Antas 3: Plano sa Pagkatuto (Learning Plan)
Ikaapat na Markahan
FILIPINO I
Pamantayan sa Programa: Naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo at kahusayan
sa pag-unawa at pagpapahalagang literari gamit ang mga tekstong literaring rehiyunal,
pambansa, saling tekstong Asyano at pandaigdig tungo sa pagtatamo ng kultural na
Ikaapat na Markahan: Ibong Adarna Aralin 1: Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna Bilang ng araw/sesyon: 2 Antas 1
Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna.
Pamantayan sa Pagganap:
Ang mag-aaral ay nakapagtatanghal ng Reader’s Theater mula sa mga piling bahagi ng Ibong Adarna na naglalarawan ng mga kanais-nais na
pagpapahalagang angkop sa kulturang Pilipino. Kakailanganing Pag-unawa:
Lumaganap ang mga korido, kabilang ang Ibong Adarna,
sa panahon ng pananakop ng mga Español dahil sa mga kanais-nais na pagpapahalagang nakapaloob dito
na angkop sa Kulturang Pilipino.
Mahalagang Tanong:
Bakit mahalagang unawain ang Ibong Adarna?
Nauunawaan ng mag-aaral ang:
Kaligirang Pangkasaysayan ng Ibong Adarna. Mga Hakbangin sa Pagsasagawa ng colloquium
Ang mag-aaral ay:
nakapagbabahagi ng kanilang mga ideya tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral ng Ibong Adarna
nakapag-uulat ng nasaliksik na mga impormasyon kaugnay ng kaligirang pangkasaysayan ng Ibong Adarna sa masining na paraan masigasig na nakalalahok sa malayang talakayan
nakapagsasagawa ng colloquium kaugnay ng kaligirang pangkasaysayan ng Ibong Adarna
Antas 2 Inaasahang Pagganap:
Pagsasagawa ng colloquium kaugnay ng kaligirang pangkasaysayan ng Ibong Adarna
Pagpapatibay sa Antas ng Pag-unawa:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan ng:
pagpapaliwanag at pagbabahagi ng mga ideya tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral ng Ibong Adarna.
paglalahad ng sariling pananaw tungkol sa bisa ng pag-aaral ng korido. paglalahad ng sariling damdamin tungkol sa pinakamainam na paraan ng pagsasadula ng Ibong Adarna.
paghahambing sa kaligirang pangkasaysayan na napag-aralan sa nasaliksik
na kaligirang pangkasaysayan ng isa sa mga panitikang kinagigiliwan pa rin
Sa Antas ng Pagganap:
Pagtataya sa isinagawang colloquium batay sa mga kraytirya:
A. Batay sa pananaliksik B. Angkop sa paksa
C. Makatotohanan ang mga impormasyong inilahad D. Taglay ang mga elemento ng colloquium
ng mga tao sa kasalukuyan.
pagbabahagi ng magiging kontribusyon upang mahikayat ang mga mag-aaral
na unawain ang Ibong adarna.
pagbabahagi ng mga nakalap na im[pormasyon kaugnay ng paksa sa masining na paraan.
F. Naglalahad ng nabuong paglalahat/kongklusyon
Antas 3 A. Pagtuklas :
Ang mag-aaral ay:
nakapagpapaliwanag at nakapagpapabahagi ng kanilang mga ideya tungkol sa kahalagahan ng pag-aaral ng Ibong Adarna matapos mabuo ang picture puzzle (Iminumungkahi sa gurong ibigay sa bawat pangkat ang picture puzzle ng Ibong Adarna na ipabubuo sa mga mag-aaral. Kolaboratibong gawain)
B. Paglinang:
Ang mag-aaral ay:
nakapag-uulat ng nasaliksik na mga impormasyon kaugnay ng kaligirang pangkasaysayan ng Ibong Adarna sa masining na paraan (Iminumungkahing ibigay na ito sa bawat pangkat bilang takdang aralin upang makapaghanda sila sa isasagawang pag-uulat.)
nakapaglalahad ng mahahalagang impormasyon mula sa isinagawang pag-uulat ng bawat pangkat sa tulong ng istratehiyang Caravan
C. Pagpapalalim:
Ang mag-aaral ay:
masigasig na nakalalahok sa malayang talakayan sa tulong ng mga tanong/gawain:
1. Kapanayamin ang limang (5) kamag-aral at itanong ang kanilang pananaw sa korido,kabilang na ang Ibong Adarna bilang isang uri ng panitikan. Sang-ayon ka ba sa pananaw nila? Bakit oo? Bakit hindi?
2. Para sa iyo, may mabisa bang paraan ng paglalahad ng aral ang korido? Bakit?
3. Mahalaga ba sa antas sekundarya ang pag-aaral ng Ibong Adarna sa kasalukuyan? Ipaliwanag.
4. Bilang isang uri ng tula, ano ang pinakamabuting paraan ng pagsasadula ng Ibong Adarna? Bakit sa kabila ng pagiging mahigpit ng mga Español ay pinayagan ng mga ito ang pagpapalaganap ng mga korido, kabilang ang Ibong Adarna?
5. Magsaliksik ng kaligirang pangkasaysayan ng isa sa mga uri ng panitikang kinagigiliwan pa rin ng mga tao sa kasalukuyan katulad ng pabula, alamat, epiko, at iba pang tulang pasalysay na pinag-aralan. Ihambing ito sa kaligirang pangkasaysayan.
6. Bakit mahalagang unawain ang nakapaloob na aral sa Ibong Adarna?”
(Maaari pang magdagdag ng mga tanong. Tiyakin lamang na malilinang ang anim na aspekto ng pag-unawa ng mga mag-aaral.) D. Paglalapat : (Magbibigay ng input ang guro sa mga dapat tandaan at hakbangin sa pagsasagawa ng colloquium)
Ang mag-aaal ay:
nakabubuo ng kraytirya sa pagtataya sa isasagawang colloquium
nakapagsasagawa ng colloquium kaugnay ng kaligirang pangkasaysayan ng Ibong Adarna Tulang romansa
Mga Kakailanganing Kagamitan Picture Puzzle
Internet
Sipi ng kaligirang pangkasaysayan ng Ibong Adarna Mga kraytirya sa pagsasagawa ng colloquium
Mga hakbangin sa pagsasagawa ng colloquium
Ikaapat na Markahan: Ibong Adarna Aralin 2 : Mahahalagang Tauhan sa Ibong Adarna Bilang ng araw/sesyon: 2
Antas 1 Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa katangian ng bawat tauhan sa ibong Adarna.
Pamantayan sa Pagganap:
Ang mag-aaral ay nakapagtatanghal ng Reader’s Theatre mula sa mga piling bahagi ng Ibong Adarna na naglalarawan ng mga kanais-nais na pagpapahalagang angkop sa kulturang Pilipino.
Kakailanganing Pag-unawa:
May katangian ang mga tauhan sa Ibong Adarna na taglay rin ng mga tao sa kasalukuyan.
Mahalagang Tanong:
Makatotohanan ba ang mga tauhan sa Ibong Adarna? Nauunawaan ng mag-aaral ang:
Mahahalagang Tauhan ng Ibong Adarna
Ang mag-aaral ay:
nakapagpapakilala at nakapagpapaliwanag sa kahalagahan ng mga tauhan sa Ibong Adarna
nakapagsasaliksik ng mga impormasyon tungkol sa mga tauhan ng Ibong Adarna nakabubuo ng sintesis sa aralin
na may pagkakatulad sa mga katangian ng piniling tauhan sa Ibong Adarna Antas 2
Inaasahang Pagganap:
Pagbuo ng Character Portrayal ng isang taong hinahangaan sa kasalukuyan na may pagkakatulad sa katangian ng piniling tauhan sa Ibong Adarna
Pagpapatibay sa Antas ng Pag-unawa:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan ng: pagpapaliwanag ng kahalagahan ng bawat tauhan sa akda.
pagbibigay ng sariling interpretasyon sa katangian ng mga tauhan sa Ibong Adarna.
pagpapatunay na makikita pa sa kasalukuyang panahon ang mga katangiang taglay ng mga tauhan sa akda.
paghahambing ng sarili sa mga tauhang ipinakilala sa akdang binasa.
pagbabahagi ng naging damdamin sa bawat tauhan matapos matalakay ang aralin.
paglalarawan sa pamamagitan Character Portrayal ng isang katauhan na may katulad na katangian sa isa sa mga tauhan
sa akda.
Sa Antas ng Pagganap:
Pagtataya sa isinagawang Character Portrayal bataysa mga kraytirya:
A. Batay sa pananaliksik ang gagawing pagpili.
B. Makatotohanan C. Napapanahon D. Malikhain
A. Pagtuklas :
Ang mag-aaral ay:
nakagagawa ng Character Mirror sa pagpapakilala sa bawat tauhan sa Ibong Adarna ( Ikikilos ng mag-aaral ang katangiang taglay ng napiling tauhan at ipahuhula sa klase ang katangiang iyon.)
B. Paglinang:
Ang mag-aaral ay:
nakapagsasaliksik tungkol sa mga tauhan ng Ibong Adarna at ang mga katangian ng mga ito. ( Ipasaliksik ito sa oras ng klase. Gabayan sila sa gawaing ito.) nakapag-uulat sa klase ng ginawang pananaliksik sa masining na paraan (Ipagamit sa mag-aaral ang iba’t ibang istratehiyang kanilang natutuhan
sa pag-uulat.)
naibibigay ang kasingkahulugan ng malalalim na salita sa araling tatalakayin
C. Pagpapalalim :
Ang mag-aaral ay:
nakabubuo ng sintesis sa pamamagitan ng pagpupuno sa pahayag na, “Nalaman o natutuhan ko sa araw na ito na ….” nakikiisa sa pagsagot/pagtalakay sa sumusunod na mga tanong/gawain:
1. Batay sa pagkakalarawan, ipaliwanag ang kahalagahan ng bawat tauhan sa akda. Gamitin ang Flow Chart para sa sagot. Maaaring dagdagan pa ang mga ito kung kinakailangan.
