• Tidak ada hasil yang ditemukan

El Filibusterismo:Deciphered-kab02

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Membagikan "El Filibusterismo:Deciphered-kab02"

Copied!
13
0
0

Teks penuh

(1)c   ?. Š        Š 

▸ Baca selengkapnya: patotohanan ang sinabi ni san miguel na hindi pa rin maganda ang kalagayan

(2)   Doon sa ibaba ng kubyerta ay ibang eksena naman ang nagaganap. Nakaupo sa mga bangko at maliliit na silyang kahoy, kasama ng mga maleta, bakol at tampipi sa malapit sa ng makina, sa init ng kaldera/¸ , singaw ng katawang tao at nakakasuyang amoy ng langis, ay naroon ang lalong malaking bilang ng mga pasahero.1 Ilan sa kanila ay tahimik na tinatanaw ang nagbabagong anyo ng pampang sa gitna ng ingay ng mga pala, ingay ng makina, sagitsit ng mga makatakas na singaw, bulwak ng mainit na tubig, at ingay ng pito ng bapor2. Sa isang sulok, nakabunton na parang mga bangkay, ay natutulog o nagnanais na matulog ang ilang tinderong Insik, mga liyo, nangamumutla, tumutulo ang laway sa kanilang mga nakangangang bibig, at naliligo sa malagkit na pawis ng kanilang katawan.3 Ilang binata lamang na ang karamihan ay estudyante, na madaling makilala dahil sa kanilang kasuotang lubhang maputi at sa maayos na kiyas, ang nangangahas magyaot dito sa popa/ at proa¸ , na palundag-lundag sa mga bakol at kahon, at masasaya, dahil sa nalalapit na bakasyon sa pag-aaral. Ilang sandali ay pinagtatalunan ang mga galaw ng makina, na inaalaala ang napag-aralan, at pagkatapos ay nagpapaligid-ligid sa mga batang kolehiyala,4 sa maghihitsong may mapupulang labi at may kuwintas na sampaga, at binubulungan ang mga dalaga ng mga salitang nagpapatawa o ikinapagtatakip sa mukha ng mga pamaypay na may pinta.5 Subalit ang may dalawang hindi nanghihimasok sa mga manlalakbay na babae, kundi nakikipagtalo, sa mga dakong  , ???????????????????????????????????????? ????????    1 Sa pamamagitan ng paglalarawan ni Rizal sa kalagayan ng mga pasahero sa ibaba ng kubyerta ay naipakita ni Rizal ang hindi konbinyenteng kalagayan ng mga tao na kabilang mababang   ng lipunan. 2. Simbolismo ng mga taong walang paki-alam. 3 Pansinin ang kasipagan ng mga tinderong Tsino at ikumpara sa mga walang paki-alam na mga Pilipino.. 4 Paglalarawan sa kahiligan ng mga kabinataan na nag-aaral sa Maynila. Maging si Rizal sa kaniyang pag-uwi sakay ng bapor na nagbibiyahe ng Maynila patungong Laguna ay naranasan na makipag-usap sa mga batang kolehiyala na kapwa niya pasahero sa bapor. 5 Maaring nagbubulong ng pag-ibig o mga bagay ukol sa pag-iibigan..

(3) c   ? sa isang matanda na may makiyas at matuwid na tindig. Silang dalawa ay kapwa kilala at iginagalang mandin ayon sa pakikitungo na ipinapakita sa kanila ng iba. Ang pinakamatanda sa dalawa, na purong itim ang kasuotan, ay si Basilio, na nag-aaral ng medisina; kilala, dahil sa kanyang mabubuting panggagamot at pag-aalaga sa mga may sakit. Ang isa, ang may malaki at malusog na katawan, kahit bata kaysa una, ay si Isagani, na isa sa mga makata o kung di man makata ay manunulang lumabas nang taong iyon sa Ateneo,6 may kakaibang ugali, parating walang kibo at lubhang malungkutin. Ang matandang kausap nila ay si Kapitan Basilio na nagbalik mula sa ginawang pamimili sa Maynila.. ´Bumubuti-buti na po si Kapitan Tiyago,µ ang sabi ng nagaaral, na iginagalaw ang ulo, ´ayaw pumayag sa anumang panggagamot. Sa udyok ng ú ? ay pinapunta ako sa San Diego upang umano ay dalawin ko ang pag-aari niya doon, ngunit ang tunay na sanhi ay upang malayang makahitit siya ng opyo.µ Sa pagsasabi ng nag-aaral ng salitang ú ? ay si Padre Irene ang tinutukoy, matalik na kaibigan at tanungan ni Kapitan Tiyago sa mga huling araw ng kabuhayan nito.7 ???????????????????????????????????????? ???????? 6 Ang husay ni Rizal ² sa bahagi pa lamang ng pagpapakilala niya sa kaniyang dalawang tauhan ay nagawa na niyang mahati ang masasalaming karakter ng may-akda. Si Basilio na estudyante ng medisina at si Isagani na isang makata na kalalabas pa lamang sa Ateneo. Halos sa katulad na panahon ng edad ni   ay doon nagsimula si Rizal bilang makata. Una sa kaniyang Ú   ú úú na nagpapakilala sa mga kabataan bilang magandang pag-asa ng bayan at nawagan sa kabataan na magpakatalino sa pag-aaral para makapaglingkod na may katuturan sa bayan. Ang Ú  ú úúay sinundan naman ng    ú kung saan tinalo niya sa paligsahang pang-literatura ang kaniyang mga kalahok ka Espanyol. Ang isa sa pinakamahalaga ay ang alegoryang Ú   ú         kung saan sa pamamagitan ng pananalita ng ² ¸ ay nagawa niyang ipabatid sa madla ang kaniyang unang maanghang na ideya laban sa kolonyalismo ng Espanya sa sa Pilipinas. Ang ilog ng Pasig ay magiging mahalaga sa kaniyang dalawang nobela dahilan sa dito niya halos winakasan ang

