• Tidak ada hasil yang ditemukan

Uri ng Baryti at Baryasyon

N/A
N/A
Eve xyz

Academic year: 2025

Membagikan "Uri ng Baryti at Baryasyon"

Copied!
4
0
0

Teks penuh

(1)

Barayti Ng Wika

Ang wika ay bahagi ng kultura at kasaysayan ng bawat lugar. Ito rin ay isang

simbolismo tungo sa pagkakakilanlan ng bawat indibidwal. Sa pamamagitan ng wika, ay nailalabas o napapahayag natin ang ating mga emosyon at saloobin, masaya man o malungkot. Ginagawa natin ito sa pamamaraan ng pagsusulat, pakikipagtalastasan at iba pa.

Ang ating wika ay may iba’t-ibang barayti. Ito ay sanhi ng pagkakaiba ng uri

ng lipunan na ating ginagalawan, heograpiya, antas ng edukasyon, okupasyon, edad at kasarian at uri ng pangkat etniko na ating kinabibilangan. Dahil sa pagkakaroon ng heterogenous na wika tayo ay nagkaroon ng iba’t-ibang baryasyon nito, at dito nag- ugat ang mga variety ng wika, ayon sa pagkakaiba ng mga indibidwal.

Kahulugan at mga Halimbawa

1.) Idyolek – bawat indibidwal ay may sariling istilo ng pamamahayag at pananalita na naiiba sa bawat isa. Gaya ng pagkakaroon ng personal na paggamit ng wika na nagsisilbing simbolismo o tatak ng kanilang pagkatao. Ito ay mga salitang

namumukod tangi at yunik.

Mga halimbawa ng Idyolek:

“Magandang Gabi Bayan” ni Noli de Castro

“Hindi ka namin tatantanan” ni Mike Enriquez

“Ito ang iyong Igan” ni Arnold Clavio

“Hoy Gising!” ni Ted Failon

“Ang buhay ay weather weather lang” ni Kim Atienza

“I shall return” ni Douglas MacArthur

“P%@#!” ni Rodrigo Duterte

2.) Dayalek – Ito ay varayti ng wika na nalililkha ng dimensiyong heograpiko. Ito ang salitang gamit ng mga tao ayon sa partikular na rehiyon o lalawigan na kanilang kinabibilangan. Tayo ay may iba’t-ibang uri ng wikang panrehiyon na kung tawagin ay wikain. Meron tatlong uri ng Dayalek:

Dayalek na heograpiko (batay sa espasyo)

Dayalek na Tempora (batay sa panahon)

Dayalek na Sosyal (batay sa katayuan) Mga halimbawa ng Dayalek:

(2)

Tagalog = Bakit?

Batangas = Bakit ga?

Bataan = Baki ah?

Ilocos = Bakit ngay?

Pangasinan = Bakit ei?

Tagalog = Nalilito ako Bisaya = Nalilibog ako

3.) Sosyolek – na minsan ay tinatawag na “Sosyalek” Ito ay pansamantalang barayti lamang. Ito ay uri ng wika na ginagamit ng isang partikular na grupo. Ang mga salitang ito ay may kinalaman sa katayuang sosyo ekonomiko at kasarian ng indibidwal na gumagamit ng mga naturang salita.

Mga halimbawa ng Sosyolek:

Repapips, ala na ako datung eh (Pare, wala na akong pera)

Oh my God! It’s so mainit naman dito. (Naku, ang init naman dito!)

Wa facelak girlash mo (walang mukha o itsura ang gelpren mo o kaya ay pangit ng gelpren mo)

Sige ka, jujumbagin kita! (sige ka, bubugbugin kita!)

May amats na ako ‘tol (may tama na ako kaibigan/kapatid o kaya ay lasing na ako kaibigan/kapatid)

4.) Etnolek – Isang uri ng barayti ng wika na nadebelop mula sa salita ng mga etnolonggwistang grupo. Dahil sa pagkakaroon ng maraming pangkat etniko sumibol ang ibat ibang uri ng Etnolek. Taglay nito ang mga wikang naging bahagi nang pagkakakilanlan ng bawat pangkat etniko.

Mga Halimbawa ng Etnolek:

Vakuul – tumutukoy sa mga gamit ng mga ivatan na pantakip sa kanilang ulo tuwing panahon ng tag-init at tag-ulan

Bulanim – salitang naglalarawan sa pagkahugis buo ng buwan

Laylaydek Sika – Salitang “iniirog kita” ng mga grupo ng Kankanaey ng Mountain Province

Palangga – iniirog, sinisinta, minamahal

Kalipay – tuwa, ligaya, saya

5.) Ekolek – barayti ng wika na kadalasang ginagamit sa loob ng ating tahanan. Ito ang mga salitang madalas na namumutawi sa bibig ng mga bata at mga nakatatanda, malimit itong ginagamit sa pang araw-araw na pakikipagtalastasan.