2. Ayon sa mga saknong na naglalarawan, ano ang masasabi sa mga tauhan sa Ibong Adarna?
3. Sa iyong palagay, makikita pa ba sa kasalukuyang panahon ang mga katangiang taglay ng mga tauhan sa akda? Patunayan.
4. Mula sa bahagi ng talata na ipinakilala ang mga tauhan, kanino maihahambing ang iyong sarili? Bakit? Gamitin ang Compare and Contrast Chart para sa sagot.
5. Pumili ng isang tauhan sa akda. Ilarawan sa sariling mga salita.
6. Paano mapatutunayan kung makatotohanan o hindi ang mga tauhan sa Ibong Adarna?
D. Paglalapat :
(Magbibigay ng input ang guro tungkol sa paggawa ng Character Portrayal.) Ang mag-aaral ay:
nakabubuo ng kraytirya sa pagtataya sa paggawa ng Character Portrayal
nakabubuo ng Character Portrayal ng isang taong hinahangaan sa kasalukuyan na may pagkakatulad sa katangian ng piniling tauhan sa ilang tinalakay na bahagi sa Ibong Adarna
Mga Kakailanganing Kagamitan Aklat ng Ibong Adarna
Internet
Mga kraytirya sa paggawa ng Character Portrayal Sipi ng mga istratehiya
Ikaapat na Markahan: Ibong Adarna Aralin 3: Si Haring Fernando at ang Tatlong Prinsipe (Saknong Blg. 1-27) Bilang ng araw/sesyon: 2 Antas 1
Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa tamang pagpapalaki ng anak.
Pamantayan sa Pagganap:
Ang mag-aaral ay nakapagtatanghal ng Reader’s Theater mula sa mga piling bahagi
ng Ibong Adarna na naglalarawan ng mga kanais-nais na pagpapahalagang angkop sa kulturang Pilipino.
Kakailanganing Pag-unawa:
Ang pagiging mabuting anak ay nakasalalay sa tamang pagpapalaki ng mga magulang
Mahalagang Tanong:
Paano ang tamang paraan ng pagpapalaki ng anak/mga anak? Nauunawaan ng mag-aaral ang:
1. Saknong blg. 1-27 (Si Haring Fernando at ang Tatlong Prinsipe 2. Sukat bilang katangian ng tula
3. Liham pasasalamat o liham kahilingan
Ang mag-aaral ay:
nakabubuo ng simbolo na naglalarawan sa sarili bilang anak
nakapagsasagawa ng panayam hinggil sa paksang “Ang karunungan ay kayamanan”
nakapagbabahagi ng opinyon sa salawikaing kaugnay ng aralin
nakasusulat ng isang liham pasasalamat o kahilingan sa mga magulang Antas 2
Inaasahang Pagganap:
Pagsulat ng liham pasasalamat o liham kahilingan sa mga magulang kaugnay ng ginawa nilang pagpapalaki sa mag-aaral
Pagpapatibay sa Antas ng Pag-unawa:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan ng: pagbubuo ng simbolo na naglalarawan bilang isang anak.
paglalarawan sa tauhan ayon sa tungkuling kanyang ginagampanansa aralin at ang sinisimbolo niya sa kasalukuyan.
paglalahad ng sariling karanasan o karanasan ng ibang tao na katulad
o kabaligtaran ng pagpapalaking ginawa ng mga tauhan sa aralin sa kanilang mga anak.
pagbabahagi ng damdamin tungkol sa mga may mga anak na napapasama o naliligaw ng landas.
pagbibigay ng iba’t ibang pananaw hinggil sa paksang may kaugnayan sa aralin.
pagsulat ng isang liham pasasalamat o liham kahilingan sa mga magulang kaugnay ng ginagawa nilang pagpapalaki sa mga anak.
Sa Antas ng Pagganap:
Pagtataya sa isinagawang liham pasasalamat o kahilingan sa mga magulang batay sa mga kraytirya:
A. Makatotohanan B. Angkop sa Paksa
C. Taglay ang mga elemento sa pagsulat ng liham D. Pagiging matapat
Antas 3 A. Pagtuklas :
Ang mag-aaral ay:
nakabubuo at nakapagpapaliwanag sa ginawang simbolo na naglalarawan sa sarili bilang isang anak nakapagbibigay ng feedback sa binuo at ipinaliwanag na simbolo
B. Paglinang:
Ang mag-aaral ay:
nakapagsasalaysay ng mahahalagang pangyayari mula sa Saknong 1-27 sa masining na paraan nalilinang ang kaalaman sa aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na:
- Karaniwang nagsisimula sa isang panawagan o panalangin ang korido.
- Ilalarawan ang hari ng Berbanya? Sino ang nananalangin sa bahaging ito ng akda? Ano ang kanyang panawagan? - Ipaliwanag ang kahulugan ng saknong 19. Sang-ayon ka ba rito?
napatutunayan ang pag-unawa sa katangian ng tula na sukat bilang katangian ng tula sa pamamagitan ng pagbibigay ng sariling halimbawa naibibigay ang kasingkahulugan ng mga palitang malalim ang kahulugan sa araling babasahin
C. Pagpapalalim : Ang mag-aaral ay:
nakapagbubuod ng aralin sa pamamagitan ng Visual Display of Text
Tauhan Tagpuan Suliranin Simula Kasukdulan Wakas Daloy ng mga Pangyayari
nasasagot/naisasagawa ang sumusunod na mga tanong/gawain ( Iminumungkahing ibigay na ang gawain sa mag-aaral bilang takdang aralin.): 1. Ilarawan si Don Fernando bilang hari ng Berbanya at bilang isang ama.
2. Maglahad ng sariling karanasan o karanasan ng ibang tao na katulad o kabaligtaran ng pagpapalaking ginawa nina Haring Fernando at Doña Valeriana
sa kanilang mga anak.
3. Bakit kaya may mga anak na napapasama o naliligaw ng landas? Bilang isang anak, paano maiiwasan ang ganitong kalagayan? Sagutin ang tanong sa paraang patula na may wawaluhing pantig.
4. Magsagawa ng isang panayam tungkol sa paksang “Ang karunungan ay kayamanan.” Kapanayamin ang isang taong nagtagumpay sa kaniyang propesyon tulad ng isang guro, mayamang negosyante o isang mag-aaral na nagtamo ng karangalang pangkarunungan, at iba pa.
5. Ipagpalagay na isa ka sa mga anak nina Don Fernando at Doña Valeriana. Paano mo sila pasasalamatan at pahahalagahan? Sagutin ito sa paraang patula na may dalawang saknong na may walong pantig ang bawat taludtod.
6. Paano ang tamang pagpapalaki sa mga anak? Gawing batayan ang resulta ng panayam sa mga magulang na ibinigay na takdang aralin. D. Paglalapat :(Magbibigay muna ang guro ng input tungkol sa liham pasasalamat o kahilingan.)
Ang mag-aaral ay:
nakabubuo ng kraytirya sa pagtataya sa gagawing liham pasasalamat o liham kahilingan sa mga magulang kaugnay ng ginagawa nilang pagpapalaki
sa mga anak
nakapagsusulat ng liham pasasalamat o liham kahilingan sa mga magulang kaugnay ng ginawa nilang pagpapalaki sa kanila (Ipabigay sa magulang ang liham na ginawa ng mag-aaral)
nakapagsasalaysay sa naging reaksyon ng mga magulang sa ginawang liham ng mag-aaral Mga Kakailanganing Kagamitan
Mga kagamitan para sa pagguhit Aklat ng Ibong Adarna
Ikaapat na Markahan: Ibong Adarna Aralin 4: Ang Panaginip ng Hari (Saknong Blg. 28-45) Bilang ng araw/sesyon: 2 Antas 1
Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa suliranin sa akda na dapat mabigyan ng solusyon.
Pamantayan sa Pagganap:
Ang mag-aaral ay nakapagtatanghal ng Reader’s Theater mula sa mga piling bahagi ng Ibong Adarna na naglalarawan ng mga kanais-nais na
pagpapahalagang angkop sa kulturang Pilipino Kakailanganing Pag-unawa:
Anumang suliranin sa buhay ay may solusyon.
Mahalagang Tanong:
Paano bibigyan ng solusyon ang anumang suliraning maaaring makaharap? Nauunawaan ng mag-aaral ang:
Saknong blg. 28-45 (Ang Panaginip ng Hari)
Ang mag-aaral ay:
nakapagpapalitan ng solusyon tungkol sa isang suliranin nakapaglalahad ng sariling pananaw tungkol sa panaginip nakapaglalahad ng aralin gamit ang iba’t ibang istratehiya nakapagsasalaysay ng isa sa mga suliraning pangkalusugan na
kinaharap ng pamilya o ng sariling pamayanan na nabigyan ng solusyon Antas 2
Inaasahang Pagganap: Pagsasalaysay ng isa sa mga suliraning pangkalusugan na hinaharap ng pamilya o ng
pamayanan at nabigyan ng solusyon
Pagpapatibay sa Antas ng Pag-unawa:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan ng: pagbibigay ng solusyon sa isang liham na humihingi ng payo. pagpapaliwanag ng pananaw tungkol sa panaginip.
paglalahad ng sariling interpretasyon sa isang pangyayari sa aralin na iuugnay sa kasalukuyan.
pagbibigay ng sariling pagpapakahulugan sa panaginip ng tauhan sa aralin
at iugnay ito sa kasalukuyan.