(4)  at dito niya naman pinasimulan ang . 7 Ipinapakita dito na si Padre Irene ang siyang higit na nagpupursige kay Kapitan Tiyago na lalo pang magmalabis sa pagkasugapa sa paggamit ng opyo. Tandaan na ang nasabing prayle ay kasangguni ni Kapitan Tiyago ukol sa bagay na nauukol sa kabuhayan ² nakapaghihinala..

(5) c   ?. ´Ang opyo ay isa sa mga salot ng makabagong panahon,µ8 ang sabing paalipusta at pagalit ni Kapitan Basilio na parang senador na Romano, ´nakilala rin ng mga tao sa una ang opyo, ngunit hindi nagpakasugapa. Samantalang sa pananagumpay ng pagkakahilig sa pag-aaral sa mga d d ? m           , ang apyan ay naging gamot lamang,9 at kung hindi, ay sabihin ninyo sa akin kung sino ang nangagsisihitit. Ang mga Insik, ang mga Insik na hindi nakaaalam ng isa mang salitang Latin! Ah, kung pinag-aralan lamang ni Kapitan Tiyago ang mga isinulat ni Ciceron«!µ At ang di kapasiyahang-loob na lalong d d ? ay napapinta sa pagmumukha niyang  d  ? na ahit na ahit. Pinagmamasdan siyang mabuti ni Isagani: ang matandang iyon ay nagdaramdam ng pagkauhaw sa matatandang bagay. ´Subalit balikan natin ang ukol sa Akademya ng Wikang Kastila,µ ang patuloy ni Kapitan Basilio, ´pinatutunayan ko sa inyong hindi ninyo magagawa«µ ´Magagawa po, inaantay na lamang namin ngayon o bukas ang permiso,µ ang sagot ni Isagani, ´ 

(6) 

(7) 

(8)   m                     m       

(9)          . Kaya makikipagusap siya sa Heneral.µ ´Walang kabuluhan iyon; tutol si Padre Sibyla.µ ´Lumaban man siya! Kaya kasama, upang« sa Los Baños, sa harap ng Heneral.µ                         m     m        m      .10 ???????????????????????????????????????? ???????? 8 Pansinin na sa huling mga dekada ng ika-19 na siglo ay ipinakilala na ni Rizal sa pamamagitan ni Kapitan Basilio, na ang narkotiko ay isang panlipunang salot. Higit sigurong manlulumo si Rizal na may malaking bilang ng kanyang mga inaasahang mga kabataang pag-asa ng bayan ay biktima ng salot na ito. Isang sumpa para kay Kapitan Tiyago na minsang kumita ng malaki sa pagbibili ng opyo ay nalulon din sa nabanggit na bisyo. 9 Pansinin sa sa linya ay makikita na ang isa sa mga pangunahing gamot upang maiwasan ng isang kabataan ang mauwi sa pagkasugapa ay sa pamamagitan ng pananagumpay ng pag-aaral. Inaasahan nina Basilio na magkakaroon ng pagtatalo sina Padre Sybila at Padre Irene sa harap ng KH. Inaasahan nila na ang pari na niregaluhan nila ang magtatanggol ng kanilang panukala. 10.

