Luha Ng Dalamhati Ng Lahi
September 28, 2012 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula)
sa ilang dekada nating paglalakbay
sa gubat ng dilim at sagimsim
mga anino tayong walang mukha
ni pangalan sa aklat ng kasaysayan mga dugo tayong idinilig
sa damuhang naninilaw mga kalansay tayong iniukit sa pader ng kaapihan
mga nota‘t lirika tayo
ng musikang nanunumbat-lumalaban sa karimlan ng ating bayan!
ngunit sa bawat pagpatak ng luha ng dalamhati ng lahi
sa patuloy na pag-aglahi ng mapagsamantalang uri
magdurugtong pa rin babalatay at kikiwal nag-usli nating mga ugat sa dibdib ng bawat sawimpalad
habang marahas na umiindak maalab na mga petalya ng apoy
sa kumukulo nating utak at mananatiling nanlilisik mga mata nating nakakilala ng mga talulot ng pait at dusa. patuloy pa nga ring naglalandas
luha ng dalamhati ng lahi mainit gaya ng nagbabagang asero
sa pandayan ng mithiing dakila gumuguhit at nananalunton sa humumpak na pisngi ng magsasaka sa umimpis na dibdib ng manggagawa sa ginibang barungbarong sa eskinita sa nakahandusay na katawan sa bangketa
at patuloy pa nga ring bumabalong sa bawat pusong sumisikdo-nagdurugo
sa saksak ng may lasong balaraw ng mapang-aliping mga panginoon
ng kalupita‘t inhustisya kailan nga ba lalamunin-tutuyuin ng lagablab ng apoy mga usbong ng luha ng dalamhati ng lahi sa nanlalim na mga mata
ng ating pinakasisintang la tierra pobreza?
Gunitain
October 29, 2012 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula)
gunitain
silang binaril sa bunganga silang pinutulan ng dila
dahil isiniwalat mga lihim at hiwaga sa palasyo ng mga pinagpala.
gunitain
silang minaso ang kamay silang pinutulan ng daliri
dahil isinatitik nanlilisik na katotohanan sa bulok-inuuod na lipunan.
gunitain
silang dinukit ang mata silang nilaslas ang tainga dahil nakita mukha ng inhustisya
at malinaw na narinig tinig ng pagsasamantala.
gunitain
silang nilagari ang tuhod mga buto ay dinurog dahil ayaw lumuhod sa altar na maalindog ng diyus-diyosang nabubulok.
gunitain
silang kinuryente ang bayag silang nginatngat ang utong
silang pinainom ng ihi sa inodoro‘y inginudngod
dahil ayaw manikluhod. gunitain
silang pinugot ang ulo sinikaran-pinagulong sa dalisdis ng kabundukan dahil utak laging kumukulo laban sa uring gahaman-palalo.
gunitain
silang isinimento sa dram ipinalamon sa pusod ng karagatan
dahil di mapigilan sa pakikilaban para sa isang mapayapa maunlad-demokratikong lipunan.
oo, gunitain silang lahat silang nagsipag-alay ng dugo‘t buhay
sa panahon ng kanilang paglalakbay silang ―nangabuwal sa dilim ng gabi‖
habang mga alitaptap ay naglalamay at nananaghoy ang gaplatong buwan.
gunitain, oo gunitain silang dalisay ang mithiin silang busilak ang layunin silang hagupit ng dusa‘t panimdim
at unos at ulos ng dilim at lagim sagradong ninasang ganap na pawiin.
lahat sila‘y gunitain mga alaala nila‘y petalya ng apoy
malagablab na tatanglawan puso natin at isipan upang brilyanteng magluningning
bilyong mga bituin sa landas nating tatahakin hanggang matupok ang kumot ng dilim
at iluwal ng araw ang hustisya sosyal progreso‘t demokrasyang tunay
sa niwakwak na tiyan ng mga gahaman sa la tierra pobrezang pinakamamahal!
So Cruel To Think Of Adieu
August 20, 2012 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (A poem not for lovers per se)
suddenly, yes, suddenly i know all will end
in a fleeting moment of awakening those lingering illusions of love those tempting stares and smiles and tender caresses on the arms are mere pieces of shattered glass scattered on desolate leaves of grass.
i know everything will come to pass like footsteps on the sand like flashes of lightning in the sky
or the last gasps of a dying man. so cruel to think of adieu for am certain after parting
painful memories will scorch my flesh and pierce my mind your shadows will stalk me
in every deserted streets together we‘ve strolled
in every poetic places we‘ve built our castles
of liberating dreams. how can i learn to forget
when in every minute memories cascade in the waterfall of my brain? but can you still remember me
as time silently passes by especially at dusks when loneliness is as cold as the dewy december dawns?
in the years to come in your world of sacred dreams
even faded are the pictures of our struggling togetherness
while tenderly, so tenderly the dried leaves of memories
begin to fall and kiss the parched earth of despair?
can you still remember the old rag you most needed then
when your shivering soul feverishly groped for love‘s embrace?
when gone you are and wish no more to glimpse at me and behold
what can i do but to embrace my solitude
and hope forevermore that in this time and space
in the rebellious moment of my forsaken life you will again walk by
like the solitary music so many, many times am always yearning to hear though violently slashing my heart
and continuously paralyzing my meandering tormented soul
so cruel, yes, so cruel to always think of goodbye!
Your Music I Love
August 16, 2012 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Poem)
your music i love
the sounds of cymbals in the black-weeping night the growling staccato of gunfires
in the labyrinths of my mind full of throbbing cadences
striking thunderbolts in my spine with catapultic crescendo
of exploding bombs piercing my soul and eardrums.
your music i love as it slaps my senses and awakens me more and more
it dilates my nostrils and eyes and gnaws the sinews of my heart it hums rebellious notes in my blood
and fills the grail of my being with hot streams of cascading courage
for you and me
for our grieving sons and daughters under the golden-elusive sun
so, at last, the red, red roses sown in the garden of eternal hope will triumphantly bloom forevermore.
your music i love
it rekindles the fire in my loins to thunderously curse and blast the lurking-predator demigods
it cleanses my soul to embrace a sacred cause
it sharpens my vision to see society‘s abominable contradictions and oozing sores
and the miseries of the poor. your music
i love
it makes me hear the lamentations of the oppressed-downtrodden class
its lyrics brewing in the cold wind blowing the dark-rolling clouds
in the skyline of discontent the chorus invectives full beheading with scathing words the privileged-exploitative few
of rogue kings and centurions of injustices and greed.
yes, your music i love
it lingers on and on and on the notes of resounding hope the lyrics of continuing struggle
of a people long enslaved manacled by tears and grief
in a barren-wretched land the forsaken la tierra pobreza
of my nightly dreams your music
i love
with its fiery-liberating revolutionary lines!
Silang Nagbabaging Sa Gubat Ng Dilim
August 6, 2012 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula)
sa gubat ng dilim at sagimsim bakulaw silang nagbabaging nakabiti‘t sumisigaw sa hangin
silang mga intelektuwal na iniluluwal ng mga toreng-garing silang kinapon ng mga unibersidad silang nakabilanggo sa mga aklat
silang binulag ng mga letrang tiwalag sa reyalidad silang pinasakan ng bulak sa ilong
at inimbalsamo ng teorya‘t ideya ulong di tiyak direksiyon ng dunong silang ibig nguyai‘y puro pormularyo
at bawat salita‘y laging de numero at inililibing ang angking talino sa mundo ni focault, derrida at plato sa baging ba lamang laging nakabitin
silang ang totoo‘y malabo sa tingin? silang nagbabaging sa gubat ng dilim
ang dagat ng buhay ay ayaw sisirin
gayong hinahanap perlas na maningning sa dampa‘t kubakob ng bukid at bundok ni ayaw pumasok-mangarap-matulog ni ayaw titigan nag-usbong na hamog
upang makita luha ng dayukdok ni ayaw yumapak sa lupang maputik ni ayaw lumusong sa linang ng bukid
ni ayaw tahakin nagdipang pilapil habang sumasayaw kugon at talahib
upang madama ang tibok ng dibdib ng uring dinusta at naghihimagsik
kailan isasawsaw sa patis at suka daliring nilandi‘y mga porselana pilak na kutsara‘t kristal na kopita? kailan lalamasin malamig na kanin
upang bukalan ng katotohanan bibig na namaga sa pagnguya-pagngata sa inanay at pilas na aklat
na ayaw ilahad-ihantad maalingasaw na reyalidad ng lipunang nagnaknak na‘t
mga uod ang lumalantak. silang nagbabaging sa gubat ng dilim
ni ayaw makita pulandit ng dugo mula sa daliring naputol nginasab-nilunok ng makinang hayok
hanggang balat dugo‘t-buto‘t-laman ng hinlalaki‘t hintuturo sa nagiling na karne‘y humalo
carne norteng igigisa ipipritong longganisa sa mantika ng lungkot at dusa silang nagbabaging sa gubat ng dilim
silang pilosopiya‘t hungkag na ideya pansabaw sa ulam at kanin
silang nakikipagpatintero kina hume, heidegger nietzche‘t mga henyo hanggang mga teoryang ibinabando
naging sangkutsado di tuloy matiyak adobo ba o asado at kalimita‘y di malunok ng lalamunang titiguk-tigok ng masang sambayanang parang trumpong pinaikot. kayong nagbabaging sa gubat ng dilim
bakit di ninyo talunin ang bangin? bakit ayaw ninyong bitawan ang baging
paa ay isudsod sa lupa ng lagim amoy ng pulbura ay inyong langhapin?
anghit ng magsasaka ay inyong singhutin habang binubungkal bukiring di kanya bakit di titigan ang mga sakada habang nakaluhod sa imbing asyenda
aba ginoong maria ay nililitanya sa mga kabyawan at asukarera? bakit di dinggin hagulhol ng ina sumpa‘t himutok ng galit na ama hinagpis ng nabaog sa inhustisya at plegarya ng sinikil na kaluluwa baka masagot din ng hagupit ng habagat
singasing ng punglo‘t sagitsit ng kidlat laksang tanong ng madilat na reyalidad
bombang sasambulat din mga tugong di maipaliwanag
ng inaamag na mga aklat!
