• Tidak ada hasil yang ditemukan

Sulating Pananaliksik

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Membagikan "Sulating Pananaliksik"

Copied!
16
0
0

Teks penuh

(1)

Sulating Pananaliksik Batayang Kaalaman

Isang komprehensibong gawain ang pananaliksik. Bunga ito ng organisadong at sistematikong pagmamasid at pagsasagawa upang makatuklas ng mga bagong impormasyon na magagamit sa buhay ng isang indibidwal.

Sa pagdating ng makabagong teknolohiya, lalong nagging masidhi ang pagsasagawa ng pananaliksik. Naging magkakapit-kamay ang teknolohiya at ang paksang ibig bigyan ng kalutasan na tutugunan ng pananaliksik.

Sa bawat galaw ng indibidwal, saan man siya bumaling, tila nakangiting nag-aanyaya ang kanyang kapaligiran upang magsagawa ng pananaliksik.

Isang akademikong Gawain ang pananaliksik. Nabibigyan ng pagkakataon ang mag-aaral na mapalawak ang karanasan, madagdagan ang mga kaalaman at higit sa lahat maging kapaki-pakinabang sa kanyang sariling pag-unlad, ang nagagawa ng pananaliksik sa mag-aaral.

Mahalagang magkaroon ang sipag at tiyaga sa pananaliksik. Kailangang mag-ukol nang mahabang panahon upang maisagawa nang may kabuluhan ang anumang pananaliksik.

Kahulugan ng Pananaliksik

 Ayon sa dalubhasa, ang pananaliksik ay paraan ng paghahanap ng teorya, pagsubok sa teorya o paglutas ng isang suliranin.

 Ayon naman kay Kerlinger (1973), ang pananaliksik ay isanmg sistematiko, kontrolado, emperikal at kritikal na imbestigasyon ng mga proposisyong

 haypotetikal tungkol sa inaakalang relasyon sa mga natural na pangyayari. Sistematiko ang pananaliksik kapg sumusunod ito sa mga hakbang o yugto na nagsisimula,

(2)

pagtulong sa mga suliranin, pag-uugnay ng mga suliranin sa mga umiiral na teorya. Ang sistematikong pananaliksik ay kontrolado at ang bawat hakbang na imbestigasyon ay nakaplano.

 Ang pananaliksik ay isang sining. Walang iisang paraan o tamang paraan ng pananaliksik.

Katangian ng Pananaliksik 1. Obhektibo

2. Mayaman sa mga ginagamit na datos

3. May angkop na pamamaraan o metodolohiya 4. Dokumentado

5. May sinusunod na tamang proseso sa pagsulat 6. Kritikal

Layunin

Sa pagsasagawa ng pananaliksik, dapat na alam kung ano ang layunin

ng gawaing ito. Dapat na:

 Makatuklas ng mga bagong impormasyon, ideya at konsepto

 Makapagbigay ng bagong pagpapakahulugan o imterpretasyon sa dati

nang ideya

 Mabigyang – linaw ang isang mahalagang isyu o paksa

 Makapagbigay ng mungkahing solusyon sa problema

 Makapagpatotoo o makapagpangatwiran sa tulong ng mga

mapapanaligang mga materyales o dokumento tungkol sa mga paksang nangangailangan ng paglilinaw

 Nakapagbibigay ng mga ideya o mungkahi batay sa pangkasaysayang

perspektibo para sa isang pangyayari o senaryo

Tungkulin/Responsibilidad ng Mananaliksik

Gaya nga ng nabanggit na sa mga unang talakay, isang komprehensibong Gawain ang pananaliksik lalo na sa mga mag-aaral.

(3)

Narito ang ilang tungkulin/respinsibilidad ng isang mananaliksik 1. Pagkamatiyaga 2. Pagkamaparaan 3. Pagkamasistema sa Gawain 4. Pagkamaingat 5. Pagkamapanuri o kritikal 6. Pagkamatapat 7. Pagiging responsible Ano ang Thsesis Proposal?

- isang detalyadong plano na ginagamit ng mga mag-aaral bilang gabay sa pagsasagawa ng isang pananaliksik. Ito ay nagpapakita ng lohikal at sistematikong pagdulog ng mga mag-aaral upang maisagawa ang kanyang pananaliksik. Halimbawa:

Mga mag-aaral ng Elizabeth Seton Taong 1975 hanggang 2005: Nasaan na sila ngayon?

