• Tidak ada hasil yang ditemukan

Ang Buod Ng Florante at Laura

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Membagikan "Ang Buod Ng Florante at Laura"

Copied!
29
0
0

Teks penuh

(1)

Ang buod ng Florante at Laura. (Tagalong version)

Sa umpisa ng Florante at Laura, matatagpuan natin si Florante (anak nina Duke Briseo at ni Prinsesa Floresca) na nakagapos sa puno ng higuera (Fig Tree) sa kagubatan sa labas ng Albanya. Napapaligiran siya ng dalawang leon, na handa nang dambahan si Florante.

Sa kabutihang palad, naglalakad din sa kagubatan si Aladin, isang Morong taga-Persya. Anak siya ni Sultan Ali-Adab. Nilisan niya ang kanyang sariling bayan, sapagkat inagaw sa kanya ng sariling ama si Flerida, ang kasintahan ni Aladin.

Narinig ni Aladin sa mga sigaw ni Florante ang mga kuwento ng mga kasamaang ginawa sa Albanya, ang pagpatay sa hari at ng mga ka-alyado nito, at ang di umano’y pagtataksil ni Laura (kasintahan ni Florante). Natagpuan ni Aladin si Florante, at pinatay niya ang mga leon bago pa nila nasaktan si Florante.

Tinulungan niya si Florante sa pagkagapos nito, ang magdamag niyang binantayan.

Ikinuwento ni Florante na pinadala siya sa Atenas nuong siya’y 11 taong gulang upang mag-aral. Duon niya nakilala ang kanyang kababayang si Adolfo, na siyang anak ni Conde Sileno. Si Adolfo ay hinahangaan ng kanyang mga guro, pati na rin ng sampu niyang kamag-aral, sapagkat si Adolfo ay mabait at napakatalino.

Subalit pagkaraan ng anim na taon, nahigitan ni Florante si Adolfo at duon lumabas ang tunay na kulay nito. Sa isang dula-dulaan, tinangka ni Adolfo na totohanang tagain si Florante. Mabuti na lang at niligtas si Florante ni Menandro, ang pamangkin ng gurong si Antenor. Kinabukasan, pinauwi si Adolfo sa Albanya.

Nanatili si Florante sa Atenas ng isa pang taon, nang makatanggap siya ng sulat mula sa kanyang ama. Ang balita ay pumanaw na raw ang ina ni Florante. Pagkaraan ng dalawa pang buwan, nakatanggap muli ng liham si Florante — pinapauwi na siya sa Albanya.

Nung pauwi na si Florante, humingi ng saklolo sa kanya ang hari ng Krotona, sapagkat ang kaharian nila ay sinasalakay ng hukbong Persiya, sa pamumuno ni Heneral Osmalik. Ipinakilala ni Duke Briseo si Florante kay Haring Linceo, at si Florante ay ginawang kumander ng hukbong Krotona.

Sa palasyo, nakilala ni Florante si Laura, ang napakagandang anak ni Haring Linceo. Bago siya sumali sa digmaan, ipinahayag ni Florante kay Laura ang kanyang saloobin.

Nagapi ni Florante si Heneral Osmalik sa loob ng limang oras. Nanatili naman si Florante sa Krotona ng limang buwan pa.

Dahil sa nais na niyang makapiling si Laura muli, bumalik si Florante sa Albanya. Nagtaka siyan nang madatnan niyang nagwawagayway ang bandilang Moro sa kanyang kaharian. Laking gulat na lang niya nang makita niyang pupugutan na ng ulo ang isang babae.

Kinalaban ni Florante ang hukbong Persya (sa pamumuno ni Aladin), at pinalaya niya ang kanyang bayan, pati na rin sina Haring Linceo, Duke Briseo, at Adolfo (na nakapiit nuon sa kulungan).

Sinalakay naman ni Miramolin ang Albanya, ngunit nabigo sila kay Florante. Pagkatapos ng labanan, 17 na hari ang sumuko kay Florante.

Siguro napagod si Florante, kaya nagbakasyon muna siya sa Etolia.

Isang araw, nakatanggap muli siya ng sulat mula sa hari — pinapabalik siya muli sa Albanya. Pagbalik ni Florante sa kanyang kaharian, hinuli siya ng hukbong Albanya (30,000 ang bilang ng mga sundalo). Malamang kinakabahan sila gawa ng military record ni Florante, kung kaya’t medyo ―overkill‖ ang paghuli sa kanya.

(2)

Pagkaraan ng 18 na araw, pinagapos si Florante sa puno duon sa gubat upang kainin siya ng mga mababangis na hayop. Masuwerte siya at kahit dalawang araw nang nakalilipas, hindi pa siya kinakain ng mga hayop. At higit na mapalad siya nang dumating si Aladin, sapagkat nagugutom pala ang leon kapag dalawang araw na silang hindi kumakain. Habang nagkwekwentuhan si Florante at Aladin, nakarinig sila ng dalawang babaeng nag-uusap. Unang Babae: ―Nung narinig ko na pupugutan ang aking kasintahan, pumayag ako na magpakasal sa Sultan basta’t hindi na matutuloy ang parusang kamatayan. Buti na lang ang pinalaya ang mahal ko. Nung gabing iyon, nagsuot sundalo ako at tumakas ako. Ilang taon na rin akong pagala-gala bago kita natagpuan dito sa gubat.‖

Ikinuwento naman ni Laura ang mga nangyari sa Albanya habang wala si Florante: Inagaw ni Adolfo ang trono, pinugutan ng ulo ang hari at ang mga ka-alyado nito. Sinabi rin ni Laura na sinubukan niyang padalhan ng liham si Florante para malaman niya ang mga kaganapan sa Albanya.

