• Tidak ada hasil yang ditemukan

Ang Katamaran Ng Mga Pilipino

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Membagikan "Ang Katamaran Ng Mga Pilipino"

Copied!
6
0
0

Teks penuh

(1)

Ang Katamaran ng mga Pilipino ni Dr. Jose P. Rizal

(Ang matutunghayan ay isang lagom sa Tagalog ng sanaysay na “La Indolencia de los Filipinos,” na nalathala sa La Solidaridad mula noong Hulyo 15 hanggang Setyembre 15, 1890. Ang sanaysay na ito’y isinulat ni Rizal sa ikalawang pagtungo niya sa Europa. Isinulat niya ito bilang tugon sa paulit-ulit na upasala sa mga Pilipino na sila’y mga tamad. Ang upasalang ito’y hindi tinutulan ni Jose Rizal sa kaniyang sanaysay. Manapa’y inamin nga niya ang pag-aangkin ng katamaran ng kaniyang mga kababayan. At sa pag-amin niyang iyan ay nagbigay siya ng mga matuwid kung bakit ang mga Pilipino ay masasabi ngang tamad. Narito ang kaniyang mga matuwid. Ang pangunahing sanhi ay ang mainit na singaw ng panahon. Kahit na ang mga banyagang nandarayuhan sa Pilipinas buhat sa mga bayang malamig ang klima ay nagiging tamad pagdating dito at ayaw humawak ng mabibigat na gawain. Sa bayang mainit ang panahon, kahit hindi kumilos ang isang tao, siya’y pinagpapawisan at hindi mapalagay. Wika pa ni Rizal: Ang mga Europeong naninirahan sa Pilipinas ay nangangailangan pa ng mga tagapaypay at tagahugot ng sapatos, at hindi nagsisipaglakad kundi laging lulan ng kanilang karwahe, gayong masasarap ang kanilang kinakain at ginhawa ang kanilang kabuhayan. Sila’y malaya, ang bunga ng kanilang mga pagsisikap ay para sa kanilang sarili, may pag-asa sa kinabukasan, at iginagalang ng madla. Ang abang katutubo, ang tamad na katutubo ay kulang sa pagkain, walang inaasahan sa araw ng bukas, ang bunga ng kanilang pagod ay sa iba napupunta, at kinukuha sila sa paggawang sapilitan.

Sinasabing ang mga Europeo ay nahihirapan sa mga bayang mainit ang singaw ng panahon palibhasa’y hindi sila hirati sa gayong klima, kaya’t karampatan lamang na dulutan sila ng balanang

makapagpapaginhawa sa kanilang kalagayan. Datapuwa’t ang wika nga ni Rizal, ang isang tao’y maaaring mabuhay kahit saan kung sisikapin lamang niyang ibagay ang kanyang sarili sa hinihingi ng pangangailangan.

Ang sikap at pagkukusa ay nawala sa mga Pilipino dahil din sa kagagawan ng mga Kastila. Ang mga Pilipino, nang bago dumating ang mga Kastila ay ginhawa sa kanilang kabuhayan,

nakikipagkalakalan sila sa Tsina at iba pang mga bansa, at

hinaharap nila ang pagsasaka, pagmamanukan, paghabi ng damit at iba pa. Kaya’t mapagkikilalang nang wala pa rito ang mga Kastila, ang mga Pilipino bagaman ang mga pangangailangan nila’y hindi naman marami, ay hindi mga mapagpabayang gaya ngayon.

Ang lahat ng industriya at pati na ang pagsasaka ay napabayaan sapagkat ang mga Pilipino’y hindi makapagtanggol laban sa pananalakay ng mga mandarambong buhat sa Mindanaw at Sulu. Paano’y ayaw pahintulutang makapag-ingat ng mga baril at iba pang sandata ang mga Pilipinong naiiwan sa bayan habang ang iba’y wala at kasama sa mga pandarayuhang walang kabuluhan. Nang panahon ng Kastila’y maraming digma at kaguluhan sa loob ng bayan at maraming ipinapapatay. Isinalaysay ni Rizal ang nangyari sa isang pulong malapit sa Sebu, na halos nawalan ng tao sapagkat madaling nangabihag ng mga piratang buhat sa Sulu palibhasa’y walang sukat maipananggol sa sarili.