Bakit nahihbirapan ang mga mag-aaral na pumili ng isang suliranin ng pananaliksik?

1. Kinukonsidera ng mga mag-aaral ang maraming suliranin sa pananaliksik.

2. Ang kinakailangang mga datus ay mahirap makamit. 3. Hindi lahat ng mga suliraning panlipunan ay nasusukat. 4. Hindi alam ng mga mag-aaral ang isang ispesipikong

suliranin.

5. Hindi batid ng mga mag-aaral ang pagkukunan ng sanggunian at impormasyon sa isang suliraning pananaliksik.

Ano ang mga maggaandang katangian ng isang mabuting pananaliksik?

(4)

1. Ito’y dapat ispesipiko. 2. Nasususkat

3. may kinalaman sa isang praktikal na suliranin 4. napapanahon

5. nahuhubog ang isang katuturan ng isang kaisipan o konsepto

6. nakalilikha o mas napabubuti ang isang gawang panukat o instrumentong panukat sa pananaliksik sa pagkuha at pag-aaral sa mga datos

7. kinakailangan ito’y naipapakita o naipahahayag sa isang relasyon sa pagitan ng isa o higit pang variable.

Ano ang kailangang iwasan sa isang suliraning pananaliksik?

- Mga suliraning may kinalaman sa moral na katanungan Ang relasyon ba ng magulang ay nakaaapekto sa

pagtatanghal ng mag-aaral sa klase?

- Mga katanungang na walang pagsubok na pangkaisipan Ilang mag-aaral na lalaki ang nakapagpatala sa paaralan? - Mga katanungang nasasagit ng “oo” o “ hindi” at tiyak na

may kasagutan

Kayo ba ay tumatanggap ng may kapansanang mag-aaral sa inyong paaralan?

- Mga katanungan na may kinalaman sa kababalaghan na imposibleng makalikom ng mga datus upang masagot ang katanungan

Naniniwala ka ba sa multo?

- Isang paghahambing sa isang kalagayan.

Anu-ano ang mga nakamit ng mga pangulo ng Pilipinas sa kanilang panunungkulan?

(5)

- ito ay isang suhestiyong kasagutan sa isang suliranin o pag-aaral

- isang lohikal, isang makabuluhang paghihinuha, upang magbigay daan sa isang matalinong pag-aanalisa sa isang suliranin Nang magamit upang ito’y mabigyan ng kasagutan. (Leedy)

Ano ang tinatawag na variable?

- Ito ay isang konsepto na nagpapakita ng isang kabuoan o bagay gaya ng:

Kasarian, edad, katalinuhan, klima, nakamit, marka, edukasyon, kalagayang panlipunan

- Isang símbolo na ang bilang o itinakda rito

- Anumang bagay na maaaring mabago sa halaga o bilang batay sa kasidhian o kaantasan (MsGuian)

Ano ang pangkalahatang uri ng variable? 1. Independent Variable

- Ito ay may kakayahang magbago na nakaaapekto sa iba pang variable na tinukoy

- Ito ay tiyak na masusukat, namamanipula o maaring mapili ng isang mananaliksik upang matukoyat

makamit ang relasyon sa isang nasusuring pagbabago (Tuckman)

2. Dependent Variable

- Isang mahalagang aspeto na nasusuri o

naoobserbahan at masusukat upang matukoy ang epekto nito sa isang independent variable. (Tuckman)

(6)

Halimbawa:

Anong sistemang pampagtuturo ang nakaaapekto sa isang programang pangdalubhasaan o pang-masteral?

Independent Variable: sistemang pampagtuturo

Dependent variable: programang pangdalubhasaan o pang-masteral

Ang isang kasiyahan sa trabaho ay nakaaapekto sa kahusayan ng isang guro?

Independent Variable: kasiyahan sa trabaho Dependent Variable: kahusayan ng isang guro

3. Interverning Variable

- Ito ay pagtanggap na kung saan makikita na sa

parehong variable ang pagkaapekto sa isang katangian. Ito ay maaaring makaapekto sa pagbaba o pagtaas ng isang kalagayan ng independent variable tulad ng edad, kasarian, at edukasyon.

Uri ng Pananaliksik

1. Emperikal o mala-siyentipiko – Nangangailangan ng malalim na pagsusuri ng mga ibedensya at paktwal na datos. Ito’y nailalarawan, nasusukat, naihahambing at natutuos upang makita ang relasyon ng hypothesis sa panukalang tesis na isang trabahong siyentipiko.

