• Tidak ada hasil yang ditemukan

IKATLONG PANALANGIN NG PAGPUPURI AT PASASALAMAT

Dalam dokumen Ang Mga Pagdiriwang Ng Mga Mahal Na Araw (Halaman 154-166)

PAGSASARIWA SA PANGAKO SA BINYAG

IKATLONG PANALANGIN NG PAGPUPURI AT PASASALAMAT

PREPASYO

Ang pagkamatay at pagkabuhay ni Kristo Sumainyo ang Panginoon.

At sumaiyo rin.

ltaas sa Diyos ang inyong puso at diwa. Itinaas na namin sa Panginoon.

Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos. Marapat na siya ay pasalamatan.

Ama naming makapangyarihan, tunay ngang marapat na ikaw ay aming pasalamatan ngayong gabing ipinagdiriwang ang paghahain ng Mesiyas ang maamong tupa na tumubos sa aming lahat. Ang iyong Anak na minamahal ay naghain ng sarili niyang buhay. Siya ang tupang maamong umako sa kaparusahan upang mapatawad ang kasalanan ng sanlibutan.

Sa pagkamatay niya sa banal na krus ang kamatayan namin ay kanyang nilupig. Sa pagkabuhay niya bilang Manunubos pag-asa't pagkabuhay ay aming nakamit.

Kaya kaisa ng mga anghel na nagpupuri sa iyo nang walang humpay sa kalangitan ipinagbubunyi namin ang iyong kadakilaan:

Santo, Santo, Santo Panginoong Diyos ng mga hukbo! Napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan mo.

Osana sa kaitaasan!

Pinagpala ang naparirito sa ngalan ng Panginoon! Osana sa kaitaasan!

155

Nakalahad ang mga kamay na darasalin

Ama naming banal, dapat kang purihin ng tanang kinapal, sapagkat sa pamamagitan ng iyong Anak na aming Panginoong Hesukristo at sa kapangyrihan ng Banal na Espiritu, ang lahat ay bibibigyan mo ng buhay at kabanalan.

Walang sawa mong tinitipon ang iyong sambayanan upang mula sa pagsikat hanggang sa paglubog ng araw, maihandog ang malinis na alay para sambahin ang iyong ngalan.

Pagdaraupin ng tagpagdiwang ang kanyang kamay at lulukuban ng mga kamay niya ang mga alay habang siya ay nagdarasal.

Ama, isinasamo naming pakabanalin mo sa kapangyarihan ng Banal na Espiritu ang mga kaloob na ito na aming inilalaan sa iyo.

Pagdaraupin ng tagapagdiwang ang kanyang mga kamay at kukurusan niya ang tinapay at kalis, samantalang kanyang dinarasal.

Ito nawa ay maging Katawan at Dugo  ng iyong Anak at aming Panginoong Hesukristo

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

na nag-utos ipagdiwang ang misteriyong ito. Noong gabing ipagkanulo siya,

Hahawakan ng tagapagdiwang ang tinapay ng bahagyang nakaangat sa ibabaw ng dambana habang kanyang patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang tinapay, pinasalamatan ka niya, pinaghati-hati niya iyon, iniabot sa kanyang mga alagad at sinabi:

156

T

ANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT KANIN

:

I

TO ANG AKING

K

ATAWAN

NA IHAHANDOG PARA SA INYO

.

Ipapamalas niya ang tinapay, ipapatong niya ito sa pinggang patungan ng katawan ni Kristo, at luluhod siya bilang pagsamba.

Pagkatapos ipahahayag ng punong tagapagdiwang.

Gayun din naman, pagkatapos ng hapunan,

Hahawakan ng punong tagapagdiwang ang kalis nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang kanyang patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang kalis, muli ka niyang pinasalamatan, iniabot sa kanyang mga alagad, at sinabi:

Bahagyang yuyuko ang punong tagapagdiwang.

T

ANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN

:

I

TO ANG

K

ALIS NG AKING

D

UGO

N

G BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN

,

A

NG AKING

D

UGO NA IBUBUHOS

P

ARA SA INYO AT PARA SA LAHAT

S

A IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN

.

G

AWIN NINYO ITO SA PAG

-

ALALA SA AKIN

.

Ipamamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan ng katawan ni Kristo, at luluhod siya bilang pagsamba.

Pagkatapos, ipahahayag ng punong tagapagdiwang:

Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.