Di Ako Manunulat
July 29, 2012 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula)
di ako manunulat gaya ng dinadakila sa mga aklat
o sinusuob ng papuri‘t pabango sa maluningning na entablado simple lamang akong taga-tala
ng reyalidad ng lipunang balintuna taga-salaysay ng marawal na buhay
ng alipin ng kawalang-katarungan ng ibinayubay ng pagsasamantala
sa kalbaryo ng luha‘t dusa ng mga karapatan at dignidad pamunas lamang sa puwit at paa
sa dambana ng mga hari sa pulitika‘t ekonomiya.
di ako makata
sadya lamang matabil ang dila pinagtatagni-tagni ang mga salita laban sa imbing mga diyus-diyosang sugapang nandarambong ng pondo ng bayan
silang dambuhalang tulisang nakamaskarang makabayan
sa palasyo ng kalunsuran laging isinasadlak masang sambayanan
sa kahimahimagsik na karalitaan laging ibinibenta‘y kapakanang-bayan mahimod lamang pundilyo‘t tumbong
ng dayuhang mga panginoong pakialamero sa pambansang kasarinlan.
di ako manunulat kompositor lamang ako ng mga notang naglulunoy sa pandinig
hikbi ng mga ina
daing ng may pulmonyang amang di makatikim ni aspirina
himutok ng naulilang di makabili ni kabaong na palotsina
lagunlong ng napilipit na bituka lagutok ng mga buto sa pabrika kalantog ng tinuklap na mga yero
kalabog ng ginibang bahay sa gilid ng mabahong estero
singasing ng hininga ng pawisang magsasaka
sa kabukirang di kanya hagulhol ng mga batang nakalupasay sa bangketa
tagulaylay ng mga sawimpalad saanman naghahari‘y inhustisya.
di ako manunulat pintor ako ng mga larawang
nagnanaknak sa alaala iginuguhit ng pinsel sa lona sa pamamagitan ng pulang pintura
nakasusukang mga eksena sa sinisintang la tierra pobreza
inuuod na mga bisig inaanay na mga dibdib nagdurugong mga bituka
mga tiyang sinasaksak mga mukhang nilalaplap inaatadong katawang hubo‘t hubad
di nahilamusan ng dignidad samantalang nilalaklak dugo ng maralita at pinagpipistahan sa mesa ng kapangyarihan ng iilang pinagpala sinangkutsang buto‘t laman
inadobong puso‘t atay sinitsarong bituka‘t balat
tinapyas na mga ilong dinukit na mga mata ng sambayanang masa.
di ako manunulat di ako makata taga-tala lamang ako taga-salaysay lamang ako
kompositor lamang ako pintor lamang ako at mang-aawit lamang ako ng kahimahimagsik na reyalidad
sa ninananang lipunang walang urbanidad ni dignidad dahil sa iilang walang hinahangad
kundi bulsa‘t sikmura nila ang tanging mabundat!
Naiwan Sa Aki’y Mga Alaala
July 26, 2012 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula)
sa bawat paghihingalo ng takipsilim at pagyakap ng lumuluhang gabi habang palasong humahaginit ang ulan
naiwan sa aki‘y mga alaalang nagkukuta sa kamalayan humihiwa sa budhing nadarang
ng ningas ng apoy sa karimlan sumusurot iyon sa mga matang
nalulunod sa dagat ng lungkot bawat eksena‘y parang granaheng
tuluy-tuloy sa pag-ikot nililigis himaymay ng aking puso
pinabibilis daloy ng aking dugo nasaan ang paninindigang pinabuway
ng pingkian ng bote‘t baso at pagsalakay sa lalamunan ng nag-uunahang mga bula ng likido?
oo, naiwan sa aki‘y mga alaala mga gunitang tangayin man ng hangin
o ng nagngangalit na delubyo ay muli‘t muling magbabalik
sa pasigan ng kaluluwa hindi magugutay
ng makinang lumalamon sa laman mga larawang umiindak sa balintataw
hindi iyon iginuhit lamang sa buhanginan ng pagsinta kundi marmol iyong lapidang
di kayang durugin ng bomba saanman humantong ang pakikibaka ng mga aninong nanunulay sa kamatayan
mapasilay lamang luningning ng araw sa lupaing tinakasan ng saya‘t ligaya at mabigyang dangal layang ninanasa.
oo, muli‘t muling magbabalik naiwang mga alaala kahit lumalaslas sa puso
lumalaplap sa budhi at lumiligis sa kaluluwa!
Maita (Ka Dolor) Gomez
July 19, 2012 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula)
nang sumilakbo sa iyong ugat dugo ng mga sawimpalad at dumagundong sa iyong puso
hagulhol ng mga dukha tinalikuran mo, maita, tanghalan ng balatkayo
itinakwil mo, maita, ilusyon ng puting telon mukha mo‘y nahilamusan
sa bukal ng katotohanan upang makitang malinaw
salungatan sa lipunan. inilantad-nilitanya mo, maita,
inhustisya‘t pagsasamantala ng gahamang diyus-diyosan ibinandila di lamang kapakanan
ng aping kababaihan kundi maging sagradong mithiin ng nilatigong masang mamamayan
nagmartsa ka sa kadensa ng laksa-laksang mga paa tinig mo‘y umalingawngaw
sa lansangan ng protesta buong giting na isinigaw: ―ma-ki-ba-ka! hu-wag ma-ta-kot! ―ma-ki-ba-ka! hu-wag ma-ta-kot!‖
niyakap mo, ka dolor, dibdib ng kabundukan nakipagsayaw ka sa talahib ng kumalingang kaparangan
perlas mong itinuring mga hamog sa damuhan
bininyagan-binanyusan ng matubig na mga linang
ng nagpuputik na kabukiran damdamin mong nag-aapoy
at hitik sa pagmamahal sa lupaing umaagos
luha ng dalamhati ng inaaliping uri. oo, ka dolor,naging armado kang mandirigma ng bayan laban sa mapanikil-malagim
na nagmumultong panahon ng imbi‘t sugapang mga panginoon
mga salot pa rin ng lipunang namamayagpag hanggang ngayon
ibinilanggo ka man, ka dolor. at dinusta ng diktadura parang brilyanteng di natapyasan
o esmeralda pa ring kumikinang matimyas-dakilang hangaring magluningning bilyong bituin sa mukha ng bayan ng dusa‘t hilahil.
namaalam ka man, maita, sa la tierra pobrezang pinakamamahal
at sa anino ng gabi inilulan ng aliw-iw ng hanging nagdarasal
tumakas na hininga ng pagsinta sulo ka pa ring magliliyab
sa dibdib ng sawimpalad muhon ka ring di matitibag
sa lupain ng pakikitalad kikiwal sa ugat ng mga api‘t dukha alimpuyo ng dugo mong mapanlikha
di mapapawi ng panahon magiting mong mga gunita manalasa man ang daluyong
sa burol ma‘t kapatagan bahain man ng delubyo kanayuna‘t kalunsuran marmol kang monumento
sa puso ng pagbabago. hanggang inhustisya‘y nilulumot
at tunay na demokrasya‘y binabansot hanggang manggagawa‘y alipin ng grasa‘t makina sa mga pabrika hanggang libingan nitong magsasaka malawak na bukid na di maging kanya
saan ka man naroroon si maita ka man o ka dolor ihahatid ng sagitsit ng kidlat at nakagugulantang na kulog himagsik ng tinig mong humihiyaw:
―ma-ki-ba-ka! hu-wag ma-ta-kot! ―ma-ki-ba-ka! hu-wag ma-ta-kot!‖
No Cream Nor Sugar Is My Coffee
June 16, 2012 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Poem –modified English version of ―Kape Ko‖y Walang Krema
Ni Asukal‖)
no cream nor sugar is my coffee black as the grieving night
when thick, rolling clouds kiss the saucer moon bitter as the miserable lives of people franz fanon called ―the wretched of the earth‖
what maxim gorky said dwell ―in the lower depths‖
yes, bitter as my coffee their lives oppressed jailed forever under the bridge
or genuflecting, dreaming on the putrid shoulders
of tripa de gallina and canal de la reina or in murky, cramped slum areas.
black is the night like my dark coffee in the narrow streets of despair
in the sty and barungbarong beside some forsaken garbage dumps
in the dimly-lighted parks where fallen bodies cling
to the eternal elusive hope on the grass
black is the night in the breakwater of life
as angry waves pound on the heaving, mournful breasts of lingering, everlasting miseries.
bitter is life
like my coffee, unsugared, uncreamed bitter in the lips of a child
whose abdomen swells though in it only air dwells
bitter in the black nipples of a praying, emaciated wife
bitter in the mouth of a cursing father whose flesh devoured by grease and machine in hungry factories of greed bitter in the hatred-filled eyes
of a sad, lonely man whose blood is being sucked
by the parched earth not his so the grains of palay in fields of enslaving gloom
would glitter like gold in the horizon of discontent and the sugarcanes would vomit
sweet, delicious, sticky sap amidst the cries of the working class.
when will my coffee be sweet? when will its black color fade?
when will cream and water make love and mix?
yes, my coffee has no cream nor sugar bitter as the lives
of those crucified by tears of grief yes, my coffee tastes
in a rotten society paradise of a chosen few but rebellious shadows in the night
will not cease rekindling the fire till the flames engulf the demigods
and, yes, at last,
our coffee will be sugared and creamy alas, at last,
it will then taste like honey!
