• Tidak ada hasil yang ditemukan

Pananaliksik ukol sa Epekto Ng Paninigarilyo [Pananaliksik]

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2021

Membagikan "Pananaliksik ukol sa Epekto Ng Paninigarilyo [Pananaliksik]"

Copied!
21
0
0

Teks penuh

(1)

DAHON NG PAGPAPATIBAY

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, ang pamanahong papel na ito na pinamagatang Pananaliksik ukol sa Epekto Ng Paninigarilyo ay inihanda

at hinarap ng mananaliksik mula sa sekyon IV – St. Titus ng Flos Carmeli Institution of Quezon City.

Tinanggap sa ngalan ng Kagawarang ng Filipino,

Ika-apat na taon sa Paaralang Sekundarya, Flos Carmeli Institution of Quezon City, bilang isa sa mga pangangailangan sa asignaturang Filipino,

Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik.

_____________________ Bb. Jessilyn Ranges (Guro sa Filipino) _____________________ Gng. Brenilda Medina (Punong-Guro)

(2)

PASASALAMAT

PASASALAMAT

Buong-puso kong pinasasalamatan ang mga sumusunod na indibidwal at tanggapan dahil sa pamamahagi ng kanilang suporta na naghantong sa

matagumpay na pagbuo ng pamanahong-papel na ito:

- kay Bb. Ranges, ang aming minamahal na guro sa Filipino, sa paggabay sa bawat hakbang sa aming pag-aaral, sa pag-uudyok sa amin na mapaganda

at mailathala ang aming papel,

- sa mga awtor, editor, at mananaliksik na aking pinaghanguan ng mahahalagang impormasyon sa mga kabanata ng pamanahong papel na ito,

- sa mga responsente, sa makatotohanang pagsagot, at pagpapakita ng kabutihan na lubos na nakatulong sa amin,

- sa Diyos Amang Makapangyarihan, na kung hindi dahil sa kanya ay hindi ako maliliwanagan at hindi ko magagawa ang tamang mga hakbang upang

matapos ang aking pinaghirapang trabaho.

(3)

TALAAN NG NILALAMAN

TALAAN NG NILALAMAN

PASASALAMAT

KABANATA 1 “ANG SULIRANIN O SALIGAN NITO”

A. INTRODUKSYON B. LAYUNIN NG PAG-AARAL C. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL D. SAKLAW AT LIMITASYON E. PAGLALAHAD NG SULIRANIN F. PARADIGM

KABANATA 2 “MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL O LITERATURA”

KABANATA 3 “DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK”

A. DISENYO NG PANANALIKSIK

B. MGA RESPONDENT

C. INSTRUMENTONG PAMPANANALIKSIK

D. TRITMENT NG DATOS

KABANATA 4 “PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS”

KABANATA 5 “LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON”

A. LAGOM

B. KONKLUSYON

C. REKOMENDASYON

(4)

KABANATA I

(5)

A. INTRODUKSYON

Noong unang panahon pa lamang, laganap na sa maraming parte ng mundo ang paninigarilyo. Ang gawaing ito, ayon sa Wikipedia, ay

isinasagawa ng mga tribo upang kumawala sa ulirat o makihalubilo sa mundo ng espiritu. Ang ilan sa mga gawaing ito ay ang pagpapaalis ng masasamang espiritu, pagsamo sa mga ito, atbp. Ngunit, sa paglipas ng panahon, naging isa na ito sa mga kinagigiliwang uso.

Nagsimula ito sa rehiyon ng Central America noong 6000 BC. Nang lumipas ang 5000 taon, 1000 BC, nagsimula ang sibilisasyon ng mga Mayan na magpausok, humithit at ngumuya ng mga dahon ng tabako. Ginamit din nila ito, kasama ng iba pang mga halamang medicinal, upang ipanggamot sa mga may sakit at sugat. Nang sila ay naglayag sa iba pang parte ng mundo, nagdal sila ng mga dahon ng tabako kaya naman nang lumipas ang mga taon, ang mga manlalakbay, tulad nila Columbus at Francis Drake, ay naisipang gumawa ng planta ng mga tobako at gawing daan upang magkapera. Naging popyular ang paninigarilyo ng tabako sa Espanya.

