TEORYANG SOSYOLINGGWISTIK
PINAGMULAN NG SALITANG SOSYOLINGGWISTIK
Binuo lamang sa loob ng nakaraang limampung taon. Ang salitang Sosyolinggwistik ay nilikha noong 1939 ni Thomas C. Hudson, sa pamagat ng kanyang articule “Sociolinguistics in India”.
1960s naging sikat ang pag-aaral ng sociolinguistics at nagkaroon ito ng dalawang pamagat: sociolinguistics at ang sosyolohiya ng wika. Sa katapusan nagkaroon ng kaibahan ang dalawa, ang sosyolohiya ng wika ay humahawak sa mga paliwanag at hula sa mga ganap na wika sa iba’t-ibang antas ng grupo.
Teoryang Sosyolinggwistik- pamamalagay (assumption) na ang wika ay isang panlipunang phenomenon.
-nagiging makabuluhan ang anumang pahayag, aksyon, salita ng isang indibidwal kung ito’y nakakonteksto sa loob ng lipunan at sinasabi sa ibang indibidwal o grupo. At dahil dito, nakabubuo ng iba’t ibang konteksto ang paggamit ng wika dahil sa iba’t ibang gawain, papel, interes, saloobin, pananaw ang kasangkot sa komunikasyon.
Ayon kay (Constantino, 2000) sa aklat ni Santos, et al. 2010, ang sosyolinggwistikong teorya ay ang ideya ng paggamit ng heterogenous ng wika dahil sa magkakaibang mga indibidwal at grupo na may magkakaibang lugar na tinitirhan, interes, gawain, pinag-aaralan at iba pa. Pinaniniwalaan dito na ang wika ay hindi isang simpleng instrumento ng komunikasyon na ginagamit ng indibidwal ayon sa isang sistemang mga alituntunin kundi isang kolektibong pwersa, isang pagsama-sama ng mga anyo sa isang nagkakaibang cultural at sosyal na mga gawain at grupo.
Ayon naman sa pagtatalakay sa dyornal na inilathala ng Shiffield Academy sa United Kingdom, ang sosyolinggwistika ay ang pinagsamang pag-aaral ng sosyolohikal at linggwistika na kung saan pinag-uugnay ang wika at ang lipunan:
Sociolinguistics is the study of the relationship between language and society. Sociolinguistics can help us understand why we speak differently in various social contexts, and help uncover the social relationships in a community.
( http://sites.google.com/a/sheffield.ac.uk/aal2013/branches/sociolinguistics/what-is-sociolinguistics).
Ayon dito malaki ang tulong ng sosyolinggwistika para mas lalong maunawaan kung bakit may iba-ibang wikang ginagamit ang isang lipunan. Kung saan ang
sosyolinggwistika ay ang teoryang nagsasaad ng ugnayan ng wikang ginagamit ng mga tao sa isang particular na lugar at malinaw na naglalarawan ng mga kalagayan ng tao dito.
Ayon naman kay Saussure (1915), ang teoryang sosyolinggwistik ay teorya na batay sa palagay na ang wika ay panlipunan at ang speech ay pang-indibidwal.
Ayon kay Sapir (1949), ang wika ay isang kasangkapan ng sosyalisasyon, na ang mga relasyong sosyal ay hindi matutupad kung wala ito.
Ayon naman kay Saussure (1915), ang wika ay hindi kumpleto sa sinumang indibidwal o nagsasalita, nagagawa lamang ito sa loob ng isang kolektibo o pangkat.
AYON SA UP DIKSYONARYONG FILIPINO
Ang lipunan ay tumutukoy sa malaking pangkat ng mga tao na may karaniwang set ng pag-uugali, ideya at saloobin, namumuhay sa isang tiyak na teritoryo at itinuturing ang mga sarili bilang isang yunit.
Ayon sa aming nakitang pananaliksik tungkol sa Teoryang Sosyolinggwistik sa isang nilathalang Tesis ni Berly J. Lebrita (Mayo, 2016).