Kape Ko’y Walang Krema Ni Asukal
June 16, 2012 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula)
kape ko‘y walang krema ni asukal maitim tulad ng gabing humahalik makapal na ulap sa mata ng gaplatong buwan mapait tulad ng lugaming buhay
ng mga nilikhang namahay namuhay sa ilalim ng tulay
yumakap-nangarap sa mabahong tiyan at balikat ng gumagapang na tripa de gallina ng nakalupasay na canal de la reina
at naglilingkisang mga eskinita. maitim ang gabi
tulad ng aking kape sa mga kalyehon ng kalunsuran sa mga kariton at barungbarong
sa tabi ng mga basurahan sa mga parkeng himlayan ng mga pagal na katawan
maitim ang gabi sa gilid-gilid ng dalampasigan habang binabayo ng mga alon pusod ng lungsod ng karalitaan.
mapait ang buhay
tulad ng kape kong walang asukal sa labi ng batang mapintog ang tiyan
kahit hangin lang ang laman
sa susong natigang-naluoy ng inang laging nagdarasal sa bibig na puno ng ngitngit ng amang laman ay nilamon ng grasa‘t makina sa mga pabrika at dugo‘y nilagok ng lupang di kanya
upang maging ginto mga kabukiran at maging asukal ang laksang tubuhan.
kailan tatamis itong aking kape? kailan pupusyaw ang itim na kulay? kailan magtatalik ang krema at tubig? oo, kape ko‘y walang krema ni asukal
simpait ng buhay ng mga nilikhang ibinayubay sa krus ng luha ng dalita‘t lumbay oo, kape ko‘y dinikdik na apdo ang pait
tamis ay sinaid ng mga gahaman krema‘y sinuso ng mga dayuhan ngunit huwag magulumihanan
sa lipunang pinaghaharian ng iilang imbing diyus-diyosan mga galit na anino‘y laging naglalamay
maglalagablab din sigang sinindihan sa dibdib ng kanayunan
sa puklo ng kalunsuran ng la tierra pobrezang pinakamamahal at, sa wakas, kape nati‘y magkakaasukal
linamnam ng krema ay malalasahan magiging singtamis ng pulut-pukyutan!
Di Na Kita Dadalawing Muli
June 7, 2012 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula)
di na kita dadalawing muli sa iyong huling mga sandali ng magiting na paghihimagsik
sa daigdig ng dalamhati alam kong mamaya o bukas
o isang araw ngayong maulang buwan ng hunyo
bigla mong lilisanin niyakap na larangan ng madugong pakikilaban
sa uring naghahari-harian di na kita muling dadalawin kahit nais ko pang masilayan
titig na inuusbungan ng sagradong mga lunggati matang dalawang esmeraldang nagniningning sa makabayang mithi
at kibot ng labing
laging isinisigaw himagsik ng lahi. di na kita dadalawing muli ngayong hininga mo‘y hinihigop
ng humahalik na amihan sa humpak na mukhang pinatigas
ng di isinukong paninindigan para sa laya‘t ligaya ng bayan at ng masang pinag-ukulan ng buhay
sa maraming gabi ng paglalamay alam kong di mo iluluha ang kamatayan
manapa‘y labis mong ikararangal na pawis at dugo ng iyong katawan lubusang naidilig sa nanilaw na damuhan
ng lupaing binaog-tinigang ng mga kampon ng kadiliman
ng mga taliba ng kasakiman ng mga sugapa sa kapangyarihan ng uring diyus-diyosan sa lipunan
aawiting pa ngang lagi ng habagat man o amihan lirika‘t melodiya ng madugong buhay
upang la tierra pobreza‘y ganap magbanyuhay. di na kita muling dadalawin
ngayong alitaptap
ni ayaw kumindat sa pananagimpan ngayong balumbon ng ulap yakap-yakap dibdib ng karimlan
sapat nang makaniig kita sa naglilingkisang mga alaala
sa pulang bulaklak ng mga gumamela sa nagsalabat na cadena de amor sa mga burol at dalisdis ng pag-asa sa lumuluhang amarillo‘t makahiya sa masukal na kugon at damong ligaw
sa sabana ng pagsinta
katawan mo ma‘y ganap nang humimlay sa naghihintay na ulilang hukay
kahit walang panandang krus ni matingkad na pangalan at mga titik ng kagitingan magtatagpo pa rin ang ating mga titig magsasanib pa rin ang ating mga dugo magdurugtong pa rin ang ating mga ugat
sa bawat puso ng mga sawimpalad sa bawat luha‘t hikbi ng mga alipin
sa bukid at lungsod ng pighati at aawitin ng madagundong nating tinig
lirika ng mahalimuyak na paglaya ng ibinartolinang la tierra pobreza sa kuta ng mga panginoon ng dusa!
Mayo’y Di Buwan Ng Mga Bulaklak
May 1, 2012 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula)
di buwan ng mga bulaklak ang mayo o prusisyon ng malanding reyna elena di rin ito panahon ng marangyang pista
para sa kung sinu-sinong santo‘t santa buwan ito ng pagtitigis ng dugo
ng mga crisanto evangelista ng partido obrerong marxista paghihimagsik ito ng mga crispin beltran
ng maalab na kilusang mayo uno oo, pagbaha ito ng pulang mga bandila
ng inaaliping uring manggagawa ito‘y pagdagundong ng libu-libong mga paa
sa umaalong kalsada ng mendiola ito‘y pag-ilanlang sa hangin ng sumisingasing na ―internationale‖ ito‘y buwang dinamitang sasambulat
himagsik ng nakatikom na mga kamao ilululan sa nilalagnat na hangin
natipong ngitngit ng mga ama umalagwang hagulhol ng mga ina
daing ng napilipit na mga bituka
ngunit marinig kaya ng mga panginoon ng dusa dalamhati ng lahi at uring dinusta? oo, mayo‘y di buwan ng mga bulaklak deka-dekada nang pagdidilig ito ng luha
sa matimyas na hangaring manariwa binansot-naluoy na mga pag-asa ito‘y buwan ng di matapos na pakikibaka
laban sa uring mapagsamantala at mga basalyos ng inhustisya
ito‘y pagpapatibay ng hanay para sa pusikit na gabi ng paglalamay
ito‘y pagkakawit-bisig ng uring busabos at dayukdok hanggang tahakin ang bundok at isumbong sa mga punglo tagulaylay ng utak na kumukulo dignidad ng uri‘y gagawing palaso
itutudla sa balighong puso
ng mga diyus-diyosang walang niyayakap kundi bundat na baul ng pilak walang nakikita kundi alindog ng ginto
at ni ayaw dinggin ang tibok ng puso ng uring dinusta‘t nilamon ang laman nilagok ang dugo‘t nginasab ang tiyan.
oo, di nga buwan ng mga bulaklak ang mayo
ito‘y pagsalunga sa madugong kalbaryo at sa ati‘y wala nang mawawala
kundi tanikala!
Di Na Kami Mananalangin Sa Gethsemane
April 2, 2012 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula)
di na kami lalakad nang paluhod sa paanan ng bundok ng mga oliba
di na kami mananalangin sa hardin ng gethsemane sa silangang jerusalem sa may sapa ng kedron paulit-ulit na kaming nilatigo
ng mga senturyon ng estado nakatihayang dinuran-tinadyakan pinalunok ng ostiya sa maruming inodoro
pinalagok ng benditang madilaw mula sa pantog ng berdugo iba sa ami‘y isinimento sa dram
ipinakain sa tiyan ng karagatan iba‘y pinugutan ng ulo parang bolang marahas na sinikaran gumulong sa dalisdis ng kabundukan
dahil nangaral ng katotohanan sa api‘t dukhang mamamayan at buong timyas na nagmahal sa sagradong kalayaa‘t kaunlaran!
di na kami mananalangin sa hardin ng gethsemane payungan man kami‘t liliman
ng umiindak na mga dahon ng nagnonobenang mga puno ng olibang di naibuwal ng bagyo
di naihapay ng misa‘t ritwal ng mga pariseong mapanlinlang
siyam-na-raang taon man mabilis na dumaan
sa payapang hardin ng gethsemane di na namin kakausapin
mga bituin sa karimlan bautismuhan man kami ng kristal na luha ng kedron paulit-ulit na kaming nagrosaryo sa tiyan ng higanteng mga templo
nanikluhod-nagpatirapa sa altar ng kung sinu-sinong santo lumunok ng ostiya linggu-linggo nakipagprusisyon sa mga deboto naghosana sa diyos daw na totoo
krus pa ring simbigat ng mundo lagi naming pasan-pasan tungo sa mabungong kalbaryo!
oo, di na kami mananalangin sa hardin ng gethsemane malapit sa puso ng kedron di na kami sasandal sa punong oliba
linggu-linggo man ay semana santa paulit-ulit na kaming ibinayubay ipinako sa krus ng dalita‘t lumbay
muli‘t muli na kaming namatay muli‘t muli ring nabuhay dahil pag-asa‘y nagsasayaw
sa telon ng balintataw dahil ideolohiya ng pagsinta
madagundong ang kadensa inhustisya‘y bibingihin
ng bomba ng adhikain lipuna‘y papatagin diyus-diyosang iilan siya namang ililibing sa burol ng mga bungo pupunuin ng kanilang dugo matining na sapa ng kedron
lulunurin ng baha golgotha ng dukha!