Sinabi rin niya na naghayag ng ibig si Adolfo, at humingi si Laura ng 5 buwan upang pag-isipan ito. Dahil sa hindi makuha ni Adolfo ang puso ni Laura, pinagtangkaan na lang niyang gahasain ito… sa gubat. Makalipas ang dalawang araw lamang mula nung ipinagapos si Florante sa puno. Mga 20 araw lamang matapos na mahuli si Florante.

Hindi niya binigyan si Laura ng 5 buwan. Ni panugit na isang buwan.

Mabuti na lang at naglakad si Flerida sa gubat. Nakita niya si Adolfo, at dahil batid niya ang mga hangarin nito, ay pinana niya si Adolfo, at dahil batid niya ang mga hangarin nito, ay pinana niya si Adolfo haggang ito’y namatay.

Nagkita-kita ang apat na magkasintahan.

Natagpuan silang apat ni Menandro at ng hukbong naghahanap kay Adolfo. Laking tuwa na lamang nina Menandro nang matagpuan nilang buhay pa sina Florante at Laura.

Hindi nagtagal, nagpakasal si Florante at Laura, at sila’y naging hari at reyna ng Albanya. Nagpabinyag naman sina Aladin at Flerida, nagpakasal din, at bumalik sa Persya upang mamuno sa kanilang kaharian.

(3)

Buod ng florante at Laura (English version)

Florante is alone and weary, in a deep dark forest, tied to a tree waiting to be eaten by ravenous wild beasts…

Florante was the son of Duke Briseo of Albanya and Princess Floresca of Krotona. At a young age, Florante was sent to Atenas to pursue his studies. There he met Menandro and Adolfo. Adolfo was naturally selfish and envious even when he was still young. He held a secret hate towards Florante.

Menandro was Adolfo’s exact opposite. He is a kind, loyal, and a trustworthy friend to Florante. Of the three, Florante was the smartest, which was the reason why he was the professor’s favorite. Adolfo’s anger fumes even more. He secretly swore to plot revenge upon Florante.

Once there was a dramatic play being help at the academy. Adolfo made true the part he played. He stabbed Florante for real, but failed to kill him because of Menandro’s speed and agility. He saved Florante. And everyone hated Adolfo. He was advised by Antenor to return to Albanya. Meanwhile, Florante and his fellows stayed and continued studying in Antenas, until, Florante received a bad news from his father – his mother had died.

Florante returned home to Albanya. Not very long, his father, the duke, introduced Florante to the king. And this is when Florante laid eyes on Laura, the beautiful daughter of King Linseo.

Even it was only their eyes that met, the hearts of Florante and Laura had an instant and clear understanding. They loved each other from then on.

However Florante had to go to Krotona, where his grandfather ruled. Albanya’s King Linseo assigned Florante to come to the aid of the warring Krotona. With God’s help, Florante succeeded. He saved Krotona against the Moors.

Unfortunately, when Florante returned to Albanya, he discovered that it was now the kingdom that was in peril. The moors had imprisoned his father, and even Adolfo. Nonetheless Florante saved them all and freed the prisoners once again. So King Linseo loved Florante even more. And

(4)

ANG KAIBIGANG TUNAY

Kaibigang tunay ay laging matapat,

ang tulong ay laan sa lahat ng oras.

Siya ay mabait at saka marangal

sa lahat ng saglit ay maaasahan.

Sa pangangailangan, siya'y laging handa

nang ang kaibiga'y hindi mapahiya.

Siya'y nakalaan kahit na magtiis

upang mapagbigyan, katotong matalik.

Kaibigang lubos, kaibigang tapat

ay kayamanan din ang nakakatulad

THE TRUE FRIEND

A true friend is always faithful,

provides help at any time.

She is kind and honorable,

can be relied upon at any time.

In need, she is always ready,

so that her friend won't be embarrassed.

She's devoted even when tried,

in order to indulge her close friend.

A perfect friend, a faithful friend

can also be compared to treasure

(5)

Tagalog Version of

"Mi Ultimo Adios"

PAHIMAKAS ni Dr. Jose Rizal

Pinipintuho kong Bayan ay paalam,

Lupang iniirog ng sikat ng araw, mutyang mahalaga sa dagat Silangan,

kaluwalhatiang sa ami'y pumanaw. Masayang sa iyo'y aking idudulot ang lanta kong buhay na lubhang malungkot;

maging maringal man at labis alindog sa kagalingan mo ay aking ding handog.

Sa pakikidigma at pamimiyapis ang alay ng iba'y ang buhay na kipkip, walang agam-agam, maluag sa dibdib,

matamis sa puso at di ikahapis. Saan man mautas ay dikailangan, cipres o laurel, lirio ma'y patungan pakikipaghamok, at ang bibitayan, yaon ay gayon din kung hiling ng Bayan.

Ako'y mamamatay, ngayong namamalas na sa silinganan ay namamanaag yaong maligayang araw na sisikat sa likod ng luksang nagtabing na ulap. Ang kulay na pula kung kinakailangan

na maitina sa iyong liway-way, dugo ko'y isabong at siyang ikinang ng kislap ng iyong maningning na ilaw

Ang aking adhika sapul magkaisip ng kasalukuyang bata pang maliit, ay ang tanghaling ka at minsan masilip

sa dagat Silangan hiyas na marikit.

