• Tidak ada hasil yang ditemukan

PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS

Dalam dokumen Ang Mga Pagdiriwang Ng Mga Mahal Na Araw (Halaman 47-58)

UNANG PAGBASA Exodo 12, 1-8. 11-14

Mga tagubilin tungkol sa hapunan ng Paskuwa.

Pagbasa mula sa aklat ng Exodo

Noong araw na iyon, sinabi ng Panginoon kina Moises at Aaron, “Mula ngayon, ang buwang ito ang magiging unang buwan ng taon para sa inyo. At sabihin ninyo sa buong pamayanan ng Israel na sa ikasampung araw ng buwang ito, bawa’t puno ng sambahayan ay pipili ng kordero o bisirong kambing para sa kanyang pamilya.

“Kung maliit ang pamilya at hindi makauubos ng isang buong kordero, magsasalo sila ng kalapit na pamilya na hindi rin makauubos ng isang buo. Ang dami ng magsasalu-salo sa isang kordero ay ibabatay sa makakain ng bawa’t isa. Kailangang ang kordero ay lalaki, isang taong gulang, walang pinsala o kapintasan. Kung walang tupa kahit kambing.

“Aalagaan itong mabuti hanggang sa ikalabing-apat ng buwan at sa kinagabihan, sabay-sabay na papatayin ng buong bayan ang kanilang kordero. Kukuha sila ng dugo nito at ipapahid sa mga hamba at sombrero ng mga pintuan ng bahay na kakainan ng kordero. Sa gabi ring iyon, lilitsunin ito at kakaning

48

kasama ng tinapay na walang lebadura at mapapait na gulay.

“Ganito naman ang magiging ayos ninyo sa pagkain nito: nakabigkis, nakasandalyas at may tangang tungkod; dali-dali ang inyong pagkain nito. Ito ang paskuwa ng Panginoon.

“Sa gabing iyon, lilibutin ko ang buong Egipto at papatayin ang lahat ng panganay na lalaki, maging tao o hayop man. At parurusahan ko ang lahat ng diyus-diyusan sa Egipto. Ako ang Panginoon. Lalampasan ko ang lahat ng bahay na makita kong may pahid na dugo, at walang pinsalang mangyayari sa inyo sa pagpaparusa ko sa buong Egipto. Ang dugo ang siyang magiging palatandaan na Israelita ang nakatira sa bahay na iyon. Ang araw na ito’y ipagdiriwang ninyo magpakailanman bilang pista ng Panginoon.”

Ang salita ng Diyos.

49

SALMONG TUGUNAN Awit 115

Tugon. Sa kalis ng pagbabasbas si Kristo ang tinatanggap.

Sa Diyos ko’t Panginoon, anong aking ihahandog, Sa lahat ng kabutihan na sa akin ay kaloob?

Ang handog ko sa dambana, ay inumin na masarap, Bilang aking pagkilala sa ginawang pagliligtas.

Tugon. Sa kalis ng pagbabasbas si Kristo ang tinatanggap.

Masakit sa kalooban ng Poon kung may papanaw Kahit ito ay iisa labis siyang magdaramdam. Katulad ng aking ina, maglilingkod akong lubos; Yamang kao’y iniligtas, kinalinga at tinubos.

Tugon. Sa kalis ng pagbabasbas si Kristo ang tinatanggap.

Ako ngayo’y maghahandog ng haing pasasalamat, Ang hadog kong panalangi’y sa iyo ko ilalagak. Sa templo sa Jerusalem, ay doon ko ibibigay ang anumang pangako sa iyo ay binitiwan.

Tugon. Sa kalis ng pagbabasbas si Kristo ang tinatanggap.

50

IKALAWANG PAGBASA Corinto 12, 1-8. 11-14

Tuwing kakain kayo at iinom,

ipinapahayag ninyo ang kamatayan ng Panginoon.

Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto

Mga kapatid:

Ito ang aral ng Panginoon na tinanggap ko sa Panginoon at ibinigay ko naman sa inyo: ang Panginoong Hesus, noong gabing siya’y ipagkanulo ay kumuha ng tinapay, nagpasalamat at pinaghati-hati ito, at sinabi, “Ito ang kaing katawan na inihahandog para sa inyo. Gawin ninyo ito sa pag-alala sa akin.”

