• Tidak ada hasil yang ditemukan

SALITA NG DIYOS

Dalam dokumen Ang Mga Pagdiriwang Ng Mga Mahal Na Araw (Halaman 127-136)

Sisimulan ngayon ang mga pagbasa at ang mga tao ay uupo. Pagkatapos ng bawat pagbasa at salmong tugunan magkakroon ng panalangin na pangungunahan ng punong tagapagdiwang.

UNANG PAGBASA Genesis 1, 1—2, 2. Awit 103

Manalangin tayo.

Ama naming makapangyarihan, lahat ng iyong mga nilikha ay ikaw ang itinatampok. Nawa'y maisaloob ng iyong mga tinubos na ang daigdig sa pasimula ay lalo mo pang pinadakila sa mga huling panahon ng pagsagip ni Kristo na siyang inihaing Korderong pamasko na kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Amen.

IKALAWANG PAGBASA Genesis 22, 1-18. Awit 15

Manalangin tayo.

Ama naming makapangyarihan, pinararami mo sa sanlibutan ang mga anak na sa pangako mo'y sumilang bunga ng paglawak ng saklaw ng iyong paghirang. Sa pagbibinyag, ginagawa mong matupad ang iyong pangakong si Abraham ay maging Ama ng lahat. Ipagkaloob mong ang iyong sambayanan ay marapat na makatugon sa iyong panawagan sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

128

IKATLONG PAGBASA Exodo 14, 15—15, 1. Exodo 15, 1-6; 17-18

Manalangin tayo.

Ama naming makapangyarihan, noong unang panahon ay iyo nang idinulot na mabanaag ang himala ng Bagong Tipan sa pagtawid sa dagat bilang tagahiwatig ng nagaganap sa pagbibinyag na siyang paglaya ng iyong sambayanan sa pagkabihag. Ipagkaloob mong ang lahat ng mga bansa ay makaranas ng muling pagsilang na dulot ng Espiritung tinatanggap ng mga may pananampalataya, na Israel ang unang nagpamalas sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Amen.

IKA-APAT NA PAGBASA Isaias 54, 5-14. Awit 30

Manalangin tayo.

Ama naming makapangyarihan, sa ikadarakila ng iyong ngalan paramihin mo ang mga nakikinabang sa iyong pagpapalang bigay sa mga ninuno namin sa pagsampalataya sa iyong katapatan. Ngayong ang iyong paghirang sa sanlibutan na ang saklaw ang matibay na pinanaligang mga ninuno naming banal ay matanto nawa naming nagkaroon ng malaking katuparan sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

129

IKALIMANG PAGBASA Isaias 55, 1-11. Isaias 12, 2-3, 4, 5-6

Manalangin tayo.

Ama naming makapangyarihan, ang sanlibutan ay walang ibang inaasahan kundi ikaw na sa pahayag ng iyong mga propeta ay naglahad ng iyong balak na maganda. Malugod mong pagyamanin ang aming pananalig sapagkat wala kaming makakamit nang hindi mo iniibig para kami’y sa iyo mapalapit sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Amen.

IKA-ANIM NA PAGBASA Baruk 3, 9-15. Awit 19

Manalangin tayo.

Ama naming makapangyarihan, lagi mong pinararami ang iyong tinatawagan sa mga bansa sa sanlibutan. Ipagkaloob mong ang iyong patuloy na pagtangkilik sa iyong mga dinadalisay sa pambinyag na tubig sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

130

IKAPITONG PAGBASA Ezekiel 36, 16-28. Awit 42

Manalangin tayo.

Ama naming makapangyarihan, ang lakas mo ay hindi nababawasan, ang liwanag mo ay nagniningning kaylanman. Tunghayan mo ang pagdiriwang ng iyong sambayanan at ganapin mo ang iyong pagsagip sa tanan. Nawa’y madama at mamalas ng sanlibutan na ang hamak ay dinarangal, ang mga nasa lumang kasalanan ay napagbago na naman at kay Kristo nagkakaugnay-ugnay ang tanan sapagkat siya ang pinagsisimulan ngayon at magpasawalang hanggan.

Amen.

PAPURI SA DIYOS

Aawitin ang Papuri sa Diyos at ang organo ay patutugtugin. Sisindihan ang lahat ng ilaw ng simbahan, at patutunugin ang lahat ng batingaw. Ang mga kandila ng dambana ay sisindihan ng mga tagapaglingkod. Pagkatapos ng pag-awit darasalin ng pari ang pambungad na panalangin.

Papuri sa Diyos sa kaitaasan

at sa lupa’y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya.

Pinupuri ka namin, dinarangal ka namin,

sinasamba ka namin, ipinagbubunyi ka namin, pinasasalamatan ka namin

dahil sa dakila mong angking kapurihan. Panginoong Diyos, Hari ng langit,

Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak, Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng

Ama.

131

maawa ka sa amin. Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan

ng sanlibutan, tanggapin mo ang aming kahilingan.

Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama, maawa ka sa amin.

Sapagka’t ikaw lamang ang banal ikaw lamang ang Panginoon,

ikaw lamang, O Hesukristo, ang kataas-taasan, kasama ng Espiritu Santo sa kadakilaan ng Diyos

Ama. Amen.