Natuyo ang luhang sa mata'y nunukal, taas na ang noo't walang kapootan, walang bakas kunot ng kapighatian gabahid man dungis niyong kahihiyan.

Sa kabuhayang ko ang laging gunita maningas na aking ninanasa-nasa

(6)

Ikaw'y guminhawa laking kagandahang akoy malugmok, at ikaw ay matanghal, hiniga'y malagot, mabuhay ka lamang bangkay ko'y masilong sa iyong Kalangitan.

Kung sa libingan ko'y tumubong mamalas sa malagong damo mahinhing bulaklak,

sa mga labi mo'y mangyayaring itapat, sa kaluluwa ko hatik ay igawad. At sa aking noo nawa'y iparamdam,

sa lamig ng lupa ng aking libingan, ang init ng iyong paghingang dalisay at simoy ng iyong paggiliw na tunay. Bayaang ang buwan sa aki'y ititig ang iwanag niyang lamlam at tahimik,

liwayway bayaang sa aki'y ihatid magalaw na sinag at hanging hagibis. Kung sakasakaling bumabang humantong

sa krus ko'y dumapo kahit isang ibon doon ay bayaan humuning hinahon

at dalitin niya payapang panahon. Bayaan ang ningas ng sikat ng araw

ula'y pasingawin noong kainitan, magbalik sa langit ng boong dalisay kalakip ng aking pagdaing na hiyaw. Bayaang sino man sa katotang giliw tangisang maagang sa buhay pagkitil; kung tungkol sa akin ay may manalangin idalangin, Bayan, yaring pagka himbing.

Idalanging lahat yaong nangamatay, mangagatiis hirap na walang kapantay;

mga ina naming walang kapalaran na inihihibik ay kapighatian. Ang mga bao't pinapangulila, ang mga bilanggong nagsisipagdusa;

dalanginin namang kanilang makita ang kalayaan mong, ikagiginhawa. At kung an madilim na gabing mapanglaw

ay lumaganap na doon sa libinga't tanging mga patay ang nangaglalamay,

(7)

Ang kanyang hiwagay huwag gambalain; kaipala'y maringig doon ang taginting,

tunog ng gitara't salterio'y mag saliw, ako, Bayan yao't kita'y aawitin. Kung ang libingan ko'y limat na ng lahat

at wala ng kurus at batang mabakas, bayaang linangin ng taong masipag, lupa'y asarolin at kauyang ikalat. At mga buto ko ay bago matunaw maowi sa wala at kusang maparam,

alabok ng iyong latag ay bayaang siya ang babalang doo'y makipisan. Kung magka gayon na'y aalintanahin

na ako sa limot iyong ihabilin pagka't himpapawid at ang panganorin

mga lansangan mo'y aking lilibutin. Matining na tunog ako sa dingig mo, ilaw, mga kulay, masamyong pabango,

ang ugong at awit, pag hibik sa iyo, pag asang dalisay ng pananalig ko. Bayang iniirog, sakit niyaring hirap,

Katagalugang ko pinakaliliyag, dinggin mo ang aking pagpapahimakas;

diya'y iiwan ko sa iyo ang lahat. Ako'y patutungo sa walang busabos, walang umiinis at berdugong hayop;

pananalig doo'y di nakasasalot, si Bathala lamang dooy haring lubos.

Paalam, magulang at mga kapatid kapilas ng aking kaluluwa't dibdib mga kaibigan bata pang maliit sa aking tahanan di na masisilip. Pag pasasalamat at napahinga rin, paalam estranherang kasuyo ko't aliw,

paalam sa inyo, mga ginigiliw; mamatay ay siyang pagkakagupiling!

(8)

Mi Ultimo Adios (English version)

Farewell, my adored Land, region of the sun caressed,

Pearl of the Orient Sea, our Eden lost, With gladness I give you my Life, sad and repressed; And were it more brilliant, more fresh and at its best, I would still give it to you for your welfare at most.

On the fields of battle, in the fury of fight, Others give you their lives without pain or hesitancy,

The place does not matter: cypress laurel, lily white, Scaffold, open field, conflict or martyrdom's site,

It is the same if asked by home and Country. I die as I see tints on the sky b'gin to show And at last announce the day, after a gloomy night;

If you need a hue to dye your matutinal glow, Pour my blood and at the right moment spread it so,

And gild it with a reflection of your nascent light! My dreams, when scarcely a lad adolescent, My dreams when already a youth, full of vigor to attain,

Were to see you, gem of the sea of the Orient, Your dark eyes dry, smooth brow held to a high plane Without frown, without wrinkles and of shame without stain.

My life's fancy, my ardent, passionate desire, Hail! Cries out the soul to you, that will soon part from thee;

Hail! How sweet 'tis to fall that fullness you may acquire; To die to give you life, 'neath your skies to expire, And in your mystic land to sleep through eternity ! If over my tomb some day, you would see blow,

A simple humble flow'r amidst thick grasses, Bring it up to your lips and kiss my soul so, And under the cold tomb, I may feel on my brow, Warmth of your breath, a whiff of your tenderness.

