• Tidak ada hasil yang ditemukan

Ang Mga Pagdiriwang Ng Mga Mahal Na Araw

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Membagikan "Ang Mga Pagdiriwang Ng Mga Mahal Na Araw"

Copied!
224
0
0

Teks penuh

(1)

▸ Baca selengkapnya: patotohanan ang sinabi ni san miguel na hindi pa rin maganda ang kalagayan ng mga bata at patuloy pa rin ang paglabag sa kanilang mga karapatan.

(2)
(3)

3

Ang mga Pagdiriwang ng

mga Mahal na Araw

(4)
(5)

5

ANG MGA MAHAL NA ARAW

 Sa natatanging linggong ito, ipinagdiriwang ng Simbahan ang mga misteryo ng kaligtasan na ipinagtamo para sa atin ng Panginoong Hesukristo noong mga huling araw ng buhay niya sa lupa. Nagsisimula ito sa pagdiriwang ng Linggo ng Palaspas sa Pagpapakasakit ng Panginoon at nagtatapos sa pagdiriwang ng Pagpapakasakit at Muling Pagkabuhay ng Panginoon.

 Ang apatnapung araw ng paghahanda sa Pasko ng Muling Pagkabuhay ay nagtatapos sa Pagmimisa sa Pagtatakipsilim sa Paghahapunan ng Panginoon.

 Ang Tatlong Araw ng Pagpapakasakit, Pagkamatay at Muling Pagkabuhay ng Panginoon ay nagsisimula sa Pagmimisa sa Pagtatakipsilim sa Paghahapunan ng Panginoon, kasama ang Biyernes Santo at Sabado sa Pagkamatay ng Panginoon; nakasentro sa Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko ng Pagkabuhay; at matatapos sa ikalawang panalangin sa pagtatakipsilim ng Pasko ng Pagkabuhay.

 Ang mga araw ng Lunes hanggang Miyerkules ng linggong ito ay mailalaan para sa pagdiriwang ng pagsisisi at pagbabalik-loob. Nararapat na hindi magdiwang ng mga sakramento ng binyag (maliban kung may tunay na pangangailangan) at kumpil sapagkat ang mga ito ay may sadyang nakalaang bahagi sa Magdamagang Pagdiriwang ng Pasko ng Pagkabuhay.

 Upang maging mas mabunga ang pakikilahok ng sambayanang Kristiyano sa mga pagdiriwang ng linggong ito, nararapat lamang na sila ay turuan ng mga kura-paroko ukol sa mga kahulugan at kahalagahan ng mga pagdiriwang na ito.

(6)

6

ANG LINGGO NG PALASPAS SA PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON MGA TAGUBILIN AT PALIWANAG

 Ang araw na ito ng Linggo ay Linggo ng Alay Kapwa at Pandaigdigang Araw ng mga Kabataan. Nararapat ng magkaroon ng isang espesyal na koleksyon para sa mga programa ng Alay Kapwa.

 Sa araw na ito, sinisimulan ng Simbahan ang kanyang pagninilay ukol sa Pagpapakasakit, Pagkamatay at Muling Pagkabuhay ng Panginoon sa pamamagitan ng pagpapahayag ng matagumpay ng pagpasok ng Panginoon sa Jerusalem, at ng kanyang Pagpapakasakit at Pagkamatay. Nararapat na ang dalawang aspetong ito ng misteryo Paskuwal ay maipaliwanag sa sambayanan.

 Ang pagpasok ng Panginoon sa Jerusalem ginugunita sa pamamagitan ng isang maringal na prusisyon. Nararapat na gawin ito sa mga parokya, ngunit sa pangunahing Misa lamang kung maraming Misang ipagdiriwang sa araw na yaon sa parehong simbahan. Maaari itong ganapin sa gabi ng Sabado, o sa araw mismo ng Linggo.

 Ang maringal na prusisyon ay magsisimula sa isang kapilya o sa isang naaayong lugar. Doon babasbasan ang mga palaspas. Ang sambayan, gayon din ang pari at mga tagapaglingkod, ay iwawagayway ang kanilang mga palaspas at aawit habang nagpuprusisyon.

 Sa ibang Misa na hindi gagawin ang maringal sa prusisyon o kung hindi magagawa ang maringal na prusisyon ay gagawin ang maringal na pagpasok. Ito ay sismulan sa labas ng pasukan simbahan. Maaari itong ulitin sa iba pang Misa na maraming nagsisimba. Sa ibang mga Misa ay gagawin ang simpleng pagpagpasok.

 Pula ang gagamiting kasuotan. Sa prusisyon, maaaring magsuot ng plubyahe, napapaltan ng kasulya sa pagsapit sa altar.

 Ang mga palaspas ay maaring mula sa puno ng palma, o iba pang puno na may madahong sanga.

 Ang krusipihong pamprusisyon ay maaaring palamutian ng dalawang maliliit na palaspas na magka-ekis. Ang altar naman ay maaaring palamutian ng mga pulang bulaklak at mga palaspas.

 Mainam na basahin ang Pagpapakasakit ng Panginoon nang buo, ngunit hindi malalaktawan ang ibang mga pagbasa. Dapat na magkaroon ng homiliya.

 Ang prusisyon ng Aklat ng Mabuting Balita ay gagawin nang walang kandila, ngunit maaaring may insenso. Walang pagbati sa unahan at katapusan. Hindi rin ito hahalikan.

(7)

7

ANG LINGGO NG PALASPAS SA

PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON

(8)
(9)

9

ANG LINGGO NG PALASPAS SA

PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON

PASIMULA

Sisimulan ang pagdiriwang sa isang pook na pagtitipunan ng mga tao. Doon pasisimulan ang seremonyas ng Pagbabasbas ng Palaspas at ng Maringal na Prusisyon. Ang pari ay mainam na magsuot ng pulang plubyahe, na kanyang papalitan ng kasulyang pula sa simula ng Misa pagsapit ng simbahan.

Pari. Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.

Bayan.Amen.

Ang pagpapala ng ating Panginoong Hesukristo, ang pag-ibig ng Diyos Ama, at ang pakikipagpakisa ng Espiritu Santo nawa’y sumainyong lahat.

B.At sumaiyo rin.

Mga minamahal na kapatid: Limang lingo na tayong naghahanda para sa pagdiriwang ng Pasko ng Pagpapakassakit at Pagkabuhay ng Panginoon. Sinikap nating unawain at tuparin ang ating pananagutan sa Diyos at sa kapwa-tao alinsunod sa aral at halimbawa ni Hesukristo. Kaisa ng buong Simbahan, sinisimulan natin ngayon ang mga Mahal na Araw.

Si Kristo at matagumpay na pumasok sa kanyang lungsod upang tuparin ang kanyang gawain bilang Mesisyas: ang magpakasakit, mamatay at muling mabuhay para sa ating kaligtasan.

Taimtim nating sariwain sa ala-ala ang kanyang pag-aalay ng sarili para sa kapwa at sundan natin

(10)

10

siya nang may buhay na pananampalataya. Kaisa niya sa pagdurusa sa krus, tayo nawa ay makahati niya sa kanyang pananaig sa kamatayan at sa kanyang bagong buhay.

PAGBABASBAS NG MGA PALASPAS

Manalangin tayo.

Saglit na katahimikan.

Ama naming makapangyarihan, ang mga palaspas na na ito ay iyong pagpalain at pabanalin upang sa masaya naming ipagbunyi sa Mesiyas na aming hari siya’y aming masundan at sa pamamagitan niya’y aming sapitin ang hindi magmamaliw na lunsod ng Jerusalem na kayang pinaghaharian kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

B.Amen.

___________________

O kaya:

Ama naming makapangyarihan, pag-alabin mo ang pananampalataya ng ng mga nananalig sa iyo, at ang mga kahilingan namin ay paunlakan upang kaming mga may sanga ng palaspas bilang parangal sa inaning tagumpay ni Kristo ay mamunga para sa iyo sa pakikiisa namin sa kanyang mabubuting gawain kasama ng Espiritu Santo magpasawalng hanggan.

B. Amen.

Pagkatapos nito, tahimik na wiwisikan ng Banal na Tubig ang mga palaspas. Aabutan ng punong tagapagdiwang ng mga palaspas ang mga kinatawan ng labindalawang apostol.

(11)

11

PAGPAPAHAYAG NG MABUTING BALITA

Aawitin ang awit sa Mabuting Balita habang nilalagyan ng pari ng insenso ang insensaryo. Matapos, hihingin ng diyakono ang basbas ng pari, at magpuprusisyon siya na pinangununahan ng insesaryo at mga tagapaglingkod na may tangang kandila patungo sa lugar na pagpapahayagan ng Mabuting Balita. Samantala, ibibigay sa punong tagapagdiwang ang palaspas na inihanda para sa kanya.

Sumainyo ang Panginoon. At sumaiyo rin.

Taon A Mateo 21, 1-11

Pagpalain ang dumarating sa ngalan ng Panginoon.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo.

B.Papuri sa iyo, Panginoon.

