IKALAWANG IKAW
J. Marasigan / M. Atienza / M. Sotero
Chord Pattern: D - D / C# - D / B - (D / B - D / C# - D ) Hitik sa panlalait sa kalye
Usap-usapan ng marami Dahil ba sa paglaladlad mo ng panibagong ikaw
Magkahawak kamay sa dilim
Dahil sa liwanag maraming nakatingin Umuusig sa kanilang kaluluwa
E, sino ba silang dapat humusga? Ooh...
Bilanggo na pagkatao
Sa lipunang pilit humubog sa‟yo Kailan pa kaya ika'y matatanggap Mapawi ang takot na sa'yo'y humamak? Ooh...
(Tunguhin ang liwanag) (Pawiin ang luha)
Hawiin ang tabing sa mukha Sikil na damdamin bigyan ng laya Unawang sigaw sasabay sa batingaw Ipakita sa lahat ang tunay na ikaw Ooh...
(Halina't dinggin ang daing) (Ng mga nagtatago sa dilim)
KORO:
Di na muling magtatago sa dilim Sa paglalahad mo‟y muling angkinin Likas na karapatan (mo sa lipunan) Lumaya sa tanikala
Ng hawlang piitan
FAR BEYOND
J. Marasigan / M. Atienza / I. Atienza
There's no need to argue, no need to fight
What a world this would be without you by my side Infinite questions, fill my doubting mind
Will there be an answer, will there be a time.
Beyond that place is a world I know Far from its limits, both of us can go And maybe, yes maybe
Then I will know.
As the birds floats the sky Glidin' through distant places Soaring up high, just like you and I
Infinite questions, fill my doubting mind Will there be an answer, will there be a time.
BIGKAS LAYA J. Marasigan / M. Sotero
Bumibigkas ang puso, walang humpay ang sigaw Umaawit ang mga pipit, hangi'y sumasayaw Tila bang nakikisali sa aking munting tuwa Ohh...la la la la...
Pumipintig ang puso sa pagsikat ng araw
Nag-aalab na damdamin, bagong pag-asa ang tanaw Naglalakbay sa langit, himig ng mga tula
Ohh...la la la la...
Pumipiglas ang puso sa tanikala ng panahon Sumasabay sa ihip
Dahan kong pagbangon
Unti-unting minumulat saradong mga mata Ohh...la la la la...
Bumibigkas ang puso, dinggin ang kanyang sigaw Mga pintig ng ligalig sa ngiti ng araw
Pumipiglas ang damdamin Sa malayang umaga Ohh...la la la la...
Bumibigkas ang puso kalayaan ang sigaw
KA RAMON
ANAK: Magandang umaga Ka Ramon Madilim pa'y pabukid ka na
Ikaw ba'y sapat na ang tulog sa magdamag na maginaw...Ka Ramon KA RAMON: Magandang umaga rin anak
Pagod ma'y kailangang bumangon nang maaga't Lupa'y naghihintay at sabik sa araro't kalabaw...ay anak KORO: Ang pawis at hamog ay nagsasama
Sa pagbubungkal ng lupang di kanya At sa tag-ani babahagian siya
Kahit na katiting, gagawan ng paraan nang magkasya...hmm ANAK: Magandang tanghali Ka Ramon
Kay init na'y patuloy ka pa
Ikaw ba'y sapat nang pagkabusog sa ilang subo ng bahaw...Ka Ramon KA RAMON: Magandang tanghali rin anak
Pagod ma'y kailangang umahon sa pahinga't
Lupa'y naghihintay ng dilig at sa ulan ay uhaw...ay anak KORO: Ang pawis at luha ay nagsasama
Sa pagbubungkal ng lupang di kanya At sa kanyang parte'y hindi na makaasa
Tiyak na kulang sa pambayad pa lamang ng utang...hmm ANAK: Magandang gabi Ka Ramon
Madilim na'y nasa bukid ka pa
Ikaw ba'y di uuwi at paubos na ngayon ang ilaw...Ka Ramon KA RAMON: Magandang gabi sa'yo anak
Hapo ma'y kailangang tumuon sa araro't lupa ay naghihintay Ng punla sa susunod na araw...ay anak
KORO: Ang pawis at dugo ay nagsasama Sa pagbubungkal ng lupang di kanya Bunga ng lakas inaagaw ng iba
SAG-OD / LUPAO
Kahit dugo'y pinakupas ng panahon Ala-ala ay narito't tumataghoy
Nangasawing kamag-anak at kanayon Ay larawang binubuhay hanggang ngayon
Nakalagak sa gunita bawat mukha Bawat lagas na hininga't munting tuwa Ang ligalig sa iniwang mga dampa Tila multo sa puso kong nagluluksa
Ala-ala'y may balabal ng hinagpis At may tinig na lagi nang tumatangis Wari'y sumbat sa tinamong panggagahis Wari'y sumpa sa salaring mababangis
Nakapunla sa gunita ang dalita Sa panahong nagliliyab pati lupa At sa luha ng tulad kong naulila Sumisibol ang adhika ng paglaya
Ngunit iyon din ang yabag na narinig At ang tinig na asidong isinumpit At sino ba sa amin ang nakakabatid Na ito rin ang panahong anong lupit
Totoo bang di naabot ng liwanag Itong sulok na puntod din ng pangarap
Kung tunay ngang katarungan ang lumaganap Itong sulok ay nawaglit sa hinagap
Lupao, Lupao ang dugo mo'y humihiyaw Huling habilin ka sa talim ng balaraw Lupao, Lupao sumasaksi ang tag-araw Sa patuloy na araw ng pamamanglaw
MAYBAHAY
Isang tinig ang tumatangis,
Binubukal ng tahanan sa tapat ng aking silid Isang tinig ang tumataghoy
Alimuon sa lansangan sumasaliw sa hagupit KORO:
Ang kabiyak na ginoo'y panginoong nandarahas sa katawan ng babae
Kinakandong ng hagupit ang damdaming nagparaya sa naisin ng lalake
Kabanatang nangyari na kadalasang nauulit pagsapit ng hatinggabi
Kabanatang nangyari na kadalasang nauulit sa tapat ng aking silid
Sa mata ng pamayanan, pananakit ay kakambal ng palad sa pagsasama
Binasbasan ng dambana ang babae'y maybahay lang sa pagtutol walang puwang
(Ulitin ang KORO)
Sa lipunang lalake ang hari Sa lipunang maka-uri Kabanata'y mauulit.
ALNG PAG-IBIG PA Am E
Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya Dm Am Sa pag-ibig ko sa'yo bayan ko Dm Am
Sa hirap at ginhawa sa ligaya't dalita E Am
Ako'y kasakasama mo
Am E
Kung ang gintong palay ay kumakaway Dm Am
Katabi mo ako sa bukid bayan ko Dm Am
Kung tigang ang lupa at di ka makaluha E Am
Ako ang magdidilig Am E
Kung ang bulaklak ay humahalimuyak Dm Am Igagawa kita ng kwintas bayan ko Dm Am
Kung nananalanta ang bagyo't sigwa E Am – A7
Ako'y may kubong ligtas Dm
May pag-ibig pa bang higit na dakila G Am
Sa pag-ibig ko sa'yo bayan ko Dm E Wala na nga wala, wala na nga wala Am
Wala na nga...wala.
ISANG KUWENTO NG ATING PANAHON
Narinig nyo na ba ang mga balita ng ating panahon Narinig nyo na ba ang mga kuwento ng karaniwang tao Sa kanayunan doon masasaksihan
Mga pangyayaring di inaasahan Sa mga taong tali sa kahirapan
Sa bayan ng Silvinolobos at Las Navas Kay raming mga tao ang nagsilikas Kay raming walang malay ang pinaslang Dati ang bayan ay puno ng sigla
May awit ang puso ng bawat isa Payapa ang buhay sa lupang sagana
Ngunit isang gabi may lambong ang langit Pinunit ng mga putok ang gabing tahimik Tumangis ang buwan sa kanyang nasaksihan Ang dating sigla ng baya'y lumisan
Ilang mga anak ang kasamang pumanaw Nabasa ang lupa ng dugong sariwa
8 ALL FOR HER LOVE
J. Marasigan
Have I been so blind lately?
Have I ignored the things she has done for me?
Or must I be greatful indeed for she touched my heart my most sensitive.
She has taken me out from this shades of black Where I started picking the pieces up...whoo... And my morale went on its peak
That in shame and agony she did
Chourus:
All for her love there's nothin' I wouln't do
All for her love even the impossible, I'll give to you All for the love of you.
All was meant for love
Things and words was emphasized Crazy mem'ries and minute details Made me what I ought to be
All for her love there's nothin' I wouldn't do All for her love even the impossible, I'll give to you All for her love there's nothin' I wouldn't do All for her love even the impossible, I'll give to you All for the love of you.
