“ANG TEATRO AT
PELIKULA BILANG
SINING-BISWAL
SA PAGTUTURO”
mula sa ikatlong Pambansang seminar mula din sa pahayag ni Dr. Casinova
Isa sa mga suliraning binabalikat
ng isang guro sa pagtuturo ng
Wika at Panitikang Filipino ay
ang pagpili ng mga angkop na
paraan
at
pamamaraan
sa
pagtuturo.
Mahalagang may kabatiran at
kasanayan
ang
guro
sa
anumang estratehiyang kanyang
ginagamit upang higit na maging
kawili-wili ang pagtuturo,
pag-aaral at pagkatuto ng wika at
panitikan.
makatotohanan,
makabuluhan,
kawili-wili
at
kasiya-siya.
Iba-iba ang mga estratehiyang
magagamit ng guro na lubhang
nakatutulong sa mga mag-aaral
upang
magkaroon
ng
mga
karanasang
makatotohanan,
makabuluhan,
kawili-wili
at
kasiya-siya.
MGA SALIK NG SINING NG
DRAMA AT TEATRO:
Ang drama bilang prosa o tuluyang
anyo ng panitikan ay nililikha ng
isang
manunulat
na
ang
pangunahing layunin at bisyon ay
maitanghal
ito
sa
harap
ng
manonood. Gayundin, ang drama
bilang pasulat na teksto ay may
sariling kakanyahan at estrukturang
kaiba sa iba pang anyo ng panitikan.
MGA SALIK NG SINING NG
DRAMA AT TEATRO:
Ang pagsulat ng dula o drama ay isang sining sa ganang sarili. Samakatuwid, ang pagtuturo at pag-aaral nito ay nangangailangan ng sapat na kabatiran hinggil sa estetika nito. Dahil ito ay sining, dumadaan ito sa mga proseso ng pagsusuri buhat sa mga guro, mag-aaral, direktor at iba pang kasapi o manggagawa sa pagbuo ng produksyon sa teatro.).
MGA SALIK NG SINING NG
DRAMA AT TEATRO:
Ang mga estetika ring ito ang
ginagamit bilang batayan sa mga
timpalak sa pagsulat ng iskrip na
tulad ng taunang ginagawa ng
Palanca Memorial Literary Contest,
National Commission for Culture
and the Arts (NCCA) at Cultural
Center of the Philippines (CCP).
Ang Sining ng Drama at
Teatro
Ang pagtalakay sa drama
bilang
isang
akdang
pampanitikan
lamang
ay
maihahalintulad
sa
pagpapatakbo sa kotseng iisa
lamang ang gulong.
Ang drama at ang mga teatrong
pinagtatanghalan ng mga ito ay
sumasakop sa mga aktor at aktres,
manunulat,
direktor,
mga
manggagawang tulad ng karpintero,
elektrisyan,
mananahi,
pintor,
desayner kasama pa rin ang mga
kompositor
at
manunugtog,
koryograper,
mananayaw,
salamangkero,
mamamahayag
at
higit sa lahat ang manonood.
Ang pag-aaral at pagtuturo ng drama ay maaaring gamitan ng iba’t ibang dulog sa pagsusuri nito. Bagamat matagal nang isinasantabi ang dulog formalistiko sa panunuring pampanitikan, mahalagang matutuhan ng mga mag-aaral ang estetika ng pagsulat ng dula. mag-aaral ang mga estilo at nilalaman ng mga dulang kanilang binabasa.
Ang drama o dula ay isang akdang
pampanitikan
na
maaaring
nasa
anyong patula o tuluyan na sadyang
isinulat upang itanghal sa entablado
ng mga aktor. Ayon kay Aristotle sa
kanyang Poetics, ito ay imitasyon ng
buhay. Sa pamamagitan ng imitasyon,
ang sangkatauhan ay natututo, at ang
pagkatuto
ng
isang
bagay
ang
pinakadakilang aliwan ng tao.
