• Tidak ada hasil yang ditemukan

MGA HULING SALITA KAY KAPITAN TIAGO

Dalam dokumen Ang Pinaikling Bersiyon (Halaman 86-90)

SESSt "T 8 ? nlya ang kahiiin

Kabanata 29 MGA HULING SALITA KAY KAPITAN TIAGO

ng tiwala at pag-aalinlangan sa kapangyarihan ng Diyos. Agad namang nahintatakutan at umurong si Martin Aristorenas dahil sa sinabi ni Don Primitivo.

Lumapit si Quiroga sa dalawang nagtatalo at inabutan ng isang tabako si Don Primitivo at saka tinanong.

"Sigulo puede kontalata pala isa sabungan con kilisto, a? Pag ako paktay na, akyen kontalista, ja?"

Sa iba namang umpukan ay pinagtatalunan ang isusuot na damit ni Kapitan Tiago. Iminungkahi ni Kapitan Tinong na isang abito ng Pransiskano ang dapat isuot. Nagkataong mayroon nito si Kapitan Tinong, isang luma at tagpi-tagping damit ngunit napakahalaga kaya't binayaran niya ng halagang tatlumpu't anim na piso. Ililigtas daw ng damit na ito ang bangkay sa pagkasunog sa impiyerno. Ipagkakaloob daw niya ito sa mahal na kaibigan sapagkat ni hindi niya nadalaw noong maysakit pa lamang. Tinutulan iyon ng nakarinig na sastre. Sapagkat nakaprak daw ang kaluluwang nakita ng mga mongha, mas makabubuting prak din ang isuot sa lupa ng yumao. Nagkataon ring may nayari na ang sastre na isang prak na nagkakahalaga ng tatlumpu't dalawang piso, di hamak na mas mura ng apat na piso kaysa sa inaalok ni Kapitan Tinong, lalo't suki naman niya ang namatay kaya hindi na niya patutubuan.

Tinanggihan ni Padre Irene ang anumang mungkahi tungkol sa damit na isusuot. Hindi raw mahalaga sa langit kung anuman ang kasuotan sapagkat hindi iyon pinapansin ng Diyos. Ipinasuot na lamang ang isang lumang damit kay Kapitan Tiago.

Pinakamataas na uri ng libing ang inihandog sa yumao. May responso sa bahay at sa daanan at iyon ay pinangungunahan ng tatlong prayle na tila hindi sapat ang isa lang para sa kaluluwa ng yumao. Ipinagkaloob sa namatay ang lahat ng uri ng ritwal at seremonyas. Napakaraming sinunog na insenso at mga inawit na awiting Latin. Maraming inubos na agwa bendita sa pagbabasbas ng kabaong habang panay pa ang pag-awit ng sintunado ni Padre Irene ng Dies irae mula sa koro. Marami rin ang mga kapitbahay na sumakit ang ulo dahil sa katutugtog ng plagerya para sa namatay.

Si Donya Patrocinio na matandang karibal ni KapitanTiago sa pagkamasimbahin ay nagnais na mamatay kinabukasan din upang malibing siya ng higit na dakila at mas kahanga-hanga. Buong akala niya'y nadaig na niya si Kapitan Tiago noong nabubuhay pa ito subalit sa kamatayan ay higit na nagpakita ng karangyaan ang yumaong matandang lalaki.

EL FILIBUSTERISMO . 113

"Ito ang libing ko! Ito ang marunong mamatay!" bulalas m Donya Patrocinio.

TALASALITAAN

Hanapin ang singkahulugan ng mga salita.

l.mapagkalinga 3. dukha 5. sapantaha 2. mabubulid 4. plagerya

GAWAIN

1.

Anong uri ng libing mayroon si Kapitan Tiago?

2.

Paano raw magkakaroon ng isang marangal na burol o libing ang isang tao? 3.Ano ang tunay na dahilan kung bakit tinanggihan ni Padre Irene ang damit na

prak para isuot kay Kapitan Tiago?

