• Tidak ada hasil yang ditemukan

ANG PAGDIRIWANG NG BINYAG

Dalam dokumen Ang Mga Pagdiriwang Ng Mga Mahal Na Araw (Halaman 136-141)

Sisimulan ngayon ang pagdiriwang ng binyag. Ang mga bibinyagan, ang kanilang mga ninong at ninang ay lalapit patungo sa santwaryo. Kung sa bautisteryo gaganapin ang pagbibinyag, magpruprusisyon ang mga bibinyagan, mga ninong at ninang, ang punong tagapagdiwang at mga tagapaglingkod na pinagungunahan ng akolito na tangan ang kandila ng Muling Pagkabuhay habang inaawit ang litanya ng mga banal. Ang punong tagapagdiwang ay tutungo sa harapan at pasisimulan ang pagbibinyag sa ganitong pananalita.

Mga kapatid, sa mga pagluhog natin, tulungan natin ang ating mga kapatid ng may pananalig upang ang Ama nating makapangyarihan ay siyang tumangkilik sa mga isisilang sa binyag pakundangan sa kanyang pag-ibig.

Sisimulan ngayon ang pagtawag sa mga banal upang ipanalangin ang mga bibinyagan at tatayo ang lahat. Ang mga bibinyagan ay isa-isang lalapit sa may harapan ng santwaryo.

LITANYA NG MGA BANAL

Panginoon, kaawaan mo kami.

Panginoon, kaawaan mo kami.

Kristo, kaawaan mo kami.

Kristo, kaawaan mo kami.

Panginoon, kaawaan mo kami.

Panginoon, kaawaan mo kami

Santa Maria Ina ng Diyos

* Ipanalangin mo kami.

San Miguel arkanghel *

Lahat kayong mga anghel *

San Jose *

San Pedro at San Pablo *

San Andres *

San Juan *

137 San Esteban *

San Ignasyo *

San Lorenzo *

San Lorenzo Ruiz at mga kasamang martir *

San Basilio *

San Martin *

San Benito *

San Antonio Abad *

San Carlos Borromeo *

San Francisco at Santo Domingo *

San Francisco Javier *

San Juan Vianney *

Santa Catalina *

Santa Teresa *

San Juan Bosco *

San Pablo Unang Ermitanyo *

Lahat kayong mga banal sa piling ng maykapal *

Iligtas mo kami sa lahat ng kasamaan ,

Panginoong Hesus maawa ka.

Iligtas mo kami sa lahat ng kasalanan, †

Iligtas mo kami sa walang hanggang kamatayan, †

Alang-alang sa iyong pagiging tao, †

Alang-alang sa iyong kamatayan at pagkabuhay, †

Alang-alang sa pagkakaloob mo sa amin ng Banal na Espiritu, †

Patnubayan mo at kalingain ang iyong angkan.

Panginoong Hesus dinggin mo kami.

Patnubayan mo at bigyan ng bagong buhay ang mga taong bibinyagan. ‡

Basbasan mo ang bukal ng tubig kung saan ang mga anak mo ay muling isisilang. ‡

Kristo dinggin mo kami.

Kristo dinggin mo kami.

Kristo pakinggan mo ang aming panalangin.

138

Pagkatapos ng litanya, darasalin ng punong tagapagdiwang na magkadaop ang kamay ng sumusunod.

Ama naming makapangyarihan, halina at gawin mong makapiling namin ikaw ngayong muling pagsilang ay ipinagdiriwang sa pagbibinyag sa mga bagong kaanib ng iyong sambayanan.

Isugo mo ang Espiritu ng iyong pagkupkop upang ang ginaganap naming mapagkumbabang paglilingkod ay magdulot ng iyong lubusang kaloob sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Amen.

PAGBABASBAS SA TUBIG PAMBINYAG

Ngayon ay babasbasan ng punong tagapagdiwang ang tubig na gagamitin sa binyag. Ipahahayag niya ang panalangin ng magkadaop ang kamay.

