• Tidak ada hasil yang ditemukan

intoy syokoy

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Membagikan "intoy syokoy"

Copied!
5
0
0

Teks penuh

(1)

I. Pamagat:

“Si Intoy Shokoy ng Kalye Marino” ni Eros Atalia

II. Tauhan Intoy

- siya ang pangunahing tauhan sa kwentong ito. Sa aming palagay,si Intoy ay imahe ng isang binatang puno ng pangarap, handangharapin ang anumang hirap at may malasakit sa kapwa. Ang kanyang pisikal na kaanyuan ay sumasalamin lamang sa matitinding hirap nanaranasan niya sa pagtatrabaho sa Kalye Marino. Batid rin naming ang kanyang tapat na pagmamahal sa kababatang si Doray.

Doray

- si Doray ay isang babaeng representasyon lamang ng milyun-milyong kababaihan sa Pilipinas na handang ikalakal ang dangal at puripara lamang malamnan ang kumakalam na sikmura at may maipangtustos sa pamilya. Hindi namin siya masisisi dahil sa kinalakihan niyang lugar, tila

(2)
(3)
(4)

laman. At isa pa Mang Amor

- siya ang amo ni Intoy. Sa aming pananaw siya ang uri ng taong nagpapahalaga ng husto sa kanyang pinagkakakitaan. Ipinahihiwatig rin ng deskripsyon sa kanyang kaanyuan, kilos at galaw natulad ni Intoy at Doray ay laki siya sa hirap.

Bertong Baka

- siya ang kaibigan ni Intoy. Sa kanyang estilo ngpananalita at mga impormasyong lumalabas mula sa kanya,kitang-kitaang kawalan niya ng pinag-aralan. At dahil sa mga kwento niya ukol sa panggagamit niya sa iba t-ibang babae sa kanilang lugar, nabatid naming siya ang uri ng lalaking hindi rumirespeto‟ sa kababaihan at tinitingnan lang ang mga ito bilang parausan. Sa tingin ko ay naging masamang impluwensya siya kay intoy.

Yeyeng/Boyet

- tulad ng mga naunang tauhan, dimaikakailang sila ay lumaking hindi rin nakapag-aral at kulang sa gabayng magulang.

III. Buod

Si Intoy ang bihasa sa lahat ng mga magtatahong sa Kalye Marino sa lungsodng Cavite. Tinatawag siya ng “Intoy Syokoy” ng mga tao dahil

para nga raw itong isang syokoy na nakakataglal sa Ilalim ng dagat na parang may hasangito tulad sa isda. At kahit bagong ligo pa siya ng tabang na tubig , huwag langpagpawisan ng kaunti ay amoy dagat agad siya. Pinaglilingkuran niya angkaniyang amo na si Mang Amor.Isang araw ay tinamaan ng mga alig ang mga tahungan ng mga tao sakanilang lugar. Bilang magaling na manininisid at bihasang magtatahong, siIntoy ang inaasahan ng mga taong maglilinis at magsasalba sa kanilangtanging kabuhayan mula sa pesteng alig na dumadalas na ang dalaw bitongmga nakaraang taon.

Natutuwa si Intoy dahil kung maraming tinamaan ng alig, tiyak bukas athanggat sa mga susunod na araw ay maraming may tahungang magpapalinissa kaniya. Kikita siya ng malaki. Ngunit malungkot siya, dahil bukas o sa mga

susunod na araw pa siya kikita…ngayon niya kailangan ng pera! At ngayon

sana niya aanihin ang sarili niyang tanim na tahong na pasikreto niyangginawa. Matatapos nasana ang kaniyang paghihintay at magkakaayosnasanasila ni Doray. Kursunada ni Intoy si Doray kahit noong mga bata pa lamang silakahit alam niya at ng buong Kalye Marino ang trabahong paglalako ng “tilapya o katawan ni‟ Doray sa mga parukyano at maging sa mgamangingisda. Nagustuhan niya ito dahil mabait si Doray sa kaniya dahil malibankay Berto ay ito lang ang nagtitiyagang makinig sa kaniyang mga kwento atpantasya.Kaya siya namomroblema ngayon kung saan kukuha ng pera ay dahil mayusapan sila ni Doray.

Gusto niyang dalihin ang „tilapya ni Doray. Hindi niya alam kung gusto ba niyang mahalin o anuhin‟ lang ang babae. O baka namanmahalin at aanuhin din pagkatapos. Isang gabi ay nakita niya si Doray na nilalako ang kaniyang „tilapya sa mga parukyano. Gusto ng sumabay ni Doraysa kaniyang pag-uwi at‟ pinagbigyan naman niya ito.Nagulat si Intoy sa tinuran ng dalaga, marahil ay nasabi na ni Berto dito angtungkol sa kaniyang balak kay Doray. Hindi niya alam kung matutuwa siya omagagalit sa kaibigang washer. Hindi rin niya alam kung nakikipag-syota na ba sa kaniya si Doray o simpleng pinaglalakuan lang siya ng „tilapiya nito.Hindi nakatulog si Intoy sa gabing iyon nang sabihin ni Doray na pupuntahan siya nitosa‟ bahay niya. Marami sana siyang balak. Bibili sana siya ng makakain ataayusin ang sarili upang sa ganoon ay hindi nakakahiya kay Doray. Ngunitngayon ay pinatay nag mga alig ang sagot sa mahabang pag-hihintay na iyonni Intoy. Wala siyang pera. Wala siyang ibabayad kay Doray. Ngunit paanokung gusto pala siya ng babae at hindi ito nagpapabayad?

