• Tidak ada hasil yang ditemukan

SA BAGONG ILAW

Dalam dokumen Ang Mga Pagdiriwang Ng Mga Mahal Na Araw (Halaman 114-122)

ANG PAGBABASBAS AT PAGHAHANDA SA ILAW

Ang pagtatanod ay hindi dapat gawin bago lumubog ang araw. Dapat na ihanda ang lugar sa labas ng simbahan kung saan gagawin ang pagpaparikit ng bagong apoy. Ang mga kahoy na paririkitin, ang lalagyan ng kandila ng Pasko ng Muling Pagkabuhay, ang pansulat sa kandila at ang limang butil ng insensong itutusok dito, ang insensaryo na walang laman, ang lalagyanan ng insenso, ang pang-ipit ng baga at ang pangwisik ng banal na tubig ay dapat na ihanda nang maaga.

Ang mga ilaw ng simbahan ay kailangang patay bago magsimula ang seremonyas. Sa loob ng simbahan kailangang maglagay ng kaukulang mantel, bulaklak at kandila na hindi nakasindi sa altar. lto ay ilalagay sa bandang hapon bago lumubog ang araw.

Dapat na ihanda ang lalagyanan ng tubig sa pagbibinyag sa bandang babang harapan ng santwaryo kung saan makikita ng tao at hindi naman makahahadlang sa pagkilos sa santwaryo. Kailangan ding ilagay ang lalagyanan ng kandila ng muling pagkabuhay na malapit sa lugar na pagbabasahan o di kaya'y sa tabi ng tubig pambinyag.

Sa simula ng rito lahat ng tao at ang mga ministro ay nasa labas ng simbahan. Sa itinalagang lugar doon magtitipon ang mga tao.

Sisindihan ang mga kahoy.

Punong tagapagdiwang. Ang kapayapaan ni Kristo, ang Pag-ibig ng Diyos Ama, at ang pakikiisa ng Diyos Espiritu Santo ay sumainyong lahat.

115

Mga kapatid, sa kabanal-banalang gabing ito na pinagyarihan ng pagtawid ng ating Panginoong Hesukristo mula sa pagkamatay patungo sa pagkabuhay, ang sambayanan niya ay nag-aanyaya sa lahat ng mga anak na nasa iba’t ibang panig ng daigdig upang magtipun-tipon sa pagganap ng magdamagang pagdiriwang.

Sa pagganap natin sa ala-ala natin sa Pasko ng Panginoong nagtatagumpay sa pakikinig sa salita at paghahain ng kanyang buhay maaasahan nating tayo’y makakapakinabang sa kanyang pananaig sa kamatayan at pamumuhay sa piling niya at ng Amang Maykapal.

PAGBABASBAS NG SIGA

Manalangin tayo.

Ama naming makapangyarihan, sa pamamagitan ng iyong Anak, kami'y iyong dinulutan ng ningas ng iyong kaliwanagan. Ang bagong ningas na ito ay iyong gawing banal at ipagkaloob mong kami’y pagningasin nitong aming pagdiriwang upang makasapit kaming may dalisay na kalooban sa walang maliw na kaliwanagan sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

116

PAGHAHANDA SA KANDILA NG

PASKO NG MULING PAGKABUHAY

Pagkatapos ilalapit ang kandila ng Pasko ng Muling Pagkabuhay sa pari at ito'y lalagyan ng kaukulang palamuti. Kukunin ng pari ang pangguhit sa tagapaglingkod.

1. Sa pagguhit sa krus mula sa itaas pababa.

Si Kristo ang nagmamahal noon sa bayang hinirang

ngayon pa ri'y siyang patnubay: Si Hesukristo'y nabuhay

S’ya'y ating kaliwanagan.

2. Sa pagguhit sa bisig ng krus mula sa kaliwa hanggang kanan.

Si Kristo ang nagmamahal simula pa noong araw

wakas natin sya't hantungan: Si Hesukristo'y nabuhay S 'ya 'y ating kaliwanagan.

3. Sa pagguhit ng alpha sa ulunan ng krus.

Si Kristo ang pinagmulan: Alpha'y sagisag n’yang tunay. S'ya'y ating pinanggalingan: Si Hesukristo'y nabuhay S'ya'y ating kaliwanagan.

4. Sa pagguhit ng omega sa paanan ng krus.

Si Kristo ang s'yang hantungan Omega'y kanyang larawan, s'ya ang ating patunguhan: Si Hesukristo'y nabuhay S'ya'y ating kaliwanagan.

2

3

0

1

A

Ω

1 2 3 4 5 6 7 8

117

5. Sa pagguhit ng unang bilang ng taon, sa itaas na kaliwang sulok ng krus.

Kay Kristo ay nabibilang lahat ng panaho't araw, bawat yugto ng pag-iral: Si Hesukristo'y nabuhay S'ya'y ating kaliwanagan

6. Sa pagguhit ng ikalawang bilang ng taon, sa itaas na kanang sulok ng krus.

Kay Kristo ay nabibilang mga taong daan-daan, hari s'ya ng kasaysayan: Si Hesukristo'y nabuhay S'ya'y ating kaliwanagan

7. Sa pagguhit ng ikatlong bilang ng taon, sa ibabang kaliwang sulok ng krus.

Kay Kristo ang karangalan lahat ng kapangyarihan Panginoong dinarangal: Si Hesukristo'y nabuhay S'ya'y ating kaliwanagan.