Golgotha Ng Masa
April 1, 2012 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula)
sa burol
ng makabagong jerusalem sa tambakan ng inuod na mga bungo itinuturnilyo-minamartilyo
mga kamay at paa ng manggagawa sa pabrika buto‘t lama‘y nilalamon ng makina
nilalatigo-binubugbog sa asyenda lugaming katawan ng mga sakada
dugo nila‘y ididilig sa damong naluoy-nanilaw at tubong nabansot-namayat sa lupang natigang-nagbitak. sa lungsod ng makabagong jerusalem
mulang canal de la reina hanggang tripa de gallina mga ina‘y lumuluhang nakanganga sa utak dinadalit ama nami‘t ave maria
sa taberna ng alak ng dalita‘t dusa mga ama‘y naghihintay sa gapisong ostiya
naglalaway mga dila‘t ngalangala sa simbahan ng mga pari‘t mongha bawat santo‘y nakaluhod sa sakristiya kalembang ng kampana‘y musika ng pera ngunit mga pulubi‘y naglipana sa kalsada
mga bata‘y naglupasay sa bangketa mga magdalena‘y nananangis
sa casa de la puta krus nila‘y papasanin hanggang doon sa golgotha.
sit laus plena sit sonora sit jucunda
sit decora
mag-antanda at magdasal ave, ave, pater patrum darating na ang daluyong! sa palasyo ng gahamang panginoon
buong lakas na hihipan ni pilato gintong pakakak ng punong ministro
senturyon at escribano mahistrado‘t pariseo iindak at hahalakhak habang gumagapang prusisyon ng duguang masa
tungo sa burol ng bungo ng nag-aabang na golgotha
Di Ko Mahanap Sa Mga Salita
(Tula)
di ko mahanap sa mga salita sagot sa laksang mga talinghaga di madakma sa mahabang parirala sa sanaysay ng mga pantas at dakila di mahimas sa metapora ng mga tula ng makatang nabubuhay sa gunita
di malamas sa lirika ng musika ng piyanistang dinarasal ay pagsinta
di mayakap sa aklat ng mga teorya ng kritikong nagbabaging sa ideya
bakit ganoon? bakit ganyan? dinidilaan ng apoy ang talahiban
naglalagablab ang kabundukan nag-aalipato ang kabukiran nagngangalit alon sa dalampasigan naghihimagsik sikmurang kumakalam
sa lungsod man o kanayunan ngunit mabini pang hinahalikan ng amihan
kuta‘t palasyo ng mga gahaman senturyon at pariseo‘y naghahalakhakan habang inililibing ang bangkay ng bayan.
bakit ganoon? bakit ganyan? ako ba‘y binulag ng mga ilusyon sa aking pagtahak sa aking panahon?
di ko mahanap sa mga salita sagot sa laksang mga talinghaga
di yata sapat na sa letra lamang sisirin dagat nitong kasagutan bakit mabunyi silang nagdiriwang tayo‘y nananangis at nananambitan?
bakit ganoon? bakit ganyan? tayo ba‘y nilunod sa kamulalaan utak binalsamo sa morgeng hantungan? baka kuwit,tuldok at panandang tanong sumiksik sa rehas nitong kamalayan
kung isusudsod sa putik ng linang paang naglagalag at balot ng libag
kung uulinigin ingit ng araro habang niwawalwal madamong tiningkal
tuwing gagawakin dibdib ng bukirin
gagawing libingan ng mga bituin baka magbanyuhay itong pang-unawa kung pagmamasdan ang luha ng damo habang pinuputol ang tuhod ng tubo
kung mga daliri‘y itinuturnilyo laging pinupukpok ng mga martilyo sa pabrikang ataol ng layang sagrado
oo, di ko mahanap sa mga salita kung paano babaklasin-lalagutin tanikala ng kumakalam na sikmura kung paano tutuyuin sa mukha ng dukha
hilamos ng maalat na luha kung paano palalayain mga timawa
sa bilangguan ng dusa‘t dalita. di ko mahanap sa mga salita sagot sa laksang mga talinghaga wala nga yata sa linaw ng mga kataga
sagitsit ng kidlat hagupit ng lintik singasing ng punglo silakbo ng dugo atungal ng bomba sa altar ng dusa tanging nakikita lalangoy sa mata eksena ng pelikula ng mahabang pakikibaka sasagutin sa wakas
daluhong ng talinghagang di madakma ng lamyos-linaw ng mga kataga
at ipipinta ng pinturang pula sa lonang noong nangulubot sa kuwadrong mukhang malungkot
maningning na liwanag ng araw kung bakit tayo‘y laging alipin
ng uring ganid at balakyot sa lipunang nabubulok!
Madaling-Araw Sa Puso Ng La Tierra Pobreza
(Tula)
Pasintabi sa ilang linya sa tulang tungkol sa Aprika ni Patrice Emery Lumumba, unang Presidente ng Demokratikong Republika ng Congo na pinatay ng mga kalaban niya sa pulitika
sa udyok diumano ng Central Intelligence Agency o CIA ng Amerika.
sa loob ng ilang dantaon parang hayop kang nagdusa ikaw, indio, ng aking la tierra pobreza
dinurog-giniling ang iyong mga buto hanggang maging abong ipinatangay sa hangin
ikinalat sa kagubatan at kabukiran ng puting mga panginoon ng dusa‘t inhustisya
nagniningning na mga templo ang itinayo ng iyong mang-aalipin
para pangalagaan ang iyong kaluluwa para panatilihin ang iyong pagdurusa. karapatan nilang matindi kang bugbugin karapatan nilang walanghabas kang latiguhin
karapatan mong manangis at mamatay walang katapusang gutom walang hanggang tanikala nililok nila sa iyong katawan… sa luntiang kumot ng kasukalan parang dambuhalang ahas na gumagapang
palapit sa dinusta mong kabuuan lilingkisin ka ng kamatayan.
sa iyong leeg isinabit nila bakal na bola ng karalitaan asawa mo‘y pinagsamantalahan perlas na maningning ng iyong tahanan sinakmal-sinaid di masukat mong yaman.
parang tunog ng mga tambol sa karimlan hinagpis ng mga kaluluwang nilapastangan
parang lumalagaslas na agos ng ilog luha‘t dugo ng mga biktima ng kalupitan.
oo, mula sa banyagang dalampasigan naglakbay sila tungo sa iyong inang-bayan
sandata‘y krus at espadang itinarak sa puso mo at isipan
upang la tierra pobreza mo‘y pagharian
ginawang kalabaw ang iyong mga anak sa mga lupain nilang kinamkam
ginawang turnilyo‘t martilyo bisig ng iyong mga supling sa mga pabrika nilang gilingan ng laman
habang ipinangangaral sa sangkalupaan mahabagin ang diyos sa kanyang nilalang
ngunit lagi kang nananangis, indio pinaiilanlang sa hangin melodiya ng panambitan
habang sa harap ng naglalagablab na apoy nagsayaw ka nang nagsayaw, indio
hanggang kumulo ang iyong dugo hanggang sumilakbo ang iyong puso sinindihan mga mitsa ng paghihimagsik
ginilitan ng leeg dating mga panginoon ngunit nahalinhan ng bagong diyus-diyosang
umaalipin sa iyo hanggang ngayon
kasabuwat pa‘y ilang kalahi mong mandarambong! oo, indio, ng aking la tierra pobreza
daan-daang taon kang inalipin at inaalipin hanggang ngayon ng mga panginoon ng dusa‘t pagsasamantala
ngunit sa lagablab ng apoy ng sigang sinindihan
ng mga aninong kalansay na ngayon patuloy na magsasayaw at maglalamay
sa karimlan ng gabi sa burol at kagubatan mga kapatid mong magigiting
itititik ng kanilang mga dugo sa naninilaw na damuhan ng pag-asa
laya mong labis na sinisinta masdan mo ang pagputok ng umaga
samyuin ang halimuyak ng ligaya tutuyuin ng amihan sa mukha mo
luha ng dalamhati ng lahi kapag tuluyang nag-apoy naglagablab-nag-alipato naghihimagsik na mga talahib
sa mga burol at sabana magdiwang ka, indio!
umindak kang buong sigla sa kadensa ng bagong lirika madaling-araw ay daratal na sa puso ng ating la tierra pobreza!