Gayon din naman, matapos maghapunan ay hinawakan niya ng kalis at sinabi, “Ang kalis na ito ng bagong tipan na pinagtitibay ng aking Dugo. Tuwing iinumin ninyo ito, gawin ninyo ito sa pag-alala sa akin.” Sapagkat’ tuwing kakain kayo ng tinapay na ito at iinom sa kalis na ito ay ipinahahayag ninyo ang kamatayan ng Panginoon, hanggang sa muling pagparito niya.

Ang salita ng Diyos.

51

AWIT-PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA

Ang bagong utos ko’y ito Mag-ibigan kayo

Katulad ng ginawa ko Na pagmamahal sa inyo, Ang sabi ni Hesukristo.

PAGPAPAHAYAG NG MABUTING BALITA Juan 13, 1-5

Ipakikita niya kung hanggang saan ang kanyang pag-ibig sa kanila.

Sumainyo ang Panginoon At sumaiyo rin.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan.

Papuri sa iyo Panginoon.

Bisperas ng paskuwa. Alam ni Hesus na dumating na ang panahon ng kanyang paglisan sa sanlibutang ito upang bumalik sa Ama. Mahal niya ang kanyang mga tagasunod na nasa sanlibutan, at ngayo’y ipakikita niya kung hanggang saan ang kanyang pag-ibig sa kanila.

Naghahapunan si Hesus at ang mga alagad. Naisilid na ng diyablo sa isip ni Judas, anak ni Simon Iscariote, ang pagkakanulo kay Hesus. Alam ni Hesus na ibinigay na sa kanya ng Ama ang buong kapangyarihan; alam din niyang siya’y mula sa Diyos at babalik sa Diyos. Kaya’t nang sila’y naghahapunan, tumindig si Hesus, naghubad ng kanyang panlabas na kasuutan, at nagbigkis ng tuwalya. Pagkatapos, nagbuhos siya ng tubig sa palanggana, at sinimulang hugasan ang paa ng mga alagad at punasan ng tuwalyang nagbibigkis sa kanya.

52

Paglapit niya kay Simon Pedro, tumutol ito. “Panginoon,” sabi niya. “Diyata’t kayo pa ang maghuhugas ng aking mga paa?”

Sumagot si Hesus, “Hindi mo nauunawaan ngayon ang ginagawa ko, nguni’t mauunawaan mo rin pagkatapos.”

Sinabi sa kanya ni Pedro, “Hinding-hindi ko po pahuhugasan sa inyo ang aking mga paa.”

“Kung hindi kita huhugasan, wala kang kaugnayan sa akin,” tugon ni Hesus.

Kayat sinabi ni Pedro, “Panginoon, hindi lamang po ang mga paa ko, kundi pati ang aking kamay at ulo!”

Ani Hesus, “Maliban sa kanyang mga paa, hindi na kailangang hugasan pa ang naligo na, sapagkat malinis na ang kanyang buong katawan. At malinis na kayo, ngunit hindi lahat.” Sapagkat alam ni Hesus kung sino ang magkakanulo sa kaniya, kaya sinabi niyang malinis na sila, ngunit hindi lahat.

Nang mahugasan na ni Hesus ang kanilang mga paa, siya’y nagsuot ng mga damit at nagbalik sa hapag. “Nauunawaan ba ninyo kung ano ang ginawa ko sa inyo?” tanong niya sa kanila. “Tinatawag ninyo akong Guro at Panginoon, at tama kayo, sapagkat ako nga. Kung ang Panginoon ninyo at Guro ay naghugas ng inyong mga paa, dapat din kayong maghugasan ng paa. Binigyan ko kayo ng halimbawa at ito’y dapat ninyong tularan.”

Ang Mabuting Balita ng Panginoon. Pinupuri ka namin Panginoong Hesukristo.

53

HOMILIYA

Ang punong tagapagdiwang o isa sa mga nakikipagdiwang ay magbibigay ng homiliya. Matapos ay maaaring magkaroon ng sandaling katahimikan para sa pansariling pagninilay.

Walang pagpapahayag ng pananampalataya sa Misang ito.

