• Tidak ada hasil yang ditemukan

ibong adarna

N/A
N/A
Fused Star

Academic year: 2024

Membagikan " ibong adarna "

Copied!
20
0
0

Teks penuh

(1)

IBONG ADARNA

I.

Si Haring Fernando at ang Tatlong Prinsipe (007-029)

Tagpuan: Sa loob ng pasilyo ng kaharian

Tauhan: Donya Valeriana, Don Juan, Don Pedro, Don Diego, Haring Fernando

1.Tagapagsalaysay: Sa kaharian ng mapayapang Berbanya, tatlong magigiting na prinsipe ang naging bunga ng pagmamahalan nina Haring Fernando at Reyna Valeriana. Panganay na anak si Don Pedrong may tindig na pagkainam, sumunod si Don Diegong malumanay at ang maginoong totoo na si Don Juan. Sila’y lubos na minamahal ng kanilang magulang.

(Nakaupo sa kanyang trono ang hari at habang ang tatlong prinsipe ay nakaluhod sa harap ng hari)

2.Don Fernando: Kayong tatlo’y mapapalad, angkin ninyo ang mataas. Yamang ngayo’y panahon nang kayo’y tumalaga, mamili kayo sa dalawa, magpari o magkorona?

3. Don Pedro, Don Diego at Don Juan: Mahal naming hari ang paghawak ng kaharia’t bayan upang mga ito’y paglingkuran ay aming naiibigan.

4. Don Fernando: Kung ganun humanda sa pagsubok, sa pagwahak ng espada ipakita buong husay.

5. Don Pedro, Don Diego at Don Juan: Salamat po mahal naming ama.

II.

Panaginip ng Hari (030-045)

Tagpuan: sa kwarto ni Haring Fernando

Tauhan: Haring Fernando, Tatlong Prinsipe, Reyna Valeriana at Manggamot

6. Tagapagsalaysay: Isang gabi nang mahimbing na natutulog si Don Fernando, napanaginipan niyang kanyang bunsong anak na si Don Juan. Diumano, ito’y nililo at pinatay ng dalawang tampalasan.

(Nakahiga si Haring Fernando sa kanyang higaan habang di mapakali sa kanyang panaginip)

(Sa kabila ng panaginip ng hari, si Don Juan ay inuumog ng dalawang lalaki na hindi makita/maaninag ang mukha) (Ang asawa ni Haring Fernando at ang kanyang tatlong mga anak ay nag aalala at tila hindi mapakali dahil sa sinapit ng hari)

7. Donya Valeriana: Mahal na hari, ano’t ganyan ang iyon karamdaman? Sinuman mediko ay walang makatalos? (ang malungkot na pananalita ng Reyna Valeriana)

(Papasok ang manggagamot na uugod-ugod)

8. Manggagamot : Sakit mo po, Haring Mahal ay bunga ng panagimpan, mabigat man at maselan, may mabisang kagamutan. May isang ibon na ang pangalan ay Adarna, pag narinig

Ito ay tumatahan sa kabundukang Tabor kung saan makikitaang Piedras Platas, punong tirahan ng ibong Adarna.

9. Haring Fernando: Pedro, bungang ikaw ang panganay, hanapin mo ang tanging lunas Ibong Adarnang makapagpapasigla.

10. Don Pedro: Ang paglikuran ay ano, ang pagsunod sa inyong utos ay kinalulugdan ko.

III.

Si Don Pedro at Ang Puno ng Piedras (046-080)

Tagpuan: Sa Kabundukang ng Bundok Tabor Tauhan: Don Pedro at ang Ibong Adarna

11. Tagapagsalaysay: Nagsimula na nga ng paglalakbay itong si Don Pedro. Tatlong buwang binagtas ang kaparangan hirap ay di ano lamang sa ng naglakbay

(Magpapatuloy sa paglalakad si Don Pedro.)

12. Don Pedro: Ano ba gang pagkahirap nitong paglalakbay, Nawa’y aking pakay makitang matiwasay.

Biglang bumagsak ang sinasakyang kabayo

(2)

13. Don Pedro: Pastilan, anong saklap kabayo pa ay nautas.

Magpapatuloy sa paglalakad si Don Pedro.

14. Tagapagsalaysay: Sa masamang kapalaran ang prinsipe’y nakatagal marating ding mahinusay ang Tabor na kabundukan. Namasdang punongkahoy mga sanga’y mayamungmong; sa nagtubong naroo’y bukod tangi yaong dahon.

Habang siya’y nailibang biglang nasok sa isipang baka yaon na ang bahay ng Adarnang kanyang pakay.

(Titingin sa puno ng Piedras Platas)

15. Don Pedro: Ano’t ang punong ito ni isang ibon walang magtangkang dumadapo, anong hiwaga kayang bumabalot sa kaniningingan nito?

(Aktong sasandal sa ilalim ng puno si Don Pedro)

16. Don Pedro: Sa haba ng aking paglalakbay sapat naman siguro ako magpahinga rito. (inaangtok)

17. Tagapagsalaysay: Tila naman isang tukso’t kasawian ni Don Pedro, ang Adarnag may enkantong dumating di naino.

Nagsimula na nga pag-awit na matamis, bawat kanta’y isang bihis ng balahibong marikit. Ugali nitong Adarna matapos ang kanyang kanta, ang siya’y magbawas muna bago matulog sa sanga. Sa masamang kapalaran si Don Pedro’y

napatakan, biglang naging batong-buhay sa punong kinasandalan

IV. Si Don Diego at ang Awit ng Ibong Adarna (81-109)

Tagpuan: Sa Kabundukang ng Bundok Tabor Tauhan: Don Diego at Ibong Adarna

18. Tagapagsalaysay: Buwan ang lumipas si Don Pedro ay wala pa, Si Don Diego inatasang hanapin ang naparawal ang prinsipe’y di sumuway at noon din nagpaalam. (Nakahiga si Don Fernando sa kanyang higaan habang si Donya Valeriana ay malungkot at nagaalala samantalang si Don Diego naman ay nakaluhod sa harap ng higaan ng hari)

19.Haring Fernando: (Mahinahon ang boses) Oh aking anak na Don Diego, matagal tagal nading nawawala ang iyong kapatid. Maaari mo ba syang sundan upang tulungang hanapin ang ibong adarna para ako ay gumaling?

20. Don Diego: (may pagmamalaki) Opo aking ama, makaka-asa po kayo. Sa aking pagbalik dala ko na ang ibong lunas, pati si Don Pedro aking kaagapay.

21. Tagapagsalaysay: Yumao na nga si Don Diego baon sa puso at dibdib ay makita ang kapatid magsama sa madlang sakit sa ngalan ng amang ibig.

(Sakay sa kanyang kabayo si Don Diego habang nilalakbay ang Bundok Tabor)

22. Don Diego: Anuman pagsubok aking pagtitiisan, ang kapatid ko at Ibong Adarna aking hahanapin.

(Biglang manghihina at mamatay ang kabayo)

Don Diego: Pati ba naman ikaw ako’y iiwan mo rin. Sa paglalakbay ako’y mag-iisa. Di bale ako magpapatuloy na sa aking paglalakbay.

23. Don Diego: Ano bang laking hiwaga, punong ganda’ynakakaakit sa mata. Lumalalim na ang gabi, ako’ymamahinga muna ( sabay upo bato)

( Matapos syang maupo sa bato ay tila inaantok nadin si Don Diego kaya naisipan nyang sumandal sa puno ng Piedras Platas at ito ay nakatulog na sa kahirapan sap ag lalakbay)

( Maya-maya ay nag dilim na at dumating na ang ibong adarna. Si Don Diego ay walang kaalam alam na sa oras ng kanyang kahimbingan sap ag tulog ay naka dating nap ala ang ibong adarna. At dahil ganda ng boses nito ay tila hindi nagigising si Don Diego kaya maya-maya ay naiputan din sya ng ibong adarna gaya ng nangyari sa kapatid nyang si Don Pedro. )

V. Si Don Juan, Ang Bunsong Anak (110-161)

Tagpuan: Sa Kabundukang ng Bundok Tabor

Tauhan: Haring Fernando, Don Juan, Reyna Valeriana, Ermitanyong Ketongin

24. Tagapagsalaysay: Nainip sa kahihintay ang Berbanyang kaharian; ama’y hindi mapalagay, lumubha ang pakiramdam.

(3)

25. Haring Fernando: (Nag-aalala at nakatingin sa kawalan) Ano’t kaytagal ng wala sa aking piling, mga anak ko asan na kayo, kayo sana’y ligtas. Nais ko ng ipahanap ngunit ako nagaalinglangan, kung si Don Juan lamang ay di ko na

hahangarin pa, sapagkat kaisaisa kong ng anak mawalay takot ko’y mapahamak (lalapit si Don Juan ng buong paggalang kay Haring Fernando)

26. Don Juan: Ama ko’y tulutan ang bunsong mo’y magpaalam, ako ang hahanap namn ng iyo pong kagamutan. Ngayon po’y tatlong taon na di pa bumabalik sila labis ko pong alaala ang sakit mo’y lumubha pa.

27. Haring Fernando: Bungsong anak kong Don Juan, kung ikaw pa’y mawawalay ay lalo kong kamatayan.

28. Don Juan: O, ama kong minamahal, sa puso ko nama’y subyang makitang kang nakaratay. Kaya po kung pipigilin itong hangad kong magaling di ko kasalanang gawin ang umalis nang palihim.

29. Tagapagsalaysay: Sa ganitong napakinggan hari’y biglang natigilan natitiyak na magtatanan ang prinsipeng Don Juan. Kaya man tinik sa puso ng haring mahal sinang-ayunan parin naisin ng prinsipe.

(Lalapit si Don Juan sa hari para magpabendisyon nang nakayuko)

30. Haring Fernando: Bendisyon ko ibibinibigay sa iyo, sana kaligtasan mo sa iba’t-ibang pagsubog nawa’y magabayan ka ng Poong Maykapal;.

31. Don Juan: Bendisyon mo, aking ama, babaunin kong sandata.

(Yayakap ng mahigpit sa hari at reyna si Don Juan at tatalikod pagkatapos)

32. Tagpagsalaysay: Nagpatuloy n nga ng paglalakbay, di gumamit ng kabayo at tumalaga nang totoo, sa hirap na matatamo. Baon ang limang tinapay at kukunting tubig sa kanyang paglalakbay ayon kay Don Juan gutom ay di kamatayan.

(Habang binabagtas ang daan)

33. Don Juan: O mahal na birheng marilag, hingi ko ay patnubay sa aking paglalakbay, hirap nawa’y matagalan sa pag- ibig para sa magulang, at ang makita ang kapatid na laon ng mawaglit, ano man ang napagsapit nawa’y ligtas sa panganib.