Ang paninigarilyo ay isang Gawain na kung saan sinusunog ang

sangkap, karaniwang tobako, na maaring nirolyo sa papel sabay sa paghihit ng usok na inilalabas nito. Ayon sa Medlndia Online, ang stick ng sigarilyo ay binubuo ng halos 4,000 kemikal na maraming epekto sa katawan at pag-iisip ng tao. Ang ilan sa mga ito ay ang nicotine, tar, acetone, chloroform, atbp. Dahil nga naman ang mundo ay mabilis magbago, nakaisp ang ibang tao ng mga modipikasyon ng paggamit o paggawa ng sigarilyo.

B. PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Sa Pilipinas, ang mga kabataan ay nagsisimulang magsigarilyo sa edad na pitong (7) taon. Nagiging regular na ang paninigarilyo sa edad na 13

(6)

hanggang 15 taong gulang. Ang paninigarilyo ang pinakaunang sanhi ng kamatayan sa buong mundo. Ayon sa Department of Health, isang tao kada 13 segundo, o isang milyong katao taun- taon, ang namamatay dahil sa paninigarilyo. Ang paninigarilyo ay sanhi rin ng mga sakit sa puso, baga, kanser, diabetes, osteoporosis at marami pang iba. Ito din ay madalas na sanhi ng pag- atake ng hika.

Ang mga naninigarilyo ay humihina ang katawan, nahihirapang huminga, laging bumabahin at umuubo, sumasakit ang ulo at nagbabago ang pang- amoy at panlasa. Ang paninigarilyo ay maaari ring

makapagpapangit dahil sa pagkulubot ng balat, makapagpadilaw ng ngipin at mga kuko sa daliri, at makapagdulot ng mabahong hininga.

Kung ang taong naninigarilyo ay nakakakuha ng mainstream effects, ang taong nakakalanghap naman ng usok ng sigarilyo ang nakakakuha ng sidestream effects. Ito ay tinatawag na Passive Smoking. Kahit hindi ka naninigarilyo ay parang naninigarilyo ka na rin dahil sa mga kemikal na nakukuha mo sa usok ng sigarilyo ng taong katabi o malapit sa

naninigarilyo. Mas marami pa ang konsentrasyon ng mga masamang kemikal ang nakukuha ng mga passive smokers (mga taong hindi naman naninigarilyo pero nakatira kasama ang taong naninigarilyo) kumpara sa mga taong talagang naninigarilyo. Ang mga ito ay makakaramdam ng pagsakit ng ulo, at pagtutubig ng mata. Ang mga passive smokers ay may mas mataas ng 35% posibilidad na magkaroon ng kanser.

Ang mga bata o anak naman ng mga naninigarilyo ay may mas malaking posibilidad na magkaroon ng bronchitis, pneumonia at mga sakit sa puso lalo na sa unang taon.

(7)

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang pag- aralan at alamin ang mga sanhi ng paninigarilyo ng mga kabataan. Makakatulong din ito sa mga hindi nanninigarilyo upang huwag na nila subukan ang masamang bisyo na ito.

1. Tukuyin kung ano ang karaniwang dahilan kung bakit naninigarilyo ang kabataan.

2. Alamin kung ano ang aspektong naaapektuhan sa buhay ng isang mag-aaral na naninigarilyo.

3. Tukuyin ang iba’t ibang pamamaraan ng pagkontrol sa mga naninigarilyo.

D. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Ang halaga ng pananaliksik na ito ay upang pamulatin ang pagiisip ng mga kabataang sa murang edad pa lamang ay nalululong na sa bisyo ng paninigarilyo. Hindi lamang sa kabataan makakatulong ito kung hindi na rin sa mga taong hindi na mapigilan ang paninigarilyo. Makakatulong din ito sa mga hindi nanninigarilyo upang huwag na nila subukan ang masamang bisyo na ito. Ayon sa mga mananaliksik, ang higit na kahalagahan ng pag-aaral ay ang makakapaghahatid ng balita sa mga mambabasa tungkol sa

paninigarilyo at mapag bigay alam sa publiko ang kanilang maitutulong upang mabawasan ang paninigarilyo ng kabataan.