(10) c   ?. ´           Š   m. ´Ngunit kahit na makuha ninyo ang permiso, saan kayo kukuha ng salapi«?µ ´Mayroon na po kami; ang bawat estudyante ay aambag ng tig-iisang  .µ ´Nguni·t ang mga magtuturong propesor?µ ´Mayroon kami; ang kalahati ay Pilipino at ang kalahati ay Kastila.µ11 ´At ang bahay na pagtuturuan?µ ´Si Makaraig, inialok ng mayamang si Makaraig ang isa niyang bahay.µ Napahinuhod si Kapitan Basilio; naihanda ng mga binatang iyon ang lahat ng kailangan. ´Kung sa bagay,µ ang sinabi sabay kibit ng balikat, ´ay hindi lubhang masama ang panukala, at dahil hindi na maaring mapag-aralan ang Latin, ay mapag-aralan man lamang ang wikang Kastila. Diyan ninyo makikita, tukayo, ang katunayan ng paurong na lakad natin. Noong aming kapanahunan ay nag-aral kami ng Latin sapagkat ang lahat ng aming mga aklat ay nasa wikang Latin; ngayon ay kaunting Latin na lamang ang inyong pinagaaralan, at wala kayong mga aklat sa wikang Latin;12 sa isang dako naman, ang mga aklat ninyo·y nasa wikang Kastila at hindi itinuturo ang wikang ito:  ?  ?  ? ¸?  ?  ?   ?(ang katandaan ng mga magulang ay tulad ng masamang ibong naghahatid sa atin ng kapinsalaan) gaya ng sabi ni Horacio.µ At pagkasabi nito ay lumayong nagmamalaki na parang isang emperador na Romano. Ang dalawang binata·y nagngitian. ´Iyang mga tao sa una,µ sabi ni Isagani, ´ay may puna sa lahat; ipalalagay mo sa kanila ang isang bagay at walang makikitang adbantahe kundi pawang hadlang. Ibig nilang dumating ang lahat na makinis at bilog na parang bola ng bilyar.µ13 ???????????????????????????????????????? ???????? Isang pagpapakita ni Rizal na sa Pilipinas ay hindi salat sa mga Pilipinong mahuhusay na gumamit ng wikang Espanyol. 11. Ito ang pananaw ni Kapitan Basilio dahilan sa siya ay produkto ng matandang sistema ng edukasyon.(

(11) ?Kabanata 20). 12.

(12) c   ?. ´Ang tiyuhin mo ang kasundung-kasundo niya,µ ang sabi ni Basilio, ´pag-uusapan ang kanilang kapanahunan« Hintay ka nga pala, ano ang sabi-sabi ng tiyuhin mo kay Paulita?µ Si Isagani ay namula. ´Sinermonan ako tungkol sa pag-aasawa« Sinagot ko siyang sa Maynila ay walang katulad si Paulita, maganda, may pinag-aralan, ulila«µ14 ´Napakayaman, makisig, masaya at walang kasiraan kundi ang pagkakaroon ng isang tiyahing katiwalian sa langit at sa lupa,µ ang dugtong na tumatawa ni Basilio. Si Isagani man ay napatawa rin. ´Mabanggit nga pala ang tiya, alam mo bang ipinagbilin sa aking hanapin ko ang kanyang asawa?µ ´Si Donya Victorina? At nangako ka naman upang huwag kang mawalan ng iniirog?µ ´Mangyari pa! Pero sa bagay na ito ay sa bahay pa naman ng tiyuhin ko, nagtatago ang asawa.µ Kapwa sila nagkatawanan. ´Ito ang dahilan,µ ang patuloy ni Isagani, ´kung kaya ang aking tiyuhin, na taong matalino, ay ayaw pumunta sa taas ng kubyerta, dahil sa nag-iingat na baka itanong sa kanya ni Donya Victorina si Don Tiburcio. Akalain mo bang nang malaman ni Donya Victorina na ang bayad ko ay ²?d ? lamang ay tiningnan ako nang pakutya«µ15 Nang mga sandaling iyon ay pumapanaog si Simoun, at nang makita ang dalawang binata ay nagsalita: ´Aba, Basilio!µ ang bating may tono ng pag-aampon. ´Papunta ba kayo sa bakasyon? Ang ginoo bang ito ay kababayan ninyo?µ. ???????????????????????????????????????? ???????????????????????????????????????? ???????????????????????????????????????? ???????? Ang bawat panahon ay mayroong taglay na mga hamon sa mga kabataan na kumakatawan sa kanilang partikular na henerasyon. 14 Pansinin ang istilo ni Rizal na ipinagamit niya kay Isagani. Malayo ang sagot sa katanungan. 13. 15 Pakutya ang naging tingin ni Donya Victorina kay Isagani dahilan sa de d klase lamang ang kaniyang ticket sa barko, samantalang siya ay nobyo ng mayamang si Paulita..

