• Tidak ada hasil yang ditemukan

Kabataan Noon at Ngayon

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Membagikan "Kabataan Noon at Ngayon"

Copied!
14
0
0

Teks penuh

(1)

PANULARAN: ANG KABATAAN NOON AT NGAYON Pagbabago sa gawi at pag-uugali

Isang Akademikong Papel na Iniharap sa mga Dalubguro ng

New Era University

Bilang Bahagi ng mga Gawaing Kailangan sa Pagtatamo ng Pampinal na Marka

Sa Asignaturang Filipino II Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

(2)

Ipinasa Kay: Gng. Perla Cruz Ipinasa ni: Princes E. Quizon Oktubre 2014 DAHON NG PAGPAPATIBAY

(3)

Bilang pagtupad sa pangangailangan ng Asignaturang Filipino 2: Pagbasa at Pasulat, ang Pamanahong Papel na ito na pinamagatang “PANULARAN: ANG KABATAAN NOON AT NGAYON, Pagbabago sa gawi at pag-uugali” ay inihanda at iniharap ng mga mananaliksik na sina:

Princes E. Quizon

General Sixto

Tinanggap sa ngalan ng Kagawaran ng Filipino, Kolehiyo ng Sining at Agham, New Era University, bilang isang pangangailangan sa Asignaturang Filipino 2: Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Akademikong Pananaliksik.

(4)

Prof. Perla Cruz Guro sa Filipino 2

PASASALAMAT

Ang mga mananaliksik ng pamanahong papel na ito at taos sa pusong nag-aalay ng pagpapasalamat sa mga sumusunod na indibidwal at pangkat na nagbigay ng kanilang

(5)

Una at higit sa lahat, ang Panginoong Diyos na nagkaloob sa aking na talino at lakas, gayon din ang paggabay na kaniyang pag-ibig at awa sa akin na matapos ito at

magtagumpay.

Sa aking mga magulang na hindi nagsawang magbigay ng suporta at tulong na gugol pinansiyal sa akin upang matapos ko ang pananaliksik na ito.

Gayon din sa aking mga kaibigan na nagbigay ng mga ideya at kaalaman na may kinalaman sa aking pananaliksik, at pagsama at pagtulong sa akin sa pagsasaayos ng pananaliksik na ito.

Ang mga respondente na nakiisa at hindi nagkait sa akin ng kanilang oras, pati narin ang mga impormasiyon na inyong ibinahagi sa akin at sa mga mambabasa.

Kay Gng. Perla Cruz, aking guro sa asignaturang Filipino II na nagturo sa amin kung paano namin gagawin ng tama ang aming Papel Pananaliksik, sa kaniyang ibinahaging kaalaman upang maayos na maipahayag ang nilalaman ng pananaliksik na ito.

(6)

TALAAN NG NILALAMAN Pahina Pamagating Pahina i Dahon ng Pagpapatibay ii Pasasalamat iii Talaan ng Nilalaman iv

(7)

I. KABANATA I: Ang Suliranin at ang Saklaw Nito

A. Panimula

B. Layunin ng Pag-aaral

C. Kahalagahan ng Pag-aaral

D. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

E. Katuturan ng mga Terminolohiya

II. KABANATA II: Mga kaugnay na Pag-aaral at Literatura

III. KABANATA III: Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

A. Disenyo ng Pananaliksik

B. Mga Respondente

C. Instrumento ng Pananaliksik

(8)

IV. KABANATA IV: Presentasiyon at Interpretasiyon ng mga Datos

V. KABANATA V: Lagom, Konklusiyon, at Rekomendasiyon

A. Lagom

B. Konklusiyon

C. Rekomendasiyon

VI. Listahan ng mga Sanggunian

Appendiks

A. Liham ng Paghingi ng Pahintulot sa Interbyu

B.Transaksiyon ng Interbyu

C. Liham ng paghingi ng pahintulot sa sarbey

D. Sarbey kwestyoneyr A

(9)
(10)

KABANATA I

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Panimula:

Sa mabilis na pagtakbo ng panahon, mabilis din nagbabago ang pagtakbo ng panahon- gaya ng isang atleta na sinisikap na bilisan ang kanyang takbo upang agad niyang maabot ang katapusan ng linya. Ngunit sa mabilis na paglago ng ekonomiya at ang pag-unlad ng kaalaman ng tao, mabilis ding nabago nito ang ikot ng mundo. Tila baga napihit ang ikutan at biglang napalitan ang mabubuti ng masasama. Ang dati ay nagbago at nawala na. Dahil marahil sa pagbabago ng estilo ng pagpapalaki ng mga magulang sa makabagong heneresiyon, hindi naging matatag ang paninindigan ng mga magulang ukol sa pagpapalaki ng mga anak. Ngunit, hindi naman sa lahat ng pagkakataon, sa magulang dapat ang maging sisi, kundi sa mga kabataan din mismo.

Kakaiba na ang mga tao sa paligid ngayon. Hindi na alam ng mga magulang kung ano at sino ang iyong mga sinasamahan o kung anong klase ng mga tao ang nagiging kasama ng kanilang mga anak. Kaya lingid man sa kanilang kaalaman ang unti-unting pagbabago sa iyong pag-uugali, wala naman silang direktang paraan upang masolusyunan ito.

Sa pananaliksik na ito, matutunghayan natin ang malaking kaibahan ng mga kabataan sa panahon noon at sa panahon ngayon. Ipapaunawa sa atin kung bakit dapat nating

(11)

malaman ang mga ito, para narin sa kinabukasan natin at kinabukasan ng mga susunod pang heneresiyon.

Layunin ng Pag-aaral

Ang Pangunahing layunin ng Pananaliksik na ito, ay ang makapagbigay ng kumpletong ideya kung ano ang malaking pinagkaiba ng mga kabataan sa panahon noon at ngayon. Ang panularang ito ay may mga tanong na sumusunod:

2. Ano ang pag-uugali ng mga Kabataan noon at ngayon?

3. Ano-ano ang nagiging epekto ng pagbabago sa ugali ng mga kabataan sa panahon ngayon sa ating bansa?

4. May malaking dulot ba ang mga pagbabagong ito sa darating na henerasiyon ng ating bansa?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay magiging kapaki-pakinabang sa mga sumusunod:

Sa mga kabataan na tila baga lumalayo na sa tamang landas at lumiliko na sa tuwid na daan upang maipakita at maipahayag ang malaking pagbabagong ito sa aming kapwa kabataan at maipaunawa sa kanila ang masasamang dulot nito sa kanilang sarili gayon din sa mga susunod pang henerasyon ng ating bansa. At kung paano maiiwasan o maiaalis sa kanilang sarili ang mga maling pamamaraan ng pag-uugali.

Gayon din sa mga magulang, upang maipakita ang mga bagay na direktang nakakaapekto sa mga kabataan sa pagbabago ng kanilang pag-uugali na maaaring may kinalaman mismo sa kanilang mga paraan ng pakikitungo at pagdidisiplina sa kanilang mga anak.

(12)

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang mga pangunahing saklaw ng pananaliksik na ito ay ang paghahalintulad ng mga kabataan noong 70s, 80s at 90s sa mga kabataang ngayon mula sa persepsiyon, hinuha at obserbasiyon ng mga pilipinong nasa edad 30 pataas. Dalawamput- limang kababaihan at kalalakihan ng aming inanyayahan sa aming isinagawang pagsasarbey.

Ang pananaliksik na ito ay nakakatutok lamang sa gawi at pag-uugali ng mga kabataan noon at ngayon at kung ano ang dulot nito, gayon din ang mga solusyon ukol dito.

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ayon kay Ronald Verzo (2009) humihina ang ating mga kabataan sa tamang paggamit ng lengwahe at wika, partikular na dito ang cellphone na maaaring gamitin sa pagpapabot ng ating mensahe sa pamamagitan ng SMS o Text messaging. Tintukoy rito ang unit-unting paghina ng mga kabataan ngayon sa paggamit ng tamang paraan ng pananalita at

pagpapahayag ng isang mensahe. Mas higit na napapaunlad ang mga salitang balbal gaya na lamang ng jejemon. Di tulad ng mga kabataan noon, kung saan sulat o liham ang isang paraan ng pag-aabot ng mensahe.