Sa Antas ng Pagganap:
Pagtataya sa isinulat na talatang nagsasalaysay batay sa mga kraytirya:
A. May kaugnayan sa paksa B. Naglalahad ng suliranin C. Nagmumungkahi ng solusyon D. Nagtataglay ng mga elemento ng talatang nagsasalaysay
pagbibigay ng lunas sa sakit ng tauhan sa akda na maiuugnay sa mga likas
na pamamaraan sa kasalukuyan.
pagpapahayag kung paano ipinadarama ang pagmamahal sa mga magulang kung sila ay nagkakasakit.
Antas 3 A. Pagtuklas :
Ang mag-aaral ay:
nakapagbabahagi ng solusyon sa isang liham na humihingi ng payo (Ang liham ay maaaring mula sa isang kaibigan o mula sa kolum ng isang pahayagan. )
B. Paglinang:
Ang mag-aaral ay:
napahahalagahan ang laman ng saknong bilang 28-45 sa masining na paraan tulad ng dula, sabayang pagbasa/pagbigkas at iba pa. ( Bigyan ng panahon ang mag-aaral upang pag-usapan ang gagawin nilang istratehiya. Gawin itong paligsahan.)
nakapagbabahagi ng mga puna at mungkahi sa itinanghal ng bawat pangkat (peer evaluation)
nakapagbibigay ng input tungkol sa tugma bilang katangian ng tula at nakapagbibigay ng sariling halimbawa nakahahalaw ng mga piling salita mula sa aralin
C. Pagpapalalim : Ang mag-aaral ay:
nakapagbubuod ng aralin sa pamamagitan ng Fan Fact Analyzer o Pagsusuri ng Impormasyon.
Pagsusunud-sunod ng mga pangyayari Tagpuan/Tauhan Pagpapahalaga 2 1 3 4 5
malayang nakikiisa sa talakayan batay sa sumusunod na mga tanong/gawain: 1. Naniniwala ka ba na ang panaginip ay nagkakatotoo? Ipaliwanag ang sagot.
2. Sa kabila ng kasaganaang tinatamasa, bakit biglang nagkaroon ng hapis sa kaharian ng Berbanya? 3. Bigyan ng sariling pagpapakahulugan ang panaginip ng hari.
4. Kung iuugnay sa kasalukuyan, ano ang kalikasan ng sakit ni Don Fernando? Ano ang maaaring maging lunas sa ganitong uri ng sakit? 5. Bilang isang anak, paano mo ipinadarama ang iyong pagmamahal sa iyong mga magulang kung sila ay nagkakasakit?
nakapagbibigay ng mga patunay na may solusyon ang anumang suliranin sa buhay, maaaring batay sa nakalap na impormasyon, sa pamamagitan ng pakikipanayam, paglalahad sa karanasan ng mga nakapanayam o kaya naman ay karanasan ng mga kilalang taong naging matatag sa
pagharap
sa mga pagsubok o iba pang angkop na gawain ukol dito (Ibigay ito bilang pangkatang takdang aralin na iuulat kinabukasan ng bawat pangkat.) D. Paglalapat : (Magbibigay ang guro ng input tungkol sa pagsulat ng talatang nagsasalaysay.)
Ang mag-aaral ay:
nakabubuo ng kraytirya sa pagtataya sa pagsulat ng talatang nagsasalaysay
nakapagsusulat ng isang talatang nagsasalaysay ng isa sa mga suliraning pangkalusugan na kinaharap ng pamilya o ng pamayanan na nabigyan ng solusyon
nakapaglalahad ng mungkahing solusyon sa mga isinalaysay na suliranin (kolaboratibong gawain). ( Iminumungkahi sa guro na pumili ng isa sa mga suliranin na isinalaysay ng mag-aaral at bigyan ng solusyon ng bawat pangkat.)
Mga Kakailanganing Kagamitan Aklat ng Ibong Adarna
Worksheets
Mga kraytirya sa pagtataya ng gawain Sipi ng istratehiya
Ikaapat na Markahan: Ibong Adarna Aralin 5: Si Don Pedro at Ang Puno ng Piedras Platas (Saknong Blg. 46-80) Bilang ng araw/sesyon: 2 Antas 1
Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kapalaran ni Don Pedro sa paghahanap sa Ibong Adarna.
Pamantayan sa Pagganap:
Ang mag-aaral ay nakapagtatanghal ng Reader’s Theater mula sa mga piling bahagi ng Ibong Adarna na naglalarawan ng mga kanais-nais na
pagpapahalagang angkop sa kulturang Pilipino. Kakailanganing Pag-unawa:
Anumang pagsubok ay malalampasan kung ang tao’y hindi palilinlang sa mga tukso.
Mahalagang Tanong:
Paano malalampasan ng tao ang mga pagsubok sa buhay? Nauunawaan ng mag-aaral ang:
Saknong blg. 46-80 (Si Don Pedro at ang Puno ng Piedras Platas)
Ang mag-aaral ay:
nakatatalakay kung paano nalampasan ng mga kilalang personalidad ang mga pagsubok na dumating sa kanilang buhay
nakapagbibigay ng dahilan kung bakit di natatapos ang isang gawain at ang solusyon kung paano ito masosolusyunan
nakapagbubuod ng aralin
nakapagtatanghal ng monologo na nagsasalaysay ng sariling karanasan kung paano nalampasan ang isang suliranin o pagsubok sa buhay
Inaasahang Pagganap: Pagtatanghal ng monologo na nagsasalaysay ng sariling karanasan kung paano
nalampasan ang isang suliranin o pagsubok
sa buhay
Pagpapatibay sa Antas ng Pag-unawa:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan ng:
pagbibigay ng mga dahilan kung bakit hindi nagtagumpay ang tauhan sa kanyang layunin at iugnay ito sa sariling karanasan o karanasan ng iba.
pagbibigay kahulugan sa dahilan nang pag-iwas ng iba pang mga ibon sa puno ng Piedras Platas.
pagpapahayag ng sariling pananaw tungkol sa isang tauhan batay sa kabiguang natamo sa pagkamit ng layunin.
pagpapahayag ng damdamin sa sinapit ng tauhan sa kanyang kabiguan.
paglalahad ng panuntunan sa buhay na natutuhan sa sinapit ng tauhan sa aralin. pagtatanghal ng monologo na nagsasalaysay ng sariling karanasan kung paano nalampasan ang isang suliranin o pagsubok sa buhay.
Sa Antas ng Pagganap:
Pagtataya sa itinanghal na monologo batay sa mga kraytirya:
A. Angkop sa paksa B. Makatotohanan
C. Taglay ang mga elemento ng masining na
pagmomonologo
Antas 3 A. Pagtuklas :
Ang mag-aaral ay:
nakapaglalahad ng suliranin ng kilalang personalidad na ipinakita ng guro at pagtalakay kung paano nila nalampasan ang mga pagsubok na iyon B. Paglinang:
Ang mag-aaral ay:
nakapag-uulat ng mahahalagang pangyayari sa mga saknong blg. 46-80 sa masining na paraan
nalilinang ang kaalaman at pang-unawa sa aralin sa pamamagitan ng pagbibigay ng kasagutan/ideya sa mga tanong na: - Anu-anong taludtod sa aralin ang nagpapatunay sa pagiging masunuring anak ni Don Pedro?
- Bakit naisipan ni Don Pedro na tumigil muna sa kinaroroonan ng kakaibang punongkahoy?
- Dumapo ang Ibong Adarna sa Piedras Platas sa tulog na si Don Pedro. Sa iyong palagay, ang pangyayari kaya ay nagkataon lamang o sinasadya?
- Anong salita sa saknong blg. 77 ang nagpapatunay na ito ay tayutay na simili? nakapagbibigay ng sariling halimbawa sa tayutay na simile
nakapipili ng kasingkahulugan ng mga salitang nakapaloob sa pangungusap C. Pagpapalalim :
Ang mag-aaral ay:
nakapagbubuod ng aralin sa pamamagitan ng Story Pyramid
malayang nakikiisa sa pagtalakay sa mga tanong/gawain:
1. Bakit hindi nagtagumpay si Don Pedro sa paghuli sa Adarna?
2. Ano ang dahilan at umiiwas ang iba pang mga ibon na dumapo man lamang sa puno ng Piedras Platas? 3. Ano ang iyong masasabi sa katauhan ni Don Pedro batay sa kabiguan niyang mahuli ang ibon?
4. Bakit may mga pagkakataong hindi natatapos ang isang gawain? Magbigay ng mga dahilan kung bakit hindi ito natatapos. Magmungkahi ng solusyon kung paano malalampasan ang mga ito sa pamamagitan ng two-way chart.
5. Sa iyong palagay, makatwiran ba ang gagawing paghuli ni Don Pedro sa Ibong Adarna? Bakit?
6. Nararapat bang kaawaan si Don Pedro sa sinapit niya sa paghahanap sa ibong Adarna? Ipaliwanag ang sagot.
7. Anong panuntunan sa buhay ang iyong natutuhan sa sinapit ni Don Pedro? Paano ito gagawing gabay sa pang-araw-araw na buhay? malayang natatalakay kung paano malalampasan ng tao ang mga pagsubok sa buhay
D. Paglalapat : (Ang guro ay magbibigay ng impormasyon tungkol sa monologo.) Ang mag-aaral ay:
nakasusulat ng sariling monologo na nagsasalaysay ng sariling karanasan kung paano nalampasan ang isang suliranin o pagsubok sa buhay nakabubuo ng kraytirya sa pagtatanghal ng monologo
Mga Kakailanganing Kagamitan Aklat ng Ibong Adarna
Worksheets
Larawan ng mga kilalang personalidad Mga kraytriya sa pagtatanghal ng monologo
Ikaapat na Markahan: Ibong Adarna Aralin 6: Si Don Diego at Ang Awit ng Ibong Adarna (Saknong Blg. 81-109) Bilang ng araw/sesyon: 2 Antas 1
Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa sinapit ni Don Diego sa paghahanap kay Don Juan at sa Ibong Adarna.