(13) c   ?. Ipinakilala ni Basilio si Isagani at ipinabatid na hindi sila magkababayan, ngunit ang kanilang mga bayan ay magkalapit. Si Isagani·y tubo sa kabilang baybayin. Pinagmasdan ni Simoun si Isagani, kaya nang mainip ito ay hinarap na parang hinahamon ang nagmamasid sa kanya. ´At ano ang lagay ng lalawigan?µ ang tanong ni Simoun na nilingon si Basilio. ´Bakit, hindi pa ba ninyo kilala?µ ´Papaanong makikilala ko, hindi pa ako natutuntong sa lupa niya. May nagsabi sa aking napakamaralita at hindi bumibili ng mga alahas.µ ´Hindi kami bumibili alahas, sapagkat hindi namin kailangan,µ ang biglang sagot ni Isagani na may pagdaramdam. Isang ngiti ang sumilay sa mapuputlang pisngi ni Simoun. ´Huwag kayong magalit, binata,µ ang sabi, ´wala akong masamang tangka, ngunit sa dahilang pinatibayan sa akin na ang lahat ng parokya ?ay nasa kamay ng mga klerigong tagarito, ani ko ay: ang mga prayle ay nagpapakamatay sa parokya?at pinasasalamatan na ng mga Pransiskano ang pinakamaralita, kaya pag ganyang ipinauubaya nila sa mga klerigo ay sa dahilang doon ay hindi kilala ang mukha ng hari. Siya, mga ginoo, halina·t uminom tayo ng serbesa, alang-alang sa kasaganaan ng inyong lalawigan!µ Ang mga binata·y nagpasalamat at tinanggihan ang alok, upang makaiwas. ´Masama iyang ginagawa ninyo,µ ang sabi ni Simoun na masama ang loob, ´ang serbesa ay isang mabuting bagay, at nadinig kong sinabi kanginang umaga ni Padre Camorra na ang kakulangan sa lakas na napupuna sa bayang ito ay dahil sa napakaraming tubig na iniinom ng mga tao rito.µ Si Isagani, na halos kasing-taas ng mag-aalahas ay tumuwid ng tayo: ´Sabihin ninyo kay Padre Camorra,µ ang sabi kaagad ni Basilio, na sinikong palihim si Isagani, ´sabihin ninyo sa kanya, na kung tubig ang iniinom niya at hindi alak o serbesa, marahil ay ikabubuti ng lahat at hindi pa magiging dahilan ng bulungbulungan«µ16 ???????????????????????????????????????? ???????? Sa pamamagitan ng bulung-bulungan (  ) ay ipinapauna na rito ni Rizal ang karakter ni Padre Camorra na isa sa magiging pinakamasamang tauhan ng nobela. 16.

(14) c   ?. ´At sabihin ninyo sa kanya,µ ang dagdag ni Isagani, na hindi pinuna ang pagsiko ng kanyang kaibigan, ´na ang tubig ay matamis at naiinom, nguni·t lumulunod sa alak at sa serbesa at pumapatay sa apoy; pag pinaiinit ay nagiging sulak, pag namumuhi ay nagiging karagatang malawak at minsan ay pumugnaw sa katauhan at pinapanginig ang pundasyon ng daigdig.µ17 Itinaas ni Simoun ang ulo at kahit ang tingin niya ay hindi mabasa dahil sa salaming bughaw na nakatakip sa mata ay nakita sa kanyang mukha ang paghanga.18 ´Mainam na sagot!µ ang sabi, ´subalit mangangamba akong baka idaan sa biro at itanong sa akin kung kailan magiging sulak ang tubig at kung kailan magiging karagatang malawak. Si Padre Camorra ay hindi mapaniwalain at napakapalabiro.µ ´Pag siya·y pinainit ng apoy, pag ang maliliit na ilog na sa ngayon ay nagkakahiwa-hiwalay pa sa kanilang madawag na pinagmumulan ay magkaisang bumuhos sa apoy ng kasawian sa banging hinuhukay ng mga tao,µ ang sagot ni Isagani.19 ´Huwag, ginoong Simoun,µ ang dugtong ni Basilio na iniiba sa pagbibiro ang salitaan. ´Ang mabuti pa ay ulitin ninyo sa kanya ang mga tulang ito ng kaibigang Isagani«µ. ´Kami ay tubig at kayo ay apoy, Ang wika ninyo; kami ay sang-ayon! Mamuhay tayo nang mahinahon at Huwag patanaw sa sunog, ngayon, Na magka-away! Kung di magtulong ???????????????????????????????????????? ???????? Isang mapagbantang pangungusap ni Rizal na ipinasabi niya kay Isagani ukol sa inaakala ng mga Espanyol na pagiging walang kibo ng mga Pilipino. 17. Sa ibabaw ng d ¸ ay mapapansin natin ang ginawang panlilibak ni Simoun sa mga prayle at kay Don Custodio. Ito ay taliwas sa ilalim ng d ¸ , dahil dito si ay hinangaan ang pananalita ni Isagani.. 18. 19 Mapapansin dito ang pananaw ni Rizal sa pagkilos ng bayan ² ang unti-unting mga pahirap ay nagkakasama-sama upang gumawa ng isang malaking ilog na may makapangyarihang agos. Banging hinuhukay ng mga tao ² ito ang mga sistematikong kaparaanan ng pagsasamantala na ginagawa ng mga mapagsamantalang uri, ngunit sa kabilang dako ay pupunuin ng tubig ng galit ng sambayanan..