Nag-ugat ang drama sa kakayahan
ng
taong
manggaya
na
isinasagawa sa mga ritwal na may
kaugnayan sa pang-araw-araw na
kabuhayan ng mga tao tulad ng
pangangaso,
tagumpay
sa
digmaan, ritwal sa paghingi ng
ulan at iba. Isinusulat ito upang
itanghal at ito ay
binibigyang-interpretasyon ng mga aktor.
Sa pananaw ng mga Pilipino, ang
drama ay isang anyo ng panitikang
nagtataglay
ng
katangian
ng
pananagisag sa isang kasaysayan o
tunay na buhay. Sakop nito ang mga
kuwentong sinulat upang itanghal sa
entablado, at mga pagsasadrama at
pananagisag
(mimesis),
sa
isang
tagpo o episodyo anuman ang dahilan
ng pagtatanghal nito, saan man ito
ginaganap.
Ang konseptong ito ay taliwas sa
mga katangian ng Kanluraning
drama na naniniwalang ang dula
ay hindi dula kung hindi kakikitaan
ng tunggalian, panlabas man o
panloob.
Taliwas din ang realismong
Europeo na ang tauhan ng dula
ay isang indibidwal na may
sariling
sikolohiya
na
sa
ganang
sarili
lamang
Maging ang konsepto ni Aristotle na
ang dula ay may simula, gitna at
wakas na nagbabadya ng kaisahan ng
dula upang magkaroon ng sitwasyong
pinanggalingan
ng
direksyong
tinutungo
at
ng
kalalabasan
o
kahihinatnan ay isinasantabi rin ng
depinisyong ito na ibinigay ni Dr.
Nicanor Tiongson sa kanyang aklat na
“Kasaysayan at Estetika ng Sinakulo
at Iba Pang Dulang Panrelihiyon sa
Malolos”.
Banghay-Kuwento
1. Balangkas
– pahapyaw na
balangkasin ang banghay.
2.
Pagkakasunud-sunod
(Ang
pagkakaayos ng teksto o iskrip
magmula
sa
simula
hanggang
wakas.)
a. Paghahanda
1. Malakas o makatawag-pansin ba ang panimula?
2. Maglista ng tatlong bagay na inilahad ng may-akda upang makalikha ng matibay na pundasyon para sa lubos na pagkaunawa ng dula.
3. Anu-anong mga mahalagang kaisipan ang nabanggit sa dula na sa palagay mo’y nakagaganyak upang marating ang kaisahan.
b. Paraan ng Pag-atake
1. Ilahad ang paraan ng
pag-atake.
2. Ito ba ay napapanahon o
angkop
sa
takbo
ng
mga
pangyayari sa kuwento?
c. Tunggalian o Suliranin
1. Ano ang pangunahing suliranin o
tunggalian?
Sinu-sino ang nagtutunggali?
2. Ilahad ang mga komplikasyong
ginamit ng may-akda.
3. Ilahad ang krisis o suliranin sa
unang hati ng dula.
4. Ano ang mahahalagang kasukdulan
sa bawat krisis na binanggit sa #3?
d. Kasukdulan
1. Ano at nasaan ang kasukdulan ng
dula?
2. Ano ang aksyon ng tauhan o mga
tauhan ang nangyari sa bahaging
kasukdulan ng dula?
3. Lohikal ba ang kasukdulan?
Kapani-paniwala ba ito batay sa naunang kawil
ng mga pangyayari?
Paglalarawang-tauhan/Karakterisasyon
1. Dimensyon
a. Ang paglalarawang-tauhan
ba’y
“one-sided”
o
“multi-dimensional”?
b. Pumili ng isang tauhan at itala
ang mga katangian.
1. Mga katangiang pansarili
2. Mga katangiang unibersal
2. Presentasyon
a. Nakakuha ba ng simpatya ang
bida o pangunahing tauhan?
Bakit?
b. Maayos ba ang motibasyon ng
mga kilos at diyalogo?
c. Ano o anu-ano ang mga pwersa
o lakas ng pagganyak?