Sa krus mo at pagkabuhay, kami’y natubos mong tunay. Poong Hesus naming mahal, iligtas mo kaming tanan, ngayon at magpakailan man.

157

Ilalahad ng punong tagapagdiwang ang kanyang mga kamay samantalang siya ay nagdarasal.

Ama, ginugunita namin ang pagkamatay ng iyong Anak na sa ami’y nagligtas, gayun din ang kanyang muling pagkabuhay at pag-akyat sa kalangitan samantalang ang kanyang pagbabalik ay pinananabikan, kaya bilang pasasalamat ngayo’y aming iniaalay sa iyo ang buhay at banal na paghahaing ito.

Tunghayan mo ang handog na ito ng iyong Simbahan. Masdan mo ang iyong Anak na nag-alay ng kanyang buhay upang kami ay ipagkasundo sa iyo. Loobin mong kaming magsalu-salo sa kanyang Katawan at Dugoay mapuspos ng Espiritu Santo at maging isang katawan at isang diwa kay Kristo.

NAKIKIPAGDIWANG I

Kami nawa ay gawin niyang handog na habang panahong nakatalaga sa iyo. Tulungan nawa niya kaming magkamit ng iyong pamana kaisa ng Ina ng Diyos, ang Mahal na Birhen, kaisa ng mga Apostol, mga Martir, at kaisa ng lahat ng mga Banal na aming inaasahang laging nakikiusap para sa aming kapakanan.

NAKIKIPAGDIWANG II

Ama, ang handog na ito na aming pakikipagkasundo sa iyo ay magbunga nawa ng kapayapaan at kaligtasan para sa buong daigdig. Patatagin mo sa pananampalataya at pag-ibig ang iyong simbahang naglalakbay sa lupa, kasama ang iyong lingkod na si Papa N., ang aming obispong si

158

iyong piniling sambayanan. Dinggin mo ang kahilingan ng iyong angkan na ngayo'y tinipon mo sa iyong harapan.

Amang maawain, kupkupin mo at pag-isahin ang lahat ng iyong mga anak sa bawat sulok at panig ng daigdig. Kaawan mo at patuluyin sa iyong kaharian ang mga kapatid naming yumao at ang lahat ng lumisan sa mundong ito na nagtataglay ng pag-ibig sa iyo.

Kami ay umaasang makararating sa iyong piling t sama-samang magtatamasa ng iyong kaningningang walang maliw sapagkat aming masisilayan ang iyong kagandahan

Pagdaraupin ang kanyang mga kamay.

Sa pamamagitan ng aming Panginoong Hesukristo na siyang pinagdaraanan ng bawat kaloob Mo sa aming kabutihan.

Hahawakan ng punong tagapagdiwang ang pinggang may ostiya at ang kalis at kapwa niya itataas habang kanyang ipinapahayag:

Sa pamamagitan ni Kristo kasama niya, at sa kanya ang lahat ng parangal at papuri ay sa iyo, Diyos Amang makapangyarihan, kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

160 ANG PAKIKINABANG

Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos at turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos ipahayag natin nang lakas-loob:

Ama namin, sumasalangit ka. Sambahin ang ngalan mo. Mapasaamin ang kaharian mo. Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit. Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw. At patawarin mo kami sa aming mga sala para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso. At iadya mo kami sa lahat ng masama.

Nakalahad ang mga kamay ng punong tagapagdiwang sa pagdarasal:

Hinihiling naming kami’y iadya sa lahat ng masama, pagkalooban ng kapayapaan araw-araw, iligtas sa kasalanan at ilayo sa lahat ng kapahamakan samantalang aming pinananabikan ang dakilang araw ng pagpapahayag ng Tagapagligtas naming si Hesukristo.

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

Sapagka’t iyo ang kaharian at ang kapangyarihan at ang kapurihan magpakailan man! Amen.

Malakas na darasalin ng paring nakalahad ang mga kamay:

Panginoong Hesukristo,sinabi mo sa iyong mga Apostol: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo.Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo.” Tunghayan mo ang aming Pananampalatayaat huwag ang aming mga pagkakasala.Pagkalooban mo kami ng kapayapaan at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban

161

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Amen.

Kapayapaan ang kaloob sa atin ni Kristong muling nabuhay. Ang kapayapaan na niya ay laging sumainyo.