Let the moon with soft, gentle light me descry, Let the dawn send forth its fleeting, brilliant light,

In murmurs grave allow the wind to sigh, And should a bird descend on my cross and alight,

(9)

Let the burning sun the raindrops vaporize And with my clamor behind return pure to the sky;

Let a friend shed tears over my early demise; And on quiet afternoons when one prays for me on high,

Pray too, oh, my Motherland, that in God may rest I. Pray thee for all the hapless who have died, For all those who unequalled torments have undergone;

For our poor mothers who in bitterness have cried; For orphans, widows and captives to tortures were shied,

And pray too that you may see you own redemption. And when the dark night wraps the cemet'ry And only the dead to vigil there are left alone, Don't disturb their repose, don't disturb the mystery:

If you hear the sounds of cithern or psaltery, It is I, dear Country, who, a song t'you intone. And when my grave by all is no more remembered,

With neither cross nor stone to mark its place, Let it be plowed by man, with spade let it be scattered

And my ashes ere to nothingness are restored, Let them turn to dust to cover your earthly space.

Then it doesn't matter that you should forget me: Your atmosphere, your skies, your vales I'll sweep;

Vibrant and clear note to your ears I shall be: Aroma, light, hues, murmur, song, moanings deep, Constantly repeating the essence of the faith I keep. My idolized Country, for whom I most gravely pine,

Dear Philippines, to my last goodbye, oh, harken There I leave all: my parents, loves of mine, I'll go where there are no slaves, tyrants or hangmen Where faith does not kill and where God alone does reign.

Farewell, parents, brothers, beloved by me, Friends of my childhood, in the home distressed; Give thanks that now I rest from the wearisome day; Farewell, sweet stranger, my friend, who brightened my way;

(10)

MI ULTIMO ADIOS (Original/Spanish Version)

¡Adiós, Patria adorada, región del sol querida,

Perla del mar de oriente, nuestro perdido Edén! A darte voy alegre la triste mustia vida, Y fuera más brillante, más fresca, más florida,

También por ti la diera, la diera por tu bien. En campos de batalla, luchando con delirio,

Otros te dan sus vidas sin dudas, sin pesar; El sitio nada importa, ciprés, laurel o lirio, Cadalso o campo abierto, combate o cruel martirio,

Lo mismo es si lo piden la patria y el hogar. Yo muero cuando veo que el cielo se colora

Y al fin anuncia el día tras lóbrego capuz; si grana necesitas para teñir tu aurora, Vierte la sangre mía, derrámala en buen hora

Y dórela un reflejo de su naciente luz. Mis sueños cuando apenas muchacho adolescente,

Mis sueños cuando joven ya lleno de vigor, Fueron el verte un día, joya del mar de oriente,

Secos los negros ojos, alta la tersa frente, Sin ceño, sin arrugas, sin manchas de rubor Ensueño de mi vida, mi ardiente vivo anhelo, ¡Salud te grita el alma que pronto va a partir! ¡Salud! Ah, que es hermoso caer por darte vuelo,

Morir por darte vida, morir bajo tu cielo, Y en tu encantada tierra la eternidad dormir.

Si sobre mi sepulcro vieres brotar un día Entre la espesa yerba sencilla, humilde flor,

Acércala a tus labios y besa al alma mía, Y sienta yo en mi frente bajo la tumba fría, De tu ternura el soplo, de tu hálito el calor. Deja a la luna verme con luz tranquila y suave,

Deja que el alba envíe su resplandor fugaz, Deja gemir al viento con su murmullo grave,

Y si desciende y posa sobre mi cruz un ave, Deja que el ave entone su cántico de paz.

(11)

Deja que el sol, ardiendo, las lluvias evapore Y al cielo tornen puras, con mi clamor en pos;

Deja que un ser amigo mi fin temprano llore Y en las serenas tardes cuando por mí alguien ore,

¡Ora también, oh Patria, por mi descanso a Dios! Ora por todos cuantos murieron sin ventura, Por cuantos padecieron tormentos sin igual, Por nuestras pobres madres que gimen su amargura;

Por huérfanos y viudas, por presos en tortura Y ora por ti que veas tu redención final. Y cuando en noche oscura se envuelva el cementerio

Y solos sólo muertos queden velando allí, No turbes su reposo, no turbes el misterio, Tal vez acordes oigas de cítara o salterio, Soy yo, querida Patria, yo que te canto a ti.

Y cuando ya mi tumba de todos olvidada No tenga cruz ni piedra que marquen su lugar, Deja que la are el hombre, la esparza con la azada,

Y mis cenizas, antes que vuelvan a la nada, El polvo de tu alfombra que vayan a formar. Entonces nada importa me pongas en olvido. Tu atmósfera, tu espacio, tus valles cruzaré.

Vibrante y limpia nota seré para tu oído, Aroma, luz, colores, rumor, canto, gemido,

Constante repitiendo la esencia de mi fe. Mi patria idolatrada, dolor de mis dolores,

Querida Filipinas, oye el postrer adiós. Ahí te dejo todo, mis padres, mis amores. Voy donde no hay esclavos, verdugos ni opresores,

Donde la fe no mata, donde el que reina es Dios. Adiós, padres y hermanos, trozos del alma mía,

Amigos de la infancia en el perdido hogar, Dad gracias que descanso del fatigoso día; Adiós, dulce extranjera, mi amiga, mi alegría,

Adiós, queridos seres, morir es descansar. By José Rizal, 1896

(12)

Sa Aking mga Kabata

Kapagka ang baya’y sadyang umiibig

Sa langit salitang kaloob ng langit

Sanlang kalayaan nasa ring masapi

Katulad ng ibong nasa himpapawid

Pagka’t ang salita’y isang kahatulan

Sa bayan, sa nayo't mga kaharian

At ang isang tao’y katulad, kabagay

Ng alin mang likha noong kalayaan.