2. Applied Research – Gumagamit ng sopistikasyon, sapagkat ito’y kalkulasyon at estatistika. Karaniwang ito’y bunga ng madaliang pagsaagawa ayon sa hinihinging panahon. Ang isang magaling na halimbawa nito’y sa panahon ng eleksyon. Gumagamit ito ng prediksyon na nagkakatototoo. Ginagawa rin ito sa benta ng kalakal sa

(7)

ilalim ng advertisement. Ang mabisang resulta nito ay depende sa serbey at sa napiling sampling.

3. Pure Reseach – Ginagawa ito sa sariling kasiyahan ng isang tao upang maunawaan ang isang bagay na gumugulo sa kanyang isipan. Maaari naman itong gawin ayon sa hilig ng mananaliksik.

Mga Paraan ng Pananaliksik

A. Palararawan (Descriptive Method) – Ito’y idinesenyo para sa mananaliksik tungkol sa isang kalagayan sa kasalukuyan. Ipinaliwanag ni Best (1963), ang palarawang pananaliksik ay isang imbestigasyon na naglalarawan at nagbibigay-kahulugan tungkol sa isang bagay o paksa. Ito’y may kinalaman sa mga kundisyon ng mga ugnayang nagaganap, mga gawaing umiiral, mga paniniwala at prosesong nagganap, mga epektong nararamdaman o mga kalakarangt nilinang.

Uri ng Paglalarawang Paraan

1. Pag-aaral ng Kaso (Case Study) – ang paraang ito’y detalyadong pag-aaral tungkol sa isang tao o yunit sa loob ng sapat na panahon.

2. Sarbey – Ang mga sarbey na pag-aaral ay ginagamit para sukatin ang umiiral na pangyayari nang hindi nagtatanong kung bakit ganoon o ganito ang isang bagay, paksa o pangyayari.

Lawak ng Sarbey

2.1. Sensus – isang sarbey na sumasaklaw sa buong target na populasyon.

2.2. Sarbey – ilang bahagi lamang ng populasyon.

3. Mga Pag-aaral na Debelopmental – sa paraang debelopmental, nagtatakda at kumukuha ng mapanghahawakang impormasyon tungkol sa pangkat ng mga tao sa loob ng mahabang panahon.

Dawalang Teknik na Ginagamit sa Pagsasagawa ng Pananaliksik na Debelopmental

(8)

3.1. Longitudinal p Mahabang Panahong Paraan – Sa paraan ito, pinag-aaral ang parehong sampol ng mga kalahok sa loob ng mahabang panahon.

3.2. Kros-Seksyunal na Paraan – (Cross-Sectional Method) Ito ay tungkol sa pag-aaral ng mga kalahok na may iba’t ibang gulang at iba pang mga katangian sa parehong panahon.

4. Mga Pasubaybay na Pag-aaral (Follow-up Studies) – Ito ay ginagamit kung ibig na masubaybayan ang isang payak na kundisyon.Ang pasubaybay na pag-aaral ay kailangan kung ibig tiytakin ang maaaring bunga ng isang pag-aaral.

Halimbawa: Ibig tiyakin ng mananaliksik kung ang Pre-School Education ay nakabubuti sa mga bata sa mga asignaturang tulad ng wika, agham at matematika.

5. Dokyumentaryong Pagsusuri (Documentary Analysis)Nangangailangan ng pagkalap ng impoirmasyon sa pammagitan ng pagsusuri ng mga nasusulat na record at mga dokumento upang malutas ang mga suliranin. Ang isa pang katawagan ng uri ng palarawang pag-aaral ay pagsusuri ng nilalaman. (content analysis)

6. Patakarang Pagsusuri (Trend Analysis) – Ito ay isang popular na paraan ng palarawang pag-aaral na tinatawag din ng iba na feasability study. Ginagamit na datos sa pag-aaral na ito ang mga kondisyong umiiral sa kasalukuyan.

7. Mga Pag-uugnay na Pag-aaral (Correlational Studies) Ito ay isang palarawang pag-aaral na idinesenyo para alamin ang iba’t iang baryabol na magkakaugnay o may relasyon sa isa’t isa sa target na populasyon.

