• Tidak ada hasil yang ditemukan

Mga Pamamaraang Ginamit sa mga Talumpati tungo sa Iba’t Ibang Layunin ng Paghahatid ng Mensahe

ipinarinig niya sa

2. Mga Pamamaraang Ginamit sa mga Talumpati tungo sa Iba’t Ibang Layunin ng Paghahatid ng Mensahe

2. Mga Pamamaraang Ginamit sa mga Talumpati tungo sa Iba’t Ibang Layunin ng Paghahatid ng Mensahe

Gumagamit ng iba‘t ibang pamamaraan ang isang huwarang mananalumpati upang mabisa niyang maipahayag ang mensaheng ibig niyang ipabatid at ipaunawa sa mga nakikinig. Gayundin sa kanilang SONA, gumamit ang mga pangulo ng iba‘t ibang pamamaraan upang makapagtalumpati sila nang mahusay sa harap ng taumbayan.

2.1 Corazon C. Aquino – 1991 SONA

Sinimulan ng dating pangulo ang kanyang SONA sa pamamagitan ng pagbigkas ng isang tulang isinulat mismo ng kanyang asawang si Benigno Simeon ―Ninoy‖ Aquino, Jr:

―I am the burning candle of my

Life in the dark

With no one to benefit From the light.

The candle slowly melts away; Soon its wick will be burned out And the light is gone.

If someone will only gather The melted wax, re-shape it, Give it a new wick –

For another fleeting moment My candle can once again Light the dark,

Be of service One more time, And then…goodbye.‖

Dahil sa labis na kalungkutan at pangungulila sa kanyang asawa‘t mga anak, isinulat ng dating Senador Ninoy Aquino ang maikling tulang ito

noong ikatlong taon ng kanyang pagkabilanggo. Ang tulang ito‘y nagsilbing inspirasyon ni Ginang Aquino upang ipaglaban at ibalik ang demokrasyang ipinagkait ng Diktaturyang Marcos sa sambayanang Pilipino.

Kung panonoorin ang video ng SONA na ito ng dating pangulo, mapapansing hindi siya gumamit ng kahit anong kumpas ng kamay. Gayumpaman, nakatindig siya nang may buong pamimitagan at iginagala ang kanyang paningin sa mga mambabatas na nanonood at nakikinig sa kanya sa Batasang Pambansa. Ayon kina Tanawan, isa itong magandang katangiang dapat taglayin ng isang mahusay na mananalumpati nang sa gayo‘y madama ng mga nakikinig na sila‘y pinahahalagahan ng nagsasalita.

2.2 Fidel V. Ramos – 1997 SONA

Noong mga panahong iyo‘y hindi pa uso sa bansa ang Microsoft

Powerpoint at sa kanyang SONA ay hindi gumamit o nagpalabas ng kahit

isang video ang dating Pangulong Ramos. Bilang patotoo sa mga bagay na inilahad niya sa kanyang talumpati, lalo na iyong paksang maaaring batikusin ng kanyang mga kritiko kung mapatutunayang kasinungalingan lamang, bumanggit siya ng mga espesipikong sanggunian o sources na makapagpapatotoo sa mga bagay na kanyang ipinahayag. Ito‘y ibinatay ni Ginoong Ramos sa mga panayam, imbestigasyon o pagsisiyasat at

nalathalang datos na pawang mga kagamitang pansuportang itinala nina Igoy at Saymo na lubhang makatutulong upang mabisang maipaliwanag at mapagtibay ng isang mananalumpati ang mga kaisipang nais niyang ipahayag:

(1) ―The growth of our Gross National Product (GNP) is

perhaps the best-known indicator. And the record shows that GNP growth accelerated from 1.5% in fiscal year 1991-92 to 6.8% in 1996.

(2) ―The prestigious International Retirement Global Index

based in Geneva named the Philippines in 1996 as the number one retirement destination in the world.

