Liturgical Songs
Alay-Lingkod1. Kung di mahuhulog sa lupa ang palay, paanong aani sa kanya ng buhay? Kung di malulunod ang lupa sa bukid, paanong ang tanim sa kanya’y
hihimlay? KORO1: Maligaya ang buhay ng magsasaka dahil lingkod siyang aba ng Sangnilikha.
2. Kung di mahahain ang isda sa dagat, paanong magyayaman ang buhay na salat? Kung di magpupuyat ang Bangka at lambat, walang maiaalay ang tubig-alat. KORO2: Kalangitan ang tahanan ng mangingisda dahil lingkod siyang aba ng Sangnilikha.
KORO3: Aking diwa at puso ay inialay Gawing lingkod aba nawa ng Sangnilikha. Maging lingkod nawa ng Manlilikha.
Ama Kong Mahal KORO: Ang Panginoon ang kaligtasan ko.
O Ama, Ikaw ang aking ilaw, magpakailanman.
1. Walang ikatatakot ang aking buhay, Amang mapag-aruga ang aking takbuhan. Maging ang karimlan ma’y magbadya ng sindak, Kapiling Ko ang Ama Kong mahal. (KORO) 2. Ako ma’y pagtangkaan nilang ilayo sa Iyo. Pagbantaan man akong bihagi’t hamakin. Ikaw ang magkakalas ng puso kong gapos. Kalasag
ko ang Ama kong mahal. (KORO) 3. Ang ‘Yong
pananahan sa aba kong puso. Mukha Mong maamo at tinig Mong kay tamis. Ay hanap-hanap ko saan man maghantong. Tahanan ko ang Ama kong mahal. (KORO)
Ang Panginoon ang aking Pastol KORO: Ang Panginoon ang aking Pastol, Pinagiginhawa akong lubos. 1. Handog Niyang himlaya’y sariwang pastulan, ang pahingahan ko’y payapang batisan. Hatid sa kalul’wa ay kaginhawaan, sa tumpak na landas Siya ang patnubay. (KORO)
2. Madilim na lambak man ang tatahakin ko, wala akong sindak Siya’y kasama ko. Ang hawak Niyang tungkod ang Siyang gabay ko. Tangan Niyang pamalo, sigla’t tanggulan ko. (KORO)
Ang Tanging Alay Ko 1. Salamat sa Iyo,
aking Panginoong Hesus. Ako’y inibig Mo, at inangking lubos.
KORO: Ang tanging alay ko sa’Yo aking Ama, ay buong buhay ko, puso at kaluluwa Hindi makayanang
makapagkaloob: mamahaling hiyas ni gintong nilukob. Ang aking dalangin, O Diyos, ay tanggapin. Ang tanging alay ko, nawa ay gamitin. Ito lamang Ama, wala nang iba pa aking hinihiling.
Liturgical Songs
2. Di ko akalain na akoay binigyang pansin. Ang taong tulad ko’y di dapat mahalin. (KORO) Awit ng Paghahangad
1. O Diyos, Ikaw ang lagging hanap. Loob ko’y Ikaw ang tanging hangad. Nauuhaw akong parang tigang na lupa. Sa tubig ng ‘Yong pag-aaruga. 2. Ika’y pagmamasdan sa dakong banal. Nang Makita ko ang ‘Yong pagkarangal. Dadalangin akong nakataas aking kamay. Magagalak na aawit ng papuring iaalay. KORO: Gunita ko’y Ikaw habang nahihimlay. Pagkat ang tulong Mo sa twina’y taglay. Sa lilim ng Iyong mga pakpak, umaawit akong buong galak.
3. Aking kaluluwa’y kumakapit sa’Yo. Kaligtasa’y tiyak kung hawak Mo ako. Magdiriwang ang Hari, ang Diyos Syang dahilan. Ang sa Iyo ay nangako galak yaong makakamtan. (KORO)
Awit ng Paghilom KORO: Panginoon ko, hanap-hanap Ka ng puso. Tinig Mo’y isang awit paghilom.
1. Ang baling ng aking diwa ay sa’Yo. Huwag nawang pababayaang masiphayo. Ikaw ang buntong hininga ng buhay. Dulot Mo’y kapayapaan, pag-ibig. (KORO) 2. Ako’y akayin sa daang matuwid. Huwag nawang pahintulutang mabighani. Nang panandalian at huwad na rilag. Ikaw ang aking tanging tagapagligtas. (KORO) 3. Sigwa sa’king kalooban ‘Yong masdan. Pahupain ang bugso ng kalungkutan. Yakapin ng buong higpit ‘Yong anak. Nang mayakap din ang bayan Mong ibig. (KORO) Bawat Sandali
Bawat sandali dalangin ko’y binibigkas. Nang masilayan Kang maaliwalas. Nang ibigin Ka, Panginoon, buong wagas. Nang aking masundan ang ‘Yong bakas. (Ulitin)
Bawat sandal hangad Kita, ang Siyang landas.