Di Tayo Mandarambong Ng Pondo Ng Bayan
March 17, 2012 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula)
di tayo mandarambong ng pondo ng bayan di tayo namili o nagpalimos ng kapangyarihan
sikmura ma‘y malimit na kumakalam di natin nilulunok ang dignidad
o nginangasab ang kahihiyan mga anino tayong naglalamay sa karimlan
sa piling ng gaplatong buwan sa mapagkandiling kagubatan
ng cadena de amor, makahiya‘t damong-ligaw humahabi tayo ng melodiya ng kalayaan
para sa ibinartolinang bayan sa kuta ng mga panginoon ng dusa
at mga taliba ng inhustisya.
di tayo mandarambong ng pondo ng bayan kaya wala tayo sa pinalamig na silid
ng humuhuning elektrisidad manapa‘y hinahaplos ng amihan mapanghimagsik nating kabuuan wala tayong platong porselana wala tayong mamahaling kopita
wala tayong sopa de gallina lechon o adobo sa mesa
makalyong mga palad tenidor natin at kutsara kaning lamig, hito‘t dalag
na nahuli sa sapa saluyot at talbos ng ampalaya
sa dahong saging na mesa hinahalikan ng labi nati‘t ngalangala. di tayo mandarambong ng pondo ng bayan kaya lagi tayong nagsasabi ng katotohanan di natin nilulunod sa ilusyong kaunlaran
at tinagni-tagning kasinungalinan masang sambayanang tumitigok ang lalamunan
manapa‘y sa puso natin nagmumula dalisay na agos-tubig na dakila sa hininga natin dumaramba ang hangin
sa kamay natin nag-aapoy ang mithiin sa utak natin nagngangalit ang layunin
bansa‘y mapalaya sa pang-aalipin oo, di tayo mandarambong ng pondo ng bayan
di nagsasangla ng kinabukasan manatili lamang sa kapangyarihan tayo‘y mandirigma ng dangal at laya
musa nati‘y banal na adhika tanging sinisinta‘y sambayanang masa
tanging dinidiyos lipunang maganda!
Bahay-Kubo Ko’y Giniba
March 8, 2012 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula)
bahay-kubo ko‘y giniba nang nananangis ang hangin sa mga dahon ng punong mangga
at nababagabag titig ng araw sa tinuklap na pawid-bumbunan
unti-unting ginilit-nilagari buto ng natuyong lalamunan binaklas kawayang kasukasuan nilansag patpat na mga tadyang waring babaing nanambitan
nang laslasin-hubarin blusa‘t paldang sawaling nakabalot sa kariktan ng katawan
minaso‘t pinalakol hita‘t tuhod na tumutol hanggang tuluyang lumuhod
bumukaka‘t nagpaubaya sa sumisikdong tiyan ng lupa saan ngayon maghohosana ang diwa
naglalambitin ngayon sa telon ng mga luha
puti-itim-asul-pula ayaw lumisang mga alaala dumadaluhong mga eksena ng mga orasyon ng pagsamba
sa katalik na ideolohiya para sa pinakasisintang
la tierra pobreza sa kalansay ng kubong giniba naglipana mukhang umiyak-tumawa
mga diwang nalasing-nabaliw mga labing sumigaw-nagmura mga dibdib na hitik ng ngitngit butuhang daliring nakikipagniig
sa pinsel at baril
sa tinta at pluma ng paghihimagsik ngayong kubo ko‘y giba na
at gabi‘y maulap-masigwa saan makikipagromansa
talisik ng isip at pintig ng puson at dibdib para marating minimithing langit ng dustang kauring alipin ng lintik?
oo, bahay-kubo ko‘y giniba katawa‘y nagkalasug-lasog mga buto‘y sumabog-nadurog inatadong laman naagnas-nabulok
ngunit pagsinta sa irog ay di mababaog
di masasaid ang libog ng pusod di mamamatay ang liyab at alab
ng angking pag-ibig sa mga kauring kayakap ng lungkot
silang mga buto ay lumalagutok sa inyong asyendang moog ng balakyot
silang katawan ay inyong hinuthot sa inyong pabrika sa dibdib ng lungsod
habang kayo nama‘y nagpapakabusog sa pawis at dugo ng aming alindog kayong panginoong walang pakundangan
sa aming dignidad at kinabukasan mayroon ding hangganan hanggang sumisibol ang damong luntian
sa gubat at bundok
hanggang lumilipad ang malayang ibon sa bukid at gulod
hanggang dumaramba marahas na alon sa pader ng dagat
bahay-kubo namin ay di mapipigil sa pagbabanyuhay
tungo sa lunggating pantay na lipunan!
Gagamba Ang Mga Gunita
February 19, 2012 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula)
sa nagpulupot
na mga baging ng cadena de amor gagambang nakasukot marahas-maulap na mga gunita
nagtatanod-nakaabang sa pinto ng kamalayan kumikislot-nagbabantay mabalahibong mga galamay
handang silain-saputan pangarap ng diwang naglakbay
sa ilang dekada ng pananagimpan.
lalaya ka pa ba mahal kong la tierra pobreza
sa pagkakasapot ng mga gagamba? mga gunita‘y gagamba sa nagdaop na mga palad
ng cadena de amor habang nagpuprusisyon
sa gubat ng dilim sa burol at talampas ng mapagkalingang bundok mga aninong naligo sa dugo dahil sa mataos na pagsuyo
sa mukha mong alipin ng bagabag at sinapupunang niluray-binaog
ng nagpista‘t nagrigodong diyus-diyosang mga panginoon!
lalaya ka pa ba mahal kong la tierra pobreza
sa makapal na sapot ng imbing gagamba? gagamba mang gumagapang
umuukilkil na mga gunita sa dibdib ng cadena de amor sinaputan man ng pangamba
banal na adhika ng masang inulila ng biyaya
didiligin pa rin ng hamog nanilaw na mga damo
at di mapipigil
mga talahib sa pamumulaklak sa alinmang burol at sabana ng minamahal kong la tierra pobreza
di mahahadlangan pagliliyab ng mga layak saanmang kuta ng inhustisya
isasabog alipato ng ligaya hanggang bawat luha‘y magiging punglo ng paglaya sa bawat dampa ng mga inalila!
oo, pinakasisinta kong la tierra pobreza tutupukin din ng apoy bawat sapot ng gagamba
sa wakas lalaya ka gaya ng mabining hangin
sa dibdib ng kaparangan gaya ng daloy ng tubig
sa tiyan ng kagubatan gaya ng naglalarong
langay-langayan sa papawiring nagdiriwang
sa matimyas na pagsinta ng mga supling mong kayakap
kaulayaw bawat gabi at umaga banal na adhika ng pakikibaka!
Makulimlim Ang Aking Enero
January 17, 2012 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula)
enero ko‘y makulimlim puso‘y inaambon ng sagimsim
ayaw manlisik ang mga bituin sa gabi ng dahas at lagim di magkulay-ginto ang mga bukirin
balumbon ng ulap sa mata ng araw laging nakapiring
di ko naririnig ang daing ng tagak o biglang pag-iyak ng uwak walang kumikislot na pugo at tikling
sa kasukalang laging naglulunoy mata ng panimdim
maging maya-kapra‘t malikot na pipit sa sanga ng mangga‘y di kumakandirit.
makulimlim ang aking enero nagliliwaliw ang amihan sa nagsisimulang manilaw na damuhan
tumatakas ang mga dahon sa bisig ng punong kabalyero
at nangaluluoy mga bulaklak sa hardin ng mga pangarap di ko maunawaan yaring panagimpan
mga daliri‘y waring ginalyusan at di maitipa sa mga teklado
ng antigong piyano o maikalbit kaya sa mga bagting ng gitarang laon nang nahimbing
paano ngayon tutugtugin dumarambang mga nota ng marahas na musika ng pakikibaka para sa pinakasisintang la tierra pobreza?
enero ko‘y makulimlim nagliliparan man langkay-langkay
sa abuhing papawirin di maaninag ng paningin
puno‘t dulo ng mithiin ni ayaw umalab ang dugo sa ugat ni ayaw lumiyab himagsik ng utak
gayong lupain ko ng dalita‘t dusa nililinlang lamang pinaglalaruan ng magkakauring gahaman sa yaman
itinatanghal tagisan ng dangal ipinipinta sa mata ng bayan karangalan nila ay di nadungisan ni isa mang kudlit ng katiwalian.
makulimlim ang aking enero ngunit pasasaan ba‘t hahalikan ako
ng init-liwanag ng abril at mayo muling babangon sa karimlan
humimlay na mga anino sa nangulubot kong noo tulad ng mga punglong sumingasing
sa kasukalan ng dilim maglalagos din maningning
na sikat ng araw
mga palaso iyong tutudla‘t babaon sa baluti ng huwad na dangal at layon
ng mga diyus-diyosan ng lipunan ng mapang-aliping panahon kung malaon, oo, kung malaon
di na makulimlim at di na abuhin ang aking enero!
Troubadour of Hope
December 6, 2011 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Poem)
the vapor-laden clouds glide in the horizon of discontent
as billion of stars wink at the pale, waning moon
the somber night gnaws my tormented soul
as my mind swims in the labyrinths of hope
forevermore i will sip the sparkling dewdrops in every blade of swaying grass as the whispering morning wind licks my heaving, revolting breast.
yes, strength of spirit i need in my loins i must rekindle
the fire of undying faith the flames must be blazing
in every day and night to be a troubadour of hope
to weave lyrics of joy to hum with the whirling wind
melodies of awakening songs for the oppressed-downtrodden
faceless-nameless class in my exploited, barren land
yes, resolute i must be to continue weaving fiery, liberating lines. my mind now sways back and forth
in the rugged terrain of ideologues but crystal-clear purpose
shall keep me going swimming, struggling against the rampaging river
of injustices and despair and my untrammeled, selfish ego
will i drench and cleanse in the torrents of blood of the devoured victims
of the ruling class
yes, let‘s all be troubadours of hope in this forsaken, wretched land!