34. Tagapagsalaysay: Tuwing magkakaisang buwan na paglalakad sa lang naiisipang kanin ang isang tinapay. Gutom ay di alumana lakas nama’y walang bawa; walang hindi binabata mahuling ang Adarna.

(ipagpapatuloy ang pananalagin)

35. Don Juan: Ako’y iyong kahabagan Birheng kalinis-linisan nang akin din matagalan itong matarik na daan!.

(lalabas sa isang sulok ang pulubing may ketong)

36. Pulubi: Maginoo, maawa ka, kung may baon kayong dala ako po ay limusan na. Parang habag na nag Diyos tulungan na ang may lunos kuns sakit ko’y matubos ako nama’y maglilingkod

37. Don Juan: Ako nga po ay may taglay, natirang isang tinapay na baon sa paglalakbay.

(dudukutin sa lalagyan ang tinapay at ibibigay sa pulubi) 38. Pulubi: Salamat sa iyo butihing ginoo.

39. Tagapagsalaysay: Kaylaki ng katuwaan ng matanda kay Don Juan, halos ito’y kanyang hagkan sa ganda ng kalooban.

40. Matanda: Huwag maging di paggalang, ano po ang inyong pakay? Ako po ay pagtapatan baka kayo’y matulungan,”

41. Don Juan: Kung gayon po ay salmat hari na ngan maging dapat ang dito po’y aking hanap sa ama ko ay panlunas.

Ama ko po’y nakaratay sa malubhang karamadaman, ibong adarna nga lamang ang mabisang kagamutan. Bukod dito’y may isa pa ngayon po’y tatlong taon na ang kapatid kong dalawa’y nawawala’t di makita.

42. Pulubi: Aba naku, O Don Juan! Malaki pang kahirapan ang iyong pagdaraanan. Kay ngayon ang bilin ko ay itanim sa puso mo, mag-ingat kang totoo at nang di ka maging bato. Sa pook na natatanaw ay may kaho’y kang daratnan, dikit ay di ano lamang kawili-wiling titigan. Doo’y huwag kang titigil at sa ganda mahuhumaling, sapagkat ang mararating ang

(4)

buhay mo ay magmaliw. Sa ibaba’y tumanaw ka may bahay na makikita; ang naroong tao’y siyang magtuturo sa Adarna.

Itong limos mong tinapay dalhin ma na, O Don Juan nang mabaon mo sa daan malayo ang paroroonan.

43. Tagapagsalaysay: Ang prinsipe’y di kumibo ngunit nasaktan ang puso ang matanda’y hinuhulo baka siya;y binibiro 44. Don Juan: Maginoo, bakit po ba’t iya’y ibabalik mo pa gayong naibigay ko na? Ugali ko pagkabata na maglimos sa kawawa ang naipagkawanggawa bawiin pa’ di magawa

(Pilit na ibinibigay ang tinapay ngunit pilit din natanggi si Don Juan) ARALING 2/6

VI. Ang Gantimpalang Karapat-dapat ( 162-196)

Tagpuan: Sa Bundok Tabor Tauhan: Don Juan at Ermitanyo

45. Tagpagsalaysay: Tinulinan ang paglakad parang ibong lumilipad kaya’t ang malayong hangad narating din niya agad. Tumambad sa kanyang mata ang tahanan ng Adarna, punong pagkaganda-ganda sa mundo siya nang una.

(Madaanan ang ang puno ng Piedras Plata ngunit babaling sa isang lugar kung nasaan ang bahay-kubo at agad nitong pupuntahan)

46. Don Juan: Tao po!

(lalabas ang Ermitanyo sa labas ng kanyang tinataguang)

47. Ermitanyo: (boses matanda) Tuloy ikaw ginoo. Intayin mo muna ako, ako’y may kukunin lang sa loob.

(napansin ni Don Juan ang tinapay na binigay niya ay naroon sa hapag-mesa)

48. Don Juan: Ito’y isang talinghaga kayhirap na maunawa. Yaon aking nilimusa’y isang matandang sugatan, saka dito’y iba naman ermitanyo ang may alay? Hindi kaya baga ito ay sa Diyos na sekreto? Kawangis ni Jesucristo ang banal na ermitanyo

(lalabas ang ermitanyo may dalang pinggan)

49. Ermitanyo: Don Juan, iyon sabihin ang layon mo’t nang malining,

50. Don Juan: Marangal na Ermitanyo ituring na anak ako na ngayon po’y naririto nagsasabi ng totoo. Matagal na pong di hamak ang aking paglalagalag: walang bundok, mga gubat na di ko yata nalakad.

51. Don Juan: Dumanas ng kahirapan; pagod, puyat, gutom uhaw at hirap ng mga daan palad ko ang di namatay. Lahat na po ay binata nang dahilan sa Adarna ibong matamis nakakanta lunas sa aking ama. Mabilis kong alaalang baka ipanaw ni Ama kung hindi ko madadala ibong dito makukuha.

52. Ermitanyo: Don Juan, iyang hanap mo’y paghihirapan mong totoo, ang Adarna’y may engkanto na wala pang tumatalo.

53. Don Juan: Kung tunay po ang pahayag titiisin kong lahat; maging hangga man ng palad tutupdin ko yaring hangad.

54. Ermitanyo: Sa Maykapal manawagan tayong lahat na nilalang; ang sa mundo ay pumanaw tadhana ng kapalaran.

Don Juan, masusubok ko katibayan ng loob mo kung talaga ngang totoo ako’y tutulong sa iyo.

55. Ermitanyo: Punongkahoy na makinang na iyo nang naraanan ay doon nga namamahay ang Adarnang iyong pakay.

Ibong ito kung dumating hatinggabi nang malalim ang pagkantang malambing katahimikan kung gawin. Pitong awit na maganda, pito rin iba’t-iba sa balahibong itsurang ilalabas ng Adarna.

(kukunin ang dayap, labaha at sintas)

56. Ermitanyo: Upang iyong matagalan pitong kangtang maiinaw, kita ngayon ay bibigyan ng sa antok ay panlaban.

Naririto ang labaha’t pitong dayap na hinog na, iyong dalhi’t nang huwag kang talunin ng Engkantada.

(iaabot kay Don Juan ang labaha’t dayap)

(5)

57. Ermitanyo: Bawat kantang pakikinggan, ang palad mo ay sugatan; saka agad mong pigaan ang dayap ang hiwang laman. Matapos ang pitong kanta magbabawas ang Adarna; ilagang mapatakan ka nang wala isa’y magdusa. At kung hindi, aba’y naku ikaw ay magiging bato! Matulad kang totoo kay Don Pedro’t Don Diego

(kukunin ang singtas at iaabot rin kay Don Juan)

58. Ermitanyo: Dalhin mo rin itong sintas, pagkaginto ay matingkad; itali mo pagkahawak sa Adarnang mag- aalpas.

Kaya bunso hayo ka na, sa gabi’y lalalimin ka, ito’y oras na talaga ng pagdating ng Adarna.

VII. Ang Bunga ng Pagpapakasakit (197-231)

Tagpuan: Bundok ng Tabor sa ilalim ng Puno ng Piedras Platas

Tauhan: Unang Bahagi Don Juan at Ibong Adarna Ikalawang Bahagi Don Juan, Ermitanyo, Don Diego at Don Pedro Unang Bahagi

59. Tagapagsalaysay: Yumao na si Don Juan sa Tabor na kabundukan, nang maabangan yaong ibong kanyang pakay.

Napuna pa nang dumapo ang Adarna’y tila hapo, kaya’t kanyang napaghulo ibo’y galing sa malayo. Pagkalapag ay naghusay ng kanyang buong katawan; ang pagkanta’y sinimulan, tinig ay pinag-iinam.

60. Tagapagsalaysay: Nagbago ng kanyang bihis na lumalo pa ang dikit, katugon ng inaawit na malambing at matamis.

Natukso nang matulog si Don Juan nanunubok; ang labaha ay dinukot at ang palad ay binusbos. Lamang ngumiti sa balat pinigaan ng dayap, sa hapdi’y halos maiyak dugo’y bumukal sa sugat.

61. Tagapagsalaysay: Napawi ang pag-antok dahil sa tindi ng kirot; si Don Juan ay lumuhod nagpasalamat sa Diyos.

62. Tagapagsalaysay: Pitong kanta’y pinagwakas nitong ibong sakdal dilag, pito rin ang naging sugat ni Don Juang nagpupuyat. Ang ibon ay nagbawawas na ugali pagtulog niya ang prinsipeng nakakita ay umilag kapagdaka. Kaya hindi tinamaa’t naligtas sa kasawian, inantay nang mapahimlay ang Adarnang susunggaban.

63. Tagapagsalaysay: Nang prinsipe’y natiyak tulog ng ibo’y panatag, dahan-dahan nang umakyat sa puno ng Piedras Platas. Agad niyang sinunggaban sa paa’y biglang tinangnan at ginapos nang matibay ang sintas na gintong lantay.

64. Tagapagsalaysay: Magalak namang kinuha ang nahuling Adarna, hinimas pa nang masaya nang ipasok na sa hawla.

Ikalawang Bahagi

(Nagtungo sa bahay ng ermitanyo si Don Juan bitbit ang nahuling Adarna) (Nakaturo ang Ermitanyo sa banga)

65. Ermitanyo: Iyang banga ay kunin mo, madali ka at sa iyo’y meron iuutos ako. Punin mo ng tubig iya’t ang dalawang bato’y busan, nang sa bato’y magsilitaw ang dalawang iyong mahal.

(dali-daling sasalok at dadalhin sa dalawang taong bato na nasa ilalim ng puno, ibubuhos ang una kay Don Pedro sunod ay kay Don Diego maya-maya pa ay tatayo ang dalawa na parang walang naalala)

66. Don Pedro:(yayakap kay Don Juan) Salamat aking kapatid.

67. Don Diego: (yayakap rin kay Don Juan) Maraming salamit aming bunso kami ay iyong iniligtas.

68. Tagapagsalaysay: Agad nagtungo ang magkapatid sa bahay ng Ermitanyo, biglang naalala ang kanilang amang may sakit

69. Ermitanyo: Ngayon, maghanda’t umuwi kayo magkasundo kayong tatlo wala sanang maglilo. (titingin kay Don Juan ang Ermitanyo) Don Juan, kunin mo na iyang marikit na hawla baka di na datnang pang buhay pa ang iyong mahal na ama.