(15) c   ?. Sa lilim ninyong bihasang dunong.µ20 ´Sa loob niyong isang kaldera, Walang sigalot at pagbabaka Gawin ang sulak na ikalima Sa  , na magbunga Niyong liwanag, ilaw, pagtumpa Sa karapatan at pagkabihasa.µ21 ´Utopico, hindi mangyayari!µ ang biglang sagot ni Simoun, ´            , samantala ay tutunggain ko ang aking serbesa.µ22 At iniwan nang walang paalam ang magkaibigan. ´Ano ba ang nangyayari sa iyo at napakatapang mo ngayon?µ tanong ni Basilio. ´Wala, aywan ko, ngunit ang taong iyan ay nakasisindak sa akin, halos nakakatakot!µ ´Sinisiko na kita, e, hindi mo ba alam na ang tawag diyan ay  ² ?  !µ ´ ² ?  ?µ ???????????????????????????????????????? ???????? 20 Sa pamamagitan ng tula ni Isagani ay ipinakikita ni Rizal sa kaniyang mga mambabasa ang tila kalamigan ng bayan na katulad ng tubig at potensiyal nito sa pagsulak (boil) dahilan sa nagpapasulak na apoy ng pagsasamantala ng kolonyal na pamahalaan, simbahan, at dayuhang mamumuhunan. Maalala sana ang bugtong ni cRISpin (

(16) , Kabanata 16) at itugma ito sa tulang ito ni ISAgani.  !         ² dito ay mapapansin ang husay ni Rizal sa paglalagay ng mensahe sa pagitan ng mga hanay ng salita. Parang nais niyang ipakita na bukas ay puwede ng tanawin. 21 Mapapansin sa kabuuan ng tula ng makatang si Isagani ang dalawang elemento ng paghahayag ng damdamin sa isang mapanupil na lipunan ² may matinding pagsundot at napakabanayad na paghilot. Ito ang kabuuang istilo ni Rizal sa pagsulat, ihahayag niya ang pinakamasa at pinakabulok na mamasid niya sa lipunan at pagkatapos ay lalapatan niya ng isang matinding katatawanan. Ang   ay hahanapin pa ² sa pananalitang ito ni Simoun ay sumusundot si Rizal ng pangangailangan ng bagong makina (pamahalaan) para sa pangarap ni Isagani. Pansinin na tumungga pa si Simoun ng serbesa na isang anyo ng  para sa katuparan ng isang bagay na ninanais.. 22.

(17) c   ?. ´O |d ?

(18)  , kung papaano mo ibig.µ ´Hindi kita maintindihan!µ ´Si Richelieu ay may isang Kaputsinong tagapayo na tinatawag |d ? , siya naman ang tagapayo ng Kapitan Heneral«µ ´Siyanga ba?µ ´Iyon nga ang naririnig ko sa ú « na nagmumura sa kanya kung siya ay nakatalikod, at pinupuri siya kung kaharap.µ ´Dumadalaw din ba kay Kapitan Tiyago?µ ´Mula nang unang araw ng kanyang pagdating, at ang katunayan ay  ?  ? nag-aakalang kaagaw niya« sa pagmamana«23 at inaakala ko na makikipagkita sa Heneral tungkol sa usap na hinggil sa pagtuturo ng wikang Kastila.µ Isang alila ang lumapit sa sandaling iyon upang sabihin kay Isagani na tinatawag siya ng kanyang tiyuhin. Sa isang bangkong malapit sa popa at kasalamuha ng ibang pasahero ay nakaupo ang isang klerigo na pinagmamasdan ang anyo ng mga tanawing dumadaan sa kanyang paningin. Hindi siya sinisiksik ng kanilang mga kalapit; pag nagdaraan sa tabi niya ang mga lalaki ay nagaalis ng sumbrero at ang mga manunugal ay hindi makapanghas na ilagay ang mesang sugalan na malapit sa kaniya. Ang paring ay bihi-bihirang magsalita, hindi naninigarilyo ni hindi umaanyong mapagmataas, hindi nahihiyang makihalo sa ibang tao at tumutugong malumanay at maayos sa mga nagpupugay sa kanya na waring ikinararangal niya at kinikilala ang gayon. Siya ay lubhang matanda na, ang buhok ay pawang puti, ngunit mabuti ang kanyang pangangatawan, at kahit nakaupo ay tuwid ang katawan at taas ang ulo subalit walang pagmamalaki at pagpapalalo. Naiiba sa karamihan ng paring Indiyo, na labis namang kaunti, na nang kapanahunang iyon ay gumaganap sa pagka-koadhutor o pansamantalang nangangasiwa sa ilang parokya, dahil sa pagiging malumanay at ugaling tuwid na taglay noong may lubos na pagkakilala sa karangalan ng kanyang kalagayan at kabanalan ng kanyang tungkulin. Isang munting pagsisiyasat sa kanyang anyo, kung di man dahil sa kanyang buhok na puti, ay mapupuna kaagad na siya ay nauukol sa ???????????????????????????????????????? ???????? 23 Sino ang taong ito na nag-aakalang si Simoun ay kaagaw niya sa pagmamana sa kayamanan na maiiwan ni Kapitan Tiyago? Tandaan na wala ng maaring pamanahan si Kapitan Tiyago..

