• Tidak ada hasil yang ditemukan

PAGPAPAKASAKIT, PAGKAMATAY AT MULING PAGKABUHAY NG

Dalam dokumen Ang Mga Pagdiriwang Ng Mga Mahal Na Araw (Halaman 37-41)

38

TAYONG LAHAT AY TINUBOS NI KRISTO AT kaniyang niluwalhati ang Ama nang higit sa lahat sa pamamagitan ng kanyang misteryo Paskwal: sa kanyang Krus at Pagkabuhay, tayo’y nailigtas niyang tunay. Kaya naman, ang tatlong araw na ito ang siyang rurok ng boung taong liturhiko. Sa gayon, kung paanong ang araw ng Linggo ay may natatanging karakter sa lahat ng araw ng isang linggo ay gayon din ang Linggo ng Muling Pagkabuhay na nangunguna sa lahat ng pagdiriwang ng taon. (Pangkalahatang Tagubilin, 18-19)

39

ANG PAGMIMISA SA PAGTATAKIPSILIM SA HAPUNAN NG PANGINOON

MGA TAGUBILIN AT PALIWANAG

- Ang Misa sa Pagtatakipsilim sa Paghahapunan ng Panginoon ay isa sa mga pinakamahalagang Misa ng buong taon. Ito ay ang muling pagtitipon-tipon ng buong parokya, kung paanong ang Misa ng Krisma ay ang muling pagtitipon-tipon ng buong diyosesis. Nararapat lamang na magsimba sa Misang ito ang lahat ng mga kasapi ng parokya, gayon din ay makipagdiwang ang lahat ng pari nito.

- Hinihingi ng Simbahan na ipagdiwang ang Misang ito nang buong dingal.

- Sa pahintulot ng lokal na obispo, maaaring magpakomunyon sa parehong katawan at dugo ni Kristo.

- Bago magsimula ang Misa, ang tabernakulo ay dapat na walang laman at maghanda ng dami ng tinapay na sasapat sa komunyon para sa gabing ito at bukas.

- Ang labindalawang lalaking huhugasan ng paa ay nararapat na nagmula sa iba’t ibang bahagi ng lokal na komunidad. Ang bilang ay tradisyunal na labindalawa ngunit walang eksaktong bilang na hinihingi.

- Iminumungkahi sa sambayanan na magbigay ng mga handog na pera o iba pa para sa mahihirap ng miyembro ng parokya.

- Matapos ang komunyon ng sambayanan, maaari nang dalhin ng mga ministro ng komunyon ang katawan ni Kristo sa mga may sakit na hindi makadadalo sa pagdiriwang na ito upang madama nila ang kanilang pagkabahagi sa Simbahan.

- Sa paglalagak ng Sakramento, hindi maaaring gumamit ng monstrance. Ang pagtatanod sa Sakramento ay hindi isang eksposisyon kundi isang reposisyon. Dapat na magkaroon ng isang tabernakulo sa isang nakalaang lugar sa isang gilid sa loob ng simbahan. Ang lugar na ito ay nagagayakan ng mga bulaklak at kandila. Hindi maaaring ilagak ang Sakramento sa lugar na hiwalay sa simbahan, maging ang lugar man ay isang kapilya.

- Ang sambayanan ay minumungkahing magtanod sa Sakramento, ngunit ititigil ang pagtatanod pagsapit ng hatinggabi. Matapos, ang Sakramento ay ilalagak sa isang tabernakulong nakasusi sa loob ng sakristiya. Ito ay tatanuran ng isang nagniningas na kandila.

- Matapos ang paglalagak sa Sakramento, o habang ipinuprusisyon ito, ay tatanggalan ng mantel ang altar.

- Ang simbahan ay magagayakan ng mga bulaklak. Ang pinakamagagandang kagamitan ng parokya ang gagamitin. Nararapat na magkaroon ng mahusay na pag-awit at magagandang awitin. Ginto o puti ang gagamiting kasuotan ng pari.