Bayan, Magsi-awit na! KORO: Bayan, magsi-awit na! Bayan, pinagpala ka! Dakilang biyayang pangako Niya sumilay na!
1. Sinauna Mong hangarin ang tao nga’y tubusin. Upang Siya ay makapiling, mapag-irog na Diyos natin. (KORO)
2. Sa aba Niyang pagkatao sa buhay Niya sa mundo. Inihayag Kanyang puso, tinig ng Ama nating Diyos. (KORO) 3. Pananatili Niyang tunay, ‘Spiritung ating gabay. Kahulugan at pag-asa, pagmamahal at biyaya. (KORO) Bayan, Umawit KORO: Bayan, umawit ng papuri sapagkat ngayon ika’y pinili. Iisang bayan,
Liturgical Songs
iisang lipi. Iisang Diyos,iisang Hari. Bayan, umawit ng papuri. Bayan, umawit ng papuri. 1. Mula sa ilang ay tinawag ng Diyos. Bayang lagalag inangkin ng lubos. Pagkat kailanma’y di pababayaan minamahal Niyang kawan. (KORO) Butihing Diyos 1. Panginoon aking
gabay, ituro sa’kin ang ‘Yong daan. Akayin sa’Yong katotohanan. Ikaw ang aking
kaligtasan.
KORO: Butihin at mat’wid ang Panginoon,
pumapatnubay sa mababang loob.
2. Ang ‘Yong awa’t kabutihan alalahanin, Panginoon. H’wag ang sala at pagkukulang dahil sa’king kabataan. (KORO)
3. Ang may takot sa’Yo O Diyos,
mananahang masagana. Ang ‘Yong tipan ituturo Mo. Sa’ki’y Ikaw ang pag-asa. 4. Ako ay laging babaling sa Kanya. Ang kaligtasan Niya’y pag-asa at tanging hangad. Dunong ng Puso KORO: Panginoon sa puso ko’y ituro Mo dunong ng puso Mo.
1. Pusong dalisay likhain Mo sa’kin. ‘Sang diwang matatag sa puso ko’y ihain. Sa piling Mo sa t’wina ako’y ilapit. Diwa Mong banal h’wag Mong ipagkait. (KORO) 2. Puso’y gawaran ng kaligtasan. Patibayin sa akin tapat na kalooban. Landas Mo ay aking ihahayag. May sala sa’Yo ay
mapapanatag. (KORO)
3. Mag-alay man ako susunuging handog. Sa’Yong dambana’y ‘di kalugod-lugod. Pusong nagsisisi tanging sasapat sa’Yo. Pusong nagmamahal, pusong laan sa’Yo. Kapuri-puri Ka 1. Kapuri-puri Ka,
Diyos Amang
lumikha ng lahat. Sa Iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay. Mula sa lupa at bunga ng aming paggawa. Ang tinapay na ito para
maging pagkaing nagbibigay-buhay. KORO: Kapuri-puri ang Poong Maykapal, ngayon at magpakailanman. Kapuri-puri ang Poong Maykapal, ngayon at magpakailanman. 2. Kapuri-puri Ka, Diyos Amang lumikha ng lahat. Sa Iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay. Mula sa ubas at bunga ng aming paggawa. Ang alak na ito para maging inuming nagbibigay lakas. (KORO) Kung ‘Yong Nanaisin
1. Kung ‘Yong nanaisin, aking aakuin. At
babalikatin ang Krus Mong pasanin. 2. Kung ‘Yong iibigin
Liturgical Songs
Koronang inangkinpantubos sa amin. KORO: Kung pipiliin, abang alipin. Sabay tahakin Krus na landasin. Galak ay akin, hapis ay di pansin. Ang ‘Yong naisin, siyang susundin. 3. Kung ‘Yong hahangarin, Kita’y aaliwin. At kakalingain, lumbay papawiin. (KORO) Halina, Lumapit sa Akin
1. Kaibigan, tantuin mong isang paglalakbay ang buhay. Sanga-sangang landas ay may kahirapan. Kung may lungkot o panganib sayo’y biglaang dumalaw. O kung ikaw ay mapagod sa bigat ng iyong pasan, Panginoon ang balingan, Panginoon ang asahan.