Ang layunin niya sa pag-aaral na ito ay suriin ang implikasyong Sosyolinggwistikal ng mga tulang Filipino sa Bagwis at malikom, matukoy at masuri ang paksa at mensahe ng mga tula gamit ang Teoryang Sosyolinggwistik.
Natuklasan ng mananaliksik na ang mga tulang Filipino sa Bagwis ay mayroong mga paksang nauugnay sa pamumuhay ng bawat tao kahit sila ay may iba’t ibang relihiyon at prinsipyo. Karamihan sa mga paksang ito ang tumatalakay sa pagiging mabuting tao o ang magandang pag-aasal, kapayapaan, nagbibigay puna sa mga baluktot na pag-uugali ng mga tao.
Ang Bagwis ay may malaking papel na ginagampanan lalo na sa mga tulang naisulat na dito. Ito ang nagiging talaan ng mga nangyayari sa lipunang sakop nito mula sa simpleng damdaming nararamdaman ng sumusulat hanggang sa mga masalimuot na pangyayari sa lipunan.
Iminumungkahi ng mananaliksik na magkaroon ng dagdag na pag-aaral tungkol sa kalagayan ng Bagwis sa kasalukuyan; magkaroon pa ng mas malalim na pag-aaral gamit ang teoryang Sosyolinggwistikal at mapag-aralan pa ang ibang genre ng panitikan katulad ng maikling kwento at Sanaysay sa Bagwis.
KATUTURAN NG MGA TERMINO NG TESIS NA ITO.
Ang pag-aaral na ito ay may mga terminong dapat bigyang pansin upang maging madali ang pag-aaral na ito.
Tula- ay isang komposisyon (ng mga salita sa tugma o sa tuluyan/prosa) na may katangi-tanging kariktan ng kaisipan at ng lenggwahe (Estareja, 2007).
Sa pag-aaral na ito ang tula ay tumutukoy sa mga tulang Filipino na naisulat sa Bagwis na susuriin sa pag-aaral na ito.
Sosyolinggwistika- ay isang larangan na nakatuon sa paggawa ng pag-aaral sa ugnayan ng wika at lipunang siyang gumagamit nito (Santos, et al. 2010).
Sa pag-aaral na ito ang sosyolinggwistika ay ang basehan ng mananaliksik sa pagsusuri ng mga tula.
Bagwis- ang opisyal na pampaaralang pahayagan ng Mindanao State University- General Santos City (bagwisonline.webs.com).
Sa pag-aaral na ito ang Bagwis ay ang pahayagan na pagkukunan ng mga akdang susuriin ng mananaliksik.
Paksa- ang pinag-uusapan o tinatalakay sa isang akda (Almario, 2010).
Sa pag-aaral na ito ay tinutukoy ng mananaliksik ang paksa ng mga tula sa Bagwis.
Mensahe- ay ang diwang nais ipabatid o iparating. Maaari din nangangahulugan itong katuturan o kabuuan (Almario, 2010).
Sa pag-aaral na ito ay tinutukoy ng mananaliksik ang mensaheng nakapaloob sa mga tula sa Bagwis.
Gumamit ng teoryang sosyoliggwistika ang mananaliksik kung kaya isa itong malaking basehan sa pag-aaral ng mga tula sa Bagwis.
Pangkalahatang Pamamaraan ng mananaliksik sa pagsusuri ng Tula sa Bagwis. Lahat ng mga tulang nakalap ay sinuri ng mananaliksik. Pagkatapos na makalap ang mga tula ay sinimulan na ang pagbasa at pagsuri sa paksa, mensahe at implikasyong sosyolinggwistikal.
Pagkatapos na masuri sa implikasyong sosyolinggwistikal ang mga tula ay tutukuyin na ng mananaliksik ang tunay na kalagayan ng tulang Filipino sa Bagwis at ang paksa at mensaheng nais iparating ng may-akda.
