• Tidak ada hasil yang ditemukan

PAGLALAHAD NG PAGSUSURI NG MGA PILING TALUMPATI Inilalahad sa kabanatang ito ang isinagawang pagsusuri ng mga

1.3 Pakikipag-ugnayang Pangmasa

Hindi mapasusubalian ang katotohanan ng pahayag na nasa itaas sapagkat marami ng ganitong sitwasyon ang naganap sa ating kasaysayan tulad ng Himagsikang EDSA ng 1986.

Sa pagtatapos ng kanyang talumpati‘y muli niyang pinahalagahan ang mga Pilipino na itinuturing niyang boss. Ito ang kanyang naging pahayag:

―Sa tuwing haharap ako sa isang ina na nagsasabing,

―Salamat at nabakunahan na ang aking sanggol,‖ ang tugon ko: Ikaw ang gumawa nito.

Sa tuwing haharap ako sa isang bata na nagsasabing, ―Salamat sa papel at lapis sa pagkakataong makapag-aral,‖ ang tugon ko: Kasama ka sa gumawa nito.

Sa tuwing haharap ako sa isang OFW na nagsasabing, ―Salamat at puwede ko na muling pangaraping tumanda sa Pilipinas,‖ ang tugon ko: Ikaw ang gumawa nito.‖

Ipinababatid ng mga pahayag sa itaas na hindi siya kundi tayo na rin mismong mga Pilipino ang gumagawa ng pagbabago para sa bansa. Ipinahihiwatig din ng nasabing pahayag na kanyang pinahahalagahan yaong mga taong naging katuwang niya upang makamit ng ating lipunan ang inaasam na pagbabago.

1.3 Pakikipag-ugnayang Pangmasa

1.3.1 Corazon C. Aquino – 1991 SONA

Likas na kay Ginang Aquino ang pagiging matulungin at ang pagsasaalang-alang sa kabutihan ng taumbayan bago ang sarili niyang kapakanan. Tunghayan natin ang kanyang sinabi hinggil dito:

―As President, I have never prayed for anything for myself;

only for our people... I could have kept my pride and held aloof, but that would not have helped our people. And it is for them that I was placed in this office.

Masasalamin sa pahayag na nasa itaas ang kababaang loob ng dating Pangulong Cory Aquino. Ipinabatid niya na tayong mga Pilipino ang dahilan kung bakit siya nanglilingkod sa bansa nang may buong pagmamahal at katapatan.

1.3.2 Fidel V. Ramos – 1997 SONA

Nagsalita ang dating Pangulong Ramos gamit ang wika ng mga katutubong naninirahan sa Cordillera upang maging daan ng kanyang pakikipag-ugnayan sa mga taong naninirahan doon. Nanawagan din siya sa Kongreso na ipasa ang isang batas na mangangalaga sa kultura‘t kapaligiran ng mga katutubong naroroon. Wika niya:

―Likewise, Ladies and Gentlemen, this Congress must now

pass the Cordillera Organic Act, which will enable — sige alsipat kayo, kakabsat ken gagayyem — the indigenous peoples of Northern Luzon to develop more speedily, while preserving their native culture and their environment.

Ipinahayag niya sa sambayanang Pilipino na yaong mga walang kakayahan, kasanayan, ‗di produktibo, mahiyain at iba pang nagtataglay ng mga negatibong pag-uugali ay mapag-iiwanan ng pag-unlad samantalang naghihintay yaong mga dakilang oportunidad para sa matatalino, disiplinado, makabago, matatapang at iba pang may mga katangi-tangi at maipagmamalaking katangian:

―This ―survival-of-the-fittest‖ socio-economic and political

order imposes severe penalties on the inefficient, the unskilled, the non-productive, the timid, and the disunited and the lame ducks. But great opportunities await the intelligent, the self-disciplined, the innovative, and the daring, the young bulls and the tiger cubs.