KORO: Wika Niya’y “Halina, Lumapit sa Akin. Kayong mga napapagal Aking pagiginhawahin. Bigat ng iyong pasanin, ay Aking pagagaanin. Halina,
kaibigan, lumapit sa Akin.” 2. Kaibigan, tantuin
mong isang paglalayag ang buhay. Maalon ang dagat at may kalaliman. Kung may unos at may hanging di mo kayang paglabanan. O sa gabing kadiliman ni tala ay walang tanglaw. Panginoon ang balingan, Panginoon ang asahan. (KORO) Halina’t Umawit KORO: Halina’t umawit ng may kagalakan, Ang Diyos ay papurihan. Pag-ibig
Niya’y tunay na walang hanggan, Siya’y
pasalamatan.
1. Ibahagi natin ating karanasan, pag-asang nasumpungan. Pagtatagumpay sa kadilima’y lagging ihahayag. (KORO) 2. Umawit sa Diyos nang walang pangamba kayong nangagdurusa. Pagmamahal Niya na dakila, lakas ng mahihina.(KORO) Hangarin ng Puso ko KORO: Hangarin ng puso ko, Yahweh, makapagkaisang loob sa inyo ng lubusan at masumpungan. 1. Mapalad siyang hindi naaakit ng masama, sa palalong buhay di mapariwara. Kayo’y nais niyang kapisan
at tinig Niyo’y laging hanap. Galak niyang kayo ay matagpuan gabi at araw. (KORO) 2. Katulad niya’y luntiang punong nakatanim, katabi ng umaagos na batis. Ang bawat niyang mithiin, ang bawat niyang Gawain. Nagtatagumpay, nagbubunga ng kapayapaan. (KORO) 3. Hangarin ng puso ko, O Yahweh ng buhay ko. Masumpungan Ka ng sangnilikha nang habambuhay. (KORO)
KODA: Hangarin ng puso ko, Yahweh (hangarin ng buhay ko Yahweh) Magkaisa ang loob ko sa Inyo!
Liturgical Songs
Hindi Kita MalilimutanHindi kita malilimutan, hindi kita pababayaan. Nakaukit magpakailanman sa’King palad ang ‘yong pangalan. Malilimutan ba ng ina ang anak na galing sa Kanya? Sanggol sa kanyang sinapupunan, paano niya matatalikdan? Ngunit kahit na malimutan ng ina ang anak niyang tangan. Hindi kita
malilimutan, kailanma’y di pababayaan. Hindi kita malilimutan, kailanma’y di pababayaan.
Huwag Kang Mangamba KORO: H’wag kang
mangamba, ‘di ka nag-iisa. Sasamahan kita, saan man magpunta. Ika’y mahalaga sa’King mga mata.
Minamahal Kita, minamahal Kita. 1. Tinawag kita sa’yong pangalan, ikaw ay Akin magpakailanman.
Ako ang Panginoon mo at Diyos,
tagapagligtas mo at tagatubos. (KORO) 2. Sa tubig kita’y
sasagipin, sa apoy ililigtas man din. Ako ang Panginoon mo at Diyos, tagapagligtas mo at tagatubos. (KORO) Huwag Limutin 1. Huwag limutin nakaraang araw; sariwain kahit balik-tanaw. Takipsilim di man mapigilan, sandal lang ang dilim.
2. ‘Yong bilangin ang bawat sandaling kagalaka’y wari’y walang patid. Magkasama tayo sa pagsapit ng ‘sang langit sa daigdig. KORO: Minamahal kitang tunay, ang tinig Ko sa’yo’y bubuhay. Sambitin mo ang
aking himig, at Ako’y sa Iyo’y aawit. 3. Alaala ng pagkakaibigan, sa puso itago’t ingatan. Sa pagsilay ng bukas tignan, ala-ala’t puso’y iisa. (KORO) Huwag Mangamba 1. Kahit di malinaw ‘yong patutunghan, kahit di matanaw ang kinabukasan. Huwag mangamba, lagi kitang pangungunahan. Magtiwala Ako’y sundan.
2. Lahat ng takot mo’y Aking naranasan. Lahat ng hirap mo’y Aking naraanan. Kailan Ako di naasahan? Kailan kita pinabayaan? Magtiwala Ako’y sundan.
KORO: Huwag mangamba, huwag mabalisa, huwag mabahala. Sa ligalig, hindi kita padarakma. Manalig ka, magtiwala, at
mapayapa. Pag-ibig Kong kalasag mo’y sapat na.
3. Kahit di malinaw Aking kalooban. O makitid ang pinatatahak Kong daan. Asahan mong kapayapaa’y matatamo sa hantungan. Magtiwala Ako’y sundan. (KORO) Inang Mahal 1. Inang mahal, Mariang Ina sa kandungan mo’y nahimlay. Ang sanggol mong aming buhay. Pakinggan mo at ihatid aming mga panalangin. Kay Hesus na kaligtasan naming.