Ang pagsasaka’y napabayaan dahil pa rin sa sapilitang paggawa na ipinatutupad ng pamahalaan. Dahil sa maraming pandarayuhang ginagawa ng mga Kastila, kailangan ang walang tigil na paggawa ng mga barko, kaya’t maraming Pilipino ang pinapagpuputol nila ng mga kahoy sa gubat upang magamit. Wala tuloy katiyakan ang

kabuhayan ng mga tao kaya’t naging mga mapagpabaya. Tungkol dito’y sinipi ni Rizal si Morga na nagsabi (sa kanyang Sucesos) na halos nakalimutan na ng mga katutubo ang pagsasaka,

pagmamanukan, ang paghabi, na dati nilang ginagawa noong sila’y mga pagano pa hanggang sa mga ilang taon pa pagkatapos ng pagsakop. Iyan ang naging bunga ng tatlumpu’t dalawang taon ng sapilitang paggawa na ipinataw sa mga Pilipino.

Ang pamahalaa’y walang dulot na pampasigla upang ang mga tao ay mahikayat na gumawa. Pinatamlay ng mga Kastila ang

pakikipagkalakalan sa mga bansang malaya, gaya ng Siam, Cambodia, at Hapon, kaya’t humina ang pagluluwas ng mga produktong Pilipino at ang industriya ay hindi umunlad. Ang Pilipino’y hindi maaaring gumawa sa kanilang bukid kung walang pahintulot ng pamahalaan.

Bukod sa mga iyan, ang Pilipino’y hindi tumatanggap ng

karampatang halaga sa kanilang mga produkto. Sinabi ni Rizal na alinsunod sa istorya, matapos alipinin ng mga encomendero ang mga Pilipino, sila’y pinagagawa para sa sarili nilang kapakinabangan, at ang iba nama’y pinipilit na sa kanila ipagbili ang inaani o produkto sa maliit na halaga at kung minsa’y wala pang bayad o kaya’y dinadaya sa pamamagitan ng mga maling timbangan at takalan. Alinsunod pa rin kay Rizal, ang lahat ng negosyo’y sinasarili ng gobernador, at sa halip pukawin ang mga Pilipino sa kanilang pagpapabaya, ang iniisip lamang niya’y ang kanyang kapakanan kaya’t sinusugpo ang ano mang makaaagaw niya sa mga pakinabang sa pangangalakal.

▸ Baca selengkapnya: patotohanan ang sinabi ni san miguel na hindi pa rin maganda ang kalagayan ng mga bata at patuloy pa rin ang paglabag sa kanilang mga karapatan.

(2)

Mga kung anu-anong kuskos-balungos sa pakikitungo sa pamahalaan, mga “kakuwanan” ng pulitika, mga kinakailangang panunuyo at “pakikisama,” mga pagreregalo, at ang ganap na pagwawalang-bahala sa kanilang kalagayan,- ang mga iyan ay naging pamatay-sigla sa paggawang kapaki-pakinabang.

Nariyan pa ang halimbawang ipinamalas ng mga Kastila: pag-iwas sa pagpaparumi ng kamay sa paggawa, pagkuha ng maraming utusan sa bahay, na para bang alangan sa kanilang kalagayan ang magpatulo ng pawis, at ang pagkilos na animo’y kung sinong maginoo at panginoon na ipinaging palasak tuloy ng kasabihang “para kang Kastila,”- ang lahat ng iyan ay nagpunla sa kalooban ng mga Pilipino ng binhi ng katamaran at pagtanggi o pagkatakot sa mabibigat na gawain.

At ang wika pa ng mga Pilipino noon: “Bakit gagawa pa? Ang sabi ng kura ay hindi raw makapapasok sa kaharian ng langit ang taong mayaman.”

Ang sugal ay binibigyan ng luwag, at ito’y isa pa ring nagpapalala ng katamaran.