(19) c   ? malayong panahon, sa nakaraang kapanahunan, noong ang mabubuting binata ay hindi nangingiming ilaan ang kanilang karangalan sa pagiging pari, noong ang mga klerigo ay kasimpantay sa kalagayan ng sinumang prayle, at noon ang kagaya niya, na hindi pa dusta at alimura, ay humihingi ng mga taong malaya at hindi alipin, matatayog na pag-iisip at hindi budhing api. Sa kanyang mukhang malungkot at anyong tapat ay makikita ang katiwasayan ng kanyang kaluluwang pinatibayan ng pag-aaral at pagkukuro, at marahil ay sinubok na ng mga sariling pagtitiis ng damdamin. Ang klerigong iyon ay si Padre Florentino24 na tiyuhin ni Isagani at ang kasaysayan ng kanyang buhay ay lubhang maikli:. Anak siya ng isang mayaman at inpluwensiyal na pamilya sa Maynila, mainam ang tindig at may kakayahang mapabantog, hindi nagkaroon kailanman ng hilig sa pagpapari; ngunit dahil sa ilang panata ng kanyang ina ay pinilit siyang pumasok sa seminaryo matapos ang di kakaunting tunggalian at matinding pagtatalo. Ang ina ay may matalik na kaibigan ng Arsobispo, may matigas na loob at bakal na kalooban sa anumang maisip, na katulad ng sinumang babaing may pag-aakalang sumusunod sa kagustuhan ng Diyos. Walang nangyari sa pagtutol ng binatang si Florentino, walang naging bisa ang pagmamakaawa, walang natamo sa pagsasabing siya ay may iniibig at gumawa na tuloy ng iskandalo; kailangang magpapari siya; at nang umabot sa dalawampu·t limang taon ay naging pari; ang Arsobispo ang siyang naggawad sa kanya ng ordinasyon, ginanap ng buong karingalan ang unang pagmimisa, nagkaroon ng tatlong araw na piging, at ang ina ay namatay na masaya at nasisiyahan ang kalooban, matapos na maipamana sa anak ang lahat ng kanyang kayamanan. Subalit sa pakikipaglabang iyon ay tumanggap si Florentino ng isang sugat, na hindi na gumaling kailanman; ilang linggo muna bago niya ganapin ang kaniyang unang pagmimisa, ang babaing kanyang pinakamamahal ay nag-asawa nang wala nang pili-pili dahil sa sama ng loob; ang dagok na iyon ay siyang pinakamasakit na naranasan niya; nanghilakbot ang kanyang ???????????????????????????????????????? ???????? 24 Ang pinagkunan ni Rizal ng tauhang si Padre Florentino ay si Padre Leoncio Lopez na naging kura paroko ng Calamba. Sa panahon ng kamusmusan ni Rizal, naging malapit siya sa matandang kura paroko ng Calamba at ginugugol niya ang kaniyang mga libreng panahon sa kumbento upang makipag-usap sa pari ukol sa iba·t ibang mga paksa. Sa sulat ni Rizal kay Blumenttrit ay kaniyang ikinuwento ang ukol sa nasabing pari ´Fr. Leoncio is an ² , tall, straight, and distinguished; cultured but timid and tender« You will see his image in my new book (|? ¸  ); I call him Fr. Florentino..