Di Ako Naiinip
November 6, 2011 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula)
di ako naiinip
hanggang sumisikdo ang puso hanggang kumikiwal ang dugo pumanaw man ang mga dekada ng pakikipagkawit-bisig sa masa
di tatakas matingkad na alaala ng namaalam na mukha ng mga kasama
ng nagsipag-alay ng buhay at pagsinta sa lugaming la tierra pobreza
di ako naiinip
hanggang kumukulo ang sentido hanggang pumipiglas ang kamao bawat araw ay dinidilig ng pag-asa
sa lagunlong ng mga protesta laban sa naghaharing inhustisya nagsasayaw sa telon ng mga mata
eksena ng marahas na pelikula luwalhati‘y hinahabi ng musika
di ako naiinip
hanggang humihihip ang habagat at amihan hanggang nagkukulay-ginto ang palayan naniniwala akong magbabanyuhay din ang lahat
maglumot man mga batong-buhay sa mga ilog magbitak man mga burol at kapatagan kumutan man ng dusa‘t dilim ang kabundukan
hagupitin man ng daluyong ang kaparangan natuyong mga dahon ay magluluntian
di ako naiinip
hanggang sumasagitsit kidlat sa kalawakan hanggang dumadagundong alon sa dalampasigan
oo, mga kasama‘t kaibigan huwag mainip ipagpatuloy ang pagtahak
sa mabatong daan huwag mainip
di lalaging malamlam ang buwan di mananatiling walang bituin
sa magdamag na karimlan huwag mainip
mahahalikan din mithiing maningning hanggang umaalingawngaw
himno ng mga tungayaw hanggang di maibilanggo
sa yungib ng bungo singasing ng mga punglo
di ako naiinip huwag kayong mainip nagkikindatan mga alitaptap
sa mahalimuyak na daan ng laya‘t katubusang nais nating makamtam papailanlang din sa hangin
kalansing ng nilagot na mga tanikala ng pagkaalipin!
Ihahasa Namin Ang Itak
October 28, 2011 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula)
ihahasa namin ang itak kapag hangin hatid ay sagimsim kapag malamlam ang mga bituin at sikat ng araw ay laging kulimlim
ihahasa namin ang itak kapag naluluoy ang mga bulaklak kapag mga layak ayaw maglagablab kapag mga hamog ay ayaw kumislap
kapag di makita isang alitaptap. oo, ihahasa namin ang itak
kapag kaming maralita magsasaka‘t manggagawa
mapalad pang mga daga kaming maghapon sa paggawa
laging hungkag ang sikmura ihahasa namin ang itak lalo‘t bunsong mahal nilalagnat
kinakabag sa magdamag walang masipsip na gatas sa suso ng inang naluoy sa hirap.
ihahasa namin ang itak kapag bigas sa kaldero
nilamon ng asendero kapag pawis nitong braso
nilaklak ng mga amo ihahasa namin ang itak
kapag kape‘y maputla na‘t lasang amag habang iyo namang nginangasab
grasyang kami ang naghirap ikaw naman laging bundat.
ihahasa namin ang itak kapag sobrang buwis iyong pinipiga
sa sambayanang nagkakandakuba masandat lamang kayong pinagpala at may madambong ang uring ulikba
habang kami nama‘y titinga-tingala sa kung sinong birheng puspos daw ng awa
nabingi na yata sa dasal-hinaing
ng uring alipin ng dusa‘t dalita. ihahasa namin ang itak kapag hustisya mo‘y sing-ilap ng ulap daig pa ang pagong kung ito‘y umusad sa uring mayaman ay walang kamandag
ngunit mapanikil sa uring mahirap sa pusong matapat ang kapara‘y sibat
banal na adhika ay dinadapurak hadlang sa pangarap sa laya‘t ligaya naming nagsisikap.
ihahasa namin ang itak oo, ihahasa namin ang itak kapag la tierra pobrezang pinakamamahal
ipinagagahasa sa mga dayuhan malusog na suso‘y ibinubuyangyang puklong soberanya‘y itinitiwangwang
manatili lamang sa kapangyarihan kayong nasa poder ng pagkagahaman
ihahasa namin ang itak
hanggang mapairal ang hustisya sosyal sinta‘y mapalaya
sa gabing madilim bartolina‘y ganap wawasakin
ng dahas ng hangin ng ngitngit ng alon
ulan ng bituin!
Alay sa Magiting na Mandirigma
October 10, 2011 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula)
la tierra pobreza
namaalam, lumisan kamakailan supling mong inialay ang buhay sa ngalan ng mataos na pagmamahal walang hanggan siyang maglalakbay
sa kalawakan ng mga buntala ngunit maningning na mga tala
iniwan niya sa palad ng dusa ng kanyang mga kapatid at kasama
kawangis ng ulilang estrelya sa luntian niyang sombrerong ilang dekadang minahal ng masa muhon iyon at sagisag ng prinsipyo
sa walang humpay na pakikibaka matubos ka lamang
la tierra pobreza
sa kamay ng uring mapagsamantala lumisan man siya
di naman mamamatay kanyang mga alaala sa magkakarugtong na mga ugat
sa nagkakaisang mga utak sa bawat dibdib ng paghihimagsik
ng nakikibakang masa di maaampat ang daloy ng nag-aalimpuyong dugo sa sumisikdong mga puso hanggang hari-harian ang iilan
sa lupain ng dalita‘t dusa. oo, la tierra pobreza magiting mo siyang mandirigma
ng pagsinta at pag-asa kagaya siya ng mga bonifacio
marti, castro at che guevara magluluningning, hahalimuyak
mabulaklak niyang mga alaala sa bawat pagngiti ng umiinit na umaga
sa bawat pagtitig ng buwang marikit sa gubat ng dilim at lagim
sa bawat hagupit ng dahas ng hangin sa moog ng sagimsim
oo, la tierra pobreza huwag kang manimdim lumisan man siya sa iyong piling
sisikat pa rin ang mga bituin yayakapin ng init ng araw
iba mo pang mga supling
magbabanyuhay din ang iyong panimdim mga dugo nila‘y ididilig ng giting sa hardin ng sagrado mong adhikain
mamumukadkad din
mga gumamela ng laya mo‘t ligaya! sa lumisan mong magiting na mandirigma
sinisinta naming la tierra pobreza kaming mandirigma ng papel at pluma iniaalay nami‘y himagsik ng tinta at letra
kami‘y supling mo rin na nakikiisa laban sa anumang uri ng pambubusabos-pagsasamantala!
Natutulog Pa Rin Ang Negrong Nazareno
September 14, 2011 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula)
ilang kahang sigarilyo, lolo hugo sa maghapo‘y kailangang ibenta mo
para maibili ng pansit-gisado sa restawran ni be ho
sa kanto ng elizondo naghihintay mong bunsong apo
sa nakaluhod na barungbarong
sa gilid ng mabahong estero? ostiya na lamang kaya ang iuwi mo
sagana sa altar ni padre san pedro sabawan ang kanin ng agua bendita
baka maglasang kalderetang tupa sa bibig ng namayat lumuluhang sinta natutulog pa rin ang negrong nazareno
sa loob ng eskaparateng salamin. gaygayin mo man, lolo hugo
mulang bibig ng r. hidalgo hanggang dibdib ng bilibid viejo
wala kang matatalisod ni piso walang pandesal mula sa langit walang lugaw sa pondang maanghit
sa paa mo‘y biglang hahaplit sigarilyo ng mga sugapang gaya ko magpapakislap sa mata mo, lolo hugo natutulog pa rin ang negrong nazareno
sa loob ng eskaparateng salamin. ilang dekada na ba, lolo hugo nagtitinda ka ng tingi-tinging sigarilyo?
nagtagpo na tayo sa plaza miranda sa maalab, madugong mga protesta sa panahon ng malagim na diktadura
mabulas ka noong gaya ko sumasabit pa sa mga estribo sa mga sasakya‘y nakikipagpatintero
ngayo‘y kapwa lolo na tayo natutulog pa rin ang negrong nazareno
sa loob ng eskaparateng salamin. ilang dupikal na ba ng batingaw, lolo hugo
sa pandinig mo‘y umalingawngaw? ilang himno‘t salmo na ba ang nagpasayaw
sa utak mong humihiyaw? sigarilyo, sigarilyo kayo diyan! bawal mang hithitin sa maraming lugar pero usok ng tambutso ng mga sasakyan
di lason sa hungkag na tiyan sa kauri nating laging nagkakalkal ng grasyang mula raw sa poong maykapal
natutulog pa rin ang negrong nazareno sa loob ng eskaparateng salamin.
anong malay natin, lolo hugo baka sa wakas magising din sa pagkakahimlay nazarenong negro sa yakap at halik ng milyong deboto
baka biglang bumangon din sa dasal at misa ni padre san pedro
espada‘y hawakan putulin ang ulo ng mga ganid sa mga palasyo busbusin ang tiyan ng mga impakto
upang grasya nati‘y di nila masolo malay natin, lolo hugo kapag nagising negrong nazareno
itataas natin ang kalis ng dugo bendisyon ng tabak at koro ng bomba
iparirinig natin sa mga asyenda sa mga empresa at mga pabrika sa naglumot na kuta ng inhustisya prusisyon ng masa‘y agad huhugos
palalayain ang uring busabos! oo, lolo hugo
kapag nagising negrong nazareno di ka na magtitinda ng sigarilyo
litson adobo‘t asado iuuwi mo sa pinakasisintang bunsong apo
pero, sa ngayon, lolo hugo natutulog pa rin ang naegrong nazareno
sa loob ng eskaparateng salamin.
Ayoko Na!