(motivational force)
d. Sa paanong paraan nagbago
ang
tauhan?
d. Kasukdulan
1. Ano at nasaan ang kasukdulan ng
dula?
2. Ano ang aksyon ng tauhan o mga
tauhan ang nangyari sa bahaging
kasukdulan ng dula?
3. Lohikal ba ang kasukdulan?
Kapani-paniwala ba ito batay sa naunang
kawil ng mga pangyayari?
e. Kakalasan
1. Paano nalutas ang suliranin?
2. Talakayin ang takbo ng mga kawil ng
pangyayari bago sumapit ang
kasukdulan at kakalasan. Maayos
at malinaw ba ito?
3. Ano ang ginawa ng may-akda upang
maging kawili-wili ang tauhan?
4. May mga pangyayari ba sa kuwento
na iniwang bitin ng may-akda?
Kaisipan at Mensahe
1. Ano ang paksa ng dula?
2. Ano ang maaaring impluwensyang magagawa nito sa manonood? Ito ba’y mahalaga sa kasalukuyang panahon?
3. Anong kaisipan ang nais iparating ng dula?
Ito ba’y nakita sa aksyon at saang bahagi o eksena?
4. Ang kaisipan ba’y makabuluhan at dapat pag-ukulan ng panahon?
Ito ba’y bagong ideya o kinuha lamang sa isang kuwento?
Wika at Tunog
1. Paglalarawang-tauhan/Karakterisasyon
a. Ang wikang ginagamit (pampanitikan, kolokyal, balbal o lalawiganin) ba’y nag-ugat sa uri ng tauhan?
b. Ito ba ay nakatutulong upang higit na maging maliwanag ang paglalarawang-tauhan?
c. Paghambingin ang wika ng dalawang tauhan (ritmo, uri ng pagkatao, edukasyon at iba pa).
d. Tumibay lalo ang paglalarawang-tauhan, sa pag-unlad ng mga kawil ng pangyayari, sa nangingibabaw na damdamin at kakalasan ng kuwento?
Wika at Tunog
2. Estetika
a. Ang wikang ginamit
ba’y may
kahalagahan sa uri ng dula?
Talakayin ang paghabi ng
may-akda ng diyalogo.
b. Ito
ba’y may tugma, ritmo,
may mga bahaging matatas at
kakikitaan ng realismo?
Wika at Tunog
3. Kagalingan/Kahusayan
a. Magaling ba ang pagkakagamit ng wika?
Mayroon bang pag-uulit na nakababagot?
b. Ang mga diyalogo ba’y nakatutulong upang mapatibay lalo ang paglalarawang-tauhan, sa pag-unlad ng mga kawil ng pangyayari, sa nangingibabaw na damdamin at kakalasan ng kuwento?
Mga Elementong Biswal
1. Talakayin
ang
pangkalahatang
epekto ng dula.
2. Ito ba’y nakapupukaw ng damdamin.
Ano ang magiging batayan mo sa
Mga Elementong Biswal
3. Talakayin ang ilang mga eksenanggumanda dahil sa maaayos na
paglalarawan at aksyon ng mga tauhan. 4. Kung ikaw ang magdidisenyo ng
tanghalan, anong kulay at tekstura ang gagamitin mo? Anu-ano ang magiging batayan mo sa pagsasagawa ng
Anyo
1. Uri
a.Ang uri ng dula: (trahedya,
melodrama, makatotohanan,
komedya, parsa, at iba pa)
Anyo
2. Pagkakagamit/dulog
a.Anong
himig
ang
ginagamit
(realismo,
naturalismo,
ekspresyonalismo,
impresyonalismo, klasisismo, at iba
pa)
b. Bakit mo nasabi ang gayon?
Talakayin.
Anyo
3. Estilo
a. Anong katangian ng may-akda
ang
maaaring makita sa dula?
b. Anu-anong elemento ng dula ang
naglalarawan ng katangian ng
may-akda?