Halimbawa ng pagsusuring ginawa ng mananaliksik sa mga Tula sa Bagwis: 1. Sayaw ng Mindanaw
ni: Camille Grace Tapec
A.Y. 2014-2015 (Oktubre-Marso)
Niyog ang tanging hiling, hawak ang pathaw Ang dagta nitong pinakamamahal na dugong bughaw
Nalapatan ng makulay na sapat ng kapakinabangan Na nagsilbing lamat, at tinakpan ang katuturan Taong lunod sa kahinaan ngunit balot ng katapangan
Sisirin mo ang dagat ng makapal na dugo Pahiran mo ng pilyego, ang sugatang pulo Upang mailigtas ang mga nakakaawang sangkot Sa engkwentrong, sayawan ng lirikong paikot-ikot Na ang tanging hangad lamang ay kapirasong bunot
Bungang inaasahan na magkaloob ng katarungan Gayunpaman ay nagbigay ng daan sa karahasan Dahilan ng pag-amoy ng napakabahong kahirapan, Na kahit takpan pa natin ang mga sugat ng katotohanan, ‘Di alintana ang nakakaawang kahihinatnan ng ating bayan
Ligaw na bala ng ugat ay di lasap ng mga Pilipino ‘Di maipangalandakan ang kapayapaan na nakakalito
Mabuhay ka pa rin bang tukuyin, oh Pilipino? Nahati sa dalawa ang pintig ng nasyonalismo Paksa: Kaguluhan sa Mindanao.
Paliwanag: Maraming Pilipino ang naglalaan at nakararanas ng kahirapan. Kaya ito rin ang dahilan kung bakit hindi natin makamit ang kapayapaan. Ang kawalan ng kapayapaan hindi lamang sa Mindanao ngunit pati na rin sa inang Pilipinas.
Patunay: Saknong II
Sisirin mo ang dagat ng makapal na dugo Pahiran mo ng pilyego, ang sugatang pulo Upang mailigtas ang mga nakakaawang sangkot Sa engkwentrong, sayawan ng lirikong paikot-ikot Na ang tanging hangad lamang ay kapirasong bunot
Mensahe: Hindi mawawala ang mga nangyayaring kaguluhan sa Mindanao maging sa buong bansa hanggang hindi nagkakaisa ang bawat Pilipino.
Paliwanag: Nakakalimutan na ng iba na kahit magkaiba ang mga tribo na naririto at nasasangkot sa karahasan at kahirapan ay mga Pilipino pa rin na naghahanap ng nasyonalismo.
Patunay: Saknong IV
Bungang inaasahan na magkaloob ng katarungan Gayunpaman ay nagbigay ng daan sa karahasan Dahilan ng pag-amoy ng napakabahong kahirapan, Na kahit takpan pa natin ang mga sugat ng katotohanan, ‘Di alintana ang nakakaawang kahihinatnan n gating bayan Saknong V
Ligaw na bala ng ugat ay di lasap ng mga Pilipino ‘Di maipangalandakan ang kapayapaan na nakakalito
Mabuhay ka pa rin bang tukuyin, oh Pilipino? Nahati sa dalawa ang pintig ng nasyonalismo Implikasyong Sosyolinggwistikal:
Ang pagbanggit ng mga salitang “Kahirapan”, “Karahasan”, at “Katarungan” ay patunay na sa panahong ito ang lipunan ay may nararanasaang kaguluhan. Kung kaya ang bawat isa particular na sa Mindanao ay naghahanap ng kapayapaan.