BAHAGHARI
J. Marasigan
Sabi nila sa akin, pag-ibig ay bulag Kapag tinamaan ka hahamakin ang lahat Ngunit kahit na, kahit pa,
Umiibig na yata sa'yo
Ang aking abang puso nalilito, nagbibiro Sumusumpa, nangangako, magpakailanman
Sabi mo sa akin, pag-ibig mo ay wagas
At ang sagot ng damdamin, ngayon hanggang wakas
Dalangin ko sa Maykapal, sumama na sana sinta Doon sa malayo ay dadalhin kita
Doon, doon sa dulo ng bahaghari Kung saan pangarap ay buhay
La la la la la...hmm (3x)
GLOOM
J. Marasigan
Rain pouring dark clouds up above
Her sweat run down with warmth over her frame
Slow tears and quiet whispers rattles the night and makes her chill
Then tranquillity occupy her mind Gently tearing the sanity inside Slowly unveiling, releasing behind Seems so unreal her world in time
Put the rain against this avenging angel Wet the wings over her shoulder Then warm it dry for her next flight For it'll be over, her days of sacrifice
Plain smiles and simple gestures Makes her realize she's out of the blue Makes her think there's another day anew Hmm...and yes she's standing
Put the rain against this avenging angel Wet the wings over her shoulder Then warm it dry for her next flight For it'll be over, her days of sacrifice I do hope it's over, her days of sacri...fice
LASING NA LIPUNAN
J. Marasigan / M. Torres /Jonathan
Alak na gumuguhit sa'king lalamunan Tagay na kay taas, di ko makayanan Ako'y nalulunod sa sobrang ligaya Di pa lasing subalit tulog na
Marami pang kwentong dapat isalaysay Marami pang daing sa yo'y bubuhay Panatag ba ang loob sa iyong akala Imulat mo ang sarili, kasama
KORO:
Gising na, gising na
Huwag isandig ang 'yong balikat Gising na, gising na, aking kaibigan Magmulat ka
Ang isang lasing kung iyong pagmamasdan Susuraysuray sa lansangan
Tulad din ng ating lipunan
Nanlulumo't walang pupuntahan
KAIBIGAN NG MUNDO
Ikaw ba'y kaibigan ng mundo, mahal mo ba ang planetang ito Kung gayon dinggin ang awit ko
Bawat saglit na pumuslit sa orasan, lumalaki ang bodegang nukleyar Ang mga baliw ay nag-aagawan sa trono ng yaman at kapangyarihan
Kayat halinang awitin, sabay-sabay nating awitin
Iparinig sa buong daigdig ang awit ng bukas, ang awit ng payapang bukas
Unti-unting namamatay ang karagatan, dahan-dahang nilalason ang kalangitan Ang mga hari'y nagbabanta ng digmaan, at sa atin nakaumang ang armas nukleyar
Kayat halinang awitin, sabay-sabay nating awitin
Iparinig sa buong daigdig ang awit ng bukas, ang awit ng payapang bukas
Itigil ang armas nukleyar, itigil ang armas nukleyar Iparinig sa buong daigdig ang awit ng bukas Itigil ang armas nukleyar
Tumingala sa dakilang araw, ang init niya'y may taglay na pangako Sa tanglaw niya'y masisilayan ang payapang bukas
Itigil ang karerang nukleyar...
Bigyang pansin ang dakilang hangin, ang ihip niya'y mapakikinabangan Sa haplos niya'y sumasakay ang payapang bukas
Itigil ang digmaang nukleyar...
Ang daigdig ay tumitindig, bawat isa'y may dala-dalang ilaw Sa'ting puso'y masisilayan ang payapang bukas
Itigil ang armas nukleyar... Itigil ang karerang nukleyar... Itigil ang digmaang nukleyar...
TANAN BLUES
J. Marasigan / A. Guillermo / W. Biag / M. Sotero
L: "Hello?"
B: "Hello, wisheart...may problema ...buko na tayo ni tatay!"
L: "Naku patay!...Paano ba'yan...sige labs, maghanda ka na...yung kumot, yung punda, kulambo, kaldero...pati tinidor at kutsara, Susunduin kita mamaya...magtatanan tayo...bahala na!"
B: "Sige...tatakas ako. Sunduin mo'ko...promise ha?"
E kung tayo'y magsasama Sana'y maging handa ka Kung sa hirap o ginhawa Magsama sana sinta
Kung tayo'y magtatanan Ano man ang kahihinatnan Basta't tayo'y magkasama Walang gaanong problema
Ngayon tayo'y magtatanan Napag isip- isip mo na ba? Kung sakaling matuloy na Saan ba tayo titira?
E kung sa bahay ng pinsan ko Siguradong tiklo tayo (obvious ba?) E kung sa kamag-anak mo
Ang layo ng probinsya n'yo.
E kung tayo'y nagsasama na Makayanan mo kaya? Wala tayong hanap-buhay E di wala rin tayong pera Babalik tayo sa ating pamilya Hihingi ng patawad nila Doon din tayo makikitira... Ay...wag nalang kaya!
CADETE
Extremez
Bakit nga ba ipagpapalit ang cadete sa isang musikero Musikero kung magmahal, kung umibig ay tapat
Ng ako'y magtapat sa'yo Ang sabi mo pag-iisipan ko
Magkaganoon pa may, pinaasa mo ako Ngunit nalaman ko matinding hanap mo
Lalakeng makisig at maginoo Matapang, disiplinado
Sa kulay at tindig ang poste ay tinalo Minaliit mo ako at pinagyabang mong
KORO: May cadete ka na pala Ba't di mo ito sinabi sa akin May cadete ka na pala Ba't di ko ito nalaman agad
Kung iniisip mong naiinggit ako Pakinggan ang sasabihin ko
Simulan mo nang mag-ipon ng isang batalyon At sa pagsapit ng giyera'y tawagin mo sila
(Balik KORO)
Refrain:
Sayang lang ang siopao ko sa panliligaw ko sa'yo Sana ay sinabi mo na ng ako'y di na naghirap pa
Sa pag-iisa hinahanap kita Sa pag-lalakad malimit luminga Sa tuwing ikaw ay aking makita
May cadeteng kasama sabay pang magmartsa
(Balik KORO)
May cadete (3x) ...Cadete
LAST TRIP
J. Marasigan
Bakit nga ba ganito Ang nadarama ng puso
Nababaliw na yata o sa pakiwari Tumitibok para sa'yo
Ang samo ko sa langit Dinggin ang paghihirap ko
Nagbabakasakali na mayroong matamaan E paano kung magalit
Sana'y huwag naman
KORO: Malimit lumigalig
Pati ba naman sa panaginip? Lagi ka sa isip
Eto nga't tignan mo Nangangayayat na ako
Di ko naman ninais Na ika'y mapasaakin
Pero kung sabagay, puwede pang sabihin Puwede pang ihabol
Bakit nga ba hindi.
(Ulitin ang KORO)
Sa kakaisip sa'yo Sana'y pagbigyan mo Ang abang puso ko.
ISANG KUWENTO NG PAG-IBIG
J. Marasigan / W. Biag / A. Guillermo
Kasi ganito 'yan dalawang taon ang nagdaan Unang pagkikita punong-puno ng paghanga Sa simula'y sa akin lang
Pati barkada'y walang alam, sige lang.
Pinilit kong limutin ka Iwaksi sa aking isip Maging sa panaginip Di na mapigilan pa
Bangga na nga ang lahat-lahat Pati ang tatay mo
Kahit na nga ang nanay mo sige lang Tuloy lang, sige lang, tuloy lang Sige lang (tuloy lang)...
REFRAIN:
Ngunit tila ba ngayon
Di ko na nakaya, di ko na natiis Kaya't sasabihin ko na...
Na mahal kita (na mahal kita...) Oh...
Kasi ganito 'yan dalawang taon ang nagdaan... Na mahal kita....
PASKO NG KALAYAAN Malamig ang simoy ng hangin Sa tuwing ang pasko'y darating Ang payapa ay naitanim
Pag-asa ng bawat alipin
Pasko dito sa lupa
Ngayo'y may bagong sigla Sisikat sa silangan
Pasko ng kalayaan
Ang ligaya ngayo'y iiral At wala nang luhang daratal Sasaya ang bawat damdamin Pagsapit ng paglaya natin
KAMANYANG
Alay namin ang aming buhay
Sa mga taong buhay ay laan sa kapwa Sa mga taong ipiniit ang diwa't katawan
Sa mga taong mithi'y pagmamahal sa kapwa.
Sa buong sandaigdigan Ibon kaming naglalakbay
Ibon kaming nagbibigay ng buhay
Sa mga kaluluwang ginupo ng dusa't lungkot.
Ibon kaming nag-aalay ng aming awit Sa mga taong bahaw ang tinig
Sa mga taong lubos ang pagsamba Sa katarungan, kapayapaan at kalayaan.
Palalaganapin namin ang diwa ng kamanyang Ipupunla namin binhi nitong pagmamahal Walang pipiliing bayan, kulay o pagkatao
HANDOG NG PILIPINO SA MUNDO
Ilang taon na ang nagdaan Naaalala mo pa siguro kaibigan Dilaw ang kalsada dagsa ang mga tao "Okey ang Pinoy" ang sabi sa radyo
Nagbago ang lahat, nawala na ang gulo Bagong pag-asa, bagong pangako Nagkapit-bisig madre, pari at sundalo Tanda mo ba ang sumpa mo sa bayan ko?
Handog ng Pilipino sa mundo
Mapayapang paraang pagbabago...naglalaho
Mabilis umigsi ang mitsa ng ala-ala
Kamakailan lamang ay walang papayag na... Mawala muli na muling mabawi
Ang kalayaang akala'y naipagwagi
Patuloy ang usad ng ating kasaysayan Patuloy din ang paglubog ng ating bayan Bagong pag-asa ba o kahirapan
Tanda mo ba ang sumpa mo sa bayan ko?
Katotohanan, kalayaan, katarungan
Ay kayang makamit nang walang dahas...nasayang lang
Sa gitna ng pandarahas at pagpaslang Mawawalan ba ng pag-asa ang bayan? Balikan ang tinahak nating daan Ipaglaban ang tunay na kalayaan Kaya't mag-kaisa tayong lahat Ahh...
BASTALALA
J. Marasigan / A. Guillermo / M. Atienza / M. Sotero
Lalalalala....( 4 rounds) Lalalalala....(2x)
Kung akala mo ako'y nababato Bastalalalalalala...
Basta may kumpas, basta may himig Bastalalalalalala...
Lalalalala...(4x)
Samahan nyo ako, sa awit kong ito Bastalalalalalala...
Sumabay ka sa kumpas, sumabay ka sa himig Bastalalalalalala...