1.3.3 Joseph E. Estrada – 1998 SONA

Nakasentro sa buhay ng bawat mamamayang Pilipino ang mga paksang tinalakay sa unang SONA ng dating Pangulong Estrada. Patunay lamang na kanyang binigyang halaga ang kalagayan ng pamumuhay ng bawat mamamayan. Naniniwala siya na hindi kailanman magiging buo at matatag ang isang bansa kung wala ang isang maliit na mamamayang bumubuo rito.

Tulad nang nabanggit nina Casanova at Rubin, ang isang talumpati ay dapat kumiliti sa puso‘t damdamin ng mga tagapakinig kung kaya‘t kailangang sikapin ng isang mananalumpati na maipadama sa mga ito ang kanilang katauhan. Ang bagay na Ito‘y masasalamin sa pahayag ng dating pangulo:

―Sa mga kapatid nating Muslim, hinihiling ko ang

pagkakataon na mabigyan ng katarungan ang napakaraming taon ng kapabayaan. Tigilan natin ang dahas at pag-ibayuhin ang sandugong kapatiran.

Sa puntong ito‘y hangarin ni Ginoong Estrada na mas palawigin pa ang kanyang pakikipag-ugnayang pangmasa sa pamamagitan ng

paghahatid ng isang madamdaming pahayag sa bawat Pilipinong nagkakaiba sa paniniwala at tradisyong kinamulatan.

Hangarin niyang maiparating sa bawat mamamayan ang kanyang pagmamahal at pagmamalasakit sa pamamagitan ng taos-pusong pananawagan sa mga ito, maging Kristiyano man o Muslim, na magkasundo‘t magkaisa alang-alang sa ikabubuti ng bansa. Naniniwala ang dating pangulo na hindi hadlang ang pagkakaiba ng relihiyon at paniniwala upang makamit ang minimithing kapayapaan.

1.3.4 Gloria M. Arroyo – 2009 SONA

Katangi-tangi ang ipinamalas na pakikipag-ugnayang pangmasa ng dating Pangulong Arroyo sapagkat ang ilan sa karaniwang mamamayan ng ating bansa na natulungan ng kanyang administrasyon ay inanyayahan niyang pumunta sa Kongreso upang makinig ng kanyang SONA. Sila‘y ipinakilala‘t pinapurihan ng dating pangulo bilang pagpapahalaga sa kanilang katauhan at propesyong pinanghahawakan:

(1) ―We have provided college and post-graduate education

for over 600,000 scholars. One of them, Mylene Amerol-Macumbal, finished Accounting at MSU-IIT , then she went to law school, and placed second in the last bar exams – the first Muslim woman bar topnotcher. Congratulations!

(2) ―In technical education and skills training, we have

invested three times that of three previous administrations combined. Narito si Jennifer Silbor, isa sa sampung milyong trainee. Natuto siya ng medical transcription. Now, as an independent contractor and lecturer for transcriptions in Davao, kumikita siya ng P18,000 bawat buwan. Good job, Jennifer.

(3) ―Si Leah de la Cruz isa sa labindalawang libong rebel

returnee. Sixteen pa lang siya nang sumali sa NPA. Naging kasapi sa regional White Area Committee, napromote sa Leyte Party Committee Secretary. Nahuli noong 2006. She is now involved in an LGU-supported handicraft livelihood training of former rebels. We love you, Leah!