PAMBUNGAD NA PANALANGIN

Manalangin tayo.

Saglit na katahimikan.

Ama naming makapangyarihan, ang kabanal-banalang gabing ito ay pinagliwanag mo sa kadakilaan ng pagkabuhay ni Kristo. Antigin mo ang Espiritu ng pagkupkop mo upang sa pagbabago ng aming buong pagkatao kami'y wagas na makapaglingkod sa iyo sa pamamagitan ni Jesu-Kristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.

Amen.

132

SULAT Roma6,3-11

Pagbasa sa sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Roma. Mga kapatid:

Hindi ba ninyo nalalaman na tayong lahat na nabinyagan kay Kristo Hesus ay nabinyagan sa kanyang kamatayan? Samakatwid, tayo’y namatay at nalibing kasama niya sa pamamagitan ng binyag upang kung papaanong binuhay na muli si Kristo sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan ng Ama, tayo nama’y mabuhay sa isang bagong pamumuhay.

Sapagka’t kung nakaisa tayo ni Kristo sa isang kamatayang tulad ng kanyang kamatayan, tiyak na makakaisa niya tayo sa isang muling pagkabuhay tulad ng kanyang pagkabuhay. Alam natin na ang dati nating pagkatao ay ipinakong kasama niya upang mamatay ang makasalanang katawan at nang hindi tayo maalipin pa ng kasalanan.

Sapagka’t ang namatay na ay pinalaya mula sa kapangyarihan ng kasalanan. Ngunit tayo’y naniniwalang mabubuhay tayong kasama ni Kristo kung mamatay tayong kasama niya. Alam nating si Kristo na muling binuhay ay hindi na muling mamamatay. Wala nang kapangyarihan sa kanya ang kamatayan.

Nang siya’y mamatay, namatay siya nang minsanan para sa kasalanan, at ang buhay niya ngayo’y para sa Diyos. Kaya dapat ninyong ibilang ang inyong sarili na patay na sa kasalanan datapwa’t buhay naman para sa Diyos sa inyong pakikipag-isa kay Kristo Hesus.

Ang salita ng Diyos.

133

ANG DAKILANG ALELUYA

Pagkabasa ng sulat ang lahat ay tatayo at maringal na pasisimulan ang pag-awit ng Aleluya.

Punong Tagapagdiwang. Minamahal na sambayanan ng Diyos hatid ko ay balita ng kagalakan:

Aleluya, Aleluya, Aleluya!

Ang Aleluya ay uulitin ng bayan na pinangungunahan ng koro. _________________________

Kung may diyakono:

Diyakono. Padre, hatid ko po ay balita ng kagalakan. Ang balita ng: Aleluya, Aleluya, Aleluya!

Ang Aleluya ay uulitin ng para nang nakatayo Pari. Aleluya, Aleluya, Aleluya!

Pangungunahan ng koro ang mga tao sa pag-awit ng Aleluya. _________________________

SALMONG TUGUNAN Awit 118, 1-2. 16-17. 22-23

Ipahahayag naman ng mang-aawit ang taludtod. Ang punong tagapagdiwang ay maglalagay ng insenso sa insensaryo. Habang inaawit ang salmo ay dahandahang magpuprusisyon ang diyakono, o ang pari, tangan ang aklat ng Mabuting Balita patungo sa lugar ng mga pagbasa. Ang pagpapahayag ng Mabuting Balita ay gaganapin na may insenso ngunit walang kandila.

Tugon. Aleluya!

O pasalamatan ang D’yos na Panginoon, pagka’t siya’y mabuti;

ang kanyang pag-ibig ay napakatatag at mananatili. Ang taga-Israel, bayaang sabihi’t kanilang ihayag. “Ang pag-ibig ng Diyos ay di kukupas.”

134

Tugon. Aleluya!

Ang lakas ng Poon, ang siyang magdududlot ng ating tagumpay

Sa pakikibaka sa ating kaaway. Aking sinasabing di ako papanaw,

mabubuhay ako upang isalaysay ang gawa ng Diyos na Panginoon ko.

Tugon. Aleluya!

Ang batong natakwil ng nangagtatayo ng tirahang-bahay,

Sa lahat ng bato’y higit na mahusay.

Ang lahat ng ito ang nagpamalas ay ang Panginoong Diyos.

Kung iyong pagmamasdan ay kalugod-lugod.

Tugon. Aleluya!

PAGPAPAHAYAG NG MABUTING BALITA

Gaganapin ang prusisyon ng Aklat ng Mabuting Balita nang may insenso ngunit walang mga kaagapay na kandila. Hihingi pa rin ng pagbabasbas ang diyakono mula sa pari. Ipapahayag ang Mabuting Balita ayon sa nakagawian.

HOMILIYA

Ang punong tagapagdiwang o isa sa mga nakikipagdiwang ay magbibigay ng homiliya. Matapos ay maaaring magkaroon ng sandaling katahimikan para sa pansariling pagninilay.

136

IKATLONG BAHAGI:

Dalam dokumen Ang Mga Pagdiriwang Ng Mga Mahal Na Araw (Halaman 127-136)