2. MSU COMFORT ROOM ni: Shella Mae Pajota
A.Y. 2013-2014 (Nobyembre-Marso)
Kapuri-puri ka sa aming paningin Bawat gusali ika’y agaw pansin Tao’y laging ikaw ang hinahanap Tawag ng kalikasan sa iyo’y pinapalasap
Sa pag-ihip ng hangin ako’y napapatihin Sikmura’y napabaliktad ng mapatingin
O sadyang kay lakas ng iyong dating Sa aking sikmurang hindi namakakain
Sa guni-guni aking pinangarap Pagpasok sayo sana’y matanggap
Ang kabulukang taglay sana’y di mabatid Itong diwa ko’y sana’y di mabatid
Sa tuwing ako’y nangangailangan ika’y naririyan Laging handing ialay ang iyong kahinaan
Para sa kapakanan ng karamihan Taglay mong bait na walang kapantay Kaya pang-aabuso sayo’y walang humpay Noo’y halimuyak ng Rosas ang iyong taglay Ngunit nang lumaon ito’y nagiging amoy patay
Kailan kaya mapawi ang aming lumbay Paghahangad ng katarungan sa iyong pagkamatay
Sana’y hustisya ay maibigay Upang sikmura ko’y di na bumigay Paksa: Pang-aabuso sa isang bagay o lugar na parte ng kalikasan.
Paliwanag: Ang isang pampublikong lugar katulad ng palikuran ay madalas na nagiging marumi. Ito ay dahil na rin sa iba’t ibang taong gumagamit ng hindi wasto at nang-aabuso nito.
Patunay: Saknong I
Kapuri-puri ka sa aming paningin Bawat gusali ika’y agaw pansin Tao’y laging ikaw ang hinahanap Tawag ng kalikasan sa iyo’y pinapalasap Saknong II
Sa pag-ihip ng hangin ako’y napapatihin Sikmura’y napabaliktad ng mapatingin
O sadyang kay lakas ng iyong dating Sa aking sikmurang hindi namakakain
Mensahe: Tayo rin ang maapektuhan ng mga pang-aabuso natin sa isang bagay o lugar na parte ng kalikasan.
Paliwanag: Ang mga ginagawa nating pang-aabuso sa isang lugar o bagay na parte ng kalikasan ay babalik rin sa atin. Tayo rin ang maghihirap at maaapektuhan nito.
Saknong IV
Sa tuwing ako’y nangangailangan ika’y naririyan Laging handing ialay ang iyong kahinaan
Para sa kapakanan ng karamihan Taglay mong bait na walang kapantay Kaya pang-aabuso sayo’y walang humpay Saknong V
Noo’y halimuyak ng Rosas ang iyong taglay Ngunit nang lumaon ito’y nagging amoy patay
Kalian kaya mapawi an gaming lumbay Paghahangad ng katarungan sa iyong pagkamatay
Sana’y hustisya ay maibigay Upang sikmura ko’y din a bumigay Implikasyong Sosyolinggwistikal:
Ang Rosas ay ginamit ng may-akda na salita na sumisimbolo sa “MSU- Comfort Room”. Mapapansing ang “Rosas” ay kilalang- kilala naiuugnay sa kultura ng mga mambabasa at manunulat. Sapagkat ang rosas ay may magandang imahen sa mga tao. Ngunit ito rin ang ginamit niyang pamukaw ng pansin ng mga taong nasasangkot sa lugar na ito. Kung kaya ang kakikitaan ng simpleng pamumuhay ang lipunang kinasasakupan ng tula sapagkat hindi gumamit ang may-akda ng mga bulgar at mararahas na salita.
3. Luha
ni: Beilaveach
A.Y. 2011-2012 Hunyo-Oktubre
Walang humpay silang Nagsipagbagsakan Inihahatid ba sila ng
Kalangitan? Bumagsak sa
Katahimikan Hated ay mga tinik na Walang pakundangan Di maarok ang lalim ng kaisipan
Puso mo’y di batid Isangguni man
Halos pukawin ko si Kamatayan
Nanag pagdaloy ay mapigilan Bakit nga ba hindi ko matanggap
Naglahong init ng ‘yong mga yakap Tamis ng halik ‘di na lasap
Animo’y hayop na Mailap
Muli ako’y nangamba Dumungaw sila sa
‘king mga mata Batid kong kahinaan
Ang taglay nila ‘wag muna at andiyan
Pa siya Anung pigil ang
Aking gawin Pagtangis di kayang
Hawiin
Tuluyang pinalaya na Rin
Tigang na lupa, sila’y inangkin Paksa: Kalungkutan at pagluha dahil sa pagmamahal.
