• Tidak ada hasil yang ditemukan

Fliptop Bilang Filipino

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Membagikan "Fliptop Bilang Filipino"

Copied!
14
0
0

Teks penuh

(1)

Fliptop Bilang Filipino

I: Introduksyon:

Bilang isang bansa sa panahon na maraming pagbabago, maramin tayong dahilan upang ipakamit ang pag-papalakas ng nag-iisang bagay na tumatayo bilang bantay para sa ating pagkabansa laban sa modernisasyon: ang ating pambansang wikang Filipino.

At dahil sagot ng wika ang kultura, bakit ba pa nating hindi itatanong ang importansya ng mga bagay na likas na atin sa bansa? Kung ang mga Hapon ay mayroong ‘Anime’, tayo ay mayroong Balagtasan- ngunit, tama nga ba na iyon lang ang ating ipinaglalaban sa ating mga eskwelahan?

Fliptop – ilang beses na itinawag na ‘Modernong Balagtasan’1 sa loob ng malawak na mundo na tinatawag nating internet – ay isang mapangabagong paraan ng pagpapakita ng mga taong Pilipino na napalaganap ng taong 2013, at mula noon nananatili parin ito sa mga sikot-sikot na kalye ng ating bansa at sa loob ng mga isip ng mga tao.

Kung ikumpara sa pagkapormal ng Balagtasan, ito ay maari pa nga nating isipin na ‘mababa’ dahil sa pagkawala nito ng isang malinaw na paksa o sa madalas na pagagamit ng pagmumura ng mga lumalaban nito. Ngunit, ganoon parin at hindi nagbabago ang bagay na importante sa Fliptop:

Ang Fliptop ay katulad ng Balagtasan na ito ay isang oral na pamamaraan ng debate.2 1 "Is FlipTop the Modern-day Balagtasan?" GMA News Online. Web. 16 Oct. 2015.

(2)

Ito ay mayroong mga pamamaraan, proseso, at elemento katulad ng Balagtasan. Mayroon rin itong mga batas at punto ng pagpipili ng sino ang mananalo. Ang nag-Fliptop ay manlalahok ng pananalita – labanan ng mga salitang inisip sa loob ng iilang segundo.

At bakit pa natin ipagmamaliit ang pagmumura sa Fliptop, kung siya rin ang isa sa mga dahilan na ito ay napalaganap?3 Di ba naman, kahit na hindi ganoong nakapagaral at marunong gumamit ng malalim na Filipino ang isang Pilipno, siya ay maaring mag Fliptop kahit na hindi niya kaya mag-balagtasan?

Ito ang aking panimula sa papel na ito na ipupruweba ang importansya ng Fliptop bilang pormal na parte ng kulturang Filipino at nitong mga sining pampanitikan.

II: Depinisyon at Kasaysayan ng Fliptop:

Mahihiwalay ang Fliptop sa tatlong bahagi: ang itong mga elemento, pamamaraan, at proseso.4

Ang mga elemento ng Fliptop ay ang mga sumusunod: ang dalawang mga manlalahok na emcee, isang nagsubaybay na grupo ng mga referee, at ang mga manonood. Depende sa mga manlalaro, nagbabago ang Fliptop – maaring may preperasyon, mas madalas wala – ngunit mas madali nalang ikumpara ito sa balagtasan.5

3 "The Need for Foul Language in Rap Music." The Need for Foul Language in Rap Music. Web. 14 Oct. 2015.

4 ibid.

5 "Fliptop Battle the Modern Balagtasan - Research Paper - 4076 Words." StudyMode. Web. 26 Oct. 2015.

(3)

Una, kung ang balagtasan ay ginagawa gamit ng mga maliliit na piraso ng pagpapatawa na itinatago ng katalusan, pag-iisip, at paguunawa, ang Fliptop ay madalas na idanadaan sa mga insulto at pag-aatake ng imahe ng kalaban.

Pangalawa, ang pag-memelodramatiko ay hindi nag-iisa sa balagtasan. Ang Fliptop rin ay madalas na dinadagdagan ng pagiging artistiko ng mga manlalahok – kahit na madalas ito ay mahirap malunok ng mga matatanda.