Mga Halimbawa ng Ekolek:

Palikuran – banyo o kubeta

Silid tulogan o pahingahan – kuwarto

Pamingganan – lalagyan ng plato

Pappy – ama/tatay

(3)

Mumsy – nanay/ina

6.) Pidgin – Ito ay barayti ng wika na walang pormal na estraktura. Ito ay binansagang “nobody’s native language” ng mga dayuhan. Ito ay ginagamit ng dalawang indibidwal na nag uusap na may dalawa ring magkaibang wika. Sila ay walang komong wikang ginagamit. Umaasa lamang sila sa mga “make-shift” na salita o mga pansamantalang wika lamang.

Mga Halimbawa ng Pigdin:

Ako kita ganda babae. (Nakakita ako ng magandang babae.)

Kayo bili alak akin. (Kayo na ang bumili ng alak para sa akin.)

Ako tinda damit maganda. (Ang panindang damit ay maganda.)

Suki ikaw bili akin ako bigay diskawnt. (Suki, bumili ka na ng paninda ko.

Bibigyan kita ng diskawnt.)

Ikaw aral mabuti para ikaw kuha taas grado. (Mag-aral ka ng mabuti upang mataas ang iyong grado.)

7.) Creole – mga barayti ng wika na nadebelop dahil sa mga pinaghalo-halong salita ng indibidwal, mula sa magkaibang lugar hanggang sa ito ay naging pangunahing wika ng partikular na lugar. Halimbawa dito ay pinaghalong salita ng Tagalog at Espanyol (ang Chavacano), halong Arican at Espanyol (ang Palenquero), at ang halong Portuguese at Espanyol (ang Annobonese).

Mga Halimbawa ng Creole:

Mi nombre – Ang pangalan ko

Di donde lugar to? – Taga saan ka?

Buenas dias – Magandang umaga

Buenas tardes – magandang hapon

Buenas noches – Magandang gabi

8.) Register – minsan sinusulat na “rejister”, ito ay barayti ng wikang espisyalisadong ginagamit ng isang partikular na domeyn. Ito ay may tatlong uri ng dimensyon.

a.) Field o larangan – ang layunin at paksa nito ay naayon sa larangan ng mga taong gumagamit nito.

b.) Mode o Modo – paraan kung paano isinasagawa ang uri ng komunikasyon.

c.) Tenor – ito ay naayon sa relasyon ng mga nag-uusap.

Mga Halimbawa ng Register:

Mga salitang jejemon

Mga salitang binabaliktad

Mga salitang ginagamit sa teks

Mga salitang ginagamit ng mga iba’t-ibang propesyon gaya ng mga doktor

Ang wika ay makapangyarihan, ito ay nagsisilbing tulay tungo sa pagkakaunawaan at nagbibigay ito ng kapayapaan at katahimikan.

(4)

Pero ito rin ay pwedeng magdulot ng polarisasyon o ang pagtanaw ng mga iba’t-ibang bagay sa magkakasalungat na paraan, na pwedeng lumikha ng hidwaan dahil sa maling paggamit ng mga salita. Tunay nga na ang wika ay buhay.

Referensi

Dokumen terkait

Ang sarbey na ito ay tumulong sa akin upang malaman ang mga saloobin ng mga bata’t iba pang mga respondent (sa pamamagitan ng kanilang mga reaksyon), kung sila’y may sapat na

Para sa mga mag-aaral na kumukuha sa kursong Hospitality Management, dapat pag-aralang mabuti ang kursong ito upang magampanan ng maayos ang uri ng trabaho na mapasukan. b.Para

ibang lungsod-estado isang lungsod sa Laconia, timog Greece na siyang napiling tirahan ng mga Griyego mula sa lahi ng mga Dorian kasanayang militar ang mithiin

 Isang patunay na isang constituent tulad ng PP ay kung pwede itong ilipat bilang isang yunit sa ibang posisyon sa loob ng

Tiniyak sa pag-aaral na masagot ang sumusunod: 1 pagsusuri sa mga salita: mga salitang nauulit, mga katutubong kategorya, at mga susing-salita sa teksto; 2 masinsinang pagbabasa ng

Sa mga pinagbatayang teorya ng pag-aaral na ito, tiningnan ang antas ng kaalaman ng mga magulang sa pagbabasa ng mga anak sa tahanan at antas ng pakikisangkot ng magulang sa pagbabasa

Di nagtagal, sa tulong ng ECLIPSE ay natutunan ng mga bata ang mga kasanayan tulad ng pagsusuri sa kalagayan, pamumuno at pagpapalakas sa samahan, pakikiisa sa iba pang mga samahang

Dito itinatabi o minamantine ang mga T stock cultures ng microalgae/microorganisms Axenic culture – culture na naglalaman lamang ng isang uri ng organismo Brine shrimp – ibang pangalan