Ang hindi magmahal sa kanyang salita

Mahigit sa hayop at malansang isda

Kaya ang marapat pagyamanin kusa

Na tulad sa inang tunay na nagpala

Ang wikang Tagalog tulad din sa Latin,

Sa Ingles, Kastila, at salitang anghel,

Sapagkat ang Poong maalam tumingin

Ang siyang naggagawad, nagbibigay sa atin.

Ang salita nati’y tulad din sa iba

Na may alfabeto at sariling letra,

Na kaya nawala’y dinatnan ng sigwa

(13)

Sa aking mga Kababata (English version)

When ever people of a country truly love

The language which by heav’n they were taught to see

That country also surely liberty pursue

As does the bird which soar to freer space above .

For language is the final judge and referee

Upon the people in the land where it holds sway;

In truth our human raceresembles in this way

The other living being born in liberty.

Whoever knows not how to love this native tongue

Is worst than any best or evil smelling fish

To make our language richer ought to be our wish

The same as any mother loves to feed her young.

Tagalog and the Latin language are the same

Ang English and Castilian and the angles’ tongue;

And God, whose watchful care o’er all is flung

Has given us His blessing in the speech we calim,

Our mother tongue, like all the highest that we know

Had alphabet and letters of its verry own ;

But these were lost—by furious waves were overthrown

Like bancas in the stormy sea, long years ago.

(14)

Ang awit ni Maria Clara

Walang kasintamis ang mga sandali sa sariling bayan,

Doon sa ang lahat ay pinagpapala ng halik ng araw,

May buhay na dulot ang mahinhing simoy na galing sa parang.

Pagsinta'y matimyas, at napakatamis ng kamatayan man.

Maapoy na halik, ang idinarampi ng labi ng ina

Paggising ng sanggol sa kanyang kandungan na walang balisa,

Pagkawit sa leeg ng bisig na sabik pa-uumaga na,

Matang manininging ay nangakangiti't pupos ng ligaya.

Mamatay ay langit kung dahil sa ating lupang tinubuan,

Doon sa ang lahat ay pinagpapala ng halik ng araw,

Ang mahinhing simoy ns galing sa bukid ay lubhang mapanglaw

Sa wala nang ina, wala nang tahana't walang nagmamahal.

The song of Maria Clara

Sweet hours in the native country,

Where friendly shines the sun above!

Life is the breeze that sweeps the meadows;

Tranquil is death; most tender, love.

Warm kisses on the lips are playing

As we awake on the mother’s face:

The arms are seeking to embrace her,

The eyes are smiling as they gaze.

How sweet to die for the native country,

Where friendly shines the sun above!

Death is the breeze for him who has

No country, no mother, no love!

(15)

Memories of my town

When I recall the days That saw my childhood of yore

Beside the verdant shore Of a murmuring lagoon; When I remember the sighs Of the breeze that on my brow

Sweet and caressing did blow With coolness full of delight; When I look at the lily white

Fills up with air violent And the stormy element On the sand doth meekly sleep;

When sweet 'toxicating scent From the flowers I inhale Which at the dawn they exhale

When at us it begins to peep; I sadly recall your face,

Oh precious infancy, That a mother lovingly Did succeed to embellish. I remember a simple town;

My cradle, joy and boon, Beside the cool lagoon The seat of all my wish. Oh, yes! With uncertain pace

I trod your forest lands, And on your river banks

A pleasant fun I found; At your rustic temple I prayed With a little boy's simple faith And your aura's flawless breath Filled my heart with joy profound.

(16)

Saw I God in the grandeur

Of your woods which for centuries stand; Never did I understand

In your bosom what sorrows were; While I gazed on your azure sky

Neither love nor tenderness Failed me, 'cause my hapiness In the heart of nature rests there. Tender childhood, beautiful town,

Rich fountain of hapiness, Of harmonious melodies, That drive away my sorrow!

Return thee to my heart, Bring back my gentle hours As do the birds when the flow'rs

Would again begin to blow ! But, alas, adieu! E'er watch For your peace, joy and repose, Genius of good who kindly dispose

Of his blessings with amour; It's for thee my fervent pray'rs, It's for thee my constant desire

Knowledge ever to acquire And may God keep your can dour!

(17)

Alaala ng aking mga kababayan

Nagugunita ko ang nagdaang araw

ng kamusmusang kong kay sayang pumanaw

sa gilid ng isang baybaying luntian

ng rumaragasang agos ng dagatan;

Kung alalahanin ang damping marahan

halik sa noo ko ng hanging magaslaw

ito'y naglalagos sa 'king katauhan

lalong sumisigla't nagbabagong buhay

Kung aking masdan ang liryong busilak

animo'y nagduruyan sa hanging marahas

habang sa buhangin dito'y nakalatag

ang lubhang maalon, mapusok na dagat

Kung aking samyuin sa mga bulaklak

kabanguhan nito ay ikinakalat

ang bukang liwayway na nanganganinag

masayang bumabati, may ngiti sa lahat.