“Ang mga kabataan ngayon ay ibang-iba kaysa sa mga kabataan noong aking panahon.” Iyan ang laging sambit ng lola sa akin. Nag-iiba-iba raw sa bawat pagbabago ng henerasyon. Ika nga ay sumasabay sa pag-ikot ng mundo. Ngunit grabe na raw talga ang ipinagbago ng mga kabataang tulad ko. Nood daw, hindi makapagsalita ng pabalang ang mga kabataan.

Mayroon silang malaking respeto sa mga nakatatanda pati na sa mga nakababata.

Pinahahalagahan din daw nila ang kanilang edukasyon. Gagawin pa raw nila ang lahat para makapag-aral. Hindi katulad ngayon, nandiyan na sa harap nila ang pera, ayaw pa ring pagbutihin ang kanilang pag-aaral.” (2002: Kabataan noon at kabataan ngayon)

(13)

KABANATA III

DISENYO AT PAMAMARAAN NG PANANALIKSIK

Disenyo ng Pananaliksik

Ang Pangunahing layunin ng Pananaliksik na ito, ay ang makapagbigay ng kumpletong ideya kung ano ang malaking pinagkaiba ng mga kabataan sa panahon noon at ngayon. Ang disenyong gamit ay ang sarbey kung saan ang mga talatanungan ay ipinamahagi sa mga taong saklaw ng pag-aaral upang makalap ang mga impormasiyon at opinyon na magiging datos para sa pag-aaral.

Mga respondente

Ang mga Respondente ng pag-aaral na ito ay ang mga pili[inong kababaihan at kalalakihan na nasa edad 30- pataas. Sa aming pagsasagawa ng sarbey, tumungo kami sa Bgy. Commonwealth at ipinamahagi ang mga talatanungan batay sa bilang na aming itinakda upang sarbeyin, 30 – 30.

Instrumento ng Panaliksik

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng mga talatanungan kung saan ang pangunahing nakabilang rito ang mga katanungang kinakailangan ng personal na impormasiyon mula sa respondente. Ang iba pang mga tanong ay ukol sa reaksiyon ng mga respondente ukol sa mga pagbabagong nagaganap sa mga kabataan ngayon.

Ang iba pang karagdagang mahahalagang datos ay nagmula rin sa mga sagot ng mga respondente na lubos na nakatulong sa isinagawang pananaliksik.

(14)

Referensi

Dokumen terkait

Sa mga pagkakataong may nakalaan at nakahandang kasuotan, dadalhin ito sa harapan ng iba pang tagapaglingkod (o ng mga magulang o sponsor), at sasambitin ng pari ang sumusunod

Ayon sa teoryang ito, ang wika raw ng tao ay nag-ugat sa mga tunog na kanilang nililikha sa mga ritwal na ito na kalauna’y nagpapabagu-bago at nilapatan ng iba’t ibang

Upang mahusay na malinang ang kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral sa loob ng maikling panahon, kailangang ipokus ng guro ang mga mag- aaral sa ilang anyo

Mag-aaral sa kolehiyo - Ito ay kapupulutan ng mga mag-aaral ng mga susing impormasyon upang kanilang malaman ang pagtulog at kahalagahan nito at ang sanhi, epekto at

Ang kabanatang ito ay naglalahad at nagpapaliwanag ng mga datos na nakalap at nalikom ng mga mananaliksik mula sa mga talatanungan na ipinasagutan sa mga

Isang lobo pulong sa isang tupa na naliligaw mula sa kulungan ng mga tupa, hindi nalutas upang maglatag ng marahas na mga kamay sa kaniya, kundi upang mahanap ang ilang mga sagot

Ang pag-aaral ay hindi na kailangang face-to-face ang guro at mga mag-aaral dahil sinasabing marami nang paraan upang matuto ang isang bata kahit ito ay nasa loob lamang ng kanilang

Sa mga pinagbatayang teorya ng pag-aaral na ito, tiningnan ang antas ng kaalaman ng mga magulang sa pagbabasa ng mga anak sa tahanan at antas ng pakikisangkot ng magulang sa pagbabasa