ANG PAGHUHUGAS NG MGA PAA

Ang lugar para sa mga taong huhugasan ng paa ay dapat na kita ng lahat ngunit di dapat na ihanay ang kanilang mga upuan kapantay ng punong tagapagdiwang. Sisimulan ngayon ang paghuhugas ng paa.

Maghuhubad ng kasulya ang punong tagapagdiwang, magbibigkis ng gremyal, at tutungo sa lugar ng paghuhugas. Magsasalita muna ang punong tagapagdiwang ng ganito.

Mga kapatid, ang Panginoong Hesus ay nasasaatin sa tuwing naglilingkod tayo sa isa’t isa. Buong puso niyang hinugasan ang paa ng kanyang mga alagad. Hilingin natin na tanggapin niya ang ating mga gagawin bilang tugon sa kaniyang atas.

Ngayon huhugasan natin ang duming panlabas; hugasan nawa niya ang dumi sa ating kalooban. Nawa’y magsilbi itong paala-ala sa atin upang paglingkuran natin ang bawat isa sa pag-ibig tulad ng iniutos ng Panginoon.

Habang hinuhugasan ko kayo, ipanalangin ninyo ako habang aking sinasariwa ang aking mga pangako bilang paring lingkod.

Isa-isa ngayong lalapitan ng punong tagapagdiwang ang mga kinatawan ng labingdalawang apostol at sila’y magtatanong sa kaniya. Bago niya hugasan ang kanilang mga paa sasagutin niya ang mga tanong ng

54

Unang Alagad. Padre N., nakahanda ba kayong sariwain ang inyong pagtatalaga ng sarili kay Hesus bilang pari ng bagong tipan?

Pari. Oo. Nakahanda ako.

Ikalawang Alagad. Padre N., tinatanggap ba ninyo ang mga kalakip na responsibilidad ng pagkapari dahil sa pagmamahal ninyo kay Kristo at sa kanyang Simbahan?

Pari. Oo. Nakahanda ako.

Ikatlong Alagad. Padre N., nakahanda ba kayong ipagdiwang ng buong puso ang Eukaristiya at iba pang pagdiriwang ng simbahan?

Pari. Oo. Nakahanda ako.

Ika-apat na Alagad. Padre N., nakahanda ba kayo na maging buháy na halimbawa ng presensya ni Hesus sa lahat ng tao, lalung-Ialo na sa mga mahihirap at mga naapi?

Pari. Oo. Nakahanda ako.

Ikalimang Alagad. Padre N., nakahanda ba kayong gayahin si Hesus, na ulo at pastol ng Simbahan sa pamamagitan ng pagtuturo sa amin ukol sa Pananampalatayang Kristiyano?

Pari. Oo. Nakahanda ako.

Ika-anim na Alagad. Padre N., nakahanda ba kayo sa pagiging matapat sa magandang pakikitungo sa inyong mga kapatid na pari?

Pari. Oo. Nakahanda ako.

Ika-pitong Alagad. Padre N., nangangako ba kayo na maging pari magpakaiIanman?

Pari. Oo. Nakahanda ako.

Ika-walong Alagad. Padre N., nangangako ba kayong magiging magalang at masunurin sa ating obispo at sa kanyang magiging kahalili, tulad ni Hesus ang unang sumunod sa kalooban ng Ama?

55

Ika-siyam na Alagad. Padre N., nanganagko ba kayong manatiling malinis at walang bahid sa inyong pakikitungo sa lahat ng tao, tulad ni Hesus huwaran ng kalinisan?

Pari. Oo. Nakahanda ako.

Ika-sampung Alagad. Padre N., nangangako ba kayong mamuhay ng simple upang maging malinaw na salamin para sa amin kay Hesus, ang unang naging payak sa pamumuhay?

Pari. Oo. Nakahanda ako.

Ika-labing-isang Alagad. Padre N., nangangako ba kayong makinig sa amin sa kumpisal at sa paghingi ng payo nang hindi nagmamadali at di nanghuhusga?

Pari. Oo. Nakahanda ako.

Ika-labingdalawang Alagad. Padre N., nangangako ba kayo na mamahalin ang lahat ng mga bata kahit na minsan sila ay di nakagagawa ng tama?

Pari. Oo. Nakahanda ako.

