ANG MABUTING BALITA (Mt. 19:16-22)
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
Nang oras ding iyon, lumapit sa kanya ang isang binata at nagtanong: “Guro, anong mabuti ang dapat kong gawin para makamit ang buhay na walang hanggan?” Sumagot si Hesus: “Bakit tungkol sa mabuti ang tanong mo? Iisa lang ang Mabuti.
Kung gusto mong pumasok sa buhay na walang hanggan, sundin mo ang mga utos.” At sinabi naman ng binata: “Anong mga utos?” Sumagot si Hesus: “Huwag papatay, huwag makiapid, huwag magnakaw, huwag manirang-puri ng kapwa, igalang ang iyong ama at ina, at mahalin ang iyong kapwa gaya ng pagmamahal mo sa iyong sarili.”
At sinabi sa kanya ng binata: “Sinunod ko ang lahat ng ito, ano pa ang kulang ko?” At sinabi ni Hesus: “Kung gusto mong maging ganap, umuwi ka’t ipagbili ang mga ari-arian mo at ibigay ang pera sa mga dukha, at magkakaroon ka ng kayamanan sa Langit. At saka ka bumalik para sumunod sa akin.”
Pagkarinig ng binata sa pahayag na ito, umalis siyang ,malungkot sapagkat napakayaman niya.
Pagninilay :
Malinaw ang pahayag ng Panginoon na kung gusto mong makamtam ang buhay na walang hanggan, kailangang sundin mong lahat ang pinag-uutos ng Diyos, pati na rin ang ating pagmamahal sa kapwa. Kung ano yong ginagawa natin sa iba, ay ginawagawa rin natin ito sa Panginoon. Kalimutan natin ang kayamanang pang lupa, manapay pag-ibayuhin natin ang kayamanang pangkaluluwa.
Manalangin Tayo:
Ama naming makapangyarihan, tulutan mo kaming makasunod sa lahat ng iyong pinag-uutos, mamahalin po namin ang aming kapwa tulad ng pagmamahal namin sa Iyo, Amen.. San Juan Bautista ng La Salle….Ipanalangin mo kami. Jesus, Manahan ka sa ming mga puso….Magpakailanman.. Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo Amen….
MULA SA OVCA - TANGGAPAN NG PUNONG GURO:
1. Mula sa ISFSA
Taospusong pasasalamat sa departamento ng Chrisitian Living sa kanilang pakikiisa sa ating proyektong "Kaisa ni Hesus sa Banal na Sacramento". Inaasahan ang departamento ng Ingles na dumalo sa misa sa darating na Biyernes ika pito at kalhati ng umaga.
MULA SA OVCA - IKALAWANG PUNONG GURO NG AKADEMIKS:
Ang mga gurong tagapayo ng mga mag aaral sa Antas 6, 7 at 8 ay pinakikiusapang kolektahin ang pirmadong "consent letters" tungkol sa 4Ts Survey at dalhin ang mga ito sa opisina ng APAc ngayong araw. Maraming salamat po!
MULA SA OVCA – KOMUNIDAD NG GRADE SCHOOL:
Mula sa Ikalawang Punong Guro
1. Simula sa araw na ito, ang lahat ng mag-aaral ay inaasahan na makatutungo sa kani-kanilang silid-aralan ng walang gabay ng mga magulang o tagapag-alaga. Pinakikiusapan ang mga guro na maayos na ipaliwanag ito sa mga bata.
Bigyang diin ang oras ng simula at pagtatapos ng klase sa bawat araw. Paalalahanan din sila ng mga panuntunan sa oras ng pananghalian at uwian.
2. Ang mga mag-aaral sa baitang 5 ay magkakaroon ng device onboarding sa araw na ito. Pinaaalalahanan ang lahat ng lubusang pag-iingat sa pagdadala at paggamit ng kanilang devices.
3. Ang mga mag-aaral sa Baitang 4-6 ay pinaaalalahanan at pinakikiusapang tupdin ang mga alituntunin hinggil sa BYOD at paggamit ng cloud chairs.