(3) ―And top executives in ten Asian countries — responding

to a recent survey by the Far Eastern Economic Review, said they expect the Philippines to be the third best-performing East Asian Economy in East Asia in 1997 — after China and Malaysia.‖

Ipinakikita sa video ng SONA na ito ng dating pangulo na hindi sa tuwina‘y iisa ang kanyang tono o lakas ng boses habang siya‘y nagtatalumpati. Ayon kina Tanawan at Dayag at Marasigan, ito ang tinatawag na voice variation. Paminsan-minsan ay lumalakas ang kanyang boses upang bigyang diin ang paksang ipinahahayag niya sa mga nakikinig.

Dagdag pa riyan, sa kanyang pagtatalumpati‘y kapuna-punang may sapat siyang kahandaan at kaalaman sa mga paksang ipinahahayag, mayaman ang kanyang talasalitaan o bokabularyo, hindi napapako ang kanyang tingin sa isang bahagi lamang at nakatindig siya nang may buong

pamimitagan. Ang mga nabanggit ay kabilang sa mga bagay na dapat makita sa isang nagtatalumpati na itinala nina Tanawan.

2.3 Joseph E. Estrada – 1998 SONA

Sa kanyang SONA ay gumamit ang dating pangulo ng pamamaraang maluwag o ekstemporanyong pagtatalumpati. Batay na rin sa nabanggit nina Carpio at Encarnacion, naging napakadali para kay Ginoong Estrada na ipahayag yaong mga bagay na nais niyang sabihin sapagkat wala siyang anumang manuskrito o siping binabasa.

Ayon pa kina Carpio at Encarnacion, may kabutihang dulot ang pagtatalumpati nang walang manuskritong binabasa lalo‘t higit para sa SONA ng isang pangulo sapagkat mapagmamasdan niyang mabuti ang kanyang mga tagapakinig, mapagmumuni-muni ang kanilang presensya at maiaangkop nang mahusay ang kanyang talumpati sa mga tagapakinig.

Kung panonoorin ang video ng SONA na ito ng dating Pangulong Estrada, ang mga katangiang dapat taglayin ng isang huwarang mananalumpati na itinala nina Dayag at Marasigan ay makikita sa kanyang pagtatalumpati. Nararapat lamang ang lakas ng tinig at diin ng mga salitang lumalabas sa kanyang bibig. Taglay din niya ang tamang tindig, kumpas, kilos at galaw ng isang mahusay na mananalumpati. Nasa wasto

ring pagkakasunod-sunod at pagkakaugnay-ugnay ang mga paksang binigyang diin niya sa kanyang SONA.

Gayundin, naging mapagmasid si Ginoong Estrada sa reaksyon ng madla sa kanyang mga sinasabi sapagkat nang sandaling iyon ng kanyang pagtatalumpati‘y nagpahayag siya ng ilang kakatwang salita na pumukaw sa pananahimik at pagkaseryoso ng mga nakikinig. Ayon kay Arrogante, isa itong magandang katangiang dapat taglayin ng isang nagtatalumpati nang sa gayo‘y mapanatili ang kawilihan o interes ng mga nakikinig.

Gaya ng mga nabanggit nina Dayag, ang dating pangulo ay may sapat na kaalaman, kahandaan at kasanayan sa pagtatalumpati. Naglalaman ng makabuluhan at kapaki-pakinabang na mga detalye at impormasyong nakatawag-pansin sa mga nakikinig ang mga paksang kanyang ipinahayag. Bukod sa pagkakaroon ng sapat na kasanayan, mababanaag din ang kanyang tiwala sa sarili na naging sandigan niya upang higit na maging mabisa at kapani-paniwala ang mga paksang kanyang ipinahahayag sa madlang tagapakinig.

Tangi rito, ipinahayag ng dating Pangulong Estrada ang kanyang SONA sa wikang Filipino nang sa gayo‘y lubos itong maunawaan ng nakararaming Pilipinong hindi gaanong nakauunawa ng Ingles.