Naalaala kong may kasamang lumbay

ang kamusmusan ko nang nagdaang araw

Kasama-sama ko'y inang mapagmahal

siyang nagpapaganda sa aba kong buhay.

Naalaala kong lubhang mapanglaw

bayan kong Kalambang aking sinilangan

sa dalampasigan ng dagat-dagatan

sadlakan ng aking saya't kaaliwan

Di miminsang tumikim ng galak

sa tabing-ilog mong lubhang mapanatag

Mababakas pa rin yaong mga yapak

na nag-uunahan sa 'yong mga gubat

sa iyong kapilya'y sa ganda ay salat

ang mga dasal ko'y laging nag-aalab

habang ako nama'y maligayang ganap

bisa ng hanging mo ay walang katulad.

(18)

Ang kagubatan mong kahanga-hanga

Nababanaag ko'y Kamay ng Lumikha

sa iyong himlayan ay wala nang luha

wala nang daranas ni munting balisa

ang bughaw mong langit na tinitingala

dala ang pag-ibig sa puso at diwa

buong kalikasa'y titik na mistula

aking nasisinag pangarap kong tuwa.

Ang kamusmusan ko sa bayan kong giliw

dito'y masagana ang saya ko't aliw

ng naggagandahang tugtog at awitin

siyang nagtataboy ng luha't hilahil

Hayo na, bumalik ka't muli mong dalawin

ang katauhan ko'y dagling pagsamahin

tulad ng pagbalik ng ibon sa hardin

sa pananagana ng bukong nagbitin.

Paalam sa iyo, ako'y magpupuyat

ako'y magbabantay, walang paghuhumpay

ang kabutihan mo na sa aking pangarap

Nawa'y daluyan ka ng biyaya't lingap

ng dakilang Diwa ng maamong palad;

tanging ikaw lamang panatang maalab

pagdarasal kita sa lahat ng oras

na ikaw ay laging manatiling tapat.

(19)

Kundiman (English version)

Now mute indeed are tongue and heart:

love shies away, joy stands apart.

Neglected by its leaders and defeated,

the country was subdued and it submitted.

But O the sun will shine again!

Itself the land shall disenchain;

and once more round the world with growing praise

shall sound the name of the Tagalog race.

We shall pour out our blood in a great flood

to liberate the parent sod;

but till that day arrives for which we weep,

love shall be mute, and desire shall sleep.

Kundiman (Tagalong version)

Tunay ngayong umid yaring dila't puso

Sinta'y umiilag, tuwa'y lumalayo,

Bayan palibhasa'y lupig at sumuko

Sa kapabayaan ng nagturong puno.

Datapuwa't muling sisikat ang araw,

Pilit maliligtas ang inaping bayan,

Magbabalik mandin at muling iiral

Ang ngalang Tagalog sa sandaigdigan.

Ibubuhos namin ang dugo't babaha

Matubos nga lamang ang sa amang lupa

Habang di ninilang panahong tadhana,

Sinta'y tatahimik, iidlip ang nasa.

(20)

To the Flowers of Heidelberg - Jose P. Rizal

Go to my country, go, foreign flowers,

Planted by the traveler on his way,

And there beneath that sky of blue

That over my beloved towers,

Speak for this traveler to say

What faith in his homeland he breathes to you.

Go and say. . . say that when the dawn

First drew your calyx open there

Beside the River Neckar chill,

You saw him standing by you, very still,

Reflecting on the primrose flush you wear.

Say that when the morning light

Her toll of perfume from you wrung,

While playfully she whispered, "How I love you!"

He too murmured here above you

Tender love songs in his native tongue.

That when the rising sun the height

Of Kainigsthul in early morn first spies,

And with its tepid light

Is pouring life in valley, wood, and grove,

He greets the sun as it begins to rise,

Which in his native land is blazing straight above.

And tell them of that day he staid

And plucked you from the border of the path,

Amid the ruins of the feudal castle,

By the River Neckar, and in the silvan shade.

Tell them what he told you

As tenderly he took

Your pliant leaves and pressed them in a book,

Where now its well worn pages close enfold you.

(21)

Carry, carry, flowers of Rhine,

Love to every love of mine,

Peace to my country and her fertile loam,

Virtue to her women, courage to her men,

Salute those darling ones again,

Who formed the sacred circle of our home.

And when you reach that shore,

Each kiss I press upon you now,

Deposit on the pinions of the wind,

And those I love and honor and adore

Will feel my kisses carried to their brow.

Ah, flowers, you may fare through,

Conserving still, perhaps, your native hue;

Yet, far from Fatherland, heroic loam

To which you owe your life,

The perfume will be gone from you;

For aroma is your soul; it cannot roam

Beyond the skies which saw it born, nor e'er forget.

(22)

Sa Mga Bulaklak Ng Heidelberg

Pumaroon kayo sa mutya kong bayang pinakamamahal, O mga bulaklak na hasik sa landas niyong manlalakbay, At doon, sa silong ng maaliwalas na langit na bughaw, Sa mga mahal ko'y di nagpapabaya't laging nagbabantay,

Inyong ibalita itong pananalig na sa puso'y taglay Ng abang lagalag na di lumilimot sa nilisang bayan. Pumaroon kayo, inyong ibalitang madilim-dilim pa, Kung kayo, sa bati ng bukang-liwayway, ay bumubukad na, Sa pampang ng Neckar na lubhang malamig ay naroon siya, At sa inyong tabi'y inyong namamasid na parang estatuwa,

Ang Tagsibol doong hindi nagbabago'y binubulay niya. Inyong ibalitang kung sinisingil na ng bukang-liwayway Ang buwis na bango ng inyong talulot pag ngiti ng araw, Habang bumubulong ang bagong umagang halik ang kasabay

Ng "Kung inyo lamang nababatid sana yaring pagmamahal!" Siya'y may bulong ding inaawit-awit sa katahimikan, Kundiman ng puso na sa kanyang wika'y inyong napakinggan.

