• Tidak ada hasil yang ditemukan

PANALANGIN NG PAGPUPURI AT PASASALAMAT PARA SA PAGKAKASUNDO I

Dalam dokumen Ang Mga Pagdiriwang Ng Mga Mahal Na Araw (Halaman 27-37)

PAGPUPURI AT PASASALAMAT

PANALANGIN NG PAGPUPURI AT PASASALAMAT PARA SA PAGKAKASUNDO I

PREPASYO

Sumainyo ang Panginoon. At sumaiyo rin.

ltaas sa Diyos ang inyong puso at diwa. Itinaas na namin sa Panginoon.

Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos. Marapat na siya ay pasalamatan.

Ama naming makapangyarihan,

tunay ngang marapat na ikaw ay aming pasalamatan sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon.

Wala syang kasalanan ngunit inaring salarin sa pagmamalasakit niyang kami’y palayain sa kamatayang kinasusuungan namin kaya’t namatay siya upang kami’ y buhayin.

Kaya kaisa ng mga Anghel na nagsisiawit ng papuri sa iyo ng walang humpay sa kalangitan, kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan.

Santo, Santo, Santo Panginoong Diyos ng mga hukbo! Napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan mo.

Osana sa kaitaasan!

Pinagpala ang naparirito sa ngalan ng Panginoon! Osana sa kaitaasan!

Habang inaawit ang Santo, maaaring iwagayway ng mga tao ang kanilang mga palaspas.

29

Nakalahad ang mga kamay ng punong tagapagdiwang sa pagdarasal.

Ama naming banal, nagmamalasakit ka sa aming kapakanan sapagka’t niloloob mo ang aming ikababanal. Ipinahintulot mo na kusang-loob magdusa si Hesukristo kahit na walang pagkakasala sapagkat ipinaubaya niya ang sarili sa mga kamay ng nagpako sa kanya sa krus upang sa kanyang pagkabayubay sa pagitan ng langit at lupa maging tanda siya ng pakikipagtipan na pinagsasaluhan sa piging ng huling hapunan.

Pagdaraupin ng punong tagapagdiwang ang kanyang mga kamay at lulukuban ng mga kamay niya ang mga alay habang siya’y nagdarasal.

Lingapin mo kaming natitipon upang lukuban ng Espiritu Santo na mapagindapat maging katawan at Dugo ni Hesukristo ang paghahandog na ito.

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

Ang mga salita ng Panginoon sa mga sumusunod na pangungusap ay ipahahayag nang malinaw at nauunawaan ng tanan ayon sa hinihingi ng kahulugan ng mga ito.

Bago niya pinagtiisang kusang-loob na maging handog

Hahawakan ng punong tagapagdiwang ang tinapay nang bahagyang nakaangat sa ibabaw ng dambana habang kanyang patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang tinapay, pinasalamatan ka niya, pinaghati-hati niya iyon,iniabot sa kanyang mga alagad at sinabi:

Bahagyang yuyuko ang punong tagapagdiwang.

T

ANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT KANIN

:

I

TO ANG AKING

K

ATAWAN

30

Ipapamalas niya ang tinapay, ipapatong niya ito sa pinggang patungan ng katawan ni Kristo, at luluhod siya bilang pagsamba.

Pagkatapos ipahahayag ng punong tagapagdiwang.

Gayun din naman, pagkatapos ng hapunan,

Hahawakan ng punong tagapagdiwang ang kalis nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang kanyang patuloy na inihahayag:

hinawakan niya ang kalis, muli ka niyang pinasalamatan, iniabot niya iyon sa kanyang mga alagad, at sinabi:

Bahagyang yuyuko ang punong tagapagdiwang.

T

ANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN

:

I

TO ANG

K

ALIS NG AKING

D

UGO

N

G BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN

,

A

NG AKING

D

UGO NA IBUBUHOS

P

ARA SA INYO AT PARA SA LAHAT

S

A IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN

.