2.4 Gloria M. Arroyo – 2009 SONA

Bago binati ng dating Pangulong Arroyo ang mga mambabatas at iba pang kilalang personalidad na naroroon sa Kongreso, sinimulan niya ang kanyang SONA sa pag-aalay ng isang panalangin para kay dating Pangulong Corazon Aquino na noo‘y nararatay sa sakit na colon cancer. Ang pagdarasal at pagbati ay dalawa sa sampung pamamaraang magagamit sa pagpapanimula ng isang talumpati na itinala nina Tanawan:

―Ladies and gentlemen, good afternoon. Before I begin my

report to the nation, please join me first in a moment of prayer for President Aquino.

Sa buong SONA ng dating pangulo ay gumamit o nagpalabas siya ng maraming video upang ipakita sa mga nakikinig o nanonood yaong mga proyektong inilunsad ng kanyang pamunuan. Ang pamamaraang ito‘y lubhang mabisa sapagkat nababatid ‗di lamang ng mga mambabatas na naroroon sa Batasang Pambansa kundi maging ng taumbayan na nanonood sa telebisyon sa kani-kanilang mga tahanan ang kaganapan ng mga proyektong inilunsad ng Administrasyong Arroyo.

Ipinakikita sa video ng SONA na ito ni Ginang Arroyo ang pagiging isang mahusay niyang mananalumpati. Ang mga bagay na itinala nina Tanawan at nina Dayag at Marasigan hinggil sa mga katangiang dapat taglayin ng isang huwarang mananalumpati ay makikita sa pagtatalumpati ng dating pangulo: nakatindig siya nang buong pamimitagan, hindi

napapako ang kanyang tingin sa isang bahagi, gumagamit siya ng voice

variation o pag-iiba ng tono o lakas ng boses batay sa hinihingi ng

sitwasyon o paksa at mayaman ang kanyang talasalitaan o bokabularyo. 2.5 Benigno Simeon C. Aquino III – 2012 SONA

Ayon kina Tanawan, ang panimula ay maaaring simulan sa isang

quotation o kasabihang natatampok. Kaugnay nito, sinimulan ng

kasalakuyang pangulo ang kanyang SONA sa pagpapahayag ng isang kasabihan:

―Dalawang taon na ang nakalipas mula nang sinabi ninyo,

―Sawa na kami sa korapsyon; sawa na kami sa kahirapan.‖ Oras na para ibalik ang isang pamahalaang tunay na kakampi ng taumbayan.

Ayon kina Dayag at Marasigan, ang isang nagtatalumpati ay dapat magkaroon ng ugnayan sa kanyang tagapakinig sa pamamagitan ng pagtutuon ng atensyon sa mga ito. Kung panonoorin ang video ng SONA na ito ng Pangulong Aquino III, mapapansing hindi napapako ang kanyang paningin sa iisang direksyon lamang sapagkat ang lahat ng nakikinig sa kanya‘y tinitingnan niya na parang siya‘y nakikipag-usap sa mga ito.

Ipinagmalaki rin ng kasalukuyang pangulo yaong mga isinagawa at isinasagawang proyekto ng kanyang pamunuan. Nagpalabas din siya ng

video na nagpapakita sa kalagayan ng ilang mamamayang natulungan ng

Walang anumang pagkumpas o paggalaw ng kamay ang mapapansin sa kabuuan ng SONA ni Ginoong Aquino III. Gayumpaman, siya‘y nakatindig nang may buong pamimitagan at ang kanyang tinig ay buong-buo at malinaw kung kaya‘t mabisa niyang naipahayag ang mga mensaheng nais niyang ipaabot at ipaunawa sa mga tagapakinig. Tangi rito, ipinahayag niya ang kanyang SONA sa wikang Filipino upang ito‘y ganap na maunawaan ng nakararaming Pilipinong hindi gaanong nakauunawa ng Ingles.

Talahanayan 2