70. Tagapagsalaysay: Nang sila ay magpaalam ay lumuhod si Don Juan hiniling na bendisyunan ng ermitanyon marangal.

(tanging si Don Juan lamang ang luluho at si Don Pedro ay nakaismid ang mukha)

VIII. Ang Bunga ng Inggit (232-274)

Tagpuan: Bundok ng Tabor pabalik na sa Kaharian ng Berbanya

(6)

Tauhan: Don Juan, Don Diego, Don Pedro, Haring Fernando

71. Tagapagsalaysay: Naglakad na ang tatlo katuwaa’y nag-ibayo, ngunit si Don Pedro may masama palang tungo.

Nagpahuli kay Don Juan kay Don Diego umagapaw ito’y kanyan binulungan ng balak na kataksilan.

72. Don Pedro: Mabuti pang hindi hamak si Don Juan, at sa ama nating liyagay marangal na haharap. Pagkat ipaglihim nama’y mabubunyag din ang tunay ang Adrana’y kay Don Juan ang sa ati’y kabiguan.

73. Don Pedro: Kaya ngayon ang magaling si Don Juan ay patayin; kung patay na’y iwan natin ang Adarna nama’y dalhin natin.

(mabibigla si Don Diego sa sinabi ni Don Pedro)

74. Don Diego: Iyang iyon panukala, tila mandin anong sama; aalaming ang mawawala kapatid nating dakila.

75. Don Diego: Kung tunay nga ang kanyang saysay bakit di nalang umugin, Kung siya’y mahina na’t bali-bali ng mga paa, walang daang makaasa sa pag-uwi sa Berbanya. Maiwan siya ritong nag-iisa’t nalulumpo, walang kakanin mang ano maliban sa mga damo.

76. Don Pedro: Sa gayon ay maligayang dadalhin natin ang Adarna pagharap sa ating ama hiya natin ay wala na.

(Inumog na si Don Juan kinuha ang Adarna, iniwang nag-iisa.) (Si Don Juan nagkakapilipit sa sakit na tinamo sa pangbubog)

77. Tagapagsalaysay: Sa palasyo nang dumating ang magkapatid na taksil sa ama’y agad nagturing:

(sabay na lalapit dala ang adarna at sabay na wiwikain)

78. Don Pedro at Don Diego: (masigla) Ang Adarna dala namin

Tagapagsalaysay: Amang malubha ang lagay nangiti sa napakinggan; mga anak ay hinagkan at katawan ay gumaan- gaan./// Ngunit ng kanyang napuna si Don Juan ay di kasama nag-usisa sa dalawa sagot nito’y ewan nila.

79. Haring Fernando: Bunso nyong kapatid ay nasaan na?

80. Don Pedro: Mahal na ama, sa kabiguan ay hindi po namin nakita.

81. Don Diego: Sang-ayon po ako kay Don Juan magiting, sapagkat siya po ang nakahuli ng ibong lunas sa sakit.

(malungkot ang mukha ng hari at babalin sa ibong adarna)

82. Haring Fernando: Ito ba ga ang Adarna? Kung ito nga’y ano baga’t pagkapangit pala niya!…. Sinasabi ng mediko na ito raw ibong ito ay may pitong balahibo pawang likhang engkantado. Kung ito raw ay kumakanta maysakit ay

giginhawa; bakit ngayon ay para bang tinikis yaring dusa?

83. Haring Fernando: Ano kaya ang dahilan ng sa ibong pamamanglaw kung ang ibong ito ay ganyan lalo ko lang kamatayan.

84. Tagapagsalaysay: Ibon ayaw kumanta pagkat dinaramdam niya yaong may-ari sa kanya sa palasyo ay wala pa.

Malaki ang kanyang nais na ang kanyang mga awit sakali mang marinig si Don Juan ay kaniig.

IX. Ang Dalangin ng Bungsong Anak sa Gitna ng Paghihirap (275-317)

Tagpuan: Sa gitna kaparangan malapit sa Bundok Tabor Tauhan: Don Juan

Tagpagsalaysay: Samantala sa Palsyo pangyayari ay ganito si Don Juan ay lugong lugo gagapang-gapang sa damo. Maga ng buong katawan may bali ang mga tadyang at ang dinaramdam ay gutom at sobrang uhaw.

(Nanghihina si Don Juan na pagapang gapang sa damuhan, habang nanalangin)

85. Don Juan: O Birheng Inang marilag tanggulan ng nasa hirap kahabagan di man dapat ang aliping kapos-palad. Kung wala nang kapalarang humaba pa yaring buhay loobin mo, Inang mahal ang ama ko ang mabuhay.

86. Don Juan: Di ko maubos-isipin kapatid ko ay nagtaksil kung sa ibon po ang dahil kanila na’t di na akin, Kung sabagay ay di iba at ako nga ang kumuha, maging ako’t maging sila kung tutuusin ay iisa.

(7)

87. Don Juan: Sila nawa’y patawarin ng Diyos na maawain, kung sila man ay nagtaksil kamtin nila ang magaling. Sa akin po ay ano na sinadlak man nga sa dusa kung may daan pang magkita pag-ibig ko’y kanila pa.

88. Don Juan: Dalangin kong matimtin kay Bathalang maawain ang sakit mo ay gumaling ating baya’y tumatag din. Pag- asa koy nariyan na’t tinanggap mo ang Adarna di man ako ang may dala mga anak mo rin sila. Kaya ama nang tanggapin di sa kamay ko naggaling, gayon pa ma’y tuwa ko rin ang lunas mo ay sumaatin

89. Don Juan: Diyos nga di natutulog at ang tao’y sinusubok, ang salari’y sinusunog! Ang banal ay kinukupkop!

X. Ang Awit ng Ibong Adarna (318-399)

Tagpuan: Sa gitna kaparangan malapit sa Bundok Tabor Tauhan: Don Juan at Ermitanyo

90. Tagapagsalaysay: Sa libis ng isang bundok may matandang sa susulpot mahina’t uugod-ugod sa prinsipe ay dumulog. Paglapit ay hinawakan tiningnan ang kalagayan saka kanyang dahan-dahang inihiga ng mahusay.

91. Ermitanyo: O, prinsipe, pagtiisan ang madla mong kahirapan di maglalaong araw ang ginhawa ay kakamtan.

(hahawakan ang katawan ni Don Juan na parang dinadasalan maya maya pa ay manunumbalik na ang sigla ni Don Juan na walang sugat)(tatayo si Don Juan na matikas)

92. Don Juan: Utang ko sa inyong habag ang buhay kong di nautas ano kaya ang marapat iganti ng abang palad?

93. Ermitanyo: Kawanggawa ay hindi gayon kung di iya’y isang layon ang damaya’y walang gugol. Saka yang

kawanggawa na sa Diyos na tadhana, di puhunang magagawa nang sa yama’y magpasasa. Huwag tularan ang ugaling di mainam na kaya lang dumaramay ay nang upang madamayan.

94. Ermitanyo: Lalong banal na tungkulin nasa dusa’y tangkilikin; sa mundo ang buhay nati’y parang nagdaraan hangin!

Don Juan hindi ko hangad tapusin ang pag-uusap ngunit iyong isahagap ang amang nililiyag. Kaya magmadali ka pag-uwi ng Berbanya, ikaw lamang ang lagi nang, pangarap ng iyong ama.

95. Tagapagsalaysay: Ang dalawa ay nagkamay bago sila naghiwalay matanda’y sa bukid sa Berbanya si Don Juan.///// Magkagayo’y ang Adarna namayagpag na sa hawla, balahibong pangit niya hinalinan ng maganda.

(aawit ng matamis ang ibong adarna ng mkitang parating si Don Juan)

(gagamitin ang awit ng Ibong Adarna mula sa app ni Sir Christian) aralin 12….part 2 saknong 345-384

96. Tagapagsalaysay: Ang Adarna’y nilapitan at niyakap si Don Juan ibo’t anak hinagkan sa laki ng katuwaan. Gayon na lang ang poot sa dalawang nagbalakyot at kung walang isang Diyos ang talaga’y ipasunog.

97. Haring Fernando: Di yaman ganun ang inyong ginawa ang pagtataksil sa inyong kapatid ay di maganda, gawad ko sa inyo ipatapon, bawian lahat ng karapatan. (galit sa dalawang magkapatid habang ang dalawa ay nakaluhod sa hari) (sumunod na lumuhod at nakatungo si Don Juan)

98. Don Juan: (lumuluha) O ama kong ginigiliw ang puso mong mahabagin sa kanila’y buksan mo rin. Malaki man po ang sala sa aki’y nagawa nila, yaon po ay natapos na’t dapat kaming magkasama. Ako naman ay narito buhay pa ri’t kapiling mo wala rin ngang nababago sa samahan namin tatlo. Hindi ko matitiis sa aki’y malayo sila, kaya po ibigay mo na ang patawad sa kanila.

(nag-ninilay ang hari pag-iisipang malalim)

99. Haring Fernando: Kayo ngayon ay lalaya sa pangakong magtatanda. Sa araw na kayo’y muling magkasala kahit munti patawarin kayo’y hindi sinuman nga nag humingi. Kaya nga pagkaingatan, sasabihn ko ay tandaan; magkasala’y minsan lamang pag-umulit, kamatayan!!

100. Don Pedro at Don Diego: Salamat po mahal naming ama kami po makikinig na sa inyo.

Aralin 3/6

XI. Ang Muling Pagkapahamak ni Don Juan (400-440)

(8)

Tagpuan: Sa Kaharian ng Berbanya

Tauhan: Haring Fernando, Reyna Valeriana, Don Pedro, Don Diego at Don Juan

101. Tagapagsalaysay: Nanumbalik ang liwanag na sa palasyo’y tumakas; hari at reynang marilag may ngiting nang masarap. At ang tatlong magkakapatid sa dati rin pagniniig pasunura’y anong tamis bahagya ma’y di nag-alit.

102. Tagapagsalaysay: Buhat nang siya’y gumaling ang Adarna’y naging aliw oras-oras kung dalawi’t parang bata kung laruin. Hinirang ang tatlong anak at nagbala nang marahas;

103. Haring Fernando: Ang sa inyo ay magtaksil sa akin ay magbabayad.

104. Tagapagsalaysay: Subalit O! Yaong inggit sawang maamo’y bumabangis! Pagsinumpong maging ganid panginoo’y nililingkis.

105. Don Pedro: Akoy may balak muling pagtaksilan ng itong si Don Juan mapaalis sa kaharian. Hindi natin hahalinghan sa pagbabantay kapag pagod na tiyak matutulog din ang diwa. Kapag tulog na pakawalan ang Adarna upang ang ating ama mabaling sa kanya ang pagkamuhi.