Pangatlo, pareho ang Balagtasan at Fliptop sa pagkakaroon ng isang grupo na namimili ng mananalo. Ngunit, ang Fliptop ay naiiba na ang mga pinipili bilang ‘judges’ ay sila rin na ibang manlalahok ng Fliptop – magkakalaban noon, hurado na ngayon. Ito ay para mabawasan ang pagdadaya habang pinapatili na siguradong may alam ang mga hurado ukol sa Fliptop.

So ano ang ibig sabihin nito? Simple: Ang Fliptop ay hindi kopya lamang ng Balagtasan. Kung masasabi nga, ang Fliptop ay hindi malapit sa balagtasan, o kahit ang

pinaggalingan nitong duplo. Ang talagang mas malapit sa Fliptop ay mas mababa – mula sa mga isla ng Visayas, ang makaluman panitikan na ang pangalan ay bikal.6

Makikita nga ito sa mga salita na isinagot ng Fliptop rapper na BLKD:

Bagama’t parehong nagtatampok ng tunggalian ng pagtula, magkaiba ang sensitivities ng dalawa. May magkaiba silang pinagmulang kasaysayan, kinabibilangang kultura, at mahalagang kilalanin natin ‘yon.

Ang Fliptop ay isang panitikan na naiiba sa balagtasan, kahit na ang ay madalas na kinukumpara ng mga tao. Ito ay isa sa mga punto kung bakit ito ay dapat tangappin bilang parte ng Filipino.

(4)

Sumusunod naman ang pamamaraan. Sa salita ng tagasimula ng Fliptop, ang 26 na taong gulang na si Alaric Riam ‘Anygma’ Yuson, ang Fliptop, mula sa simula hanggang sa dulo, ay tungkol lamang sa isang bagay.

“Ang Fliptop ay ginawa para sa rap.” 7

Mula sa mga maduduming salita hanggang sa pagaatake ng di lamang ang kalaban kundi narin ang politika at mass medya, Fliptop ang sagot ni Anygma sa kakulangan ng Filipino Hiphop sa Pilipinas. At ang dahil doon, Fliptop ay talagang sariling atin.

Tumuloy naman tayo sa proseso.

Naiiba ang Fliptop mula sa ibang bersyon ng ‘hiphop’ na ito ay nilalaro ng mga taong nakikilala ang kultura at mga pangyayari sa bansa. Isa rito si Anygma mismo, noong ipinakita niya sa kanyang laban kay ‘Dirtbag Dan’ ang mga problema at isyu ng ating bansa laban sa America.8

At kahit na madalas na puno ng mga insulto at pagmumura ang Fliptop, sa dulo isa lang ang batas sa Fliptop: “Walang pikon.” Habang totoo na mayroong pagkakataon na inaatake ng mga Fliptop emcees ang mga sensitibong bagay tulad ng pamilya o kulay, sa dulo parin ang bawat laban ay natatapos sa patawaran.9

Ngayon, umusog naman tayo sa kasaysayan ng Fliptop.

Ang Fliptop Battle League ay sinimula nang taong 2010 ng tatlong tao, pinangunahan ni Alaric Riam ‘Anygma’ Yuson at ipinakilala sa buong bansa gamit ng mass medya. Simula nang

7 "FlipTop: Balagtasan Ng Batang 90s." 9 Apr. 2013. Web. 15 Oct. 2015.

8 "Cultural Product Analysis." 12 Apr. 2012. Web. 15 Oct. 2015.

(5)

pagkapanalo nila laban sa ‘Grind Time Now’10, ang Fliptop ay napalaganap bilang bagong

sensasyon sa loob ng internet at simula noon hindi na siya nawala.

Sa taong ito, umabot na ang Fliptop bilang malaking parte ng mga lugar tulad ng NCR,

Calabarzon, Central Luzon, Metro Manila, mga isla ng Visayas, at kahit Mindanao kung nasaan na taon-taon nagagaanap ang mga tampok na kompetisyon para sa Fliptop.

Iilang mga paaralan narin ang naghahawak ng mga kompetisyon sa Fliptop11, at maari rin

silang dumami sa mga paparating na mga taon. Mga estudyante, bata o magulang, ay ngayong nagiging mga bagong emcee para sa Fliptop.