Pamantayan sa Pagganap:
Ang mag-aaral ay nakapagtatanghal ng Reader’s Theater mula sa mga piling bahagi ng Ibong Adarn na naglalarawan ng mga kanais-nais na pagpapahalagang angkop sa kulturang Pilipino.
Kakailanganing Pag-unawa:
Mahalaga ang pagtutulungan at pagdadamayan sa paglutas ng mga suliraning pampamilya.
Mahalagang Tanong:
Paano ipinakita sa akda ang magandang samahan ng isang pamilya? Nauunawaan ng mag-aaral ang:
1. Saknong blg. 81-109 ( Si Don Diego at Ang Awit ng Ibong Adarna 2. Ang tugma bilang katangian ng tula
Ang mag-aaral ay:
nakapag-aanalisa ng suliraning ipinakita sa isa sa mga pelikulang pinanood nakaguguhit ng larawang nagpapakita ng mga pangyayari sa aralin bilang
pagbubuod
nakapaghahambing ng sitwasyon na inilahad sa aralin at sa kasalukuyang sitwasyon
nakabubuo ng simbolong naglalarawan ng pagmamahal at pagmamalasakit sa kapamilya
Antas 2 Inaasahang Pagganap:
Pagbubuo ng simbolong naglalarawan ng pagmamahal at pagmamalasakit sa pamilya
Pagpapatibay sa Antas ng Pag-unawa:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan ng:
pagtukoy at pagbibigay kahulugan sa suliraning kinaharap ng pamilya sa isa sa mga pinanood
na pelikulang pampamilya.
pagpapaliwanag kung bakit hindi nagtagumpay ang tauhan sa kanyang layunin. paghahambing sa ginawang pag-iwas ng mga ibon sa puno ng Piedras Platas sa mga sitwasyon sa kasalukuyang lipunan.
pagpapahayag ng damdamin tungkol sa pagpapahanap ng tauhan sa kanyang anak sa Ibong Adarna gayong napahamak na ang una nitong anak.
pagpapahayag ng napagtibay na paniniwala tungkol sa pamilya.
pagbuo ng simbolo na nagpapakita ng pagmamahal at pagmamalasakit sa pamilya.
Sa Antas ng Pagganap: Pagtataya sa binuong simbolo na nagpapakita at naglalarawan ng pagmamalasakit at pagmamahal sa pamilya batay sa mga kraytirya:
A. May kaugnayan sa paksa B. Malikhain
Antas 3
A. Pagtuklas :
Ang mag-aaral ay:
nakatutukoy ng suliraning kinaharap ng pamilya sa isa sa mga pelikulang pampamilyang napanood at kung paano ito nabigyang solusyon ng mga miyembro ng pamilya
sa nasabing pelikula B. Paglinang:
Ang mag-aaral ay:
nakapagtatanghal ng nilalaman ng aralin sa pamamagitan ng madulang pagbigkas (Isa sa kapangkat ang babasa at ikikilos naman ng mga kapangkat. Gawin itong paligsahan.)
nalilinang ang kaalaman sa aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa mga natanong: - Ano-ano ang pagkakatulad ng karanasan nina Don Pedro at Don Diego?
- Anong mga salita ang nagtutugma sa s aknong blg. 95? Sa Saknong 98? Ipaliwanag ang sagot. nakapagbibigay ng sariling halimbawa ng tugma bilang katangian ng tula.
C. Pagpapalalim :
Ang mag-aaral ay:
nakapagbubuod ng aralin sa pamamagitan ng pagguhit sa mga pangyayari (Ipatalakay sa bawat pangkat ang nabuong mga larawan.) malayang natatalakay ang mga tanong na:
a. Bakit hindi nagtagumpay si Don Diego sa paghahanap kay Don Pedro at sa paghuli sa ibong Adarna?
b. Paano maihahambing ang pag-iwas ng mga ibon sa puno ng Piedras Platas sa mga sitwasyon sa kasalukuyang lipunan?
c. Kung ikaw ang hari, hahayaan mo pa bang hanapin ni Don Diego ang Adarna gayong maaaring napahamak na ang anak na unang naghanap sa ibon?
Pangatwiranan.
d. Paano napagtibay ng aralin ang iyong paniniwala tungkol sa pamilya?
nakapagbabahagi ng ideya tungkol sa mahalagang tanong na “Paano ipinakikita sa akda ang magandang samahan ng isang pamilya?”
C. Paglalapat :
Ang mag-aaral ay:
nakabubuo ng kraytirya sa pagbubuo ng simbolo
nakabubuo ng simbolo na nagpapakita ng pagmamahal at pagmamalasakit sa pamilya natatalakay ang binuong simbolo
Mga Kakailanganing Kagamitan Aklat ng Ibong Adarna
Worksheets
TV/cd o vcd player/casette player
Mga Kagamitan sa pagguhit
Mga Kraytirya sa pagbuo ng simbolo
Ikaapat na Markahan: Ibong Adarna Aralin 7: Si Don Juan, Ang Bunsong Anak (Saknong Blg. 110-163) Bilang ng araw/sesyon: 1 Antas 1
Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa ginawang paglalakbay ni Don Juan.
Pamantayan sa Pagganap:
Ang mag-aaral ay nakapagtatanghal ng Reader’s Theater mula sa mga piling bahagi ng Ibong Adarna na naglalarawan ng mga kanais-nais na pagpapahalagang angkop sa kulturang Pilipino.
Kakailanganing Pag-unawa:
Ang anumang hakbangin ay mapagtatagumpayan kung hihilingin ang patnubay ng Maykapal.
Mahalagang Tanong:
Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng pananampalataya sa Diyos? Nauunawaan ng mag-aaral ang:
1. Saknong blg. 110-163 (Si Don Juan, ang Bunsong Anak) 2. Idyomatikong pahayag
Ang mag-aaral ay:
nakababasa ng mga saknong ng aralin gamit ang iba’t bang tono nakalalahok sa malayang talakayan
nakapagbubuod ng mga pangyayari sa aralin
Antas 2 Inaasahang Pagganap:
Pagbubuo ng photo documentary na naglalarawan sa ginawang
paglalakbay ng tatlong magkakapatid
Pagpapatibay sa Antas ng Pag-unawa:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan ng:
pagpapaliwanag ng kaugnayan ng mga salitang ginamit sa aralin
sa buhay ng tauhan.
pagbibigay ng ipinapahiwatig ng piling saknong sa aralin. paglalahad kung paano maipakikita ang pagiging maawain at matulungin sa kapwa.
pagpapatunay na ang kabutihang ginagawa ay may kapalit na gantimpala
pagpapahayag ng mararamdaman kung ibalik ng taong tinulungan ang naibigay na sa kanya.
pagbabahagi ng isang testimonya na nagpapakita ng pagkakaroon ng tiwala sa Diyos.
Sa Antas ng Pagganap:
Pagtataya sa pagbuo ng photo documentary batay sa mga kraytirya:
A. May Kaugnayan sa paksa B. Orihinal
C. Malikhain
Antas 3 A. Pagtuklas :
Ang mag-aaral ay:
nakapaglalahad ng isang bahagi ng teleserye o pelikulang napanood na nagpapakita ng pananampalataya sa Diyos B. Paglinang:
Ang mag-aaral ay:
nakapaglalahad ng mga saknong sa aralin sa pamamagitan ng Intonational Reading. Ang tono ay maaaring natutuwa, natatakot, nalulungkot, nagagalit
o iba pang damdaming maaaring namamayani sa isang tao (kolaboratibong gawain)
nakapagbibigay ng sariling puna sa naging pagtatanghal ng mga natapos na pangkat (peer evaluation) nalilinang ang aralin sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga tanong na:
1. Bakit ayaw payagan ng hari na maglakbay si Don Juan?
3. Bakit mahalagang nakikipag-usap sa magulang kaugnay ng mga binabalak gawin? 4. Paano naiiba si Don Juan sa kaniyang mga kapatid sa ginawa niyang paglalakbay?
5. Ano ang katangian ni Don Juan na hindi taglay ng dalawang nakatatandang kapatid ang inilahad sa saknong blg. 129 hanggang 163? 6. Makatotohanan ba ang ginawang pagkain ni Don Juan ng tinapay nang minsan lamang sa isang buwan?
7. Sa kasalukuyang panahon, kanino maihahalintulad ang katauhan ng leprosong tinulungan ni Don Juan?
8. Ano ang iyong mahihinuha sa ginawang paghingi ng tulong ng matandang leproso kay Don Juan? May iba pa kaya siyang maaaring gawin? Ipaliwanag ang iyong sagot.
nakapagbibigay ng iba pang halimbawa ng mga idyomatikong pahayag (Magbibigay muna ng input ang guro tungkol sa idyomatikong pahayag bago hingan ng halimbawa ang mag-aaral.)
nakatukoy ang kasalungat na kahulugan ng ilang salitang ginamit sa aralin C. Pagpapalalim :
Ang mag-aaral ay:
nakapagbubuod ng aralin sa pamamagitan ng kwadro o frames
natatalakay ang aralin sa pamamagitan ng malayang talakayan sa mga na tanong/gawain:
1. Isulat at ipaliwanag sa bawat kahon kung ano ang kaugnayan ng mga piling salita sa aralin sa buhay ni Don Juan. 2. Basahin ang saknong 127. Ano ang ipinapahiwatig nito? Makatotohanan ba ito? Ipaliwanag.
3. Paano maipakikita ang pagiging maawain at matulungin sa kapwa? Maglahad ng karanasang may kaugnayan sa sitwasyon. 4. Naniniwala ka ba na ang kabutihang ginagawa ay may kapalit na gantimpala? Patunayan.
5. Bakit nasaktan ang kalooban ni Don Juan nang ibalik ng matanda ang tinapay? Ganito rin ba ang iyong mararamdaman kung ikaw si Don Juan?