Ihambing ang kanyang estilo sa
estilo ng ibang manunulat ng
dula.
Drama Bilang Sining Patanghal
Kadalasan, ang mga dula ang
nagiging mabisang instrumento
ng kasiyahan at kalungkutan ng
pagbabago ng mga kaisipan at
kaugalian ng mga tao. Hindi rin
matatawaran ang impluwensya
nito sa kalagayang panlipunan.
Drama Bilang Sining Patanghal
Bago
pa
man
sinakop
ng
dayuhang
Kastila
ang
ating
bansa, halos lahat ng gawaing
pang-araw-araw ng mga unang
pamayanang nanirahan dito ay
iniuugnay sa mga sayaw, awit at
mga ritwal.
Drama Bilang Sining Patanghal
Noong panahon ng pananakop ng
Kastila, naging instrumento ang
mga moro-moro, sinakulo, tibag,
panunuluyan, pananapatan,
pangangaluwa at iba pang mga
dula upang mapalaganap ang
relihiyong Kristiyanismo.
Drama Bilang Sining Patanghal
Ang mga sarswela at mga dulang
sedisyoso o dulang makabayan
noong panahon ng pananakop ng
mga Americano ay mapanuligsa at
nagsasaad ng damdaming
makabayan. Sa kontemporanyong
panahon, ang mga dulansangan
(street plays) ay mabisa rin sa
pagpapahayag ng mga kaisipang
makapukaw-damdamin.
MGA KATANUNGANG DAPAT SAGUTIN NG PAGSUSURI:
PAGSUSURI NG PELIKULA
1. Mayroon bang malaking tema o
kultural na pananaw na
nangingibabaw sa pelikula?
2.Paano ipinahayag ang tema o
cultural na pananaw?
MGA KATANUNGANG DAPAT SAGUTIN NG PAGSUSURI:
PAGSUSURI NG PELIKULA
3. Anu-anong mga uri ng tinig ang ginamit ng pelikula? May tambalan bas a pagitan ng tagapagsalaysay na nakikita o nauugnay’nakaatas sa kanya? Ang mga tinig ba ay manipulado – paano at ano ang layunin?
4. Anong anyo/tipo ng pelikula ito? (etnograpiko, pang-edukasyon, popular, dokumentaryo)
MGA KATANUNGANG DAPAT SAGUTIN NG PAGSUSURI:
PAGSUSURI NG PELIKULA:
5. Anu-anong mga sinematikong estratehiya ang ginamit upang mabigyang-diin ang mga tema o mensahe? (Hal. Pag-iilaw, montage, malikhaing “cuts,” atbp. )
6. Anu-anong mga imahe o simbolo ang ginamit ng pelikula? Ang mga simbolo bang ito’y ipinakita nang may estratehiya? Kung mayroon, paano?
MGA KATANUNGANG DAPAT SAGUTIN NG PAGSUSURI:
PAGSUSURI NG PELIKULA:
7. May tagapagsalaysay ba? Ano ang
pangunahing tungkulin ng pelikula?
8. Ang mga tinig ban g tagapagsalaysay at ang mga taong isinapelikula at
magkapantay ang eksposyur? Ano ang antas ng pagiging inter-subhektibong kalikasan ng pelikula na maliwanag na inilarawan sa pinal na produkto.
9. Sinu-sino ang mga
pangunahing karakter ng
pelikula?
Nangingibabaw ba ang mga
kababaihan?
10. Kaninong pananaw ang
gumagabay sa pelikula?
11. Nagpapaalaala ba ang pelikula
ng mga kaisipang nauugnay
sa politika ng representasyon.
12. May mga isteryotipo bang
nangibabaw sa pelikula.
13. Kinakatawan ban g pelikula ang
ilang aspekto ng kulturang
gumagamit ng kultural na
relatibistikong larawan.
