Karapatan – laya na kaloob ng ng Diyos sa atin at mga batas upang maging maligaya ang ating pamumuhay.
Uri ng Karapatan Karapatang natural o likas – para sa lahat.
Karapatan na kahit hindi ipagkaloob ng estado.
Constitutional rights – kaloob,
pinangangalagaan, o binibigyan ng
proteksyon ng
konstitusyon ng bansa.
Statutory rights – maloob ng mga batas na pinagtibay na ng kongreso.
Kategorya ng karapatan ayon sa
batas
1. Karapatang Sibil o Panlipunan – karapatan na magkaroon ng matiwasay at tahimik na pamumuhay, Pagsasalita, pag- iisip, pag-oorganisa, pamamahayag, malayang
pagtitipon, pagpili ng lugar na
titirahan, at
karapatan laba sa diskriminasyon, maging Malaya, at makapaglakbay.
2. Karapatang Pampolitika – pagboto,
pagkandidato, pagwewelga, pagiging kasapi ng anumang partidong political.
3. Karapatang pang- ekonomiya o pangkabuhayan – pagpili,
pagpupursige, at pagsulong ng kabuhayan, Negosyo, hanapbuhay at disenteng
pamumuhay nang ayon sa nais, nakahiligan, at nagustuhang karera. Karapatan sa ari-arian, maging mayaman, at
gamitin ang yaman at ari-arian sa anumang nais basta’t ito ay naayon sa batas.
4. Karapatang Pangkultura – pagsasabuhay, pagpapatuloy, at pagpapalawak ng sariling tradisyon, gawi,a t pag-uugali.
Karapatang ipakita sa iba ang
katangian ng
kinalakihang kultura bilang bahagi ng isang grupo, tribo, o lahi na iniingatan ang mga tradisyong nakagawian
hangga’t ang mga ito ay sakop ng saligang batas.
5. Mga karapatang akusado/nasasakd al –
pinangangalagaan
ang mga taong akusado o nasasakdal.
Pribelihiyo – espesyal na konsiderasyon o advantage na kaloob sa isang tao o grupo.
Legal na Batayan ng mga Karapatan Article III – Bill of Rights/Katipunan ng mga Karapatan - nakapaloob dito ang karapatang pantao na dapat tinatamasan ng bawat mamamayan batay sa 1987 Konstitusyon ng
Republika ng Pilipinas.
Commission on Human Rights - independiyenteng tanggapan na binuo ng saligang batas ng 1987.
- magsiyasat ng anumang uri ng
paglabag sa karpatang pantao, magsulong ng mga hakbang upang mapangalagaan ng lahat ang karaptang pantao, at magbigay ng tulong at proteksyion.
Universal Declaration of Human Rights (UDHR)
- nabuo at nilagdaan noong Disyembre 10, 1984
- naglalatag at
nagsasakodigo ng mga karapatang pantao na
sumasaklaw sa mga Kalayaan at karapatang sibil, political, at sosyo- kultural.
- pagtataguyod sa katarungan at
paggalang sa dignidad at pagkatao ng lahat ng indibidwal sa lahat ng panahon at
pagkakataon.
Eleanor Roosevelt – tagapangulo ng Human Rights Commission - “Internal Magna Carta for all Mankind”
Prostitusyon
- pagbibigay serbisyong sekswal kapuwa ng kababaihan at
kalalakihan kapalit ng salapi.
- paggamit ng katawan upang kumite ng pera - pinakamatandang uri ng propesyon
Pornograpiya
- ‘porne’ kahulugan ay prostitute, ‘graphos’
pagsulat o paglalarawan - mahahalay na paglalarawa na may layunin na pukawin ang sekswual na pagnanasa ng nanonood o
nagbabasa Kasaysayan ng prostitusyon - 2400 BCE, kauna- unahang tala sa
kasaysayan ng prostitusyon na nagsimula sa Mesopotamia.
- kababaihan ay naglilingkod sa mga templo upang
magsagawa ng mga sensitibong ritwal na pinapayagan ng mga pari.
Prostitusyon sa Pilipinas
- panahon pa ng panahon ng hapon - 1898, pinagkalooban ng Kalayaang
konstitusyonal ang mga Pilipinang prostitute sa ilalim ng pamunuan ni Emilio Aguinaldo.
