• Tidak ada hasil yang ditemukan

PAGLALAHAD NG PAGSUSURI NG MGA PILING TALUMPATI Inilalahad sa kabanatang ito ang isinagawang pagsusuri ng mga

1.1.5 Benigno Simeon C. Aquino III – SONA 2012

Sa puntong ito‘y hinamon niya ang kanyang mga kritiko na sa halip na kalabanin ang kani-kanilang mga kaaway sa politika at mangako ng sari-saring bagay sa noo‘y paparating na Pampanguluhang Halalan ng 2010, aniya ay kumilos na lamang upang paglingkuran nang buong husay ang bansa at ang mga mamamayan:

―As the campaign unfolds and the candidates take to the

airwaves, I ask them to talk more about how they will build up the nation rather than tear down their opponents. Give the electorate real choices and not just sweet talk.

Gayundin, ipinahayag ng nakaraang pangulo na tapat at mahusay niyang paglilingkuran ang masang Pilipino hanggang sa huling araw ng kanyang panunungkulan bilang pangulo ng bansa:

―At the end of this speech I shall step down from this stage,

but not from the Presidency. My term does not end until next year. Until then, I will fight for the ordinary Filipino. The nation comes first. There is much to do as Head of State—to the very last day.‖

1.1.5 Benigno Simeon C. Aquino III – SONA 2012

Sa bungad pa lamang ng kanyang pagtatalumpati ay nagpahayag na kaagad ng pagbabalik-tanaw ang kasalukuyang pangulo sa mga pagbabagong ginawa ng kanyang pamunuan katuwang ang sambayanang Pilipino:

―Ito po ang aking ikatlong SONA, at parang kailan lang nang

nagsimula tayong mangarap. Parang kailan lang nang sabay-sabay tayong nagpasyang tahakin ang tuwid na daan. Parang kailan lang nang sinimulan nating iwaksi ang wang-wang, hindi lamang sa kalsada kundi sa sistemang panlipunan.

Kaugnay ng pahayag na nasa itaas, masaya niyang ipinabatid na ang mapang-api at mapagsamantalang pamahalaan noon ay siya na ngayong nangangalaga sa kapakanan ng taumbayan tungo sa mas maayos na kalagayan ng ating lipunan:

―Ang wang-wang sa lansangan, galing na lang sa pulis,

ambulansya, o bumbero–hindi sa opisyal ng gobyerno... Ang gobyernong dating nang-aabuso, ngayon, tunay na nakakampi na ng Pilipino.‖

Sa kabilang banda, nagpahayag naman ng pangamba o pag-aalala ang Pangulong Aquino III para sa mga Pilipinong hindi o bihirang nakatatanggap ng mga serbisyong pangkalusugang ipinaaabot ng pamahalaan:

―Sabi nga po sa isa sa mga briefing na dinaluhan natin, apat

sa sampung Pilipino, hindi man lamang nakakakita ng health professional sa tanang buhay nila. Sa iba po, mas malaki pa: may nagsasabing anim sa bawat sampung Pilipino ang pumapanaw nang malayo sa kalinga ng health professional. Anuman ang ating pagbatayan, hindi po maikakaila: nakakabahala ang bilang ng mga Pilipinong hindi naaabot ang serbisyong pangkalusugan ng pamahalaan.

At sa panahon ngayong parami na nang parami yaong mga taong walang nakikita o napapansin kundi ang kamalian ng kanyang kapwa, si Ginoong Aquino III ay pinagharian ng pagkainis sa mga indibidwal na wala nang nakita o pinahalagahan sa mga pagbabagong isinasagawa ng kanyang administrasyon. Ito‘y matutunghayan sa sumusunod niyang pahayag:

"Nang maupo tayo, at masimulan ang makabuluhang

reporma, minaliit ng ilan ang pagpapakitang-gilas ng pamahalaan. Kundi raw buwenas, ningas-kugon lang itong mauupos din paglaon. May ilan pa rin pong ayaw magretiro sa paghahasik ng negatibismo; silang mga tikom ang bibig sa good news, at ginawang industriya na ang kritisismo.

1.2 Pagpapahalaga sa ating Pagka-Pilipino 1.2.1 Corazon C. Aquino – 1991 SONA

Lubos na pinahahalagahan ng dating Pangulong Cory Aquino ang kanyang pagka-Pilipino nang ipinagmalaki niya sa mga dayuhan ang demokrasya sa bansa. Dito‘y ikinuwento niya ang naging usapan nila ng mga Alemang naparito sa Pilipinas hinggil sa mga salik na nakapagpapatibay sa demokrasya. Wika niya, ang mga Pilipino mismo ang naging daan upang makamtan ng bansa ang demokrasyang sa kasalukuyan ay ating tinatamasa:

―Visitors from the new Germany asked me what things

strengthen democracy. Economic progress, naturally, I said. But the attainment of that depends on external factors more than on the will of a developing country. But there is a way to strengthen democracy that is within any country‘s reach. That is through the empowerment of the people. This is obvious to a government like ours that came to power by its means, as well as to a people like the Germans who attained complete freedom in the same way.‖

Umasa si Ginang Aquino na yaong susunod sa kanya na mamamahala sa bansa ay higit pang makapaglilingkod nang mahusay at tapat sa sambayanang Pilipino sapagkat naniniwala siya sa angking kakayahan ng ating lahi:

―Someone who will do better may stand in this place next

year - for I believe in the inexhaustible giftedness of the Filipino people. I only hope that he will be someone who will sincerely mean you well.