Lumalaki na ang Fliptop sa ating bansa, at hindi mawawala sa mga dadaan na taon.

III - 2: Mga Epekto ng Fliptop Sa Bansa Lipunan:

Ang Fliptop ay madalas na kinukumpara sa balagtasan, at sa katotohanan, kahit na malayo ang dalawa malapit ang kanilang mga epekto sa mga Filipino.

Una, ibinalik at ipinalakas ng Fliptop ang presensya ng Hiphop sa Pilipinas.12

Pangalawa, katulad ng Balagtasan, ang Fliptop ay tinulong ang mga kakayahan ng mga tao sa paggamit ng mga salita, sa sining, at sa pagkanta.

10 "Fliptop: The First Filipino Rap Battle Leage." Wikipilipinas. Web. 27 Oct. 2015.

11 "The Importance of Intramurals or Sports Fest in Schools " StudyMode. Web. 28 Oct. 2015.

12 "Fliptop Battles: The Return of Filipino Hip Hop" Politaklon. JR Lopez Gonzales. 17 Dec. 2010. Web. 16 Oct. 2015

(6)

Pangatlo, ipinapatuto ng Fliptop sa kanyang mga manlalahok paano mag-karron ng tatag ng loob sa harap ng mga insulto, at paano labanan ang galit sa harap nila.

Pangapat, intinuturo ng Fliptop paano gumawa ng mga argumento.13

Ngunit, hindi lagi maganda ang epekto ng Fliptop sa bansa.

Katulad ng mga pag-aaway – hindi lagi natatapos ng tahimik ang labanan sa Fliptop, lalo na sa mga ‘inofficial’ na kompetisyon na madalas ginagawa sa labas ng tingin ng mga taong makakabantay ng mga pangyayari.

Susunod naman ang epekto nito sa bokubalaryo – dahil sa Fliptop, dumadami ang mga maduduming salita na ginagamit ng mga tao sa Pilipinas, lalo na sa mga kabataan na ikinokopya ang mga katulad nila Anygma habang walang alam kung paano sila makakasakit.

At huli, ang pinakamasaklap na epekto ng Fliptop: ang pagmamaliit nito sa iilang problema ng ating bansa sa kamay ng mga hindi masusing gumamit nito.

Racism. Problema sa pamilya. Ang kahirapan ng buhay ng mga ‘informal settlers’ sa ating bansa. Paglalasing sa alak. Sariling paningin ng mga tao. Korupsyon at ang mga problema sa ating politika.

Lahat ito, ilang ulit na nagkaroon ng problema at pinagtawanan, pinagmaliitan dahil sa Fliptop at ipinagkumpara sa ‘Yo Mama’ jokes – ngunit, kung ang Fliptop sana ay hinawak at binantay mabuti, lahit ito ay sanang nabawasan bago sila lumalala dahil sa maling pili ng mga salita.14

(7)

Ang pagmumura at mga insulto? Hindi sila mawawala, dahil sila ay importanteng parte ng Fliptop.

Ngunit, kung isunigabay ang mga kabataan, kung sila ay itinuro na piliing mabuti kung kailan lang sila gagamitin, mawawala ang problema.

Ang pagaaway ay maaring matigil kapag inalaad mabuti ang importansya ng ‘Walang Pikon’ 15 sa lahat ng manlalahok ng Fliptop. Ang bokubolaryo ay madadagdagan ng mga mas mabubuting mga salita kapag binigyan lang ng toon ng mga tao.

Kung ang Fliptop ay itinanggap bilang isang lehitimosong parte ng kultura ng pormal na Filipino, lahat ng mga problema na ito ay mawawala habang lalakas lang ang tulong na binibigay ng Fliptop.

Ngayon, tumoloy na tayo para sa epekto ng Fliptop sa Filipino.

III-2: Epekto Sa Wikang Filipino:

Ang Fliptop ay turing galing lamang sa Pilipinas, isinimula ng ng Pilipino, at ipinalakas ng wikang Filipino. Dahil doon, walang gulat kung kaano kalakas ang inapekto ng Fliptop sa ating wika.

