Mga Lahing Pang-Itlog
1. Katutubong Itik (Itik Pateros)
Ang katutubong Itik ang inaalagaan ng mas maraming mag-iitik dito sa Pilipinas dahil ang mga ito ay hiyang na sa ating klima at kapaligiran. Ito ay inaalagaang mabuti para sa produksyon ng balut, isa sa paboritong
pagkain ng Pinoy. Mas maliit ang kanilang katawan king ikukumpara sa mga angkat na lahi subalit marami at malalaking mangitlog ang mga ito lalo na kung, mapangangasiwaang mabuti.
Ang iba pang katangian ng katutubong itik ay ang mga sumusunod:
a. Hindi marunong maglimlim. Dahil dito, mahaba ang panahon nila para sa paningitlog at hindi sila nagagambala dito paglilimlim sa itlog at seho.
b. May ba't-ibang kulay ngunit kalimitan ay kulay abo, kape, at itim. c. Malalaki ang mga itlog at may timbang na humigit kumulang sa 65 gramo bawat isa.
d. Nagsisimulang mangitlog sa gulang na hanggang apa na buwan. 2. Khaki Campbell
Ang Khaki Campbell ay angkat na lahi ng itik na nanggaling sa Inglatera at Amerika. Tulad ng itik Pateros, ito ay may kakayahan ding mangitlog ng marami (hanggang 300 na itlog o higit pa sa isang taon), kung maayos ang pangangasiwa.
Mga Katagian:
a. May kulay kayumanggi na medyo naitim-itim sa bangdang ulo.
k. Katamtamang laki ng mga nagiging itlog, makapal ang balat, at may timbang na humigit-kumulang sa 70 gramo ang bawat isa.
3. Indian Runner
Ang Indian Runner naman ay nagmul sa East Indies. Mga Katangian:
a. tuwid ang tindig at halos diretso ang leeg; b. mahaba at balingkinitan ang likod; at
k. nangingitlog ng kasindami ng Khaki CampbellModyul I
MGA PANGUNAHING BAGAY NA DAPAT MALAMAN SA PAG-AALAGA NG ITIK
A. IBA'T IBANG LAHI NG ITIK II. Mga Lahing Pang-Karne 1. Pekin Duck
Ang Pekin Duck ay nanggaling sa Tsina. Ang itik na ito ay ipinagbibili sa gulang na wlo hanggang 12 linggo.
Mga Katangian: a. maamo;
k. puti ang balahibo at madilaw ang balat ng paa at tuka; at d. kung minsan, ito ay mapagkakamalang gansa.
2. Mule Duck
Ito ang pangunahing lahing pangkarneng itik sa Taiwan. Ito ay nabuo sa pinagsama-samang lahi ng Pekin, Tsaiya at Muscovy.
Mga katangian: a. mabnilis lumaki;
b. maganda ang kalidad ng karne; at
k. maaaring tumimbang ng mahigit pa sa dalawang kilo kung ito'y aalagaan hanggang 10 linggo.
3. CV 2000
Ang CV 2000 ay "commercial hybrid" na nagmula Cherry Valley Farms sa Inglatera. Kulay puti at berde ang balat ng kanyan itlog. Maaaring mag-alaga para pang-karne, pang-itlog o pareho. Ang balahibo nito ay ginagamit na materyales sa paggawa ng jacket.
Mga katangian: a. kulay puto;
b. kulay berde ang balat ng itlog; at
k. may timbang na humigit-kumulang sa 75 gramo ang bawat itlog.Modyul I MGA PANGUNAHING BAGAY NA DAPAT MALAMAN SA PAG-AALAGA
NG ITIK
B. PAG-AALAGA NG ITIK I. Pagpili ng Aalagaang Itlog
Sa pagsisimula ng negosyo ng pag-iitikan, maaaring bumili ng mga seho o kaya ay dumalagang itik na malapit nang mangitlog. Kung seho ang
bibilhin, mangangailangan ng mga kagamitan sa pagpapainit at pagpapalaki para masubaybayan at maaasikaso nang maayos ang pagpapalaki sa mga itik.
Kung dumalaga ang bibilhin, hindi na kailangan ang mga kagamitan sa pagpapainit at pagpapalaki. Maikling panahon lamang ang hihintayin at maaaring mabalik na ang puhunan. Kaya lang, mas malaki ang
kakailanganing puhunan para sa pambili ng itik, dahil hindi alam kung anong klaseng pagpapalaki ang gagawin, at walang tala lalung-lalo na sa kalusugan.
Maaari ring bumili ng mga seho na tatlo hanggang apat na lingo na ang edad. Hindi na kailangan ang pagbibigay ng painit para sa mga ito. Sa pagpili ng aalagaang itik, alamin ang mga katangian ng lahi.
Kinakailangang malulusog at walang depekto ang gagamiting palahian. Ang gulang ng lalaki ay dapat na kapareho rin ng sa babae o mas matanda pa ng isang buwan.
Dapat alisin ang mga itik na may depekto o kapansanan dahil may malaking posibilidad na makaapekto ito sa paglaki at pangingitlog. Ang ilang batayan ng pagpili ng itik na may kapansanan ay ang mga
sumusunod:
- pilay o may kapansanan sa paa; - paling ang buntot; at
- kakaibang kulay ng balahibo sa lahi.