(20) c   ? budhi at ang buhay ay nawalan ng saya at naging mabigat na dalahin. Kung di man ang kabaitan ang nagbibigay-dangal sa kanyang kalagayan ay ang pag-ibig na iyon ang nagliligtas sa kanya sa kinababagsakan ng mga paring prayle at maging secular dito sa Pilipinas. Hinarap ang kanyang mga nasasakupan dahil sa kanyang pagtupad sa katungkulan at pagkakahilig sa mga likas na karunungan.. Nang maganap ang mga kaguluhan noong ·72 ay ikinatakot ni Padre Florentino na siya ay mapansin, dahil sa kalakihan ng kinikita ng kanyang parokya, at sa dahilang siya ay payapang tao ay humingi ng pagpapahinga/, at mula noon ay nanirahan nang tulad sa isang karaniwang tao sa lupain ng kaniyang ama na nasa baybayin ng dagat Pasipiko. Doon ay inampon ang isa niyang pamangking lalaki, si Isagani, na, ayon sa malisyoso ay anak niya sa kanyang dating kasintahan, nang mabalo,25 ayon naman sa lalong mga nakakaalam at hindi bulaan ay anak sa pagkadalaga ng isang pinsan niyang taga-Maynila. ???????????????????????????????????????? ???????? 25 Si Isagani ay pamangkin ni Padre Florentino ² Napangasawa ni Narcisa (pangatlongkapatid ni Rizal) si Antonino Lopez na pamangkin ni Padre Leoncio Lopez. Ang tunay na relasyon ni Antonino Lopez kay Padre Leoncio ay mahihiwatigan sa sulatan ni Rizal sa kaniyang pamilya; ´Si Narcisa at si Antonino at kaanak ay nagsilipat ngayon sa kumbento dahil may kabigatan ang sakit ng kuraµ (Manuel Hidalgo kay Jose Rizal: Septyembre 24, 1882) ´Magsisimula ako sa pagbabalita sa iyo ng pagkamatay sa Maynila ng ating kura, na dindamdam ng gaon na lamang ng lahat ng nakakakilala sa kaniya, lalo na ng kaniyang angkan; at gayon na lamang ang pagdaramdam na ito na, nang matalos ng Ayuntamiento ang kaniyang pagkamatay ay dali-daling naghandog ng isang nitso sa libingan ng mga mahal na tao sa Maynila, isang pagtatanging bihirang-bihira gawin ng nasabing korporasyon sa kaninuman.... Nang matalos ang pagkamatay ng huli, ay kara-karakang naparito ang Bikayong si Prayle (Ambrosio) Villafranca upang kunin ang mga naipong salapi mh Simbahan, na natatala sa mga aklat, ngunit sa dahilang nataunang ang kahang lalagyan ng salapi ay nakapinid at ang susi ay nasa Maynila, ay iniutos sa bisa ng susi ng San Pedro, na paharapin sa kaniya sa bahay-Hacienda ang ating ama, at doon ay pinilit siyang magpaluwal sa halagang nakatago sa kaha, at sa gayong pagpilit ay kinasangkapan ang pananakot na ipagbibigay alam sa Arsobispo ang mga lihim ng namatay, na ikararamay, sa paano mang paraan, ng isa nating kamag-anak; dailan dito, ang ating ama·y napilitang magpaluwal ng kaniyang salaping ginto na papalitan pagkatapos sa atin ng salaping pilak pagkaraan ng tatlong linggo. Iyang takutin ang isang matanda at.

(21) c   ?. Ang kapitan ng bapor sa pagkakita sa klerigo ay pinilit-pilit na umakyat sa kubyerta. Upang mapa-ayon siya ay nagsabing: ???????????????????????????????????????? ???????????????????????????????????????? ???????????????????????????????????????? ???????? hukayin ang mga isang lihim, na marahil ay siya ang nagtataglay, ay isang kasalanan nma tunay na kamuhi-muhi at kahalay-halay. Nang mangyari ito·y wala pa naman ako sa ating bahay. (Paciano Rizal kay Jose Rizal Mayo 26, 1883) Pansinin sana ang sinulat ni Austin Craig na si Padre Leoncio Lopez ay namatay sa daang Concepcion sa Maynila na ginamit ng nagsasaliksik sa anotasyon ng Kabanata 8 sa