September 6, 2011 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez {Tula)
ayoko nang marinig ritmo ng melodiya ng mga salita
sa parirala‘t mahabang talata ayoko nang marinig
kalantog ng yero
pinukpok hinubog ng mga latero
inihulmang bubong sa lumang sasakyang pupugak-pugak na sa mabatong daan.
ayoko na, ayoko nang marinig kadensa ng martsa ng mga lirika sa tinahing piring ng mga taludtod
sa mga saknong na uugud-ugod pusong binalsamo ay di na titibok sa himas at hagod ng pantig na bansot utak mawawakwak sa mensaheng bubot
bamban ng tainga ay baka madurog sa nakabibinging daing at himutok ng pusong lumangoy sa dagat ng lungkot
walang inaawit kundi tagulaylay at nakababaliw na paghihiwalay walang tinutula kundi panagimpan ilusyon ng diwang alipin ng buwan.
sa mukha ng papel
nais kong makita‘y dahak ng kataga at madugong bisig sa mga talata metaporang buhay sa mga adhika ng masang kahalik maputik na lupa
lirikang maapoy sa utak ng madla tayutay ng bala sesura ng bomba sa bawat saknong ng pakikibaka.
nais kong marinig sa himnong tinipa sa dibdib ng masa sagitsit ng punglo sa gabing malalim tagupak ng lintik sa pisngi ng dilim atungal ng kulog sa burol na baog bombang pinasabog sa pusod ng lungsod lagunlong ng hiyaw ng diwang marangal laging kaulayaw ng bayang minahal! oo, ayokong makita
o paghahalikang di ko rin madama ako‘y nabulag na sa mga milagrong
iyong ipininta sa telon ng mata nakahandusay sa silid ng isip mga imaheng dulot ay himagsik
mga aliping katalik ng lagim sa bartolina ng mga bituin. kailan mababago itong lahat-lahat?
brasong buto‘t balat pisnging nangulubot likod na nahukot katawang natuyot
bitukang nalagot
habang nagpipista mga panginoon sa mesang sagana
sa laman at dugo
ng mga utusang tiya‘y kumukulo silang mga diyos sa palasyong ginto
nguso‘y nanghahaba sa sarap ng alak at litsong nginasab dilag na nginabngab kailan lilimusan katiting na habag masang sambayanang siyang pinagmulan ng yamang kinamkam? kailan tatapunan ng kaning nagtutong o natirang mumo batang pumintog ang tiyan
sa hanging naglunoy sa kanyang katawan?
ayoko na ayoko nang maulinig elehiyang malungkot odang nagdarasal epikong matamlay bingaw na kataga pilay na talata bulol na taludtod saknong na kulubot at mga katagang hindi dumudura walang pagbabanta sa sakim na mukha ng diyos ng sama sa ngayo‘y nais ko nais kong tunghayan
sa lukot na papel letrang nag-aapoy
sa lupang naluoy tutupok sa moog ng uring bagulbol nais ko‘y talatang matalim
lalaslas sa dibdib ng dusa‘t sagimsim.
ayoko na oo, ayoko na
sa mga katagang di dumaramba di gumigising sa diwa ng masa sana‘y may dagundong ng along malakas
may alimpuyo ng bagyong marahas upang galyos ng pambubusabos
hustisyang baluktot ganap na madurog
bayaang manlisik ang init ng araw bayaang humiyaw ang sanlaksang titik
ulan mang naipon sa pisngi ng langit gawing palasong ang taglay ay ngitngit
o mga punlo kayang bubutas-lalagos sa pusong maitim ng mga balakyot bibiyak sa bungo ng mga nagtraydor
sa ngayon at bukas ng bansang binitay ng diyus-diyosa‘t mga panginoon
lagablab ng titik singasing ng lintik siyang papatay naman
Di Kayo Desaparecidos
September 1, 2011 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula)
di kayo desaparecidos di kayo nawawala kayong nilamon ng lupa kayong mga katawa‘y nilapa kayong kalamna‘y ipinataba sa damong ligaw at makahiya
di kayo nawawala kayong isinimento sa dram hinigop ng pusod ng karagatan o binulok sa tagong bilangguan kayong ulong putol malabolang sinikaran
pinagulong sa dibdib ng kagubatan kayong nadiskaril ang kalansay buto ng kamay ngayo‘y tangay-tangay
ng asong galang nagkalkal sa masukal na talahiban.
di kayo desaparecidos di kayo nawawala nagbagong-anyo lamang sinalaulang katawang-lupa sa makulimlim mang umaga o humihilab na katanghalian sa namamaalam mang araw o gabi ng buwang malamlam
naroroon kayo
sa nag-usbong na hamog sa damuhan sa kumakaway na mga butil ng palay
sa himno ng ibon sa kaparangan sa hagupit ng hangin
sa lumalangitngit na punong kawayan sa tumakas na alipato
ng naglagablab na apoy sa karimlan. di kayo desaparecidos
di kayo nawawala naroroon kayo sa uha ng lumayang sanggol sa nagdugong puwerta ng ina
sa gumiting pawis sa noo‘t mukha ng inaliping manggagawa sa halas sa binti‘t alipunga sa paa
ng dinustang magsasaka sa himutok ng mga dukha
sa bilangguan ng dalita sa singasing ng hininga ng bawat nakikibaka para sa dangal at laya luwalhati‘t ligaya ng bayang pinakasisinta!
di kayo desaparecidos di kayo nawawala tubig lamang kayong nilaklak
ng uhaw na bibig ng init magiging itim kayong ulap ng langit
saka palasong ibibinit ulang kayong hahaginit sa lupang tinigang ng dilim-sagimsim
binhi kayo ng pangarap muli‘t muling sisibol din halaman kayong nanilaw kinapon ng dahas at lagim magluluntian din sa gabing madilim
oo, di kayo nawawala di kayo desaparecidos sapagkat ugat ninyo‘y karugtong
ng aming mga ugat sapagkat dugo ninyo‘y dumadaloy
kumikiwal din
sa himaymay ng aming puso‘t laman sapagkat diwa ninyo‘y nakikipaglakbay
sa mithiin naming ayaw humingalay. oo, di kayo desaparecidos
di kayo nawawala
nagbanyuhay lamang ang katawang-lupa paulit-ulit nga kayong mabubuhay
sa nag-aapoy naming puso‘t isip sa siil ng madamdamin ninyong halik
sa yakap ng inyong diwang katalik di masasayang mga dasal-tagulaylay
ng lumuhang mga mahal sa buhay kaaway man kayong itinuring
ng mga kampon ng dilim sa utak namin kayo‘y magluluningning
tatanglawan-iilawan landas naming lalakbayin upang tanikala ng pang-aalipin
marahas lagutin… baklasin!
Maria Magdala: Di Mamamatay na Talahib ng Alaala
August 28, 2011 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula)
dinadalaw ka ngayon, maria ng mga aninong walang mukha
ng mga nilikhang walang letra mga bibig at mata sa silid ng heringgilya
ng medisina at gasa itinaboy ka ng hangin mulang brumm sa belgium
hanggang sa lagunlong ng humihiyaw na mga tambol sa lansangan ng rio de janeiro
upang muling busbusin ng matalas na kutsilyo sinapupunang pinahirapan
ng banta ng kamatayan bituka‘y muling puputulan obaryo‘y inalis na noon pa man
upang hininga‘y di ulilahin ng pagaspas ng amihan
sa la tierra pobrezang ginutay ang pusong iwanan
at ngayon
sa sumisikdong kamalayan muli‘t muling binabalikan lupaing lunduyan niyong pagmamahal
at kahit sa pangarap man lamang madugtungan ang pakikilaban at matanglawan ng bilyong bituin
banal na laya‘t adhika ng masang alipin ng dusa‘t dalita
sa lipunang walang patumangga sa pagsalaula sa buhay ng dukha.
nang sabihin mo, maria hanggang nobiyembre na lamang
ang lagaslas ng hininga at walang katiyakan kung kinabukasa‘y ngingiti pa
o masisilayan pa mabining pagmumumog ng mga damong nakayukayok
sa umusbong na mga hamog o masuyong darantayan pa ng naglalagos na sikat ng araw
sa ulilang bintanang salamin mukhang nangulimlim at mga matang lumalim sa pagsisid sa dagat ng mga alaala sa pagsalunga sa mga burol at sabana at pagmamartsa sa lansangan ng mendiola
sa piling ng masang pinakasisinta o, maria magdala
akong itinuring mong ama ngayo‘y pinapalakol ang dibdib
nilalaslas ng labaha ang isip nakabilanggo yaring tinig di madakma sa mailap na hangin hinahabol na bawat salita‘t talata
maipadama man lamang sa katawan mong lupa tagulaylay ng pagsinta sa magiting na kasama!
oo, maria magdala naiparating mo na sa akin sagradong mga mithiin at habilin inilululan sa mga pakpak ng langay-langayan isinisigaw ng ragasa ng alon sa dalampasigan pinaiilanlang ng sipol ng hangin sa kagubatan
pakiusap mo‘y
ng mga nakadaop-palad at kaibigan maglakbay ka man sa kawalang-hanggan
paano ka malilimutan ng mga kinalinga‘t dinamayan
silang iyong ipinakipaglaban dinudusta nilang kapakanan silang katalik ng puso mong nagmamahal silang mga kayakap sa gabi ng paglalamay?
o, maria magdala
isa ka sa talahib ng aming mga alaala sunugin man nang sunugin at patayin muling uusbong sa lupain ng inhustisya muli‘t muling iindak at mamumulaklak
saanman dumaramba pagsasamantala sa lugaming buhay ng masa oo, tulad mo, maria magdala ang walang kamatayang talahib
ng aming mga alaala!