G

AWIN NINYO ITO SA PAG

-

ALALA SA AKIN

.

Ipamamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan ng katawan ni Kristo, at luluhod siya bilang pagsamba.

Pagkatapos, ipahahayag ng punong tagapagdiwang:

Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.

Si Kristo’y namatay! Si Kristo’y nabuhay!

Si Kristo’y babalik sa wakas ng panahon!

Ilalahad ng punong tagapagdiwang ang kanyang mga kamay samantalang siya ay nagdarasal:

Ama naming maaasahan sa katapatan, sa pag-alala kay Hesukristo

31

na siyang hain sa huling hapunan

ngayong gunugunita ang kanyang pagkamatay at muling

pagkabuhay habang pinananabikan ang dakilang araw

ng lubos niyang pagbibigay kagalakan, inaaalay namin sa iyo ang hain niyang

pagmamahal. Tunghayan mo ang iyong pinapakinabang

sa tanging minsang pag-aalay ni Hesukristo upang sa paglukob ng Espiritu Santo

maging isang katawan ng iyong Anak

ang mga magkasalo sa pagkahilom ng sugat na likha ng alitan at hidwaan.

NAKIKIPAGDIWANG I

Pamalagiin mo kaming nabubuklod sa isang puso at diwa

upang kaugnay ni Papa N. at Obispo N.

itaguyod mo ang pagtutulungan

ng mga naghahanda sa iyong kaharian at sa gayon ay makadulog sa iyong luklukan sa kasamahan ng mga banal

na pinangungunahan ng mahal na Birheng Maria at ng mga apostol, kapiling ng lahat ng pumanaw na aming inihahabilin sa iyong pagmamahal upang pagkaparam ng kulimlim ng kamatayan lahat kami’y sumapit sa iyong maningning na

kandungan at maligayang makaawit ng pasasalamat kailanman

Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay.

Sa pamumuno ni Hesukristo, na aming pagkabuhay.

32

Hahawakan ng punong tagapagdiwang ang patena at kalis at itataas habang binabanggit.

Sa pamamagitan ni Kristo kasama niya, at sa kanya ang lahat ng parangal at papuri ay sa iyo, Diyos Amang makapangyarihan, kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Amen.

ANG PAKIKINABANG

Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos at turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos ipahayag natin nang lakas-Ioob:

Ama namin, sumasalangit ka. Sambahin ang ngalan mo. Mapasaamin ang kaharian mo. Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit. Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw. At patawarin mo kami sa aming mga sala para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso. At iadya mo kami sa lahat ng masama.

Nakalahad ang mga kamay ng punong tagapagdiwang sa pagdarasal:

Hinihiling naming kami’y iadya sa lahat ng masama, pagkalooban ng kapayapaan araw-araw, iligtas sa kasalanan at ilayo sa lahat ng kapahamakan samantalang aming pinananabikan ang dakilang araw ng pagpapahayag ng Tagapagligtas naming si Hesukristo.

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

Sapagka’t iyo ang kaharian at ang kapangyarihan at ang kapurihan magpakailan man! Amen.

33

Malakas na darasalin ng paring nakalahad ang mga kamay:

Panginoong Hesukristo,sinabi mo sa iyong mga Apostol: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo.Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo.” Tunghayan mo ang aming Pananampalatayaat huwag ang aming mga pagkakasala.Pagkalooban mo kami ng kapayapaan at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban

Pagdaraupin niya ang kanyang mga kamay.

kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Amen.

Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.

At sumaiyo rin.

lpahahayag ng diyakono o ng pari

Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t isa.

Pagkatapos, hahawakan ng pari ang ostiya at hahati-hatiin niya ito sa ibabaw ng pinggan at isasawak niya ang kaputol sa kalis habang pabulong niyang dinarasal:

Sa pagsasawak na ito ng katawan sa dugo ng aming Panginoong Hesukristo, tanggapin nawa namin sa pakikinabang ang buhay na walang hanggan.

