SESSt "T 8 ? nlya ang kahiiin
Kabanata 33 ANG HULING MATUWID
MAGHAPON sa loob ng bahay si Simoun sapagkat abala sa pag-aayos ng kanyang mga alahas at armas. Inilagay niya ang lahat ng naipong kayamanan sa loob ng isang maletang bakal na nababalutan ng lona. May ilang natirang pulseras at alfiler na kanyang panregalo. Sasabay na nga siya sa pag-alis ng Kapitan Heneral na ayaw nang magpahaba pa ng araw ng panunungkulan dahil
sa sasabihin ng tao. May ilang malisyosong nagbigay ng pahayag tungkol sa pag-alis din ni Simoun. Hindi raw ibig ni Simoun na magpaiwan dahil apag-alis na ang malakas na kinakapitan lalo't ang nakatakda raw pumalit na Kapitan Heneral ay higit na makatuwiran at huwaran. Malamang daw na baka mabawi pa ang
kayamanang nahuthot ni Simoun mula sa mga mamamayan. May ilang nagpalagay na ayaw humiwalay ni Simoun sa kinakapitan at kaya rin aalis si Simoun ay sapagkat nasaid na nito ang yaman ng mga Indiyo. "Kapag simot na ang parang ay maghahanap na ng ibang lugar ang balang." Ang iba'y nagpapakawala na lamang ng ngiting makahulugan.
Nang gabing iyon ay nagbilin si Simoun sa utusan na papasukin ang lalaking nagngangalang Basilio kung darating. Pumasok siya ng silid at doon nagnilay-nilay. Mas lalong tumigas at lumungkot ang mukha niya mula nang magkasakit. Mas higit na lumalim ang gatla sa noo niya at pagitan ng mga kilay. Ang dating matikas na tindig ay naging hukot at palagi na lamang siyang nakayuko.
Binulabog ng mga katok ang pribadong sandali ni Simoun. Nabigla siya nang makita si Basilio. Kung malaki ang ipinagbago niya'y higit si Basilio. Nakakahabag ang ayos nito. Humpak ang pisngi, gusot ang damit at magulo ang buhok. Naglaho na ang maamong mga mata at naging mabalasik at matalim ang pinakakawalang mga tingin. Mistula raw itong namatay at nabuhay sa sindak sapagkat nakita ang kawalang hanggan.
"Ginoong Simoun, isa akong masamang anak at kapatid sapagkat nilimot ko ang mga kaluluwang pinaslang at pinahirapan kaya ako pinarusahan ng Diyos. Ngayon ay nakahanda na akong gumanti ng masama laban sa kasamaan."
Nakinig lamang si Simoun sa mga sinasabi ni Basilio.
"Apat na buwan na ang nakalilipas mula nang kausapin ninyo ako tungkol sa inyong piano. Tumanggi akong makiisa at isa pala iyong malaking kamalian. Tumutol ako sa paglahok sa himagsikan at ito'y nabigo. Bunga nito'y nabilanggo ako at utang ko sa inyo ang aking paglaya. Tama nga pala kayo. Kaya ako narito ay upang humingi ng sandata at hangaring sumiklab na ang himagsikan. Nakahanda na akong ipagtanggol at bigyang katarungan ang mga sawimpalad."
Nawala ang pag-aalinlangan sa mukha ni Simoun. Bumakas ang kasiyahan ng tagumpay sa kanyang mga mata. Natagpuan na niya ang hinahanap. "Tama ako. Sapagkat nasa panig ko ang katwiran at katarungan para sa mga
EL FILIBUSTERISMO 125
sawimpalad. Mabuti't naparito ka. Nagpapasalamat ako sa iyo at binawi mo ang iyong pag-aatubili. Binigyan mo ako ng panibagong pag-asa at dahilan upang
ipagpatuloy ang aking binabalak... ang himagsikan. Dahil sa iyo'y napawi ang aking pag-aalinlangan na isakatuparan ito."
Tumayo si Simoun at umaliwalas ang kanyang mukha. Nagbalik ang lahat ng kanyang sigla gaya noong sila'y unang nagtagpo sa gubat may apat na buwan na ang nakakaraan.
"Nabigo ang kilusan dahil sa aking pag-uurong-sulong. Nagkaroon ako ng pag-aalinlangan nang dumating na ang sandali ng panganib dahil may pinakaiingatan akong pag-ibig sa aking puso. Hindi ko hawak ang aking sarili dahil umiibig pa ako. Ngayon ay patay na ang aking pag-ibig. Hindi na ako magdadalawang isip pa dahil muli mong binuhay ang aking damdamin upang kumilos."