14. Ang mga ugnayang nauukol sa
kapangyarihan at ng mga
isinapelikula ay nangingibabaw ba
sa pelikula?
15. Makatotohanan ba ang pelikula?
16. Ang pokus ba ng pelikula ay
kontekstwalisado? Paano? Paano
higit na magiging kontektwalisado
ang pelikula?
(kasaysayan,
panlipunan, pangkultura,
pampulitika, atbp.)
APAT NA URI NG TEKSTWAL NA KONEKSYON:
1. Teksto sa teksto
– nagpapaalaala sa
akin ng anuman mula sa ibang aklat,
pelikula o midya.
2. Inter-Teksto
– nagpapaalaala sa akin
ng bagay sa aklat, pelikula o
midyang ito.
3. Teksto sa sarili
– nagpapaalaala sa
akin ng bagay sa sarili kong buhay.
4. Teksto sa mundo
– nagpapaalaala sa
ANG PELIKULA AT TEATRO/DULAAN: PAGHAHAMBING
Sa aklat na Understanding Movies ni Louis Giannetti (2002), pinag-iba niya ang pelikula at teatro:
Panahon/Oras – sa pelikula, pabagu-bago ang oras o panahon, maaaring bumalik sa nagdaan (sa pamamagitan ng flashback) o maaaring magtuluy-tuloy sa linyar na
daloy at maaari itong pabilisin; sa teatro, tuluy-tuloy ang panahon at limitado sa
ANG PELIKULA AT TEATRO/DULAAN: PAGHAHAMBING
Espasyo – sa karaniwang pelikula,
dalawa ang dimensyon ng espasyo at
ang mga manonood ay nakaposisyon
sa espasyong iyon sa pamamagitan ng
iba’t ibang uri ng kuha (shot) ng
kamera – maaaring malapitan o
malayo sa tao o manonood.
Gayunpaman, maaaring tatlo na ang
dimension ngayon sa sa mga 3-D
ANG PELIKULA AT TEATRO/DULAAN: PAGHAHAMBING
Sa teatro, tatlo ang dimensyon ng espasyo at maaaring makapamili ang manonood kung ano at paano ipopokus ang kanilang atensyon. Gayunpaman, isang saradong espasyo (Closed space) ang teatro – pagkaraang lumabas sa tanghalan ang mga artista o aktor ay nakakalimutan na sila, samantalang kapag gumamit ang pelikula ng ―labas-sa-kuwadrong‖ aksyon, batid natin na may tao sa labas ng kuwadro.
Wika – gumagamit ng sinematograpiya at wika ang pelikula sa pagpapahatid ng kahulugan samantalang sa teatro, wika ang pangunahing gamit nito sa pagpaparating ng kahulugan sa mga manonood bagamat may mga teatrikal na produksyong gumagamit ng mga multi-midya at mga video bilang bahagi ng produksyon tulad ng mga pagtatanghal ng mga Dulaang Brechtian at Dulaan ng mga Naaapi (Theater of the Oppressed).
Nakapokus ang teatro sa mga karakter
at mga relasyon sa loob ng isang may
kaliitang
espasyo,
samantalang
sa
pelikula, maaaring ilagay ang mga
tao/manonood sa
iba’t ibang lawak at
anyo ng espasyo. Dahil ito sa mga
paggamit ng
iba’t ibang shots: Close-up;
Medium Shot; Full Shot; at Long Shot.
Direksyon – Higit na malaya, kontrol at
may kalayaang bumuo ng kanilang sariling ideya at bersyon ng mga orihinal na dulang pampelikula, samantang ang director pantanghalan ay limitado sa kanilang paglikha ng dula sa entablado. Maaaring ulitin ng direktor ng pelikula ang ilang eksena nang ilang beses hanggat nasiyahan siya sa kanyang mga shot at pag-arte ng kanyang mga artista.
Sa teatro, maaaring baguhin ng
direktor ang isang eksena o mga
eksena sa panahon ng rihersal
ngunit sa panahon ng palabas,
wala na halos kontrol ang direktor
sa nagaganap sa entablado.