Ama naming makapangyarihan, bagamat natatago sa aming paningin. Ang kapangyarihan mong maggawad ng buhay sa amin ay inilalahad ng mga pananda ng iyong paglagi sa aming piling anupa't ang tubig na iyong nilikha ay naging tagapahayag ng iyong pagpapala. Ama namin, noong ang daigdig ay iyong lalangin ang iyong Espiritu ay lumukob na sa tubig bilang simoy ng hangin upang ang kakayanan nitong bumubuhay ay maging tagapagdulot ng iyong kabanalan.

Ama namin, ang sansinukob ay iyong panibagong ginawa noong ipahintulot na magkaroon ng malaking baha upang ipahiwatig na ang tubig ay may katangian na tumapos sa kasamaan at magpasimula ng kabutihan.

Ama namin, ang mga anak ni Abraham ay pinatawid mo sa karagatan noong sila'y palayain mo sa pagkaalipin sa Egipto upang ipahiwatig ang mangyayari sa mga bibinyagan bilang kaanib ng iyong sambayanan.

139

Ama namin, niloob mong binyagan ni Juan sa ilog Jordan ang Anak mo at maganap ang paglukob sa kanya ng Espiritu Santo. Niloob mong dumaloy ang dugo at tubig sa sinibat na puso ng Anak mong iniibig. Niloob mong mabuhay muli ang iyong Anak na nag-utos sa mga alagad: “Humayo kayo at gawin ninyong mga alagad ang lahat ng mga bansa. Binyagan ninyo sila sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.”

Magtaglay nawa itong tubig ng pagpapalang kaloob ng Espiritu Santo na idinudulot ng mahal na Anak mo upang ang mga tao na pawang nilikha ayon sa iyong larawang dakila nguni't nasadlak sa lusak ng kasalanan ay mahugasan ngayong sila'y bibinyagan para makabangong taglay ang iyong kalinisan sa muling pagsilang sa tubig at Espiritu Santo bilang kaanib ng iyong mga angkan.

Maaaring ilubog ngayon ng punong tagapagdiwang ang kandila ng Pasko ng Pagkabuhay nang minsanan o nang makatatlong ulit, habang patuloy niyang inihahayag.

Ama namin, iniluluhog namin sa iyo, manaog nawa sa tubig na ito ang kapangyarihan ng Espiritu Santo sa pamamagitan ni Hesukristo upang mapuspos ng iyong Espiritu itong pambinyag na tubig.

Ang kandila ay hahawakan ng punong tagapagdiwang habang ito'y nakatayo sa tubig.

At sa gayo’y lahat ng nakikiisa sa kamatayan niya sa pamamagitan ng binyag ay muling mabuhay na siya rin ang kasama bilang tagapamagitan kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Amen.

Iaalis ang kandila habang ang mga tao ay nagbubunyi at umaawit. Matapos ang pagbabasbas isusunod ang pagtatanong ng punong tagapagdiwang sa mga bibinyagan.

140

PAGTATAKWIL SA KASALANAN

Ngayon ay tatanungin ng punong tagapgdiwang ang mga bibinyagan. Hindi rito sasagot ang bayan.

Mga kapatid naglaan kayo ng panahon upang ihanda ang sarili sa binyag. Ang inyong mga magulang, kaibigan na tumulong sa inyo at lahat ng tanang naririto ay nangangako na tutulungan kayo sa pagtupad sa inyong mga pangako.

Kaya sa harap ng simbahan, ipahayag ninyo ngayon ang inyong pananampalataya.

ltinatakwil ba ninyo si Satanas, ang lahat ng kanyang gawain at ang kanyang pang-aakit?

Ang bibinyagan.Opo itinatakwil ko.

PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA

Sumasampalataya ba kayo sa Diyos Amang, makapangyarihan sa lahat na may gawa ng langit at lupa?

Ang bibinyagan. Opo sumasampalataya ako.

Sumasampalataya ba kayo kay Hesukristo iisang Anak ng Diyos Panginoon natin, Ipinanganak ni Santa Mariang Birhen, Ipinako sa Krus namatay inilibing, muling nabuhay at naluluklok sa kanan ng Ama?

Ang bibinyagan. Opo sumasampalataya ako.

Sumasampalataya ba kayo sa Espiritu Santo, sa Banal na Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa muling pagkabuhay ng mga namatay at sa buhay na walang hanggan?

141

Dalam dokumen Ang Mga Pagdiriwang Ng Mga Mahal Na Araw (Halaman 136-141)