Matapos magbigayan ng kapayapaan, aawit ang koro habang nagdarasal nang pabulong ang pari.

Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin.

Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin.

34

Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan.

Magkadaop ang mga kamay ng pari sa pabulong na pagdarasal.

Panginoong Hesukristo, Anak ng Diyos na buhay, sa kalooban ng Ama kasama ng Espiritu Santo, binuhay mo sa iyong pagkamatay ang sanlibutan.Pakundangan sa iyong banal na katawan at dugo, iadya mo ako sa tanang aking kasalanan at lahat ng masama, gawin mo akong laging makasunod sa iyong mga utos, at huwag mong ipahintulot na ako’y mawalay sa iyo kaylan man.

Luluhod ang tagapagdiwang at darasalin ng pabulong ang panalangin bago magkomunyon. Pagtayo niya kanyang hahawakan ang ostiya na itataas sa ibabaw ng pinggan. Paharap sa mga tao siyang magsasabi ng malakas:

Ito ang Kordero ng Diyos. Ito ang nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan. Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging.

Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo nguni’t sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.

Siya ay makikinabang nang magalang at nakayuko sa dambana habang patuloy na nagdarasal:

Ipagsanggalang nawa ako ng katawan ni Kristo patungo sa buhay na walang hanggan.

Mapitagan niyang tatanggapin ang katawan ni Kristo. Kukunin niya ang kalis ng dugo ni Kristo.

Ipagsanggalang nawa ako ng dugo ni Kristo patungo sa buhay na walang hanggan.

Mapitagan niyang tatanggapin ang dugo ng Kristo.

35

Aawit ang koro ng naaangkop na awit.

Matapos ang pakikinabang, maaaring magkaroon ng sandaling katahimikan para sa pansariling pananalangin.

Pagkapakinabang ng lahat ipahahayag ng punong tagapagdiwang ang panalangin pagkatapos ng komunyon.

PANALANGIN PAGKAPAKINABANG Manalangin tayo.

Saglit na katahimikan.

Ama naming mapagmahal, ngayong kami’y pinapagsalo mo sa banal na pakikinabang kami’ y iyong pinalingong may pag-asa sa aming sinasampalatayanan pakundangan sa pagkamatay ng iyong Anak.Gawin mong kami’y makarating sa aming pinaroroonan pakundangan sa kanyang muling pagkabuhay bilang tagapamagitan kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Amen.

PAGBABASBAS

Sumainyo ang Panginoon At sumaiyo rin.

Diyakono o ang pari.Yumuko kayo at hingin ang pagpapala ng Diyos.

Pari. Ang Ama ng awa ay nagpakita ng halimbawa ng tapat na pag-ibig sa pamamagitan ng paghihirap ng kanyang bugtong na Anak. Sa pamamagitan ng inyong paglilingkod sa Diyos at sa kapwa, nawa’y matanggap ninyo ang kanyang mga biyaya.

36

Sumasampalataya kayo na sa kamatayan ni Kristo, lubusan nang napawi sa mundo ang kamatayan. Nawa’y bigyan niya kayo ng walang hanggang buhay.

Amen.

Nagpakababa siya para sa ating ikabubuti. Nawa’y masundan ninyo ang kanyang halimbawa at makabahagi sa kanyang muling pagkabuhay. Amen.

At sumainyo ang pagpapala ng dakilang Diyos

Ama at Anak at Espiritu Santo.

Amen.

Diyakono o ang pari.Ipinahayag natin ang pagpasok ni Jesus sa Jerusalem. Sundan natin Siya sa kanyang pagpasan ng Krus sa pamamagitan ng pagsasakripisyo para sa iba.

Salamat sa Diyos.

Lilisanin ng punong tagapagdiwang at mga tagapaglingkod ang santwaryo.

37

Dalam dokumen Ang Mga Pagdiriwang Ng Mga Mahal Na Araw (Halaman 27-37)