(8)

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL O LITERATURA

Ayon sa World Health Organization, mahigit kalahati sa kabuuang bilang ng kabataang Pilipino, partikular na iyong nasa edad 7 hanggang 15, ang gunom na sa bisyo ng paninigarilyo. Bahagi sila ng tinatayang 40,000 hanggang 50,000 Asian teenagers na maagang natutong manigarilyo bunga ng kakulangan sa batas laban sa tobacco at walang humpay na promosyon nito sa bansang Pilipinas. Sa katunayan, isa sa bawat tatlong lalaki na nasa middle age ang namamatay dahil ditto. Inaasahang tataas pa ang bilang na ito sa mga darating na buwan dahil sa mabilis na paglaganap ng bisyo sa mga kabataan, lalo na sa Pilipinas.

Nalagadaan na ni Pangulong Gloria Macapagal- Arroyo ang Tobacco Regulation Act of 2003 (RA 9211) na naglalayong protektahan ang mga mamamayan laban sa masamang epekto ng paninigarilyo. Sa ilalim ng batas na ito, bawal na ang paninigarilyo sa lahat ng pampublikong lugar gaya ng mga paaralan, ospital, mga terminal, restawran, at iba. Bawal na rin ang pagbebenta ng yosi sa mga tindahan na malapit sa mga paaralan, at di na pagbebetahan nito ang mga menor de edad. Required din ang mga

(9)

kumpanyang gumagawa ng sigarilyo na ilagay ang health warning sa

harapan ng kaha ng yosi. Iba-ban na rin simula 2007 ang mga ads ng mga sigarilyo sa iba’t ibang media. Ayon sa Malakanyang, ang Pilipinas ang

kauna-unahang bansa sa mundo na pinakaunang tumupad sa panawagan ng World Health Organization na i-regulate ng mga bansa ang paggamit ng mga produktong may nikotina.Ayon kay Dr. Lain, ang paninigarilyo ay

nakapagpapasaya. Ito ang lumabas na resulta ng pag-aaral na isinagawa ng Peninsula Medical School sa United Kingdom sa pangunguna hinggil sa

kaugnayan ng paninigarilyo sa Psychological well-being ng tao. Sa kanilang pagsisiyasat, napag-alaman na ang mga naninigarilyo ay nakararanas ng mababang antas ng kasiyahan at life satisfaction kumpara sa mga hindi naninigarilyo. Ayon sa mga pag-aaral ang paninigarilyo ay maaaring

magdulot ng pagtaas ng blood pressure, paglapot ng dugo, kanser sa baga, bibig, lalamunan, matris at pantog, katarata, pagkabulag at low birth weight at birth defects ng mga sanggol sa sinapupunan. Isa sa apat na taong

naninigarilyo ay namamatay sa mga sakit na dulot nito. Ang iba naman ay naghihirap ng maraming taon sa kanilang kalusugan. Ang tar at Carbon Monoxide na nasa usok ng sigarilyo ay nakakirita at sumisira sa mga baga tuwing humihinga ang taong naninigarilyo. Ang pangangati ng lalamunan ay kalaunang magiging ubo. Kapag nagtagal ay magdudulot ito ng paparaming plema. Ang mga ito ay paraan n gating mga katawan ng pagprotekta sa usok. Kapag itinuloy pa rin ang paninigarilyo, maaaring magkaroon ng sipon at trangkaso, pati na rin bronchitis, pneumonia at iba pang malalang sakit sa puso. Sa kalaunan ay maaari pang magkaroon ng emphysema ang isang taong naninigarilyo, kung saan nasisira ang ibang bahagi o kabuuan ng mga baga. Habang lumalala ang sakit, ay mahihirapan na ito sa paghinga at maging sa paglakad. Ang paninigarilyo ay isa sa mga dahilan ng

(10)

May apat na milyong kabataang Filipino sa pagitan ng edad na 11 hanggang 19 ang naninigarilyo na, ayon sa magkatuwang na pag-aaral ng Department of Health (DoH) at World Health Organization (WHO). Batay sa pag-aaral na pinamagatang “Global Youth Tobacco Survey," mahigit 60 porsyento o 2.7 milyon mula sa bilang ng mga kabataang naninigarilyo ay pawang mga lalaki samantalang 1.4 milyon ang mga babae. Isinaad din sa pag-aaral na walo mula sa 10 sa mga na sakop ng pag-aaaral ang nakakita ng mga patalatastas na tumatangkilik sa sigarilyo noong 2007. Nagbabala si Dr Maricar Limpin, executive director ng Framework on Tobacco Control of the Philippines Alliance, na patuloy na darami ang mga kabataang

naninigarilyo hangga’t hindi ipinagbabawal ang patalatastas sa paggamit ng tabako. Ayon kay Limpin, noong 2005 ay nasa pagitan lamang ng 17

hanggang 18 porsyento ang bilang ng mga kabataang naninigarilyo samantalang umakyat ang bilang sa 23 porsyento noong 2007.