At sumaiyo rin.

lpahahayag ng diyakono o ng pari

Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t isa.

Pagkatapos, hahawakan ng pari ang ostiya at hahati-hatiin niya ito sa ibabaw ng pinggan at isasawak niya ang kaputol sa kalis habang pabulong niyang dinarasal:

Sa pagsasawak na ito ng katawan sa dugo ng aming Panginoong Hesukristo, tanggapin nawa namin sa pakikinabang ang buhay na walang hanggan.

Matapos magbigayan ng kapayapaan, aawit ang koro habang nagdarasal nang pabulong ang pari.

Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin.

Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin.

Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.

Magkadaop ang mga kamay ng pari sa pabulong na pagdarasal.

Panginoong Hesukristo, Anak ng Diyos na buhay, sa kalooban ng Ama kasama ng Espiritu Santo, binuhay mo sa iyong pagkamatay ang sanlibutan.Pakundangan sa iyong banal na

162

katawan at dugo, iadya mo ako sa tanang aking kasalanan at lahat ng masama, gawin mo akong laging makasunod sa iyong mga utos, at huwag mong ipahintulot na ako’y mawalay sa iyo kaylan man.

Luluhod ang tagapagdiwang at darasalin ng pabulong ang panalangin bago magkomunyon. Pagtayo niya kanyang hahawakan ang ostiya na itataas sa ibabaw ng pinggan. Paharap sa mga tao siyang magsasabi ng malakas:

Dinggin ang Manliligtas na muling nabuhay at ngayo’y nagdudulot sa atin ng bagong buhay: Ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan. Mapalad tayong nakikibahagi sa kanyang banal na piging.

Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo nguni’t sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.

Siya ay makikinabang nang magalang at nakayuko sa dambana habang patuloy na nagdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng katawan ni Kristo patungo sa buhay na walang hanggan.

Mapitagan niyang tatanggapin ang katawan ni Kristo. Kukunin niya ang kalis ng dugo ni Kristo.

Ipagsanggalang nawa ako ng dugo ni Kristo patungo sa buhay na walang hanggan.

Mapitagan niyang tatanggapin ang dugo ng Kristo.

Pagkapakinabang bibigyan niya ang sambayanan ng katawan ni Kristo. Makaaawit ang koro ng naaangkop na awit.

Matapos ang komunyon, maaaring mgakaroon ng ilang saglit ng katahimikan para sa pansariling pananalangin at pagninilay.

163

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG Manalangin tayo.

Saglit na katahimikan.

Ama naming mapagmahal, padaluyin mo sa amin ang batis ng Espiritu ng iyong pag-ibig, upang kaming pinapagsalo mo sa piging ng Pasko ng Pagkabuhay ni Kristo ay magkaisa sa pananalig sa iyo sa pamamagitan niya kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

164

PAGBABASBAS AT PAGHAHAYO Sumainyo ang Panginoon

At sumaiyo rin.

Diyakono o ang pari.Yumuko kayo at hingin ang pagpapala ng Diyos.

Pari. Biyayaan nawa kayo ng Diyos sa dakilang pagdiriwang na ito ng kanyang muling pagkabuhay. Ilayo niya nawa kayo sa anumang pagkakasala.

Amen.

Sa pamamagitan ng muling pagkabuhay ni Kristo, inihatid sa atin ng Diyos ang paghilom ng ating mga sugat sa buhay. Tuparin niya nawa ang kanyang mga pangako sa inyo at biyayaan niya kayo ng buhay na walang katapusan.

Amen.

Matapos idalamhati ang pagpapakasakit ni Jesu-Kristo, ipinagdiriwang ngayon ang maligayang pasko ng pagkabuhay ng mga tao. Pasapitin nawa niya kayo sa kagalakan ng kanyang kapistahan sa kalangitan magpasawalang hanggan.

Amen.

At sumainyo ang pagpapala ng dakilang Diyos Ama at Anak at Espiritu Santo.

Amen.

Diyakono o ang pari. Humayo kayong taglay ang kapayapaan upang ang Panginoon ay mahalin at paglingkuran. Aleluya, aleluya!

Salamat sa Diyos. Aleluya, aleluya!

Lilisanin ng punong tagapagdiwang at mga tagapaglingkod ang santwaryo.

166

ANG PASKO NG MULING

Dalam dokumen Ang Mga Pagdiriwang Ng Mga Mahal Na Araw (Halaman 154-166)