Malapit na sila sa Jerusalem. Pagdating nila sa Betfage, sa Bundok ng mga Olibo, pinauna ni Hesus ang dalawang alagad. Sinabi niya sa kanila, “Pumunta kayo sa susunod na nayon. Makikita ninyo roon ang isang inahing asno na nakatali, kasama ang kanyang bisiro.

“Kalagin ninyo at dalhin dito. Kapag may sumita sa inyo, sabihin ninyong kailangan ng Panginoon, at hindi na kikibo iyon.”

Nangyari ito upang matupad ang sinabi ng propeta:

“Sabihin ninyo sa lunsod ng Sion: Masdan mo, dumarating ang iyong hari,

Siya’y mapagkumbaba; Nakasakay sa isang asno,

(12)

12

Lumakad nga ang mga alagad at ginawa ang iniutos ni Hesus. Dinala nila ang inahing asno a ang bisiro. Isinapin nila sa likod nito ang kanilang balabal, at sumakay si Hesus. Maraming naglatag ng kanilang balabal sa daan; ang iba nama’y pumutol ng mga sanga ng kanoy at inilatag din sa daan. Nagsisigawan ang mga taong nauna at sumusunod sa kanya: “Mabuhay ang anak ni David! Pagpalain ang dumarating sa ngalan ng Panginoon. Purihin ang Diyos!” Pagpasok ni Hesus sa Jerusalem, nagulo ang buong lunsod. “Sino kaya ito?” tanong nila. “Si Hesus, ang propetang taga-Nazaret, Galilea,” sagot ng karamihan.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

B.Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

Taon B Marcos 11, 1-10

Pagpalain ang dumarating sa ngalan ng Panginoon.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos.

B.Papuri sa iyo, Panginoon.

Malapit na si Hesus sa Jerusalem—sa gulod ng Bundok ng mga Olibo at natatanaw na ang mga bayan ng Betfage at Betania. Pinauna ni Hesus ang dalawa sa mga alagad, at sinabi sa kanila, “Pumunta kayo sa susunod na nayon. Sa pagpasok doo’y makikita ninyong nakatali ang isang bisirong asno na hindi pa nasasakyan ninuman. Kalagin ninyo’t dalhin dito.Kapag may nagtanong kung bakit kinakalag ninyo iyon,

(13)

13

sabihin ninyong kailangan ng Panginoon, at ibabalik din agad dito.”

Kaya’t lumakad na sila at natagpuan nga nila ang asno sa tabi ng daan, nakatali sa may pintuan ng isang bahay. Nang kinalag na nila ang hayop, tinaong sila ng ilan sa mga nakatayo roon, “Bakit ninyo kinakalag iyan?” Sumagot sila gaya ng bilin sa kanila ni Hesus, at hinayaan silang umalis.

Dinala nila kay Hesus ang bisirong asno, at matapos isapin sa likod nito ang kanilang mga balabal, ito’y sinakyan ni Hesus. Maraming naglatag ng kanilang mga balabal sa daan; ang iba nama’y pumutol ng madahong sanga ng kahoy at siyang inilatag sa daan.

Ang mga tao sa unahan at hulihan niya’y sumisigaw ng “Hosana! Pagpalain ang dumarating sa ngalan ng Panginoon! Pagpalain nawa ang ang kaharian ng ating amang si David, na muling itatatag! Purihin ang Panginoon!”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

B.Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo.

Taon C Lucas 19, 28-40

Pagpalain ang dumarating sa ngalan ng Panginoon.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Lucas.

B. Papuri sa iyo, Panginoon.

Noong panahong iyon, nagpauna si Hesus patungong Jerusalem. Nang malupit na siya sa Betfage at Betania, sa Bundok na kung tawagi’y

(14)

14

Bundok ng mga Olibo, pinauna niya ang dalawang alagad. Sinabi niya sa kanila, “Pumunta kayo sa susunod na nayon. Sa pagpasok doo’y makakita ninyo ang bisirong asnong nakatali; hindi pa ito nasasakyan ninuman. Kalagin ninyo at dalhin dito. Kapag may nagtanong kung bakit ninyo kinakalag, sabihin ninyong kailangan ng Panginoon.” Kaya’t lumakad ang mga inutusan at natagpuan nila ng asno, ayon sa sinabi sa kanila ni Hesus.

Samantalang kinakalag nila ito, tinanong sila ng may-ari, “Bakit ninyo kinakalag iyan?”

“Kailangan ito ng Panginoon,” tugon nila. Dinala nila kay Hesus ang asno, at matapos isapin sa likod nito ang kanilang mga balabal, siya’y pinasakay nila. Nagpatuloy si Hesus sa kanyang paglalakbay, at sa kanyang daraanan nama’y inilatag ng mga tao ang kanilang mga balabal. Nang malapit na siya—palusong sa libis ng Bundok ng mga Olibo—nagsigawan sa galak ang buong pangkat ng mga alagad at malakas na nagpuri sa Diyos dahil sa mga kababalaghang nasaksihan nila. Ang wika nila, “Purihin ang kaharian ngdumarating sa ngalan ng Panginoon! Kapayapaan sa langit! Purihin ang Diyos!”

Sinabi sa kanya ng ilang Pariseong kasama ng mga karamihan, “Guro, sawayin mo ang iyong mga alagad. ” Sumagot siya, “Sinasabi ko sa inyo; kapag tumahimik sila, ang mga bato na ang sisgaw.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.

(15)

15

MARINGAL NA PRUSISYON

Kasunod ng pagpapahayag ng Mabuting Balita, hihmukin ng diyakono o kung walang diyakono, ng pari, ang mga tao upang pasimulan ang prusisyon sa ganitong mga pananalita:

Diyakono o Pari: Mga minamahal na kapatid, tularan natin ang mga tao na nagbunyi kay Hesus. Halinang magprusisyon sa kanyang karangalan taglay ang kapayapaan.

Matapos nito, await ang koro ng nayon na awit sa maringal na prusisyon. Lalakad ang lahat, at pagsapit sasimbahan, kakantahin ni koro ang Lauda Jerusalem.Pagsapit ng pari sa altar, siya ay magbibigay-galang at tutungo sa

upuan, at magbibihis ng kasulyang pula. Itutuloy ang Misa sa pambungad na panalangin.

PAMBUNGAD NA PANALANGIN

Manalangin tayo.

Saglit na katahimikan.

Ama naming makapangyarihan, ginawa monghalimbawang dapat tularan ang Tagapagligtasnaming naging di iba sa aminpara ang krus namin ay akuin.Pagindapatin mong sa mga pagdiriwang ay aming kamtinang kanyang ulirang pagkamatiisinat ang pakikisalo sa pagkabuhay niyang maningning. Sa pamamagitan niya kasama ng Espiritu Santomagpasawalang hanggan.

B. Amen.

Isusunod ang mga pagbasa ayon sa nakagawian. Ngunit ang pagbabasa ng Pagpapakasakit ng Panginoon ay gaganapin na walang insenso o kandila. Hihilingin pa rin ng diyakono ang pagbabasbas ng punong tagapagdiwang habang inaawit ang awit sa Mabuting Balita. Pasisimulan ang pagbasa nito nang walang pagbati.

(16)
(17)

17

PAGPAPAHAYAG NG

SALITA NG DIYOS

UNANG PAGBASA Isaias 50, 4-7

Handa akong magtiis na sampaling parang bato pagkat aking batid na ang sarili ko’y di mapapahiya.

Pagbasa mula sa aklat ni Propeta Isaias.

Ang Makapangyarihang Panginoón ang nagturo sa akin ng sasabihin ko,

para tulungan ang mahihina.

Tuwing umaga’y kaniyáng binubuksan ang aking pandinig.

Nananabik akóng malaman kung ano ang ituturo niyá sa akin.

Binigyan niyá akó ng pang-unawa,

hindi akó naghimagsik ni tumalikod sa kaniyá. Hindi akó tumutol nang bugbugin nila akó,

hindi akó kumibo nang akó’y kanilang insultuhin. Pinabayaan ko siláng bunutin ang buhok ko’t balbas, gayon din nang lurhan nila akó sa mukha.

Ang mga pagdustang ginawa nila’y di ko pinapansin, pagkat ang Makapangyarihang Panginoón ang

tumutulong sa akin.

Handa akóng magtiis na sampaling parang bato,

pagkat aking batid na ang sarili ko’y di mapapahiya. Ang salita ng Diyos.

(18)

18

SALMONG TUGUNAN Awit 22, 8-9. 17-18. 19-20. 23-24

Tugon. Diyos ko, Diyos ko, bakit naman ako’y pinabayaan?

Bawat taong makakita’y umiiling nanunukso, palibak na natatawa’t sinasabi ang ganito:

“Nagtiwala siya sa Diyos, Ngunit hindi siya pansin, kung talagang minamahal bakit hindi intindihin?”

Tugon. Diyos ko, Diyos ko, bakit naman ako’y pinabayaan?

May pangkat ng mga buhong na sa aki’y pumaligid, para akong nasa gitna niyong asong mababangis, mga kamay ko at paa’y hulas sa pakong matulis. Ang buto ng katawan ko ay mabibilang sa masid.