Lalalalala...(1x)
Lalalalala...( 4 rounds) Lalalalala...(2x)
BEBSAT SAN KAIGOROTAN Bebsat san Kaigorotan
Linaylayad din kabunian Manipud pay lang sin kaysan Babaeen din kaapuan, ay ay
Si kabunian inted nan ugali Pakailasinan di puli
Siyan sursuro ay nasudi Di ibain wenno ipakni, ay ay
Dad sursuro ken adal
Moderno man ken kadaanan Adi na koma dangranan Kultura ay kapintasan, ay ay
Nu bayabay-am din kultura Mapukaw mo ladawan dad ama Malipatam to met nu asino ka San rugin di historya, ay ay
Nan ugali intako pilien Ayug sala panagsangaili Kooperasyon ken bodbodong Alikam di biag ay nabalor, ay ay
Nan ugali intako pilien Nan amay intako aywanan Nangruna nu maiparbeng San ayus nan panawen, ay ay
Iduani ay kakadua Intako menkaykaysa Mangilaban si kultura
San Kaigorotan ay daga, ay ay
Dongdong ay sidong ilay Insinalidumma-ay
Dongdong ay sidong ilay Insinalidumma-ay, ay ay
SANA (Bakasyon Na!) A. Guillermo
I
Bakit ginugulo ang aking isip Marahil ako na nga ay umiibig
Mga larawan mo katabi sa pagtulog ko Dahil nais ikaw ang panaginip
II
Mga araw bakit nga ba tila kay bagal Naiinis dahil nais ka nang kapiling Sa ikot ng mundo inip na inip na ako Bakit hindi umikot nang matulin
1 KORO:
Kailan nga ba ang muling pagkikita Bawat araw ay inaasam ko na Kailan pa ba? Kailan na nga?
Sana naman--malapit na (o malapit na)
(Ulitin ang I )
2 KORO:
At sa ating muling pagkikita Laman ng puso ay isisigaw ko na Ano kaya, puwede kaya
Sige na nga---mahal kita (o mahal kita)
Kailan nga ba ang muling pagkikita Bawat araw ay inaasam ko na Kailan pa ba? Kailan na nga?
AWIT NG PETI-BURGIS
Pasakalye: Kapayapaan, katarungan ay di, di dapat hadlangan Pagtutulungan, dito magkaisa bawat taumbayan
Buhay na nagisnan, puno ng ginhawa
Buhay na kumupkop di yata makakayang iwan Buhay na kay hirap, bagay na di gagap
Bukas o nakaraan, saan nga ba ang patutunguhan.
Nagugulhan ba ako ngayon Naghihintay na sila roon
KORO:
May panahong magduda't magtanong
Ngayon ang panahon ng pagharap at pagsulong Pagtatanong ay huwag lubayan
Tunggalian ay walang katapusan.
Aking mga mata'y malinaw ang nakita Luha ng kapatid, dusa na di mapapatid Diwa ay natalos, humayo at kumilos
Tawag ng pangangailangan di na matatalikuran.
At ang bisig ko'y handa na ngayon At makakayang iwan ang noon
(Ulitin ang KORO)
May buhay na sa baya'y nilaan Kalayaan ay bigyan ng daan
Tanging hangad mo'y mulat na isipan Dito sa ating kinagisnang ba--yan.
ANAK NG SULTAN
Sa isang pulo sa Katimugan sa isang maharlikang tahanan May isang binatang pinaparusahan tanging hangad kapayapaan Sinaway niya ang kanyang amang sultan
Pagkat ang nais niya'y katahimikan
Katahimikan sa kanyang bayang sinilangan. Ang anak ng sultan ngayo'y pinaparusahan Pagkat duwag daw ang angkan.
Ngunit duwag ba ang tawag sa mga taong ang hangad ay kalayaan Sigaw ng puso niya'y kapayapaan sa kanyang bayang sinilangan
Magtiis ka muna kaibigan, may ilaw sa kabila ng kadiliman Dagat man daw na kay lalim may hangganan
Umasa ka't maririnig ang sigaw mong kapayapaan. Ako'y nagtataka kung bakit ang magkapatid
ay dapat pang maglaban-
Ako'y nagtataka kung bakit may taong kapwa tao'y pinapahirapan Kailan pa matatapos ang paghihirap ng aking kalooban
(Magtiis ka muna kaibigan) Ang takbo ng buhay dito sa mundo ay di ko maunawaan
(Ang buhay ay di mo maunawaan) Kailan pa kaya makikita ang hinahanap kong kapayapaan
(Ang lahat ng bagay ay nagdadaan lamang) Kailan pa masasagot ang lahat ng aking mga katanungan
(Lahat ng kasaguta'y nasa iyong pinanggalingan)
(acapela): Magtiis ka muna kaibigan
May ilaw sa kabila ng kadiliman
Dagat man daw na kay lalim, may hangganan Umasa ka't maririnig ang sigaw mong kapayapaan... Magtiis ka muna kaibigan...
UNANG TAGPO(Halaw sa tula ni Almario)
Sa baryo ng Alikabok Sa baryo ng Alikabok Walang hindi inaantok Walang hindi inaantok Laging taob ang palayok Baraha ay sinusuksok Nililimbag kahit sandok At sa hangin sumusuntok
Paniwala ni Ka Marya: Ang pangaral kay Tulume: "Kapag Linggo ay magsimba "Ang pawis ay walang silbi; Ang problema'y i-nobena Kapag ikaw ay sinuwerte At sa Diyos...ay umasa." Mapupuno...rin ang butse."
Sa baryo ng Alikabok Sa baryo ng Alikabok Walang hindi inaantok Walang hindi inaantok Tumamis man ang sampalok Pumuti man ang buhok At mapatag pati bundok Kalawangin man ang gulok Kawikaan ni Mang Kintin: Sa baryo ng Alikabok "Sa tag-ulan ay magtanim Walang hindi inaantok Pagkatapos ay humimbing At ang lahat ay nalugmok. At maghintay...ng kakanin
AWIT KAY TULUME ( ibi espiritu )
Tulume, bakit ka namimingwit sa patay na sapa? Naghihintay ka ba ng tangang isda
Makahuli ka man ng balisang awa Humanda ka sa pusang mataba (miyaw!)
O Tulume Biglang-awa
Hayan na baka pati salawal ay mabasa Sa tubig ng bulag na sapa
AWIT NG MAGBUBUKID
Tayong mga anak ng lupa
Bungkalin ang bukid ng pagkaka-isa Nang makamtan ang lupang sinasaka At anihin ang tunay na paglaya.
Datayo nga anac ti daga
Araduen talon ti panagkaykaysa Tapno bin-it waywaya ti manalon Agbunga ken maapit tayon
Palay ay tinanim, ginapas At alay sa bayan ang lakas Ngunit hindi man lang matikman Ang bunga na pinagpaguran
Lupang sinasaka'y di sa'tin Kay taas ng mga bilihin pagdating na ng bahaginan may utang pa sa namuhunan
Kitang mga anak ng yuta
Bungkalon ang bukid ng kagawasan Yuta nga atong gitamnan karon Kita na ang tag-iya puon
Tubusin ang dugong dinilig Ni Pedro Pilapil at Maria Ni Tano at mga bayani Ng daang Mendiola.
ANG BATA
Ang bata may dalang isang laruang lata Hila-hila sa kalssadang makipot at sira pa Butas ang damit, marumi ang ayos niya Siya ang bagong Pilipino
Ang bata may muta tinunaw na ng kanyang luha Panis na laway, naghihintay sa kapirasong pandesal Ngunit mataas na ang araw sa silangan
Wala pa rin si ama
Ang bata nakayakap, dinadama ang init ni ina Malakas na ulan, malakas na kulog, tinatakot siya Pinto ng bahay, bubungang sira-sira
Ang tanging karamay niya
Koro: Ang bata, ang bata, kawawang mga bata
Saan sila patutungo, saan papunta Dito ba sa lupang puno ng kaguluhan Puno ng kasawian
Ang bata nakayapak, nakatingkayad sa bintana Siya'y nakasilip, nakikinig ng gulo sa labas Bakit ang buhay, paligid ay ingay
Natutulig na ako.
DIWA NG PASKO (ani montano)
Huwag mong sisihin ang mahirap mong ina Kung ang diwa ng pasko'y di maipadama Darating din ang araw tayo'y magsasaya Paligid mo'y tiyak na mag-iiba
Halina neneng tawag ka ni inay
Munting pamasko ang sa'yo'y ibibigay Isang pagmamahal ang tangi niyang alay
Huwag mong hanapin ang magarang damit Yayakapin kita sa taglay kong init
Sa araw ng pasko kung sila ay masaya Pasko sa atin ay dusa
Bakit ang araw ng Pasko'y hubad sa kulay Pawang pagpapanggap, pagtulong sa mahihirap Bakit ang diwa ng Pasko'y salat sa buhay
Pagtulong sa kapos taunang seremonya
Di ba't ang tunay na diwa (ang tunay na diwa'y) Pagtulong sa kapos (pagtulong sa kapos) Ng mga sagana (ng mga sagana....)
At ang itim na maskara (itim na maskara'y) Dapat nang tanggalin (dapat nang tanggalin) Nang diwa'y makita (nang diwa'y makita...)
At ang itim na maskara (itim na maskara'y) Dapat nang tanggalin (dapat nang tanggalin) Nang diwa'y makita
BUHAY AT BUKID
Ang buhay niya ay bukid, kaulayaw bawat saglit Munti niyang pangarap dito na nailibing
Kailan pa ba makikita ang lupang minana Ay maari na ring tawaging kanya
Bawat butil na pinagyaman ay pait ng kawalan Sa gitna ng kahirapan may uring nakinabang Kailan pa ba makikita ang lupang minana Ay maari na ring tawaging kanya
Lalaya rin ang lupa at mga magsasaka Tutulungan sila ng mga manggagawa Babawiin ang lupang ninakaw ng iilan At ang bunga ng lupa'y bayan na ang aani. Lalala...