(makakatulog si Don Juan at ang dalawa lalapit na sa hawla at pakakalwan ang ibong Adarna)

106. Tagapagsalaysay: Ang dalawa’y nagkasundo, nag-agapay na sa upo; kwentuhan at mga biro, tumugtog ang ikasampu. Ginising na si Don Juan sa tulog na kasarapan, din man oras ng pagbabantay nagbigay na sa pumukaw.

(nagising si Don Juan wala na ang Adarna)

(Hinanap niya sa mga paligid ngunit di niya makita naupo sa upuan at di mapalagay kung ano ang kanyang gagawin) 107. Don Juan: Ang taong palang palad magtiwala ay mahirap daan ng pagkapahamak.

108. Tagapagsalaysay: Tumakas na nga si Don Juan ipinagpalagay na siya ang may sala, takot at pangamba na harapin ang ama ayaw na niyang mapagalitan ang kanyang dalawang kapatid.

109. Tagapagsalaysay: Nang magising ang hari, araw masaya ang ngiti, pagbangon ay dali-daling ibon ang pinuntahan

(lalapit sa lugar kung nasaan ang ibon ngunit mabibigla ng makita bukas ang hawala at wala ang kanyang Ibong Adarna) 110. Haring Fernando: (galit) Pastilan nasaan ang Adarna. Nasaan ang mga nagbabantay dito?

(dali-daling pumasok ang si Don Diego at Don Pedro) 111. Don Pedro: Ama, ewan ang bantay po’y si Don Juan

112. Haring Fernando: Hanapin si Don Juan upang pagbayarin ang kasalanan.

113. Tagapagsalaysay: Umalis na ang dalawang nagmamagaling sa ama, ang pangako’y pag nakita iuuwi’t nang magdusa.

XII. Sa Bundok Armenya (441-476)

Tagpuan: Bundok ng Armenya

Tauhan: Don Pedro, Don Diego at Don Juan

114. Tagapagsalaysay: Itong bundok ng Armenya’y isang pook na maganda, naliligid ng lahat nang tanawing kaaya- aya. Sa Armenya tumatahan ang prinsipeng si Don Juan, upang doon pagsisihan ang nagawang pagkukulang.

(Habang naglalakad ay nag-uuasap)

115. Don Pedro: Ikaw sana huwag ganyan, ang loob mo ay lakasan; ang takot at kahihiya’yy ipaglihim kay Don Juan. May lunas na magagawa kung payag ka sa pithya sa akin ipagtiwala ang anumng iyong nasa. Kung ibig mo ay huwag nang balikan ang ating ama, pabayaan ang Berbanya dito na tayo tumira. Sumama na kay Don Juan tayong tatlo any magpisan tumuklas ng kapalaran sa iba nang kaharian.

(Si Don Juan ay abala sa pagsasaayos ng mga gamit niya habang ang dalawa ay dadating at lalapit sa kanilang bunsong kapatid)

(9)

116. Don Diego: Kami anya nagkasundo magliwaliw sa malayo. Ibig nami’y sumama ka nang mabuo ang ligay, anumang maging hangga tayong tatlo’y magkakasama.

117. Tagapagsalaysay: Kinatigan ang mungkahi yamang mabuti ang mithi kung wala nang salaghati saka isiping umuwi.

XIII. Ang Mahiwagang Balon (477-506)

Tagpuan: Bundok ng Armenya sa may malapit sa balon Tauhan: Don Pedro, Don Diego at Don Juan

118. Tagapagsalaysay: Noon din nga ay lumakad bagaman tanghaling tapat araw ay pagkakatingkad nakapapaso sa balat. Inakyat angkabatuhan nang dumating sa ibabaw sa gitna ng kasabikan ay may balong natagpuan.

(lalapit sa may balon at magmamangha sa kinang na bumabalot)

119. Don Juan: Balong ito’y mahiwaga ang mabuting gawin kaya’y lusungit nang maunawa. Ngayon din ay talian ihugos nang dahan-dahan, tali ay huwag bibitiwan hanggang di ko binabatak.

120. Don Diego: Ako ang matanda sa iyo kaya marapat ay ako ang ihugos muna ninyo. Ako ang siyang tatarok ang hangganan kung maabot at doo’y matatalos malalaman ninyong lubos.

123. Don Pedro: Waala ka ring karapatan pagkat ako ang panagnay nasa akin ang katwiran.

124. Don Diego at Don Juan: Kung gayon, ikaw siyang mauna, kami nama’y bahala nang sa balita mo umaasa.

125. Tagapagsalaysay: Nang ihugos ay nagbiling ang hwak ay pagbutihin at sa oras na tatangin sa ibabaw ay babatakin.///// Tatlumpung dipa lamang ang nalulusong ng panganay lubid agad nang tinantang nang umaho’y nananmlay

126. Don Diego at Don Juan: Narating mo ba ang hangga? Ano roon ang nakita’t pamumutla mo’y ganya na?

127. Don Pedro: (hinihingal) Hintay muna, hintay kayo’t magpuputok ang dibdib ko, O hindi ko natagaln ang dilim na bumabalabal sa sindak at katakutan para akong sinasakal.

128. Tagapagsalaysay: Si Don Diego ay sumunod nilakasan man ang loob nagbalik din ang takot sa lalim na di matarok.

129. Don Pedro at Don Diego: Sa amin ay ibalita kung natapos na ang hiwaga.

130. Don Diego: Ewan ko…. wala, ..wala… Sa lalim na walang hanggan ang takot ko ay umiral at kung doon ay nagtagal mapapatid yaring buhay.

131. Tagapagsalaysay: Nagtali na niyong lubid at sa balon napasilid ang baon sa puso’t dibdib humanda sa masasapit.

Malalim na ang narating ang lubid ay hugos pa rin si Don Pedro’y naiilig si Don Diego’y naninimdim.

132. Don Juan: Ano’t akin pang ninasa na tuklasin ang hiwaga kung hindi rin magagawa?

133. Don Juan: Anuman ang kasapitan ito’y di ko uurungan ang malaking kabiguan ay bunga ng karuwagan. Nasimulan nang gawain ang marapat ay tapusin ang gawin pabinbin-binbin wala tayong mararating.

XIV. Ang Unang Babaeng Nagpatibok sa Puso ni Don Juan, Si Donya Juana (507-556)

Tagpuan: Bundok ng Armenya sa ilalim ng Balon Tauhan: Don Juan, Donya Juana at Higante

134. Tagapagsalaysay: At sa kanyang pagsasakit lalim ng balo’y nasapit hindi isang yungib kundi isang pook na marikit! Buong lupang yayapakan ay kristal na kumikinang pook na tago sa araw ngunit daig pa ang may ilaw.

135. Don Juan: O, hiwaga… ito’y sa engkanto gawa (mapapadako sa isang babae kay Donya Juana). O marilag na Prinsesa ang sa araw na ligaya’t kabanguhan ng sampaga sa yapak mo’y sumasamba.

136. Don Juan: (Nakatipluhod ang isang paa at ang kanang kamay ay nakahapyo sa dereksyon ni Donya Juana) Sa matamis mong bati mo’y nagagalak ang puso ko, ngunit manghang-manghang ako sa iyong pagkaparito!

(10)

137. Don Juan: Ako’y iyong kahabagan o Prinsesang minamahal at kung ito’y kasalanan sa parusa’y nakalaan. Tanggapin mo yaring puso pusong iyan pag naglaho’y nagtaksil ka sa pangako.

138. Donya Juana: Ngayon, ang aking panganib saan kita ililingid nang maligtas sa pasakit ng higanteng sakdal lupit.

Higante ito’y siya ngan sa akin ay may alaga, sobrang bagsik, sobrang siba taong datnan ay sinisila. Kung datnan kang kaniig ko galit niya ay susubo, mapanganib ang buhay mo’t baka ikaw ay matalo.

139. Don Juan: Prinsesa kong minamahal ang matakot ay di bagay manghawak sa kapalara’t sa Diyos na kalooban.

(Dadating ang Higante)

140. Higante: (nakatalikod) Amoy tao, dito ay may tao kakaiba.Kung may tao ay mabuti nga dito ay mayroon

masasakmal (Haharap at makikita si Don Juan) Di na pala kailangan mamundok o mamarang dito amn sa aking bahay lumalapit na ang pagkain.

141. Higante: Salamat nga at anrito na sa tiyan kong parang kweba ang kaytagal ko nang pita ang tatlo man ay kulang pa.

142. Don Juan: (nagtapang-tapangan)Higante, tikom ang bibig ako’y di mo matitiris. Kung ikaw man ay kilabot sa pook mong masasakop, sayang iring pamumundok pag di kita nailugmok.

143. Higante: (pagmamayabang)Nang sa inyo ba’y umalis, nangako ka pang babalik? Nasayang ang panaginip dito kita ililigpit.

144. Don Juan: Ayoko nang angay-angay lumaban ka kung lalaban. Kung hangad mo yaring buhay ikaw munang titimbuwag. (tatawa)

(maglalaban na ang dalawa)

145. Tagapagsalaysay: Nagpamook ang dalawa nagpaspasang parang sigwa; sa pingkian ng sandata, apoy ay bumubuga.

(babagsak sa lupa ang higante si Don Juan di kakikitaan ng pagod) (lalapit si Donya Juana kay Don Juan at akmang magniniig)

146. Don Juan: Prinsesa kong nililiyag, kung ako ma ay naghirap ikaw naman ang katumbas. Sukat na ang ikaw ay akin ako naman ay iyong giliw maging dusa man at lagim sa akin ay aliw na rin. Kaya halika na hirang, itong balon ating iwan tayo na sa aking kaharian ng aking mga magulang.

147. Donya Juana: (malungkot)O, Don Juang aking sinisinta tunay bang aalis katang, dito ay maiiwan pa ang bunso kong si Leonora?

148. Donya Juana: Si Leonora ay kapatid kasama sa balong ito, naririyan sa palasyong dito tanaw na tanaw mo. Parunan mo at sunduin sa ngalan ko ay sabihin siya ay parito ngayon din at ibig kong kausapin.

149. Donya Juana: Ngunig irog, may pangamba ang pagsundo mo sa kanya may tangkilik kay Leonora ay serpyente palamara. O Don Juan, laking lunos ang sa akin lumulunod muli ka pang makihamok ay di ko na itutulot.

150. Donya Juana: Bakit bagang yaring buhay saliwa sa kapalaran, lumigaya mamamanglaw, mamanglaw ay kamatayan(malungkot)

151. Don Juan: Prinsesa kong kasing mutya yaring buhay kong maaba, palad ko na ang mawala. Ano’t ako masisindak kung ito ang aking palad? Ipalingkod yaring lakas mahamak kung mapahamak. Anong tamis ng mamatay kung lugod ng minamahal anong saklap ng mabuhay kung duwag na tuturingan!