4.

Ano ang ipinamalas na ugali ni Donya Patrocinio?

5.

Ano ang naging paksa ng umpukan ng mga tao sa burol ni Kapitan Tiago?

Kabanata 30 SI JULI

NABALITA sa bayan ng San Diego ang pagkamatay ni Kapitan Tiago at ang pagkahuli kay Basiho. Higit na dinamdam ang huling balita sapagkat maaari raw ipatapon o patayin ang binata. Enero din nang bitayin ang tatlong martir sa Cavite at tila naging pamahiin na malas ang buwang ito. Kung ang mga pari nga ay nabitay, si Basilio pa raw ba ang hindi bibitayin?

"Sinabi ko na kasi sa kanya noon pa," wika ng Juez de Paz na tila nga may sinabing payo kay Basilio gayong wala naman.

Masama ang naging palagay ni Hermana Penchang kay Basilio. "Nangyari iyan sa kanya dahil narurumihan siya sa agwa bendita ng simbahan. Hindi niya ginagamit na pang-antanda sa tuwing nagsisimba siya dahil magdadala raw ng sakit. Ayan at pinarusahan siya ng Diyos."

Ikinuwento pa ni Hermana Penchang kung paano siya napagaling ng agwa bendita noong siya'y naempatso.

Ngunit marami ang hindi naniwala at nagsasabing hindi dapat mangyari iyon kay Basilio. Hindi raw ito pinarurusahan ng Diyos. Hindi rin sila naniniwala na may kinalaman ito sa mga paskil sapagkat tahimik at maingat na tao si Basilio. Sa halip ay mas pinaniwalaan nilang paghihiganti ng mga prayle ang nangyari. Naniniwala silang minasama ng korporasyon ang ginawang pagtubos ni Basilio kay Juli sa pagpapaalila kay Hermana Penchang sapagkat ito'y anak ng kalaban nilang tulisan na si Kabesang Tales. Mas naniwala ang marami na iyon ang tunay na dahilan.

"Mabuti at pinalayas ko siya. Ayokong kalabanin ang mga prayle kaya't

114 EL FILIBUSTERISMO

minadali ko siyang humanap ng salaping ipangtutubos kay Juli." Taliwas sa kalooban ni Hermana Penchang ang sinabi sapagkat ayaw niyang mawala sa kanya si Juli. Marami siyang nalikom na indulhensiya dahil kay Juli. Ipinagdarasal at ipinag-aayuno siya ni Juli at sa kinatagalan ay maaaring ipagpenitensya pa siya ng dalaga. Kung ginagawa ng mga kurang manalangin para sa tao at kung nagawa nga ni Kristo na magpapako para tubusin ang kasalanan ng sanlibutan, ano't hindi iyon magagawa sa kanya ni Juli?

Pinuntahan ni Hermana Bali si Juli sa kubong tinitirhan ng dalaga at ito ang nagbalita pati kay Tandang Selo ng tungkol sa nangyari kay Basilio. Tila nabingi si Juli at dalawang ulit pang kinailangang sabihin ng matandang babae ang balita. Animo'y dinaganan ang puso niya kasabay ang pagwasak ng lahat ng kanyang pangarap at kinabukasan. Hinimatay si Juli makaraang saklawin ng matinding takot. Nahimasmasan din ang dalaga sa pamamagitan ng wisik ng agwa bendita, hampas at kurot. Walang tigil ang pag-agos ng luha sa kanyang

mga mata bagama't walang maririnig na anumang tinig na lumalabas sa kanyang bibig. Impit ang kanyang pag-iyak, punong-puno ng hinagpis.