At kung sa taluktok niyong Koenigsthul ay humahalik na Ang mapulang labi ng anak ng araw sa pag-uumaga, At ang mga lambak, gubat at kahuya'y binubusog niya

Sa daloy ng buhay na dulot ng sinag na malahininga, Yaong manlalakbay ay bumabati ring puspos ng ligaya

Sa araw, na doon sa sariling baya'y laging nagbabaga. At ibalita rin na nang minsang siya'y naglalakad-lakad Sa pampang ng Neckar ay pinupol kayo sa gilid ng landas,

Doon sa ang tanod ay ang mga guhong bakas ng lumipas, Na nalililiman ng maraming punong doo'y naggugubat.

Ibalita ninyo kung paanong kayo'y marahang pinupol, Pinakaingatang huwag masisira ang sariwang dahon,

At sa kanyang aklat ay ipinaloob at doon kinuyom, Aklat ay luma na, datapuwa't kayo'y naroon pa ngayon. Hatdan, hatdan ninyo, O pinakatanging bulaklak ng Rin,

Hatdan ng pag-ibig ang lahat ng aking nga ginigiliw, Sa bayan kong sinta ay kapayapaan ang tapat kong hiling,

Sa kababaihan ay binhi ng tapang ang inyong itanim; Pagsadyain ninyo, O mga bulaklak, at inyong batiin Ang mga mahal kong sa tahanang banal ay kasama namin.

(23)

At pagsapit ninyo sa dalampasigan ng bayan kong irog, Bawa't halik sanang idinarampi ko sa inyong talulot Ay inyong isakay sa pakpak ng hanging doo'y lumilibot,

Upang sa lahat nang iginagalang ko't sinisitang lubos Nawa'y makasapit ang halik ng aking pag-ibig na taos. Maaaring doo'y makarating kayong taglay pa ang kulay, Subali't ang bango'y wala na marahil at kusang pumanaw, Wala na ang samyong sa talulot ninyo'y iningatang yaman,

Pagka't malayo na sa lupang sa inyo'y nagbigay ng buhay; Iwing halimuyak ang inyong kaluluwa, at di malilisan Ni malilimot pa ang langit na saksi nang kayo'y isilang.

(24)

A Las Flores De Heidelberg (Spanish version of sa mga bulaklak ni

Heidelberg)

Id a mi patria, id, extrangeras flores, sembradas del viajero en el camino,

y bajo su azul cielo, que guarda mis amores,

contad del peregrino la fe que alienta por su patrio suelo! id y decid ... decid que cuando el alba

vuestro caliz abrio por vez primera cabe el Neckar helado, le visteis silencioso a vuestro lado pensando en su constante primavera.

Decid que cuando el alba, que roba vuestro aroma, cantos de amor jugando os susurraba,

el tambien murmuraba cantos de amor en su natal idioma;

que cuando el sol la cumbre del Koenigsthul en la manana dora

y con su tibia lumbre

anima el valle, el bosque y la espesura, saluda a ese sol aun en su aurora, al que en su patria en el cenit fulgura !

y contad aquel dia

cuando os cogia al borde del sendero, entre ruinas del feudal castillo, orilla al Neckar, o a la selva umbria.

Contad lo que os decia , cuando, con gran ciudado entre las paginas de un libro usado

vuestras flexibles hojas oprimia. Llevad, llevad, oh flores !

amor a mis amores

paz a mi pais y a su fecunda tierra, fe a sus hombres, virtud a sus mujeres,

salud a dulces seres

(25)

Cuando to queis la playa, el beso os imprimo depositadlo en ala de la brisa,

por que con ella vaya y bese cuanto adora, amo y estimo.

Mas ay llegareis flores, conservareis quizas vuestras colores,

pero lejos del patrio, heroico suelo a quien debeis la vida:

que aroma es alma, y no abandona el cielo, cuya luz viera en su nacer, ni olvida.

(26)

Awit ng Manlalakbay (Song of the Traveler) by Jose P. Rizal

Tagalog translation:

Kagaya ng dahong nalanta, nalagas, Sinisiklut-siklot ng hanging marahas; Abang manlalakbay ay wala nang liyag,

Layuin, kalulwa’t bayang matatawag. Hinahabul-habol yaong kapalarang Mailap at hindi masunggab-sunggaban; Magandang pag-asa’y kung nanlalabo man,

Siya’y patuloy ring patungo kung saan! Sa udyok ng hindi nakikitang lakas, Silanga’t Kanlura’y kanyang nililipad,

Mga minamahal ay napapangarap, Gayon din ang araw ng pamamanatag. Sa pusod ng isang disyertong mapanglaw,

Siya’y maaaring doon na mamatay, Limot ng daigdig at sariling bayan, Kamtan nawa niya ang kapayapaan!