Tugon. Diyos ko, Diyos ko, bakit naman ako’y pinabayaan?

Pinaghati-hati nila ang damit ko sa katawan, ang hinubad na tunika’y dinaanan sa sapalaran. Huwag mo akong ulilain, huwag talikdan, Panginoon, O aking Tagapagligtas bilisan mo ang pagtulong.

Tugon. Diyos ko, Diyos ko, bakit naman ako’y pinabayaan?

Ang lahat ng ginawa roo’y ihahayag ko sa lahat. Sa gitna ng kapulunga’y pupurihin kitang ganap. Purihin ang Panginoon ng lahat ng kanyang lingkod, siya’y inyong dakilain, kayong angkan ni Jacob; ikaw bayan ng Israel ay sumamba at maglingkod.

Tugon. Diyos ko, Diyos ko, bakit naman ako’y pinabayaan?

(19)

19

IKALAWANG PAGBASA Filipos2, 6-11

Siya’y nagpakaaba kaya naman siya’ y itinampok ng Diyos.

Pagbasa mula sa ikalawang sulat ni Apostol San Pablo sa mga Taga-Filipos.

Si Kristo Hesus bagama’t siya’y Diyos

ay hindi nagpilit na manatiling kapantay ng Diyos, bagkus hinubad niya ang lahat ng katangian ng

pagka-Diyos,

nagkatawang tao at namuhay na isang alipin.

Nang maging tao, siya’y nagpakababa at naging masunurin hanggang kamatayan, Oo, hanggang kamatayan sa Krus.

Kaya naman, siya’y itinampok ng Diyos

at binigyan ng pangalang higit sa lahat ng pangalan.

Anupa’t ang lahat ng nilalang na nasa langit, nasa lupa, at nasa ilalim ng lupa,

ay maninikluhod at sasamba sa kanya.

At ipahahayag ng lahat

na si Jesu-Kristo ang Panginoon, sa ikararangal ng Diyos Ama.

Ang salita ng Diyos.

(20)
(21)

21

AWIT-PARANGAL SA MABUTING BALITA

Masunuring Kristo Hesus Naghain ng buhay sa krus Kaya’t dinakila ng Diyos Binigyan ng ngalang tampok Sa langit at sansinukob.

PAGPAPAHAYAG NG PAGPAPAKASAKIT NG PANGINOON

Samantalang inaawit ang awit sa mabuting balita hihilingin ng diyakono ang pagbabasbas ng punong tagapagdiwang bago tumungo sa lugar na pagpapahayagan ng mabuting balita.

Ang pagpapahayag ay di lalahukan ng insensaryo o mga kandila ni hindi rin ito pangungunahan ng pagbati tulad ng dati. Pagsapit sa mga kataga ukol sa kamatayan ni Hesus ang lahat ay luluhod sumandali at matapos nito itutuloy ang pagpapahayag hanggang makatapos. Isususnod ang homiliya ang pagpapahayag ng pananampalataya at panalangin ng bayan.

HOMILIYA

Ang punong tagapagdiwang o isa sa mga nakikipagdiwang ay magbibigay ng homiliya. Matapos ay maaaring magkaroon ng sandaling katahimikan para sa pansariling pagninilay.

PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA.

Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat may gawa ng langit at lupa.

Sumasampalataya naman ako kay Hesukristo iisang Anak ng Diyos Panginoon nating lahat.Nagkatawang tao siya lalang ng Espiritu Santo. Ipinanganak ni Santa Mariang Birhen, pinagpakasakit ng Pontio Pilato ipinako sa krus, namatay, inilibing, nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao.

(22)

22

Nang maikatlong araw nabuhay na mag-uli umakyat sa langit, naluluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, doon magmumula’t paririto at huhukom sa nangabubuhay at namamatay na tao.

Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa Banal Simbahang Katolika sa kasamahan ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa pagkabuhay na mag-uli ng nangamatay na tao at sa buhay na walang hanggan

Amen.

PANALANGIN NG BAYAN

Aanyayahan ng punong tagapagdiwang ang sambayanan sa pagluhog. Punong tagapagdiwang. Manalangin tayo sa Diyos Ama na niloob na ang lahat ng tao ay maligtas sa pamamagitan ng pagpapakasakit, pagkamatay, at muling pagkabuhay ng kanyang Anak na si Jesu-Kristo. Ating idalangin:

Tugon. Sa pamamagitan ng pagpapakasakit ni Kristo, dinggin mo ang aming panalangin.

Lektor. Sa panahong ito ng dakilang habag ng Diyos, sa paggunita namin ng pagpapakasakit ni Hesus,- dumulog nawa kami sa Diyos at hingin ang kanyang kapatawaran. Lahat nawa’y lumapit sa yakap ng Amang sadyang nagnanais ng pagbabalik-loob ng sangkatauhan. Manalangin tayo.

Tugon. Sa pamamagitan ng pagpapakasakit ni Kristo, dinggin mo ang aming panalangin.

Lektor. Tularan nawa ng mga pinuno ng ating simbahan at pamahalaan ang halimbawa ni Hesus na napasaamin hindi upang paglingkuran bagkus ay maglingkod at mag-alay ng buhay para sa ikabubuti ng lahat. Manalangin tayo.

(23)

23

Tugon. Sa pamamagitan ng pagpapakasakit ni Kristo, dinggin mo ang aming panalangin.

Lektor. Silang patuloy na nagpapahirap kay Hesus dahil sa kanilang mga karahasan lalo sa kapwa ay maliwanagan at maihatid nawa sa daan ng ng pagsisisi upang matalikdan na nila ang buhay na nakalugmok sa kasamaan. Manalangin tayo sa Panginoon.

Tugon. Sa pamamagitan ng pagpapakasakit ni Kristo, dinggin mo ang aming panalangin.

Lektor. Tangkilikin nawa namin ang programang Alay-kapwa bilang aming tugon sa hamon ng pagtataguyod muli ng katarungan sa lipunan at matugunan ang pangangailangan ng mga aba at mahihina. Manalangin tayo sa Panginoon.

Tugon. Sa pamamagitan ng pagpapakasakit ni Kristo, dinggin mo ang aming panalangin.

Lektor. Sa Pamamagitan ng pagpapakasakit at pagkamatay ni Hesus, maging matatag nawa kami sa harap ng mga pagsubok at pasakit ng buhay upang matuto kami at ang buong sambayanan bumangon mula sa katiwalian at kawalang pag-asa. Manalangin tayo sa Panginoon.

Tugon. Sa pamamagitan ng pagpapakasakit ni Kristo, dinggin mo ang aming panalangin.

Punong Tagapagdiwang. Panginoon masdan mo ang iyong mga anak. Pakumbabang sinusundan namin si Kristo sa kanyang maligayang pagtuloy sa Jerusalem at ganoon na rin sa mga paghihirap niya sa kalbaryo, maging marapat nawa kaming makibahagi sa kaluwalhatian ng iyong kaharian. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Tagapagligtas at Panginoon.

Amen.

(24)

24

PAGDIRIWANG NG

HULING HAPUNAN

PAGHAHANDA NG MGA ALAY

Sisimulan ang awit ng pag-aalay. Samantalang ito’y ginaganap, ilalagay ng mga tagapaglingkod ang telang patungan ng katawan ni Kristo, ang pamahiran ng kalis, at ang aklat ng pagmimisa sa ibabaw ng dambana.

Ngayoy tatayo ang punong tagapagdiwang sa gawing gitna ng dambana, hahawakan niya ang pinggan ng tinapay nang bahagyang nakaangat sa dambana, habang dinarasal niya ng pabulong:

Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan. Sa iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay. Mula sa lupa at bunga ng aming paggawa ang tinapay na ito para maging pagkaing nagbibigay-buhay.

Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailan man!

Ang diyakono ay magbubuhos ng alak at kaunting tubig sa kalis habang dinarasal nang pabulong.

Sa paghahalong ito ng alak at tubig

kami nawa’y makasalo sa pagka-Diyos ni Kristo na napagindapat makihati sa aming pagkatao.

Pagbalik sa gawing gitna ng dambana, hahawakan ng punong tagapagdiwang ang kalis nang bahagyang nakaangat sa dambana habang dinarasal niya nang pabulong:

Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan. Sa iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay. Mula sa katas ng ubas at bunga ng aming paggawa ang alak na ito para maging inuming nagbibigay ng iyong Espiritu.

(25)

25

Pagkatapos yuyuko ang punong tagapagdiwang habang dinarasal niya ng pabulong:

Diyos Amang Lumikha, nakikiusap kaming makasalanan. Tanggapin mo ang aming pagsisisi bilang handog upang kami’y matutong sumunod sa iyo ng buong puso.

linsesuhan ng punong tagapagdiwang ang mga alay at dambana; pagkaraay iinsensuhan ng diyakono o ng tagapaglingkod ang pari at mga nagsisimba.

Pagkatapos tutungo ang tagapagdiwang sa gilid ng dambana, maghuhugas siya ng mga kamay samantalang pabulong niyang dinarasal:

O Diyos kong minamahal, kasalanan ko’y hugasan at linisin mong lubusan ang nagawa kong pagsuway.