4. Ang lahat ay hinihikayat na gumamit ng kani-kanilang boteng inuman (water container). Maaaring gamitin ang mga water dispenser na inilaan para sa inyong pangangailangan sa tubig. Ang mga mag-aaral na hindi pwede uminom ng malamig na tubig ay maaaring humingi sa mga faculty room o sa opisina ng SFOs at Subject Area Coordinators.
5. Ang mga bagong mag-aaral ay binibigyan pa ng palugit hanggang Agosto 23 sa hindi pagsusuot ng itinakdang uniporme.
Bulletin No.: 005 Lunes, 19 Agosto 2019
MISSION VISION
“Inspired by our faith in God, by our Catholic traditions and by the charism of St. John Baptist de La Salle educational innovator par excellance, we together and by association are committed to give quality human and Christian education to all building a
society founded on equity and justice and on sustainable and inclusive development.”
MULA SA OVCA – KOMUNIDAD NG JUNIOR HIGH SCHOOL:
Mula sa Ikalawang Punong Guro
1. Aming ipinababatid ang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng dumalo at nakiisa noong Sabado sa Banal na Misa at pagsalubong sa relikya ng ating tagapagtatag na si San Juan Bautista De La Salle. Ang kanyang banal na alaala ay mananatili dito sa ating paaralan hanggang sa ika-6 ng Setyembre na nakalagak sa ating Kapilya.
2. Ipinabibigay alam sa lahat na ang klase ng Baitang 10 seksyon na CMR 207 ay pansamantalang mananatili sa LS 203 habang ang kanilang erkondisyon ay kinukumpuni pa. Paumanhin po sa inkombinyente na idudulot nito sa lahat na maaapektuhan at hiling naming ang inyong pang-unawa.
3. Bukas ay ang Day 1 na skedyul ang ating susundin. Ang mga mag-aaral ay pinaaalahanan na mangyaring tandaan ang skedyul na naayon.
Mula sa Tanggapan ng Punong Taga Disiplina
1. Mga matatapat na mag-aaral: Reign Vincent Mercado (LS111), Barbara Macasaet (LS412), Joshua Bagares (LS302), Daniel Perez(LS410), Anne Myiesha Villapando (LS110), Fianna Kristina Villapando (LS110), Andreia Carmela Roque (LS112), Jaejit Ravelo, Alexandra Sarmiento (LS312), Agatha Coleen Espinosa (LS106), Licel Sabria Tolentino (LS107), Wizchelle Fhea Arcillas (LS201), Julian Olmos (LS201), Vic Benedict Arcega (LS407), Jovan Mendoza (CMR204), Azriel Calderon (LS201), Phyllies Quijano (LS301), Tissey Aguirre, Cedric Javier (LS305)
PARA SA ANTAS 9
2. Nagpapasalamat kami sa mga sumusunod na klase (LS208, LS209, LS302, LS303, LS304, LS305, LS306, LS307, LS308, LS309, BM100) sa patuloy na pagsasara at pagkakandado ng pintuan ng kanilang silid-aralan tuwing oras ng pananghalian. Ang iba ay inaanyayahan na sundin ang ating patakaran hingil sa pagsasara ng pinto. Ito ay para rin sa kaligtasan ng inyong mga mahahalagang bagay ng naiwan sa lood ng silid, kagaya ng laptop at iba pa. Maraming Salamat po.
3. Gayundin, lubos kaming nagpapasalamat sa mga mag aaral na patuloy na sumusuporta sa ating CLAYGO tuwing pananghalian. Muli, inaanyayahan ang lahat na isapuso ang ating programa para sa kalinisan ng ating paaralan.
MULA SA OVCA – KOMUNIDAD NG SENIOR HIGH SCHOOL:
Mula sa Ikalawang Punong Guro
1. Pagdiriwang ng Holy Spirit Mass – Maraming salamat sa lahat ng nakilahok sa pagdiriwang ng Holy Spirit Mass noong nakaraang ika-15 (Grade 11) at ika-16 (Grade 12) ng Agosto. Nawa ay patuloy nating hilingin ang paggabay ng Banal na Espiritu upang manatili tayong maging matatag sa pang-araw-araw na mga gawain.