152. Tagapagsalaysay: Lumakad nang patuluyan, puso’y walang agam-agam; Diyos ang tinatawagan sa daratning kapalaran.

XV. Si Donya Leonora at Ang Serpyente (567-650)

Tagpuan: Sa Ilalim ng Balon

Tauhan: Don Juan, Donya Leonora at Serpyente.

153. Tagapagsalaysay: Sa palasyo nakadungaw si Leonorang matimtiman; ang prinsipe nang matanaw biglang nagulumihan.

(11)

154. Donya Leonora: (galit) O! mapangahas, sino ka ba? At ano ang iyong pita?

155. Don Juan: Aba, palaba ng buwan, tala sa madaling araw hingi ko kapatawaran, sa aking kapahangasan. Sa mahal mong mga yakap alipin mo akong tapat humahalik at ang hangad maglilingkod sa iyong dilag.

156. Donya Leonora: Di mo baga nalalamang mapanganib iyang buhay; sa serpyente kong matapang walang salang mamamatay?

157. Don Juan: Mapanganib man lubha ano pang magagawa, kung palad kong masaliwa tatangapin ang pagkadusta.

158. Donya Leonora: Ikaw baga’y nagbibiro o ako’y sinisiphayo hayo’t dito ay lumayo taong lubhang mapaglako. Hindi kita kailangan ni makitang sa harapa umalis ka’t manghinayang sa makikitid mong buhay.

159. Don Juan: Pinopoon kong prinsesa galit mo po ay magbawa kung ako ay nagkasala ito ay dahil sa pagsinta. Dangat ako’y nagkapuso na pinupukaw ng pagsuyo, sa dilag mo’y kailan ko po matanggapang pagsiphayo?

160. Donya Leonora: Prinsipe, ikaw ay pumanhik dito na tayo magniig bahay ko ma’y di marikit payapa at di maligalig.

161. Don Juan: Prinsesa kong pinopoon salamat sa pag-ampon, mag-utos ka’t umayon itong lingkod mula ngayon.

162. Donya Leonora: Unang ibig kong malaman kung pa’no mo natuklasan itong lihim kong tahanan sa liblib ng kabundukan?

163. Don Juan: Prinsesa kong kasi’t mutya ang nagyari talinghaga hamaka yaring aking dila na magsaysay sa himala.

Isang gabi kalaliman na ako’y nahihimlay ginising ng panagimpang balon ito ay tinuran. Narito raw yaong talang lunas sa aking dalita, talang ito ay ikaw nga, O Leonora kong mutya.

164. Don Juan: Sa Diyos ngang tumalaga ang sa iyo ay pagkakita, kaya, mabunying prinsesa lunasan mo yaring dusa.

165. Donya Leonora: Ah Don Juan, di ko nais libakin ka sa paghibik, kung sa iyo may nagalit subok lamang ng pag-ibig.

Pagkat marami sa puso hindi tumutupad sa pangako sa pagsinta ay mapagbiro at matuwaing sumisiphayo. Pipitasin ang bulaklak sa tangkay na nag-iingat, mahal habang di kupas pag nalanta ay dahong nalalagas.

166. Don Juan: Leonora kong minamahal, O buhay ng aking buhay, sa puso ko katauhan wala ka ng kalantahan. Bulaklak ka ng pag-ibig pabango sa aking dibdib, tuwing ako ay mahahapis lunas na ang iyong titig.

167. Don Juan: Kaya pawiin na, giliw ko, alapaap sa puso mo; sa tibay ng iyong ‘oo’ ikaw ay akin at ako iyo.

168. Tagapagsalaysay: Paguusap na matamis ng magkasi ay napatid nang umugong at yumayanig lupa’t palasyong matarik. Dumating na ang serpyente kay Leonorang may kandili kakila-kilabot ang laki umuunga na mabuti.

(magtatago si Don Juan)

169. Serpyente: Dito ay amoy tao, Leonora, bakit kaya may tao’y ikinaila?

(biglang lalabas ang prinsipe at akmang lilibakin ang serpyente) 170. Don Juan: Ang buhay mo ay magwawakas na.

171. Serpyente: Iyan ang hinahanap ko, magsisii kang totoo, amkikitil ang buhay mo.

172. Tagapagsalaysay: Ang dalawa ay naglaban nagtagpo ang kapawa tapang subalit sa kaliksihan namayani si Don Juan.

173. Donya Leonora: Don Juan tingnat narito ang balsamo na sa abwat isang ulong mapuputol, ibuhos mo. Ulong putol na mabuhusan ay hindi na mabubuhay at siya nang pagkamatay ng serpyenteng tampalasan.

174. Tagapagsalaysay: Natalo na nga ang serpyente at lumapit na si Don Juan kay Donya Leonora.

175. Don Juan: O marikit na prinsesa, tapos na ang iyong dusa. Halika na aking giliw balong ito ay lisanin, bagong lupa ang tunguhin sa iyo makaaaliw.

Aralin 4

Ang Muling Pagtataksil Kay Don Juan (651-680)

Tagpuan: Sa Bundok ng Armenya sa may bukana ng Balon

(12)

Tauhan: Don Pedro, Don Diego, Don Juan, Donya Leonora at Donya Juana

175. Tagapagsalaysay: Nanaog na ang dalawa, nagdudumaling pumunta sa kapatid ng prinsisang naghihintay sa kanila.

Si Don Pedro at si Don Diego kapwa humangan totoo; kapwa lubhang nagimbulo kay Don Juan patotoo. Itong si Don Pedro nakatingin kay Donya Leonora, tingin na may kahulugan tingin na may ibang nasa. Panibugho ang naramdaman lalo’t nang makita itong si Donya Leonora nakakapit kay Don Juan.

176. Tagapagsalaysay: Nang si Donya Leonora ay lalakad na patungo sa Berbanya, saka nalang naalala may naiwan ang prinsesa. Nalimutan sa lamesa diyamanteng singsing niya iyong lubhang mahalagat pamana ng kanyang ina.

177. Don Juan: Kung gayon, kayo rito ay maghintay balon ay aking babalikan kukunin ko ang naiwan.

178. Donya Leonora: Giliw ko ang singsing ko ay bayaan ang pagparoon mong mag-isa’y lubhan kong inaalala.

179. Don Juan: Huwag Leonorang giliw ang singsing mo ay dapat kunin dito ako ay hintayin ako agad ay babalik din.

180. Tagapagsalaysay: Si Don Juan ay nagtali sa baywang niya, napaghugos sa dalwang kapatid niyang kasama. Ngunit laking kataksilan ng kapatid na panganay, lubid niyang tangan-tangan ay pinatid kapagkuwan.

181. Don Pedro: (haharap kay Donya Leonora) Prinsesa kong minamahal aanhin mo si Don Juan? Ako naman nariritong umiibig din sa iyo. Maging siya at maging ako iisa sa pagkatao. Kapwa kami mayrong dangal prinsipe ng aming bayan, pagkat ako ang panganay sa akin ang kaharian. Kay Don Juan ano kaya ang ginhawang mapapala? Mamatay sa pagluha at mabuhay na kawawa. Kaya nga Prinsesang mahal pagsinta ko ay ayunan; pangako ko ngayon pa man reyna ka ng

kaharian.

182. Tagapagsalaysay: Nagbalik na nga ng kaharian ang magakapatid na Don at Don Diego kaagapay sina Donya Juana at Donya Leonorang nangungulila.

(Haharap sa hari ang magkapatid)

183. Don Pedro at Don Diego: Di rin namin nagtapuan ang bunso nyong minamahal, at sa amin kapaguran ito po ang natagpuan.

184. Tagapagsalaysay: At sa balak ng dalawa ukol sa pag-aasawa, si Don Pedro’y nagpauna’t ganito ang sabi niya;

185. Don Pedro Amang mapakapangyarihan, ang iyo pong kalooban siya naming igagalang. Kung ako po ang tatanungin si Leonora na ang akin; si Don Diego ay ikasal din kay Donya Juanang butihin.

186. Donya Leonora: Ako po ay di sumuway sa atas mo haring mahal, ngunit hiling ko po lamang iliban muna ang kasal.

187. Haring Fernando: Pairugan si Leonorang magpatuloy sa panata; Pedro’y pasasaan bagang di matutupad ang pita.

Ikaw naman, Donya Juana, sa anak kong pangalawa, kasal ninyo ay handa na pati ng gagawing pista.

188. Tagapagsalaysay: Nagsaya ang Berbanya sa ginawang pista samantalang sa Armenya si Don Juan ay nagdudusa.

Ang Habilin ng Mahiwagang Lobo

Tagpuan: Sa Gilid ng Kabudukan malapit sa Armenya Tauhan: Lobo at Don Juan

189. Tagapagsalaysay: Nang abutan niyong lobo katawan ay lunong luno lasog pati ang buto, dugo nanunukal sa ulo.

Pinagyaman ang prinsipe sa higa ay pinagbuti kumuha ng tatlong bote at lumipad ng malik. Tatlong boteng ay nadala dalawa ang nasa paa, kagat ng bibig ang isa Ilog Jordan tinumpa.

(babalik kay Don Juan ang laman ng bote ay ibubuhos kay Don Juan)

(agad naman gagaling itong si Don Juan at mauupo ng walang nararamdaman)

190. Tagapagsalaysay: Prinsipe’y agad lumakas nabahaw ang mga sugat nakatindig at ang gilas, ngayon ay lalong tumingkad. Sa laki ng katuwaan ang lobo ay nilapitan, niyakap at pinagyamang parang batang minamahal.

191. Tagapagsalaysay: Nagunita ni Don Juanang singsing ng kanyang hiran.

192. Don Juan: Aba’t ako ay nalibang sa pagkuha ng naiwan

Tagapagsalaysay: Kaya’t palasyo inakyat at nanaog naman agad lobo’y naro at panatag sa paghihintay sa labas.

(13)

Ang Payo ng Ibong Adarna kay Don Juan (747-776)

Tagpuan: Sa Kaparangan

Tauhan: Ibong Adarna at Don Juan

193. Tagapagsalaysay: Niyari sa kaloobang umuwi na sa kanyang bayan, puso niya ay nalulumbay sa malaong pagkawalay. Nag-inot na ng paglalakad kabundukan ay tinahak ang bagtasan ninahanap nang makarating agad.

