• Tidak ada hasil yang ditemukan

ANG BANAL NA PAKIKINABANG

Dalam dokumen Ang Mga Pagdiriwang Ng Mga Mahal Na Araw (Halaman 105-111)

Bababa ang dalawang tagapaglingkod na may tangang nagdiringas na kandila at ang diyakono o ministro ng komunyon upang sunduin ang Banal na Sakramento sa lugar na inihanda para rito matapos ang pagtatanod noong Huwebes Santo.

Ang dambana ay lalatagan ng puting mantel at lalagyan ng kandila ng mga tagapaglingkod. Maglalagay rin dito ang telang patungan ng katawan ni Kristo at ang sakramentaryo na nakabukas sa bahagi ng rito ng pakikinabang. Sa gawi ng hapag para sa mga kagamitan ay nakahanda na ang kalis at ang telang pamahiran at tubig para sa paglilinis matapos ang banal na pakikinabang. Pagdating ng Banal na Sakrameto sa dambana ito ay ilalagay ng diyakono sa telang patungan ng katawan ni Kristo at ang lalagyan ay bubuksan. Dudulog ang pari sa dambana at luluhod saka malakas na ihahayag na magkadaop ang kamay:

Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos at turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos ipahayag natin nang lakas-Ioob:

Ama namin, sumasalangit ka. Sambahin ang ngalan mo. Mapasaamin ang kaharian mo. Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit. Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw. At patawarin mo kami sa aming mga sala para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso. At iadya mo kami sa lahat ng masama.

Nakalahad ang mga kamay ng punong tagapagdiwang sa pagdarasal:

Hinihiling naming kami’y iadya sa lahat ng masama, pagkalooban ng kapayapaan araw-araw, iligtas sa kasalanan at ilayo sa lahat ng kapahamakan samantalang aming pinananabikan

106

ang dakilang araw ng pagpapahayag ng Tagapagligtas naming si Hesukristo.

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

Sapagka’t iyo ang kaharian at ang kapangyarihan at ang kapurihan magpakailan man! Amen.

Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay at pabulong na magdarasal:

Ang pakikinabang sa katawan mo, Panginoong Hesukristo, ay huwag nawang magdulot ng paghuhukom at parusa sa kasalanan ko. Alang-alang sa iyong dakilang pag-ibig nawa'y aking matanggap ang pagkupkop mo sa akin at kaloob mong lunas.

Luluhod siya ipapamalas sa mga tao ang ostiya habang sinasambit.

Ito ang Kordero ng Diyos. Ito ang nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan.Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging.

Idurugtong niyang minsanan kaisa ng sambayanan

Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo nguni’t sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.

Siya ay makikinabang nang magalang at nakayuko sa dambana. Matapos nito makikinabang naman ang mga tao.

Pagkatapos ng paglilinis ng mga siboryo sa hapag ng mga kagamitan, maaaring aalisin ng mga tagapaglingkod ang telang patungan ng katawan ni Kristo. Sa pangunguna ng dalawang tagapagdala ng kandila ang natirang sakramento ay muling ibabalik sa lugar na pinagkunan at inihanda para dito.

107

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG Manalangin tayo.

Saglit na katahimikan.

Ama naming mapagmahal, pinakikinabangan mo kami sa banal na pagkamatay at pagkabuhay ni Kristo. Panatiliin mo sa amin ang ginanap ng iyong dakilang pag-ibig upang kami'y makapamuhay nang matapat sa pakikisalo sa dulot mong pagliligtas sa pamamgitan ni Jesu-Kristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Amen.

PAGPAPANALANGIN SA SAMBAYANAN

Ama naming bukal ng pagpapala, ang iyong pagbabasbas ay manaog nawang masagana sa iyong sambayanang gumanap sa paggunita sa pagkamatay ng iyong Anak na siyang pagkabuhay ng nagtitiwala. Ang iyong pagpapatawad ay sumapit nawa sa tanan. Ang iyong pakikisamang maaasahan ay iyong ibibigay. Ang pananampalatayang banal nawa'y maging matibay. Ang kaligtasang walang maliw ay patatagin mong lubusan sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo, magpasawalang hanggan.

Amen.

Pagkatapos ng panalangin sa Banal na Pakikinabang matahimik lilisan ang pari, ang mga ministro at ang mga tagapaglingkod. Huhubaran muli ang dambana. Ang krus na pinarangalan ay iiwanan sa may dambana at lalagyan ng apat na kandilang nakatanod dito. Mula ngayon hanggang sa kinabukasan, niluluhuran ang krus tuwing sasapit sa harapan nito.

109

ANG MAGDAMAGANG PAGDIRIWANG NG PASKO MULING PAGKABUHAY

MGA TAGUBILIN

- Ang pagtatanod na ito ay tinatawag na Ina ng Lahat ng mga Pagtatanod, sa gayon, ang Ina ng Lahat ng mga Pagdiriwang. Gayon din naman, ang Exultet ang Ina ng Lahat ng mga Awit.