2. Para sa mga Guro – Mayroon po tayong referral forms na ipapamahagi sa bawat faculty room. Ang nasabing dokumento ay gagamitin ng bawat guro upang ipagbigay-alam sa kinauukulan ang mga mag-aaral na nangangailangan ng natatanging paggabay.
3. Para sa mga Academic Advisers – Mangyari lamang po na pakigabayan ang bawat klase mula sa inyong pangangalaga sa gagawing pagpili o paghahalal ng mga bagong opisyales sa kanilang klase (class officers) ngayong araw ng Lunes. Narito ang mga posisyon na kinakailangang punan:
i. President ii. Vice-President iii. Secretary
iv. Treasurer
v. Peace Officers (2) who will be in-charge of ensuring the peace and order in the class vi. Sports Officers (2) who will be in-charge of sports activities during intramurals
vii. Earth Marshalls (2) who will be in-charge of the environmental projects/programs/activities in the school
viii. Graduation Ball Officers (2) for Grade 12 only
Pakibigay po ng listahan ng bagong halal na opisyal ng inyong mga klase sa opisina ng Ikalawang Punong-guro sa JRN 101B.
Maraming salamat po.
4. Mahalagang Petsa
a. August 17-September 6 – Visit of the RELIC of the founder, St. John Baptist De La Salle b. August 28 – SHS Community Assembly at 2:00-4:00PM
c. August 29 – Pastoral Visit of Archbishop Gilbert Garcera
5. Para sa Mag-aaral ng Grade 12 ABM – Ang sinuman na nagnanais na lumahok sa paanyaya ng Association of Philippine Private School Administrators (APPSAM) para sa 9th National Business Youth Camp sa Tagaytay City sa ika- 17-19 ng Oktobre ay makipag-ugnaya lamang kay G. Randy Palestina sa JRF 103. Ang nasabing Gawain ay may karampatang bayad na P5,800.00.
6. Mula sa Departamento ng Mathematics - Ipinagbibigay-alam po sa lahat na ang DLSL at DepEd Division of Lipa City sa pakikipagtulungan sa Asian MathSci League, Inc. (AMSLI) ay magsasagawa ng AMEP Qualifying Examination sa ika-24 ng Agosto (Sabado) mula sa ganap na ika-8 ng umaga ditto sa DLSL.
Ang sinuman na nagnanais na lumahok sa nasabing pagsusulit ay inaasahang mag-register online dito sa
https://bit.ly/2YjjqHf. Maaari din kayong makipag-ugnayan sa inyong mga guro sa Mathematics hinggil dito.
Ang nasabing pagsusulit ay may kabayarang P50.00 para sa mga materyales, honorarium sa proctors, at para sa iba pang mga gastusin sa nasabing Gawain.
Magsasagawa din ng MTAP Saturday Mathematics Program para sa mga mag-aaral mula sa ika-7 ng Setyembre hanggang ika-12 ng Oktobre sa ganap na ika-7:30 ng umaga hanggang ika-12:00 ng tanghali sa Lipa City National High School.
Ang sinuman na nagnanais na makilahok sa nasabing pagsasanay ay inaanyayahang makipag-ugnayan sa inyong mga Guro sa Mathematics hanggang ika-30 ng Agosto.
Mula sa Departamento ng Filipino Maupay nga aga! (Waray) Magandang umaga!
Mahalagang kaalaman: ngayon ay kaarawan ni Quezon…
Sino si Manuel Luis Quezon?