(11)

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

A. DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang naisagawang pag-aaral ay gumamit ng deskriptibong

metodolohiya ng pananaliksik. Maraming uri ng deskriptibong pananaliksik, ngunit napili ko na gamitin ang Descriptive Survey Research Design, na gumagamit ng talatanugan (survey questionnaire) para makalikom ng mga datos. Naniniwala ako na angkop ang disenyong ito para sa paksang ito sapagkat mas mapapadali ang pangangalap ng datos mula sa maraming respondente.

B. MGA RESPONDENTE

Ang mga respondente sa pag-aaral na ito ay ang mga taong naninigarilyo o mga smokers sa aming subdibisyon. Pinili ko ang mga respondente sapagkat sila ang pinakamadaling lapitan at sila ang pinaka-epektibong mapagkukunan ng impormasyon.

C. MGA INSTRUMENTONG PAMPANANALIKSIK

Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng Descriptive Survey Research Design, na gumagamit ng talatanugan (survey

questionnaire) para makalikom ng mga datos upang malaman ang mga opinyon ng mga respondent. Kumuha rin ako ng impormasyon sa mga artikulo sa dyaryo at sa internet.

D. TRITMENT NG MGA DATOS

Ang pamanahong-papel na ito ay isang panimulang pag-aaral kaya’t wala akong ginawang pagtatangka upang masuri ang mga datos sa pag-aaral na ito sa pamamagitan ng matataas at kompleks na istatikal na pamamaraan. Opinyon o damdamin lamang ng mga respondenteng tumugon sa bawat katanungan sa survey questionnaire.

(12)

KABANATA IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG

MGA DATOS

KARANIWANG DAHILAN KUNG BAKIT MARAMING

KABATAAN ANG NANINIGARILYO

(13)

Sa tatlong pangunahing dahilan ng paninigarilyo ng kabataan, apatnapung bahagdan ang nagsasabing pamilya ang nakakapagdulot ng masamang impluwensiya sa kanilang mga kaanak, samantalang limampu’t-tatlong bahagdan naman ang nagsasabing ang mga barakda nila ang

naguudyok ng paninigarilyo at iba pang mga bisyo. Pitong bahagdan naman ang nagsasabing sa personal na buhay lamang ang dahilan. Batay dito, masasabi nating ang mga barkada nila ang may pinakamalaking

impluwensiya sa kanila.

IBA’T-IBANG SALIK NA NAKAKAAAPEKTO SA

PANINIGARILYO NG KABATAAN

PAMILYA Kalagayan ng buhay

Paninigarilyo ng magulang, kapatid, at iba pang mga kamag-anak

Kakulangan sa patnubay ng magulang

BARKADA Peer pressure - tumutukoy sa

impluwensiya ng isang grupo na naghihikayat sa isang tao upang baguhin ang kanyang pag-uugali na pareho sa mga kaugalian ng grupo. Nahuhumaling sila sa mga patalastas ng sigarilyo sa telebisyon

(14)

PERSONAL NA BUHAY Kahinaan ng loob sa pagharap sa mga problema

Pampalipas-oras

Ipinagbawal na ni Dr. Maricar Limpin ang mga patalatastas sa sigarilyo noong pang Hulyo 1, 2007 alinsunod sa Sec. 22 ng Tobacco Control Act. Subalit tanging ang Davao City at Legazpi City pa lamang ang tumatalima dito, ayon sa kanya.

ASPEKTONG NAKAKAAPEKTO SA PANINIGARILYO NG MGA

MAG-AARAL

Sa mga aspektong naaapektuhan ng paninigarilyo ng mga mag-aaral, tatlumpu’t-siyam na bahagdan ang nagsasabing naaapektuhan ng

paninigarilyo ang kanilang pag-aaral, habang limampung bahagdan ang nagsasabing ang kalusugan ang naaapektuhan ng kanilang paninigarilyo. Labing-isang bahagdan naman ang nagsasabing pamilya at kaibigan ang naaapektuhan nito.