Pagbalik ng punong tagapagdiwang sa gitna ng dambana. Ilalahad niya ang kanyang mga kamay sa mga tao at ipahahayag.

Manalangin kayo, mga kapatid, upang ang paghahain natin ay kalugdan ng Diyos Amang makapangyarihan.

Tanggapin nawa ng Panginoon itong paghahain sa iyong mga kamay sa kapurihan niya at karangalan sa ating kapakinabangan at sa buong Sambayanan niyang banal.

PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY

Ama naming Lumikha,

Pakundangan sa pagpapakasakit ng iyong Anak sumaamin nawa ang iyong pagpapaunlak na di makakamit ng tanang aming pagganap kundi ng paghahaing minsan lamang para sa lahat na mula sa iyo’y pinakikinabangan namin at tinatanggap. Sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

(26)

26

PANALANGIN NG

(27)

27

PANALANGIN NG PAGPUPURI AT PASASALAMAT PARA SA PAGKAKASUNDO I

PREPASYO

Sumainyo ang Panginoon. At sumaiyo rin.

ltaas sa Diyos ang inyong puso at diwa. Itinaas na namin sa Panginoon.

Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos. Marapat na siya ay pasalamatan.

Ama naming makapangyarihan,

tunay ngang marapat na ikaw ay aming pasalamatan sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon.

Wala syang kasalanan ngunit inaring salarin sa pagmamalasakit niyang kami’y palayain sa kamatayang kinasusuungan namin kaya’t namatay siya upang kami’ y buhayin.

Kaya kaisa ng mga Anghel na nagsisiawit ng papuri sa iyo ng walang humpay sa kalangitan, kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan.

Santo, Santo, Santo Panginoong Diyos ng mga hukbo! Napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan mo.

Osana sa kaitaasan!

Pinagpala ang naparirito sa ngalan ng Panginoon! Osana sa kaitaasan!

Habang inaawit ang Santo, maaaring iwagayway ng mga tao ang kanilang mga palaspas.

(28)
(29)

29

Nakalahad ang mga kamay ng punong tagapagdiwang sa pagdarasal.

Ama naming banal, nagmamalasakit ka sa aming kapakanan sapagka’t niloloob mo ang aming ikababanal. Ipinahintulot mo na kusang-loob magdusa si Hesukristo kahit na walang pagkakasala sapagkat ipinaubaya niya ang sarili sa mga kamay ng nagpako sa kanya sa krus upang sa kanyang pagkabayubay sa pagitan ng langit at lupa maging tanda siya ng pakikipagtipan na pinagsasaluhan sa piging ng huling hapunan.

Pagdaraupin ng punong tagapagdiwang ang kanyang mga kamay at lulukuban ng mga kamay niya ang mga alay habang siya’y nagdarasal.

Lingapin mo kaming natitipon upang lukuban ng Espiritu Santo na mapagindapat maging katawan at Dugo ni Hesukristo ang paghahandog na ito.

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

Ang mga salita ng Panginoon sa mga sumusunod na pangungusap ay ipahahayag nang malinaw at nauunawaan ng tanan ayon sa hinihingi ng kahulugan ng mga ito.

Bago niya pinagtiisang kusang-loob na maging handog

Hahawakan ng punong tagapagdiwang ang tinapay nang bahagyang nakaangat sa ibabaw ng dambana habang kanyang patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang tinapay, pinasalamatan ka niya, pinaghati-hati niya iyon,iniabot sa kanyang mga alagad at sinabi:

Bahagyang yuyuko ang punong tagapagdiwang.

T

ANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT KANIN

:

I

TO ANG AKING

K

ATAWAN

(30)

30

Ipapamalas niya ang tinapay, ipapatong niya ito sa pinggang patungan ng katawan ni Kristo, at luluhod siya bilang pagsamba.

Pagkatapos ipahahayag ng punong tagapagdiwang.

Gayun din naman, pagkatapos ng hapunan,

Hahawakan ng punong tagapagdiwang ang kalis nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang kanyang patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang kalis, muli ka niyang pinasalamatan, iniabot niya iyon sa kanyang mga alagad, at sinabi:

Bahagyang yuyuko ang punong tagapagdiwang.

T

ANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN

:

I

TO ANG

K

ALIS NG AKING

D

UGO

N

G BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN

,

A

NG AKING

D

UGO NA IBUBUHOS

P

ARA SA INYO AT PARA SA LAHAT

S

A IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN

.

G

AWIN NINYO ITO SA PAG

-

ALALA SA AKIN

.

Ipamamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan ng katawan ni Kristo, at luluhod siya bilang pagsamba.

Pagkatapos, ipahahayag ng punong tagapagdiwang:

Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.

Si Kristo’y namatay! Si Kristo’y nabuhay!

Si Kristo’y babalik sa wakas ng panahon!

Ilalahad ng punong tagapagdiwang ang kanyang mga kamay samantalang siya ay nagdarasal:

Ama naming maaasahan sa katapatan, sa pag-alala kay Hesukristo

(31)

31

na siyang hain sa huling hapunan

ngayong gunugunita ang kanyang pagkamatay at muling

pagkabuhay habang pinananabikan ang dakilang araw

ng lubos niyang pagbibigay kagalakan, inaaalay namin sa iyo ang hain niyang

pagmamahal. Tunghayan mo ang iyong pinapakinabang

sa tanging minsang pag-aalay ni Hesukristo upang sa paglukob ng Espiritu Santo

maging isang katawan ng iyong Anak

ang mga magkasalo sa pagkahilom ng sugat na likha ng alitan at hidwaan.

NAKIKIPAGDIWANG I

Pamalagiin mo kaming nabubuklod sa isang puso at diwa

upang kaugnay ni Papa N. at Obispo N.

itaguyod mo ang pagtutulungan

ng mga naghahanda sa iyong kaharian at sa gayon ay makadulog sa iyong luklukan sa kasamahan ng mga banal

na pinangungunahan ng mahal na Birheng Maria at ng mga apostol, kapiling ng lahat ng pumanaw na aming inihahabilin sa iyong pagmamahal upang pagkaparam ng kulimlim ng kamatayan lahat kami’y sumapit sa iyong maningning na

kandungan at maligayang makaawit ng pasasalamat kailanman

Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.

Sa pamumuno ni Hesukristo, na aming pagkabuhay.

(32)

32

Hahawakan ng punong tagapagdiwang ang patena at kalis at itataas habang binabanggit.

Sa pamamagitan ni Kristo kasama niya, at sa kanya ang lahat ng parangal at papuri ay sa iyo, Diyos Amang makapangyarihan, kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Amen.

ANG PAKIKINABANG

Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos at turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos ipahayag natin nang lakas-Ioob:

Ama namin, sumasalangit ka. Sambahin ang ngalan mo. Mapasaamin ang kaharian mo. Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit. Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw. At patawarin mo kami sa aming mga sala para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso. At iadya mo kami sa lahat ng masama.

Nakalahad ang mga kamay ng punong tagapagdiwang sa pagdarasal:

Hinihiling naming kami’y iadya sa lahat ng masama, pagkalooban ng kapayapaan araw-araw, iligtas sa kasalanan at ilayo sa lahat ng kapahamakan samantalang aming pinananabikan ang dakilang araw ng pagpapahayag ng Tagapagligtas naming si Hesukristo.

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

Sapagka’t iyo ang kaharian at ang kapangyarihan at ang kapurihan magpakailan man! Amen.

(33)

33

Malakas na darasalin ng paring nakalahad ang mga kamay:

Panginoong Hesukristo,sinabi mo sa iyong mga Apostol: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo.Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo.” Tunghayan mo ang aming Pananampalatayaat huwag ang aming mga pagkakasala.Pagkalooban mo kami ng kapayapaan at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Amen.

Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.

At sumaiyo rin.

lpahahayag ng diyakono o ng pari

Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t isa.

Pagkatapos, hahawakan ng pari ang ostiya at hahati-hatiin niya ito sa ibabaw ng pinggan at isasawak niya ang kaputol sa kalis habang pabulong niyang dinarasal:

Sa pagsasawak na ito ng katawan sa dugo ng aming Panginoong Hesukristo, tanggapin nawa namin sa pakikinabang ang buhay na walang hanggan.

Matapos magbigayan ng kapayapaan, aawit ang koro habang nagdarasal nang pabulong ang pari.

Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin.

Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin.

(34)

34

Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.

Magkadaop ang mga kamay ng pari sa pabulong na pagdarasal.

Panginoong Hesukristo, Anak ng Diyos na buhay, sa kalooban ng Ama kasama ng Espiritu Santo, binuhay mo sa iyong pagkamatay ang sanlibutan.Pakundangan sa iyong banal na katawan at dugo, iadya mo ako sa tanang aking kasalanan at lahat ng masama, gawin mo akong laging makasunod sa iyong mga utos, at huwag mong ipahintulot na ako’y mawalay sa iyo kaylan man.

Luluhod ang tagapagdiwang at darasalin ng pabulong ang panalangin bago magkomunyon. Pagtayo niya kanyang hahawakan ang ostiya na itataas sa ibabaw ng pinggan. Paharap sa mga tao siyang magsasabi ng malakas:

Ito ang Kordero ng Diyos. Ito ang nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan. Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging.

Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo nguni’t sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.

Siya ay makikinabang nang magalang at nakayuko sa dambana habang patuloy na nagdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng katawan ni Kristo patungo sa buhay na walang hanggan.

Mapitagan niyang tatanggapin ang katawan ni Kristo. Kukunin niya ang kalis ng dugo ni Kristo.

Ipagsanggalang nawa ako ng dugo ni Kristo patungo sa buhay na walang hanggan.

Mapitagan niyang tatanggapin ang dugo ng Kristo.

(35)

35

Aawit ang koro ng naaangkop na awit.

Matapos ang pakikinabang, maaaring magkaroon ng sandaling katahimikan para sa pansariling pananalangin.

Pagkapakinabang ng lahat ipahahayag ng punong tagapagdiwang ang panalangin pagkatapos ng komunyon.

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG Manalangin tayo.

Saglit na katahimikan.

Ama naming mapagmahal, ngayong kami’y pinapagsalo mo sa banal na pakikinabang kami’ y iyong pinalingong may pag-asa sa aming sinasampalatayanan pakundangan sa pagkamatay ng iyong Anak.Gawin mong kami’y makarating sa aming pinaroroonan pakundangan sa kanyang muling pagkabuhay bilang tagapamagitan kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Amen.

PAGBABASBAS

Sumainyo ang Panginoon At sumaiyo rin.

Diyakono o ang pari.Yumuko kayo at hingin ang pagpapala ng Diyos.

Pari. Ang Ama ng awa ay nagpakita ng halimbawa ng tapat na pag-ibig sa pamamagitan ng paghihirap ng kanyang bugtong na Anak. Sa pamamagitan ng inyong paglilingkod sa Diyos at sa kapwa, nawa’y matanggap ninyo ang kanyang mga biyaya.

(36)

36

Sumasampalataya kayo na sa kamatayan ni Kristo, lubusan nang napawi sa mundo ang kamatayan. Nawa’y bigyan niya kayo ng walang hanggang buhay.

Amen.

Nagpakababa siya para sa ating ikabubuti. Nawa’y masundan ninyo ang kanyang halimbawa at makabahagi sa kanyang muling pagkabuhay. Amen.

At sumainyo ang pagpapala ng dakilang Diyos

Ama at Anak at Espiritu Santo.

Amen.

Diyakono o ang pari.Ipinahayag natin ang pagpasok ni Jesus sa Jerusalem. Sundan natin Siya sa kanyang pagpasan ng Krus sa pamamagitan ng pagsasakripisyo para sa iba.

Salamat sa Diyos.

Lilisanin ng punong tagapagdiwang at mga tagapaglingkod ang santwaryo.

(37)

37

ANG TATLONG ARAW SA

PAGPAPAKASAKIT, PAGKAMATAY

AT MULING PAGKABUHAY NG

(38)

38

TAYONG LAHAT AY TINUBOS NI KRISTO AT kaniyang niluwalhati ang Ama nang higit sa lahat sa pamamagitan ng kanyang misteryo Paskwal: sa kanyang Krus at Pagkabuhay, tayo’y nailigtas niyang tunay. Kaya naman, ang tatlong araw na ito ang siyang rurok ng boung taong liturhiko. Sa gayon, kung paanong ang araw ng Linggo ay may natatanging karakter sa lahat ng araw ng isang linggo ay gayon din ang Linggo ng Muling Pagkabuhay na nangunguna sa lahat ng pagdiriwang ng taon. (Pangkalahatang Tagubilin, 18-19)

(39)

39

ANG PAGMIMISA SA PAGTATAKIPSILIM SA HAPUNAN NG PANGINOON

MGA TAGUBILIN AT PALIWANAG

- Ang Misa sa Pagtatakipsilim sa Paghahapunan ng Panginoon ay isa sa mga pinakamahalagang Misa ng buong taon. Ito ay ang muling pagtitipon-tipon ng buong parokya, kung paanong ang Misa ng Krisma ay ang muling pagtitipon-tipon ng buong diyosesis. Nararapat lamang na magsimba sa Misang ito ang lahat ng mga kasapi ng parokya, gayon din ay makipagdiwang ang lahat ng pari nito.

- Hinihingi ng Simbahan na ipagdiwang ang Misang ito nang buong dingal.

- Sa pahintulot ng lokal na obispo, maaaring magpakomunyon sa parehong katawan at dugo ni Kristo.

- Bago magsimula ang Misa, ang tabernakulo ay dapat na walang laman at maghanda ng dami ng tinapay na sasapat sa komunyon para sa gabing ito at bukas.

- Ang labindalawang lalaking huhugasan ng paa ay nararapat na nagmula sa iba’t ibang bahagi ng lokal na komunidad. Ang bilang ay tradisyunal na labindalawa ngunit walang eksaktong bilang na hinihingi.

- Iminumungkahi sa sambayanan na magbigay ng mga handog na pera o iba pa para sa mahihirap ng miyembro ng parokya.

- Matapos ang komunyon ng sambayanan, maaari nang dalhin ng mga ministro ng komunyon ang katawan ni Kristo sa mga may sakit na hindi makadadalo sa pagdiriwang na ito upang madama nila ang kanilang pagkabahagi sa Simbahan.

- Sa paglalagak ng Sakramento, hindi maaaring gumamit ng monstrance. Ang pagtatanod sa Sakramento ay hindi isang eksposisyon kundi isang reposisyon. Dapat na magkaroon ng isang tabernakulo sa isang nakalaang lugar sa isang gilid sa loob ng simbahan. Ang lugar na ito ay nagagayakan ng mga bulaklak at kandila. Hindi maaaring ilagak ang Sakramento sa lugar na hiwalay sa simbahan, maging ang lugar man ay isang kapilya.

- Ang sambayanan ay minumungkahing magtanod sa Sakramento, ngunit ititigil ang pagtatanod pagsapit ng hatinggabi. Matapos, ang Sakramento ay ilalagak sa isang tabernakulong nakasusi sa loob ng sakristiya. Ito ay tatanuran ng isang nagniningas na kandila.

- Matapos ang paglalagak sa Sakramento, o habang ipinuprusisyon ito, ay tatanggalan ng mantel ang altar.

- Ang simbahan ay magagayakan ng mga bulaklak. Ang pinakamagagandang kagamitan ng parokya ang gagamitin. Nararapat na magkaroon ng mahusay na pag-awit at magagandang awitin. Ginto o puti ang gagamiting kasuotan ng pari.

- Ang mga paring nakipagdiwang na sa Misa ng Krisma noong umaga ay maari pa ring magdiwang o makipagdiwang sa Misang ito.

(40)

40

- Ang mga nakapagkomunyon na sa Misa ng Krisma noong umaga ay maaari pa ring magkomunyon sa Misang ito.

- Ang mga nagsimba, magdiriwang o makikipagdiwang sa Misang ito ay hindi na darasalin ang panalangin sa pagtatakipsilim.

- Ang mga lumang langis ay dapat na sunugin sa araw na ito bago magsimula ang Misa.

- Sa pagsisimula ng Misa ngayong takipsilim, magtatapos ang Apatnapung Araw ng Paghahanda sa Pasko ng Muling Pagkabuhay. Kaya naman, ang Banal na Tatlong Araw na ito ay isang maikling panahon sa pagitan ng dalawang mahabang panahong liturhiko.

MGA IHAHANDA

- Para sa pari: ang pinakamagagandang kasuotan, lalo na ang kasulyang ginto o puti; gayon din ang balabal at gremyal na kaparis ng suot ng pari; mga karagdagang kasuotan sa Misa kung may makikipagdiwang.

- Maliban sa mga karaniwang kailangan sa Misa, ihahanda ang pinakamainam na mga kagamitan sa Misa, lalo na ang kalis, na maaaring natatakpan ng belo ng kalis na kaparis ng suot ng pari; ang siboryo na paglalagayan ng ilalagak na katawan ni Kristo, na maaaring mayroon ding belong pangsiboryo; ang intintoryo o iba pang mga kalis kung ipamamahagi ang komunyon sa parehong katawan at dugo ni Kristo; mga maliliit na mesa na may latag na mantel at telang patungan ng katawan ni Kritsto, at may nakahadang kandila, na siyang pagpapatungan ng kalis kung ang pagbibigay ng dugo ni Kristo ay sa pamamagitan ng intinksyon (ihahanda lamang ito kung walang sapat na ministro na maghahawak sa kalis habang ang isa pa ay nagsasawsaw ng katawan ni Kristo sa Kanyang dugo); ang mga kahoy na paingay o tinatawag na matraka o takatak na siyang gagamitin sa konsagrasyon; dalawa o tatlong telang patungan ng katawan ni Kristo; maraming telang pamahid; sapat na dami ng tinapay at alak; ang mga lalagyan ng mga banal na langis kung gaganapin ang pagtanggap sa mga ito; ang Aklat ng Pagmimisa sa Roma o ang ritong ito, ang Aklat ng Pagpapahayag ng Mabuting Balita at ang Aklat ng mga Pagbasa.