Nagpatuloy si Simoun sa pagsasalita. "Kung hindi nga lang sana huli na, higit tayong nakapagtulungan noon. Ako sa mataas na antas ng lipunan ang siyang magsusulsol upang higit na maging mapag-imbot at upang itulak ang mga matuwid sa kawalan ng katuwiran. Ikaw naman sana sa mga kabataan, sa bayan upang manggising at pasulakin ang kanilang dugo!"
Sinabi din ni Simoun na walang nakiisa sa kanya sa mga taong
mayayaman at
matatalino dahil sa kahinaan ng loob, pagiging makasarili at paniniwala sa magagawa ng kabataan. Sa mga kabundukan at mga taong api niya natagpuan ang pakikiisa at hinahangad na pagtulong.
"Ngunit hindi na bale. Kung hindi man tayo nakasumpong ng isang makinis na estatwa, hayaan na lamang natin ang magaspang na batong ating tatapyasin ang humubog ng kanilang bukas."
Hindi lubusang naunawaan ni Basilio ang sinabi ni Simoun. Nagpunta sila sa laboratoryo at doon ipinakita ni Simoun ang kanyang produkto. Nasa mesa ang isang iiawan na ang hugis ay bunga ng granada at pati ang magaspang na balat nito ay tulad ng nasabing prutas.
Tinanggal ni Simoun ang mitsa.
Nabasa ni Basilio ang nakasulat na pormula, nitro-gliserina. Napabulalas ang binata. "Pampasabog!"
"Tama ka, nitro-gliserina! Ngunit higit pa ang bisa nito sapagkat ito'y tinipong luha ng mga sawimpalad, mga tinimping galit at kawalan ng
EL FILIBUSTI I i 126 . . . . ng pagganti! Sa iyong pagdml katarungan, mga pagdurusang naghihintay
g
*ginnito ang mga mandu ,,i ay nawala ang aking pag-aalinlangan. Pasa& napagSabog ng kasam« at mapagsamantala. Maririnigng lahat ang rriaiaitaking pinasingaw ang amoy." pakakita ng ganoong uri Hindi nakakibo si Basilio. Noon lamang * apawi ang lahat ng kanj | likido bagama't naririnig na niya iyon. Bigiang
kahinahunan. • _t pagkatapos ay lumantad
Inayos ni Simoun ang kailangang gaWin a* v paningin ni Basilio ang isang magarang lampar - Ila,agaykoangilawang
"Isang malaking kasayahan ang magaf£ V,ararangalan. Magbibigay sa kinaroroonan ng mga piling panauhin at rngngpista hanggang tuluyi ng ibayong liwanag sa buong paligid na pagda Tiyaknamayla,ap. tupan
itong lumabopagkalipasngdalawarn^pungmin angmitsa)sasabog;m
itaas ang mitsa ng lamparang ito. Sa oras sinumang makakaligtas lampara kasama ang buong kabahayan atwa . f^jkinggan ang mga sinabi
Halos hindi humihinga si Basilio habang P'n jtutulong." Simoun. "Kung ganoon ay wala na pala akong
"May iba kang kailangang gawin.' bomba. Hindi na mauulil "Ganap na alas nuwebe ng gabi ay sasaDog ^ Ngayonaynandi|u
ang naging kabiguan noon dahil sa kawalan ngP njiaang pagsah()|, ka na kaya't hindi na mangyayari iyon. Sa or sig)mga inapiatmgfl
ay magsisipaglabasan ang mga armado n a p |ajessamayStaMesgS;|
kapuspalad upang makipagtagpo kay Kabes g arte]angmga sundalong
kabilang dako ay maglalabasan sa kanilang rng magkaroon ng dahilan pinaniwala kong may magaganap na pag-aai v sinumang ituro ko." ang Kapitan Heneral na manatih. Babanlin m ^ mamamayansapag.
Sinabi pa ni Simoun na maglalabasan ang hjndiorganisadoay aakalang pumutok na ang himagsikan at sap & tindahanngIntsiknag. kailangang pamunuan ni Basilio. Pupunta *> lahatng kalaban patina rin Quiroga upang kunin ang mga baril at patayin ang ang mga tumangging maging rebolusyonaryo.