6. Humihingi ka ba ng patnubay sa Maykapal sa iyong mga gawain? Ano ang nagiging bunga nito sa iyong pagkatao? malayang nakapagtatalakay tungkol sa kahalagahan ng pananampalataya sa Diyos
D. Paglalapat :
F1 Tagpuan F3 Simula F4 Saglit na
Kasiglahan F5 Tunggalian F6 Kasukdulan F2 Tauhan F7 Wakas
Ang mag-aaral ay:
nakabubuo ng kraytirya sa pagbuo ng photo documentary
nakabubuo ng photo documentary na naglalarawan sa ginawang paglalakbay ng tatlong magkakapatid
Mga Kakailanganing Kagamitan Aklat ng Ibong Adarna
Larawan
Mga kagamitan sa pagkuha ng larawan
Mga kraytirya sa Pagbubuo ng photo documentary.
Ikaapat na Markahan: Ibong Adarna
Aralin 8: Ang Gantimpala ng Karapat-dapat (Saknong Blg. 164-198) Bilang ng araw/sesyon: 2 Antas 1
Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa magiging bunga ng paggawa ng kabutihan sa kapwa.
Pamantayan sa Pagganap:
Ang mag-aaral ay nakapagtatanghal ng Reader’s Theater mula sa mga piling bahagi ng Ibong Adarna na naglalarawan ng mga kanais-nais na pagpapahalagang angkop sa kulturang Pilipino.
Kakailanganing Pag-unawa:
Kapag kabutihan ang ginawa sa kapwa, asahang ito’y may gantimpala.
Mahalagang Tanong:
Nauunawaan ng mag-aaral ang:
1. Saknong blg. 164-198 (Ang Gantimpala ng Karapat-dapat 2. Aliw-iw ng tula
Ang mag-aaral ay:
nakapagtatanghal ng tableau na nagpapakita ng gantimpalang ibinibigay kapag gumawa ng kabutihan sa kapwa
nakapagbibigay ng iba pang kahulugan sa mga piling salita ng aralin
nakapagbibigay ng isang magandang kaugaliang Pilipino na inilarawan sa aralin
nakabubuo ng kard ng pasasalamat sa isang taong nakagawa ng kabutihan sa kaniya/pamilya
Antas 2 Inaasahang Pagganap:
Pagbuo ng kard ng pasasalamat sa isang taong nakagawa ng kabutihan sa kaniya o sa kaniyang pamilya
Pagpapatibay sa Antas ng Pag-unawa:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan ng: pagbibigay at pagpapaliwanag ng mga kabutihan at kasamaang dulot ng isang magandang kaugaliang Pilipino na inilarawan sa piling saknong ng aralin.
pagpapahayag ng sariling kahulugan sa mga piling salita sa aralin at bigyan ito
ng sariling kahulugan na ihahambing sa kasalukuyan.
pagbabahagi ng sariling pananaw sa salawikaing may kaugnayan sa aralin. pagsasalaysay ng sariling karanasan na makapagpapatunay sa salawikaing angkop sa aralin.
pagbabahagi kung paano ipinakikita ang pasasalamat at pagpapahalaga sa isang taong nakagawa ng kabutihan.
pagpapadama ng naging damdamin ng kapamamilya sa natanggap na pasasalamat.
Sa Antas ng Pagganap:
Pagtataya sa isinagawa o binuong kard ng pasasalamat batay sa mga kraytirya:
A. Tapat B. Malikhain C. Orihinal
A. Pagtuklas :
Ang mag-aaral ay:
• nakapagtatanghal ng tableau na nagpapakita ng gantimpalang ibinibigay kapag gumawa ng kabutihan sa kapwa • napahahalagahan ang ginawang tableau sa pamamagitan ng malayang talakayan
B. Paglinang:
Ang mag-aaral ay:
• nakapag-uulat ng nilalaman ng saknong blg. 164-198 sa masining na paraan (Maaaring gamitin ang madamdaming pagbasa o iba pang paraan ng pagbasa na lilinang sa kakayahan ng mag-aaral sa pagbasa ng tula.)
• nakapagbibigay ng puna at mungkahi sa ginawang pagtatanghal ng bawat pangkat • nalilinang ang kaalaman sa aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na:
a. Ano ang literal na kahulugan ng salitang “ermitanyo”? Ano ang katangian ng ermitanyong natagpuan ni Don Juan? b. Ano ang tinutukoy ni Don Juan na kahanga-hanga at “isang talinghaga”? Bakit niya ito nabanggit?
c. Ano ang iyong pagpapakahulugan sa pahayag na “maging hangga man ng palad, tutupdin ko yaring hangad?” d. Bakit naging karapat-dapat si Don Juan sa tulong ng matandang ermitanyo?
• nakapagbibigy ng iba pang kahulugan ng mga piling salita sa aralin.
C. Pagpapalalim :
Ang mag-aaral ay:
• nakasusuri ng binasang aralin sa pamamagitan ng pagsulat sa Paradaym ng mga natutuhan sa aralin • malayang nakikiisa sa talakayan sa pamamagitan ng pagsagot/paggawa ng mga tanong/gawain:
a. Magbigay ng isang magandang kaugaliang Pilipino na inilarawan sa saknong 164-198. Isulat ang mga kabutihan at kasamaang dulot nito sa kasalukuyan. Gamitin ang Fish Bone Map.
b. Pumili ng isa sa mga piling salita sa aralin at bigyan ito ng sariling kahulugan. Ihambing ang kahulugan nito sa kasalukuyan. c. Naniniwala ka ba sa salawikaing “Kung ano ang itinanim ay siya ring aanihin”? Ipaliwanag.
d. Magsalaysay ng sariling karanasan na makapagpapatunay sa salawikaing “Kung ano ang itinanim ay siya ring aanihin.” e. Paano maipakikita ang pasasalamat at pagpapahalaga sa isang taong nakagawa sa iyo ng kabutihan?
f. Kung ikaw ang nasa katayuan ni Don Juan, ano ang iyong magiging damdamin sa ginawang pagtulong sa iyo ng matandang ermitanyo?
D. Paglalapat : (Magbibigay ng input ang guro sa pagbuo ng kard ng pasasalamat.) Ang mag-aaral ay:
nakabubuo ng kraytirya sa pagtataya sa bubuuing kard ng pasasalamat sa isang taong nakagawa ng kabutihan sa kaniya o sa kaniyang pamilya nakagagawa ng kard ng pasasalamat ang mag-aaral
nakapagbibigay ng puna at mungkahi sa ginawang kard ng pasasalamat ng kamag-aral bago ipabigay sa pinaglalaanan nito
(Ibigay sa mag-aaral bilang takdang aralin ang gawaing pagbibigay ng kard ng pasasalamat sa taong pinaglalaanan nito. Ipaulat sa klase ang naging reaksyon ng taong pinagbigyan at ang naging damdamin nila sa naging reaksyon ng kanilang pinaghandugan.)
Mga Kakailanganing Kagamitan Aklat ng Ibong Adarna
Worksheets
Mga kraytirya sa pagbuo ng kard ng pasasalamat
Mga materyales o kagamitan sa pagbuo ng kard ng pasasalamat Sipi ng mga istratehiya
Bakit mahalaga ang taos-pusong pagtulong sa mga
Ikaapat na Markahan: Ibong Adarna Aralin 9: Ang Bunga ng Pagpapakasakit (Saknong Blg. 199-232) Bilang ng araw/sesyon: 1 Antas 1
Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa naging bunga ng pagpapakasakit at pagkakaroon ng mabuting kalooban ni Don Juan.
Pamantayan sa Pagganap:
Ang mag-aaral ay nakapagtatanghal ng Reader’s Theater mula sa mga piling bahagi ng Ibong Adarna na naglalarawan ng mga kanais-nais na pagpapahalagang angkop sa kulturang Pilipino.
Kakailanganing Pag-unawa:
Bahagi na ng buhay ang pagpapakasakit upang maging matagumpay.
Mahalagang Tanong:
Paano makakamit ang tagumpay na hinahangad? Nauunawaan ng mag-aaral ang:
1. Saknong blg. 199-232 (Ang Bunga ng Pagpapakasakit) 2. Tayutay na personipikasyon
Ang mag-aaral ay:
nakapaglalahad ng aralin sa pamamagitan ng masining na pagbigkas sa mga saknong blg. 199-232
nakapagsasalaysay ng isang pangyayari sa kasalukuyan na may pagkakatulad sa isa sa mga saknong ng aralin
nakapagpapatunay na ang pagpapakasakit ay nagbubunga nang mabuti nakabubuo ng isang salawikain tungkol sa maaaring maging bunga ng pagpapakasakit
Antas 2 Inaasahang Pagganap:
Paggawa ng poster na may kaugnayan sa saknong blg.
199-Pagpapatibay sa Antas ng Pag-unawa:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan ng:
pagpapatunay sa bisa ng ginawang hakbang ng tauhan upang makamit ang kanyang layunin.
Sa Antas ng Pagganap:
Pagtataya sa ginawang poster batay sa mga kraytirya:
Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 Filipino I
232.
pagbibigay ng kahulugan sa sinabi ng tauhan tungkol sa tamang pakikitungo sa kapatid na maaaring maiuugnay sa sarili.
pagbabahagi ng pananaw tungkol sa isang saknong sa aralin at iuugnay ito sa pangyayari sa kasalukuyan.
pagsasalaysay ng isang pangyayari sa saknong na may pagkakatulad sa kasalukuyan. pagpapahayag kung paano magpapakasakit alang-alang sa pamilya.
pagbuo ng salawikain tungkol sa maaaring maging bunga ng pagkakasakit.