B. Eksperimental na Paraan – Sinasabi ni Gay (1976) na ito lamang ang paraan ng pananaliksik na tunay na makasusubok sa palagay o hypothesis tungkol sa ugnayang sanhi at bunga. Idinagdag ni Ary at mga kasama (1972), na ang eksperimento ay kadalasang itinuturing na pinakasopistikadong pamaraan ng pananaliksik para subukin ang mga palagay o hypothesis.

Ibinigay ni Ary at iba pa ang mga katangian ng pamaraang ito:

(9)

2. Ang lahat ng iba pang baryabol maliban sa iba malayang baryabol ay walang pagbabago.

3. Ang epekto ng manipulasyon ng malayang baryabol sa di malayang baryabol ay inoobserbahan o pinag-aaralan at sinusulat.

Pamamaraan ng Pangongolekta ng Datos

A. Pamamaraan Obserbasyon – Ito ay kinapapalooban ng obserbasyon ng mananaliksik sa sitwasyong pinag-aaralan. Sa ganitong pag-aaral, ang mannaliksik ay nakatugon sa tuwirang paglalarawan ng sitwasyong pinag-aaralan at ang pinakamabuting paraan para makamit ang layuning ito ay ang pagmamasid.

Apat na Elemento na Dapat sa Paggamit ng Obserbasyon Bilang Pamaraang Pangongolekta ng mga Datos

1. Mga desisyon sa pagtiyak ng mga resulta at paka o obserbasyon mismo.

2. Pagdedevelop ng gabay sa pagmamasid na siyang operasyonal na pahayag ng mananaliksik tungkol sa paksang dinisisyunang obserbahan at ang instumentong gagamitin sa pagtatala ng naobserbahang datos.

3. Ang mga tagamasid, ang kanilang pagkakakilanlan, recruitment at pagsasanay.

4. Interaksyon ng respondent at ng tagamasid na kinapapalooban ng mga desisyon kung alam o hindi ng respondent na siya ay inoobserbahan.

Binanghay ni Fox (1969)ang mga sumusunod na hakbang sa pamaraang pagmamasid:

1. Paglalahad ng suliranin at hypothesis ng imbestigasyon 2. Pagpapaliwanag ng mga resulta at nilalaman ng

obserbasyon

3. Pagpili ng teknik para sa obserbasyon 4. Recruitment ng mga tagamasid

(10)

5. Pagdebelop ng patnubay sa pagmamasid

6. Pagsasanay ng mga tagamasid para sa sapat na reability 7. Disenyo ng plano ng pagkuha ng datos sa obserbasyon 8. Pag-imbita sa paglahok ng piling sampol

9. Implimentasyon ng plano ng pagkuha ng datos 10. Paghahanda ng ulat

Mga Bahagi ng Pananalisik

Binubuo ng (5) limang kabanata ang isang pananaliksik at ito ay ang sumusunod:

Kabanata I - Suliranin at Kaligiran Nito

Kabanata II – Mga Kaugnay na Literatura ng Pag-aaral Kabanata III – Metodolohiya / Pamamaraan

Kabanata IV – paglalahad at Pagpapakahulugan

Kabanata V – Lagom, Konklusyon at Rekomendasyon

Suliranin at Kaligiran Nito

Bawat pananaliksik ay nagsisimula sa isang suliranin. Sa simula, ang suliranin na napili ay maaaring napakalawak. Kung sakali, ito ay kailangang gawing tiyak. Maaari rin na ang pangkalahatang suliranin ay gawing maliliit at tiyak.

Ang panimula ay dapat tumatalakay nang tuwiran sa suliraning pag-aaralan. Ang ilang mananaliksik ay nagsisimula sa bahaging ito sa pamamagitan ng paglalahad ng masaklaw na mga kaisipan ideya. Sinisimulan ng ilan ang unang pangungusap ng panimula tulad ng “Ang panglahing layunin ng pag-aaral ay _______________,” pagkatapos ay nagpapatuloy sa paglalahad ng rasyunal ng pag-aaral. Ang bahaging ito ay maaaring magsama o maglahad ng ilang

(11)

mga naunang pananaliksik ba maaaring magpalakas o magpatatag ng dahilan ng imbestigasyon.

Gayunman, dapat na maging maingat nang sa gayon ang tunay na pagrerebyu ng literature ay naisasagawa sa susunod na kabanata. Ang bahaging ito ay panimula ng natural na natural na magbibigay-daan tungo sa paglalahad ng suliranin. Gayon pa man, isinasagawa ng ibanbg mananaliksik ang kaugnay na literature sa panimula. Sa ganitong kaso, ang kaugnay na literature ay hindi na hiwalay sa kabanata.