Magsusuot ngayon ng kasulya ang Punong tagapagdiwang at Kanyang darasalin sa may upuan.

Manalangin tayo.

Diyos naming Ama, binibigyan mo ng lakas ang pag-ibig at iyo itong ikinagagalak. Ang iyong Anak ay nagpakababa para sa amin upang kami’y makatayo at makaharap sa iyo. Habang kami na iyong sambayanang nagagalak ay patuloy na dumarami, ipagkaloob mong manatili kaming nakikiisa sa iyo.

Hinihiling namin ito sa pamamagitan ng iyong Anak na aming Panginoong Hesukristo na nabubuhay at naghaharing kasama mo at ng Espiritu Santo, magpasawalang hanggan.

56

PANALANGIN NG BAYAN

Aanyayahan ng punong tagapagdiwang ang sambayanan sa pagluhog. Punong tagapagdiwang. Sa huling hapunan, ibinigay sa atin ni Jesus ang Eukaristiya bilang alaala ng pagbibigay loob. Manalangin tayo sa Ama upang maisabuhay natin ang misteryong ipinahihiwatig ng Eukaristiya. Sabihin natin:

Tugon. Ama dinggin mo ang iyong sambayanan.

Lektor. Ang Eukaristiya ang siyang ganap na pagsasakripisyo ni Kristo. Nawa'y tipunin ng Simbahan ang sakit, pagsususmikap, at pangarap ng sangkatauhan at ipagkaisa ito sa pag-aalay ni Kristo. Manalangin tayo.

Tugon. Ama dinggin mo ang iyong sambayanan.

Lektor. Ipinagkaisa ang eukaristiya sa sakramento ng pagkapari. Nawa'y manatiling kaisa ni Kristo sa panalangin sa sakripisyo, at sa kanilang paglilingkod ang Santo Papa, mga Obispo, pari, at diyakono. Manalangin tayo.

Tugon. Ama dinggin mo ang iyong sambayanan.

Lektor. Ipinakita ni Kristo ang halimbawa ng kababaang-loob at paglilingkod. Nawa'y piliin ng lahat ng nanunungkulan na maglingkod sa halip na paglingkuran, at magsumikap para sa ikabubuti ng bayan. Manalangin tayo.

Tugon. Ama dinggin mo ang iyong sambayanan.

Lektor. Ang Eukaristiya ay pakikiisa namin sa dugo ni Kristo. Nawa ang aming pakikiisa ay magtipon sa amin sa pagmamahalan, sa pagsisilbi at pakikibaka sa isa't-isa. Manalangin tayo.

57

Tugon. Ama dinggin mo ang iyong sambayanan.

Lektor. Sa Eukaristiya ang Manliligtas ay patuloy na nag-aalay ng sarili bilang ugat ng buhay na banal. Nawa ang eukaristiya ay maging kalakasan namin habang pumapalaot kami sa pag--anyaya sa lahat tungo sa kaharian ng Diyos. Manalangin tayo.

Tugon. Ama dinggin mo ang iyong sambayanan.

Lektor. Sa Eukaristiya tumawid kami mula sa kamatayan tungo sa ganap na buhay. Naway makibahagi sa walanghanggang kaluwalhatian ng Panginoon ang mga kaluluwa ng mga namatay. Manalangin tayo.

Tugon. Ama dinggin mo ang iyong sambayanan.

Punong Tagapagdiwang. Diyos Ama, ikaw ang nagbigay buhay ng lahat ng mabuti, dinggin mo ang aming mga panalangin at gabayan mo kami, habang ipinagdiriwang namin ang pagpapakasakit at kamatayan ni Kristo, ihatid mo nawa kami sa kaluwalhatian ng kanyang muling pagkabuhay. Hinihiling namin ito sa ngalan ni Kristong aming Panginoon.

Amen.

Sisimulan ngayon ang paghahanda sa mga alay. Ang mga tao ay maaring magprusisyon patungong altar upang ialay ang kanilang maitutulong para sa mga dukha. Sa harapan ng hanay mauuna ang tagapagdala ng mga langis.

58

ANG PAGTANGGAP SA MGA

Dalam dokumen Ang Mga Pagdiriwang Ng Mga Mahal Na Araw (Halaman 47-58)