Ang Pilipino’y hindi binibigyan ng ano mang tulong na salapi o pautang upang maging puhunan. Kung may salapi man ang isang Pilipinong magsasaka, ang natitira, matapos bawasin ang buwis at iba pang impuwesto ay ipinambabayad naman niya sa kalmen, kandila, nobena, at iba pa.

Kung ang mga pananim ay pinipinsala ng balang o ng bagyo, ang pamahalaan ay hindi nagbibigay ng ano mang tulong sa mga magsasaka, kaya ang mga ito ay inaalihan ng katamaran.

Walang pampasiglang ibinibigay sa pagpapakadalubhasa. May isang Pilipinong nag-aral ng kimika sa Europa, ngunit hindi man lamang siya pinag-ukulan ng pansin.

Ang katamara’y pinalulubha pang lalo ng di mabuting sistema ng edukasyon. Ganito ang wika ni Rizal:

“Iminulat palibhasa sa halimbawa ng mapagbulay-bulay at tamad na pamumuhay ng mga monghe, ang mga katutubo nama’y walang ginawa kundi iukol ang kanilang buhay sa pagkakaloob ng kanilang salapi sa simbahan dahil sa inaasahang mga himala at iba pang kataka-takang bagay. Ang kanilang kalooban ay nagayuma; buhat sa pagkabata ay wala silang natutuhan kundi ang pagkilos na parang mga makina na hindi nalalaman ang buong kabagayan. Kataka-taka bang ang ganitong maling pagmumulat sa isip at kalooban ng isang bata ay magbunga ng kahambal-hambal na mga

pagkakasalungatan? Iyang walang puknat na pagtutunggali ng isip at ng tungkulin… ay humantong sa pananamlay ng kanyang mga pagsisikap, at sa tulong ng init panahon, ang kaniyang walang katapusang pag-aatubili, ang kaniyang mga pag-aalinlangan ay siyang naging ugat ng kaniyang katamaran.”

Ang sistema ng edukasyon, na isang kawil ng mga pagmamalupit, ay nagpatamlay sa halip na magpasigla sa Pilipino. Siya’y nagkaroon ng mababang pagkakilala sa sarili at pagwawalang-bahala sa paggawa. Ang isa pang nagpalala sa katamaran ng mga Pilipino ay ang kawalan nila ng damdamin bilang isang bansa palibhasa’y pinagkaitan sila ng karapatang makapagtatag ng mga samahan na magbibigay sa kanila ng pagkakataong magkaunawaan at magkaisang damdamin.

Palibhasa nga’y walang bansang kinaaaniban, ang mga Pilipino’y hindi nagkaroon ng pagkabahala sa ano mang kahirapang dinaranas ng mga tao. Patay ang apoy ng kanilang pagsisikap, at walang sukat makaganyak sa kanila na mag-ukol ng panahon at sigla alang-alang sa kaunlaran at kasaganaan ng kanilang Bayan.

Ang sabi ni Rizal: “Ang edukasyon ay siyang lupa, at ang kalayaan ay siyang araw, ng sangkatauhan. Kung walang edukasyon at walang kalayaan, walang pagbabagong maisasagawa, walang hakbang na makapagdudulot ng bungang ninanais.”

(3)

Ano ang KATAMARAN?

kauntian ng pag-ibig sa paggawa kakulangan ng kasipagan

Buod: Kabanata 1

“Ang mainit na singaw ng lupa ay naguudyok sa tao na manahimik at magpahinga, gaya rin na ang lamig ay naguudyok ng paggawa at pagkilos”

(La Indolencia de los Filipinos) La Indolencia de los Filipinos Unang lumabas sa Madrid

Nailathalang limang yugto na baha-bahagi sa La Solidaridad

Mula Hulyo 15- Setyember 15, 1980

Layunin ito ay ang pagtuligsa sa paratang ng mga prayle

“Ang mga Europeong naninirahan sa Pilipinas ay nangangailangan pa ng mga tagapaypay at tagahugot ng sapatos, at hindi

nagsisipaglakad kundi laging lulan ng kanilang karwahe, gayong masasarap ang kanilang kinakain at ginhawa ang kanilang kabuhayan.”