(sasandal sa isang puno)

194. Tagpagsalaysay: Sa kanya pagkagulaylay ang Adarna ay dumatal ang prinsipe’y natanawa’t agad nakilala naman.

(aawit ang Ibong adarna) (gagamitin ang app mula kay sir Christian) aralin 19 saknong 760-774

195. Tagapagsalaysay: Sa payo ng Adarna ang prinsipe’y lumakad na nalimutan si Leonora puso na kay Maria Blanca

Panaghoy ni Donya Leonora (777-792)

Tagpuan: sa silid ni Donya Leonora sa Palasyo ng Berbanya Tauhan: Donya Leonora

196. Donya Leonora: (iiyak) O, kasi ng aking buhay lunas nitong dusa’t lumbay ano’t di ka dumaratl ikaw kaya’y napasaan? Hindi ka na nabalisa gayong ako ay nasa dusa, walang gabi at umagang di ikaw ang aking pita? Ano’t iyong natitiis ako sa ganitong sakit di ba’t ikaw aking ibig ang aliw ko kung may hapis? Pag-asa ko, aking gilw buhay ak at darating din, darating ka’t hahanguin si Leonora sa hilahil. Pagkat kung di ka binuhay ng lobo kong pinakawalan, kaluluwa mo man lamang sa aking matanaw :(

Ang Paglalakbay ni Don Juan (793-854)

Tagpuan: Sa kagubatan Tauhan: Don Juan, Ermitanyo

197. Tagapagsalaysay: Tatlong taong naglalakad sa parang at mga gubat, amsigasig ang pagahhanap sa reynong kanyang hanap. Ngunit alging naliligaw nalalayo yaong daan tila bawa gawing hakbang palayo sa reynong Cristal. Diwa’y sa awa ng Diyos sa prinsipeng napalaot sa libis ng isang bundok may matandang sa sisipot. Nilapitan ang matanda buong suyong napaawa, siya naman ay kinalinga’t dininig sa ninanasa.

198. Don Juan: Tanda, ako’y kaawaang iligtas sa kagutuman, kung may dala kayo riyan ako po ay iyong limusan.

199. Ermitanyo: Ako’y may nasa supot tinapay na durog-durog ikaw na nga ang dumukot kumain ka at nang mabusog.

200. Don Juan: Nuno’y inyong talastas ang dalita kong kayakkap sa aputang ninyong habag ako’y nagpapasalamat.

Huwag nawang ipagpalagay na kawalan kong paggalang, may isa pang kahilingan yaring abang kalagayan.

210. Ermitanyo: Ano yaon aking bunso sabihin mo at nang matanto kung kaya ng aking kuro maluwag kong ituturo.

202. Don Juan: Ako po ay naglalakbay patungo sa reynong Cristal marami nang naraana’y di ko pa rin matausan.

203. Ermitanyo: Hesus na Panginoong ko sa p;aglalakad kong ito sandaang taon nang husto bayang yaong ay ewan ko!

Ngunit kita’y tuturuan bundok na yao’y parunan mula rito ay tandaan nasa ikapitong hanay. Doon ay may ermitanyo na sasalubong sa iyo kapirasong barong ito sa kanya ipakita mo. Kung ikaw ay tanungin kung kanino galaing ang tangi mong sasabihy sa matanda pong sugatin.

Sa Dulo ng Paghihirap (855-935)

Tagpuan: Sa Gilid ng Kabundukan

Tauhan: Don Juan at Ermitanyo, tinig ng agila at olikornyo

204. Tagapagsalaysay: Samantala si Don Juan na sabibi rin ang lumbay, sa bundok at kaparangan paglakad ay hinay- hinay. Limang buwang pagallakad pitong bundok ang binagtas pitong dusa’t pitong hirap bago sinapit ang hangad. Doon ay kanyang dinatnan isang ermintanyong mahal, ang balbas ay hanggang baywang kasindak sindak pagmasdan.

(14)

205. Ermitanyo: Ika ay tuksong pagkalaki lumayo sa aking tabi. Dito ay mahaba nang araw na ako ay nanahan; tahimik kong pamumuhay, wala taong nakaalam. Ano ba ga ang iyon pakay?

(Ibibigay sa Ermitanyo ang tela bigay ng naunang Ermitanyo)

206. Don Juan: Tinutunton ko pong pilit ang Reyno de los Cristales kaharian sakdal dikit kayo ang makababatid.

207. Ermitanyo”: Ngayon kita ay tuturuan sa pampitong kabundukan sundin sanang mahinusay may matanda kang daratnan. Itong baro ko’y dalhin mo, ibigay sa Ermitanyo baka sakali ngang ito ay ang makatulong sa iyo.

208. Tagapagsalaysay: Noon din nga inatasan nitong Ermintanyo mahal ang olikornyon niyang hirang na ihatid si Don Juan.

(Lalabas ang panibagong Ermitanyo may ibang gayak)

209. Tagapagsalaysay: Sa ermitanyong makita ang damit na mahalaga prinsipe’y pinalapit na’t inabot ang barong dala 210. Ermitanyo: Tingnan kung sa aking sakop mga ibong nasa bundok, kung kanilang naaabot ang reynong Cristalinos.

(padating ang boses ng ibong agila)

211. Agila: Ermitanyong iniibig, isang lupang marikit ang reyno de los Cristales.

212. Ermitanyo: Don Juan narinig mo na ang balita ng agila kaya ngayo’y humanda ka matutupad iyang pita.

213. Tagapagsalaysay: Agila’y pinaghanda rin ng ermitanyong magiliw at mahigpit na nagbiling ang prinsipe’y doon dalhin.

//

214. Tagapagsalaysay: Dalang baon ay ubos na nakarating naman sila sa banyo ni Donya Mariang tubig ay kaaya-aya.

215. Tinig ng Agila: O prinsipe minamahal, dito na kita iiwan, mangubli sa halaman nang hindi ka mamalayan. Asahan sa ikaapat madaling araw na oras, dito’y darating na tiyak ang prinsesang iyong hanap. Paririto at maliligo ugali nang hindi ka mabigo mag-iingat sa pagtatagpo.

Si Don Juan sa Reyno de los Cristales (936-987)

Tagpuan: Sa may batis malapit sa Reyno de los Cristales Tauhan: Don Juan at Donya Maria Blanca

216. Tagapagsalaysay: Dilag ni Donya Maria walang kapantay sa kanya, ipikit man yaong mata, nasisilaw din ang ganda. Lalo pa nga nang lumapag sa sanga ng punong peras sa kariktang napagmamalas ang prinsipe ay anbihag 217. Don Juan: O himala ka ng dilag, na sa akin ay bumihag; malaki man yaring hirap nabihis ng tuwa at galak.

218. Tagapagsalaysay: Pagkat di na makatiis na timpiin ang pag-ibig, ninakaw na yaong damit ng prisesang sakdal- dikit. Nang umahonm ang prinsesa, kasuotan ay di amkita ang galit ay sabihin pa papatayin ang kumuha.

219. Donya Maria: Sino kayang lapastangan ang naparitong nagnakaw, baka ang utusan naman ng haring aking magulang? Sinuman nga ang nagnakaw ang iyon ay hidi bagay, mga kapatid koy lilisa’t ako rito maiiwan.

(lalabas si Don Juan mula sapagkakatago sa likod ng halamanan)

220. Don Juan: Huwag ko pong maging sala ang sa damit mo’y pagkuha ugali ng may opagsintang maging pangahas sa pita. Kay amahl na Prinsesa kung ako po’uy nagkasala, hintay ngayon ang parusa ng sa iyo ay may pagsinat.

221. Tagapagsalaysay: Ang prinsesa ay nahabag sa anyo ng kapos-palad, galit niya ay naglubag nahalili ay pagliyag.

Nagtindig si Don Juan at masuyong hinawakan yaong marangal na kamay ng prinsesang kanyang mahal.

222. Donya Maria: Sa ating pagsusuyuan sa atas ng pagmamahal maglihim ay kataksilan. Kay ikaw ay makinig sa aking ipagsusulit, magmalas ka sa paligid ng palasyong sakdal-dikit. Iyang iyong natatanaw mga bataong nakanay ang lahat ng tao tunay na pawang naparusahan. Ang naglapat ng parusa ay haring aking ama, pawang inengkanto niya diyan na nga napatira.

223. Donya Maria: Pagkat kita ay iniibig, pag-ibig ko ay hanggang langit, Don Juan, hindi ko nais mabilang ka sa naamis.

Kaya lahat ng bilin ko ay itanim sa loob mo, ingatan huwag mabuyo sa Amng silo at tukso. Sakaling anyayahan kan sa

(15)

palasyo ay manhik ka muna, pasalamatan ang paanyayaat paunlakan ay huwag sana. Upang siya ay maniwalang

marangal ang iyong nasa, sa kanya’y ipahalatang sa utos ay nakahanda. Anuman ang iaats tanggapin mo aking liyag hindi ikaw ang tutupad kundi akong kanyang anak.

Ang Pagsubok ni Haring Salermo (988-1060)

Tagpuan: Sa Kaharian ng Cristales

Tauhan: Donya Maria Blanca, Haring Salermo at Don Juan

224. Tagapagsalaysay: Noon naman ay gising na ang haring kanilang ama, nang dumungaw ay nakita ang prinsipeng naiiba. Pagkakita kay Don Juan, ang Haring Salermong mahal, tinanong na nag pangalan, sadya at lupang pinagmulan.

225. Don Juan: Ngalan ko po ay Don Juan, bunsong anak ng magulang sa Berbanya ay minamahal lungkot nila ay nawalay. Bayan ninyo ay nasapit sa atas ng pag-ibig pusong lumagi sa hapis ang hanap ay isang langit.

226. Haring Salermo: Kung gayon, sa palasyo ay manhik ka at dito pag-usapan natin ang alyon mong mahalaga.

227. Don Juan: Iyan po ay di papasaan, ang hintay ko ay pag-utusan ng aking makakayahan.

228. Tagapagsalaysay: Hari sa gayong pahayag ang uutusan ay tinawag salitang mabanayad mayari ang ganyang atas 229. Haring Salermo: Iyan bundok na mataas tibagin mo at mapatag, diyan mo ikakalat itong trigong aking hawak.

Ngayon ito itatanim, gabing ito ay patubuin ngayong gabi pamungahin at gabi ito ay aanihin. Sa gabing ito rin namn ay gagawin mong tinapay sa hapag ko ay magigisnang pagkaing ko sa agahan.