- nagpatuloy ito lalo nang dumating ang mga Hapon
- dumami ang bahay- aliwan o brothel sa bansa sapagkat ginawa itong Negosyo ng mga Amerikano, opisyal na Hapon at maging mga Pilipino
Mga sanhi ng prostitusyon sa Pilipinas
- kahirapan
- unemployment o kakulangan ng mga pagkaaktaong makapagtrabaho - karansan sa pang- aabuso pisikal o seksuwal
- pagkalulong sa iponagbabawal na gamot at iba pang bisyo
- impluwensiya ng mga kaibigan
- pagkabilang sa mga dysfunctional na mga anak o pamilya
- panloloko ng mga recruiter
- pornograpiya
- turismong gumagamit sa kababaihan
- kawalan ng pakialam ng Lipunan at
simbahan sa realidad ng prostitusyon
Mga dahilan ng Prostitusyon at Pang-aabuso sa Buong Mundo at sa Pilipinas
- mabilis kumite ng malaking pera - isang negosyo
- nasanay sa kultura ng pang-aabuso
- daan palabas sa kahirapan
Mga epekto ng prostitusyon at pang-aabuso 1. Sa biktima
- mga biktima ng pang-aabuso ay napapahiwalay sa kanilang asawa - napapasok sa mga institusyong
panrehabilitasyon
- nayuyurakan ang dignidad ng mga taong sangkot sa prostitusyon 2. Sa pamayanan
- nabubuntis ng kanilang mga kliyente - mga batang lumalaki ng walang ama at mga inang nagbebenta ng aliw - walang magulang na magsisilbing magandanh ehemplo - mababang pagtingin ng mga Pilipino sa mga prostitute at maging sa kanilang mga anak
3. Sa bansa - hindi
nababantayan ng mga batas ang kapakanan at kaligtasan ng mga prostitute
- negatibong imahe ng Plipinas sa pandaigdigang komunidad
- dumaraming kaso ng sexually
transmitted diseases sa ating bansa
- pag-apak sa karaptang pantao ng mga kababaihan maging ng mga transgender
Nakapipinsalang dulot ng
prostitusyon
- karahasang seksuwal at pang- aabusong pisikal - mga suliraning pangkalusugan tulad ng labis na pagkapagod, mga sakit na viral,
sexually transmitted diseases, vaginal infection, pnanakit ng likuran, hirap sa pagtulog, sakit ng ulo, sakit sa tiyan, at mga eating disorder
- sikolohikal at mental na
karamdaman tulad ng post-traumatic stress disorder at mga mood disorder kagaya ng
dissociation at depresyon - mataas na panganib na mapatay
Batas sa prostitusyon Batas Republika blg.
9208 o Anti- Trafficking in
Persons Act of 2003 – Ang sinumang
nakikilahok sa prostitusyon ay
maaaring maparusahan ng hanggang habang buhay na
pagkakabilanggo.
Senate Bill no. 2341 o Anti-Prostitution Act of 2010 – Inihain ni Sen. Pia Cayetano na naghahayag na umabot na sa 800,000 ang
bilang ng kababaihang naaabuso sa
pamamagitan ng prostitusyon sa Pilipinas.
Batas Republika blg.
9710 o “Magna Carta of Women” ay
kumikilala sa
prostitusyon bilang uri ng karahasan laban sa kababaihan.
Batas Republika blg.
10364 0 “Expanded Anti-Trafficking in Persons Act of 2012 – Nagpaparusa sa human trafficking at paggamit ng mga biktima bilang sex worker.
Mga Mungkahing Solusyon sa Isyu ng Prostitusyon
1. Pagpaparusa sa May Sala
- Pagsasampa ng kaso at pagpaparusa sa bugaw o ahente ng mga nagtitinda ng aliw at sa sinumang
nagbabayad para sa serbisyo ng prostitute.
- Pagmultahin at ipasara ang mga establisimiyento na nagtataguyod ng prostitusyon.
2. Pagsasabatas upang maging legal ang Prostitusyon -Pagmumungkahi ng ilang senador na gawing legal na ang prostitusyon upang
mapangalagaan ang karapatan, kalusugan, at kaligtasan ng mga prostitute.
- Iminungkahi ang red- light district at
pagpapatupad ng compulsory check-up para sa mga prostitute.