Ang lahat ng bagay sa Pilipinas ay nangangailangan ng padrino. Mula pagbibinyag hanggang kamatayan, usapin sa korte at paghingi ng katarungan, makakuha ng lisensiya at pasaporte, maging ang pagtatayo ng isang negosyo. Ngayon ay wala nang tagatangkilik si Basilio sapagkat namatay na si Kapitan Tiago. Tiyak na hindi palalayain ang binata at sa halip ay baka ipabitay pa kahit walang kasalanan. Wala ng ibang tutulong kay Basilio maliban sa kanya lalo't ang sinasasabing siya ang dahilan ng pagkakabilanggo nito. Napakagat-labi si Juli nang pumasok sa isip si Padre Camorra, ang paring nakatulong para palayain ang kanyang Ingkong na si Tandang Selo. Subalit hindi ito basta nasisiyahan sa isang pagpapasalamat kundi tahasang humihingi ng "pagpapakasakit." Mula noon ay iniwasan na ni Juli kahit ang makasalubong man lang ito sapagkat sa tuwing mangyayari iyon ay napipilitan siyang magmano sa pari, kukurutin pa siya nito at pipisilin ang ilong pati pisngi habang panay ang pagkindat sa kanya. Hindi ba't siya nga ang dahilan nang pananakit ng prayle sa dalawang lalaking nagtangkang mangharana sa kanya? Sa tuwing nakikita siya nitong naglalakad ng tahimik ay nagpaparinig pa ito sa kanya, "Kung gugustuhin mo'y maaari namang mapatawad si Kabesang Tales!"

Malaki ang ipinagbago ni Juli. Ang dating masayahin at maayos manamit na dalaga'y naging tahimik at malungkutin. Hindi na siya ngumingiti, ni hindi umiimik at ayaw tingnan ang sarili sa salamin. Isang araw pa nga'y nakita siya sa bayan na naglalakad ng may dungis ng uling sanoo. Minsan ay naitanong sa kanya ni Hermana Bali kung nahuhulog ba sa impiyerno ang isang taong nagpapakamatay.

"Oo!" At inilarawan pa nga ni Juli ang lugar na ito na animo'y napuntahan na niya.

Pinayuhan siya ni Hermana Bali na magtanong sila sa tribunal kung ano ang maaaring makatulong kay Basilio. Naghanda pa sila ng ibibigay na kauntina

EL FILIBUSTERISMO 115

salapi at pindang na usa na nagmula sa pangangaso ni Tandang Selo. Ayon sa kawani, limitado ang kanyang kapangyarihan at hindi abot sa Maynila ang impluwensiya. Pinayuhan nito ang dalagang lumapit sa hukom. Sinunod nina Juli at Hermana Bali ang sinabi ng kawani at nagtungo sila sa hukom na Juez de Paz. Matamang pinakinggan ng hukom ang pakay ni Juli. Isa lamang ang isinagot ng hukom, ang lapitan si Padre Camorra. Ang prayle lamang daw ang makapagliligtas kay Basilio kung nanaisin nito.

"Alam ninyong siya'y makapangyarihan at maimpluwensiya sa pamahalaan. Hindi ba't siya ang nakatulong para makalaya si Tandang Selo? Sapat ng ebidensiya iyon para makapagligtas siya ng isang bibitayin."

Hindi kumibo si Juli subalit naniwala si Hermana Bali na iyon ang tamang dapat gawin. Handa ang matandang babae na samahan si Juli na magpunta ng kumbento. Batid ni Hermana Bali ang dahilan kung bakit ayaw ni Juli na magpunta ng kumbento. Si Padre Camorra ay tinaguriang Si Kabayo sapagkat sadyang malikot sa babae.

"Hindi ka dapat matakot dahil kasama mo ako! Hindi ba't nakasaad nga sa aklat ng Tandang Basiong Makunat na ang mga dalaga'y sadyang nagpupunta ng kumbento para magsalaysay sa kura ng anumang nagaganap sa loob ng tahanan

kahit pa nga hindi ito alam ng magulang ng babae? At ito'y aprubado ng arsobispo."