Liturgical Songs
KORO: Pag-ibig mo, Inangkay tamis. Ipadama mo sa aming tumatangis. Turuan mo kaming magmahal. Kay Hesus, aming tagapagligtas. 2. Inang mahal, huwaran ka ng pagsisilbi sa Diyos. Sa pag-akap mo kay Hesus. Pakinggan mo ang panalangin naming matularan ka. Sa tindi ng pag-ibig mo sa kanya. (KORO) Inay 1. Sa mahinahong paalam ng araw, sa pag-ihip ng hanging kahapunan. Balabal ko’y init ng iyong pag-ibig sa dapit-hapong kay lamig. 2. Mga bituin kay
agang magsigising. Umaandap,
mapaglaro man din. Iyong ngiti hatid
nila sa akin sa diwa ko’t panalangin. KORO: Puso ko’y
pahimlayin, Inay. Upang yaring hamog ng gabing tiwasay. Ay madama ko bilang damping halik ng ‘yong anak. Ay! Irog kong Inay.
3. Sa palad niyo itago aking palad. Aking bakas sa inyong bakas ilapat. At iuwi sa tahanan kong dapat sa piling ng inyong anak. (KORO) Ito ang Araw KORO: Ito ang araw na ginawa ng Panginoon; tayo’y magsaya at magalak.
1. Magpasalamat kayo sa Panginoon, butihin S’ya, Kanyang gawa’y walang hanggan. Sabihin ng sambayanan ng Israel, “Walang hanggan Kanyang awa.” (KORO) 2. Kanang kamay ng Diyos saki’y
humango. Ang bisig Niya sakin ang tagapagtanggol. Ako’y hindi mapapahamak kailan man. Ipahahayag ko, L’walhati Niya. (KORO) 3. Ang aking Panginoon, moog ng buhay. S’ya ang batong tinanggihan ng tagapagtayo. Kahanga-hanga sa aming mga mata. Gawain Niya; Purihin Siya! (KORO)
Magalak Tayo sa Diyos KORO: Magalak tayo sa Diyos. Ngalan Niya’y ipagbunyi!
1. Ipamamalita ng mga bansa
kadakilaan Mo’t gawa. Ihahayag ang ‘Yong kabutihan at pag-ibig sa
santinakpan. (KORO)
2. Kinahahabagan Mo ang lahat kahit sa’Yo ay ‘di tapat. Dapat Ka ngang pasalamatan sa’Yong awang walang hanggan. (KORO)
3. Kami ay lubos Mong iningatan, inaruga sa Iyong
pagmamahal. Ikaw nga’y matuwid sa Iyong mga gawa. Purihin ang Diyos, ang Ama. Purihin magpakailanman. (KORO)
Manalig Ka
1. Iluom lahat ng takot sa inyong
damdamin, ang pangalan Niya lagi
Liturgical Songs
ang tawagin at Siya’y nakikinig sa bawat hinaing. 2. Magmasid at mamulat sa Kanyang kapangyarihan. Nabatid mo ba na Siya’y naglalaan. Patuloy na naghahatid ng tunay na kalayaan. KORO1: Manalig ka, tuyuin ang luha sa mga mata. Hindi Siya panaginip, hindi Siya isang pangarap. Siya ay buhay, manalig ka.3. Ang ngayon tila walang mararating na bukas. Ngunit kung Siya ang ating hayaang
maglandas. Pag-asa ay muling
mabibigkas. (KORO1)
KORO2: Manalig ka, tuyuin ang luha sa mga mata. Hidi Siya natutulog, hindi nakakalimot. Kay Hesus,
manalig ka. Kay Hesus, manalig ka.
Manatili Ka Manatili ka kahit sandali, hihilumin Ko ang ‘yong sarili. Bakit lagi kang nagmamadali? Di malilisan ang iyong pighati?
Isaysay sa’Kin lahat mong pait. Yayakapin Ko lahat mong sakit. Manahimik na’t mata’y ipikit. Bubulungan ka ng ‘sang oyayi.
Kailan titigilan ang ‘yong katatakbo. Kailan pipigilan pagpasan mo sa mundo? Manatili ka kahit sandali, buuin muli ang ‘yong sarili. Magtiwala ka’t tayo’y magwawagi. Ang pulang ulap ay mahahawi. Mariang Ina Ko 1. Sa’king paglalakbay, sa bundok ng buhay. Sa ligaya’t lumbay, maging talang gabay.