Gabi, salamat sa paunang bayad na isangdaang piso sa kaniya ng amo,nakabili siya ng pandesal at mantikilya. Pero hindi nakahanda si Intoy. Hindi pasiya naliligo dahil sa mag-hapon na paglilinis sa tahungan. Nakaupo siya atmakikita ang mahapding sugat sa kamay. Naramdaman niya bigla anglangitngit ng tulay na kawayan. Nakita ni Intoy si Doray na iniluwa ng dilim nabagong paligo. Naikwento niya dito ang nangyari sa tahungan at ang pestengmga alig. Nagulat na lamang siya at hinawakan ni Dorayang kaniyang kamayat sinuri ang sugat. Hinalikan ito ng babae at inakay siya paloob sa bahay.

IV. Uri ng Dulog Pormalistiko

(5)

Sosyolohikal

-Masasabing nasa sosyolohika na pagdulogl ang akdang ito dahil halos lahat ng pangyayari ay sumasalamin sa kung anong klase ang lipunang ginagalawan ng tauhan. Ang mga kinikilos at paraan ng pananalita ng mga tauhan ay dahilan at resulta lamang ng lugar na kinikilusan nila.

Sikolohikal

-sa akdang ito ay napagagana ng mambabasa ang kaniyang kaisipan. Nauunawaan ng mambabasa ang bawat pahayag na kaniyang binabasa.

Moralistiko

-Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba’t ibang pamantayang sumusukat sa moralidad ng isang tao – ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito ang mga pilosopiya o proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa pamantayang itinakda ng lipunan. Sa madaling sabi, ang moralidad ay napagkakasunduan ayon na rin sa kaantasan nito.Sa kwento ay may maikikitangpagsasawalang bahala ng mga tauhan sa kanilang moralidad at dignidad sa buhay, mapakain lang ang kanilang kumakalam na mga sikmura at mapunan lang ang kanilang damdamin.

V. Mga Bisa Bisang sa Isip

-Ang akda ay naglalahad at ipinapaalam sa atin ang mundo ng ibang mga tao sa malalayong kabihasnan. Kung ano pa ang mga bagay na hindi pa natin nakikita, mga bagay na itinatago ng midya upang mapagtakpan ang totoong kalagayan ng bansa. Ito ay magbibigay sa atin ng ideya, kaalaman, at kamlayan tungkol sa mga bagay na malimit lamang nating marinig sa pang araw araw nna pamumuhay, hindi dahil hindi sila totoo, ngunit dahil hindi natin alam na mayroon palang ganoong katotohanan. Inilalahad rin nito sa bawat mambabasa, ang kaibahan ng buhay na mayroon sila sa buhay ng mga karakter sa akda. Maaari rin itong makaapekto sa paniniwala at pagtingin ng isang tao sa mga bagay na nangyayari sa paligid, na maaaring makadulot ng maganda o makapagbigay ng masamang impresyon.

Bisa sa Kaasalan

-mapapansin na ang ilan sa mga pahayag dito ay mahahalay nakung ating iisipin ay hindi ito kapupulutan ng aral subalit sa kabila nito ay nagtataglay pa rin ito ng mga aral na maaari nating mapulot. Ang kasipagan na tintaglay ni Intoy para siya ay mabuhay ang kaniyang pagpupursigi sa pangingisda para kumita ng pera para sa kaniyang mga pangangailangan.

Bisang Pandamdamin

-Nakakalungkot isipan na ito ang katotohanan, na ganito talaga ang lagay ng ating lipunan hanggang sa kasalukuyan. Maaaring hayaan lamang natin na ganito ang kalagayan ng lipunan at kung hindi maagapan, maging kalagayan ng buong bansa sa mga susunod na taon, ngunit maaari rin naman tayong gumawa ng paraan upang malabanan ang mapait na realidad ng buhay na ito. Pansamantala lamang ang lahat at sa sarili natin magsisimula ang pagkilos at pagbabago.

Referensi

Dokumen terkait

Hindi lang si Alipio ang umasa sa tunay na pagibig ng isang kano kundi pati rin si Magda, nakilala niya ang isang Steve Taylor.. Bumalik ang lahat sa isip ni Mike, ang

Hindi umimik ang pari at sa halip ay tinagubilinan niya si Kapitan Tiyago na ipahanda kay Tiya Isabel si Maria sa isang pangungumpisal muli sa gabing iyon at bibigyan niya ng

Kaya para sa iyo na nagbabasa nito, kung hindi ka talaga mahilig sa mga potions o gumawa nito pero mahilig ka lamang mag basa ay okey pa rin, at kung ikaw

Hindi niya gustong tumakbo; halos mabali ang kanyang siko at ang nais lamang niya ay makaalpas sa matitigas na bisig ni Aling Marta; ngunit ngayon, nang siya ay bitiwan ng nasaktang

Naghanap si Buwag ng maipanlulunas sa karamdaman ng kanyang asawa, Malapit na siya sa isang ilog nang mamataan niya ang kaibigang matsing, si Malak.. Lumapit

Tinoy – naging masama ang loob niya dahil kung hindi niya pinayagan na maging guarantor siya para kay Pepe, hindi sila mahaharapan ng

Si Gaspar ay isa sa mga nagmamay-ari nito noon.Sa huling bahagi ng kanilang pagkukuwento ay naitanong ko kung anong salita ang tibor.Umamin si Gaspar na maging siya ay hindi rintiyak

Dapat sana’y itinulog na lang ng Kafir ang lahat para hindi na niya nasaksihan ang lahat at nang makarating siya sa ibang pang daigdig ng mga lalang.. Mukhang nagkakatotoo nga ang