BAYAN NAMING MINAMAHAL
Bayan naming minamahal, bayan naming Pilipinas Ang buhay ay puhunanin, makamtan lang ang kalayaan Bayan naming minumutya, kami'y handang magpakasakit Ang buhay ay nakalaan, dahil sa'yo o aking bayan.
KORO: Perlas ka ng silangan, may likas kang kayamanan
Dahil dito'y sinakop ka ng mga dayuhan
Kaya dapat kang magtanggol, lumaban ka o aking bayan. Perlas ka iti daya, kinabaknang adda ken ka
Gapu daytoy inadipen da ka Ganganaet ti nagrugbaam Ngarud ili salaknibam Wayawaya ti kasapulan
APO SANDAWA
Sa banal na lupain, buhay ay ihahain At ika'y payapain, samo ay dinggin
Ang sundang ng pag-unlad, sa puso'y itinarak At ngayo'y winawasak, lupa ng iyong anak
KORO: Gunita at pamana
Likas yaman, aruga Sa tinubuang lupa Sa tinubuang lupa
Salagin ang pagdating, ng sigwa na aangkin Sa banal na lupain, buhay ihain (KORO) Sa banal na lupain, buhay ay ihahain At ika'y payapain, samo ay dinggin Pagpalain mo nawa kalinawan ng diwa Lakas na di huhupa, tapang at kalinga Apo Apo Sandawa...
ATING AWIT
Tulad ng apoy ang pag-ibig natin Tulad rin ng patak ng ulan
Di ba't pag-ibig ang nagbuklod sa atin upang magkaisa Sa panahon ng lungkot at alinlangan, tayo ay magkaramay Sa ligaya't mga kabiguan tayo'y magkasama
Sa init at lamig ng lansangan nabuhay ang ating awit Tulad ng isang bagong umaga, liwanag ang hatid niya
Malayo pa ang ating lalakbayin, maraming awit pang lilikhain Hanggat buo ang puso at damdamin, laya ay darating din KORO:
Ang ating awit ay awit ng kalayaan Ang ating himig ay pag-ibig
Hanggang kayo ay kasama ko Lilikha tayo ng awit
Apoy itong magliliyab sa magdamag
ANG MAPULANG ARAW NG KALAYAAN
Patak ng ulan, sa lupang tigang Wari ay luha ng mga mamamayan Subalit di luha ang laging daratal Habang di tulog ang isip at laman
KORO: Mga inaapi, titindig, tatanaw
Sa dakong silangan
Kung saan sisikat ang mapulang araw ng kalayaan
DAM
Sa ngalan ng huwad na kaunlaran Ang bayan ay sa utang nadiin At ito nga ang kabayaran Ang kanunu-nunuang lupain Ang mga eksperto'y nagsasaya At nagpupuri at sumasamba Sa wangis ng diyos-diyosan nila Ang dambuhalang dam
Dam dam dam dam damdararam Dam dam dam dam damdararam Dam dam dam dam damdararam Ang dambuhalang dam
Ang mga tribo'y nagtatangis Nananaghoy at nababaliw
Habang ang mga turistang mababangis Nalilibang at naaaliw
Sa mga pulubing nagsasayaw Mga katutubo ng Ambuklao Na napaalis kahit umayaw Alang-alang sa dam
Dam dam dam dam damdararam Dam dam dam dam damdararam Dam dam dam dam damdararam Alang-alang sa dam
Sa San Roque matutunghayan Proyekto ng gobyernong sakang
Habang ang ating gobyerno‟y walang paki-alam Malunod man ang pamayanan
Sa santo pa ipinangalan
Demonyong kanilang kinababaliwan Ang salot sa mamamayan
Ang San Roque dam
Titigan ninyo ang gahiganteng bato Nagsasalarawan ng lipunang ito Tulad ng mga gumawa rin nito Walang pakiramdam
PILIPINO KA
Dinggin mo karaingan ng ating mamamayan Silang naghirap sa ilalim ng kaapihan Sila ang masang dapat mong paglingkuran Dapat mong paglingkuran
Manggagawa, sa pawis niya'y tubo ang siyang nakukuha Ngunit ang bunga ng kanyang hirap at dusa
Lumuluha man siya'y walang nakukuha Api ka manggagawa
KORO: Tignan mo pagmasdan mo ang ating kapaligiran Kaapiha'y makikita mo kahit saan Manatili nalang ba kayang ganyan?
Magsasaka, daan-daang taong natali sa lupa Lupa na kailan ma'y hindi mapasakanya Hanggang itong tanikala'y lagutin niya Api ka magsasaka
(Ulitin ang KORO)
Kumilos ka, baguhin mo ang ating kapaligiran Makiisa ka sa aping mamamayan
Pilipino kang may pananagutan Pilipino kang may pananagutan
KALAPATING BUGHAW
Kalapating bughaw sa kalawakan
Sugatan ang bagwis, tuloy pa rin sa pagkumpay Hanap niya'y pugad na mahihimlayan
Hanap niya'y pugad na mahihimlayan
Sakaling ang ibon ay inyong mapapansin Pakiusap ko lang, huwag siyang barilin Hanap niya'y pugad, di sariling libing Hanap niya'y pugad di sariling libing
Sa halip ay buksan bintana ng puso Kalapating bughaw hayaang dumapo Hayaang awitin himig ng pagsuyo Dinggin ang awit ng kanyang pagsuyo
Sa paa ng ibon ay inyong mapapansin Mayroong nakataling kapirasong papel Kalatas na ito ay inyong basahin Duguang kalatas inyong unawain
"Ako ang ibong sinugo ng bundok
Binagwis ang gubat sa kumpas ng putok Hanap ko'y lunas sa sugat ng poot Hanap ay pag-ibig, pamawi ng kirot."
Kalapating bughaw sa kalawakan
Sugatan ang bagwis, tuloy pa rin sa pagkumpay Hanap niya'y pugad na mahihmlayan
ANGKAN NI EBA
Kay layo na nang narating ng angkan ni Eba Mula sa dahon ngayo'y de-pantalon
Malayo na ang narating, angkan ni Maganda Mula sa kawayan ngayo'y nasa pabrika Mahaba-haba rin ang daang nilakbay 'Sang laksang bangin nilaktaw sabay-sabay Sabi ng iba sila'y liberated na
Tuwang-tuwa sila sa pagsusunog ng bra
KORO: Ay, ay Eba, ay ay Maganda
Tunay ba ang laya kung iilan lamang Ang nakikinabang sa yaman ng bayan Magsunog man ng bra ay kulang pa
Malayo pang lalakbayin ng angkan ni Eba Nakapantalon nga'y hubad sa biyaya Malayo pang lalakbayin angkan ni Maganda Nasa pabrika nga'y bunga'y di sa kanila Sila'y kabilang sa aping mamamayan Ginagahasa ng mga dayuhan Ngunit pagtitiis ay may hantungan Sila'y kabilan sa bayang lumalaban
KORO: Ay ay Eba, ay ay Maganda
Ang tunay na kalayaan makakamtan lamang Kung tayo'y makiisa sa sambayanan Nang pagsasamantala'y mawakasan Nang pagsasamantala'y mawakasan.
WAR OF THE FLEA
I. Songs of the night, war of the flea Deep inside the jungle you'll find me War of the small war of the flea Where the strongest bomb is human Who's bursting to be free
And the moon will be my lantern And the night will find a way To sow the seeds of courage That may blossom in the day
Fashion-up a garden, so green before they came
Our joys will be the sunshine and our tears will be the rain.
(Repeat I)
And the cave will my shelter And the earth will be my bed
Life will be the pillow upon which I lay my head Death may come tomorrow
Our dreams may come tonight
To frighten-off the demons that still remain to fight
PAG-IBIG SA TINUBUANG LUPA
Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya Sa pagkadalisay at pagkadakila Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa Aling pag-ibig pa, wala na nga wala
Walang mahalagang hindi inihandog
Nang may pusong wagas sa bayang nagkupkop Dugo, yaman, dunong, katiisa't pagod
Buhay ma'y abuting magkalagot-lagot
Ang nakaraang panahon ng aliw Ang inaasahang araw na darating Ng pagkatimawa ng mga alipin Liban pa sa bayan, saan tatanghalin Sa aba ng abang mawalay sa bayan Gunita ma'y laging sakbibi ng lumbay Walang ala-alang inaasam-asam Kundi ang makita'y lupang tinubuan
Kayong nalagasan ng bunga't bulaklak Kaho'y niyaring buhay na nilanta't sukat Ng balabalakid makapal na hirap Muling manariwa't sa baya'y lumiyag
Ipagkahandog-handog ang buong pag-ibig Hanggang sa may dugo'y ubusing itigis Kung sa pagtatanggol buhay ang kapalit Ito'y kapalaran at tunay na langit
Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya Sa pagkadalisay at pagkadakila Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa Aling pag-ibig pa, wala na nga, wala Gaya ng pag-ibig sa tinubuang lupa Aling pag-ibig pa, wala na nga, wala.
BABAE KA
Babae Ka, hinahangad sinasamba
Ipinagtatangol, ikaw nama'y walang laya
Ang daigdig mo'y lagi lang nasa tahanan
Ganda lang ang pakinabang sa buhay walang alam
Ang pinto ng pag-unlad
Sayo'y laging nakasara
harapin mo, buksan mo
ibangon ang iyong pagkatao
Babae ka
Kalahati ka ng buhay
Kung ikaw kaya'y wala, san ang buhay ipupunla?