Isang Kutsaritang Luha
August 21, 2011 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula)
di ko maiiwasang alayan ka ng isang kutsaritang luha
nang yakapin ka
ng amarilyo‘t mahamog na damo koro lamang ng mga kuliglig
musikang naghatid sa himlayang dibdib ng katawang-lupang nagtigis ng dugo sa pakikibaka upang maisulong adhika ng masa.
oo, isang kutsaritang luha sa iyo‘y pabaon ng pusong simbigat ng mundo muling magbabalik sa higaang papag
mga alaala ng pakikitalad habang sinisilip kapirasong langit sa butas na pisngi ng bubong na pawid
at ipinipinta sa telon ng isip
hubad na kariktan
ng isang lipunang walang tanikala ng dusa‘t dalita
hininga‘y mabango tulad ng pinipig sariwang binayo
sa mulawing lusong ng layang sagrado. oo, isang kutsaritang luha lamang sa iyong paglisan aking tanging alay
ngunit naroroon
himagsik ng diwang laging naglalamay at sulak ng dugong laging kumikiwal
upang pagngalitin dahas ng habagat at wasaking ganap kuta ng bagabag bulok na imperyo ng mga katalad
sa lupaing kanilang niwakwak isang kutsaritang luha‘y magiging perlas ding marilag ng pangarap nating pantay na sosyedad!
Magtatanim Ako ng Pula, Pulang mga Rosas
August 8, 2011 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula — malayang bersiyon ng aking orihinal na ―Will Sow Red,
Red Roses‖) magtatanim ako ng pula, pulang mga rosas
sa sumisikdong dibdib ng kahabag-habag kong bayan
rosas na kasing pula
ng papalubog, nangungulilang araw rosas na kasing pula
ng dugong pumapatak sa kayumangging kamay ng sakada
nalaslas ng machete niya sa pagpuputol ng mga tubo sa asyenda di lamang para may makain siya kundi madantayan ng sinag ng pag-asa
madilim, humuhumpak na pisngi ng naghihintay, nagdarasal na asawa
naiilawan lamang ng gasera yakap-yakap maulap na gulugod
ng naghilerang gulod hinihimas, kaulayaw ng pangamba.
magtatanim ako ng pula pulang mga rosas rosas na kasing pula
ng masidhing galit
sa mata ng pawisang manggagawa sa maghapon, mapang-aliping paggawa
para may maibili ng isang balot na tinapay ng isang kalderong mais-dilaw
ng isang latang pinulbos inasukalang gatas para sa nakalupasay
namayat na anak. oo, magtatanim ako ng pula, pulang mga rosas
sa nagdurusa‘t umiiyak ulila kong halamanan
ng mga pangarap naninilaw dila ng mga damo sa tigang na lupa ng kabiguan
pero gagawin kong luntian oo, luntian
sa paghahabulan ng mga patak ng nagbabantang ulan o sa pag-agos ng mga luha
ng uring alipi‘t dayukdok sa ulap ma‘y pilit hinahablot
paraisong laging nilulunok ng uring gahama‘t balakyot.
at kapag namukadkad na pula, pula kong mga rosas sa tag-araw ng malagablab
kong mga awitin buong ingat kong pipigtalin
ang bawat bulaklak buong suyong isa-isang hahalikan
sa tanglaw ng araw
ng umagang walang lambong sa mga kaibigan o kaaway man
isasabog kong malugod kaluwalhatian ng aking mga rosas
pula, pula, pula!
Will Sow Red, Red Roses
July 31, 2011 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Poem)
i will sow red, red roses in the heaving breast
of my forsaken land red as the setting, lonely sun
red as the dripping blood of a sacada‘s browny hand
slashed by his machete cutting cane for someone to earn not only his meal but to rekindle a glimmer of hope
on the grimly, sullen face of a waiting, praying wife in a dimly-lighted kneeling hut
embracing the dampness of ghastly, cloudy rolling hills
will sow red, red roses red as hatred in the worker‘s eyes working in enslaving, endless hours
to buy a loaf of bread a pot of yellow corn a can of powdered, sugared milk
for his sad, emaciated son. i will plant red, red roses in weeping, tormented ground of the forlorn garden of my dreams
yellowish are the blades of grass in the parched earth of despair
will paint it green, yes green by the drizzle of the coming rain
of grieving, mournful eyes of the downtrodden, oppressed class
forever searching elusive paradise devoured by devilish, greedy souls and when my red, red roses bloom in my summer of triumphant songs
tenderly, so tenderly, i will pluck and fervently kiss each flower beneath the morning sun
to friends or even foes i will gladly share
the ecstatic glory of my roses red, red, red!
For Norway
July 29, 2011 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Poem)
(written when Anders Behring Breivik, afflicted with Islamophobia in support of Zionism and who viewed Islam as
―cultural Marxism‖ and the number one enemy, bombed government buildings in Oslo on July 22, 2011 resulting in eight
deaths, and then carried out mass shooting killing 69 people mostly teenagers in the island of Uteya)
now flows the river of blood in the land of peace and love gory memories of things past of crusading christian knights flaming swords of volkmar and gottschalk
beheading the innocent multitude oh, rampaging fire of peter the hermit
roasting rhine valley to regensburg charismatic priests shouting ―deus vult‖
decapitating muslim brothers in dewy, slimy european soil catapulting their heads on wooden pegs
in nicea, antioch and tyre
now, oh, slumbering norway of my dreams
dismal is your night dismal also in my bleeding heart!
Mea Culpa
July 18, 2011 by plumaatpapel ni Rogelio L. Ordonez (Tula)
mukha akong tinapa isinawsaw sa bawang at suka
sa magarbong piging ng marangal at elitista mukha ring itinayong estatuwa
di sanay magbarong-tagalog lalo na ang mag-amerikana na may kamisadentrong de kurbata
di rin sanay na walang sumbrero para na ring hinubaran ako
ng katsang karsonsilyo at itanghal sa publiko tarugong iniingatan ko. mukha akong katawatawa
sa bilog na mesa sa tabi ng mga punyeta di alam unang dadamputin sa naghilerang tenidor kutsara
kutsilyo kutsarita alin ba ang baso ko sa kanan ba o kaliwa ko? paano ba sasalukin hihigupin
sopa de gallina? paano ngunguyain ensalada de jamon y lengua?
paano maarteng hihiwain karneng may palitada ng salsa?
o tutusukin ng aling tenidor naglalanding mga prutas
sa platitong porselana? hijo de puta ka ng tokwa‘t hinebra!
o, diyos ni abraham
santa mariang birheng kapita-pitagan anak lamang ako
ng hito‘t tilapya sa kangkungan suki sa carinderia sa tutuban sanay humigop ng libreng sabaw ng butu-butong ilang ulit inapuyan sa mausok na kalderong bilangguan sanay lumamutak itong mga kamay sa dalawang mala-susong tumpok ng kanin
sa platong paraiso ng ligaya sanay maglandi dila‘t ngalangala
sa ulo‘t mata ng pinangat man o paksiw na isdang sumisid
sa laway ng bungangang nalahiran ng ngiti‘t ligaya. bakit ba ako itinaboy ng hangin
na dumalo sa ganitong piging? bakit ako kapiling ng mga crema de leche ng diumano‘y masalapi‘t magigiting tapagtaguyod ng lipunang balimbing
habang maalipunga sa bukirin paa ng mga kapatid kong magsasaka
at makalyo sa pabrika palad ng obrero kong mga ama? o napilitan akong maging sibilisado
naging ipokrito‘t ayaw ibando pagka-barumbado‘t di pakikipagkapwa-tao
sa diumano‘y mararangal na ginoo saglit di maiwasang makipiling sa kanilang parang mga santa‘t santito
langhapin nakalilibog na pabango ng malalanding dilag sa inuuod nilang alta sosyedad titigan katawang patuwad-tuwad at mapagnasang himasin ng mga mata
kutis nilang mala-porselana dantayan ng minamalaryang palad mga daliri nilang kandila ang kapara
palamasin kaya ng kamatis at itlog na pula
o isawsaw kaya itubog sa luha‘t dugo ng lupa
maging marangal na rin kaya ako kung sila‘y mga kapiling ko
o ego‘y nasabik malasing sa parangal na ibinitin-bitin? susuubin daw ng insenso‘t kamanyang naitambak kong mga titik sa basurahan
ng mga papel ng kamalayan dumalirot daw sa almoranas ng lipunan
at puwertang inaagasan ng dugo ng dusa‘t karalitaan gayong silang mga diyus-diyosan
silang iilang hari-harian ang nagpakaganid sa laman gumahasa‘t nagpasasa sa sinapupunan
ng pinakasisinta kong bayan nagbulid sa trahedya‘t kaalipinan sa kauri kong masang sambayanan! bakit ngayon mga titik ko‘y papupurihan?
ako ba‘y inuuto‘t binobola lamang dila‘y unti-unting pinuputol nang di maghayag ng katotohanan
daliri‘y minamartilyo‘t binabalda nang di makasulat ng mapulbura
sumisingasing na mga linya laban sa mga senturyon at kardinal ng pambubusabos at pagsasamantala
o humabi kaya ng mga nota ng bomba‘t granada
upang sa wakas umawit- magsayaw giliw kong la tierra pobreza sa melodiya ng laya‘t ligaya?
o, diyos ni abraham
santa mariang birheng kapita-pitagan prinsipyo ko‘y di ibinibenta sa mesa ng panlilinlang at inhustisya! kahit kalimitang tiyan ko‘y kinakabag bulsa‘y inulila ng kalansing ng barya
lalamunan ma‘y titiguk-tigok sa halimuyak ng mamahaling cognac
di itatakwil ng dibdib at isip sagradong pangarap-mithiin