KORO: Mariang Ina ko, ako ri’y anak mo. Kay Kristong kuya ko, akayin mo ako. Kay Kristong kuya ko, akayin mo ako.
2. Maging aking tulay, sa langit kong pakay. Sa bingit ng hukay, tangnan aking kamay. (KORO) 3. Sabihin sa Kanya, aking dusa’t saya. Ibulong sa Kanya, minamahal ko Siya. (KORO)
Minamahal Kita 1. Ako ang kamay na
may hawak sa’yo, ang nagmamatyag, nag-aaruga nang hindi ka mabahala. Halika na’t h’wag mag-alala. 2. Ako ang saligang
maasahan, hindi matitinag ng ‘yong kalaban. Tunay Akong tapat kailanman. Halina’t pangako Ko’y panghawakan. KORO1: Narito Ako. Hindi ka nag-iisa. Minamahal Kita.
3. Ako ang araw na liliwanag at magtataboy sa karimlan. Sa mga bumabagabag sa’yo, ika’y babalutin sa’King pagsuyo. (KORO1) KORO2: Narito Ako. H’wag kang mangangamba. Hindi ka nag-iisa. Sa’Ki’y
makakaasa. Kapiling mo Ako sa t’wina. Alalahanin mong minamahal Kita.
Naririto
KORO: O Diyos naririto ang Iyong lingkod. Kalingain Mo’t padalisayin.
1. Kaloob Mo sa’ki’y ang ‘Yong
kabutihan. Aking wiwikain, “Kaw ang
Liturgical Songs
aking Diyos, OPanginoon.” (KORO) 2. Ang Iyong biyaya ay
kahanga-hanga. Ang lahat sa akin ay Ikaw lamang O aking Poon. (KORO) 3. Ang ‘Yong
katapata’y laging umaakay.
Pupurihinh tuna yang Iyong Ngalan magpakailanman. (KORO)
KODA: O Diyos naririto ang Iyong lingkod. O aking Diyos, aking Diyos!
Narito Ako KORO: Panginoon, narito ako. Naghihintay sa utos Mo. Lahat ng yaman ko ay alay ko sa’Yo. Ikaw ang tanging buhay ko.
1. Batid ko nga at natanto. Sa Kasulatan, ‘Yong turo. Pakikinggan at itatago sa sulok ng puso. (KORO) 2. ‘Yong pagligtas ihahayag. Hanggang sa dulo ng dagat. Pagtulong Mo’t pusong dalisay aking ikakalat. (KORO) O, Bayan ng Diyos *O, bayan ng Diyos, itaas ang kamay at magdiwang! (at magdiwang!)
Awit ng sigla, ibaling sa kalangitan. Purihin ang Diyos na buhay! Tayo’y Kanyang mahal, inaaruga na’t kinagigiliwan pa. Pag-ibig Niya’y kay lalim kay saya! (kay lalim kay saya!)
Pag-aalaala KORO: Bayan, muling magtipon, awitan ang Panginoon. Sa piging sariwain, pagliligtas Niya sa atin.
1. Bayan, ating alalahanin, panahong tayo’y inalipin. Nang
ngalan Niya’y ating sambitin. Paanong di tayo’y lingapin? (KORO)
2. Bayan, walang sawang purihin, ang Poon nating
mahabagin. Bayan, isayaw ang
damdamin, kandili Niya’y ating awitin. (KORO)
Pag-aalay
1. Panginoon, aming alay itong alak at tinapay. Sa altar Mo, ilalagay tanggapin sa Iyong kamay.
2. Alay namin, aming buhay, bawat galak at lumbay. Bawat pangarap naming taglay, sa palad Mo ilalagay. 3. Itong alak at tinapay, magiging si Kristong tunay. Gawin pati aming
buhay pagkat sa’Yo dumalisay.
Pagbabasbas Panginoong lumikha ng kalangitan at lupa. Ang sansinukuban ay di sukat sa’Yong kadakilaan. Ano pa kaya itong abang tahanan? Ngunit Ikaw ang Ama na sa ami’y nagkalinga. Sa harap ng ‘Yong dambana, kaya sasamo ng madla. Magdalang habag Ka. KORO: Pumanaog Ka, Poon, sa tahanang laan sa’Yong kaluwalhatian. Puspusin Mo ng biyaya ang dumudulog sa’Yong dambana. Pagkakaibigan 1. Ang sinuman sa Aki’y nananahan, mananahan din Ako sa kanya. At kung siya’y mamunga ng masagana. Siya sa Ama’y nagbigay ng karangalan.
