• Tidak ada hasil yang ditemukan

HENERAL LUNA

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Membagikan "HENERAL LUNA"

Copied!
5
0
0

Teks penuh

(1)

Rica U. Alquisola

Marso 08, 2016

3C-1

Bb. Jenalyn J.

Aman

FL114 KULTURANG POPULAR

HENERAL LUNA

BY JERROLD TAROG

Sa simula’y tila isang pangkaraniwang palabas lang ito tungkol sa mga bayani ng ating bansa na nakipaglaban para sa ating kasarinlan. Napakalaki pala ng magiging epekto nito sa aming mga kabataan ngayong ito’y aming napanood. Una sa lahat ang pinakamasasabi ko ay napakagaling ng pagkabuo ng sineng ito, hindi ko akalain na gano’n kalaki ang magiging impact sa akin. Hindi ko akalain na may mga ganoong pangyayari noong unang panahon, hindi ko alam na kapwa Pilipino pala ni Hen. Luna ang kumitil sa buhay niya napakabrutal at hindi makataong pagkamatay niya at hindi ko rin akalain na ganoon katapat at kasigasig sa panunungkulan siya. Isa pang hindi ko alam na sinuyo pala ni Hen. Luna ang maraming hukbo sa iba’t ibang parte ng kanilang lugar upang lumakas ang kanilang pwersa laban sa mga mananakop. Ang akala ko lang noon ay isa sa pambansang bayani si Hen. Luna at ngayong napanood ko ito napaisip akong

(2)

bigla na wala pala akong ginawa upang alamin at kilalanin pa ng lubusan siya. Nakakabilib ang mga ipinakitang pagganap ng mga pangunahing tauhan lalo na si Hen. Antonio Luna na hinaluan ng kakat’wa ang isang seryosong palabas na isa sa nagpaganda sa pelikula. Napakaraming eksena o pangyayari pala noon na hanggang ngayon ay umiiral pa rin kaya siguro tulad ng mga tiwali sa gobyerno at pagtatakipan sa mga krimeng nagawa kaya siguro masasabi nating “Matagal na pala tayong ganito.” Malungkot man isipin, napakarami talagang baluktot sa pamunuan simula pa noon tulad ng pagtatraydoran ng Pilipino sa kapwa Pilipino para sa mga pansariling interes. Sa panahon ngayon, bihira na ang opisyal na katulad ni Hen. Luna na handing ibuwis o isangkalan ang kanyang buhay para sa ating bansa at para sa kalayaang ating minimithi mula sa mga banyagang mananakop. Dahil sa pagkalabas ng pelikulang ito sa maraming sinehan ay marami ang napukaw ang interes na balikan ang ating kasaysayan at para sa aking kakaiba ito sa lahat ng napanood kong tungkol sa mga bayani, naging popular dahil sa kakaibang istilong ginamit ng director, napakatalino at malikhain. Naipalabas o napalutang ang mga mahahalagang pangyayari noong panahon ni Hen. Luna, bawat eksena ay napakahalaga para sa akin kapupulutan ng maraming ideya at aral na maari kong dalhin-dalhin. Ipinakita rin sa pelikulang ito ang pagpapahalaga sa isang Ina, may mataas na pagrespeto at sumusunod pa rin sila kahit na matatanda na rin sila na talagang hinangaan ko rin. Sa simula, parang mainip panoorin pero noong magsimula nang bumitaw ng mga linya at banatan ay talagang nabuhayan ako at sinubaybayan ang bawat pangyayari. “Artikolo Uno: Ang hindi pagsunod sa Punong Heneral ay tatanggalan ng ranggo at ipapatay nang walang paglilitis sa hukumang militar,” ang paulit-ulit kong narinig na ikinatuwa ko na tila hindi nadudugsungan at hanggang artikulo isa lamang .

(3)

Sa kabuuan, ang nangingibabaw na paksa o tema sa pelikulang ito ay ang pagiging mapagmahal sa inang bayan na ipagtatanggol at hindi pababayaan laban sa mga mananakop at sa iba pang suliraning kinakaharap ng ating lipunan.

Ang mga pahayag at banatang hinding-hindi ko malilimutan tulad na nga lamang ng mga sumusunod:

 Hen. Antonio Luna: “May mas malaki tayong kalaban sa mga Amerikano–ang ating sarili.”

 Hen. Antonio Luna:“Mas magandang mamatay sa digmaan kaysa magpasakop sa dayuhan.”

 Isabel: “Mas mahalaga ang papel natin sa digmaan kaysa sa anumang nararamdaman natin sa isa’t isa.”

 Hen. Antonio Luna:“"Malaking trabaho ang ipagkaisa ang bansang watak-watak, Joven."