Mahihinuha dito na kalusugan ang pinakamalaking aspektong

naaapektuhan ng paninigarilyo. Dahil sa pagkabahala sa mataas ng bilang ng mga Pilipino na namamatay sanhi ng mga sakit na may kaugnayan sa

(15)

paninigarilyo, isang resolusyon ang inihain sa Kamara de Representantes upang ipagbawal ang paninigarilyo sa mga paaralan at unibersidad.

Ayon kay Nueva Ecija Rep. Eduardo Nonato Joson, tinatayang 20,000 Filipino ang namamatay sa mga tinatawag na smoking-related illnesses bawat taon o dalawa bawat oras.

Ayon umano sa isang global youth tobacco survey, sinabi ni Joson na umaabot sa 21.6 porsyento ng mga mag-aaral ay naninigarilyo. Sa nasabing bilang, 32.6 porsyento sa kanila ay lalaki at 12.9 porsyento ang babae. Ang malubha, one-fifth ng mga kabataang Filipino ang nagsisimulang matutong manigarilyo sa edad na 10. Sinisi ni Joson ang hindi epektibong kampanya ng pamahalaan at mga babala sa pagdami ng mga kabataan na

naninigarilyo.

BILANG NG MGA KABATAANG NAHUHUMALING SA

PANINIGARILYO:

➢ 20% ng kabataang Pilipino ay nagsisimulang manigarilyo sa edad na 10 pababa. (Miguel-Baquilod, M., NEC, 2001)

➢ Isa sa tatlo o 27% ng kabataang Pilipino ay naninigarilyo. (Global Youth Tobacco Survey ng WHO at CDC, 2007)

➢ Halos 40% ng mga batang lalaki ay naninigarilyo. (WHO, 2002)

➢ Apat sa sampung estudyante na may edad na 13-15 ay nakapanigarilyo na. (CDC-MMWR, 2003)

➢ Isa sa walong estudyante ng may edad na 13-15 ay nagsimulang manigarilyo bago ang edad na 10. (CDC_MMWR, 2003)

(16)

➢ Ang mga batang may magulang na naninigarilyo ay may mataas na posibilidad na manigarilyo rin pagtanda. (FCAP)

➢ 62% ng mga batang Pilipino ay pinagbebentahan ng sigarilyo sa mga tindahan. (CDC-MMWR, 2005)

PARAAN KUNG PAPAANO IWASAN ANG PANINIGARILYO NG

MGA KABATAAN

Animnapu’t-pitong bahagdan ng mga respondente ang nagsabing disiplina sa sarili lamang ang kanilang solusyon upang maiwasan ang paninigarilyo. Ang pinagkakaabalahan naman ang sumunod na sagot ng dalawampung bahagdan ng mga respondente na siya nilang ginagawa upang maiwasan ang pagyoyosi o paninigarilyo. Samantalang labing-tatlong

(17)

bahagdan lamang ang nagsabing gawaing pangkalakasan ang kanilang ginagawa upang makaiwas.

Ang taong may disiplina sa sarili ay pinipigilan ang mga hindi dapat gawin dahil alam nilang hindi ito maganda.

IBA’T-IBANG DAHILAN KUNG BAKIT MAKAKAIWAS SA

PANINIGARILYO ANG KANILANG NAPILING GAWAIN:

➢ Naaalis ang pagkanegatibo

➢ Pang-agaw pansin ➢ Nagiging masaya

➢ Nakakalimutan ang problema ➢ Gumagaan ang pakiramdam ➢ Makakabuti sa kalusugan

May mga nagsasabi na baka raw tumaba sila kapag itinigil ang

paninigarilyo. Subukang bawasan ang intake ng mga fatty foods kapag itnigil na ang paninigarilyo. Huwag hayaang ang inyong paninigarilyo ay mapalitan ng panibagong bisyo. Kung kayo gustotung-gusto kumain nang matatamis, mas mabuting kumain ng prutas.

Hindi pa huli para itigil ang bisyong sigarilyo. Kapag ginawa ninyo ito ngayon, natitiyak ko na malaki ang inyong mapapakinabang bukas. Hindi

(18)

lamang kayo ang makikinabang kundi pati ang pamilya. Alalahanin ang pinsalang dinudulot ng paninigarilyo sa katawan.