Liturgical Songs
KORO: Mula ngayon,kayo’y Aking kaibigan. Hinango sa dilim at kababaan. Ang kaibiga’y mag-aalay ng sarili niyang buhay. Walang hihigit sa yaring pag-aalay.
2. Kung paanong mahal Ako ng Aking Ama, sa inyo’y Aking ipinadarama. Sa pag-ibig Ko, kayo sana ay Manahan. At bilin Ko sa inyo ay magmahalan. (KORO)
3. Pinili ka’t hinirang upang mahalin, nang mamunga’t bunga mo’y panatilihin. Humayo ka’t mamunga ng masagana. Kagalakang walang hanggang ipamamana. (KORO) Paghahandog 1. Ang himig Mo, ang
awit ko, lahat ng ito’y nagmula sa Iyo. Muling ihahandog sa’Yo, buong puso kong inaalay sa’Yo. KORO: O Diyos, O Panginoon, lahat ay biyayang aming inampon. Aming buhay at kakayahan, ito’y para lamang sa’Yong kal’walhatian.
2. Ang tanging ninanais ko ay matamo lamang ang pag-ibig Mo. Lahat ay iiwanan ko wala nang kailangan sapat na ito. (KORO) Paghahandog ng Sarili Kunin Mo, O Diyos, at tanggapin Mo:
Ang aking kalayaan, ang aking kalooban, isip at gunita ko. Lahat ng hawak ko, ng loob ko ay aking alay sa’Yo.
*Nagmula sa’Yo ang lahat ng ito, muli kong handog sa’Yo. Patnubayan Mo’t paghariang lahat ayon sa kalooban Mo. Mag-utos Ka, Panginoon ko, dagling tatalima ako. Ipagkaloob Mo lang ang pag-ibig Mo. At lahat ay tatalikdan ko. (*) koda: tatalikdan ko..
Pag-ibig Ko
1. Hindi ka kailangang magbago, kahit ito’y mas ibig Ko. Hindi ka kailangang magsikap ng husto upang ika’y ibigin Ko.
KORO: Iniibig Kita, manalig ka sana. Ako’y kapiling mo kahit ikaw pa ma’y
mapalayo. 2. Kailan magwawakas ang ‘yong pagtatago? Ako’y naghihintay sa’yo. Lumapit ka lamang, ang puso Ko’y hagkan. Pag-ibig
Ko’y walang hanggan. (KORO) Pag-ibig Mo, Yahweh KORO: Pag-ibig Mo, Yahweh, na di
magmamaliw. Ang sa tuwina’y aking aawitin.
1. Ang ngalan Mo’y laging sasambitin, at pag-ibig na walang maliw. ‘Sintatag ng langit ang ‘Yong katapatan. Sa pangakong sa’min ay iniwanan. (KORO) 2. Umaawit kaming likha sa langit, ang ‘Yong gawa’y s’yang dinadalit. ‘Yong katapata’y laging sinasambit. Walang ibang sa’Yo’y makahihigit. (KORO) 3. Mapalad ang sa’Yo’y sumasamba, sa pag-ibig mabubuhay siya. At
Liturgical Songs
dahil sa wagasMong pagsinta. Tana’y tigib ng karangalan. (KORO) Paglingap Mo, Poon KORO: O Poon, paglingap Mo nawa’y idulot sa amin ng lubusan. 1. Minamahal Mo kaming lubos sa awa’t biyaya’y puspos. Paglingap sami’y pinagkaloob, inahon sa pagkasubasob. (KORO) 2. Kinalugdan Mo kaming lahat ng pag-ibig na matapat. At kahit na hindi nararapat, kami’y tinubos Mong ganap. (KORO) 3. O Diyos h’wag sanang manghihinawa sa’ming pagpapariwara. Sa masama kami ay ilihis, pagkat ‘Yong paglingap nais makamit. Upang aming pusong sa sala’y tigib, maging kaisa Mong lagi. (KORO)
Pagpalain Kailanman KORO: Nawa’y kahabagan tayo ng Diyos, at pagpalain kailanman.
1. Tayo nawa’y
kahabagan ng Ama, tayo’y nilingap Niya. Makikilala sa lupa, Kanyang pagliligtas, pagmamahal. (KORO)
2. Purihin Siya, mga bansa, ang Diyos, ang Hari at Ama. Tayo’y magpuri, magdiwang, pagkat katarunga’y namamayani. (KORO) 3. Pinagpala tayo ng Diyos; daigdig Niya’y tigib kabanalan! Bagong umagang sumikat, napawi ang takot at kaba. Diyos naming Ama! (KORO)
Pagsibol
1. Bawat huni ng ibon sa pag-ihip ng amihan, wangis Mo’y aking natatanaw. Pagdampi ng umaga sa nanlamig kong kalamnan, init Mo’y pangarap kong hagkan.