Si Manuel Luis Quezon (19 Agosto 1878–1 Agosto 1944) ang unang pangulo ng pamahalaang Komonwelt at itinuturing na “Ama ng Wikang Pambansa” dahil sa pagpapahayag niya sa Tagalog bílang batayan ng Wikang Pambansa. Siyá ang unang pangulong Filipino na nagtira sa Malacañang at nanungkulan hábang nása Estados Unidos dahil sa Pananakop ng mga Japanese noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Isinilang si Quezon noong 19 Agosto 1878 kina Lucio Quezon at Maria Dolores Molina sa Baler, Tayabas (Aurora ngayon). Pagsiklab ng Digmaang Filipino-Americano, sumapi siyá at naging medyor sa hukbo ni Heneral Tomas Mascardo.
Bumalik siyá sa pag-aaral pagkatapos ng digmaan at nagtapos ng abogasya. Naglingkod muna siyáng piskal bago kumandidato’t nagwaging gobernador ng lalawigan ng Tayabas. Ikinasal siyá sa kaniyang pinsang si Aurora Aragon Quezon.
Nagbitiw siyáng gobernador nang magkaroon ng eleksiyon para sa Asamblea ng Filipinas. Nagwagi siyá at naging majority floor leader. Si Sergio Osmeña ang naging ispiker ng kapulungan, at ito ang simula ng pagsasáma’t pagtutunggali sa politika nina Quezon at Osmeña.
Quezon, Manuel Luis. (2015). In V. Almario (Ed.), Sagisag Kultura (Vol 1). Manila: National Commission for Culture and the Arts. Retrieved from
https://philippineculturaleducation.com.ph/quezon-manuel-luis/
Para sa Baitang 3
Pinaaalalahanan ang mga kalahok ng Bayani Ko, Idolo Ko! na may isasagawang pagsasanay bukas sa ganap na ika 4:00-4:20 ng hapon at sa Huwebes sa ganap na ika 3:00-3:20 ng hapon. Magtungo lamang sa BB206 at hanapin si Gng. Jem Landicho at Gng. Ellen Ramirez. Maraming salamat po!
MULA SA OVCA - TANGGAPAN NG TAGAGABAY:
1. Ang mga sumusunod ang bumubuo ng Tanggapan ng Gurong Tagagabay:
G. Jojo Berana Gng. Minnie Mallari
Bb. Alecks Dimaano Gng. Jane Gutierrez
Gng. Iyah Docog Bb. Renie Fabon
Gng. Kristine Mendoza Gng. Nery Dumol
Gng. Love Navarro G. Nico Evardone
Gng. Melisa Gonzales Gng. Kezia Bogay
Gng. Che Grajo
2. Para sa mga Bagong Mag-aaral mula Antas ika-4 hanggang ika-10: Ang IS Guidance and Counseling Center ay magkakaroon ng counseling group para sa mga bagong mag-aaral upang matulungan sila sa kanilang paglipat sa bagong paaralan. Ang mga interesadong mag-aaral ay pinakikiusapan na magpatala sa opisina hanggang
ika-23 ng Agosto. Para sa mga mag-aaral ika-4 hanggang ika-6, hanapin si Gng. Kristine Mendoza at para naman sa mag-aaral ika-7 hanggang ika-10, hanapin si Gng. Iyah Docog. Maraming salamat.
3. Para mga mag-aaral at Gurong Tagapayo sa Antas Ika-7: Ipinapaalala sa mga seksyon na hindi pa nakakapagpasa ng evaluation ng nakaraang oryentasyon nuong Agosto 13, 2019, na kung maari ay magsumite ng evaluation hanggang bukas, Martes ng hapon. Salamat.