- Ang buong pagdiriwang ay gaganapin pagkatapos magtakip-silim at dapat matapos bago magbukang-liwaway ng Linggo (Pangkalahatang Tagubilin 21). Ang tagubiling ito

ay susundin nang buong higpit. Hindi maaaring magdiwang sa oras na nakagawian sa

mga Misang Panglinggo sa pagtatakipsilim ng Sabado.

- Ang Pagpapahayag ng Pasko ng Muling Pagkabuhay o Exultet ay maaaring awitin ng pari, ng isang diyakono, o sinumang angkop na mang-aawit. Kung ang aawit ay hindi pari o diyakono, hindi niya isasama ang mga pagbati ng isang inordinahang ministro, gayon din ang mga bahaging tumutukoy sa isang diyakono. Ito ay maaaring awitin sa mahaba o maikling paraan.

- Siyam na pagbasa ang itinalaga sa gabing ito: pito mula sa Lumang Tipan, at dalawa mula sa Bagong Tipan (ang Sulat at ang Mabuting Balita). Kung kinakailangan, maaring bawasan ang mga ito. Maaari ring bumasa ng tatlo mula sa Lumang Tipan. Sa higit na pangangailangan, maaari ring bumasa lamang dalawa mula sa Lumang Tipan. Ano man ang mangyari, hindi maaaring laktawan ang Pagbasa mula sa Exodo14, 15—15, 1

(ikatlong pagbasa), ang sulat at ang Mabuting Balita.

- Ang ikatlong pagbasa mula sa Exodo ay maaring magtapos sa mga salitang tungkol sa pag-awit ni Moises; tatanggalin ang Ang Salita ng Diyos, at tutuloy sa pag-awit ng salmong tugunan.

- Ang mga bahagi ng pagtatanod na dapat awitin ay ang mga pagbubunyi sa prusisyon ng kandila ng Muling Pagkabuhay, ang Exultet, ang tugunang Aleluya, ang Litanya ng mga Banal, at ang dakilang Amen na pagbubunyi sa pagbabasbas ng tubig pambinyag.

- Ang mga kampana ay muling patutunugin sa pag-awit ng Papuri sa Diyos.

- Ang pagpapahayag ng Mabuting Balita ay gaganapin nang mayroong inseso, ngunit walang mga kandila.

- Ang pakikinabang ay ipamamahagi lamang sa pagtatanod. Ang mga makikinabang sa Misang ito ay maaari muling makinabang kinabukasan.

- Ang mga nagsimba sa Misang ito ay nakatupad na sa kanilang tungkuling panlinggo.

- Marapat na ipagdiwang ang Misang ito nang buong dingal. Ginto o puti ang kausotang gagamitin ng pari, na kung maaari ay ang pinakamaganda, gayon din ang mga kagamitan.

110

- Ang altar ay gagayakan ng mga bulaklak. Ito ay lalagyan ng mantel bago magsimula ang pagdiriwang. Ilalagay na rin ang mga kandilang walang sindi sa altar.

- Ang mga ilaw ng simbahan at mga kandila ay dapat na patay sa pagsisimula ng pagdiriwang. Ang mga ito ay bubuhayin lamang pagpasok ng Kandila ng Muling Pagkabuhay sa santwaryo o sa pag-awit ng Papuri sa Diyos.

- Mahalagang bahagi ng pagdiriwang ay ang Binyag. Hinihiling na may mabinyagan sa pagdiriwang na ito. Sila ay dapat na maagang naihanda nang mabuti.

MGA IHAHANDA

- Sa labas ng simbahan, ihahanda ang mga kahoy na pagpaparikitan ng bagong apoy.

- Ihahanda ang kandila ng Pasko ng Muling Pagkabuhay, ang lalagyan nito, ang pansulat sa kandila at ang limang butil ng insensong itutusok dito, ang insensaryo na walang laman, ang lalagyanan ng insenso, ang pang-ipit ng baga at ang pangwisik ng banal na tubig.

- Ihahanda ang lalagyanan ng tubig sa pagbibinyag sa baptisteryo o sa bandang babang harapan ng santwaryo kung saan makikita ng tao at hindi naman makahahadlang sa pagkilos sa santwaryo. Kailangan ding ilagay ang lalagyanan ng kandila ng muling pagkabuhay na malapit sa lugar na pagbabasahan o di kaya'y sa tabi ng tubig pambinyag.

- Ihahanda ang mga flashlight para sa pari at ang malamlam na ilaw na tatanglaw sa pook ng mga pagbasa.

- Ihahanda rin ang pansalok ng tubig para sa pagbibinyag at ang banal na Krisma para sa pagpapahid ng langis sa bagong binyag at pagkukumpil, kung magkukumpil man.

- Para sa sambayanan, maghahanda sila ng kani-kanilang kandila.

- Ang mga bibinyagan naman ay maghahanda ng kandila at puting damit na pambinyag.

- Ihanda ang krus na pamprusisyon na mangunguna sa prusisyong papasok ng simbahan.

- Ihanda rin ang mga pinakamainam na kasuotang pangmisa, at karagdagang mga kasuotan kung may mga makikipagdiwang.

111

ANG MAGDAMAGANG

Dalam dokumen Ang Mga Pagdiriwang Ng Mga Mahal Na Araw (Halaman 105-111)