A. Angkop sa paksa ng aralin B. Malikhain
C. Orihinal
Antas 3
A. Pagtuklas :
Ang mag-aaral ay:
• nakapagbibigay halaga sa kamag-aral na nagpapakasakit o nagsasakripisyo para sa pag-aaral (Ipagawa ito sa pamamagitan ng secret balloting upang malaman kung sino ang karapat-dapat na bigyan ng pagpapahalaga. Iminumungkahing huwag munang ipaalam sa mga mag-aaral ang susunod na gagawin upang maging
sorpresa ito sa mag-aaral na napili. Ipagawa ang secret ballotin isang araw bago ang araling ito upang mapaghandaan ang paghahandog sa napiling mag-aaral. Paghandain ang mga mag-aaral ng bulaklak o munting regalo na maaaring ibigay sa napiling mag-aaral.)
• nakapaglalahad ng hinuha kung ano ang maaaring maging bunga sa isang taong nagpapakasakit
B. Paglinang:
Ang mag-aaral ay:
• nakapaglalahad ng aralin sa pamamagitan ng masining na pagbigkas sa mga saknong blg. 199-232 (Maaaring ipagamit sa mag-aaral ang iba’t ibang istratehiya sa pagbigkas.)
• nakapaglalahad ng puna at mungkahi sa ipinakitang pagtatanghal ng bawat pangkat (Magbibigay ng input ang guro tungkol sa tayutay na personipikasyon na ginamit sa aralin pagkatapos ng bahaging ito.)
• nalilinang ang kaalaman sa aralin sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga tanong na:
a. Aling mga salita ang kumakatawan sa tayutay na personipikasyon sa saknong blg. 206?
b. Ano ang naging damdamin nina Don Pedro at Don Diego sa ginawang pagtulong sa kanila ni Don Juan, ang kanilang bunsong kapatid mula sa pagiging bato?
c. Ano ang mga katangian ni Don Juan ang ipinakita sa saknong blg. 231? • nakapagbibigay ng ibang uri ng tayutay na personipikasyon
C. Pagpapalalim :
Ang mag-aaral ay:
• nakapagbubuod ang mga pangyayari sa aralin sa pamamagitan ng dayagram
• nakikiisa sa talakayan sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na:
d. Ano ang ginawa ni Don Juan upang mapaglabanan ang antok habang umaawit ang Ibong Adarna? Naging mabisa ba ang ginawa niyang ito? Patunayan.
e. Bigyang kahulugan ang sinabi ng ermitanyo sa tatlong magkakapatid: “Ngayon, anang ermitanyo,
maghanda nang umuwi kayo, magkasundo kayong tatlo’t wala sanang may maglilo.”
g. Pumili ng mga saknong sa bahaging ito at magsalaysay ng isang pangyayari sa kasalukuyan na may pagkakatulad dito. h. Magagawa mo bang magpakasakit alang-alang sa iyong pamilya? Bakit?
i. Nagbubunga ba ng mabuti ang pagpapakasakit? Patunayan. j. Paano makakamit ang tagumpay na hinahangad?
D. Paglalapat : (Magbibigay ng input ang guro tungkol sa paggawa ng poster.) Ang mag-aaral ay:
nakabubuo ng kraytirya sa pagbuo ng poster (Papatnubayan ng guro ang mag-aaral sa pagbuo nito.) nakabubuo at nakapagpapaliwanag ng poster na ginawa kaugnay sa saknong 199-232.
Mga Kakailanganing Kagamitan Aklat ng Ibong Adarna
Worksheets
Mga kraytirya sa pagbuo ng salawikain Sipi ng mga istratehiyang ginamit
Ikaapat na Markahan: Ibong Adarna
Aralin 10: Ang Bunga ng Inggit (Saknong Blg. 232-275) Bilang ng araw/sesyon: 1
Antas 1 Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa naging bunga ng pagkainggit nina Don Pedro at Don Diego kay Don Juan.
Pamantayan sa Pagganap:
Ang mag-aaral ay nakapagtatanghal ng Reader’s Theater mula sa mga piling bahagi ng Ibong Adarna na naglalarawan ng mga kanais-nais na pagpapahalagang angkop sa kulturang Pilipino.
Kakailanganing Pag-unawa:
Iwasan ang inggit, dulot nito ay hindi maganda
Mahalagang Tanong:
Paano nakahahadlang sa pagtatagumpay ang inggit? Nauunawaan ng mag-aaral ang:
Saknong blg. 232-275 (Ang Bunga ng Inggit)
Ang mag-aaral ay:
nakapagtatanghal ng madulang pagbasa sa mga saknong sa aralin nakapaglalahad ng sunod-sunod na mga pangyayari sa aralin nakapagmumungkahi ng mga paraan upang maiwasan ang inggit
nakapagsasalaysay ng isang pangyayari sa kasalukuyan na kabaligtaran ng mga pangyayari sa bahagi ng akda
Antas 2 Inaasahang Pagganap:
Pagbuo ng kuwento na kabaligtaran ng mga pangyayari sa bahaging ito ng akda
Pagpapatibay sa Antas ng Pag-unawa:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan ng: pagpapaliwanag ng kaisipan ng aralin at kung paano ito nakaaapekto sa tagumpay ng isang tao.
pagpapahayag ng mungkahi kung paano maiiwasan ang inggit.
Sa Antas ng Pagganap:
Pagtataya sa binuong kuwento batay sa mga kraytirya:
A. May kaugnayan sa paksa B. Taglay ang mga elemento
paglalahad sa tauhang nagkaroon ng bisang pandamdamin sa sarili.
pagsasalaysay ng isang pangyayaring narinig, nabasa o napanood na may pagkakatulad sa pangyayaring binasa.
paglalahad ng nais ipaalala ng piling bahagi ng aralin bilang anak at kapatid.
pagsasalaysay ng isang pangyayari sa kasalukuyan na kabaligtaran ng mga pangyayari sa bahaging ito ng akda.
ng isang kuwento C. Tumutugon sa layunin
D. Gumamit ng mga angkop na salita E. Wastong gamit ng bantas
Antas 3 A. Pagtuklas : (Ipaliiwanag ng guro ang kaisipang “crab mentality”.)
Ang mag-aaral ay: •
• •
• natatalakay kung paano nakaaapekto sa tagumpay ng isang tao ang crab mentality. Maaaring batay sa sariling karanasan o karanasan ng mga taong kakilala ng mag-aaral
B. Paglinang:
Ang mag-aaral ay: •
• •
• nakapagtatanghal ng saknong blg. 232-275 sa madulang paraan (Ibigay ito sa mga mag-aaral bilang takdang aralin. Ipahanda ang mga kakailanganin
sa pagtatanghal.) •
• •
• nakapagbibigay ng puna at mungkahi sa bawat pangkat na nagtanghal •
• •
• nalilinang ang kaalaman sa aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na:
1. Ano ang uri ng pagkatao ang ibinabadya ng saknong blg. 233 at 234 tungkol kay Don Pedro?
2. Ano ang maaaring ipakahulugan nang hindi agad pagsagot ni Don Diego sa panukalang masamang balak ni Don Pedro kay Don Juan?
3. Ano ang mga salita ang naglalahad ng tayutay na patambis sa saknong 240? (Iminumungkahing talakayin muna sa mga-aaral ang tungkol sa tayutay
na patambis o pagsalungat.)
4. Ano ang kahinaan ng tao ang tinutukoy sa saknong blg. 243?
5. Sa iyong palagay, bakit hindi ipinagtanggol ni Don Juan ang sarili sa ginawang pananakit ng dalawang kapatid? 6. Bakit tumangging umawit ang ibong Adarna nang dalhin ito sa kaharian ng Berbanya?
• nakalilikha ng iba’t ibang salita mula sa mga piling salitang-ugat. C. Pagpapalalim :
Ang mag-aaral ay:
• nakapagtatalakay ng aralin sa pamamagitan ng mga tanong na:
1. Bakit nagawang pagtaksilan nina Don Pedro at Don Diego si Don Juan? Nagbunga ba ng mabuti ang kanilang ginawa? Patunayan. 2. Paano maiiwasan ang pagkakainggit?
3. Magsalaysay ng isang pangyayaring narinig, nabasa o napanood na may pagkakatulad sa pangyayaring binasa. Ano ang naging bunga nito at paano ito nalutas?
4. Sino sa mga tauhan ang nagkaroon ng pinakamatinding bisa sa iyong damdamin? 5. Ano ang nais ipaalala sa iyo ng bahaging ito ng aralin bilang isang anak at kapatid? 6. Paano nakahahadlang sa pagtatagumpay ang pagkainggit?
D. Paglalapat: (Ang guro ay magbibigay ng impormasyon tungkol sa mga dapat tandaan sa pagsasalaysay.) Ang mag-aaral ay:
nakabubuo ng kraytirya sa pagsasalaysay
nakapagsasalaysay ng isang pangyayari sa kasalukuyan na kabaligtaran ng mga pangyayari sa bahagi ng akda Mga Kakailanganing Kagamitan
Aklat ng Ibong Adarna Worksheets
Mga props para sa madulang pagtatanghal Sipi ng mga istratehiya
Ikaapat na Markahan: Ibong Adarna Aralin 11: Ang Dalangin ng Bunsong Anak sa Gitna ng Paghihirap (Saknong Blg. 276-318)
Bilang ng araw/sesyon: 2 Antas 1
Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kahilingan ni Don Juan para sa kanyang pamilya sa gitna ng kaniyang paghihirap.