4. Para sa mga mag-aaral at Gurong Tagapayo sa Antas Ika 4-10: Ipinapaalam na magkakaroon ng Room-to-Room Guidance Reorientation na magsisimula ngayong Lunes, Agosto 19, 2019. Narito and iskedyul:
ANTAS 4- 5
Date Time Section Teacher
ANTAS 4 August 19, 2019
(Monday)
1:00pm – 2:00pm BB 310 Ms. Elma Langamon
2:00pm – 3:00pm BB 309 Ms. Regine Arada
3:00pm – 4:00pm BB 311 Ms. Daycel Alon
August 22, 2019 (Thursday)
11:00am – 12:00nn BB 312 Ms. Elma Langamon
2:00pm – 3:00pm BB 308 Ms. Regine Arada
ANTAS 5 August 19, 2019
(Monday) 11:00am – 12:00nn BB 301 Ms. Evelyn De Castro
August 22, 2019 (Thursday)
8:40am – 9:40am BB 305 Ms. Maricel Comia
1:00pm – 2:00pm BB 304 Ms. Marychrist Briguela August 23, 2019
(Friday) 2:00pm – 3:00pm BB 302 Ms. Evelyn De Castro
ANTAS 7
ANTAS 8
Petsa Oras Seksyon Asignatura Guro
August 19 (Lunes – Day 4)
10:00 – 11:00 am LS 402 English Ms. L. Endaya
11:00 – 12:00 nn LS 404 CLCE Mr. M. Zara
1:00 – 2:00 nn LS 403 Mathematics Ms. S. Cuevillas
2:00 – 3:00 nn LS 405 TLE Mr. AK Perez
August 20 (Martes – Day 1)
8:40 – 9:40 am LS 411 Filipino Ms. E. Recio
10:00 -11:00 am LS 401 MAPEH Ms. P. Soriano
11:00 – 12:00 nn LS 406 English Ms. GM. Obena
PETSA SEKSYON ORAS Guro
Day 4 Schedule August 19, 2019
(Lunes)
LS 108 8:40 – 9:40 Ms. Litan
LS 107 10:00 – 11:00 Mr. Jumadiao
LS 101 11:00 – 12:00 Ms. Alarcon
LS 212 1:00 – 2:00 Ms. Lumanglas
LS 106 2:00 – 3:00 Ms. Remo
LS 202 3:00 – 4:00 Ms. Faeldonia
Day 1 Schedule August 20, 2019
(Martes)
LS 105 1:00 – 2:00 Ms. Savadera
Day 2 Schedule August 22, 2019
(Huwebes)
LS 109 8:40 – 9:40 Ms. Lacerna
LS 210 10:00 – 11:00 Ms. Manalo
LS 110 11:00 – 12:00 Mr. Exconde
LS 201 1:00 – 2:00 Mr. Guce
LS 102 2:00 – 3:00 Ms. Tapalla
LS 211 3:00 – 4:00 Mr. Bigcas
Day 3 Schedule August 23, 2019
(Byernes)
LS 112 8:40 – 9:40 Ms. Umilda
LS 111 1:00 – 2:00 Ms. Atienza
August 22 (Huwebes – Day 2)
8:40 – 9:40 am LS 409 TLE Ms. E. Sagaoinit
10:00 – 11:00 am LS 311 TLE Ms. MR. Acob
11:00 – 12:00 nn LS 410 CLCE Ms. MT. Villaruel
1:00 – 2:00 nn LS 310 Social Studies Ms. MB. Bautista August 23
(Byernes – Day 3)
10:00 – 11:00 am LS 407 Science Ms. R. Manalo
1:00 – 2:00 nn LS 408 English Ms. G. Ona
2:00 – 3:00 nn LS 312 Filipino Ms. A. Fermin
ANTAS 9
ANTAS 10
PETSA ORAS SEKSYON GURO
August 19, 2019 (Day 4 – Lunes)
8:40 – 9:40 CMR 206 Ms. Fortus
9:40 – 10:40 CMR 205 Ms. Fabro
11:00 – 12:00 CMR 201 Ms. Dimaculangan
12:00 – 1:00 CMR 207 Mr. Cadelina
2:00 – 3:00 BM 102 Ms. Dimaunahan
August 22, 2019 (Huwebes)
8:40 – 9:40 BM 103 Ms. Dimaunahan
9:40 – 10:40 BM 104 Mr. Taningco
11:00 – 12:00 BM 105 Ms. Breones
August 23, 2019 (Byernes)
8:40 – 9:40 BM 205 Ms. Uy
9:40 – 10:40 BM 202 Mr. Dimaunahan
11:00 – 12:00 BM 201 Ms. Breones
12:00 – 1:00 BM 203 Mr. Delizo
2:00 – 3:00 BM 204 Ms. Bril
3:00 – 4:00 BM 206 Ms. Calingasan
5. Para sa mga mag-aaral ng Antas ika-5: Pinakikiusapan ang mga mag-aaral na sagutan ang Student Personal Data Record hanggang Agosto 30, 2019 sa link na ito https://forms.gle/pakvk17KGs7EXyX5A.