 Hen. Antonio Luna: “Mas madali pang pagkasunduin ang langit at lupa kaysa dalawang Pilipino tungkol sa kahit na anong bagay.”

 Hen. Antonio Luna:“Hindi natin sila matatalo sa teknolohiya. Pero matatalo natin sila sa taktika.”

 Isabel: “Giyera ang asawa mo. Ako ang kabit.”

 Apolinario Mabini: “Nasubukan mo na bang hulihin ang hangin?”

 Paco: “Handang magtapon ng dugo ang totoong makabayan. Hindi pagdurusa ang pagdaan sa napakatinding pasakit. Para kang tumanggap ng basbas, parang pag-ibig.”

 Hen. Antonio Luna:“Isang malaking karangalan ang ipaglaban ang ating Inang Bayan, huwag tayong magdadalawang isip. Adelante, compatriotas. Ang magtagumpay o mamatay.”

ARTIKULONG KAUGNAY NG PELIKULANG HENERAL LUNA Heneral Luna: Bayaning may prinsipyo’t pangarap para sa bayan

(4)

Noon pa man, malaki na ang papel na ginagampanan ng pelikula sa buhay ng bawat mamamayang Pilipino. Maituturing itong isang imaheng sumasalamin sa kung ano ang hilig ng isang henerasyon sa kanilang panahon. Dito nabubuo ang konsepto ng pelikula batay sa maaaring sang-ayunan ng nakararami, gaya ng tema ng pagsusuyuan, pag-aawayan, pagroromansa, at iba pa. Sa pagdaan ng makabagong henerasyon, unti-unting namulat ang sambayanan sa mga pelikulang tumatalakay sa kahalagahan ng kultura’t lahi ng bayan.

Datapwat nariyan pa rin ang mga pelikulang may klasikong tema, patuloy pa rin sa paggawa ang ilang mahuhusay na direktor ng bansa ng mga pelikulang pumapatungkol sa mga kwento ng kagitingan ng iba’t ibang bayani ng sambayanang lahi. Ilan sa mga ito ang Jose Rizal (1998) na masusing inilahad ang buhay ni Dr. Jose Rizal, El Presidente (2012) na halaw sa kagitingan ng bayaning si Emilio Aguinaldo, at Bonifacio: Ang unang pangulo (2014) na tungkol naman sa buhay ng rebolusyonaryong si Gat. Andres Bonifacio.

Sa darating na Setyembre, matutunghayan naman ng sambayanan ang kwento ng isang bayaning nagpamalas ng prinsipyo at paninindigan sa ngalan ng matatag na Republika. Sa pamagat nitong “Heneral Luna”, pangungunahan ang pelikula ng batikang aktor na si John Arcilla, na gaganap bilang si Hen. Antonio Luna, at Aaron Villaflor, bilang si Joven na isang rebolusyonaryong manunulat. Sa direksyon ni Jerrold Tarog ang nasabing obra at sa kabutihang palad, malugod na naanyayahan ang Ang Pahayagang Plaridel sa nagdaang Special Advanced Screening nito na ginanap noong ika-29 ng Mayo sa Teatrino, Greenhills.

Nasyonalismo – ito ang isa sa mga pangunahing temang bumalot sa buong kurso ng pelikula. Sinalamin nito ang hangarin ni Luna bumuo ng isang matatag na bansa. Ibinahagi ni Arcilla kay Villaflor ang mga kwento ng nasyonalismo na natunghayan niya sa kanyang mga paglalakbay. Dito nabuo ang pagbabalik-tanaw sa ilang piling pangyayari sa buhay ni Luna bilang pinuno ng militar na may paninindigan sa batas at pagpapataw ng disiplina. Nalampasan ni Tarog ang hamong isalaysay ang komplikadong buhay ni Luna at ipaalam sa mga manonood ang kabayanihang ipinamalas niya noong panahon ng digmaang pambansa.

Umikot din ang daloy ng istorya sa tema ng disiplinang nakatatak sa karakter ng bayaning si Luna. Sinalamin ng pelikula kung paano niya pinamahalaan ang mga Pilipinong sundalo upang sugpuin ang pwersa ng mga Amerikano sa bansa at matupad ang kanilang hangaring makamit ang pangmatagalang kalayaang hinahangad ng sambayanan. Bukod pa rito, detalyado ring inilarawan sa pelikula ang mga suliraning kaakibat ng mga hangaring ito. Isa na rito ang hindi maiwasang pagpili ng maraming Pilipino sa pansarili nilang kapakanan kaysa ikabubuti ng buong bayan. Dito pumapasok ang ideya ng matinding pagkiling sa sariling pamilya at mga karatig na rehiyon ng Pilipinas ng ilang mga Pilipino kaysa sa bansang kanilang pinagmulan na naging balakid sa pagkamit ng nasyonalismo noon pa lamang. Kung iisipin, ito ang mga katangiang nakatatak pa rin sa lipunan maging sa kasalukuyan.