Pinatunayan mo kaya mong ipaglaban
Ang iyong karapatan at ganap na kalayaan
Ang pinto ng pag-ulad
Sa'yo ngayo'y nakabungad
harapin mo, buksan mo
ibangon ang iyong pagkatao
Babae ka…
Dahil sa akala ay mahina ka
halaga mo ay di nakikita
bisig mo man sa lakas ay kulang
ngunit sa isip ka biniyayaan
upang ang tinig mo'y maging mapagpasya
Upang ikaw ay lumaya
Lumaban ka
BABAE
1. Kayo ba ang mga Maria Clara Mga Hule at mga Sisa Na di marunong na lumaban Kaapiha'y bakit iniluluha
Mga babae kayo ba'y sadyang mahina
2. Kayo ba ang mga Cinderela na lalaki ang tanging pag-asa O kayo nga ba ang mga Nena na hanap-buhay ay pagpuputa Mga babae kayo ba'y sadyang pang-kama
KORO: Ang ating isip ay buksan, at lipunan'y pag-aralan Pa'no nahubog inyong isipan at tanggapin Kayo'y mga libangan
Mga babae ito nga ba'y kapalaran
3. Bakit ba mayrong mga Gabriela, mga Teresa at Tandang Sora Na di umasa sa luha't awa, sila'y nagsipaghawak ng sandata Mga babae ang mithiin ay lumaya
4. Bakit ba mayrong mga Lisa, mga Liliosa at mga Lorena Na di natakot makibaka, at ngayo'y marami nang kasama Mga babae ang mithiin ay lumaya
(Ulitin ang KORO) (Ulitin ang 4)
Mga babae ang mithiin ay lumaya!
PATALASTAS
Wala nang imposible ngayon sa siglo-bente Kahit na elepante sasayaw sa aspile
Sa pag-ikot ng mundo, nakalog nang kung ano May pumada sa kalbo, electric fan sa disyerto.
KORO: Patalastas ay salamangka Na pilit lumilikha Ng baluktot na pagnanasa Papuri sa banyaga
Puputi ang labada kahit na di ikula
Wiskey ba o artista ang puwedeng pangromansa? May delatang fresh na fresh, patis walang kapares Sigarilyong pang-macho, pabango para sa B.O.
(Ulitin ang KORO)
Tansang Pepsi at Coke, may kapalit daw na tsekot Butter na margarina nagpapatangkad pa
Kotseng di nasisira itawid man sa baha Mura pa at magara, buo kahit mabangga.
(Ulitin ang KORO)
Si Vilma't Nora Aunor may kanya-kanyang sabon Isteyt-sayd na kolon at relong yaring hapon Kung di na makunsinte at lahat ay mapundi Lintek na negosyante, sarap sipain beybe
ALAY KAY MACLIING
Sa ilog Chico, doon sa bundok May isang bayani, minsa'y nalugmok Macliing Dulag ang kanyang ngalan Siya'y pinaslang ng mga militar Siya'y namuno't lumaban Tribong Kalinga't tribung Bontoc Nakikibaka doon sa bundok Si ama Macliing ay napabalita Sa kanyang tatag, tibay ng loob Ang dam sa tribo'y tutupok
KORO: Kayat ang sigaw ng mga katutubo
Ipagtanggol ang lupain ng kanilang ninuno Hanggang si ama Macliing
Binaril ng sundalong taksil sa bayan Dayuhan ay umaalipin.
PARA SA SAMBAYANAN
Tulog na bunso ang 'yong ama ay, nasa malayong bayan Ang gawain niya ay di maiwan para sa sambayanan.
Kung malaki ka na't may isip na ikaw ay susunod na rin ba? Sa iyong ama at ibang mga kasama, pinaglilingkuran ang masa
Tulog na bunso ang 'yong ina ay, nasa malayong bayan Ang gawain niya ay di maiwan para sa sambayanan.
Hinihintay nila ang iyong paglaki, at ang iyong pagsali Sa pakikibaka para sa demokrasya, kahit sila'y wala na.
Tulog na bunso ang 'yong magulang, nasa malayong bayan Ang gawain nila ay di maiwan para sa sambayanan.
Para sa sambayanan Hmm...
PAGSAMBA AT PAKIKIBAKA
Ang pagsamba at ang pakikibaka Pagpupuri at ang pakikipagkapwa Ang pagsamo at pakikisalamuha Sa pangalan Niya.
KORO: Alang-alang sa Kanyang kadakilaan Ang katarungan at kapayapaan
Alang-alang sa Kanyang kaluwalhatian Ang kalayaan ng sambayanan
Pagsasapamuhay ng ating pananalig Bunga ng pinakadakila Niyang pag-ibig Ang gawa ng pananampalataya
Sa pangalan Niya. (Ulitin ang KORO)
Si Kristo ay sapat at ganap na kaligtasan Ng ating kaluluwa at lupang katawan
Kung mahal natin ang Diyos, ang dukha't nagdarahop Ang api at hikahos, sa pangalan ni Hesus
Kalingahin na.
O JUAN
Araw-araw kang nananalangin sa Ama At Linggu-linggo, laging nagsisimba Ngunit ang mata nakapikit sa mga aba Araw-araw din di mo napapansin
KORO: O Juan malabo pa relihiyon mo'y malabo pa
Hanggat di mo napag-iisa ang pagsamba sa pakikibaka O Juan malabo pa ideolohiya mo'y malabo pa
Hanggat di mo napag-iisa ang pakikibaka sa pagsamba
Kung saan-saan ika'y nakalaan Nakikiisa sa taumbayan
Laging may lugar, laging katuang Ngunit sa puso ika'y walang laman
PAGKATAPOS NG DIGMA
Paglaho ng usok sa lara ng digma, lilitaw ang lunti ng damo At tatangayin ng hanging sariwa, amoy ng pulbura at abo O...pagkatapos ng digma ay ....payapa
Pagtigil ng gulo at mga labanan, sugatan ay aalagaan Ang mga bayani ay pararangalan, pinaslang laging tatandaan O...pagkatapos ng digma ay....paghilom
Ang mga manlulupig ay uusigin Ang bawat krimen nila'y lilitisin Kundi sa pagka-gahaman nila Tayo'y di na ngailangang mag-alsa O...pagkatapos ng digma ay ....hustisiya.
Ang mga magsinta'y muling magkikita Mag-anak muling magsasama
At mula sa abo, tayo'y magpapanday, nang sariwa at bagong buhay O...pagkatapos ng digma ay ....ligaya
Ang tigang na lupa'y muing bubungkalin At ang ani'y laan sa atin
Ang mga pabrika'y muling paaandarin, likhang yaman ay ating angkin O...pagkatapos ng digma ay.... sagana
At kung ang bayan ay muling lupigin At laya natin ay tangkang agawin Hindi na muling paaalila
Kapit sa sandata'y di manghihina O...sa digmaan, sisilang ang paglaya
INTERNATIONALE (Filipino) G-C-Em-Am-D-D7
G C-Em-Am Bangon sa pagkakabusabos D G-D7 Bangon mga bihag ng gutom G C-Em-Am Katwiran ay bulkang sasabog D G Buong lakas na dadagundong D A D Gapos ng kahapo'y lagutin A D7 Tayong api ay magbalikwas D G C-Em-Am Tayo ngayo'y inaalipin D A D-D7 Subalit atin ang bukas
KORO:
G C-Em-Am Ito'y huling paglalaban D G-D7 Magkaisa nang masaklaw G C
Ng internationale Am D-D7 Ang sangkatauhan G C-Em-Am Ito'y huling paglalaban D G Magkaisa nang masaklaw C-EmAm
Ng internationale D D7 G –D7 Ang sangkatauhan
Wala tayong maaasahan Bathala o manunubos
Kayat ang ating kaligtasa'y nasa ating pagkilos
Manggagawa bawiin ang yaman Kaisipa'y palayain.
Ang maso ay ating tanganan Kinabukasa'y pandayin (Ulitin ang KORO)
Manggagawa at magsasaka Ating partido‟y dakila
Palayasin ang mga gahaman Sa anakpawis ang daigdigan
Wakasan pagsasamantala Ng mga bwitre at uwak Sa umagang sila‟y maglaho Mapulang araw sisikat (Ulitin ang KORO)
KAPAG SINABI KO SA'YO Gary Granada
Kapag sinabi ko sa'yo na ika‟y minamahal Sana'y maunawaan mo na ako'y isang mortal Di ko kayang abutin ang mga bituin at buwan, O di kaya‟y sisirin perlas ng karagatan.
Kapag sinabi ko sa'yo na ika'y iniibig
Sana'y maunawaan mo na ako'y taga-daigdig Kasama ng karamihan, karaniwang karanasan Dala-dala kahit saan, pang araw-araw na pasan.
Ako'y hindi romantiko, sa'yo'y di ko matitiyak Na pag ako'y kapiling mo, kailan ma'y di ka iiyak Ang magandang hinaharap, sikapin nating maabot
Ngunit kung di pa maganap, sana'y huwag mong ikalungkot. Kapag sinabi ko sa'yo na ika'y sinisinta
Sana'y ibigin mo ako, mulat ang 'yong mga mata Ang kayamanang kong dala, ay pandama't kamalayan Na natutunan sa iba na nabighani sa bayan.
Halina't ating pandayin isang malayang daigdig Upang doo'y payabungin, isang malayang pag-ibig Kapag sinabi ko sa'yo na ika'y sinusuyo
Sana'y yakapin mo ako, kasama ng aking mundo.
ABAKADA
Ako'y guro doon sa iskuwelahan, ngayong panahon ng kahirapan Ituturo ko'y inyong pakinggan, dahil ito lang ang aking alam
Abakada-egaha, ilamana para sa buwaya.
Ako'y guro doon sa iskuwelahan, itinuturo ko'y hindi ko rin alam Dahil noon, hindi tinuro iyon ng propesor kong gung-gong.
