• Tidak ada hasil yang ditemukan

LOKAL NG PAG AARAL docx

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2018

Membagikan "LOKAL NG PAG AARAL docx"

Copied!
5
0
0

Teks penuh

(1)

LOKAL NG PAG-AARAL

Ayon sa akda ni Christa Orcollo, isang miyembro ng NDT, malaki ang epekto ng mahabang pagklase sa pag-aaral lalo na at nakakapagod sa pisikal ang pagkaklase ng wala man lang pahinga o break. Ayon sa kanya, hirap daw ang mga estudyante na makapagpokus sa kanilang pag-aaral sapagkat iba't iba ang kanilang pinag-aabalahan at nakakaragdag ito sa stress o kaya namam ay tensiyon na kanilang nararamdaman.

Ang stress ay hindi na bago sa buhay ng isang tao. Ito ay nararanasan ng bawat indibidwal, lalo na ng mga tao na nagtatrabaho at mga mag-aaral, sa magkakaibang antas at kadahilanan. Ngunit ang stress ay lubhang nakakaapekto sa isang tao sa kaniyang pampisikal at sa pag-iisip. Ito ay maaaring humantong sa sakit na lubhang depresyon o pagkalungkot, atake sa puso atbp. Dito mahihinuha na kinakailangan ng mga mag-aaral na magkaroon ng 'break time' upang sila ay makapaghanda at makapagpahinga ng kahit sandal lamang.

(2)

Kung ang mga mag-aaral ay nahihirapan sa kanilang iskedyul, mas lalong

mahihirapan ang mga working students o mga estudyanteng kailangang maghanap-buhay para lang matustusan ang kanilang pag-aaral. Ayon sa akdang “ISANG WORKING STUDENT” na ibinahagi ni Rey Lister Juarez, ‘hindi lahat ng estudyante ay nabiyayaan na magkaroon ng sapat na panggatong sa kanilang pamumuhay. Ang mga estudyanteng ito ay kinakailangang pang magtrabaho para makatulong sa pamilya at matustusan ang aaral nila para makatulong sa kanilang magulang (Juarez).’ Mahirap gawin ang pag-aaral sa umaga at trabaho sa gabi, dahil mawawalan na sila ng oras para sa kanilang pagpahinga. Dagdagan mo pa ng pagkakaroon ng kumplikadong iskedyul ay tila wala na silang ibang magagawa kundi ang umiyak sa sulok hanggang sa magpatong-patong na ang kanilang mga problema.

Marami ang naaapektuhan sa pagkakaroon ng kumplikadong iskedyul. Hindi lamang ang mga estudyante, pati na rin ang mga guro na halos parehas lang rin ang kanilang hirap at pagod na nararanasan. Ayon sa ginawang sarbey ni Ignacio Suarez, ang nabuo niyang konklusyon sa natamong datos ay ang mga guro ay lalong nahihirapan sapagkat pa-minsan ay ang kanilang mga estudyante ay nahuhuli sa kanilang mga klase at hindi nakakapagpasa ng kanilang mga schoolwork o nakakapag-exam sa tinakdang oras. Hindi nila naitatala ang kanilang mga marka datapwa’t wala naman talagang marka ang kanilang mag-aaral.

(3)
(4)

KABANATA III

DISENYO NG PANANALIKSIK AT PAMAMARAANG GINAMIT

Sa kabanatang ito makikita at mapag-aaralang ang pamamaraang ginamit ng mga mananaliksik, mga nagging respondent ng pag-aaral, instrumenting ginamit, mga

ginawang hakbang sa pagkokolekta ng mga datos at ang kompyutasyong istadistikal.

PAMAMARAANG GINAMIT

Ang pag- aaral na ito ay gumamit ng pamamaraang deskriptibo na sumasaklaw sa mga pangkasalukuyang Gawain, kalagayan at mga pamantayan. Sa ilalim naman ng pamamaraang deskriptibo ay ang impact study na naglalayong alamin ang epekto ng independent variable sa dependent variable.

RESPONDENTE NG PAG-AARAL

(5)

mga estudyanteng mayroong kumplikadong iskedyul (humigit-kumulang mga 6 na oras ang ginugugol araw-araw sa pagklase na walang hinto). Mga unang taong o freshmen ang napili sapagkat sila ang mga baguahan lamang at hindi pa gaanong sanay sa buhay-kolehiyo, kaya sila ang mas mainam o madaling maapektuhan o maimpluwensiyahan ng nasabinh iskedyul.

Mayroong ______ na mag-aaral na first years ang kanilang iskedyul ay humigit-kumulang na anim na oras. Mula sa naturang bilang, 75% o _______ mag-aaral ang kinuha ng mga mananaliksik, at ang bawat seksyon ay may _______ na respondent.

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng Purposive Sampling Technique. Ayon sa internet (Wadsworth Cengage Learning), ang Purposive Sampling Technique ay paraang ng pangungulekta ng datos mula sa mga grupo ng taong may katangiang maaaring tumugon o tumutugon sa mga istandards na hinihingi ng pag-aaral.

Referensi

Dokumen terkait

Ang mga piniling respondente dito sa pananaliksik ay mga homosekswal na mag-aaral mula sa una hanggang sa ikaapat na taon sa kasalukuyang semestre ng

Ayon sa listahang ito, ang karaniwang kahulugan ng pagkahapo para sa mga mag-aaral sa unang taon sa Unibersidad ng Santo Tomas, Kolehiyo ng Narsing ay ang “pag-aaral at

Ang pamilya ni Alan ay kilala at iginagalang sa kanilang lugar dahil ang kaniyang mga magulang ay nagtayo ng isang samahan na tumutulong sa mahihirapB. Ano ang dapat

( Maaring sumagot nang mas marami pa sa isa ) ①Kung ako ay may libreng oras, gusto kong mag-aral ②Kung mayroon akong sapat na pera na magagamit para sa pag-aaral ng Nihongo.. ③Kung

(Maaring sumagot nang mas marami pa sa isa) ①Kung ako ay may libreng oras, gusto kong mag-aral ②Kung mayroon akong sapat na pera na magagamit para sa pag-aaral ng Nihongo.. ③Kung may

Ang teksto ay nakatuloy sa pag-aaral ng isang tunay na pang-unawa ng teknologinya at ang mga pang-unawa na

Ang dokumento ay nag-uusap sa mga proyekto at kumpanya na nakatuon sa pag-unlad ng