Tagpuan
– maaaring paunlarin ng
direktor ng pelikula ang
iba’t ibang
aspekto ng tagpuan at mga anyo ng
espasyo,
musika,
editing,
at
computer graphics at simulasyon,
samantalang limitado ang espasyo sa
tanghalan o entablado.
Kasuotan - sa pelikula at teatro,
ginagamit ang kasuoytanupang masapol
ang
mga
historical
o
cultural
na
konteksto, gamit ang mga kasuotan
upang
ipahayag ang
kalikasan
ng
pangkasaysayang panahon: mga antas
ng
lipunang
ginagalawan
ng
mga
karakter, kasarian, edad, erotisismo,
atityud/estilo
–
kadalasan
sa
pamamagitan ng kulay o tabas o
identidad at personalidad
— eksentrik,
kumbensyunal, akma, elegante, atbp.
TATLONG URI NG ADAPTASYON:
1.―Ang
Maluwag
o
Malayang
Adaptasyon‖ (The Loose Adaptation) –
maaari lamang gamitin ng direktor ang
orihinal na sitwasyon, ideya ng kuwento,
o mga karakter upang makalikha ng
pelikulang
may
pagkakahawig
sa
orihinal na teksto. (Hal.
―Sisa‖ ni Frank
G. Rivera sa direksyon ng CJ. Andaluz;
―Rizal‖ sa direksyon ni Marilou Diaz
Abaya)
TATLONG URI NG ADAPTASYON:
2.
―Ang Tapat na Adaptasyon‖ (The
Faithful
Adaptation)
–
nagtatangkang masapol ang orihinal
na
teksto
na
halos
walang
pagbabago
o
ginalaw,
isang
maingat na salin ng orihinal papunta
sa anyong pelikula na nagpapanatili
ng mga karakter, kuwento, at lahat
halos ng kaganapan.
TATLONG URI NG ADAPTASYON:
Hal. Noli Me Tangere sa direksyon ni Eddie Romero; Dekada ’70 at ang Bata, Bata,
Paano Ka Ginawa ni Lualhati Bautista sa
direksyon ni Chito Roño; Bulaklak ng City
Jail ni Domino Landicho sa direksyon ni Joel
Lamangan; Maynila sa mga Kuko ng
Liwanag, na buhat sa nobelang Sa mga Kuko ng Liwanag ni Edgardo M. Reyes sa
direksyon ni Lino Brocka; Insiang ni Mario O’Hara sa direksyon ni Lino Brocka; ―Ibong Adarna‖ at ―Florante at Laura‖ na mga isinapelikula noong dekada ’50.
TATLONG URI NG ADAPTASYON:
3.
―Ang Literal‖ – lumang
bersyon
ng
video
ng
produksyong
pantanghalan,
na
may
limitadong
gamit
ng
MGA URI NG MGA MALUWAG/MALAYANG ADAPTASYON:
1. Displaced
– binago ang tagpuan
ngunit nanatili ang wika ng teksto.
Hal.
―Richard II (1995), eksena sa
Europa noong dekada
’30; ―Romeo
and
Juliet‖ (1996), eksena sa
kontemporaryong
Los
Angeles;
―Hamlet‖
(2000)
eksena
sa
kontemporaryong mundo ng New
York City.
MGA URI NG MGA MALUWAG/MALAYANG ADAPTASYON:
2. Acculturated – binago ang wika at ang
tagpuan ng orihinal na teksto.
Hal. Akira Kurosaw’s ―Throne of Blood‖ (1998) (1957, batay sa ―Macbeth‖) at ―Ran‖: (1985, batay sa ―King Lear‖), tagpuan noong kalagitnaan ng ika-16 na siglo sa Japan; ―Clueless,‖ 1995 na bersyon ng ―Emma‖ tagpuan sa isang hayskul sa Beverly Hills, tampok ang mga tinedyer na gumamit ng mga kontemporaryong wika.