"Lahat?" tanong ni Basilio. ang iahat ng mga duwag "Oo, lahat." paniniyak ni Simoun. Pawy-Kailangang baguhin ang sapagkat magsisilang sila ng lahing mahina at a v ^ b&angkamatayan
lahi. Ano, Basilio? Natatakot ka ba? Kmikilabutan. ^ maililigtas na dalawampung libong katao kumpara sa milyong s<i
maisilang?Hindi nakasagot si Basilio kaya t nagparuioy ^ATULOVsi Simoun. "Kailangang
magsisilangng • malipol ang masasama. Mula sa dugong da°a"^a™apaalipin."
bagong lahi na hindi nakailanmanmagpapaapiai kagimbal-gimbal na "At ano ang sasabihin ng buong mundo
pangyayaringito?" . sapagkat laging bibigyang "Pupurihin ng mundo ang pangyayaring ly-UI ^INALAKPAKANNGEURkatuwiran kung sino ang higit na malakas. Hindi na v
EL FILIBUSTERISMO 127
ang mga bansa sa kanluran na pumatay ng mga Indiyo sa Amerika? Gayundin ang kanilang galak nang lupigin ng Portugal ang Moluccas at nang halos ubusin ng Inglatera ang mga lipi ng Pasipiko para may puntahan ang mga taong nagsisilikas. Mas mahalaga ang bunga kaysa sa sanhi. Gawing mahusay ang paggawa ng kabuktutan at higit itong hahangaan ng marami kaysa sa kabutihang gawa ng mga taong kimi."
"Sige, sang-ayon ako. Ano ba sa akin kung sila'y pumalakpak o mangutya? Ang mundo ay walang malasakit sa mga taong api, mga kawawa at babaing mahina. Bakit ko pagmamalasakitan ang lipunang hindi nagmalasakit sa akin?"
"Iyan ang gusto kong marinig sa iyo, Basilio!" masayang wika ni Simoun sabay kuha ng rebolber sa isang kahon. "Hintayin mo ako ng alas diyes sa harapan ng simbahan ng San Sebastian upang bigyan kayo ng huling tagubilin. Tandaan mong sa oras pa lamang ng alas nuwebe ay dapat na malayong-malayo ka na sa Kalye Anloague."
Kinuha ni Basilio ang rebolber, kinargahan ng bala at saka itinago sa bulsang panloob ng suot na amerikana. Nagpaalam na siya, "Hanggang mamaya!"
TALASALITAAN Hanapin ang singkahulugan ng mga salita.
1.
nahuthot 3. parang 5.nagnilay-nilay
2.
gatla 4. matikasGAWADsf
1.
Ano ang mga haka-haka ng mga tao sa pagsabay umalis ni Simoun sa Kapitan Heneral?2.
Anong ibig sabihin ni Simoun sa pahayag na, "Kung hindi man tayo nakasumpong ng isang makinis na estatwa, hayaan na lamang natin ang magaspang na batong ating tatapyasin ang humubog ng kanilang bukas."3.
Bakit si Simoun ang unang pinuntahan ni Basilio?4.
Anong damdamin ang ipinakita ni Basilio nang lumapit siya kay Simoun?5.
Makatarungan ba ang naging desisyon ni Basilio? Pangatwiranan. Kabanata 34 ANG KASALNI PAULITA
NAGLALAKAD si Basilio ganap na ikapito ng gabi. Pinag-iisipan niyang mabuti ang mga kailangang gawin. Nanggaling siya sa bahay na tinutuluyan ng kaibigang si Isagani at nalaman niyang hindi pa ito umuuwi. Doon sana niya nais makituloy kahit pansamantala sapagkat wala siyang salapi. Ang tanging mayroon siya ay ang ibinigay na rebolber ni Simoun.
Hindi mawala sa kanyang isip ang tungkol sa lampara at kinikilabutan siya sa tuwing maiisip ang kasawiang idudulot niyon sa mga tao. Naalala niya
,28 EL FILIBUSTERISMO^ ang bilin ni Simoun na lumayo siya sa Kalye Anloague kung saan naroon ang dating tahanan ni Kapitan Tiago. May magaganap na kasayahan sapagkal doon idaraos ang piging ng kasal nina Paulita at Juanito. Napagtagni-tagm
niya ang lahat ng sinabi ni Simoun at alam na niya ang panganib na magaganap. Nakita ni Basilio nang dumating ang karwahe ng bagong kasal kung saan lulan sina Paulita at Juanito. Si Paulita ay nakabelo at nakadamit pangkasal.
Napabulalas si Basilio, "Kaawa-awang Isagani! 1 Ano kaya ang nangyari sa kanya?"
Pinag-isipan niyang mabuti kung tamang isama si Isagani sa binabalak nila ni Simoun. Sa huli ay naniniwala siyang hmdi iibigin ni Isagani ang sumama sa isang karahasan. Hindi dinanas ni Isagani ang mga kasawiang dmanas niya.