- Ang mga paring nakipagdiwang na sa Misa ng Krisma noong umaga ay maari pa ring magdiwang o makipagdiwang sa Misang ito.

40

- Ang mga nakapagkomunyon na sa Misa ng Krisma noong umaga ay maaari pa ring magkomunyon sa Misang ito.

- Ang mga nagsimba, magdiriwang o makikipagdiwang sa Misang ito ay hindi na darasalin ang panalangin sa pagtatakipsilim.

- Ang mga lumang langis ay dapat na sunugin sa araw na ito bago magsimula ang Misa.

- Sa pagsisimula ng Misa ngayong takipsilim, magtatapos ang Apatnapung Araw ng Paghahanda sa Pasko ng Muling Pagkabuhay. Kaya naman, ang Banal na Tatlong Araw na ito ay isang maikling panahon sa pagitan ng dalawang mahabang panahong liturhiko.

MGA IHAHANDA

- Para sa pari: ang pinakamagagandang kasuotan, lalo na ang kasulyang ginto o puti; gayon din ang balabal at gremyal na kaparis ng suot ng pari; mga karagdagang kasuotan sa Misa kung may makikipagdiwang.

- Maliban sa mga karaniwang kailangan sa Misa, ihahanda ang pinakamainam na mga kagamitan sa Misa, lalo na ang kalis, na maaaring natatakpan ng belo ng kalis na kaparis ng suot ng pari; ang siboryo na paglalagayan ng ilalagak na katawan ni Kristo, na maaaring mayroon ding belong pangsiboryo; ang intintoryo o iba pang mga kalis kung ipamamahagi ang komunyon sa parehong katawan at dugo ni Kristo; mga maliliit na mesa na may latag na mantel at telang patungan ng katawan ni Kritsto, at may nakahadang kandila, na siyang pagpapatungan ng kalis kung ang pagbibigay ng dugo ni Kristo ay sa pamamagitan ng intinksyon (ihahanda lamang ito kung walang sapat na ministro na maghahawak sa kalis habang ang isa pa ay nagsasawsaw ng katawan ni Kristo sa Kanyang dugo); ang mga kahoy na paingay o tinatawag na matraka o takatak na siyang gagamitin sa konsagrasyon; dalawa o tatlong telang patungan ng katawan ni Kristo; maraming telang pamahid; sapat na dami ng tinapay at alak; ang mga lalagyan ng mga banal na langis kung gaganapin ang pagtanggap sa mga ito; ang Aklat ng Pagmimisa sa Roma o ang ritong ito, ang Aklat ng Pagpapahayag ng Mabuting Balita at ang Aklat ng mga Pagbasa.

- Sa isang gilid ng simbahan ay ang paglalagakan ng katawan ni Kristo kung saan mayroong tabernakulong nasususian, napapalamutian ng mga bulaklak at mga kandila; sa isang lugar sa santwaryo, ang mesang nalalatagan ng telang puti na patungan ng mga banal na langis; mesang nalalatagan ng puting tela para sa mga alay sa mahihirap na mula sa mga manananampalataya.

- Sa loob ng sakristiya, isa pang tabernakulong nasususian at may tanod na kandila para sa pagtatago ng Sakramento matapos ang pagtatanod dito kung ang paglalagak ay gaganapin sa loob ng simbahan.

- Sa paghuhugas ng mga paa, sapat na dami ng karapat-dapat na palanggana (tatlo o apat), tubig sa mga karapat-dapat na lalagyan (tatlo o apat), mga tuwalya (anim o labindalawa); mga upuan para sa mga huhugasan ng paa (labindalawa); para sa pari, isang tray na may nakahandang palanggana, pitsel ng tubig, tuwalyang pamahiran ng kamay, sabon at alcohol para sa kanyang paghuhugas ng kamay.

41

ANG PAGMIMISA SA

Dalam dokumen Ang Mga Pagdiriwang Ng Mga Mahal Na Araw (Halaman 37-41)