- Sa isang gilid ng simbahan ay ang paglalagakan ng katawan ni Kristo kung saan mayroong tabernakulong nasususian, napapalamutian ng mga bulaklak at mga kandila; sa isang lugar sa santwaryo, ang mesang nalalatagan ng telang puti na patungan ng mga banal na langis; mesang nalalatagan ng puting tela para sa mga alay sa mahihirap na mula sa mga manananampalataya.

- Sa loob ng sakristiya, isa pang tabernakulong nasususian at may tanod na kandila para sa pagtatago ng Sakramento matapos ang pagtatanod dito kung ang paglalagak ay gaganapin sa loob ng simbahan.

- Sa paghuhugas ng mga paa, sapat na dami ng karapat-dapat na palanggana (tatlo o apat), tubig sa mga karapat-dapat na lalagyan (tatlo o apat), mga tuwalya (anim o labindalawa); mga upuan para sa mga huhugasan ng paa (labindalawa); para sa pari, isang tray na may nakahandang palanggana, pitsel ng tubig, tuwalyang pamahiran ng kamay, sabon at alcohol para sa kanyang paghuhugas ng kamay.

(41)

41

ANG PAGMIMISA SA

PAGTATAKIPSILIM SA

(42)
(43)

43

ANG PAGMIMISA SA PAGTATAKIPSILIM

SA HAPUNAN NG PANGINOON

PASIMULA

Ang pagdiriwang ng Hapunan ng Panginoon ay sisimulan sa bandang hapon ng Huwebes Santo. Nararapat na sa pasimula ng pagdiriwang maghanda ng karampatang dami ng ostiya na ipamamahagi hanggang sa Biyemes Santo. Sa rito ng Paghuhugas ng Paa, ang pitsel na hugasan, pampunas at ang palanggana ay dapat isaayos.

Pananatiliing walang laman ang tabernakulo sa panimula ng Misa. Puti o ginto ang damit na gagamitin ng punong tagapagdiwang at ng mga nakikipagdiwang. Maaaring maglagay ng mga bulaklak sa altar at sa lugar kung saan gaganapin ang pagbabantay sa Sakramento pagkatapos ng Misa. Nararapat na may tabenakulo at mga nakahandang ilaw sa lugar na paglalaanan para dito. Maaaring gumamit ng insenso sa pagdiriwang.

Pagsapit ng punong tagapagdiwang sa upuan sisimulan ang misa tulad ng kinagawian.

Pari. Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.

Bayan. Amen.

Purihin ang Panginoong Jesukristo na siyang pagsasakatawang-tao ng pag-ibig ng Ama. Nawa ang Espiritu ng pag-ibig ay laging sumainyo.

B. At sumaiyo rin.

PAGSISISI NG KASALANAN

Natitipon tayo ngayon bilang iisang katawan upang ipahayag at simulan ang triduo ng misteryo paskuwal ng Panginoon. May mga pagkakataong tayo’y nakalilimot sa atas ng pag-ibig ng Diyos na unang nagmahal sa atin. Suriin natin ang ating sarili upang marapat tayong humarap sa banal na paghahaing ito.

(44)

44

Sandaling katahimikan. Matapos, kasabay ng bayan ay wiwkain ng pari:

Inaamin ko sa makapangyarihang Diyos, at sa inyo, mga kapatid, na lubha akong nagkasala, sa isip, sa salita, at sa gawa, at sa aking mga pagkukulang. Kaya isinasamo ko sa Mahal na Birheng Maria, sa lahat ng mga anghel at mga banal, at sa inyo, mga kapatid, na ako’y ipanalangin sa Panginoong ating Diyos.

Kaawan tayo ng makapangyarihang Diyos, patawarin tayo sa ating mga kasalanan at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggan. Amen.

Panginoon kaawaan mo kami

Panginoon kaawaan mo kami.

Kristo kaawan mo kami.

Kristo kaawaan mo kami.

Panginoon kaawaan mo kami.

Panginoon kaawan mo kami.

PAPURI SA DIYOS

Pasisimulan ng punong tagapagdiwang ang pag-awit ng Papuri sa Diyos. Tutugtugin ang mga batingaw at matapos nito ang mga ito’y mananatiling tahimik hanggang sa muling pag-awit ng Papuri sa Diyos sa magdamagang Pagtatanod sa Gabi ng muling pagkabuhay. Sa oras ng konsagrasyon gagamitin ang mga kahoy na pang-ingay sa halip na mga kampana.

Papuri sa Diyos sa kaitaasan

at sa lupa’y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya.

Pinupuri ka namin, dinarangal ka namin, sinasamba ka namin, ipinagbubunyi ka namin, pinasasalamatan ka namin

(45)

45

Panginoong Diyos, Hari ng langit,

Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak,

Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama.

Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin. Ikaw na nag-aalis ng mga

kasalanan

ng sanlibutan, tanggapin mo ang aming kahilingan.

Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama, maawa ka sa amin.

Sapagka’t ikaw lamang ang banal ikaw lamang ang Panginoon,

ikaw lamang, O Hesukristo, ang kataas-taasan, kasama ng Espiritu Santo sa kadakilaan ng Diyos

Ama. Amen.

PAMBUNGAD NA PANALANGIN

Manalangin tayo.

Saglit na katahimikan.

Ama naming makapangyarihan, sa mga kasalo ngayon sa banal na hapunan na ipinamana ng iyong Anak na mamamatay bilang haing bago at pangmagpakailanman para sa giliw niyang sambayanan, ipagkaloob mong lubusan mapakinabangan ang iyong dakilang pag-ibig at buhay sa pamamagitan niya kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

(46)
(47)

47

PAGPAPAHAYAG NG

SALITA NG DIYOS

UNANG PAGBASA Exodo 12, 1-8. 11-14

Mga tagubilin tungkol sa hapunan ng Paskuwa.

Pagbasa mula sa aklat ng Exodo

Noong araw na iyon, sinabi ng Panginoon kina Moises at Aaron, “Mula ngayon, ang buwang ito ang magiging unang buwan ng taon para sa inyo. At sabihin ninyo sa buong pamayanan ng Israel na sa ikasampung araw ng buwang ito, bawa’t puno ng sambahayan ay pipili ng kordero o bisirong kambing para sa kanyang pamilya.

“Kung maliit ang pamilya at hindi makauubos ng isang buong kordero, magsasalo sila ng kalapit na pamilya na hindi rin makauubos ng isang buo. Ang dami ng magsasalu-salo sa isang kordero ay ibabatay sa makakain ng bawa’t isa. Kailangang ang kordero ay lalaki, isang taong gulang, walang pinsala o kapintasan. Kung walang tupa kahit kambing.

“Aalagaan itong mabuti hanggang sa ikalabing-apat ng buwan at sa kinagabihan, sabay-sabay na papatayin ng buong bayan ang kanilang kordero. Kukuha sila ng dugo nito at ipapahid sa mga hamba at sombrero ng mga pintuan ng bahay na kakainan ng kordero. Sa gabi ring iyon, lilitsunin ito at kakaning

(48)

48

kasama ng tinapay na walang lebadura at mapapait na gulay.

“Ganito naman ang magiging ayos ninyo sa pagkain nito: nakabigkis, nakasandalyas at may tangang tungkod; dali-dali ang inyong pagkain nito. Ito ang paskuwa ng Panginoon.

“Sa gabing iyon, lilibutin ko ang buong Egipto at papatayin ang lahat ng panganay na lalaki, maging tao o hayop man. At parurusahan ko ang lahat ng diyus-diyusan sa Egipto. Ako ang Panginoon. Lalampasan ko ang lahat ng bahay na makita kong may pahid na dugo, at walang pinsalang mangyayari sa inyo sa pagpaparusa ko sa buong Egipto. Ang dugo ang siyang magiging palatandaan na Israelita ang nakatira sa bahay na iyon. Ang araw na ito’y ipagdiriwang ninyo magpakailanman bilang pista ng Panginoon.”

Ang salita ng Diyos.

(49)

49

SALMONG TUGUNAN Awit 115

Tugon. Sa kalis ng pagbabasbas si Kristo ang tinatanggap.

Sa Diyos ko’t Panginoon, anong aking ihahandog, Sa lahat ng kabutihan na sa akin ay kaloob?

Ang handog ko sa dambana, ay inumin na masarap, Bilang aking pagkilala sa ginawang pagliligtas.

Tugon. Sa kalis ng pagbabasbas si Kristo ang tinatanggap.

Masakit sa kalooban ng Poon kung may papanaw Kahit ito ay iisa labis siyang magdaramdam. Katulad ng aking ina, maglilingkod akong lubos; Yamang kao’y iniligtas, kinalinga at tinubos.

Tugon. Sa kalis ng pagbabasbas si Kristo ang tinatanggap.

Ako ngayo’y maghahandog ng haing pasasalamat, Ang hadog kong panalangi’y sa iyo ko ilalagak. Sa templo sa Jerusalem, ay doon ko ibibigay ang anumang pangako sa iyo ay binitiwan.

Tugon. Sa kalis ng pagbabasbas si Kristo ang tinatanggap.