Pamantayan sa Pagganap:
Ang mag-aaral ay nakapagtatanghal ng Reader’s Theater mula sa mga piling bahagi ng Ibong Adarna na naglalarawan ng mga kanais-nais na
pagpapahalagang angkop sa kulturang Pilipino. Kakailanganing Pag-unawa:
Gabay ang positibong pananaw upang magtagumpay sa buhay
Mahalagang Tanong:
Paano magiging magaan ang pagharap sa mga suliranin sa buhay? Nauunawaan ng mag-aaral ang:
1. Saknong blg. 276-318
(Ang Dalangin ng Bunsong Anak sa Gitna ng Paghihirap) 2. Ang tayutay na Apostrophe
Ang mag-aaral ay:
nakatatalakay ng mga hakbangin sa paglutas ng sariling suliranin
natutukoy ng ilang saknong na nagkaroon ng malaking epekto sa sarili nakapagpapaliwanag nang pagsang-ayon sa ikinilos ng tauhan
nakasusulat ng panalangin o dasal para sa pamilya Antas 2
Inaasahang Pagganap:
Pagsulat ng isang panalangin o dasal na humihiling ng kaligtasan, kalusugan at kapayapaan ng mga mahal
sa buhay
Pagpapatibay sa Antas ng Pag-unawa:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan ng: pagbubuod at pagpapaliwanag ng mga pangyayari sa aralin.
pagbibigay kahulugan sa napiling saknong mula sa aralin na nagkaroon ng bisa sa sarili.
paglalahad kung kailan naramdamang hindi nagpabaya ang Diyos. pag-aanalisa sa sarili kung magagawang magpatawad
sa mga kapatid na nakagawa ng kasalanan tulad ng ginawa ng tauhan sa aralin.
pagkilala sa sarili kung anong mahalagang kaisipan ang natutuhan sa aralin.
pagpapahayag kung paano maisasabuhay ang kaisipang natutuhan.
Sa Antas ng Pagganap:
Pagtataya sa isinulat na panalangin o dasal batay sa mga kraytirya:
A. Pagiging tapat B. Orihinal
C. Taglay ang tayutay na pagtawag/apostrophe
A. Pagtuklas :
Ang mag-aaral ay:
• nakapagbabahagi ng ginawang hakbang at ng kaniyang pamilya sa panahong nahaharap sila sa mabigat na suliranin sa pamamagitan ng pagtatala sa Double Entry Journal. Sa unang pahina, ilalagay ang impormasyon tungkol sa sarili. Sa ikalawang pahina ay ang mga ginawang hakbang sa panahon ng pagharap sa mabigat na suliranin.
(Iparinig ang tugtuging instrumental ng isang malamyos na awitin sa mga mag-aaral habang sila’y nakapikit.) B. Paglinang:
Ang mag-aaral ay:
• nakababasa nang wasto at may damdamin sa saknong blg. 276-318
• nalilinang ang kaalaman sa aralin sa pamamagitan ng pagsagot at pagtalakay sa mga tanong na: a. Ano ang hinaing ni Don Juan tungkol sa kaniyang mga kapatid?
b. Paano bibigyang-kahulugan ang saknong blg. 296? Sang-ayon ka ba sa nilalaman ng saknong blg. 298? c. Ano ang panawagan ni Don Juan para sa kaniyang amang si Haring Fernando?
d. Bakit may tayutay na pagtawag sa saknong blg. 312? (Iminumungkahi sa gurong magbigay muna ng input tungkol sa tayutay na pagtawag o apostrophe bago ito talakayin nang may pagsasanay sa klase?.)
• nakabubuo ng kahulugan ng mga piling salita mula sa aralin
C. Pagpapalalim :
Ang mag-aaral ay:
• nakapagbubuod ng aralin gamit ang Caterpillar Technique
• malayang nakapagtatalakay ng aralin sa tulong ng pagsagot sa mga tanong at pagsasagawa ng mga gawain na:
a. Ibuod ang mga pangyayari sa aralin sa tulong ng Story Mapping. Simulan ang mga pangyayari sa pagkakalugmok ni Don Juan. b. Pumili ng isang saknong mula sa aralin na nagkaroon ng bisa sa iyo. Ipaliwanag ito.
c. Ipinakita sa aralin na ang Diyos ay kumikilos sa tamang panahon. Isalaysay kung kailan naramdamang hindi ka Niya pinabayaan. d. Sang-ayon ka ba sa ipinakitang ugali ni Don Juan? Bakit oo? Bakit hindi?
e. Katulad ni Don Juan, magagawa mo rin kayang patawarin ang iyong mga kapatid kung makagawa sila ng kasalanan sa iyo? Ipaliwanag. f. Anong mahalagang kaisipan ang natutuhan sa aralin? Paano ito isasabuhay?
g. Paano magiging magaan ang mga kinakaharap na suliranin sa buhay? Talakayin ito sa pamamagitan ng List All Factors Strategy (LAFS). D. Paglalapat : (Magbibigay ng input ang guro tungkol sa tamang pagdarasal at ang dapat na nilalaman nito.)
Ang mag-aaral ay:
nakabubuo ng kraytirya sa pagtataya sa binuong panalangin
nakabubuo ng panalangin na humihiling ng kaligtasan, kalusugan at kapayapaan ng mga mahal sa buhay naiparirinig sa kamag-aral ang panalangin na ginawa para sa pamilya
Tema Wakas Tagpuan Mga Tauhan Pamagat Mga Pangyayari
Mga Kakailanganing Kagamitan Aklat ng Ibong Adarna
Worksheets
Mga kraytirya sa pagtataya sa isinulat na panalangin Cd/vcd player/cassette player
Ikaapat na Markahan: Ibong Adarna
Aralin 12: Ang Awit ng Ibong Adarna (Saknong Blg. 319-384) Bilang ng araw/sesyon: 2
Antas 1 Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kahalagahan ng pag-awit ng Ibong Adarna.
Pamantayan sa Pagganap:
Ang mag-aaral ay nakapagtatanghal ng Reader’s Theater mula sa mga piling bahagi ng Ibong Adarna na naglalarawan ng mga kanais-nais na pagpapahalagang angkop sa kulturang Pilipino.
Kakailanganing Pag-unawa:
Kailanma’y hindi mananaig ang kasamaan sa kabutihan.
Mahalagang Tanong:
Bakit kailangang iwasan ang paggawa ng masama? Nauunawaan ng mag-aaral ang:
1. Saknong Blg. 319-384 (Ang Awit ng Ibong Adarna) 2. Tayutay na Simile o Pagtutulad
Ang mag-aaral ay:
nakapagsasadula ng madulang tagpo sa teleserye o pelikulang napanood
masining na nakapagtatanghal ng mga pangyayari sa aralin
nakapagbubuod ng aralin sa pamamagitan ng iba’t ibang istratehiya naiaawit sa wika ng mga kabataan sa kasalukuyan ang ilang saknong ng Ibong Adarna
Antas 2 Inaasahang Pagganap:
Pag-awit sa ilang saknong ng Ibong Adarna ayon sa wika ng mga
kabataan sa kasalukuyan
Pagpapatibay sa Antas ng Pag-unawa:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan ng:
pagkilala at pagpapaliwanag sa taong magkatulad ng pag-uugali ni Don Juan sa kasalukuyang panahon.
paglalahad ng mga dahilan kung bakit nakadarama ng inggit o panibugho sa kapwa.
pagpapahayag ng pananaw tungkol sa salawikaing maiuugnay sa aralin. pagsusuri sa sarili kung kanino higit na dapat manaig ang damdamin nang pagkaawa sa mga taong inihambing sa mga tauhan sa aralin.
pagpapahayag ng natutuhan at nalaman sa aralin sa masining na paraan. pag-awit sa sariling wika/interpretasyon sa ilang saknong ng Ibong Adarna.
Sa Antas ng Pagganap:
Pagtataya sa pag-awit sa saknong ng Ibong Adarna batay sa mga kraytirya: A. Kaangkupan ng interpretasyon B. Ganda ng tonong nagawa
Antas 3 A. Pagtuklas :
Ang mag-aaral ay:
• nakapagpapakita ng isang tagpo na tulad sa isang pelikula o teleseryeng napanood na nagpapakita ng pagtutunggali ng bida at kontrabida • natatalakay ang kinahinatnan ng mga tauhan sa pelikula o teleseryeng ipinakita
B. Paglinang:
Ang mag-aaral ay :
• nakapagtatanghal ng saknong blg. 319-384 sa pamamagitan ng masining na paraan. Maaaring intonational reading, madulang pagbigkas at iba pang masining na pamamaraan sa pagbigkas ng tula. ( Gawin itong paligsahan.)
• nakapagpapahahayag ng puna at mungkahi sa mga nagtanghal na pangkat • nalilinang ang aralin sa pagsagot sa mga tanong:
a. Paano sinagot ng Panginoong Diyos ang mga panalangin ni Don Juan? b. Paano ibubuod ang saknong blg. 330-332?
c. Bakit hindi na ipinagtaka ni Don Juan na alam ng matanda ang mga kaganapan sa Berbanya? d. Ilarawan sa iyong sariling pananalita ang pagbabago sa ibong Adarna nang makita si Don Juan? e. Tungkol saan ang pangyayari na inawit ng Adarna?
• nakapagbibigay ng halimbawa ng tayutay na simile o pagtutulad
(Magbibigay muna ng input ang guro tungkol sa simile o pagtutulad na tayutay bago ipagawa ang bahaging ito.) • nasusuri ang ginamit na tayutay na pagtutulad sa mga saknong na pinag-aralan
• nakapagbibigay ng ilang pagsasanay sa pagkilala sa tayutay na pagtutulad (simile) C. Pagpapalalim :
Ang mag-aaral ay:
• nakabubuod ng aralin sa pamamagitan ng Staircase Strategy o iba pang istratehiyang angkop sa aralin
• nakalalahok sa malayang talakayan sa pamamagitan ng pagpapasagot sa mga tanong/pagpapagawa sa mga gawain na : a. Paano ipinakita ng matandang ermitanyo ang kabutihan sa tatlong magkakapatid?
b. May kilala ka bang katulad na pag-uugali ni Don Juan? Kung mayroon, sino siya at ipaliwanag kung bakit siya ang napili mong ihambing kay Don Juan.
c. Anong pagkakataon nakadarama ng inggit ang isang tao sa isang kapwa? Dapat ba ito? Ipaliwanag ang sagot.
d. Naniniwala ka ba sa kasabihang “Ang bawat kasalanan ay may katumbas na kaparusahan”? Anong parusa ang dapat igawad kina Don Pedro at Don Diego? Bakit?
e. Suriin ang iyong sarili. Sagutin ang tanong na: Kanino ako higit na dapat maawa: kay Don Juan na ginawan ng kasalanan o kina Don Pedro at Don Diiego na parurusahan?
f. Isulat kung ano ang mga natutuhan sa aralin.
g. Bakit kailangang iwasan ang paggawa ng masama? (Ipatala ang mga sagot sa pisara na pagkatapos ay ipabubuo ang isang talata batay sa mga isinulat na salita.)