(22) ? ?  . Itinutuwid ko sa sandaling ito ang aking naunang anotasyon nabanggit ko na taong 1882 namatay si Padre Leoncio Lopez. AKIN ANG PAGKAKAMALI http://www.scribd.com/doc/29349365/Noli-Me-Tangere-Decipheredkab08.     "# m    Š    ´Dinamdam ko nang gayon na lamang ang pagkamatay ng pari-kura, hindi dahil sa siya ay isang kaibigan, kundi dahil sa siya·y isang mabuting kura, bagay na bihirang-bihira, gaya ng iyong namamalas, yaon ay isang   ?  (isang ibong bihira). Sumusulak ang aking dugo tuwing mababasa ko ang iyong sinabi tungkol kay Pari Villafranca, gayunma·y nasisiyahan din ako sapagkat pinatotohanan niya·t binibigyang matuwid ang lahat ng pag-aagap ko laban sa kaniya... (kayo na ang bumasa ng iba pang mga mahayap na pananalita ni Rizal laban kay Padre Ambrosio Villafranca) at nagbabantang magbunyag ng mga kasalanang nagawa noong kabinataan upang hamakin ang maningning na gunita ng isang matandang marunong, na ang kamalian ay kaipala·y tinangisan na niya at hindi naging lalong mapagkunwari kaysa sa mga nangangahas na humatol sa kaniya.Datapwat hindi maasahang magantay ng ibang bagay sa isang kabig ng mga prayle (Paliwanag: Si Padre Ambrosio Villafranca ay isang paring sekular - daniel)... Kung nagkataong ako·y nariyan ay hinamon ko sana siyang ibunyag ang mga kakulangan ng nasirang kura, at titingnan ko kung hindi siya ang unang umubos ng panahon sa paghukay ng mga dumi at kasaulaan. Titingnan ko kung sino ang mangahas na dumampot dumampot ng kaunaunhang batong ipupukol sa yumaong Pari Leoncio at matitiyak kong buhat sa arsobispo hanggang kay Pari Ambrosio ay walang makapangangahas na gumawa noon. Ah ang mga taong walang maiabuloy sa karunungan at sa kabaitan liban sa isang mangmang na úatisang magaspang na pagbabalatkayo. (Jose Rizal para sa kanyang kapatid Hunyo 20, 1883) Sa isang artikulo sa aklat ni Ambeth Ocampo (1990:37-38) ay kaniyang natuklasan sa pag-amin ng isang angkan na sila ay mga inapo ng dakilang Padre Leoncio Lopez..

(23) c   ? ´Kung hindi kayo paparoon ay iisipin ng mga prayle na ayaw kayong makisama sa kanila.µ26. Wala nang nagawa si Padre Florentino kundi ang sumunod at ipinatawag ang kanyang pamangkin upang pagbilinan na huwag lalapit sa kubyerta habang siya ay naroroon. ´Kung makikita ka ng kapitan at aanyayahan ka at magmamalabis na tayo sa kaniyang kabaitan.µ ´Iyan ang paraan ng aking amain!µ sabi ni Isagani sa sarili, ´wala namang dahilan at makakaiwas akong makausap ni Donya Victorina.µ. ???????????????????????????????????????? ???????? Sa ginawang pag-aaral sa sulat na ito ni Rizal sa huling bahagi ay totoong mapapatunayan na si Arsobispo Pedro Payo ay mayroong anak na nagngangalang Isidro Mendoza. Puwedeng i-download ang isang dokumento na ginawang opisyal na imbestigasyon ng mga Amerikano sa mga unang taon ng kanilang pananakop sa Pilipinas. http://ia341334.us.archive.org/1/items/cu31924068295785/cu31924068295785.pdf. Isang simbolismo ni Rizal na nagpapakita Rizal na ang KH ay gumagawa ng paraan para maitaas ang kalagayan ng paring Pilipino. Ang Kapitan ng Bapor ay maaring kumakatawan kay GH Emilio Terrero y Perinat na nanungkulan sa Pilipinas 1885-1888. Pansinin na nailarawan nang buong detalye ni Rizal ang ugali nito magmula sa kindat ng mata at hina ng boses, na maaring naobserbahan ni Rizal noong siya ay nakausap nito sa taong 1887-1888, ng ipatawag ni Terrero si Rizal sa ilang pagkakataon. (Dapat kong ilipat ito sa Kabanata 1) 26.

(24)

Referensi

Dokumen terkait

Kemudian untuk mengetahui tingkat perbedaan dari pengaruh sumber genetik terhadap pertumbuhan relatif berat (KK 4,05%) maka digunakan uji BNJ dengan hasil

Hujan titik (point rainfall) adalah analisa curah hujan terpusat yang datanya diperoleh dengan alat pengukur hujan (rain gauge). Data tersebut masih merupakan data kasar / data

-* Member#ihkan tumbuhan liar terutama pada daerah perletakan3landa#an dan e4pan#i)n  j)int pada dinding batu atau bet)n dan #ekitar #truktur ka!u* Pember#ihan

a. Pengaturan dan Penjadwalan Pemakaian Peralatan Listrik b.. Berdasarkan pada hasil peninjauan lapangan / audit lapangan, maka dapat diusulkan beberapa hal yang dapat

Sampel penelitian ini berjumlah 58 siswa, dan hal yang ingin dicapai dalam penelitian ini: hasil dari proses belajar-mengajar pada kelas eksperimen, hasil dari proses

menyajikan program kejuruan yang dapat membekali siswanya mendapatkan keahlian yang nantinya dengan berbekal keahlian siswa dapat memperoleh lapangan pekerjaan atau

Petugas Instalasi CSSD menerima alat yang akan disterilkan dalam,kondisi bersih dari ruangan dan menggunakan trolley khusus untuk trolley non steril.. Petugas Instalasi CSSD mencatat

Pengukuran nilai koefisien kehilangan empiris yang paling akurat pada praktikum ini adalah dengan menggunakan pipa pitot karena memiliki kesalahan relatif paling kecil