Marahil ang Fliptop ay nagsimula lamang at mukhang mawawala na parang bula kaya ito ay hindi tinotoonan ng mabuti, ngunit nandiyan parin.

14 "Fliptop Battles: The Return of Filipino Hip Hop" Politaklon. JR Lopez Gonzales. 17 Dec. 2010. Web. 16 Oct. 2015

(8)

Ang Fliptop ay ipinapalakas ang Filipino.16

Sa mga panahon na ito, ang Filipino ay unti-unting nababawasan ang hawap sa mga kabataan. Dahil sa globalisasyon at sa mga teknolohiyang ginawa mula sa ibang bansa, hindi na Filipino ang kinakatandaan ng mga tao ngayon.

Ang Filipino ay napapalitan na ng mga games, anime, at movies – lahat sila, galing sa ibang bansa. Mayroong mga iginagawa para bawasan ito katulad ng pag-dudub ng mga pelikula at animasyon, ngunit hindi ito sapat.

Dito darating ang Fliptop.

Ang Fliptop ay, bate sa Facebook at Youtube, meron na ngayong mga higit na 5 milyon17 na manonood, nagbabantay, at nagsusugabay ng mga nagpapakita ng galing nila sa Filipino. Totoo, ang Fliptop ay hindi perpekto, ngunit di parin nagbabago ang importansya nito. Dahil sa Fliptop, lumalakas na ang tingin ng mass medya sa Filipino.

Importante ito dahil ang Filipino ay kinakailangan ang lahat ng tulong na makukuwa para makaahon sa mga epekto ng globalisasyon sa ating bansa. At kung ang mass medya ay tumingin sa Fliptop laban sa mga anime ng Japan, lalakas lamang ang imahe ng Filipino.

At hindi lang iyon ang itinutulong ng Fliptop.

Dahil ang Fliptop ay ginagawa lamang gamit ng Filipino at hindi Ingles, Espanol o kahit na ano mang ibang mga wika, ibig sabihin nito ay lahat ng nakikinig at nanonood ng Fliptop ay natututo ang pagalaga sa wika ng ating bansa.

16 "Fliptop - Research Paper - 2666 Words." StudyMode. Web. 28 Oct. 2015.

17 "Speak Your Mind - College Essays - 1855 Words." StudyMode. Web. 27 Oct. 2015.

(9)

Ang mga dekadang taong gulang na mga bata noong 2010 ay tumatanda na ngayon. At kung sila ay sumundo, nakinig, at gumaya sa Fliptop para maging isa sa mga bagong emcee, dadami ng dadami ang mga nagrerespeto sa ating wikang Filipino.

Bumalik tayo ng limang taon, tatlo lamang ang mga emcees noong sinimula ni Anygma ang grupo. Ngayon, iilang dosena na ang mga manlalahok sa Fliptop.

Sa mga sumusunod na taon? Kung ang Fliptop ay tinulungan at tinanggap bilang lehitimosong parte ng Filipino, bibilis lang ng bibilis ang paglaki ng grupo. Sa susunod na limang taon, magiging isang daang katao na ang mga manlalahok. Sa susunod pa na lima? Maari nang umabot sa isang libo.

Ang Fliptop ay malaking parte na ng ating modernong kultura. Ngayon, ang kailangan ay tulungin natin siya lumaki.

IV: Paano Tutulungan ang Fliptop

Ang Fliptop Battle League ay kinilala na ng mass medya. Hinabol narin sila ng mga kompanya at binigyan ng mga paunyaya sa mas pagpapalaganap ng Fliptop sa buong bansa. Ngunit, lahat ito ay nawala sa dulo dahil sa isang bagay.

Ang Fliptop ay kailangan hindi lang pera o mga sponsor o mga kompnaya – kailangan rin nitong matanggap bilang kung papaano siya ngayon. Makikita nga ito sa sumusunod na linya.