6. Para sa mga mag-aaral ng Antas ika-12 na kukuha ng USTET: Ipinapaalam na ang De La Salle Lipa ay hindi na External Testing Center ng UST. Gayunpaman, ipro-proseso pa rin ang UST grade forms.
MULA SA HRDO - INSTITUTIONAL HEALTH SERVICES:
NATIONAL TB DAY TB
Petsa Oras Seksyon Guro Asignatura
Day 4 Schedule August 19
Lunes
8:40 – 9:40 LS 207 Ms. Pagcaliwangan Science
9:40 – 10:40 LS 304 Ms. Laraya Filipino
11:00 – 12:00 LS 208 Ms. Villazar Soc Studies
12:00 – 1:00 LS 206 Ms. Lontoc Math
2:00 – 3:00 LS 305 Ms. de Torres Science
Day 2 Schedule August 22
Huwebes
8:40 – 9:40 BM 100 Mr. Pasia MAPEH
9:40 – 10:40 LS 209 Ms. Serrano MAPEH
11:00 – 12:00 LS 205 Ms. Riata English
12:00 – 1:00 BM 101 Mr. Baon CLCE
2:00 – 3:00 LS 301 Mr. Binuya CLCE
Day 3 Schedule August 23
Byernes
8:40 – 9:40 LS 303 Ms. Villazar Soc. Studies
9:40 – 10:40 LS 306 Ms. Laraya Filipino
11:00 – 12:00 LS 307 Ms. Matibag Soc. Studies
12:00 – 1:00 LS 308 Ms. Maranan MAPEH
2:00 – 3:00 LS 302 Ms. Lasi English
SMILES August 28 Myerkules
8:40 – 9:40 LS 309 Ms. Amparo Homeroom
Guidance Program
Ang TB ay isang uri ng sakit na dulot ng mikrobyong Mycobacterium tuberculosis na madalas makaapekto ng baga.
Maaari ring maapektuhan ang ibang
bahagi ng katawan gaya ng buto, utak, bato, at atay.
Paano nakakahawa ang TB?
Ang TB ay naipapasa kung ang isang tao ay makalanghap ng mikrobyo ng TB na nasa hangin galing sa ubo o bahing ng taong may TB.
Tandaan na ang TB ay:
• HINDI namamana.
• HINDI nakukuha sa pagpapagod, pagpupuyat, o pagkatuyo ng pawis sa likod.
• HINDI naipapasa sa paggamit ng kubyertos o baso ng taong may TB.
• HINDI nakukuha sa kagat ng lamok.
• HINDI naipapasa sa paggamit ng damit o kumot ng taong may TB.
Upang matukoy kung ikaw ay mayroong tuberculosis, maaari kang sumailalim sa sumusunod na mga paraan ng pagsusuri:
1. TB Blood Test 2. Chest X-ray 3. Sputum Test
4. Tuberculin Skin Test
https://tgp.com.ph/blog/mga-kaalaman-tungkol-sa-tuberculosis-ang-tamang-gamot-sa-ganitong-klase-ng-ubo/
http://www.ntp.doh.gov.ph/aboutTB.php
MULA SA TANGGAPAN NG CFO – INVENTORY AND PROPERTY MANAGEMENT SECTION(IPMS)
Ipinagbibigay-alam na ang pamamahagi ng mga aklat ay hanggang Agosto 22, 2019 na lamang. Para sa mga katanungan, mangyaring tumawag kay Gng. Elvie Mendoza sa loc. 266. Marami pong salamat.