(50)

50

IKALAWANG PAGBASA Corinto 12, 1-8. 11-14

Tuwing kakain kayo at iinom,

ipinapahayag ninyo ang kamatayan ng Panginoon.

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid:

Ito ang aral ng Panginoon na tinanggap ko sa Panginoon at ibinigay ko naman sa inyo: ang Panginoong Hesus, noong gabing siya’y ipagkanulo ay kumuha ng tinapay, nagpasalamat at pinaghati-hati ito, at sinabi, “Ito ang kaing katawan na inihahandog para sa inyo. Gawin ninyo ito sa pag-alala sa akin.”

Gayon din naman, matapos maghapunan ay hinawakan niya ng kalis at sinabi, “Ang kalis na ito ng bagong tipan na pinagtitibay ng aking Dugo. Tuwing iinumin ninyo ito, gawin ninyo ito sa pag-alala sa akin.” Sapagkat’ tuwing kakain kayo ng tinapay na ito at iinom sa kalis na ito ay ipinahahayag ninyo ang kamatayan ng Panginoon, hanggang sa muling pagparito niya.

Ang salita ng Diyos.

(51)

51

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA

Ang bagong utos ko’y ito Mag-ibigan kayo

Katulad ng ginawa ko Na pagmamahal sa inyo, Ang sabi ni Hesukristo.

PAGPAPAHAYAG NG MABUTING BALITA Juan 13, 1-5

Ipakikita niya kung hanggang saan ang kanyang pag-ibig sa kanila.

Sumainyo ang Panginoon At sumaiyo rin.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan.

Papuri sa iyo Panginoon.

Bisperas ng paskuwa. Alam ni Hesus na dumating na ang panahon ng kanyang paglisan sa sanlibutang ito upang bumalik sa Ama. Mahal niya ang kanyang mga tagasunod na nasa sanlibutan, at ngayo’y ipakikita niya kung hanggang saan ang kanyang pag-ibig sa kanila.

Naghahapunan si Hesus at ang mga alagad. Naisilid na ng diyablo sa isip ni Judas, anak ni Simon Iscariote, ang pagkakanulo kay Hesus. Alam ni Hesus na ibinigay na sa kanya ng Ama ang buong kapangyarihan; alam din niyang siya’y mula sa Diyos at babalik sa Diyos. Kaya’t nang sila’y naghahapunan, tumindig si Hesus, naghubad ng kanyang panlabas na kasuutan, at nagbigkis ng tuwalya. Pagkatapos, nagbuhos siya ng tubig sa palanggana, at sinimulang hugasan ang paa ng mga alagad at punasan ng tuwalyang nagbibigkis sa kanya.

(52)

52

Paglapit niya kay Simon Pedro, tumutol ito. “Panginoon,” sabi niya. “Diyata’t kayo pa ang maghuhugas ng aking mga paa?”

Sumagot si Hesus, “Hindi mo nauunawaan ngayon ang ginagawa ko, nguni’t mauunawaan mo rin pagkatapos.”

Sinabi sa kanya ni Pedro, “Hinding-hindi ko po pahuhugasan sa inyo ang aking mga paa.”

“Kung hindi kita huhugasan, wala kang kaugnayan sa akin,” tugon ni Hesus.

Kayat sinabi ni Pedro, “Panginoon, hindi lamang po ang mga paa ko, kundi pati ang aking kamay at ulo!”

Ani Hesus, “Maliban sa kanyang mga paa, hindi na kailangang hugasan pa ang naligo na, sapagkat malinis na ang kanyang buong katawan. At malinis na kayo, ngunit hindi lahat.” Sapagkat alam ni Hesus kung sino ang magkakanulo sa kaniya, kaya sinabi niyang malinis na sila, ngunit hindi lahat.

Nang mahugasan na ni Hesus ang kanilang mga paa, siya’y nagsuot ng mga damit at nagbalik sa hapag. “Nauunawaan ba ninyo kung ano ang ginawa ko sa inyo?” tanong niya sa kanila. “Tinatawag ninyo akong Guro at Panginoon, at tama kayo, sapagkat ako nga. Kung ang Panginoon ninyo at Guro ay naghugas ng inyong mga paa, dapat din kayong maghugasan ng paa. Binigyan ko kayo ng halimbawa at ito’y dapat ninyong tularan.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon. Pinupuri ka namin Panginoong Hesukristo.

(53)

53

HOMILIYA

Ang punong tagapagdiwang o isa sa mga nakikipagdiwang ay magbibigay ng homiliya. Matapos ay maaaring magkaroon ng sandaling katahimikan para sa pansariling pagninilay.

Walang pagpapahayag ng pananampalataya sa Misang ito.

ANG PAGHUHUGAS NG MGA PAA

Ang lugar para sa mga taong huhugasan ng paa ay dapat na kita ng lahat ngunit di dapat na ihanay ang kanilang mga upuan kapantay ng punong tagapagdiwang. Sisimulan ngayon ang paghuhugas ng paa.

Maghuhubad ng kasulya ang punong tagapagdiwang, magbibigkis ng gremyal, at tutungo sa lugar ng paghuhugas. Magsasalita muna ang punong tagapagdiwang ng ganito.

Mga kapatid, ang Panginoong Hesus ay nasasaatin sa tuwing naglilingkod tayo sa isa’t isa. Buong puso niyang hinugasan ang paa ng kanyang mga alagad. Hilingin natin na tanggapin niya ang ating mga gagawin bilang tugon sa kaniyang atas.

Ngayon huhugasan natin ang duming panlabas; hugasan nawa niya ang dumi sa ating kalooban. Nawa’y magsilbi itong paala-ala sa atin upang paglingkuran natin ang bawat isa sa pag-ibig tulad ng iniutos ng Panginoon.

Habang hinuhugasan ko kayo, ipanalangin ninyo ako habang aking sinasariwa ang aking mga pangako bilang paring lingkod.

Isa-isa ngayong lalapitan ng punong tagapagdiwang ang mga kinatawan ng labingdalawang apostol at sila’y magtatanong sa kaniya. Bago niya hugasan ang kanilang mga paa sasagutin niya ang mga tanong ng

(54)

54

Unang Alagad. Padre N., nakahanda ba kayong sariwain ang inyong pagtatalaga ng sarili kay Hesus bilang pari ng bagong tipan?

Pari. Oo. Nakahanda ako.

Ikalawang Alagad. Padre N., tinatanggap ba ninyo ang mga kalakip na responsibilidad ng pagkapari dahil sa pagmamahal ninyo kay Kristo at sa kanyang Simbahan?

Pari. Oo. Nakahanda ako.

Ikatlong Alagad. Padre N., nakahanda ba kayong ipagdiwang ng buong puso ang Eukaristiya at iba pang pagdiriwang ng simbahan?

Pari. Oo. Nakahanda ako.

Ika-apat na Alagad. Padre N., nakahanda ba kayo na maging buháy na halimbawa ng presensya ni Hesus sa lahat ng tao, lalung-Ialo na sa mga mahihirap at mga naapi?

Pari. Oo. Nakahanda ako.

Ikalimang Alagad. Padre N., nakahanda ba kayong gayahin si Hesus, na ulo at pastol ng Simbahan sa pamamagitan ng pagtuturo sa amin ukol sa Pananampalatayang Kristiyano?

Pari. Oo. Nakahanda ako.

Ika-anim na Alagad. Padre N., nakahanda ba kayo sa pagiging matapat sa magandang pakikitungo sa inyong mga kapatid na pari?

Pari. Oo. Nakahanda ako.

Ika-pitong Alagad. Padre N., nangangako ba kayo na maging pari magpakaiIanman?

Pari. Oo. Nakahanda ako.

Ika-walong Alagad. Padre N., nangangako ba kayong magiging magalang at masunurin sa ating obispo at sa kanyang magiging kahalili, tulad ni Hesus ang unang sumunod sa kalooban ng Ama?

(55)

55

Ika-siyam na Alagad. Padre N., nanganagko ba kayong manatiling malinis at walang bahid sa inyong pakikitungo sa lahat ng tao, tulad ni Hesus huwaran ng kalinisan?

Pari. Oo. Nakahanda ako.

Ika-sampung Alagad. Padre N., nangangako ba kayong mamuhay ng simple upang maging malinaw na salamin para sa amin kay Hesus, ang unang naging payak sa pamumuhay?

Pari. Oo. Nakahanda ako.

Ika-labing-isang Alagad. Padre N., nangangako ba kayong makinig sa amin sa kumpisal at sa paghingi ng payo nang hindi nagmamadali at di nanghuhusga?

Pari. Oo. Nakahanda ako.

Ika-labingdalawang Alagad. Padre N., nangangako ba kayo na mamahalin ang lahat ng mga bata kahit na minsan sila ay di nakagagawa ng tama?

Pari. Oo. Nakahanda ako.

Magsusuot ngayon ng kasulya ang Punong tagapagdiwang at Kanyang darasalin sa may upuan.

Manalangin tayo.