230. Tagapagsalaysay: Ang dunong ni Donya Maria mahigit sa kanyang ama, hawak ay mahika blangkang hinihiya ang lahat na.

231. Donya Maria: Prinsipeng kong minamahal hayo nang magpahimlay, sa layo ng paglalakbay malaki ang kapaguran.

232. Tagapagsalaysay: Ang hari nang magising na nahindig sa pagtataka pagkat sa hapag nga niya ang tinapay ay nakita.

Pagpapatuloy ng mga Pagsubok (1061-1285)

Tagpuan: Sa Kaharian ng Cristales

Tauhan: Donya Maria Blanca, Haring Salermo at Don Juan

232. Tagapagsalaysay: Praskong ingat-ingat niya madaling ipinakuha, sa palasyo nanaog na kay Don Juan ay sumama.

234. Haring Salermo: Praskong ito ay malasin ang nariyan ay amiitim, mga taong munsing munsing. Labindalawang negrito buhay naman ng mga tao, ito ay mga alaga ko, minamahal ng totoo. Sila’y pakakawalan sa laot ng karagatan, isilid mong muli namn sa prasko nilang tahanan. Sa aking pag-aagahan sa umaga ay kailangan, mga Negrito ay datnan sa hapag kong kinakanan.

235. Tagapagsalaysay: Ikapat ng tugtugin ang prinsesa ay nagturing;

Donya Maria: Halika na aking gilw, at ang ilaw ay bitbiti. Akin naman iyan prsako sa dagat tayo patungo, sa

tubiglulusong tayo tatawagin ang Negrito. Bawat dumating sa inyo pumasok agad sa prasko, nasa tubig man kayo ay magsisilab sa galit ko.

236. Tagapagsalaysay: Nagsidating at pumasok na giniginaw sa takot, nang sa prasko ay mapaloob wala kibo at nakaukmot.

237. Donya Maria: Ak ay siya nang abhala na sa prasko ay mamahala, natitiyak kong ammaya ang ama ko ay hahanga.

238. Tagapagsalaysay: Haring Salermo ay angising prasko agad nang napansin mga Ita nang bilangin kabilang ay dati rin. Kay nang kinabukasan pinatawag si Don Juan, masiglang humarap naman sa Haring Salermong mahal.

239. Haring Salermo:Ang ibig ko ay iyon bundok dito ay iyong iusod isang malaki kong lugod na hangarin ay mabusog.

Iatapat mo sa bintana pagkatayo tamang-tamang hanging diyan magmumula sa palasyo maging sula. Kaya hayo na Don Juan ihanda ang kailangan, kung mabibigo ka riyan kapalit ang iyong buhay.

(16)

240. Tagapagsalaysay: Nagpaalam na ang prinsipe na gulo ang dili-dili, kung wala ang kanyang kasi natapos na nag sarili.

(lalapit si Don Juan kay Donya Maria)

241. Donya Maria: Walang dapat ipanimdim, magaan ang kanyang hiling magagawa nang magaling

242. Tagapagsalaysay: Ikaapat ng umaga nang maganap yaong pita, pagkat gawa ng mahika nayari sa kisap mata.

Nagising itong hari makita ang pagkayari, himalang hindi amwari nagulo ang kanyang budhi.

(lalabas ang Haring Salermo mamangha sa nakikita)

243. Haring Salermo: Hanga ko ay walang kapantay sa hawak mong karunungan. Hiling ko ngayon bundok ay itabon sa gitna niyang maugong na dagat na madaluyong. Doon ay amging kastilyo sa umaga makita ko ang kanyang mga

simboryo anyong bilog ay pareho. Itong moog ay tayuan ng gulod na pitong hanay mga kanyon ang nariyan pananggol ng kaharian. Gumawa ka ng langsangan na aking malalakaran mula sa palasyo real hanggang moog na iyan.

244. Tagapagsalaysay: Nabatid ni Donya Maria ang utos ng kanyang ama, mabigat ma napatawa kahulugan ay kaya niya.

245. Donya Maria: Bukas din magigisnang yaring-yari at walang kulang itong buong kaharian mamamangha pag matanghal.

246. Tagapagsalaysay: Ang haring nagugulaylay sa silid niyang tulugan, nagising sa dagundungn ng sa kanyong mga angal. Si Don Juan ay niyayang mag-aliw sa kagagawang tanggulang kahanga-hanga na bunga ng kanyang nasa.

(Muling lalapit si Donya Maria kay Don Juan)

247. Donya Maria: Don Juan, iyong sabihin ang utos ng Hari natin, nang ngayon aking malining at ang gabi lumalalim.

248. Don Juan: Ang singsing daw nga ama mo ay nawala di naiino ngaypon gabi ay hanapin at kailangan nyan totoo.

249. Tagapagsalaysay: Tumugpa sila sa dagat at sa batya ay sumakay, lulan agad napalaot na maingat sa gitna sila tumambad.

250. Donya Maria: Ngayon ako ay tadtarin mo, tadtarin mong pinong-pino ngunit ingatang totoo may matapong kapiraso. Kung tadtad na ay ihulog nang sa tubig ay lumubog, katawan kong durod-durog isdang sisid sa pusod. Habang akao ay wala pa huwag matutulog sana, gagawain mo ay mag-abang ka sa paglitaw ko ay taon na.

251. Tagapagsalaysay: Gawa na ang lahat-lahat ang prinsesa ay natadtad, isdang-buhay na sa dagat ang singsing ay hinahanap. Paghanap ay antagalan nang di gayon-gayon lamang, nakatulog si Don Juan at ang pangko nalimutan.

252. Donya Maria: Aksayahin nati’y huwag ang panahong lumilipas, tadtarin mo agad sa tubig muling ikalat.

253. Tagapagsalaysay: Sa pagtadtad sa prisesang, oras ay hinabol na, tumalsik nang di napuna dulo ng daliri niya. Muli siyang naging isda, singsing ng hari ang nasa, sasandali ang pagkapa umahon na at tuwang-tuwa.

254.Donya Maria: Tingnan mo Don Juan, ang daliri ko ay kulang ito ay iyong tatandaan sa aking pagkilalan.

255. Tagapagsalaysay: Panibagong pagatataka sa mukha ng hari ay badya ang nawawalang singsing niya bumulaga na sa kanya.

(17)

Ang Pagtakas nina Don Juan at Donya Maria (1286-1381)

Tagpuan: Reino de los Cristales

Tauhan: Haring Salermo, Don Juan, at Donya Maria

256. Tagapagsalaysay: Tatlong silid ay may butas/sa pintuan ay namamalas/ naroroon ang tatlong anak /mga talang sakdal dilag. Hintuturong nakasuot /pinigiling buong lugod.

(ang tatlong babae ay nasa loob ng tigisan kahon tanging daliri lang ang nakalabas sa butas) (lalapit si Don Juan sa pintu kung saan naroon si Donya Maria)

257. Don Juan: Mahal na Hari, narito ang aking irog.

258. Tagapagsalaysay: Hari’y hindi makahuma dala ay parang napatda mahal pa naman sa kanya ang ngayon mawawalay na.

259. Donya Maria: Ngayon din ay aalis tayo, sa Berbanya patutungo, magpaumat-umat dito masama na sa haka ko. Yari na sa aking amang dalhin ka sa Inglatera, naroon ang aking tiya pakakasal ka sa kanya.

260. Tagapagsalaysay: Tumakas na ang magkasi sigla at tuwa ay nakasindi, sa takbong pinagbubuti mapagitna, mapatabi. Ang hari ay malapit na at madarakip na nga sila, ang ginawa ng prinsesa pinairal ang mahika. Wala na siyang magawa pati lakas ay nawala, amang anak ang humiya ang anak ay sinumpa.

261. Haring Salermo: At sakaling sumapit ka sa kahariang ng Berbanya, malimot ng iyong sinta sa pagluha at pag-iisa.

Itakwil ka at pabayaan sa iba siya pakasala, ito ay siyang kabayaran sa gawa mong kataksilan.

262. Tagapagsalaysay: Bayaan sa pagluluksa ang kaharian may luha, tayo ay may tadhanang magbabalik din sa lupa.

Ang Muling Pagbabalik sa Berbanya

Tagpuan: Kaparangan Malapit sa Kaharian ng Berbanya/ Sa kaharian ng Berbanya

Tauhan: Don Juan, Donya Maria/ Don Juan, Donya Leonora, Haring Fernando, Don Pedro, Don Diego, Donya Valeriana

263. Tagapagsalaysay: Matapos ang madlang dusa at layuan ang kanyang ama sumapit din sa Berbanya sa sakuna’y ligtas sila.

264. Don Juan: Ako ngayon ay haharap sa ama kong nililiyag upang kanyang matalastas ang sa atin ay marapat. Kaya giliw, mayag ka nang dito ay iwan muna kita, pangako ko at umasang mamaya rin ay kapiling ka.

265. Donya Maria: Kung gayon ay isang hiling, ipangako mo sa aking ito ay di mo lilimutin. Hinihingi ko sa iyong pagdating mo sa palasyo iwasan sanang totoo sa babae ay makitungo. Ang hiling ko pagnilabag asahan mong mawawakwak ang dangal ko at yaring palad sa basahan matutulad.

266. Tagapagsalaysay: Prinsipe ay humayo na sa palasyo ay mangyari pa nang dumating anong sigla at kaharian ay nagsaya. Ang lahat na ay nagdumugang sumalabong kay Don Juan, ama at ina nabuhayan yakap na sa bunsong mahal.

Lalo itong si Leonorang pitong taong nagdurusa, nang marinig yaong sinta’y hinimatay na saya.

267. Tagapagsalaysay: At noon na nagpahayag na angluha ay nalaglag.\

268. Donya Leonora: Mahal na Hari patawad sa gawa kong hindi dapat. Ngayon ay ipagtapat sa inyo po at sa lahat, sa puso ko ay ang may hawak si Don Juan, iyong anak. Dito ako pakasala pagkat isang kataksilang hanggang langit isisigaw ang sumpa ko ay talikuran.

269. Donya Leonora: Si Don Juan at dili iba ang sa akin ay kumuha sa balon ang palamara ay anak mo pong dalawa.

270. Tagapagsalaysay: Hari sa kanyang narinig matagal ding di umimik ang hiwaga’y iniisip an tutop ang kanyang dibdib.

(18)

271. Haring Fernando: Pag-iisang dibdib ninyo ay gagawuin sa linggo ito ganito ang pasiya ko’t nang matapos na nag gulo.

Poot ng Naunsyaming Pag-ibig (1429-1573)

Tagpuan: Malapit sa Kaharian ng Berbanya

Tauhan: Donya Maria. Don Juan, Haring Fernando, Reyna Valeriana, Don Diego, Don Pedro, Negrito, Negrita at Arsobispo

272. Tagapagsalaysay: Natalos ni Donya Maria sa tulong ng dunong niya ang prisipeng kanyang sinta nakalimot nang talaga. Ikakasal ay di iba at si Don Juan at si Leonora ang higanti ay handa na at gagawin ni Donya Maria.

273. Tagapagsalaysay: Pinigil muna ang kasal sa dadalo ay alang-alang ugali ng kamahang panauhin ay parangalan. Sa palasyo ay lalo nang nag-ibayo yaong sigla lumuklok si Donya Mariang katabi ng bunying reyna.

