag-edit sa pinagsanib na diksiyonaryo para maiformat bilang glosari. Kailangang suriin at iedit ang komprehensibong diksiyonaryo. Kabilang sa mga kailangang tutukan sa editing pagkakaltas ng mga duplikasyon, gayundin ang pagtiyak na ang bawat lahok ay sumusunod sa itatakdang format ng bawat lahok ay sumusunod sa itatakdang format ng bawat lahok na salita sa glosari.
Ikaapat, ang paglilipat ng glosari sa anyong dihital. May dalawang paraang pinaplano para gawing dihital ang glosari. Una, ang pagpapasok nito sa programang Microsoft. Ikalawa, ang pagbuo ng isang hiwalay na program.Pag-aaralan ng mga kalahok sa proyekto na mula sa Departamento ng Agham Kompyuter ng Kolehiyo ng Inhenyeriya ng UP kung alin sa dalawang paraan ang mas mabilis na maisasagawa at magiging mas kapaki-pakinabang.
May dalawang benepisyo ang mailipat ang glosari sa anyong dihital.Una, ang mas madaling paghahanap ng salita at katumbas na salita sa pamamagitan ng paggamit ng search option sa kompyuter. Ikalawa, ang mas episyente at sistematikong pagdaragdag ng mga bagong lahok sa glosari na magmumula sa mga tagasalin na lalahok sa pagpapalawak ng glosari.
Ikalima, ang pagpapalawak ng glosari. Ang mabubuong Glosaring Dihital ay magsisilbing batayang glosari pa lamang. Magkokomisyon ng mga aktibong tagasalin na gagamit ng nabuong Glosaring Dihital. Sila ang inaasahang magdagdag ng mga lahok sa
61
glosari – mga salita na maeenkuwentro nila sa kanilang mga isinalin ngunit wala pa sa Glosaring Dihital at ang ginamit nilang pantumbas. Maaaring gawin ang prosesong ito sa loob ng anim na buwan, at pagkatapos, magkakaroon ng pana-panahong pag-update.
7. Implementasyon at Iskedyul
Gawain Inaasahang Output Iskedyul
Pag-encode ng nilalaman ng mga diksiyonaryong bilingguwal
Naka-encode na mga diksiyonaryong bilingguwal Sinisimulan na at inaasahang matapos sa Enero 2008 Pagsasanib ng nilalaman ng mga diksiyonaryo
Komprehensibong glosari Enero 2008 Pag-edit sakomprehensibongglosari
Glosari na naedit ayon sanapagkasunduang format
Pebrero-Abril2008
Paglilipat ng glosari sa
anyong dihital
Dihital na glosari
Dihital na glosari na nasa disc (ipamamahagi sa ikokomisyong tagasalin) Mayo 2008 Pagpapalawak ng glosari
Pinalawak na glosari Mayo 2008 – Oktubre 200862
8. Halimbawang Format
(Nasa itaas ang halimbawang format ng lahok mula sa Glosaring Dihital.)
9. Mga Kasangkot sa Proyekto
Pangalan Posisyon/Kinaaaniban Tungkulin sa Proyekto
Dr. Ruben Crisologo Direktor, Sentro ng Wikang Filipino Tagapamahala ng buong proyekto
Dr. Nestor Tan Dekano, Kolehiyo ng Inhenyeriya
Tagapamahala sa paglilipat ng glosari sa anyong dihital
G. Nick Cruz Sentro ng Wikang Filipino
Pag-edit sa pinag-samang diksiyonaryo para mailipat sa anyong glosari Gng. Besty Ra mirez Sentro ng WikangFilipino Pag-edit sa pinag-samang diksiyonaryo para mailipat sa anyong glosari
63
Bb. Reez Nadera Sentro ng Wikang Filipino
Pag-edit sa pinag-samang diksiyonaryo para mailipat sa anyong glosari
Bb. Liz Chua Sentro ng Wikang Filipino Pag-edit sa pinag-samang diksiyonaryopara mailipat sa anyong glosari (Mula sa Computer Science Department) Departamento ng Agham Kompyuter
Pagbuo ng programa para maipasok sa Windows angGlosaring Dihital. Pagtulong sa pakikipag-ugnayan sa nararapat na ahensiya para humingi ng pahintulot sa pagpasok saWindows ng Glosaring Dihital.
Pagbuo ng programa para sa pagpasok ng mga bagong lahok (entry) sa Glosaring Dihital Bb. Annette Dimacali Sentro ng Wikang Filipino Encoder Bb. Aurora Manongdo Sentro ng Wikang Filipino Encoder 10. Badyet
Gastusin Halaga bawat yunit Halaga
Tagapamahala ng Proyekto P30,000 P30,000
Tagapamahala ng paglilipat sa anyong dihital na glosari
P20,000 P20,000
Editor (4) P25,000 x 4 P100,000
Computer Programmer (2) P20,000 x 2 P40,000
Encoder (2) P25,000 x 2 P50,000
Tagasalin (na magdaragdag ng lahok)
P5,000 x 10 P50,000
Supplies P20,000 P20,000
64