“Companies see too much aggressiveness and vulgarity in the art; the battle league sees rhythm and rhyme in their most raw and most real forms. Unless the mainstream is

(10)

willing to accept or at least be open-minded about hiphop in its entirety, it will not be easier to change the Philippine rap scene for the better by partnering with them.” 18

Habang hindi ito naiintindihan ng mga tao, hindi uusbong ang Fliptop. At ang pinakamabilis na paraan para ituro ito sa lahat ay simulang tanggapin ang Fliptop bilang pormal na parte ng Filipino at ng kultura nito.

Pagkatapos, dapat gumawa na ng mga kompetisyon para sa Fliptop, sa batas ng Fliptop.

Ang pagmumura ay hindi ipagbabawal. Ang pag-iinsulto ng kalaban sa Fliptop ay normal. Ang pagpipili ng emcee, ang pag-papatawad ng parehong manlalaro sa isa’t isa pagkatapos ng bawat laban, ang paghahatol kung sino ang mananalo...

Ang unang pangangailangan ng Fliptop ay tangapin siya bilang sarili niyang panitikan ng mga tao. Pagkatapos noon, uusog naman sa pagtutulong ng mga taong humahawak ng Fliptop Battle League.

Sa ngayon mayroon ng isang kompanya na pangalan ay ‘Uprising’ na ginawa ni Anygma kasama ni Juss Rye, ngunit kulang sila para sa isang buong bansa.19

Ang aking iniisip ay tulungan sila ng gobyerno – mag-simula sila ng mga kompetisyon, ihiwalay ng kaunti ang mga problema, etc.

18 Uncovering Battle Rap with FlipTop's Anygma." 10 Mar. 2015. Web. 15 Oct. 2015.

(11)

Maari rin itong ipabilis gamit ng mas marami pang sumusunod na tulong galing sa mass medya – ngunit ngayon, habang ipinapakita ang totoong imahe ng Fliptop laban sa madalas na iniisip ng mga tao na ‘pag-iinsulto’ lamang siya.

Ang mga paaralan rin, sila ay makakatulong kasama ng mga magulang sa pagturo ng mga manonood kung paano gumagana ang Fliptop. Mayroon at mananatili nga ang mga maduduming salita, ngunit ibig sabihin noon na hindi sila ipinagbabawal gamitin sa labas ng Fliptop.

Sa huli naman, talagang trabaho naman ng mga magulang at guro ang pagturo ng kagandahang asal, diba?

V: Mga Pag-Iisip, Konklusyon at Huling Salita

Sa aking mga pinagaralan at pinagtoonan sa pagawa nitong papel, naintindihan ko na ang Fliptop ay isang uri ng panitikan na hindi ganoon naiintidihan ng marami.

Noong magtanong ako at naghahanap ng mga pagaaralan para sa papel na ito, aking napansin ang kawalahan ng mga akademikong pagsusuri ng Fliptop. Sa loob ng internet, marami akong nahanap, ngunit sa loob ng mga library ay wala kang makikita.

Iniisip ko, ito ay dahil sa problema ng Fliptop:

Ang Fliptop ay hindi pang-akademiko. Ito ay ginawa bilang sining, para sa sining, at dahil roon, mahirap pagaralin ng obhektibo.

(12)

Ang Fliptop ay masakit sa panrinig ng mga tao na hindi mahilig o sanay sa pagmumura o sa pag-iinsulto. Hindi siya ang uri ng bagay na dapat tinuturo sa kabataan sa loob ng klase. Hindi rin ito magagamit sa agham o sa matematiko.

Ngunit, di parin noon binabago ang katotohanan na ang Fliptop ay bilang na sa loob ng ating wika at kultura.

Tignan natin ang mga kabataan ngayon – sila ay tumatanda na sa loob ng isang buhay na hindi man natin makikilala noong taong 2005. Ang Pilipinas ay hindi na lang siya ‘Previously colony of America, Japan, and Spain’.

Ang Pilipinas ay ‘Part of the Worldwide Sphere’ na ngayon.

At ang epekto nito sa ating kultura, sa ating wika? Isinasawalang bahala na ang mga ilang dekadang taon na mga paniniwala, humihinga na ang paggamit na Filipino, at nawawala na ang nasyonalismo.

Masasabi ko nga na isa ako sa kanila.