MGA URI NG MGA MALUWAG/MALAYANG ADAPTASYON:
3. Politicized – ginawa upang maging
instrumento ng pagpapahatid ng mga ideya, paniniwala at prinsipyong pampulitika.
Hal. Bersyong 1994 ng ―Henry V‖ na kinomisyon ng British Ministry of Information noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig bilang propaganda bago magsimula ang giyera. ―Mansfield Park‖ (1998) naglarawan ng tahimik na bayani. ―Fanny Price,‖ isang feministang hayagang nagtuligsa ng diskriminasyon sa kasarian.
MGA URI NG MGA MALUWAG/MALAYANG ADAPTASYON:
4. Commercialized/Hollywood-ized –
binago ang orihinal na kuwento upang maging kaakit-akit ito sa target na wika at nililimita ang kasalimuutan ng orihinal na teksto, ironiya, kalabuan, at isinasadula ang bayani ng kuwento. Hal. ―Hamlet,‖ (1990, Zefferilli‖) tampok sina Mel Gibson at Glenn Close bilang Hamlet at Gertude, nagtanggal ng sab-banghay kung kayat nakakuha ng atensyon dahil sa temang pulitikal ng dula.
MGA URI NG MGA MALUWAG/MALAYANG ADAPTASYON:
5.
Radical - lumikha ng bagong bersyon ngorihinal na materyal. Hal. ―Shakespeare in Love‖ batay sa kung paano at bakit isinulat ni Shakespeare ang ―Romeo and Juliet‖ – naging kalimitang ginagamit sa panonood ng mga mag-aaral sa klase; linyar ang naratibo; nakatatawa at makabagbag-damdamin ang tono; ang disenyo ng produksyon ay maliwanag na muling-paglalarawan ng London noong panahon ni Queen Elizabeth.
Mga Adaptasyong Pelikula na
Ginagamit sa Klase:
1. A Streetcar Named Desire (Tennessee Williams)
2. Cat on a Hot Tin Roof (Tennessee Williams) 3. Miss Julie (Strindberg)
4. Hedda Gabler 5. Oliver Twist
6. My Fair Lady (mula sa Pygmalion) 7. Death of a Salesman (Arthur Miller) 8. Of Mice and Men (Steinbeck)
Mga Adaptasyong Pelikula na
Ginagamit ko sa Klase:
9. King Lear
10. Macbeth
11. Lord of the Flies
12. War and Peace
13. Pride and Prejudice
14. Oedipus Rex
15. Grapes of Wrath
16. The Great Gatsby
MGA ELEMENTO NG PAGGAWA NG PELIKULA:
Sa paggawa ng pelikula, isinasanib ang
teatro,
musika
at
sining-biswal.
Samantala, sa mga pagtatanghal sa
teatro/dulaan, ang mga manonood ay
nakaupo sa isang partikular na silya at
iisa
lamang
ang
tanawin
sa
entablado/tanghalan. Hindi nagbabago
ang laki o liit ng mga artista at ang laki o
liit ng mga eksena ay palaging parehas.
MGA ELEMENTO NG PAGGAWA NG PELIKULA:
Hindi ka maaaring lumapit sa mga artista upang tingnan ang ekspresyon ng kanilang mga mukha. Kailangang eksaherado ang kanilang mga emosyon para ang mga manonood sa pinakamalayong upuan mula sa entablado ay mababatid kung ano ang kanilang nadarama. Kabaliktaran ng mga ito ang pelikula dahil maaaring ipuwesto ng director at cameraman ang kamera nang mga dalawang talampakan mula sa mga mukha ng mga para matamo ang dinamikong close-up.