Pakiramdam ni Juli, kapag ginawa niya ang bagay na iyon ay susumpain niya ang sarili. Makailang ulit ng may nagpayo na kung gagawa lamang siya "pagpapakasakit" ay maililigtas niya si Kabesang Tales. Hindi nga niya iyon nagawa sa ama, bakit niya gagawin para kay Basilio? Naniniwala siyang maski si Basilio ay isusumpa siya sakaling malaman ito. Mabuti pa sa kanya ang magbigti sapagkat anuman ang gawin niya'y lalabas siyang isang masamang anak.

Pinarunggitan pa si Juli na aanhin naman siya ni Padre Camorra gayong maraming magandang dalaga sa bayan na binanggit pa ang mga pangalan. Siya'y isang tagabukid lamang. At paano nga kung barilin si Basilio?

Sumikat ang araw at bahagyang nagdulot ng pag-asa ang umaga. Kinahapunan ay kumalat ang balitang mayroon ng binaril. Binalot ng matinding pangamba ang gabing iyon ni Juli. Nagpasya siyang sa kinabukasan ay magsadya na ng kumbento at ipagsawalang bahala ang kung anumang mangyayari. Ngunit nang umagang iyon ay muli siyang nagdalawang isip at ni hindi nanaog ng bahay. Saklaw pa rin ng matinding takot ang dibdib sakaling siya'y sumuko na upang magtungo sa kumbento. Dumaan ang mga araw na

116 EL

FILIBUSTERISMO

wala siyang ginawa kundi ang magdasal, umasa ng isang himala at ninanais na ang kamatayan. Halos gabi-gabi siyang hindi dalawin ng antok dahil sa mga pangamba.

Hindi makatulog si Juli. Pakiwari niya ay dadalawin siya ng mga panaginip at bangungot. Nangangamba siya sa mga pangitaing nakikita sa isipan. Si Basilio ay parang hayop na tinutugis at tumindi ang takot niyang baka nga ipabaril na si Basilio kinabukasan. Hanggang sa siya'y makatulog at makita si Basilio na tigmak ng dugo at naghihingalo. Napabalikwas ng bangon si Juli. Magdamag siyang nanangis at walang ibang pangalang tinatawag kundi ang kanyang ina.

Isang biyahero ang dumating at may dalang balita mula sa Maynila. Pinalaya na raw ang lahat ng bilanggo maliban kay Basilio sapagkat wala itong tagapagtanggol. Usap-usapan sa Maynila na ipatatapon na raw sa Carolinas si Basilio at may lagda pang paturiay na hiniling iyon ng kusa ng binata. Nakita pa nga raw ng biyahero ang bapor na sasakyan ni Basilio.

Tuluyang naglaho ang pag-aalinlangan ni Juli at noon din ay nagpasya siya. Nagbihis siya ng pinakamahusay na damit at pinuntahan si Hermana Bali. Nginig ang boses na sinabi niya sa matandang babae na ibig niyang samahan siya nito pagpunta ng kumbento. Natuwa si Hermana Bali at sinikap na alisin ang anumang takot na nararamdaman ng dalaga. Para namang walang narinig si Juli sapagkat nagmadali na itong maglakad patungong kumbento. Nauuna sa paglalakad si Juli dahil sa pagmamadali subalit habang papalapit na sila sa bayan ay muling pinanghinaan ng loob ang dalaga at bumigat ang mga hakbang.

Sa wakas ay nakita na nila ang kumbento at noon nanginig ang katawan ni Juli. "Umuwi na tayo. Bumalik na tayo sa nayon."

Mahigpit siyang hinawakan ni Hermana Bali sa bisig at bahagyang kinaladkad. May kasamang pangangaral ang paghatak na iyon ng matandang babae. Wala daw siyang dapat ikatakot sapagkat kasama ito. Wala raw gagawin sa kanya si Padre Camorra lalo't siya'y isang babaing tagabukid lamang.