Kaya kung mayroong isang bagay, isang uri ng kultura katulad ng Fliptop na binabawas or maari pa nga na itigil ang pag-dedegrado ng Filipino sa ating bansa, bakit pa ba natin hindi ito tutulungan?

Mas maganda na mayroon tayong ipinaglalaban na sarili nating panitikan kahit na mag-patalo na lang tayo ng walang ginawa. At di naman ibig sabihin na ipinapalakas natin ang Fliptop na ikakalimutan na ang iba tulad ng dula-dulaan, balagtasan, o duplo, so bakit ba tayo lumalaban sa sarili natin?

(13)

Alam ko na hindi perpekto ang Fliptop. Ganoon naman din ang lahat ng ibang mga panitikan – mayroon parehong lakas at kahingaan. Ngunit, ngayong napaisip ako, bakit pa ba ang ating mga kolehiyo ay parang hindi pinapansin ng panitikan na ito?

Totoo, mayroon siyang pagmumura at maraming mga maduduming salita. Oo, siya ay gawa ng puro insulto para sa ibang tao. Tama, ilang beses na siyang nagpamaliit ng iilang mga malalaking problema dito sa Pilipinas.

Ngunit, diba ganoon rin ang ginagawa kapag sumulat ka ng ‘satire’ sa Ingles?

Di ba, ganoon rin ang ginagawa kapag nag-rarali ang mga tao sa daan, sinusunog ang mga imahe ng mga taong gumagawa ng korupsyon?

Si William Shakespeare, di ba nagulat ang mga tao noong gumawa siya ng sarili niyang mga insulto para sa loob ng kanyang mga istorya? Si Jose Rizal, di ba inatake at ipinakulong siya ng mga dayuhan dahil sa mga sinulat niya na nagtuturo ng nasyonalismo?

Kung ganoon, bakit naman ngayon itinatrato na nating mga akademiko ang Fliptop bilang isang ‘bawal’ o ‘walang kwenta’ na pakso kung pagaaralan?

Ang Fliptop ay mukhang masama o maliit ngayon dahil bagong panganak pa lamang siya. Pag ito ay binantayan, pinaalagaang mabuti, ang Fliptop ay may kakayahan na lumaki bilang bagong piraso ng ating nawawalang kultura.

At dahil ang Fliptop ay isinasalita at kultura ay imahe ng wika, ibig sabihin noon ay maari siyang maging malaking parte ng ating pambansang wikang Filipino.

Ito ang konklusyon:

(14)

Referensi

Dokumen terkait

Dahil marami nang naisasagawang pag-aaral tungkol sa ugnayan ng festival, relihiyon, at kasaysayan ng ating bansa at kakaunti pa lamang ang mga pag-aaral

Ang tagapagsalita na nagngangalang Miguel Manuel ay nagpapakilala kay Doktor Juan... Ang morpolohiya ay pag-aaral ng mga morpema ng isang wika. Ito ay sistema ng pagsasama-sama ng

At dahil sila ang ating pag-asa, nararapat lamang na ibigay natin sa kanila ang lahat ng edukasyon na kailangan nila upang maabot nila ang mga pangarap na nais nilang

--tumutukoy o may kaugnayan sa pag-aaral ng anyo at uri ng mga salita; tamang ga mit ng mga salita at tamang kaugnayan ng mga salita sa isang pahayag upang makab uo ng malinaw

pinakaepektibong tagapagpalaganap ng batayang kaalaman sa Filipino ay ang sisitema ng bawat paaralan.Dito itinuturo ang Filipino bilang isang wika at ginagamit itong

Sa mga nabanggit na indicators, madalas na ginagamit ang kabuuang pambansang kita o Gross National Income (GNI) sa pagsukat ng kalagayan ng ekonomiya ng isang bansa.. Ang paraan

Panitikan ang tawag natin sa lahat ng uri ng pahayag—nakasulat man ito, binibigkas o kahit ipinahihiwatig lang ng aksyon ngunit may takdang anyo o porma katulad ng tula,

May tatlong klase ng mga guro ang dumadalo sa ganitong panayam na ubod ng optimismo ang pamagat: ang una ay mga gurong naghahanap ng saysay o katuturan sa pagtuturo ng Filipino bilang