1.2.2 Fidel V. Ramos – 1997 SONA

Ipinakita ng dating Pangulong Ramos ang kanyang pagpapahalaga sa ating pagka-Pilipino sa pamamagitan nang pagmamalasakit sa mayamang kultura ng ating bansa. Ipinagtanggol niya at sinabing hindi ang mayamang kultura ng bansa ang sanhi ng iba‘t ibang suliraning panlipunang naranasan noon at magpahanggang ngayon, manapa‘y bunga ito ng mga maling patakarang ipinatupad ng pamahalaan:

―In their totality, they tell us the Philippines is no longer

trapped in its old cycle of boom and bust. And best of all, they prove to us our problems do not arise out of some deeply rooted cultural flaw — not out of a so-called ―damaged culture‖ — but from policy mistakes that our due diligence during the last five years and from here on as well as political will can correct. That past is now over; and a great era dawns upon us and a greater Filipino future beacons.

Bilang pagpapanatili sa kultura ng mga katutubong naninirahan sa Cordillera ay inudyukan ng dating pangulo ang Kongreso na isabatas ang

Cordillera Organic Act:

―Likewise, Ladies and Gentlemen, this Congress must now

pass the Cordillera Organic Act, which will enable — sige alsipat kayo, kakabsat ken gagayyem — the indigenous peoples of Northern Luzon to develop more speedily, while preserving their native culture and their environment.

Sa pagtatapos ng kanyang SONA ay sinabi ni Ginoong Ramos na ang mga Pilipino ay may kakayahang mamuhay nang payapa, sagana, malaya at may dignidad sa ilalim ng pamamatnubay ng Poong Maykapal:

―...a Philippines that will endure through the new century

dawning upon us — a Philippines where our people, under God, can live together in freedom, dignity, and prosperity — at peace with themselves and with all humankind.

1.2.3 Joseph E. Estrada – 1998 SONA

Ayon kina Dayag at Marasigan, mahalaga sa isang mananalumpati ang pagkakaroon ng ―tindig panalo.‖

Sa sandaling iyon ng pagtatalumpati ng dating Pangulong Estrada sa harap ng sambayanang Pilipino, kapansin-pansin ang pagtataglay niya ng tindig panalo, kumpiyansa sa sarili at maging ang kawastuhan ng daloy at diin ng mga salitang lumalabas sa kanyang mga labi. Ang ganitong katangia‘y lubos na matutunghayan sa sumusunod niyang pahayag:

―Ang sinumang bagong Pangulo ay may pangarap at

minimithi para sa bansa lalong-lalo na sa akin, na malaki ang inaasahan ng masang Pilipino.

Ang kahusayang ipinamalas ng dating pangulo sa harap ng kanyang mga tagapakinig ay hindi lamang isang katangian o posturang dapat panatilihin ng isang mananalumpati sa ibabaw ng entablado bagkus ay larawan ng isang huwarang pinunong Pilipino na maipagmamalaki sa buong mundo.

Sa kanyang naging pahayag, ang pagiging isang pinuno ng bansa ay karangalan ng sinumang Pilipinong nabigyan ng ganitong oportunidad na pangunahan ang pagpapaunlad ng ating bansa. Gayumpaman, ipinahiwatig din nito na ang pagkakahirang sa kanya bilang pinuno ay hindi lamang basta-basta maihahalintulad sa isang patimpalak ng popularidad manapa‘y isang pagkakataong ipinagkaloob sa kanya upang patunayang may magagawa siya bilang pinuno na iangat ang bansa mula sa unti-unti nitong pagkalugmok sa kahirapan.

1.2.4 Gloria M. Arroyo – 2009 SONA

Ipinamalas ng dating Pangulong Arroyo ang kanyang pagpapahalaga sa ating pagka-Pilipino nang purihin niya ang kasipagan at pagiging maka-Diyos ng ating lahi sa katauhan ni Manny Pacquiao na sa kasalukuyan ay isa ng mambabatas sa Kongreso:

―Ang ating taong bayan ay masipag at maka-Diyos. These

qualities are epitomized in someone like Manny Pacquiao. Manny trained tirelessly, by the book, with iron discipline, with the certain knowledge that he had to fight himself, his weaknesses first, before he could beat his opponent. That was the way to clinch his victories and his ultimate title: ang pinakadakilang boksingero sa kasaysayan. Mabuhay ka, Manny!

Sa pagtatapos ng kanyang SONA ay ipinahayag ng dating pangulo ang sumusunod bilang pagpapahalaga sa ating pagka-Pilipino:

―From Bonifacio at Balintawak to Cory Aquino at EDSA and

up to today, we have struggled to bring power to the people, and this country to the eminence it deserves.

Today the Philippines is weathering well the storm that is raging around the world. It is growing stronger with the challenge. When the weather clears, as it will, there is no telling how much farther forward it can go. Believe in it. I believe.

We can and we must march forward with hope, optimism and determination.

We must come together, work together and walk together toward the future.

Bagama‘t malaking hamon ang nasa ating harapan, nasa kamay natin ang malaking kakayahan. Halina‘t pagtulungan nating tiyakin ang karapat-dapat na kinabukasan ng ating Inang Bayan.

Sa mga pahayag na ito‘y muling nagbalik-tanaw si Ginang Arroyo sa mga kabayanihang ipinamalas nina Gat Andres Bonifacio at dating Pangulong Cory Aquino; dalawang dakilang Pilipino na nag-iwan ng mahahalagang pamana sa ating pagka-Pilipino. Sinabi rin niya na bagama‘t maraming suliranin ang ating lipunan, kung magtutulong-tulong ang bawat Pilipino ay hindi malayong makamit ng bansa ang minimithing kaunlaran.