KABANATA V

LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

A. LAGOM

Ang karaniwang dahilan kung bakit maraming kabataan ang

(19)

Mga aspektong nakakaapekto sa pannigarilyo ng mga mag-aaral ay kalusugan (50%), pag-aaral (39%), pamilya at kaibigan (11%).

Ilan sa mga gawaing ginagawa ng mag-aaral upang maiwasan ang paninigarilyo ay pagdisiplina sa sarili (67%), pinagkakaabalahan (20%), gawaing pangkalikasan (13%).

B. KONKLUSYON

Ang paninigarilyo ay isang masamang bisyo. Ito ay masama para sa ating kalusugan. Bukod sa magastos ang paninigarilyo, ay nakakapagdulot pa ito ng maraming uri ng sakit tulad ng sakit sa puso, bronchitis at kanser. Nakakapagpahina din ito ng resistensya n gating katawan. Ito rin ay

nakamamatay. Ang usok ng sigarilyo ay nakakasama rin maging sa ating mga kaibigan at kasambahay. Ang paninigarilyo rin ay masama para sa ating kapaligiran dahil nakadaragdag lang ito sa polusyon.

C. REKOMENDASYON

Ito ang maaaring gawin sa pagtigil sa paninigarilyo: Una ay lumayo sa ibang mga naninigarilyo. Alisin ang lahat ng sigarilyo at ang bawat bakas ng tabako na taglay ninyo. Humingi ng tulong at suporta sa pamilya sa desisyon nang paghinti. Ito ang mag- iiwas sa inyo sa tukso at magpapalakas sa

inyong kapasiyahan na tumigil na. Kapag nakadarama ng pagkagustong manigarilyo ay maghanap ng ibang pagkakaabalahan. Mag- ehersisyo araw-araw. Makalilinis ito sa baga at makapagbubuti sa kalusugan at kaligayahan. Huwag magpapalipas ng gutom. Kumain ng regular at huwag tatangkain magpababa ng timbang habang sinisikap alisin ang ugalung paninigarilyo. Kumain ng masusustansiyang pagkain. Ang mga ito ay siyang magaling na lunas laban sa lason ng tabako. Kung hindi tuluyang maihinto ang

(20)

dagdagan pa ng gobyerno ang mga proyekto laban sa paninigarilyo ng mamamayang Pilipino.

BIBLIOGRAPIYA

BIBLIOGRAPIYA

http://tl.wikipedia.org/wiki/Sigarilyo http://www.philstar.com/Article.aspx?articleid=434490 http://tl.articlestreet.com/Article/The-Many-Perils-Of-Smoking-Tobacco/671975 http://bisyonatoh.blogspot.com/ http://fil.wikipilipinas.org/index.php?title=Batas_Republika_9211

(21)

Referensi

Dokumen terkait

 Kung hindi sigurado sa dapat na gawin, kapag nahihirapan na ang mag-anak dahil sa sitwasyon, kung nawawalan na ang mga magulang na pananalig sa kanilang sariling kakayahan

Ito ay nagsasama ng mga batang bata imigrante, na ang mga pamilya inilipat sa isang bagong wika na kapaligiran, pati na rin ang mga tao na natutunan ang kanilang ina dila

Kaiba sa “bilinggwalismo” ng mga Pilipino na nakakiling sa Ingles, ang multilinggwalismo sa mga bansang nabanggit ay pangunahing nakasalig sa paggamit ng wikang

• Ang mga wikang ito ang karaniwang ginagamit ng mga dalubwika sa kanilang pagsusuri ng mga wika sa Pilipinas noong mga unang panahon ng ating pagkabansa..  Mga Wikang lumaganap

Labis na naging mapangahas ang mga manunulat ng dula, maikling kwento o maging nobela sa panahong ito, hindi lamang sa paksa kundi maging sa usapan ng kanilang mga tauhan sa

Batay sa mga natuklasan at konklusiyong nabanggit, iminumungkahi ng mananaliksik ang sumusunod: gamiting gabay ang mga natuklasang tema sa pagpili ng mga pampanitikang gagamitin sa

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong alamin ang sosyo-demograpikong katangian ng mga manggagawa ng GAICO, ang positibong naidulot ng GAICO sa kanilang a pamumuhay b sariling kasanayan, c

Maaaring sabihing nahahati sa dalawang agos ang mga artikulo sa isyung ito: ang unang tatlong artikulo ay paggalugad sa wika at kalinangang umuusbong sa lupa, katutubo at kaligiran ng