Diyos naming Ama, binibigyan mo ng lakas ang pag-ibig at iyo itong ikinagagalak. Ang iyong Anak ay nagpakababa para sa amin upang kami’y makatayo at makaharap sa iyo. Habang kami na iyong sambayanang nagagalak ay patuloy na dumarami, ipagkaloob mong manatili kaming nakikiisa sa iyo.

Hinihiling namin ito sa pamamagitan ng iyong Anak na aming Panginoong Hesukristo na nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo, magpasawalang hanggan.

(56)

56

PANALANGIN NG BAYAN

Aanyayahan ng punong tagapagdiwang ang sambayanan sa pagluhog. Punong tagapagdiwang. Sa huling hapunan, ibinigay sa atin ni Jesus ang Eukaristiya bilang alaala ng pagbibigay loob. Manalangin tayo sa Ama upang maisabuhay natin ang misteryong ipinahihiwatig ng Eukaristiya. Sabihin natin:

Tugon. Ama dinggin mo ang iyong sambayanan.

Lektor. Ang Eukaristiya ang siyang ganap na pagsasakripisyo ni Kristo. Nawa'y tipunin ng Simbahan ang sakit, pagsususmikap, at pangarap ng sangkatauhan at ipagkaisa ito sa pag-aalay ni Kristo. Manalangin tayo.

Tugon. Ama dinggin mo ang iyong sambayanan.

Lektor. Ipinagkaisa ang eukaristiya sa sakramento ng pagkapari. Nawa'y manatiling kaisa ni Kristo sa panalangin sa sakripisyo, at sa kanilang paglilingkod ang Santo Papa, mga Obispo, pari, at diyakono. Manalangin tayo.

Tugon. Ama dinggin mo ang iyong sambayanan.

Lektor. Ipinakita ni Kristo ang halimbawa ng kababaang-loob at paglilingkod. Nawa'y piliin ng lahat ng nanunungkulan na maglingkod sa halip na paglingkuran, at magsumikap para sa ikabubuti ng bayan. Manalangin tayo.

Tugon. Ama dinggin mo ang iyong sambayanan.

Lektor. Ang Eukaristiya ay pakikiisa namin sa dugo ni Kristo. Nawa ang aming pakikiisa ay magtipon sa amin sa pagmamahalan, sa pagsisilbi at pakikibaka sa isa't-isa. Manalangin tayo.

(57)

57

Tugon. Ama dinggin mo ang iyong sambayanan.

Lektor. Sa Eukaristiya ang Manliligtas ay patuloy na nag-aalay ng sarili bilang ugat ng buhay na banal. Nawa ang eukaristiya ay maging kalakasan namin habang pumapalaot kami sa pag--anyaya sa lahat tungo sa kaharian ng Diyos. Manalangin tayo.

Tugon. Ama dinggin mo ang iyong sambayanan.

Lektor. Sa Eukaristiya tumawid kami mula sa kamatayan tungo sa ganap na buhay. Naway makibahagi sa walanghanggang kaluwalhatian ng Panginoon ang mga kaluluwa ng mga namatay. Manalangin tayo.

Tugon. Ama dinggin mo ang iyong sambayanan.

Punong Tagapagdiwang. Diyos Ama, ikaw ang nagbigay buhay ng lahat ng mabuti, dinggin mo ang aming mga panalangin at gabayan mo kami, habang ipinagdiriwang namin ang pagpapakasakit at kamatayan ni Kristo, ihatid mo nawa kami sa kaluwalhatian ng kanyang muling pagkabuhay. Hinihiling namin ito sa ngalan ni Kristong aming Panginoon.

Amen.

Sisimulan ngayon ang paghahanda sa mga alay. Ang mga tao ay maaring magprusisyon patungong altar upang ialay ang kanilang maitutulong para sa mga dukha. Sa harapan ng hanay mauuna ang tagapagdala ng mga langis.

(58)

58

ANG PAGTANGGAP SA MGA

BANAL NA LANGIS

Sisimulan ang paghahandog ng mga alay at ang lalagyanan ng mga banal na langis ay dadalhin ng dalawang kinatawan ng sambayanan sa punong tagapagdiwang. Ang mga langis ay unang ihahandog bago ialay ang alak at tinapay. Sa bandang harapan ng santwaryo sasalubungin ng tagapagdiwang at iba pang tagapaglingkod para sa pagtanggap ng ibang alay. Ilalagay ang mga langis sa isang mesa sa may santwaryo.

PAGTANGGAP NG LANGIS PARA SA MAY SAKIT

Ang langis para sa maysakit ay iaabot ng naatasang tagapagdala nito sa paring namumuno ng pagdiriwang. Sasabihin ng taga-pag-abot ng langis sa tagapagdiwang.

Kinatawan. Narito po ang langis para sa may sakit.

Tagapagdiwang. Maranasan nawa ng mga may

karamdaman na papahiran ng langis na ito ang awa, pakikiramay at mapanligtas na pagmamahal ni Kristo, sa kanilang katawan, isip at kaluluwa.

Bayan. Purihin at ipagdangal ang ating Poong Maykapal: Ama nating bukal ng buhay, Anak na sy'a nating Daan, Espiritung ating Tanglaw.

PAGTANGGAP SA BANAL NA KRISMA

Ang krisma ay iaabot ng naatasang tagapagdala nito sa namumuno ng pagdiriwang. sasabihin ng taga-pag-abot ng langis sa tagapagdiwang.

Kinatawan. Narito po ang Banal na Krisma.

Tagapagdiwang. Ang mga papahiran ng mahalimuyak na krismang ito: ang mga bibinyagan at kukumpilan; mga oordinahang pari, ay makaranas nawa ng biyaya ng Espiritu Santo.

Bayan. Purihin at ipagdangal ang ating Poong Maykapal: Ama nating bukal ng buhay. Anak na sy'a nating Daan. Espiritung ating Tanglaw.

(59)

59

PAGDIRIWANG NG

HULING HAPUNAN

PAGHAHANDA NG MGA ALAY

Ngayon ay tatanggapin ng tagapagdiwang ang iba pang mga alay, ang tinapay at ang alak. Samantalang ito’y ginaganap, ilalagay ng mga tagapaglingkod ang telang patungan ng katawan ni Kristo, ang pamahiran ng kalis, at ang aklat ng pagmimisa sa ibabaw ng dambana.

Ngayoy tatayo ang punong tagapagdiwang sa gawing gitna ng dambana, hahawakan niya ang pinggan ng tinapay nang bahagyang nakaangat sa dambana, habang dinarasal niya ng pabulong:

Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan. Sa iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay. Mula sa lupa at bunga ng aming paggawa ang tinapay na ito para maging pagkaing nagbibigay-buhay.

Kapuri-puri ang Poong Maykapal ngayon at kailan man!

Ang diyakono ay magbubuhos ng alak at kaunting tubig sa kalis habang dinarasal nang pabulong.

Sa paghahalong ito ng alak at tubig

kami nawa’y makasalo sa pagka-Diyos ni Kristo na napagindapat makihati sa aming pagkatao.

Pagbalik sa gawing gitna ng dambana, hahawakan ng punong tagapagdiwang ang kalis nang bahagyang nakaangat sa dambana habang dinarasal niya nang pabulong:

Kapuri-puri ka, Diyos Amang Lumikha sa sanlibutan. Sa iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay. Mula sa katas ng ubas at bunga ng aming paggawa ang alak na ito para maging inuming nagbibigay ng iyong Espiritu.

Referensi

Dokumen terkait

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay malaman ang mga tinatangkilik na pagkain ng mga estudyante ng ISHRM Dasmarinas, ninanais malaman ng mga mananaliksik ang iba’t-ibang

Ama naming makapangyarihan, ngayong malapit na ang Pasko ng Pagsilang ng iyong Anak, kaming mga lingkod mong hindi karapat-dapat ay tangkilikin nawa sa pag- ibig ng iyong Salita

Upang mahusay na malinang ang kakayahang komunikatibo ng mga mag-aaral sa loob ng maikling panahon, kailangang ipokus ng guro ang mga mag- aaral sa ilang anyo

Ang pag-aaral na ito na may paksang ANG EPEKTO NG SOCIAL MEDIA SA MGA MAG-AARAL SA UNANG ANTAS NG PNTC COLLEGES ay tumatalakay sa kalagayan ng wikang Filipino sa panahon ng

pamahalaang lokal. Dapat seguruhin ng mga lalawigan ang mga lungsod at mga bayang nakapaloob sa mga ito, ng mga lungsod at mga bayan ang mga baranggay na nakapaloob sa mga ito,

Napansin ni coach na hindi na namin pinapasahan ang aming mga kakampi dahil pareho kaming point guard na dapat nagpapadaloy ng play sa basketball.. Mistulang kami lang ang magkalaban sa

57 ANG BASKETBOL SA BARRIO SILANG Adrian Pregonir Ito ang batas ng barrio bago dumatal ang dapithapon: magtitipon ang kalalakihan sa naanihang palayan kasama ang mga batang nagbitbit

Sa panahon ngayon kung saan ang multimedia ay laganap at bukas para sa publiko, nararapat na suriin ang mga pagsasaling nagaganap sa mga midyum na ito lalo na’t hindi pa masyadong