Nagunitang muli ni Basilio ang pagkabilanggo, ang kabiguan sa pag-aaral at ang mga nangyari kay Juli. Kung hindi sana nila sinapit iyon ay natapos na siya ng kursong Medisina, isa na siyang manggagamot at marahil ay kasal na rin sila ni Juli at nagsasamang matiwasay. Muli niyang kinapa ang rebolber at kinainipan ang isang malakas na pagsabog na siyang hudyat ng malagim na karahasan.
Nakita ni Basilio na dumating na si Simoun dala ang isang regalong nakabalot. Naglalakad ito at kasunod ng tila prusisyon ng mga tao. Naroon din ang kutsero ni Simoun na si Sinong, ang lalaking binugbog ng mga guwardiya sibil sa San Diego at nagbalita sa kanya ng mga nangyari sa Tiani.
Naglakad si Basilio patungong Kalye Anloague sapagkat doon ang tungo halos ng lahat ng bisita. Ang Kapitan Heneral na siyang ninong ay hindi nagpunta ng simbahan subalit dadalo naman sa hapunan, dala ang isang tanging ilawang handog naman ni Simoun. Sa harapan ng bahay ay may nakaparadang karwahe at bumababa ang mga nakasakay.
Masayang-masaya si Don Timoteo Pelaez na ama ni Juanito. Higit pa sa pinangarap niya ang pangyayaring iyon na bumagsak mula sa langit ang isang napakalaking suwerte sa buhay nilang mag-ama. Naikasal ang kanyang si Juanito sa isang mayaman at napakagandang babae at pinautang siya ni Simoun ng gastusin sa kasal. Ang bahay na iyon ni Kapitan Tiago ay nabili niya sa halagang halos ibigay na lamang sa kanya. Isa ring pinagpalang kapalaran na ang ninong sa kasal ng kanyang anak at manugang ay ang isa pinakamakapangyarihang tao Pilipinas. Sa mga oras na iyon ay bisita niya
FILIBUSTERISMO 129
ar»g lahat ng importanteng tao sa Maynila at si Simoun ay may handog na Parnbihirang regalo para sa bagong kasal.
Nagkaroon ng malaking pagbabago ang dating bahay ni Kapitan Tiago sapagkat pinuno ito ng palamuti. Ang mga dingding ay dinikitan ng magagarang Papel at nawala ang amoy ng usok at apyan. Ang malawak na sala ay ni latagan alpombra. Nilagyan ito ng malalaking salamin kaya't higit na naging lalaking tingnan. Nilagyan ng kurtinang pelus na kulay pula at nabuburdahan a§ ginto at may unang titik ng pangalan ng bagong kasal. Bago ang mga "nuwebles at kasangkapang sunod sa uso. Ang tanging napintasan ay ang ^korasyong kromong Intsik na matitingkad ang kulay na ipinalit ni Don ^irnoteo sa mga lumang litograpiya ng mga santo ni Kapitan Tiago. Ayaw ^aman niyang maglagay ng mga larawang guhit ng mga Pilipino. Gustuhin j^an sana niyang bumili ng mga pinta nina Rafael,
Velasquez at Murillo ay uindi naman niya kaya. Nagkasya na lamang siya sa isang kromo.
Inilabas ang pinakamagagandang plato, kubyertos at mga kasangkapang
j
^basagin para sa handaan. May mahabang mesa na kasya ang tatlumpung ^atao at mayroon ding maliliit na mesa na pandalawahan lamang. May ^kapatong na bulaklak sa gitna ng mesa at ilang palamuting laso't ilaw.Ang mga dakilang panauhin at mga diyus-diyusan ay nasa malaking mesa ua nakalagay sa asotea. Pitong kubyertos lamang ang naroon pati ang Puiakamasasarap at pinakamamahaling alak. Sadyang hinanap ni Don Timoteo j*ng pinakamasasarap at pinakamamahalin upang ihain sa mesang iyon. At **Uig sasabihin lamang ng Kapitan Heneral na ibig nitong kumain ng tao ay na gagawa ng isang malaking krimen si Don Timoteo.
TALASALITAAN Hanapin ang singkahulugan ng mga salita.
1.
piging 3. lulan 5. handog2.
alpombra 4. muweblesGAWAIN
* • Ano ang nagtulak kay Basilio upang umanib sa mga balak ni Simoun? 2- Bakit sa palagay ni Don Timoteo Pelaez ay napakasuwerte niya? ^ Sa handaan ba ay makikitaan ng pantay na pagtrato sa lahat ng bisita? ^lagbigay ng halimbawa at pangatwiranan.
^- Ano'ng ipinahihiwatig ng pagpapakasal ni Paulita at Juanito? ^- Anong ugaling Pilipino ang ipinapakita ni Don Timoteo Pelaez?
Kabanata 35 ANG