Dami ng sa kanya ay nangaiinggit, Ibong naglalakaby sa buong daigdig,

Hindi nila tanto ang laki ng hapis Na sa kanyang puso ay lumiligalig. Kung sa mga tanging minahal sa buhay Siya’y magbalik pa pagdating ng araw,

Makikita niya’y mga guho lamang At puntod ng kanyang mga kaibigan. Abang manlalakbay! Huwag nang magbalik,

Sa sariling baya’y wala kang katalik; Bayaang ang puso ng iba’y umawit, Lumaboy kang muli sa buong daigdig. Abang manlalakbay! Bakit babalik pa? Ang luhang inyukol sa iyo’y tuyo na; Abang manlalakbay! Limutin ang dusa,

(27)

English Translation:

A withered leaf which flies uncertainly

And hurled about by furious hurricanes,

So goes the traveler about the world,

No guide, no hope, no fatherland, no love.

Anxiously he seeks a better fortune

And fickle fortune always takes to flight;

A shadow vain that mocks at his desire!

For her the wanderer has plowed the seas.

Driven on by hands invisible,

Wandering from land to weary land,

Only memories to keep him company,

Of loved ones and of bygone happier days.

A tomb perhaps upon the desert

Calls him–refuge sweet of peace,–

Where, by his country and the world forgotten,

Tranquil he may sleep who knew such pain.

And if they envy this sad traveler

When he speeds so swiftly round the world,

Ah, little do they know that in his soul

Exist an aching void for want of love.

Should the wanderer turn back to his country,

And to his home, it may be, make his way,

He would find but snow and ruins everywhere,

All love destroyed, and sepulchres,–no more.

On, then, traveler, pursue your journey,

Stranger to the land where you were born.

Letting others sing their songs of love

And feel their joys, you fare on again.

And traveler, as you go, do not turn back,

For none will shed a tear to say farewell,

Go, pilgrim, try to drown your sorrow,

Because the world but scoffs when strangers grieve.

(28)

Spanish (Original)

Canto Del Viajero

Hoja seca que cuela indecisa

Y arrebata violente turbion,

Asi vive en la tierra el viajero,

Sin norte, sin alma, sin patria ni amor.

Busca ansioso doquiera la dicha

Y la dicha se aleja fugaz:

Vana sombra que burla su anhelo! …

Por ella el viajero se lanza a la mar!

Impelido por mano invisible

Vagara confin en confin;

Los recuedos le haran compania

De seres queridos, de un dia feliz.

Una tumba quiza en el desiero

Hallara, dulce asilo de paz,

De su patria y del mundo olvidado …

Descanse tranquilo, tras tanto penar !

Y le envidian al triste viajero

Cuando cruza la tierra veloz …

Ay! no saben que dentro del alma

Existe un vacio de falta el amor!

Volvera el peregrino a su patria

Y a sus lares tal vez volvera,

Y hallara por doquier nieve y ruina

Amores perdidos, sepulcros, no mas

Ve, Viajero, prosigue tu senda,

Extrangero en tu propio pais;

Deja a otros que canten amores,

Los otros que gocen; tu vuelve a partir.

Ve, viajero, no vuelvas el rostro,

Que no hay llanto que siga al adios;

Ve, viajero, y ahoga tu penas;

Que el mundo se burla de ajeno dolor.

(29)

SINGSING NG PAG-IBIG

Ah! Sayang na sayang, sayang na pag-ibig,

Sayang na singsing kong nahulog sa tubig;

Kung ikaw rin lamang ang makasasagip,

Mahanga’y hintin kong kumati ang tubig!

RING OF LOVE

Too bad, too bad for my love, ah me!

Too bad my ring fell into the sea;

If no one but you could get it for me,

I'd rather wait till the sea ebbs away!

Referensi

Dokumen terkait

Narrator: Sa Biñan naranasan ni Pepe ang hindi niya naranasan sa kanilang bahay, at ito ang kanyang pinakaayaw sa lahat, ang tinatawag na corporal punishment o ang pamamalo sa

(Nakita niya si Simoun na naghuhukay nang kung ano at may katabing isang malaking kahon. Isang pagbabalik tanaw ang nangyari kay Basilio: Sa paghabol niya sa kanyang ina noon,

Dati niya itong guro at malapit ang loob sa kanya ngunit nag-iba ang pakikitungo nang sabihin ni Amelita ang tunay niyang nararamdaman dito.. Nabuo rin ang kanyang kapasyanhang

Sanchez na iminungkahi niya sa kanyang Tiyo Amando na ipagbili na lamang ang lupa sa Maruhat at bigyan na lamang si Lino ng lupang mas malapit sa Pinyahan upang mapalapit sa

Katulad na lamang ni Impong Sela bilang isang kasapi sa pamilya at ina ni Conrado, ginampanan niya ang kanyang papel sa pagmamahal sa apo. Di bale walang

Sa pag-aaral na ito, kinakailangang malaman kung ano ang sanhi at epekto ng pambubulas sa isang estudyante lalo na sa kanyang pisikal, mental, at behavioral na kalagayan..

Kung iuugnay ito sa depinisyon ni Sugbo ng literatura, masisilo natin na may malaking implikasyon ang pahayag ni Bermudez hinggil sa kung paano niya tinitingnan ang panitikang Iluko

May pagkakataon na dapat sumangguni sa ibang tao para malaman kung ano ang dapat gawin.. Sa paulit-ulit na paliwanag ng babae, napahinuhod niya ang nanay ko na magtrabaho sa