• Tidak ada hasil yang ditemukan

Home | Pages

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2024

Membagikan "Home | Pages"

Copied!
2
0
0

Teks penuh

(1)

PANAWAGAN

Tumatanggap ang Unibersidad ng Pilipinas, Sentro ng Wikang Filipino-Diliman ng mga papel para ilathala sa

Daluyan: Journal ng Wikang Filipino

Ang Daluyan: Journal ng Wikang Filipino ay isang pambansang refereed journal na inilalathala isang beses sa isang taon. Ito ay monolingguwal sa Filipino at may layuning paunlarin ang pag- aaral at pananaliksik tungkol sa wika, panitikan at kulturang Filipino at pagyamanin ang diskurso sa iba’t ibang disiplina sa wikang Filipino. Bahagi ng programang Filipino bilang wika ng saliksik, ang Daluyan ay espasyo para sa tuloy-tuloy na intelektuwalisasyon ng wikang Filipino.

Gabay sa Mag-aambag ng Papel

1. Maaaring talakayin ang iba’t ibang paksa kaugnay ng:

• pambansang wika, panitikan, at kultura;

• mga wika, panitikan at kultura ng/sa Filipinas;

• iba’t ibang disiplina at larangan ng kaisipan, tulad ng agham panlipunan, agham- kalikasan at matematika, ekonomiya, at iba pa.

2. Kailangang orihinal at hindi pa nailalathala o naisumite para sa konsiderasyon sa ibang publikasyon o journal, elektroniko man o limbag na anyo.

3. Binubuo ang papel ng 5,000-7,000 salita (20-40 pahina). Lakipan ito ng 200-250 salitang abstrak na may limang susing salita, parehong nasa wikang Filipino at Ingles.

4. Kailangang naka-encode o kompyuterisado, doble-espasyo, at gumagamit ng font na Times New Roman na may laking 12-puntos.

5. Tatlong kopya ng papel ang kailangang isumite. Lakipan ng soft copy na naka-encode sa Microsoft Word, maaaring nasa CD, USB, o bilang e-mail attachment na ipadadala sa [email protected].

6. Maaaring lakipan ng biswal na materyal (may kulay o black and white) gaya ng mga orihinal na larawan, ilustrasyon, graph, matrix, mapa, at iba pa. Kailangang may markang bilang sa likod at angkop na caption sa hiwalay na papel ang mga biswal na materyal.

Ibabalik ang anumang biswal na materyal na itinagubiling ibalik ng awtor.

7. Tungkulin ng awtor na kumuha ng permiso para sa anumang materyal na may karapatang-ari.

8. Para sa dokumentasyon, iminumungkahing gamitin ang format na itinatakda ng MLA Seventh Edition.

(2)

9. Maglakip ng maikling biodata, humigit-kumulang sa limang linya, na maglalaman ng kasalukuyang posisyon ng awtor, larangan ng espesyalisasyon, katatapos na pananaliksik o kalalabas na publikasyon, at iba pang katulad na impormasyon.

10. Kailangang sagutan ng awtor ang form na makukuha sa SWF na nagpapahayag na ang ambag na artikulo ay hindi pa nailalathala sa anumang publikasyon.

Ipadala ang mga artikulo sa:

Lupon ng Editor

Daluyan: Journal ng Wikang Filipino Sentro ng Wikang Filipino-Diliman

3/Palapag, Paaralan ng Pagpaplanong Urban at Rehiyonal (SURP) E. Jacinto St., UP Diliman, Lungsod Quezon 1101

Para sa iba pang impormasyon, maaaring tumawag sa (02) 924-4747 o (02) 426-5838 at hanapin si Bb. Elfrey Vera Cruz

Referensi

Dokumen terkait

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik, ang pamanahong-papel na ito na

Ang paggamit ng Wikang Filipino ay lubos na nakatutulong upang mas mabilis na maunawaan ang mga proseso ng pag-aaral ng Basikong Nihongo sa halip na dalawang wika

(2003) Pangkalahatang Layunin: Layunin ng pag-aaral na mabatid kung may kaugnayan ang saloobin ng mga mag-aaral sa Wikang Filipino sa kanilang kasanayan

Pilipinas at unang language of compromise sa pagitan ng iba’t ibang wikang sinasalita sa Pilipinas. 2) Pangalawa, bagamat ito’y laganap na sa media, mapapansin pa rin na ang

Ang pag-aaral na ito na may paksang ANG EPEKTO NG SOCIAL MEDIA SA MGA MAG-AARAL SA UNANG ANTAS NG PNTC COLLEGES ay tumatalakay sa kalagayan ng wikang Filipino sa panahon ng

Sa gayon, sa pagpapasyang pagpapanatili sa disaster at pagturing dito bilang kabahagi ng wikang Filipino, idiniriin sa isang banda ang ekolohiya, hindi lamang ng mga pagtataya hinggil

xxii PAMBUNGAD NG EDITOR Kapookan ng Paglalakbay ng mga Pilipino sa Ibayong Dagat sa Konteksto ng Banwa at Layag sa Wikang Filipino Axle Christien Tugano 1 1 Ang Halina ng Banyaga

Pagsusulit sa wikang Filipino sa unang semestre para sa mga mag-aaral ng unang baitang sa