Ang mga ganitong kapansanan ay maaaring mamana at maging dahilan para bumaba ang pangkalahatang katangian ng mga alagang itik. Ang mga kapansanang ito ay maiiwasan kung bibili ng mga seho sa kilalang
papisaan.Modyul I
MGA PANGUNAHING BAGAY NA DAPAT MALAMAN SA PAG-AALAGA NG ITIK
B. PAG-AALAGA NG ITIK II. Pagkilala sa Kasarian ng Itik
Ang isang barako ay kailangan sa bawat pito hanggang sampung babaing itik o dumalaga, kaya mahalagang malaman ang kasarian ng mga ito. Narito ang katangian ng bawat kasarian:
Barakong Itik:
- mas magaspang ang ulo - mas mabigat ang katawan
- mas mahina, maigsi at mababa ang tono ng boses o pagkuwak - kulot ang balahibo sa ibabaw ng buntot
Inahing Itik:
- mas makinis ang ulo
- malakas at matinis ang boses o pagkuwak
- ang balahibo sa buntot ay dikit sa katawanModyul I
NG ITIK
B. PAG-AALAGA NG ITIK III. Pabahay Para sa mga Itik
Kailangan ng itik ang wastong pabahay upang mas maayos ang pag-aalaga sa mga ito. Ang bahay ng mga itik ay kinakailangang itayo sa mga lugar na hindi malapit sa daanan ng tao o sasakyan, may magandang bentilasyon, at maayos na daluyan ng tubig.
Maaring gumamit ng lokal na materyales tulad ng kawayan, nipa, coco-lumber, pawid, at kogon. Ang mga materyales na ito ay mas mura at mas mainam gamitin para sa bahay ng mga itik kaysa sa ibang uri ng
materyales. Ang dingding ay dapat bukas upang lagusan ng hangin. Karaniwang ginagamit na pangdingding ang silat ng kawayan, nilalang alambre at lambat na nylon.Modyul I
MGA PANGUNAHING BAGAY NA DAPAT MALAMAN SA PAG-AALAGA NG ITIK
B. PAG-AALAGA NG ITIK
IV. Mga Dapat Isaalang-alang sa Pabahay sa mga Itik
1. Ang pabahay na may sukat na 16 na metrong parisukat at 3 metro ang taas ay maaaring paglagyan ng 100 na itik. Kaya kung may 500 na itik, ang pabahay nito ay dapat na may lawak na 80 metrong parisukat.
2. Ang masikip na lugar ay nagiging dahilan upang ang mga itik ay
magtukaan at magkasugatan. Ang bawat itik ay dapat bigyan ng lugar sa kulungan na may luwang na 0.16 metrong parisukat.
mapanatiling tuyo ang sahig at maiwasan ang sakit.
4. Maaaring lagyan ang pabahay ng languyan na 3.27 metro (10
talampakan) ang lapad at 6.55 metro (20 talampakan) ang haba na kasya para sa 50 itik. Tandaan na ang pagkakaroon ng languyan ay hindi
nakakaapekto sa pangingitlog ng itik dahil may mga lahi na di naman nangangailangan nito.
5. Lagyan ng bakod na net o kawayan na sapat lamang ang taas upang makalakdaw ang nag-aalaga. Pagsama-samahin sa isang kulungan ang mga itik na iisa ang gulang. Nag-aaway-away ang mga itik na magkakaiba ang gulang kung magkakasama sila sa iisang lugar. Ang mga maliliit na itik ay tinutulak at tinutuka ng mas matandang itik at inaagawan ng lugar sa kainan.
6. Gumawa din ng pakainan at labangan o inuman. Ang pangkaraniwang pakainan o patukaan ay yari sa kahoy. Ito ay may lalim na 15.24 cm (anim na pulgada), may lapad na 30.48 cm (12 pulgada) at may habang 1.52 metro (limang talampakan). Sa bawat patukaan ay maaaring magsalo ang 10 hanggang 15 itik. Ang ganitong uri ng pakainan ay madaling linisin at ilipat. Maaari ring gumamit ng palanggana, hinating lumang gulong ng sasakyan o kaya'y rektanggulong pakainan para magsilbing labangan o inuman.
7. Ang mga itik ay sa madaling araw nangingitlog. Nangingitlog sila sa lugar na tinutulugan nila. Ang paglalagay ng ipa o kusot sa lugar na ito ay
makakatulong nang malaki para sa pagpapanatili ng kalinisan ng mga itlog at maging ng kulungan ng mga itik.Modyul I
MGA PANGUNAHING BAGAY NA DAPAT MALAMAN SA PAG-AALAGA NG ITIK
B. PAG-AALAGA NG ITIK
Pag-iitikan.
1. Importante ang sapat na kaalaman tungkol sa tamang paraan ng pag-aalaga ng itik.
2. Nararapat na may naihanda at naisip nang lugar kung saan itatayo ang pabahay para sa mga itik.
3. Nararapat na may sapat na puhunan para panggastos sa pag-iitikan. 4. Dapat may kaalaman sa palagiang mapagkukunan ng sapat na dami at may kalidad na seho, o dumalagang itik.
5. Dapat ding may mapagkukunan ng patuka, tubig at gamot para sa mga itik.
6. Mahalagang mayroon nang mapagbebentahan ng mga itlog, seho, at iba pang produkto mula sa itik.
7. Dapat na malapit ang itikan sa palengke upang mas madali ang pagbili ng mga pangangailangan at pagbebenta ng mga proukto.Modyul II
PANGANGASIWA NG ITIKAN A. PAGHIHIWALAY NG MGA ITIK
B. PANGANGASIWA AT PAG-AALAGA SA MGA ITIK I. Pagpapalaki sa Itik
II. Paglilimlim
K. PAGPAPAKAIN SA MGA ITIK I. Mga Maaaring Ipakain sa Itik
II. Inirerekomendang dami ng sustansya sa pagkain ng Paitluging Itik
III. Inirerekomendang dami ng Sustansya sa Pagkain ng Itik na Pang-Karne IV. Mga Dapat Tandaan sa Pagpapakain
D. MGA SAKIT AT PESTE NG MGA ITIK I. Mga Sakit ng Itik