Nagmakaawa pa rin si Juli upang hindi sila tuluyang umakyat ng kumbento. "Huwag kang hangal!" bulyaw sa kanya ni Hermana Bali.

Nanlaban si Juli kaya tuluyang nainis ang matandang babae dahil sa kawalan ng tiwala ng dalaga at dahil ayaw maniwalang walang anumang panganib na magaganap.

"Sige, pabayaan mong ipatapon si Basilio o kaya'y ipabaril sa daan pagkaraang sabihing nagtangka siyang tumakas! Sa oras na may mangyaring masama sa kanya ay saka ka magsisisi. Wala akong utang na loob sa kanya kaya wala siyang maisusumbat sa akin!"

Natigilan si Juli sa panunumbat ni Hermana Bali. Kagat-labi siyang sumunod sa utos ng matandang babae. Umakyat sila ng kumbento na panay ang mga tagubilin ng matandang babae.

EL FILIBUSTERISMO 117

Kinagabihan ay naging usap-usapan ang isang pangyayari na hindi nagbabanggit ng pangalan. Isang dalaga ang tumalon sa bintana ng kumbento at bumagsak sa isang batuhan. Patay daw itong dinampot sa batong nakabunton sa ibaba. Samantala ay isa namang babaing animo'y nababaliw ang nagtatakbo at naghihiyaw pababa ng hagdanan ng kumbento. Naging

maingat ang mga tao sa ;

/zizA

Pa§banggitng pangalan ^ at kinurot ng mga ina ang kanilang mga anak na nagiging madulas ang dila. Hindi katagalan ay isang matandang lalaki

ang kumatok sa saradong pintuan ng kumbento, iniuumpog ang ulo at nagsisisigaw ng walang tinig tulad ng isang pipi. Nagtungo rin ito sa gobernadorsilyo, sa Juez de Paz, sa kuwartel hanggang muling nagbalik ng nayon at doon nanangis ng animo'y bata. Malalim na ang gabi'y naririnig pa rin ang kanyang panangis. Walang magawa ang mga lalaking nakakarinig kundi ang magtimpi.

Ang mga babae nama'y nagsipagdasal. "Diyos ko po, wala pong mayaman o mahirap sa inyo. Ikaw ang magbibigay sa amin ng katarungan."

Sumabad ang asawa sa dasal ng babae. "Kung ang Diyos na itinuturo nila ay totoo at hindi isang pandaraya... dahil sila mismo ang unang-unang hindi naniniwala at sumusunod sa Kanya!"

Ikawalo ng gabi, mahigit na pitong prayle mula iba't ibang mga kalapit na bayan ang nagpunta ng kumbento upang doon magpulong-pulong.

Kinabukasan ay tuluyang nawala si Tandang Selo, umalis na bitbit ang kanyang sibat na gamit sa pangangaso.

TALASALITAAN Hanapin ang singkahulugan ng mga salita.

1.

pag-aayuno 3.

padrino 5. tinutugis

2.

tigmak 4. pinarunggitan

GAWAIN

1.

Ano ang haka-haka ng mga tao sa sinapit ni Basilio? Alin sa mga ito ang sa palagay ninyo ang mas totoo? Pangatwiran.

2.

Ano ang piano ni Hermana Penchang kay Juli kaya ayaw pakawalan?

3.

Ipaliwanag kung bakit ang lahat ng tao sa Pilipinas ay nangangailangan ng padrino.

118 EL FILIBUSTERISMH

4.

Taos ba sa puso ni Padre Camorra ang pagtulong kay Juli? Pangatwirmi

5.

Ilarawan ang sinapit na kapalaran ni Juli? Ano ang nagtulak upang sapilli niya ang ganoon?

Kabanata 31 ANG MATAAS

Dalam dokumen Ang Pinaikling Bersiyon (Halaman 86-90)

Dokumen terkait