D. Paglalapat : Ang mag-aaral ay:
nakabubuo ng kraytirya sa pag-awit
naaawit ang ilang saknong ng Ibong Adarna ayon sa kanilang wika ( Palapatan ito ng musika na may angkop na instrumento sa mga mag-aaral.) Mga Kakailanganing Kagamitan
Aklat ng Ibong Adarna Worksheets
Mga kraytirya sa pag-awit
Ikaapat na Markahan: Ibong Adarna Aralin 13: Ang Muling Pagkahamak ni Don Juan (Saknong Blg. 385-441) Bilang ng araw/sesyon: 2 Antas 1
Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kabutihan at kasamaang dulot ng labis na pagtitiwala sa kapwa.
Pamantayan sa Pagganap:
Ang mag-aaral ay nakapagtatanghal ng Reader’s Theater mula sa mga piling bahagi ng Ibong Adarna na naglalarawan ng mga kanais-nais na pagpapahalagang angkop sa kulturang Pilipino.
Kakailanganing Pag-unawa:
May limitasyon din ang pagtitiwala sa kapwa.
Mahalagang Tanong:
Bakit dapat na may limitasyon ang pagtitiwala sa isang tao? Nauunawaan ng mag-aaral ang:
Saknong blg. 385-441 (Ang Muling Kapahamakan ni Don Juan)
Ang mag-aaral ay:
nakapagpapaliwanag kung paano maiiwasan ang crab mentality
nagagamit sa pangungusap ang angkop na mga pang-uri sa paglalarawan
nakapagpapaliwanag kung bakit hindi mabuti ang mainggit sa kapwa nakapagsasagawa ng panayam tungkol sa maaaring idulot ng
pagkainggit sa kapwa. Antas 2
Inaasahang Pagganap: Pag-uulat sa kinalabasan ng isinagawang panayam tungkol sa sanhi at bunga ng pagkainggit ng tao sa kapwa
Pagpapatibay sa Antas ng Pag-unawa:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan ng:
pagpapaliwanag sa kabutihan at kasamaang dulot ng pagkainggit sa kapwa.
paglalahad ng isang pangyayaring napanood o nabasa na nagpapakita ng naging sanhi at bunga ng pagkainggit sa kapwa.
pagbabahagi ng sariling paniniwala tungkol sa sanhi at bunga ng pagkainggit sa kapwa.
pagbibigay ng isang pangyayaring nagbubunga ng positibo ang inggit. pagbabahagi sa naging damdamin sa mga tauhang nakaramdam ng inggit.
paglalahad kung paano pinaglalabanan ang nadaramang pagkainggit sa kapatid o kapwa.
Sa Antas ng Pagganap:
Pagtataya sa isinagawang pag-uulat sa isinagawang panayam batay sa mga kraytirya:
A. Pagiging matapat
B. Gumamit ng makabagong pamamaraan sa pakikipanayam
C. Mahusay ang pagkakaulat batay sa boses at visual aids na ginamit
Antas 3 A. Pagtuklas :
Ang mag-aaral ay:
nakapagpapaliwanag kung paano maiiwasan ang crab mentality (Gawin itong pangkatan. Ipaulat sa napiling lider ng pangkat ang napag-usapan.) B. Paglinang:
Ang mag-aaral ay:
nakapaglalahad ng aralin sa pamamagitan ng masining na pagbigkas sa saknong blg. 385-441 nalilinang ang kaalaman sa aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na:
1. Sang-ayon ka ba sa payo ng ibong Adarna na kay Don Juan, na inapi ng mga kapatid na ipamana ang kaharian? Bakit? 2. Ano ang naging hatol ng hari bilang parusa sa dalawang nagkasalang anak?
3. Anong magandang katangian ang ipinakita ni Don Juan para sa kaniyang mga kapatid?
4. Bakit itinuturing na tayutay na paglilipat-wika ang saknong blg. 404? (Talakayin muna ng guro ang tayutay na paglilipat-wika sa mga mag-aaral
bago ito ipasagot sa mga mag-aaral.)
Pagsusuri sa iba pang taludturan na may tayutay na paglilipat-wika Pagbibigay ng pagsasanay sa pagkilala sa tayutay na paglilipat-wika
5. Sa anong hayop inihalintulad ng may-akda si Don Pedro? Sang-ayon ka ba sa paghahalintulad? Bakit? 6. Bakit nangamba si Don Juan nang makitang wala ang Adarna sa hawla?
nakabubuo ng pangungusap gamit ang mga pang-uri C. Pagpapalalim:
Ang mag-aaral ay:
natatalakay ang mga tanong/gawain na:
a. Bakit hindi mabuti ang mainggit sa kapwa? Ipaliwanag.
b. Maglahad ng isang pangyayaring napanood o nabasa na nagpapakita ng naging sanhi at bunga ng pagkainggit sa kapwa. c. May kabutihan bang naidudulot ang inggit? Ano naming kasamaan ang naidudulot nito?
d. Magbigay ng isang pangyayari kung saan ang pagkainggit ay nagiging positibo o nagbubunga ng mabuti. e. Kung ikaw si Haring Fernando,pagkakatiwalaan mo pa ba ang iyong dalawang anak na nagkasala? Bakit?
f. May pagkakataon bang nakadarama ka ng inggit sa iyong kapatid o sa ibang tao? Paano mo ito pinaglalabanan? g. Bakit hindi dapat magtiwala nang lubos sa tao?
D. Paglalapat : (Magbibigay ng input ang guro tungkol sa mga dapat tandaan sa pakikipanayam at mga gabay na tanong tungkol dito.) Ang mag-aaral ay:
nakabubuo ng kraytirya sa pag-uulat sa ginawang pakikipanayam
nakapag-uulat sa ginawang pakikipanayam sa limang (5) kamag-aral tungkol sa mga kasamaan at kabutihang maaaring idulot ng inggit sa kapwa nakapag-uulat sa klase ng kinalabasan ng panayam
Mga Kakailanganing Kagamitan Aklat ng Ibong Adarna
Worksheets
Sipi ng mga tanong na kakailanganin sa panayam Sipi ng mga istratehiya
Mga kraytirya sa pagbuo ng kraytirya sa pakikipanayam
Ikaapat na Markahan: Ibong Adarna
Aralin 14: Sa Bundok ng Armenya (Saknong Blg. 442-476) Bilang ng araw/sesyon: 2 Antas 1
Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa naging kalagayan ng tatlong prinsipe sa Bundok ng Armenya
Pamantayan sa Pagganap:
Ang mag-aaral ay nakapagtatanghal ng Reader’s Theater mula sa mga piling bahagi ng Ibong Adarna na naglalarawan ng mga kanais-nais na pagpapahalagang angkop sa kulturang Pilipino.
Kakailanganing Pag-unawa:
Nakatutulong ang kagandahan ng kapaligiran upang mag-isip at kumilos nang maayos ang isang tao.
Mahalagang Tanong:
Bakit kailangang pangalagaan o panatilihin ang kagandahan ng ating kapaligiran?
Nauunawaan ng mag-aaral ang:
Saknong blg. 442-476 (Sa Bundok ng Armenya)
Ang mag-aaral ay:
nakapaglalarawan ng magagandang lugar sa Pilipinas
nakapagpapahayag kung paano makatutulong sa pangangalaga ng kalikasan
nakapagtataya ng sarili tungkol sa mga katulad na sitwasyon sa aralin nakagagawa ng anunsyo o patalastas (advertisement) tungkol sa
Antas 2 Inaasahang Pagganap:
Paggawa ng anunsyo o patalastas (advertisement) tungkol sa
wastong pangangalaga sa kapaligiran/ kalikasan
Pagpapatibay sa Antas ng Pag-unawa:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pamamagitan ng: pagtalakay sa kagandahan ng magagandang lugar sa Pilipinas.
pagbibigay kahulugan sa pagmamahal ng pangunahing tauhan sa kaniyang mga kapatid.
pagpapahayag ng saloobin tungkol sa kapintasan o kahinaan ng tauhan. pagpapahayag kung paano makatutulong ang kalikasan sa sangkatauhan. pagbabahagi kung paano makatutulong sa wastong pangangalaga sa kagandahan
ng kalikasan ang isang mag-aaral.
paggawa ng anunsiyo o patalastas tungkol sa wastong pangangalaga sa kapaligiran/ kalikasan.
Sa Antas ng Pagganap:
Pagtataya sa ginawang anunsiyo o patalastas batay sa mga kraytirya:
A. Malikhain B. Orihinal
Antas 3 A. Pagtuklas :
Ang mag-aaral ay:
• nakapagbibigay ng magagandang lugar sa Pilipinas at natatalakay ang kagandahan ng mga ito (Maaari nang maghanda ang guro ng larawan ng magagandang lugar sa Pilipinas gamit ang slides at projector.)
A. Paglinang:
Ang mag-aaral ay:
• nakapaglalahad ng aralin sa pamamagitan ng pangkatang pag-uugnay nito sa karanasan ng mag-aaral (kolaboratibong gawain) Pangkat 1: Ilalahad ang kahalagahan ng kalikasan gamit ang band wagon.
Pangkat 2: Isasalaysay ang mga pangyayaring may kinalaman sa kalikasan. Maaaring positibo o negatibo. Gawin ito sa paraang pagbabalita.