KORO1: Panginoon, Ikaw ang kasibulan ng buhay. Puso’y dalisay kailanpaman. Ipahintulot Mong ako’y mapahandusay, sa sumasaibayong kaginhawahan. 2. Nangungulilang malay, binulungan ng tinig Mong nagdulot ng katiwasayan. Paghahanap katuwiran, nilusaw Mo sa simbuyong karilagan ng pagmamahal. (KORO1)
KORO2: Panginoon, Ikaw ang kasibulan ng buhay. Puso’y dalisay kailanpaman. Ipahintulot Mong ako’y mapahandusay, sa sumasaibayong kaginhawahan. Dalangin pa sana’y mapagtanto kong tunay. Kaganapan ng buhay ko’y Ikaw lamang.
Pagtawag at Tugon KORO: Ang aking buhay O Diyos aking iaalay pagkat pag-ibig Mo’y lubhang dalisay. Ang aking buhay O Diyos aking ilalaan sa paglilingkod sa bayan Mong sinisinta’t mahal.
1. Tanging hangad Ika’y paglingkuran. Ikaw ang Diyos na
Liturgical Songs
sa aki’y unangnagmahal. Narito ako, isugo Mo. Narito ako,
handang tumugon. (KORO)
KODA: Panginoon, isugo Mo ako!
Panalangin Maging Bukas-Palad **Panginoon, turuan Mo akong maging bukas-palad. Turuan Mo akong
maglingkod sa Iyo. Na magbigay ng ayon sa nararapat na walang hinihintay mula sa’Yo. Na makibakang di
inaalintana, mga hirap na dinaranas. Sa tuwina’y magsumikap na hindi humahanap ng kapalit na kaginhawahan. Na di naghihintay kundi ang aking mabatid na ang loob Mo’y Siyang sinusundan. (**) Pananagutan 1. walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang. Walang sinuman ang namamatay para sa sarili lamang.
KORO: Tayong lahat ay may pananagutan sa isa’t-isa. Tayong lahat ay tinipon ng Diyos na kapiling Niya.
2. Sa ating
pagmamahalan at paglilingkod sa kanino man. Tayo ay nagdadala ng balita ng kaligtasan. (KORO) Pananalig 1. Sa puso kong umiibig, walang nananaig. Kundi yaong pananalig sa Sintang iniibig. KORO: Hindi Ka man masilayan, at init Mo’y maglaho nang tuluyan. Pag-ibig ko sa’Yo at katapatan, mananatili kailan pa man. 2. Bawat tao’y nalulumbay, at di mapalagay. Hangga’t hindi nahihimlay sa puso Mong dalisay. (KORO) Pananatili
1. H’wag mong naising lisanin kita. Wala ‘kong hangaring ika’y mag-isa. Sa’n man magtungo ako’y sasabay, magkabalikat sa paglalakbay. Mananahan sa tahanang sisilong sa’yo. Yayakapin ang landasin at bayan mo. 2. Poon mo ay aking ipagbubunyi at iibigin ng buong sarili. Sa’n man abutin ng paghahanap, ikaw at ako’y magkasamang ganap. Ipahintulot nawa ng Panginoon. Ni kamataya’y maglalaho, anino ng kahapon.
3. Dahil pag-ibig ang alay sa’yo,
mananatili ako. H’wag nang naising tayo’y mawalay. H’wag nang isiping magwawakas ang paglalakbay. (Ulitin 1)
Koda: H’wag nang naising lisanin kita... Ooh..
Panginoon, Aking Tanglaw 1. Panginoon, aking
Tanglaw, tanging Ikaw ang Kaligtasan. Sa panganib,
ingatan ako, ang lingkod Mong nananalig sa’Yo. KORO: Ang tawag ko’y ‘Yong pakinggan, lingapin Mo at kahabagan.
Liturgical Songs
2. Anyaya Mo’y lumapit sa’Yo. H’wag magkubli, huwag Kang magtago. Sa bawat sulok ng mundo, ang lingkod Mong hahanap sa’Yo. (KORO)3. Panginoon, aking tanglaw, tanging Ikaw ang Kaligtasan. Sa masama, ilayo Mo ako, ang sugo Mong umiibig sa’Yo. Purihin ang Panginoon KORO: Purihin ang Panginoon, umawit ng kagalakan. At tugtugin ang gitara at ang kaaya-ayang lira. Hipan ninyo ang trumpeta.