Ang mga tanong ay higit na ginagamit kaysa ibang estilo ng paglalahad ng mga tiyak na suliranin, bagaman sa ilang mga tesis o disertasyon na nirebyu ng mananaliksik, ang mga haypotesis o hinuha ay pumapalit sa mga tiyak na tanong. Ang ganitong pag-aayos ay tinatanggap dahil sa realidad na ang tesis/disertasyon ay sumusubok sa hinuha. Gayunman, ang ibang mgha tesis ay naglalahad ng suliranin sa tipong pangkalahatan at tiyak na mga layunin. Alin mang mga suliranin at ang mga hinuha ay nasusubok.

Sa panimulang bahagi ng ulat sa pananaliksik, ang mahalagang kontribusyon ng mga pag-aaral ay dapat isaman. Ito ay sinusundan ng saklaw at mga limitasyon ng suliranin. Sa panimula rin, may talakay sa kahulugan ng mga terminolohiyang ginamit. Ang pangunahing layunin sa pagsasama ng mga kahulugan ay para sa maunawaan ng mambabasa kung paano ginamit ng mananaliksik ang mga terminolohiya sa kanyang pag-aaral.

Sa Batayang Koseptwal naman, inilalahad ng mananaliksik ang mga ideya hinggil sa pag-aaral na isinasagawa. Ipinaliliwanag din sa baahaging ito ang pagbuo ng sariling pananaw ng mananaliksik tungkol sa isang problema. Pagkatapos mapag-aralan ng ilang teorya na may kaugnay sa isang pananaliksik, maaaring bumuo ng isang konseptwal na balangkas na tinuturing na pangunahingb

(12)

tema, pokus o layon sa pag-aaral o pananaliksik. Nagiging panuntunan ito sa paggawa ng alinmang pag-aaral.

Mga Kaugnay na Literatura

Ang bahaging ito ay nagpapakita ng antas at malawak na kaalaman ng mananaliksik. Ang mahusay na mananaliksik ay nakapaglalahad nang sapat na kaligiran para sa suliranin, sa magkakaugnay, makatotohanan at makabuluhang pahayag. Inaasahan na may ugnayan ang panimulang bahagi at ang kaugnay na literature.

Karamihan sa mga sumusulat ng tesis/disertasyon ay hindi gaanong nahihirapan sa pagsulat ng kaugnay na literature, dahil sa masistemang paraan ng paghahanap o pagsulat nito. Ang mga sumusulat ng tesis/disertasyon ay gumagamit ng iba’t ibang sistema ng organisasyon. Ang iba ay gumagamit ng dichotomy (o magkahiwalay) na banyaga at local na literature. Gayundin, pinaghihiwalay ng ibang pang literature sa konseptwal at pananaliksik. May ilan na isinulat ang kaugnay na literature sa pamamagitan ng tuwirang pagtalakay ng mga pagkakatulad-tulad at pagkakaiba-iba ng mga nakaraang pag-aaral.

Metodolohiya/Pamamaraan

Naglalaman ang kabanatang ito ng mga pamamaraan na gagamitin sa pagkuha ng mga datos, instrumentasyon at pagsususri sa piniling paksa sa suliraning pananaliksik

Maaaring gamiting pamaraan sa pagkalap ng mga datos o materyales sa pananaliksik ang internet interbyu, library at iba pa.

Sinusulat ng mananaliksik ang ginamit na pamaraan tulad ng kung ang pag-aaral ay palarawan, pangkasaysayan o eksperimento. Dito ipinaliliwanag kung bakit ang pamaraang iyon ang ginamit. Gayunpaman, sa ilang

(13)

okasyon, higit pa sa isang pamaraan ang ginagamit. Ang sumusunod na seksyon ay tumatalakay sa mag baryabol na binigyang konsiderasyon kasama na ang uri ng lebel ng bawat isa. Ito ay sinusundan ng target na populasyon at ang sampling. An g target na populasyon ay dapat ilahad nang malinaw. Ang instrumentong ginamit sa pagkuha ng mga datos ay ang sumusunod na dapat bigyan ng pokus sa presentasyon. Ang mga tiyak na hakbang sa pagbabalideyt ng instrumento ay dapat na ilahad, ang mga instrumentong nakahanda na ay dapat talakayin ayon sa mga isinasagawang pagsubok sa baliditi at reliyyabiliti. Makatutulong din kung isasama ang paraan ng pag-administer ng pagsusulat. Ang kasunod na inilahad ay ang disenyong istatsitikal at ang pagsusumang ginamit sa mga datos na nakuha. Ang dahilan sa pagpili ng istatistika ay dapat banggitin sa bahaging ito.