Disiplina, prinsipyo at sakripisyo para sa bayan – ito ang mga katangiang nagsilbing pundasyon ng pelikula sa paglalarawan sa kahusayan ng bayaning si Luna. Kilala si Luna bilang isang mahigpit na heneral na may malaking pagpapahalaga sa disiplina. Naisadiwa ng pelikula ang

(5)

mga katangian ni Luna sa pamamagitan ng paglalarawan ng ilang eksenang hango sa kanyang karanasan noong panahon ng digmaan.

Hindi naging madali para sa mga producer at direktor ang paglalarawan sa mga pangyayari sa bawat bahagi ng buhay ng naturang bayani. Punong-puno ang pelikula ng mga masasalimuot na eksena bunsod ng walang humpay na giyera’t labanang kinaharap ni Luna. Dumanas din ang heneral ng ‘di mabilang na tama ng bala at saksak ng bolo bago mabawian ng buhay. May karahasan man, paliwanag ni Eddie Rocha, producer, “toned down” na ang paglalarawang ito sa pelikula kung ihalilintulad sa iba pang karanasang kinasadlakan ng kapita-pitagang bayani ng lahi.

Naging mabigat man ang imahe ng pelikula dahil sa mga masalimuot na eksena, hindi pa rin naisantabi ni Tarog ang makapagbigay-aliw sa pamamagitan ng pagdaragdag ng ilang nakahahalakhak na pangyayari sa istorya. Nilapatan ng kaunting katatawanan ang ilang eksena upang maalis ang tensyon mula sa mabibigat na pangyayari tulad ng eksena sa tren na naging komedya dahil sa kulang-kulang na Ingles ni Luna at ng kanyang mga kasamahan. Maayos ding nagampanan ng bawat artistang gumaganap sa pelikula ang pagsasabuhay sa kani-kanilang mga karakter, alinsunod na rin sa hinihingi ng direktor at manuskrito ng kwento, na mahigit labing-walong taon nang nag-aantay na mailimbag sa pinilakang tabing.

Sa huli, nag-iwan ng epekto ang bawat eksena sa pelikula upang mapanindigan ang mga simbolong isinabuhay ng nasabing obra at makapaghatid ng mensahe sa mga manonood. Inilalarawan nito ang kahalagahan ng disiplina sa isang bayan, pagkiling sa ideya ng isang matatag na nasyon, at katangian ng mga tunay na bayaning handang ibuwis ang sariling buhay para sa ikabubuti ng buong lahing Pilipino. Iiwanan nitong mapaiisip ang mga manonood kung hanggang saan nga ba ang kaya nilang ibuwis para sa bayan at kung sino ang tunay na bayani ng ating lahi. Kung bibigyan ng pagkakataon, ano ang iyong uunahin – ang iyong bayan o ang iyong sarili?

Referensi

Dokumen terkait

Dahil para sa akin, sa liham na ito ni Rizal ay sinasabi niya lamang na hindi niya muna gustong humiwalay sa Espanya ngunit dahil hindi naging makatuwiran ang Espanya sa

2.Tagpuan at Panahon- Ang tagpuan ay tumutukoy hindi lang sa lugar kung saan naganapa ng mga pangyayari sa akda kundi gayundin sa panahon(oras, petsa, taon) at maging sa

• Ang mga wikang ito ang karaniwang ginagamit ng mga dalubwika sa kanilang pagsusuri ng mga wika sa Pilipinas noong mga unang panahon ng ating pagkabansa..  Mga Wikang lumaganap

kinuwento niya ang kanyang karanasan ng pangmomolestiya ni <uya (ims noong siya ay siyam na taong gulang  pa lamang, at kung paanong hindi tinuturuan ang mga batang

Noong Mayo 5, 1882, nang dahil sa hindi na niya matanggap ang tagibang at mapansuring pakikitungo ng mga paring Kastila sa mga katutubong tagibang at mapansuring pakikitungo ng

45..Ang panitikan sa Panahon ng Hapon ay binigyang halaga na makapagsulat sa Wikang Pilipino ang mga manunulat na Pilipino ngunit ingat na ingat sila sa mga paksang isusulat at

Hindi lamang niya ma- Hinihingi ko sa inyong dalawa na ni Maganda sa binatang hindi tiyak kung sino sa dalawa ang isalong ang inyong mga pana.. man Iamang nagbubuka ng kan- nakita niya

Sinusulat ko ito, bilang aktibistang hindi niya kahenerasyon, bilang babaeng nakadistiyero sa ibang bayan at hindi nakapaglingkod sa paraang kanyang kinaya, at bilang taong umabot na sa