Abakada-egaha, ilamana para sa buwaya.
KORO: Edukasyon na huli sa panahon
Ugat ng kahirapa'y silbi'y katangahan Pilipino ka na naturingan
Edukasyon mo'y tiratirahan.
Abakada-egaha, ilamana para sa buwaya.
Ang tawag sa'kin ay "propesor", disente ang suot, ayos ko'y pormal Ngunit bulsa ng aking salawal, kung sisilipin mo'y ulo ni Rizal.
Abakada-egaha, ilamana para sa buwaya.
Hoy Tentoy huwag kang mag-ingay, makinig sa akin at huwag kang dumaldal
Pagkatapos ng kursong gusto mo matutuwa'ng mundo pero tambay ang bagsak mo.
Hoy Tikboy sige't mag-ingay, okey lang sa akin kahit dumaldal Pag tanda moy hindi hihiwalay
Sa sinapit kong malas sa buhay.
KANLUNGAN (Buklod)
Panapanahon ang pagkakataon, maibabalik ba ang kahapon? Natatandaan mo pa ba, nang tayong dalawa ay unang magkita? Panahon ng kamusmusan, sa piling ng mga bulaklak at halaman Doon tayo nagsimula, mangarap at tumula
Natatandaan mo pa ba inukit kong puso sa punong mangga?
At ang inalay kong gumamela, magkahawak-kamay sa dalampasigan Malayang tulad ng mga ibon ang gunita ng ating kahapon
Ang mga puno't halaman ay kabiyak ng ating gunita Sa paglipas ng panahon bakit kailangan ding lumisan? Panapanahon ang pagkakataon, maibabalik ba ang kahapon? Ngayong ikaw ay nagbalik, katulad ko rin ang 'yong pananabik Makita ang dating kanlungan tahanan ng ating tula at pangarap Ngayon ay naglaho na, saan hahanapin pa.
Lumilipas ang panahon, kabiyak ng ating gunita
Ang mga puno't halaman bakit kailangan ding lumisan? Panapanahon ang pagkakataon, maibabalik ba ang kahapon?
HUWAG KA NANG LUMUHA
Huwag ka nang malumbay aming inang bayan Anak mo'y narito ngayo'y lumalaban
Ano mang hirap, aming lalagpasan Buhay ma'y i-alay san 'yong kapakanan.
Huwag ka nang lumuha aming inang bayan Kung sa anak mo'y mayrong mabuwal Maraming magbabangon kapalit na kawal Moog na bakal ang siyang kapantay
KORO: Kasama'y hawakan mga kapatid
Pawiin ang luha ng inang may hapis Dangal na niyuraka'y ating itindig Kalayaa'y tanghalin (angkinin)
Ang ating kilusan nang ito'y itatag Layunin nito'y iwaksi ang paghamak
Ang bayang lumalaban, ngayo'y lumalakas Naghahari'y lulupigin hanggang sa wakas
Kasama'y hawakan mga kapatid Pawiin ang luha ng inang may hapis Dangal na niyuraka'y ating itindig Kalayaa'y angkinin ...
HINIHINTAY (bong ramilo)
Hinihintay ang pagtatapos ng isa pang araw ng paggawa. Nagmamadali sa pag-uwi, dala ang gamot ng panganay Iduduyan niya hanggang mahimbing, twing uubo ay hahaplusin Ihehele niya pag-magigising nagtataka't di gumagaling.
Hinihintay umigsi ang pila ng nag-aabang sa ospital Nagmamadali sa pag-uwi, walang pambayad kaya't itinaboy Iduduyan niya hanggang mahimbing, twing uubo ay hahaplusin Ihehele niya pag-magigising nagtataka't di gumagaling
Hinihintay dumaan ang oras, nag-aalala sa naiwang anak Nagmamadali sa pag-uwi, kahit di pa tapos ang paggawa
Maduduyan pa ba hanggang mahimbing, mahahaplos pa ba niya tuwing uubuhin Mahehele pa ba pag nagigising, magtataka pa ba?
Hinihintay masaid ang luha Ang panganay ayaw nang umubo.
KASAYSAYAN
May isang bayan doon sa silangan Pilipinas ito ang aking bayan
Perlas ng silangan sa taglay niyang yaman Lahing kayumaggi handang makipaglaban
Subalit dumating ang dayong Kastila Dala nila'y kultura na sa atin ay luminlang Tanging hangad nila ay ang ating yaman At ang bayang tumutol kanilang pinaslang
Subalit maraming bayaning lumaban At sumiklab ang himagsikan
Maraming nag-alay ng kanilang mga buhay Kalayaang nais unti-unting sumilay
Subalit sumalakay dayong Amerikano Kanilang inagaw ang ating kalayaan Kanilang ibinigay huwad na kalayaan
Kayat ang ating baya'y pinagharian na ng dayo Kayat ang ating baya'y naging isang bilanggo
Subalit di pa tapos ang ipinaglalaban
Hangga't ang ating bayan ay hawak ng dayuhan Hindi dapat tumigil hanggat hindi makamtan Ang hangad ng bayan ay tunay na kalayaan!
PANDAIGDIGANG KAPATIRAN
Pagkat dapat magkapatiran ang lahat saan mang bayan Sa isang bigkis magka-isa habam-buhay na Malaya
Walang tiranong gagapi sa atin, walang bansang sa atin ay dadagan Palalayaain tayo ng manggagawa ng buong daigdigan
Ang lahat ay aking kapatid habam-buhay kakapit-bisig Batingaw ng kalayaan sa bayan ko‟y lagging maririnig
Ang kasiyahan at kalungkutan ng itim dilaw puti kong kapatid Ay kasiyahan at kalungkutan ng buong daigdigan
Padagundungin lahat ng tinig bawat puso‟y laksan ng pintig
Hanggat may tiranong di pa nalulupig di pa tapos ang ating tungkulin Wala tayong kalulimutan, panahong nawala‟y babawiin
Kadenang pang-alipin ay lalagutin sa buong daigdigan Kadenang pang-alipin ay lalagutin sa buong daigdigan
Because all men are brothers wherever men may be One union shall unite us forever proud and free No tyrant shall defeat us, no nation strike us down
All men who toil shall free us the whole wide world around. My brothers are all others, forever hand in hand
Hear the chimes of bells of freedom here in my native land My brother‟s fears are my fears whether yellow white or black My brother‟s tears are my tears the whole wide world around Let every voice be thunder, let every heart beat strong Until all tyrants perish, our work shall not be done Let not our mem‟ries fail us the lost years shall be found And slavery‟s chains be broken the whole wide world around.
SOLIDARITY SONG
RIDAW: j. marasigan / m. sotero Behold the people uniting With one voice hear us singin‟ No ocean shall divide us, Nor the sky defy us
For we are in solidarity, we are the people Tolls of bells are ringing
Throughout the world resounding See the people marching
Towards the new dawn rising And we are in solidarity Tomorrow we shall all be free
Ref. We shall overcome someday
Our hopes and dreams shall not be in vain We shall overcome someday
Bonding across the land… We shall overcome someday
Our future‟s just a stone throw away We shall overcome someday
Our freedom is at hand Freedom…
Whether yellow white black or brown No tyrant shall ever put us down The chains that bind us to the ground Be broken the whole wide world around For we are in solidarity
We are the people Let‟s break the isolation Unite under one union Our common aspiration A people‟s revolution And we are in solidarity
Tomorrow we shall all be free (Repeat Ref) Sweet freedom,
Freedom, sweet freedom. Freedom…
MAKABAYANG RAP
1. Magandang _____sa inyong lahat, makinig kayo sa sasabihin ko Dumating na, dumating na, tropa ng Kano na pasista
Kaya dapat tayong magka-isa, kumilos at lumaban na Say NO...Ayoko...Tropa ng Kano sa bayan ko...
2. Mababasa nyo sa pahayagan, ang walang kwenta na balikatan Ang bayan daw ang makikinabang, Terorismo daw ang kalaban, Pumayag din si ate Gloria, sa kagustuhan ng imperyalista
Na i-umang ang baril at mga bomba, sa mamamayang nakikibaka KORO: Say no no, no, no, no, no, no, no, no,
To the US Troops in the Philippines
Say No! Ayoko! Tropa ng Kano sa bayan ko! 3. Nakakatakot, nakakangamba kung iisipin ang mga resulta
Itutulad ba sa Palestina, ginugulo ng imperyalista
Umiiling-iling ang matatanda, humihiyaw-hiyaw ang mga bata sa pagsigaw ng No, ayoko, Tropa ng Kano sa bayan ko (KORO)
4. Tropa ng Kano sa bayan ko, di dapat manatili ito
High Tech na armas I-uwi na ninyo, salot sa mga Pilipino
Kailangan pa bang magbuwis ng buhay upang magising sa pagkakahimlay Sino mang tumutol ay pinapatay ng mga pasistang dapat ibitay.
Ayaw nga naming sa Abu Sayaf, ayaw din naming sa gobyernong kurap Parehong salot sa lipunang ito, dagdag pahirap sa Pilipino
Subalit ate Glo makinig kayo, di naming matiis ang pagkatuta Niyo Matapos maluklok sa pwesto, pinagsilbihan ang mga dayo (KORO)
Say no, no,no,no,no,no,no,no,no To the US War in the Philippines
Say NO! Ayoko! Giyera ng Kano sa Bayan ko! I don‟t like, US war in the Philippines!
Ayoko! Tropa ng Kano sa Bayan ko!
5. Kawawa naman ang Pilipino, panay tuta ang pangulo Pakikialam ng mga dayo, pangunahin ugat ng terorismo
Hanggang kailan magtitiis, sambayanan any naiinis Tropa ng kano palayasin na, ipagtanggol ang hustisya! Mga kababayan magkaisa, kumilos at bumalik sa EDSA! Katulad din ni Estrada, patalsikin na si Gloria! (KORO)
6. Ulit-ulitin ang sigaw, Iparinig ang mga hiyaw , read my lips say NO... Papayag ba kayo say NO...Ayoko... Tropa ng Kano sa Bayan ko Iparinig hanggang sa White House say NO!