274. Donya Maria: Haring makapangyarihan, mahalaga yaring pakay sa pagdalo sa kasalan. Marapatin kaya baga ng bunying Hari at Reynang isang laro ay ipakita na handog ko sa kanila?

275. Haring Fernando: Emperatris na marilag ipakita ang palabas harinawang makadaragdag sa kasayahan ng lahat.

276. Tagapagsalaysay: Isang prasko na may tubig malaki at sakdal dikit dito naman ay nakasilid dalawang itang maliit.

Sinimulan na ang palabas ang musiko ay naghudyat ang Negrita ay umindak ang Negrito ay lumibad. Tuawa at ganda ng palabas lalo pa manding tumingkad nang ihinto ang paglibad at dula na ang ihayag. Nagharap ang mga Ita mayabang ang kilos nila, at sa madlang nakamata paranf nagmamalaki pa.

277. Negrita: Gunitain mo Don Juan ang lahat nang kahirapan ni Donya Maria mong hirang nang dahil sa iyo lamang.

Kung limot mo nang talaga at sa gunita ay wala na, yaring hawak kong suplina ang magpapaalala.

278. Tagapagsalaysay: Ang Negrito ay binigwasan nang matindi sa katawan datapwat ang nasaktan ang prisipeng si Don Juan

279. Negrita: Sasariwain kong lahat kung limot mo na sa hagap. Ikaw yaong inutusan ni Haring Salermong mahal, hulihin sa karagatan ang Negritong pinawalan.

280. Negrito: Wala akong natatalos ni ng tinibag na bundok ni ng dagat na inarok.

281. Tagapagsalaysay : Sa gayo’y muling pinalo itong Negritong palalo, si Don Juan nakaupo sa sakit ay napatayo.

282. Negrita: Kung limot mo ay sariwa pa sa akin ngang alala, ang hiniling ng Monarkang ang gumawa ay ang prinsesa.

Nang kayo’y makaalis na at habulin ng Monarka, sino nga ang unang-unang sa kamatayan ay sumugba. Pagkat ikaw minamahal ng Prinsesang itinanan, nang kayo nag ay naabutan ama niya’y kinalaban. Alam mong lahat iyan? Wala akong nalalaman

(Muling papaluin ang Negrito)

283. Negrita: Naputol kong pagbabadya ngayon ay durugtungan ko na Don Juan, makinig sana. Ang totoo ay makinig ka nang iyong maalala, sa galit ng kanyang ama ay isinumpa ang Prinsesa. Ang Prinsipe ay pakasal sa iba Prinsesa naman, anak niya ay gumapang sa malaking kahirapan. Ito bagay di na abtid wala na sa iyong isip?

284. Negrito: Wala nga sa aking lirip.

285. Tagapagsalaysay: Yaong si Donya Mariang ang puso ay nagdurusa sa upo ay nagtindig na’t sa galit ay nagbabaga.

(hawak ang prasko ni Donya Maria)

286. Donya Maria: Don Juan diyata baga hindi mo nakikilala ako na si Donya Maria.

287. Tagapagsalaysay: Babasagin na ang prasko upang gunawin ang reyno ang lahat na sa palasyo ay nagitlahanng totoo. Noon lamang nagliwanag kay Don Juan lumipas, nakilala at niyakap ang prinsesang kanyang liyag. Humarap sa akpulungan at sa amaay nagsaysay.

288. Don Juan: Amang makapangyarihan dito ako pakakasal.

(19)

289. Tagapagsalaysay: Sa nangyari, ang palsyo dinalaw ng bagong gulo, si Leonorang nakatungo nagtaas ng kanyang ulo.

290. Donya Leonora: Haring makapangyarihan sa amin ay tumatanglaw dinggin ngayon ang hinakdal ng aba kong kapalaran. Isang balon pagkalalimm ang pinto ng bahay namin pahugos na papasuki at itaas manggaling. Dito ako natagpuan ng Prinsipeng si Don Juan, sa kanyang panambitan naggin kanya yaring buhay.

291. Donya Leonora: Nilisan namin ang balon, kaming tatlo ay umahon, nang paalis na sa burol bigla akong napaurong.

Ang singsing kong mianamahal mana ko pa sa magulang, sa palasyo ay naiwan ang ibig ko ay pabalikan. Nnag mapuna yaring hapis ng Prinsepeng aking ibig, ayaw ko man ay nagpilit na siya na ang magbalik.

292. Donya Leonora: May sampung dipa po lamang ang naabot ng katawan; ang taling umaalalay pinatid na ng sukaban. Sa mungkahi ni Don Pedro at pag-asangyon ni Don Diego, ang marangal na bunso nyo pinagtulungang nililo.

Pabayaan ang wala na kayo ay aming isasama, at pagdating sa Berbanya gagawin ang nita.

293. Tagapagsalaysay: Hari sa kanyang narinig ay napoot at anhapis poot sa mga balawis hapis sa nagpakasakit. At noon di ay inilagda ang hatol na magagawa; sa pangalan ng Bathala, ang nauna ay may pala. Nagtindig si Donya Mari na sa hari’y nakamata, parang tinatanong niya kung hatol ay tumpak na.

294. Donya Maria: Sa palabas na natapos kagaya ng inyong talos napakinggan at napanood buhay naming magsing-irog.

295. Tagapagsalaysay: Sa sarili ay nawaring hatol niya ay mali sakali mang mababawi di magawa at siya ay hari.

Anyong hilo ay di nalingid sa prinsesang nakatitig kaya ito ay naghumindig sa tayo at pagkamatuwid.

296. Donya Maria: Haring mahal ipatawad sabihin kong ito’y batas kung minsan po ay nabubulag sa paghatol ng di- tumpak. Ako po ay naging taksil at sa ama ay nagsuwail, dahil lamang sa paggiliw kay Don Juang papatayin. O, pagsinta na ang lakas kalabanin ay kahirap, pag ikaw na ang bumihag hahamakin na ang lahat!.

297. Tagapagsalaysay: Hari ay sadyang natigilan sa narinig na salaysay arsobispo ang hiningan ng tumpak na kahatulan

298. Arsobispo: Utos ito ng simbahan at batas ng Kalangitan ang una’y maya karapatan sa pag-ibig ni Don Juan.

299. Tagapagsalaysay: Nagdamdam si Donya Maria at sa kawalan ng pag-asa, sa sarili ay nagbabagang ganito ang parilala:

300. Donya Maria: O, ngayon ko napagtanto batas ng tao ay liko: sa mali ay anong amo at sa tumpak ay lumayo.

301. Tagapagsalaysay: Pinagdiliman ang prinsesa at sa galit na nagbabaga nawala ang awa niya at ang higanti ay ginawa na. Ang tubig sa kanyang prasko ay ibinuho sa palasyo, bumaha sa buong palasyo nasindak ang mga tao.

302. Don Juan: Maglubag na, aking giliw sa galit mong kinikimkim, kahit ano ang marating ako ay iyo at ikaw ay akin.

Kung tunay mang si Leonora ay nahandugan ng pagsinta, ngunit di ko mababatang kay Don Pedro ay malayo na. Maging siya ay makasal kay Leonora ay karangalan si Leonora ay isang banal marapat sa pagmamahal.

303. Don Juan: Arsobispo at Amang mahal sa ngalan ng katarungan, kami ngayon ay ikasal ni Donya Mariang hirang.

304. Tagapagsalaysay: Hari agad na nagpasiyang si Don Pedro at si Leonora pag-isahing kasabay na ni Don Jaun at Donya Maria. Sa pasiyang inilagda, si Donya Maria ay natuwa, si Leonora nama ay walang naging tutol ni bahagya.

Isinabay na rin dito ang hangad ni Don Fernando bna ang korona at set ay isalin sa haring bago. Datapwat si Donya Maria ay nagkusang magpaunan na nagsabing bayaan nang si Don Pedro ang magmana.

305. Donya Maria: May sarili si Don Juan, kami po ay hinihintay sa kay amang kaharian.

306. Tagapagsalaysay: Pinutungan si Don Pedro at nagputong ay arsobispo, ibinigay pati setro at anghari na sa reyno.

Matapos ang kasayahan si Donya Maria at Don Juan nagbalik sa kahariang pugad nila ay suyuan.

307. Tagapagsalaysay: Dinatna ang kaharian nasa ibang kamay, kapatid at magulanmg ay wala na at nagsipanaw. Ang lahat na ay kumilala sa nagbalik na prinsesa, kung ang hari ay yumao na, sila naman ay may reyna. Pinutungan ng korona’t si Don Juan ay hari na, at sa ulo ng prinsesa marikit na dyadema.

308. Tagapagsalaysay: Kaharian ay napatanyag sa buti ng pamamalakad, kabuhayan ay umunlad walang taong naghihirap. Mga halimbawa ito ay namana ng mga tao, kaya sila nang yumao, nagluksa ang buong reyno.

WAKAS

(20)

Referensi

Dokumen terkait

Narrator: Namangha si Maria Clara nang idilat ang kanyang mga mata dahil sa namalas niyang anyo ni Padre Damaso.. Siya’y lumabas, at sa silong ng balag na nasa balkon ni Maria Clara

Ikakasal na sina Juan at Leonora kinalingguhan ngunit hindi pa tapos ang lahat para kay Donya Maria. SAKNONG 1438-1574 BAKAS NG NALIMOT

Iniurong ni Padre Camorra ang kanyang katawan na wari’y may pagkasuklam, 13 si Padre Salvi ay tuminging malapit na wari’y nakaaakit sa kanya ng mga bagay na ukol sa libingan; 14

espeeyalidad ng aming lah'1,mula sa".. :MA IWAN·SI JUAN SA TANuHALAN AT SIY!,~AMAN.. .> ANG lU.GLtLINIS.. Iloilo ang

Don Diego, matagal na tayong naghihintay para sa pagbabalik ng iyong nakatatandang kapatid na si Don Pedro kaya panahong ika’y pupunta sa bundok ng Tabor upang hanapin ang

Napanood mo ba ang nakaraang kabanata ng palabas sa telebisyong May Bukas Pa, na pinagbibidahan ni Zaijian Jaradilla, ang Miracle Boy, kung saan si Donya Anita ang sinisisi

Act XXIV – Ang Prusisyon / Si Donya Consolacion (Scene: Nagsimula na ang prusisyon sa San Diego. Kasama dito sina Kapitan Heneral at si Ibarra. Napadaan ang prusisyon sa bahay ng

Sa pagtalakay sa ibaba, matutunghayan na ang pinaunlad na paninindigan ni San Juan sa kanyang kritika ng Third Word literature, diaspora, at maging ang politikal na kondisyon ng