“Ang isang tao’y maaaring mabuhay kahit saan kung sisikapin lamang niyang ibagay

ang kanyang sarili sa hinihingi ng pangangailangan.”

Kabanata II

Ayon kay Pigafetta (1521)

Unang napansin ni Pigafetta ang pagpipitagan at kabutihan ng mga

naninirahan at ang pangangalakal ng mga ito Sa Butuan natagpuan niya, ang mga

mamamayang an hinaharap ay pagmimina. Sa Pulo ng Paragua, masagaa ang mga makakain. Halos lahat ng mga naninirahan doon ay bumubungkal sariling bukirin. Kabanata III

Ayon kay Gaspar de San Agustin:

Ang mga Pilipino ay kumaunti sa bilang dahil: ang mga nabibilang sa magagaling na

mandaragat ay kinukuha ng alkalde mayor para sa mga sasakyang-dagat na ipinadadala sa labas ng bansa

madami ang naging bihag dahil sa mga pananalakay ng mga tulisang-dagat, taga-holo at taga-mindanao

marami ring Indyo ang binitay, namundok, nag-iwan ng asawa't anak

marami din ay pinagbili ang sarili para maging alipin dahil sa mataas na buwis Kabanata IV

Ayon kay Rizal, ang mga kasakiman at pagmamalabis ng mga encomendero at gobernador ay nagdulot din ng mga pamatay-sigla upang ang mga Pilipino ay gumawa.

Halimbawang ipinamalas ng mga Kastila:

1. pag-iwas sa pagpaparumi ng kamay sa paggawa,

2. pagkuha ng maraming utusan sa bahay, na para bang alangan sa kanilang kalagayan ang magpatulo ng pawis, at

3. ang pagkilos na animo’y kung sinong maginoo at panginoon

“Bakit gagawa pa? Ang sabi ng kura ay hindi raw makapapasok sa kaharian ng langit ang taong mayaman.”

(4)

Kabanata V

Ang masamang sistema ng edukasyon noon ay nagdulot din ng mababang pagkilala sa sarili. Ani nga ni Rizal, "buhat sa pagkabata ay wala silang natutunan kundi ang pagkilos na parang makina na hindi nalalaman ang buong kabagayan."

Ang di-pagkakaroon ng nasyonalismo dahil na rin pagkait sa karapatan na magtatag ng mga samahan na magbubuklod sana ng mga Pilipino.

“Ang edukasyon ay siyang lupa, at ang kalayaan ay siyang araw, ng sangkatauhan. Kung walang edukasyon at walang kalayaan, walang pagbabagong maisasagawa, walang hakbang na makapagdudulot ng bungang ninanais.”

Pinag-ugatan ng katamaran ng mga Pilipino: 1. Maraming labanan at gyerang naranasan ang mga Pilipino kung kaya’t natatakot silang magtrabaho dahilsa kanilang seguridad. 2. Hindi tinutulungan ng gobyerno ang mga Pilipino.

3. Ang mga sugal at bisyo ay lumaganap 4. Walang sapat na kasanayan at edukasyon ang mga Pilipino

5. Hindi binabayaran ang mga Pilipino kung sila ay nagtatrabaho sa gobyerno.

6. Malaki ang binabayarang buwis ng mga Pilipino

Ang ating kinikilalang bayani ng ating baying si Jose Rizal ay may isinulat na isang artikulong naglalaman ng kontrobersyal na pahayag laban sa mga kastila na sinisisi sa kanila ang pagiging tamad ng mga Filipino, ang Indolence of the

Filipinos. Meroong dalawang ipinrisentang ideya si

Rizal sa pagsusulat ng Indolence of the Filipinos, unang-una, ang edukasyon o kawalan ng sapat na edukasyon, at pangalawa, ang relihiyon. Sinabi n’ya na ang relihiyon ang isa sa mga dahilan kung bakit tamad ang mga Pilipino. Panahon ng mga Kastila nang papilla ang relihiyong katoliko.