Paglalahad at Pgpapakahulugan ng mga Datos

Ang bahaging ito ng ulat sa pananaliksik ay naglalahad ng mga resulta at mga pagtalakay. Inaasahan na talakayin ang dahilan ng mga resulta. Ito rin ang bahagi na dapat ihambing ang nakuhang resulta sa mga resultang nakuha ng mga naunnag pananaliksik. Sa kasong ito, ang mga kasalukuyang resul;ta ay maaaring kinumpirma/magpatotoo o tumaliwas sa resulta ng mga naunang pag-aaral,

Ang mga talahanaya, grap at iba pang mga kagamitang grapik ay nakatutulong sa kalinawan ng presentasyon. Kailangan lamang ang pag-iingat nang sa gayon ang pagkakasunud-sunod ang mga grapik sa pagtalakay. Kung ang mga talahanayan ay maikli, maaaring isama na laamng ang mga ito sa teksto.

Lagom, Konklusyon Rekomendasyon

Ang lagom – ay nagsasama-sama ng mga pangunahin at mahahalagang natuklasan sa pag-aaral. Dapat na maging

(14)

maingat sa bahaging ito. Hindi dapat isama ang kahit ano lamang.

Ang konklusyon ay halaw sa buod ng mga kinalabasan at ito ay inaangkop sa mga tanong na inimbestigahan.

Sa rekomendasyon naman inilalahad ang mga mungkahing maaaring makatulong sa iniharap ng mananaliksik upang maging kapaki-pakinabang ang isinasagaswang pag-aaral.

Lagom Konklusyon Rekomendasyon

 Mga payak na pagpapahayag ang gamitin tungkol sa layunin ng pag-aaral, mga kalahok o respondent, panahon ng pag-aaral, paraan ng pananaliksik instrumento at disenyong ginamit.  Kailangang angkop ang ibibigay na sagot sa mga inilahad na tiyak na mga tanong  Kailangang makita sa konklusyon ang mga natutuhang patotoo sa pag-aaral  Kailangang ilahad

ito sa isang maikli ngunit tiyak na paglalahad ng mga kinakailangang impormasyon  Kailangang ipahayag sa isang daang (100%) ng pagkamakatotoha nan at kawastuhan  Kailangang kaugnay lamang ng tinatalakay sa pagsisiyasat  Kailangang magkaroon ng modelo paraang praktikal at kapani-paniwala  Kailangang nakatuon sa tao, may kakayahang maisagawa ang inirekomenda  Dapat na isaalang-alang ang pagsisiyasat ang rekomendasyon

(15)

Kabanata 2. Pagsusuri ng Balangkas

leave a comment »

Layunin ng Kabanata

Akayin ang mag-aaral para magkaroon ng karanasan sa pagsusuri at pagbuo ng kalahatnan tungkol sa kaangkinan ng wika.

2.1 Kakayahan at Katuparang Pangwika

2.1.1 Datos ng pagsusuri

2.2 Kaalaman ng Tagapagsalita sa Sariling Wika

2.2.1 Ano-ano ang mga tanda ng pangbalangkas na kaalaman sa sariling wika ng isang taal na tagapagsalita?

2.2.2 Magbigay ng isang halimbawa ng kasunduan ng dalawang sangkap ng pangungusap.

2.2.3 Magbigay ng ilang halimbawa ng isang balangkas na maraming kahulugan (ambiguous).

2.2.4 Magbigay ng ilang halimbawa ng mga pangungusap na magkaiba ang pang-ibabaw na balangkas (surface structure) pero magkapareho ng kahulugan.

2.3 Pagpili ng Paksa

2.3.1 Ano ang mga katangian ng isang paksa na mainam saliksikin?

2.3.2 Isang tribo ang bagong tuklas; sinasalita nila “kakaibang” wika. Umimbento ng naiiba pero posibleng mga katangian ng kanilang wika.