1. Sa ating
pagkabagabag, sa Diyos tayo’y tumawag. Sa ating mga kaaway, tayo ay Kanyang iniligtas. (KORO)
Sa Diyos Lamang Mapapanatag KORO: Sa Diyos lamang mapapanatag ang aking kaluluwa. Sa Kanya
nagmumula ang aking pag-asa at kaligtpag-asan.
1. O Diyos, Ikaw ang aking kaligtasan, nasa’Yo aking kal’walhatian. Ikaw lamang, aking inaasahan: ang aking moog at tanggulan. (KORO) 2. Paniniil di ko pananaligan, puso’y di ihihilig sa yaman. Kundi sa Diyos na makapangyarihan, na aking lakas at takbuhan. (KORO) 3. Poon, Ika’y puno ng
kabutihan, Pastol Mong nagmamahal sa kawan. Inaakay sa luntiang pastulan, tupa’y hanap Mo kung mawaglit man. (KORO) Sa Hapag ng Panginoon KORO: Sa hapag ng Panginoon, buong bayan ngayo’y nagtitipon. Upang pagsaluhan ang kaligtasan, handog ng Diyos sa tanan.
1. Sa panahong tigang ang lupa, sa
panahong ang ani’y sagana. Sa panahon ng digmaan at kaguluhan, sa panahon ng kapayapaan. (KORO)
2. Ang mga dakila’t dukha, ang banal at makasalanan. Ang bulag at lumpo, ang api at sugatan. Ang lahat ay inaanyayahan. (KORO) Sa’Yong Piling 1. Tinawag Mo ako, O Panginoon. Dagli akong tumugon sa tinig Mo. Tanda ng pasasalamat sa pag-ibig Mo na sa tuwina’y nadarama ko. Ako’y namangha sa’Yong kabutihan; tunay na wala Kang katulad.
KORO: Sa bawat sandali ng aking buhay Ikaw ang s’yang gabay. Sa oras ng lungkot, pagkabigo, ako’y muling binubuo. Luha ko’t pasakit ay Iyong
pinaparam. Sa paglubog nitong araw, sa pagsapit ng dilim. Ang tangi kong hiling ay humimlay sa’Yong piling.
2. Labis ang galak ko, Panginoon, pagkat Ikaw lamang sa buhay ko. Kagandahang-loob Mo ay walang hanggan. Biyayang lubos kailanman.
Liturgical Songs
Katapatan Mo ay di magmamaliw. Kailan pa ma’y s’yang aking sandigan. (KORO) Tinapay ng Buhay KORO: Ikaw, Hesus, ang tinapay ng buhay,binasbasan, hinati’y inialay. Buhay na ganap ang sa ami’y kaloob. At pagsasalong walang hanggan.
1. Basbasan ang buhay naming handog, nawa’y matulad sa pag-aalay Mo. Buhay na laan ng lubos sa mundong sa pag-ibig ay kapos. (KORO) 2. Marapatin sa kapwa maging tinapay, kagalakan sa nalulumbay. Katarungan sa naaapi, at kanlungan ng bayan Mong sawi. (KORO)
Tubig ng Buhay KORO: Tubig ng buhay, paglalakbay patungo sa bagong buhay. O
HesuKristo, aming gabay, basbasan Mo ang aming alay.
1. Bukal ng liwanag, nagbibigay ilaw sa mga bulag. Kami’y lumalapit sa Iyong batis upang makakita. (KORO) 2. Bukal ng pag-ibig, nagbibigay kulay sa buong daigdig. Kami’y lumalapit sa Iyong batis upang magmahal. (KORO) 3. Bukal ng pag-asa, nagbibigay buhay sa nagkasala. Kami’y lumalapit sa Iyong batis upang mangarap pa. (KORO) Unang Alay KORO: Kunin at tanggapin ang alay na ito. Mga biyayang nagmula sa pagpapala Mo. Tanda ng bawat puso, pagkat inibig Mo. Ngayo’y nananalig, nagmamahal sa’Yo. 1. Tinapay na nagmula sa butil ng trigo, pagkaing nagbibigay ng buhay Mo. At alak na nagmula sa isang tangkay ng ubas inuming nagbibigay lakas. (KORO) 2. Lahat ng mga lungkot, ligaya’t pagsubok. Lahat ng lakas at kahinaan ko. Inaalay kong lahat buong pagkatao, ito ay isusunod sa’Yo. (KORO)
3. Ang bayang inibig Mo, ngayo’y umaawit, sa’Yo ay sumasamba’t nananalig. Umaasang diringgin ang bawat dalanging sa alay na ito’y nakalakip. (KORO)
Koda: Ngayo’y nananalig (umaasa), dumudulog (sumasamba), umaawit (nagmamahal) sa’Yo.