MGA ELEMENTO NG PAGGAWA NG PELIKULA:
Maaaring kunan ang eksena ng ilang beses upang matamo ang nais na kuha (shot). Maaari nilang tapusin ang pagbuo ng pelikula sa loob ng apat hanggang anim na linggo at pagdugtungin ang mga mahuhusay na (shot). Maaari silang gumamit ng mga sound effects at musika. Maaari silang magdagdag ng tinig ng aktor (voice over) kung nagkamali noong ginagawa ang pelikula. Hindi sila limitado sa totoong oras. Maaari silang lumikha ng pelikula sa isang estudyo o sa isang malayong lokasyon.
IMAHE:
Sa paggawa ng pelikula, gumamit ang mga direktor at cameraman ng light capture/recording device. Ipinoprodyek ito
sa talon. Sa mga sinehan, gumagamit sila ng mga malalaking boltaheng lampara para maiprodyek ang imahe sa pamamagitan ng nakapokus na lente. Ang isang eksposyur ng larawan sa film ay tinatawag na kuwadro
IMAHE:
Pinagsasanib ang mga kuwadro upang makalikha ng shot. Ang shot ay anumang hindi natitigil na nakaekspows na seksyon ng film. Ang totoo, ang kuwadro (frame) ay ang hindi gumagalaw na imahe. Hindi nakakarekord ng mosyon, nirerekord nito ang ilaw at ang resulta ng isang kuwadro at katulad ng still photograph.
ORAS
May dalawang oras ang pelikula. Ang
una ay ang aktwal na haba o tagal
ng pelikula, halimbawa, 90 minuto.
Ang
ikalawa’y tinatawag na diegetic
time, o ang oras na resulta ng
ORAS
Maaaring tumagal ang kuwento ng dalawang minuto, ilang oras, ilang araw, linggo, buwan, taon o hamambuhay ngunit maaaring ikuwento ang mahabang panahon sa loob lamang ng isang oras at kalahati. Hal. ―Bilangi ang mga Bituin sa Langit‖ na tampok sina Nora Aunor at Tirso Cruz III sa direksyon ni Elwood Perez.
MOSYON:
Nagbibigay ang pelikula ng ng ilusyon ng mosyon sa pamamagitan ng galaw ng maraming kuwadro sa prodyektor. Dahil sa pisikal na katangian ng mata at utak ng tao na tinatawag na “persistence of vision,” nakikita ang ilusyon ng mosyon sa pamamagitan ng motion picture technology. Ang katangiang ilusyong ng mosyon ang kaibahan ng motion picture photography sa still photography.
TUNOG:
Mahalagang elemento ng pelikula ang tunog. Marami sa mga pelikula sa kasalukuyan ang paglalapat ng tunog, musika at voice over sa panahon ng post
production. Ang mga pagsabog, tunog ng
baril at kanyon, banggaan ng mga sasakyan, hangin, ulan, at napakaraming tunog ay nilalapat sa panahon ng post
TUNOG:
Ang mga pagsabog, tunog ng baril at
kanyon, banggaan ng mga sasakyan,
hangin, ulan, at napakaraming tunog
ay nilalapat sa panahon ng post
production. Maging ang mga diyalogo
ay ginagawa sa panahon ng dubbing.
Foley artists ang tawag sa mga
nagsasagawa ng ganitong paglalapat
ng mga tunog at musika.
ILAW:
Kapag nagrerekord tayo gamit ang
mga photographic na mga
instrumento, nagrerekord tayo ng ilaw. Hindi narerekord ang mga bagay, tao, gusali, o anuman kundi ang ilaw ang narerekord. Gnagamit ng direktor at
cameraman upang makalikha ng
damdamin, bias at ng continuity sa kabuuan ng pelikula.
DALOY NG MGA PANGYAYARI:
Pagkatapos ng shooting, susundan ito ng pag-eedit. Magkatuwang na magpapasya ang direktor at ang editor tungkol sa haba at pagkakasunud-sunod ng mga shot at pagkatapos ay pagdudugtungin ang mga ito upang makabuo ng isang daloy ng mga pangyayari. Ang daloy ng mga pangyayari ang nagbibigay ng kuwento gamit ang biswal na wika ng pelikula.