2.3.3 Ano ang mga posibleng dahilan para muling saliksikin ang isang paksa na nasaliksik na?

2.3.4 Magbigay ng isang paksa tungkol sa balarila ng Filipino na gusto mong saliksikin. Bakit mainam itong saliksikin?

2.4 Pagsasaad ng Paliwanag

2.4.1 Sa anong mga pangbalangkas na katangian ibabatay ang pagsasaad ng pangsintaktikang tuntunin o paliwanag?

2.5 Katibayan

2.5.1 Muli, ano ang layon ng pananaliksik na pangsintaktika “syntactic analysis”?

2.5.2 Ipaliwanag ang dalawang uri ng paghuhusga ng mga tagapagsalita sa mga pangungusap na pinagkukunan ng mga datos sa pananaliksik na pangsintaktika.

2.5.3 Ipaliwanag kung bakit pamamaraang eksperimental “experimental method” ang pananaliksik na pangsintaktika.

2.5.4 Pagpatutuo at pagpabulaan sa isang tuntunin

2.5.5 Isang paraan ng pagpabulaan sa kontra-halimbawa

2.5.6 Depinisyon ng “ubod argumento”

2.5.7 Anong paraan o estratehya ang ginamit para maisama sa Kahigpitan sa Tampok (ikalawang bersyon) ang “Sa Sabado iinom ng basi si Ben”.

2.5.8 Pagkatapos maitatag ang Kahigpitan sa Tampok batay sa pandiwa, anong estratehya ang ginamit para lalong pang mapalakas ang kahigpitan? Nagtagumpay ba?

2.5.9 Sa ikatlong paglalahad ng kahigpitan, bakit binago ang pangalan ng kahigpitan? Sa puntong ito, ano ang kabutihang naidulot nito?

(16)

2.6 Halimbawa ng Pagsusuri

2.6.1 Bakit hindi na kailangang bihagin sa bilang isang tuntuning pang-Filipino ang naobserbahang kahigpitan sa paglipat?

2.6.2 Sa mga pagkakataong kailangang talagang ilipat ang kaganapan sa kaliwa ng ulo, ano ang estratehya ng balarila para magtagumpay ito at maigalang pa rin ang tuntunin o prinsipyo?

2.6.3 Paano ipapaliwanag na tinatanggap ang paglipat ng kaganapang niya sa kaliwa ng ulo nito sa Hindi niya binili ang basi?

2.7 Kabalarilaan at Pagkamaintindihin

2.7.1 Magbigay ng isang pangungusap na hindi lumalabag sa ano mang tuntunin ng balarila ng Filipino, pero hindi madaling intindihin, at isang pangungusap na lumalabag sa isang tuntunin ng balarila pero naiintindihan ang ibig sabihin.

2.8 Hanggahan ng Paliwanag

2.8.1 Paano malalaman na nasapit na ang kakayahan ng isang teorya na magbigay ng paliwanag?

Referensi

Dokumen terkait

 Kung hindi sigurado sa dapat na gawin, kapag nahihirapan na ang mag-anak dahil sa sitwasyon, kung nawawalan na ang mga magulang na pananalig sa kanilang sariling kakayahan

Hindi baga naman magiging kahiya-hiya kung ang kanyang napiling makaisang-palad ay pakakasalan niya nang pagayon na lamang at pagkatapos ay iuuwi sa kanilang bahay na tila isang

Ang layunin niya sa pag-aaral na ito ay suriin ang implikasyong Sosyolinggwistikal ng mga tulang Filipino sa Bagwis at malikom, matukoy at masuri ang paksa

estudyante na hindi dapat nila bale walain ang pag-aaral, dahil para sa akin, bilang isang mag-aaral ang edukasyon ay ang pundasyon ng ating buhay kaya tayo nakakapag-isip

Aalamin ng pag-aaral na ito ang lawak ng kaalaman ng mga guro sa Ortograpiyang Filipino.Sasagutin sa pag-aaral na ito kung ano ang profile ng mga guro sa Mataas na Paaralan ng

An paninigarilyo ay mapanganib sapagkat ang usok nito ay nakakapinsala hindi lamang sa taong gumagawa nito kung hindi na rin sa taong naka paligid sa

upang maging ayos ang isang larawan ay dapat magkaroon ng apat na ilong at pitong ulo; 32 anang isa‟y kung bakit malitid, sa, ang mga Indiyo ay hindi gayon;

Ang pag-aaral na ito ay maaaring makatulong sa mga mag-aaral upang mabatid nila sa kung anong dulog (historikal o rehiyonal) sila mas