Paliwanag: Ang pagluha ng isang tao ay hindi maiiwasan. At ito ay may iba’t ibang dahilan. Isa na rito ang pagmamahal sa kapwa na minsan ay hindi nagtatagumpay. Patunay: Saknong I
Walang humpay silang Nagsipagbagsakan Inihahatid ba sila ng
Kalangitan? Bumagsak sa
Katahimikan Hated ay mga tinik na Walang pakundangan
Paliwanag: Ang pagkawala ng isang minamahal at ng kanyang mga paglalambing ay nagdudulot ng kapighatian na humahantong sa pag-agos ng mga luha.
Patunay: Saknong III
Bakit nga ba hindi ko matanggap Naglahong init ng
‘yong mga yakap Tamis ng halik ‘di na lasap
Animo’y hayop na Mailap Saknong IV
Muli ako’y nangamba Dumungaw sila sa
‘king mga mata Batid kong kahinaan
Ang taglay nila ‘wag muna at andiyan
Pa siya Saknong V
Anung pigil ang Aking gawin Pagtangis di kayang
Hawiin
Tuluyang pinalaya na Rin
Tigang na lupa, sila’y inangkin
Implikasyong Sosyolinggwistikal: Ang mga salitang makikita sa tula ay hindi bulgar at pawang mga salitang payak lamang ngunit mapapansin na ginamit niya ang mga “kalangitan”, “katahimikan”, “kamatayan” at “kahinaan” na naglalarawan na ang lipunan sa panahong ito ay may pagkanararamdamang pighati at kalungkutan.
4. Simple Lang
ni: Marshien Calamonte, PUP A.Y. 2011-2012 Nobyembre- Marso
Ako’y simpleng tao Tagumpay ay hangad ko, Pangarap na maging guro
Pagsusumikapang makamit ko Sarili’y maihahambing Sa pagong na walang tulin,
Ngunit kahit na mahina’y Determinado pa rin, Magulang ko’y gabaay Tungo sa magandang buhay
Mga katangiang taglay Tulong na sa tagumpay,
Namanang kasipagan Aking pahalagahan Upang sa tuwina’y maging
Modelo sa kabataan. Paksa: Pangarap ng isang tao.
Paliwanag: Ang bawat isa sa atin ay may isang pangarap na minsan ay simple lamang ngunit malaki ang naidudulot nito sa ating buhay. Sa simpleng pangarap lamang nag-uumpisa ang lahat.
Patunay: Saknong I
Ako’y simpleng tao Tagumpay ay hangad ko, Pangarap na maging guro Pagsusumikapang makamit ko Saknong II
Sarili’y maihahambing Sa pagong na walang tulin,
Ngunit kahit na mahina’y Determinado pa rin,
Mensahe: Ang pagkamit sa pangarap ay nangangailangan ng gabay at kasipagan. Paliwanag: Katulad ng munting musmos na nangangarap, ang isang tao ay nangangailangan rin ng gabay para sa pagkamit ng simpleng pangarap na ito.
Patunay: Saknong III
Magulang ko’y gabaay Tungo sa magandang buhay
Mga katangiang taglay Tulong na sa tagumpay, Saknong IV
Namanang kasipagan Aking pahalagahan Upang sa tuwina’y maging
Modelo sa kabataan.
Implikasyong sosyolinggwistikal: Ang salitang ginamit ng may-akda katulad ng sa pamagat ng tulang “Simple Lang” at ang pagbanggit ng “ako’y simpleng tao” ay patunay lamang na ang lipunan sa panahong ito ay kakikitaan ng payak na pamumuhay at may positibong pananaw sa buhay.