Everybody say WE DON'T LIKE...US Troops in the Philippines! Yankees go home US Troops OUT! (4x)
At bago magwakas ang rap na ito, mula sa RIDAW natunghayan nyo
Kaming inyong lingkod, mga cute at gwapo, nagpapasalamat at MABUHAY KAYO!
SULONG AT HUWAG LIMUTIN
KORO: Sulong at huwag limutin, sariling lakas natin
Sa gutom at sa pagkain, sulong at huwag limutin ang pagkaka-isa
1. Taumbayan ng daigdigan, tayo di‟y magsamahan
Upang daigdiga‟y makamtan ang dakilang pambuhay (KORO)
2. Kahit na ano ang kulay hadlangan ang pagpaslang
Pag nag-usap taumbayan magkakaunawaan (KORO)
3. Sino man ang ating amo nais lansagin tayo
Habang tayo‟y nahahati amo ay maghahari (KORO)
4. Proletaryo san mang dako magbuklod at lumaya
Ang hukbo ninyong daang libo sa tiranya‟y babangga (KORO 2X) Ang Pagkaka-isa!
IKA’Y MANGGAGAWA RIN
Habang ang tao ay tao, hahanap-hanapin niya ay pagkain Walang saysay ang talumpati na hindi naman makakain
KORO: Kaya‟t isa dalawa tatlo, kaya‟t isa dalawa tatlo
Mga bisig mo‟y ikawing
Sa ating nagkaka-isang hanay pagkat ika‟y manggagawa rin Habang ang tao ay tao, di siya paaapi kanino man
Wala siyang aalipinin, walang among sasambahin (KORO) Habang may dalawang uri, magkaisa tayong manggagawa
100 YEARS by DiskarteNamin
100 years after cheating was signed In a treaty between liars and thieves We wonder what would the country be like If our people had really been free.
Would our lolos be lonely, our women enslaved Would we pay for our own rice to eat?
Or would families be strong on some land of their own Would we grow all the food that we eat?
REFRAIN:
No more of the silence
No more will we hide from our past We will fight for a future
Where we speak out our pride in our land And we act out our pride in our land We‟ll take back our land.
100 years after bridges were built From America to overseas
Now we‟re 2 million strong in a land that is rich With a few opportunities
No more little brown brothers, sisters
No more, of this bullshit about backward friends Now we‟re 2 million strong in America means That we all are our homeland‟s revenge. (Repeat REFRAIN 2X)
TUMUROD
Tumurod, tumurod, tumurod Tay ung-unga
Ya da tayo in-ada Ya da tayo amada Ya alapo tay wa-da
Bumangon, bumangon, bumangon Tay ung-unga
Ya da tayo in-ada Ya da tayo amada Ya alapo tay wa-da
Lumaban, lumaban, lumaban Tay ung-unga
Ya da tayo in-ada Ya da tayo amada Ya alapo tay wa-da
Tumurod, bumangon, lumaban Tay ung-unga
Ya da tayo in-ada Ya da tayo amada Ya alapo tay wa-da
PASASALAMAT (Awit at Panalangin) Sotero / Marasigan
I. Sa bisig mo nagmula ang lakas
Musmos kong halakhak, sa‟yo ay awit ng galak Ang umaga ng aking kahapon
Nasa puso sa habang panahon
II. Hinulma ng pagkakataon
Ang kaisipang ikaw rin ang humubog
Sandigan ng ating pagiging isa
Tanggulan kang matatakbuhan
KORO: Isang dakilang pasasalamat
Isang awit, isang dasal
Alay ko Ama sa „yong pagpapagal Karangalang ako ay minahal.
III. May sagisag ang bawat sandali
Ang „yong gabay, landas kong matuwid Ang yakap mo‟y balabal sa lamig
Yamang pamana, pag-ibig mo aking Ama.
(Ulitin ang KORO 2X)
Sa takdang panahon ako ma‟y pumanaw Mga bisig mo‟y aking maratnan.
HANAP KO (bong ramilo) Hanap ko‟y ligaya‟t kaunting tahimik, Sa luwag at sagana ay sabik
Pagod na ako sa daang matinik. Pagod na ako sa kahihibik.
Hanap ko‟y pirasong lupain sa bundok Tanaw sa malayo ay look.
Pagod na ako sa daang magabok Pagod na ako sa mga pagsubok. Sa init ng digma, ako‟y nanlamig.
Nanlumo ang diwa‟t nanlambot ang bisig.
O, tila kay daling naiwan na lang ang pinagsimulan O, pinagmumultuhan ng alaala, ng kinabukasan. Saan man mapunta‟y di matakasan.
Ang taghoy ng bayan na kalayaan… Hanap ko‟y hinahon sa gitna ng ulos Na liwanag sa dilim ay lumagos. Pagod na sa kahihinto sa daan Pagod na ako sa kaaalangan
Hanap ko‟y lakas at kaunting tangkilik Na dating tibay ng loob ay bumalik Pagod man ako di mananahimik. Pagod man ako‟y muling iimik
Hanap kong sa daan patungong kalayaan Na bawat hakbang ko‟y mabagwisan Hmm…
PISO (bong ramilo)
Piso, piso sa isang kisapmata‟y naglalaho Katumbas ay sago at taho
Presyo‟y tumataas na parang lobo Habang bumababa ang piso Sahod, sweldo, kasing liit ng kuto Di makaangal, baka ma-lay off ako Pag magwewelga, bawal daw ito
SIYA’Y TUTUGTOG (bong ramilo)
G D C Em Pigtas nanaman ang isa pang kwerdas sa kanyang gitara Bm Am C Am-G
Na lumang-luma at puno ng gasgas…hmm G D C Em Ingat na ingat, isa pang kinabit, tonoha‟y pinihit. C Am C Am C
Dahan-dahan, habang nangangatal at umunat na rin C D
Sinulid na bakal Em G Ang musikerong bulag Em G Ay muling tumugtog D G
Muling naghintay ng baryang huhulog Bm G Am Sa bawat kalansing, ngingiting bahagya Em Am D
Bilang tugon, bibilis ang tipa G D
Para kanino ba inihahandog Am G
Ang tila dibdiban na pagtutugtog Bm G Am Para kanino, malungkot na kanta G Am D Ang tagulaylay ba‟y para sa kanya G Em
At siya‟y tutugtog, tutugtog, tutugtog. D G
Kahit sa tugtog ay di mabubusog. Bm G Am Ang tanging alam, himig na bilasa
C Am D Em-D Tanging pag-asa, tao‟y di magsawa
G D C Em Pigtas nanaman ang isa pang kwerdas sa kanyang gitara Bm Am C Am-G
Na lumang-luma at puno ng gasgas…hmm G D
Buntong-hininga at pagngingitngit
Em Am C Am Em
Wala nang kapalit, dahan-dahan habang nangangatal…siya‟y tutugtog.
HIMIG(bong ramilo) Stan 4th Fret
Am G F E I) Himig ng bayan ko ngayo‟y di masaya
Am G F E Tinig ng bayan ko‟y puno ng dusa Am7 Bm7 Am7 Bm7 Di pa panahon ng pagdiriwang Am E Dm Am Di pa panahon ng pagpipista (CP:1)
II) Himig ng bayan ko, laya ang ninanasa Tinig ng bayan ko‟y puno ng pag-asa Papanahon din ang pagdiriwang Papanahon din ang pagpipista
Am C Am
III) Aawit ako para sa bayan
Dm Am Ang tinig niya‟y tinig ko rin Am C Am Tutugtog ako para sa bayan
Dm Am Ang himig niya‟y himig ko rin
Dm G C C/B -Am Pakikinggan ko ang bawat hinaing E7 Am(sus) Sasalaminin ang bawat damdamin Dm G C C/B-Am Ang bawat mithi aking aangkinin Dm(sus) Dm E(pause) Bayan at ako ay pag-iisahin (CP:III)
IV) Kikilos ako para sa bayan Lakas niya‟y lakas ko na rin Lalaban ako para sa bayan Digma niya‟y digma ko na rin Paninindigan ay pagtitibayin Ang alinlangan aking papawiin Ang bukas palagi ang tatanawin Bayan at ako ay lalaya rin Am C Am -Am
BANGON, MARIA!
Ayayayayayayayay… Ayayayayayay…
KORO: Bumangon ka na Maria, tanikala mo ay lagutin!
Susulong tayo O Maria, kinabukasa‟y papandayin. Hindi ka dapat matakot
Sa sumpang ipinataw sa‟yo Dahil hindi tayo hinugot Mula sa tadyang ng pulpito
Ayayayayayay… (KORO)
Hindi na mahuhubaran Babae sa pahayagan
Makikita ang bagoong Maria
Na nasasaplutan ng dunong at dangal Ayayayayayay… Ayayayayayay… Ayayayayayay… Ayayayayayay… (Pasakalye) Ayayayayayayay…(KORO) Mag-aaral tayong muli Iwawasto ang tiwali Lalaya ang kababaihan Sa mga pahina ng kasaysayan
Ayayayayayay… (KORO)
Tayo‟y hindi na matatali Sa tahanan nating munti Ang asawa‟t anak ay kaagapay Malayang lipunan ipananagumpay! Ayayayayayay…
Ayayayayayay… Ayayayayayay… Ayayayayayay…
MAY TAMA AKO SA’YO
(marasigan / sotero )
At sino bang mag-aakala Ako‟y iyong pinahahanga Nang labi nati‟y nag-dampian Katiganga‟y biglang…nadiligan. KORO: Kung ika‟y kasama ko
Prublema ko‟y naglalaho Kung ika‟y kapiling ko Makulay ang aking mundo Araw-araw kitang kasama
Sa lungkot man o ligaya Maubos man ang aking pera Wag mo lang ako, lisanin sinta.
