• Tidak ada hasil yang ditemukan

Kababaihan, Pakikibaka, at Himagsikan:

N/A
N/A
Protected

Academic year: 2024

Membagikan "Kababaihan, Pakikibaka, at Himagsikan:"

Copied!
3
0
0

Teks penuh

(1)

REVIEWOF WOMENS STUDIES, VOL. 23, NOS. 1 – 2 3

Panimula

Kababaihan, Pakikibaka, at Himagsikan:

Pamana ni Tandang Sora sa Lipunang Pilipino

Ma. Luisa De Leon-Bolinao, Ph.D.

Departamento ng Kasaysayan, CSSP, UP Diliman

A AA

AAYYYYYONONONONON SASASASASA 2012 2012 2012 2012 2012 GLGLGLGLGLOBALOBALOBALOBALOBAL GENDERGENDERGENDERGENDERGENDER GAPGAPGAPGAPGAP REPORTREPORTREPORTREPORTREPORT ng magasin na World Economic Forum, ang Pilipinas ay may pangwalong ranggo mula sa pinakamataas sa kabuuang 135 bansang ginawan ng pagpupuntos ayon sa lawak ng gender gap o kalamangan ng isang kasarian sa isa pa. Higit na kahanga- hanga ito lalo’t kung ibubukod ang Asya; tayo ang Numero Uno sa rehiyon! Apat na batayan ang ginamit upang sukatin ang gender gap: pakikilahok at pagkakataong pang- ekonomik, naabot na antas ng pag-aaral, kalusugan at kaligtasan sa buhay, at pinanghahawakang lakas pulitikal.

Bilang Pilipino, ramdam natin ang katotohanan nito. Sa politika man o sa akademiya, sa hukbong militar o bilang manggagawang panlabas, tila walang balakid ang ating kababaihan sa pagpasok sa anumang sektor. Hindi ba’t may dalawa na tayong babaeng naging Pangulo ng Pilipinas? Bukod dito, ang ilan sa pinakakritikal na mga opisina ng pamahalaan ay pinamumunuan ng babae—ang Korte Suprema, Ombudsman, ang Departamento ng Hustisya, at ang pangunahing kolektor ng buwis, ang Bu- reau of Internal Revenue.

Sa kasaysayan, hindi rin tayo nagkulang sa mga babaeng lider. Sa panahon ng pakikibaka, lumaban sina Gabriela Silang at Agueda Kahabagan. Sa panahon ng Himagsikan ng 1896, kumilos sina Gregoria de Jesus, at Teresa Magbanua. Sa panahon ng Batas Militar, nagsalita ang mga líder-estudyante tulad nina Lorena Barros, Liliosa

(2)

4 REVIEWOF WOMENS STUDIES, VOL. 23, NOS. 1 – 2 Hilao, at Jessica Sales laban sa diktadurya at marahas na pamumunong militar. Ang mga bayaning ito ay namatay sa rurok ng kanilang kabataan.

Natatangi si Melchora Aquino (mas kilala sa tawag na Tandang Sora) na nagpamalas ng kanyang kabayanihan sa abanteng edad na 84 taon. Sumuong siya sa pakikibaka hindi bilang sundalo kundi bilang tagapagtustos ng pagkain at kagamitan. Nagpamalas ng pag-ibig sa bayan sa pananahimik at pagtatago ng sikreto ng Katipunan na nagdulot na pagka-eksilo niya sa Guam. Sa pagbubuod, hinigitan ni Tandang Sora ang mga isteryotipo ng isang bayani – babae man o lalaki. Ang mga ito ang nagpatingkad sa mga katangian naipamana ni Tandang Sora sa kasalukuyang henerasyon ng mga Pilipino.

Sa totoo, ang pagiging bayani ay hindi nalilikha o nakakahon sa lakas ng katawan at rurok ng kabataan. Ito ay masusukat sa lakas ng paninidigan at lalim ng pagmamahal sa bayan. Ito ay malinaw na naipakita sa dalawang artikulong nagbibigay-pugay kay Tandang Sora na isinulat nina Janet Reguindin-Estella at Nancy Kimuell- Gabriel. Sa sanaysay ni Reguindin-Estella, inilahad niya “ang mga kaparaanan kung papaano maaaring ipaloob ang talambuhay ni Tandang Sora sa pagtuturo ng kasaysayan at sa proseso ay maipakita ang halimbawang kabayanihan na pinatunayan ng isang babae sa panahon ng krisis ng lipunang Pilipino.” Mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga gurong nagtuturo ng Kasaysayan sa paglilipat ng kaalaman sa mga mag-aaral ng elementarya at hayskul ng talambuhay ng mga dakilang Pilipino hindi upang tingalain lamang bilang mga idolo kundi pamarisan at paghugutan ng wastong halagahin (values) at dangal. Samantala, sa akda ni Kimuell-Gabriel tungkol sa mga kababaihang lider ng Tundo, “ang buhay nina Ka Trining, Ka Leleng at Ka Feling ay nakahabi sa kasaysayan ng pook at pakikibaka, igiban ng inspirasyon bilang matatatag na babae at patotoo kung paano maging makatuturan ang buhay sa lipunang

(3)

REVIEWOF WOMENS STUDIES, VOL. 23, NOS. 1 – 2 5

nagkukulang sa kanyang mamamayan.” Tulad ni Tandang Sora, sila ay mga ordinaryong mamamayan na tumugon sa hamon ng pang-aabuso at nanindigan para sa kaluwalhatian ng nakakaraming Pilipino.

Ang kababaihan sa lipunang Pilipino, noon hanggang ngayon, bata man o matanda, lider man o ordinaryong mamamayan, ay sumasalamin sa pamanang buhay ni Tandang Sora. Katulad ng ating mga ninuno, patuloy tayong nagpupunyagi at kumikilos upang matiyak ang matiwasay na hinaharap para sa ating bayan.

Salamat, Tandang Sora!

Referensi

Dokumen terkait

Maaaring masama sa pananaliksik na ito ang mga sanhi ng paninigarilyo ngunit ang paksang naibigay ay iikot lamang sa epekto ng paninigarilyo.. DALOY NG

Noon ang mga babae ay nananatili lamang sa bahay at hindi pinag-aaral dahil naniniwala silang ang babae ay para lamang sa bahay at ang mga lalaki ang bubuhay sa kanilang pamilya.

saysay ang dula kung wala itong suliranin; maaaring mabatid ito sa simula o kalagitnaan ng dula na nagsasadya sa mga pangyayari; maaaring magkaroon ng higit na

Dahil kung minsan binibigyan sila ng proteksyon ng kanilang mga kasamahan sa fraternity.Isa rin sa mga madalas na dahilan ng mga estudyante sa fraternity ay ang

ANG SUSI AT KAPANGYARIHAN NG DIYOS AY NASA PANGALAN, KUNG KAYA’T ANG MGA PANGALANG NAKATALA SA AKLAT NA.. ITO

Maaaring akalaing nagkulang ang pelikula sa pagsangkot sa teknolohiyang ginagamit ng mga magsasaka para proteksiyonan ang pananim sa mga mapagsamantalang ibon dahil kung hindi bilang

Kung iuugnay ito sa depinisyon ni Sugbo ng literatura, masisilo natin na may malaking implikasyon ang pahayag ni Bermudez hinggil sa kung paano niya tinitingnan ang panitikang Iluko

Isang nakatutuwang koleksiyon ng mga salitang ginagamit sa wikang Tagalog na maaaring ituring n,a pantakdang pang- wika ng saloobin Enriquez, 1970 ay ang mga salitang tulad ng "pa",