Nagturo ang mga espanyol ng bagong pananaw o relihiyon/paniniwala sa mga tinatawag na “Indio”. Dahil rito, Sinabi ni Rizal, ang mga Pilipino ay naging “pala-asa” sa diyos dahil tinuro ng mga kaparian na ang mga inaapi ay pinagpapala at tanging mahihirap lamang ang nakararating ng langit. Maaring ito ay isa sa mga istratehiya ng gobyerno/relihiyon upang tuluyang masakop ng mga Kastila ang Pilipinas. Naging submissive tayo sa mga Espanyol sa pamamagitan, syempre, ng relihiyon. Marami pang itinuro ang mga pari sa atin tulad na lamang ng mga dasal. Kadalasan, dahil hawak ng kaparian o simbahan ang marami sa mga kolehiyo at Unibersidad, nagtuturo na lamang sila ng mga dasal at nobena sa mga estudyante imbes na turuan ng mga lektura. Naipapakita lamang rito na naging alipin tayo sa isang banyaga sa pamamagitan ng relihiyon.

XXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXXX Kung ating paguugnayin ang ideyang ito ni Rizal sa kasalukuyang konteksto, talagang naiukit ng husto ang ang kanilang mga paniniwala. Panatisismo. Isa sa mga nakikitang ugali ng Pilipino na naging kultura na rin nang naglaon. Hanggang ngayon, maling-mali pa rin ang relihiyon. Napasailalim tayo sa impluwensya ng simbahan kaya kahit na alam nating hiwalay ang estado sa simbahan, patuloy pa rin nating hinahayaang makisawsaw at utuin tayo ng simbahan. Meroon tayong ilang relihiyon na nakaiimpluwensya pati na sa politika. Kung maka-dilaw ang lider ng simbahan, maka-maka-dilaw na rin pati na ang mga miyembro/mananampalataya (tsk, tsk!) talaga namang hanggang ngayon, ay

napapasailalim pa rin tayo ng simbahan na tulad na lamang noong panahon ni Rizal. Di na lamang nakapagtataka kung ang pananaw ng mga Pilipino sa kasaysayan ay paulit-ulit! Hay!

Ayon kay Pigafetta:

‡

T

aong 1521 nang dumatingkasama si

Magallanes sa Samar.

-pagpipitagan at

-kabutihan ng mga naninirahanat ang

pangangalakal

(5)

Sa Butuan natagpuan niya angmga

mamamayang ang hinaharapay pagmimina

S

a Pulo ng Paragua (Palawan),

o

masagana ang mga makakain

Halos lahat ng mga naninirahandoon ay

bumubungkal ng sarilingbukirin

Ayon kay Gaspar de

S

an Agustin:

‡

N

abibilang sa mga magagaling namandaragat ay kinukuha ng mgaAlkade Mayor para sa mgasasakyang-dagat na ipinapadala salabas ng bansa.

P i n a u n t i n g m g a p a n u n u l i s a n g d a g a t a n g b i l a n g n g m g a P i l i p i n o dahil ang mga malayong Malaya ayn a t a t a n g i , l a l o n a s a k a n i l a n g m g a kalupitan

Ang sikap at pagkukusa natin ay nawala nang

dahil sa mga#astila. +ago sila dumating ay

maginhawa ang ating buhay.

%akikipagkalakalan tayo sa (sina at ibang

bansa nagsasaka

Ang pangangailangan natin noon ay hindi marami at hinditayo mapagpabaya di gaya ngayon.

%apabayaan ang lahat ng industriya at pati ang pagsasakadahil hindi nila maipagtanggol ang sarili laban sa kaguluhanat pandarambong buhat sa *indanao at Sulu. $indipinahintulutan ng mga #astila ang mga Pilipino na mag-ingatng baril at iba pang sandata. •

%akalimutan na ang pagsasaka paghahabi 

atpagmamanukan ng dahil sa sapilitang paggawa. ,ahil samaraming pandarayuhang ginagawa ng mga #astila aywalang tigil ang paggawa ng barko

Ang pangangailangan natin noon ay hindi

marami at hinditayo mapagpabaya di gaya

ngayon.

%apabayaan ang lahat ng industriya at pati

ang pagsasakadahil hindi nila maipagtanggol

ang sarili laban sa kaguluhanat pandarambong

buhat sa *indanao at Sulu.