8. Sa pagguhit ng ikaapat na bilang ng taon, sa ibabang kanang sulok ng krus.

Kay Kristo ang kapurihan ng buong sangkatauhan Ngayon at magpakaylanman. Si Hesukristo'y nabuhay S'ya'y ating kaliwanagan.

118

Ngayon ay itutusok ng pari ang limang butil ng insenso sa kandila. Gagawin niya ito ayon sa balangkas ng krus habang ipinahahayag.

1. Sa sugat na lubhang banal ni Hesus sa tagiliran

dugo't tubig ay lumitaw. Si Hesukristo'y nabuhay S'ya'y ating kaliwanagan. 2. May sugat sa paang kanan

si Hesus na nabayubay sa krus na kinamatayan. Si Hesukisto'y nabuhay S'ya'y ating kaliwanagan 3. Ang kaliwang paa naman ni Hesus din ay nasugatan pako'y naglagos na tunay: Si Hesukristo'y nabuhay S'ya'y ating kaliwanagan.

4. At sa kanan niyang kamay

si Hesus di'y pinakuan kayat may sugat na taglay: Si Hesukristo'y nabuhay S'ya'y ating kaliwanagan 5. Sa kanyang kaliwang kamay

si Hesus ay pinakuan Noong buhay n'ya'y ialay. Si Hesukristo'y nabuhay S'ya'y ating kaliwanagan.

Isisindi ang kandila sa bagong basbas na apoy habang ipinahahayag.

Mapawi nawang tuluyan ang dilim ng kasalanan sa puso nati't isipan: Si Hesukristo'y nabuhay S'ya'y ating kaliwanagan.

1

2 5

4

119

PRUSISYON PAPASOK SA SIMBAHAN

Ang diyakono, o kaya ay ang pari kung walang diyakono, tangan ang may sinding kandila ay magpruprusisyon patungo sa loob ng simbahan. Siya ay pangungunahan ng tagapagdala ng insensaryo sa prusisyon.

UNANG PAGHIMPIL

Pagsapit sa pinto siya ay titigil at itataas ang kandila ng Pasko ng pagkabuhay at aawitin ang sumusunod.

Tayo nang magbigay-dangal kay Hesus na ating ilaw sa diwa nati't isipan. Si Hesukristo'y nabuhay, S'ya'y ating kaliwanagan.

Sasagot ang lahat:

Salamat po Poong Banal sa ilaw na iyong bigay, upang kami ay tanglawan. Si Hesukristo'y nabuhay s'ya'y ating kaliwanagan.

Sisindihan ng punong tagapagdiwang ang kanyang kandila mula sa kandila ng pasko ng Pagkabuhay.

IKALAWANG PAGHIMPIL

Pagsapit sa gitna ng simbahan siya ay titigil at muling aawit.

Tayo nang magbigay-dangal kay Hesus na ating ilaw sa diwa nati't isipan. Si Hesukristo'y nabuhay, S'ya'y ating kaliwanagan.

Sasagot ang lahat:

Salamat po Poong Banal sa ilaw na iyong bigay, upang kami ay tanglawan. Si Hesukristo'y nabuhay s'ya'y ating kaliwanagan.

Magsisindi ang mga tagapaglingkod ng kandila mula sa kandila ng Pasko ng Muling Pagkabuhay at ang lahat ng mga tao ay sisindi mula sa kandila ng mga tagapaglingkod.

120

IKATLONG PAGHIMPIL

Pagsapit sa paanan ng santwaryo bago umakyat sa dambana haharap ang diyakono o pari sa mga tao at muling aawitin ang parangal tulad ng nauna.

Tayo nang magbigay-dangal kay Hesus na ating ilaw sa diwa nati't isipan. Si Hesukristo'y nabuhay, S'ya'y ating kaliwanagan.

Sasagot ang lahat:

Salamat po Poong Banal sa ilaw na iyong bigay, upang kami ay tanglawan. Si Hesukristo'y nabuhay s'ya'y ating kaliwanagan.

Ang ilaw sa pook ng ambo ay sisindihan. Ang kandilang pasko ng Pagkabuhay ay ilalagay ng diyakono sa patungan na malapit sa ambo.

Ang punong tagapagdiwang ay tutungo sa dakong upuan ibibigay ang kandila niya sa tagapaglingkod at lalagyan ng insenso ang insensaryo tulad ng ginagawa sa loob ng Misa.

Ang diyakono ay hihiling na gawaran ng pagpapala ng punong tagapagdiwang bago ipahayag ang Exultet. Sasabihin niya:

Diyakono. Padre, basbasan po ninyo ako.

Punong tagapagdiwang. Sa iyong puso at sa iyong mga labi manahan nawa ang Panginoon upang marapat mong maipahayag na ngayon ay Pasko na ng Pagkabuhay, sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo.

Diyakono. Amen.

Hindi ito gagawin kung hindi diyakono ang gagampan ng pagpapahayag ng Exultet.

Iinsensuhan ang kandila at aklat, at ipahahayag ng diyakono ang Pagpapahayag ng Pasko ng Muling Pagkabuhay.

122

ANG PAGPAPAHAYAG NG

Dalam dokumen Ang Mga Pagdiriwang Ng Mga Mahal Na Araw (Halaman 114-122)