Ohh…ang sarap mo Ohh…ikaw at ako Ohh…magkasalo
Kay ningning naman ng „yong pangalan Kaakit-akit kang lapitan
Bawat sandali‟y hinahawakan
Basa ka man, di kita bibitiwan. (KORO) Lagi kitang na-aasahan
Higit ka pa sa kaibigan
Tunay na may pinag-samahan Sang round pa nga…
Sang round pa nga… Serbesa, ako‟y nilasing mo
Okey lang sakin ito Bukas sana‟y may pera pa Upang ika‟y makapiling ko. Uhh…May tama na‟ko Uhh…uwi na tayo!
TUGON
(marasigan, sotero, r. villamor, m.villamor)
Sa awit ng ihip ng hangin
Ang daho‟y naghahanap ng puwang Lambing at oyayi ni inang kalikasan Sa lupang kanyang inaruga
Ang ulan luha ng kagalakan Pumawi sa tigang na kalupaan Uusbong binhi ng bagong pag-asa Aanihin ang biyaya ng buhay (Adlib)
KORO: Pagmasdan mo, itong ating mundo Kagandaha‟y unti-unting naglalaho Saklolo, humihingi ng tulong mo Tumataghoy, ano ang tugon mo? Sa ihip ng aking hangin
Duyan mo‟y dahong binigyan ng puwang Malambing ang oyayi ng aking pagmamahal Humimlay sa lupang aking inaruga. (KORO)
ROSAS NG DIGMA
Sumibol sa isang panahong marahas Bawat pagsubok ay iyong hinarap At hangga‟t laya‟y di pa nakakamtan Buhay mo‟y laging laan
Namumukadkad at puno ng sigla Tulad mo‟y rosas sa hardin ng digma At di maiwasang sa‟yo ay humanga Ang tulad kong mandirigma
KORO:
Ako’y nangangarap na ika’y makasama Taglay ang pangakong iingatan kita
Ang ganda mong nahubog sa piling ng masa Hinding-hindi kukupas, di malalanta.
Ang kulay mong angkin, sintingkad ng dugo Nagbibigay-buhay sa bawat puso
Tinik mo‟y sagisag ng tapang at giting Sa laranga‟y kislap ng bituwin.(KORO)
…gaya ng pag-ibig na alay ko sinta.
ROSAS NG DIGMA (Ang Tugon)
Ika‟y paru-parong nangahas lumipad Sa dilim ng gabi‟y pilit na umalpas Pagkat hanap mo‟y ningning at laya ng bukas Sa aking mundo‟y napadpad.
At tulad ng iba ay nagmamahal din Kahit malayo ay liliparin Upang pag-ibig ay iparating Sa rosas ng „yong paningin
SALUBUNGIN
Salubungin ang bagong araw, na malinis ang diwang taglay Taas-noong tumanaw sa silangan, buksan ang dibdib mong alay Sa dambanang gintong langit, ihayag ang pagtatalim-bisig
Dakilang apoy at buhay, kapantay mo ay kawalan
Moog naming ang tanging alay, sa‟yo o apoy ang siyang bubuhay Patnubay ng bagong araw, mithiin ng buong bayan
Tumanaw sa mapulang silangan, damhin ang espiritung hatid Marangal na diwa ay kakamtin, itatanim sa dibdib at isip
Kapag ang hininga ay pumanaw, sasalubong ang bagong araw
Salubungin, bagong araw !
AWIT NG PAG-ASA
Kahit kay haba ng lalakbayin, daang tag-araw man ang humagupit Kahit ilang libong tag-ulan ang sumapit, hinding-hindi tayo titigil Dahil mithi natin palayaan, bawat isa sa pagkaalipin
Sa gitna man ng gutom, kahirapa‟t pasakit, hinding-hindi tayo susuko
KORO: Kahit na may bagyo, kahit na may unos, kahit may libo-libong kaaway Kahit na magapi at isa ang matira sa ating dakilang hanay
Tayong manggagawa at magsasaka, sambayanan ay muling babangon Ipagtatagumpay ang bawat labanan sa buong daigdig
Kahit hadlangan ng libong armas, ang ating hukbo ay hindi aatras
OBRA
sotero / marasigan / villamor Mga nabihag na larawan sa puso ko ay iingatan Unti-unting bubuhayin sa tulong ng aking sining. Bawat kumpas bawat kulay Larawan mo‟y nabubuhay Sa obra ng kaisipan
Tanaw ko ang „yong kagandahan.
KORO: Sa lapis ko iginuhit
Larawan ng aking pag-ibig Damdamin ay nananabik Panahon nating nakalipas
Dalangin ko‟y wag nang kukupas Ang pagsintang sadyang wagas… Unti-unting bubuhayin.
Sa larawang ito‟y ikaw at ako Kadaupang-palad ang mundo Ang katuparan ng pangarap
Sa munting sining nagging ganap. (KORO)
Ngayong ikaw ay kaagapay Di na muling mawawalay Sa pag-bihag mo ng puso ko Natapos rin ang obrang ito (KORO)
I COULD HAVE SAID
I have seen so much faces as I walk to my age But there‟s someone I can never compare
You have the eyes of compassion and the voice of the truth For you were borne out in the midst of the struggle
Something makes me feel this strange, somehow I long for you As I‟ve been watching you from the day til night
You were singing the songs of the people
And the echo resounded to my thoughts, to my soul To my music it ever continued
Something makes me look at you so differently Somehow I wanted to be beside you
As thousands march the streets and the red flags were waving We‟re alongside the oppressed and disheartened.
You have vowed not to leave them as they get all the beatings From a state that doesn‟t care
But you made it clear to me, you made me feel the sweet things of freedom I‟ve been thinking of you a beauty so perfect
For you are one with the struggle of the people
But before you have left for the hills and the mountains I wish I could have said “I love you”.
SA DUYAN NG DIGMA
Hangga‟t ang ating pag-ibig ay tunay Bawat pintig ng pag-asa‟y taglay At sa‟ting digmaa‟t pagsuyo Kailanma‟y di mabibigo
Hangga‟t ang ating pag-ibig ay tunay Bawat mithi natin ay may saysay At di magsasawang hanapin Ang tunay na paglaya natin
KORO: Tayo‟y maglakbay, hawak-kamay, aabutin natin ang tagumpay
Bagong bukas ay naghihintay ( aking mahal) Hangga‟t ang ating pag-ibig ay tunay
IT COULD HAVE BEEN ME (holly near) It could have been me but instead it was you
And it may be me dear sister‟s and brothers before we are through
I‟ll be a student of life, a singer of songs, a farmer of food and a righter of wrong It could have been me but instead it was you
Well it may be me dear sisters and brothers before we are through But if you can die for freedom. Freedom freedom, freedom
If you can die for freedom I can too
Students in Ohio, two hundred yards away
Shot down by a nameless fire one early day in May
Some people cried out angry, “you should have shot more of them down But you can‟t bury youth my friend, youth grows the whole world round It could have been me but instead it was you
And it may be me dear sister‟s and brothers before we are through
I‟ll be a student of life, a singer of songs, a farmer of food and a righter of wrong It could have been me but instead it was you
Well it may be me dear sisters and brothers before we are through But if you can sing for freedom. Freedom freedom, freedom
If you can sing for freedom I can too
The junta took the fingers from Victor Hara‟s hands
And said to the gentle poet “Play your guitar now if you can” But Victor started singing until they shot his body down
You can kill a man but not a song when it‟s sung the whole world round It could have been me but instead it was you
And it may be me dear sister‟s and brothers before we are through
I‟ll be a student of life, a singer of songs, a farmer of food and a righter of wrong It could have been me but instead it was you
Well it may be me dear sisters and brothers before we are through But if you can fight for freedom. Freedom freedom, freedom
If you can fight for freedom I can too
A woman in the jungle so many miles away
Studies late into the night defends a village in the day Although her skin is golden, like mine will never be
Her song is heard and I know the words and I‟ll sing them „til she‟s free. It could have been me but instead it was you
And it may be me dear sister‟s and brothers before we are through
I‟ll be a student of life, a singer of songs, a farmer of food and a righter of wrong It could have been me but instead it was you
Well it may be me dear sisters and brothers before we are through But if you can live for freedom. Freedom freedom, freedom
If you can live for freedom I can too
MAGAGANDANG ANAK (gary granada) Ang aming itay, masipag na manggagawa Ang aming buhay, „sang kahig „sang tuka
Ang kanyang hangarin, kami‟y kanyang buhayin Katulad ng inyong mga magagandang anak.
KORO: Sana, sana ang kawalan ay malunasan
Sana, sana ang kapayapaan maranasan
Ang aming inay, masinop na maybahay Adhikain niya‟y kagaya kay itay
Kami ay pag-aralin, bihisan at pakainin
Katulad ng inyong mga magagandang anak (KORO)
Kaming magkapatid, katulad ng ibang bata Mayrong nababatid, mayrong nakikita
Kami ay may hangarin, may isip at damdamin
Katulad ng inyong mga magagandang anak (KORO)
NATITIYAK NG KILUSANG MAPAGPALAYA At ating natitiyak na magtatagumpay
Ang kilusang mapagpalaya na siyang dudurog sa kaaway Na lumulupig sa bayan
At tayo‟y hindi tutugot hanggang sa ganap na tagumpay Sa lahat ng sulok ng daigdig na may pang-aapi
At tayo‟y hindi tutugot hanggang sa ganap na tagumpay Sa lahat ng sulok ng daigdig na may pang-aapi