$indipinahintulutan ng mga #astila ang mga

Pilipino na mag-ingatng baril at iba

pang sandata.

%akalimutan na ang pagsasaka paghahabi

atpagmamanukan ng dahil sa sapilitang

paggawa. ,ahil samaraming pandarayuhang

ginagawa ng mga #astila aywalang tigil ang

paggawa ng barko

ahat ng n gosyo’y sinasarili ng

gob rnador sa halip napukawin ang mga

Pilipino sa pagpapabaya ay makasarili

silakaya’t sinusugpo nila ang mga kaagaw sa

makikinabang sapangangalakal.

#ailanagn pa ng /pagr r galo0

 

pakikisama panunuyo at angganap na

pagkawalang-bahala sa kalagayan ng Pilipino

angnagpatay ng sigla sa paggawang

kapaki-pakinabang.

Pagiwas sa pagpaparumi ng kamay

at

Pagkuha ng maramingutusan sa bahay

ang nagpunla sa kalooban

natin ang binhi ngkatamaran at pagkatakot sa

mabibigat na gawain.

Sabi ng kura noon /$indi makakapasok sa

kaharian ngangit ang mga taong mayaman0

Ang sugal ay binigyang luwag at isa na rin sa nagpalala ngkatamaran.

$indi tayo binigyan ng tulong na salapi o pautang upangmamuhunan. Ang natitirang salapi matapos bawasin angbuwis ay pinambabayad sa kandila  nob na at iba pa.

#ung ang pananim ay napinsala ng balang o bagyo angpamahalaan ay hindi nagbibigay ng  ano mang tulong samga magsasaka kayat ang mga ito ay inaabot ngkatamaran.

(6)

"Your Math Skills Are Terrible"

(parody of "What Makes You

Beautiful")

[Liam]

You're insecure.

So half of four.

Your old brains are not what they

were before.

[Zayn]

Add two threes. It's fun for us.

Cause we're young and we can still

remember stuff.

[Harry]

Everyone else can multiply by sixty.

Everyone else can add two.

[All]

Now take off one hundred, and add

on 24.

Then divide by two and add on

seven more.

And if you're struggling now it's not

hard to tell

You don't know, oh, oh, your math

skills are terrible

If only you had a mind like me

You'd understand how to divide the

sum by three

And then just add on the age of

this OAP

You don't know, oh, oh, your math

skills are terrible, oh, oh

Referensi

Dokumen terkait

Ito ay nagsasama ng mga batang bata imigrante, na ang mga pamilya inilipat sa isang bagong wika na kapaligiran, pati na rin ang mga tao na natutunan ang kanilang ina dila

Noon ang mga babae ay nananatili lamang sa bahay at hindi pinag-aaral dahil naniniwala silang ang babae ay para lamang sa bahay at ang mga lalaki ang bubuhay sa kanilang pamilya.

Ang mga talatanongan papel na naglalaman ng mga katanongan patungkol sa homosekswal ang ginamit naming upang malaman namin kong tanggap ba sa lipunan ang

Ayon sa mga T'boli, ang pista ng Lem-lunay ay nag-ugat sa kanilang paniniwala sa pagkakaroon ng isang Lem-lunay, isang paraiso noong panahon ng kanilang ninuno na nais nilang

Nakakasira ng katawan ang patuloy ng pag-inom ng alak lalo na sa mga kabataan. Ito ay paglaki ng tiyan o tinatawag na beer belly. Madalas na umiinom ng alak ang mga kabataan dahil

•Marami pang mga libro sa gramatika, bokabularyo, at iba pang babasahin at pag-aaral ang nalimbag pagkatapos nito dahil sa pagkakaroon ng imprenta sa apat na orden ng mga prayle

Imbes na gamitin ng Unibersidad ng Pilipinas ang maliit na pondo nito sa pagbibigay-gantimpala sa mga pananaliksik na pinondohan ng malaman at pinagpupuri nang "intemasyonal" na

Isang nakatutuwang koleksiyon ng mga salitang ginagamit sa wikang Tagalog na maaaring ituring n,a pantakdang pang- wika ng saloobin Enriquez, 1970 ay ang mga salitang tulad ng "pa",