1.3.5 Benigno Simeon C. Aquino III – 2012 SONA

Sa ikatlong SONA ng kasalukuyang pangulo‘y nagpalabas siya ng isang video bilang isang paraan ng pakikipag-ugnayan niya sa taumbayan. Ipinakita ng naturang video yaong ilang mamamayan ng ating lipunan na natulungan ng kanyang administrasyon. Isinalaysay ng mga taong ito kung paano tinulungan at tinutulungan ng Administrasyong Aquino III ang kani-kanilang pamilya. Narito ang kani-kanilang mga pahayag:

(1) ―Nagpapasalamat sa Poong Maykapal. Binigyan kami ng

ganitong pagkakataon—binigyan ng blessing na ganito. Pangalawa, ‗yong pagkakaroon natin ng mabait na pangulo. Itong proyekto na ito ay hindi niya kami pinababayaan—mga kapulisan at mga sundalo—sandatahan ng ating Pilipinas.‖ - SPO1 Domingo Medalla [Benepisyaryo ng PNP Housing Beneficiary]

(2) ―Kinakaya namin, Ma‘am. Pero ginagawan ko talaga ng

paraan na makapasok sila [sa eskuwela]. ‗Yon lang talaga, Ma‘am, ang misyon ko sa buhay na mapaaral sila, maibigay ko ‗yong tamang edukasyon, na hindi maging gusgusin ang anak ko, hindi kaawa-awa[an] ng mga tao, may magulang na dapat magtaguyod. At, napapasalamat ako sa Pantawid [Pamilya Program], Ma‘am, dahil may natutunan ako ditong malaki.‖ - Eva Neri [Benepisyaryo

ng CCT]

(3) ―Malaking tulong na isa kami—ang alam ko

kauna-unahan na nakinabang at nakikinabang pa sa package na ‗to na Category Z Package ng PhilHealth. Nagpapasalamat kami nang sobra at hindi man maganda na nagkaroon ng sakit ang anak ko, pero mayroong PhilHealth na tutulong at handang tumulong sa mga gastusin namin.‖ - Kristine Tatualla [Benepisyaryo ng

(4) ―Noong araw na nasama ako sa isang Oakwood

Mutiny—‗yong pinaglalaban namin, ito na po ‗yong hinihintay namin para sa pagbabago at ito na po ang pagkakataon natin para magkaroon tayo ng sariling bahay lalong lalo na sa programa ng ating presidente na si Benigno Aquino III.‖ - PFC Rolly Bernal

[Benepisyaryo ng AFP Housing]

1.4 Pagkamakabansa

1.4.1 Corazon C. Aquino – 1991 SONA

Sa sumusunod na pahayag ay ipinabatid ng dating pangulo ang pagmamahal niya sa bansa:

―I mention these calamities not to excuse the perceived

shortcomings of my administration nor to brag about my indestructibility. I mention them so that we know where we are, and why we are here, and the exact requirements of the task to build up this country yet again.

Pangunahing layon ng dating Pangulong Cory Aquino na paunlarin ang bansa. Ang pagkakaroon ng ganitong mithiin ay totoong nagpapakita ng pagmamahal at pagmamalasakit niya para sa bayan. Ninais niya na makamtan ng bansa ang pagbabago at kaunlaran na sana‘y noon pa natamasa ng bawat Pilipino kung sa simula pa lamang ay nagpakita na nang pagmamahal sa bayan ang mga dating namumuno. Sa pamumuno‘y kinakailangang unahin ang pagmamahal sa bansa bago pa ang pagmamahal sa sarili na tunay na ipinakita ni Ginang Aquino noong siya‘y nanunungkulan bilang pinuno ng bansa.

1.4.2 Fidel V. Ramos – 1997 SONA

Ipinamalas ni Ginoong Ramos sa kanyang SONA ang pagmamahal sa ating bansa nang ipahayag niyang ang kalayaang ating tinatamasa‘y dapat pagyamanin at pag-ingatan sapagkat hindi natin makakamtan ang minimithing kaunlaran kung ito‘y mawawala. Ito‘y makikita sa kanyang pahayag na nasa ibaba:

―And we cannot allow our democracy to wither — because

Philippine democracy is our unique comparative advantage in the new global order. Only democracy can release the spirit of enterprise and creativity among our people, and without freedom, economic growth is meaningless. And so, freedom — markets — and progress — go together.‖

Hindi maikakailang pinaunlad ng dating Pangulong Ramos ang ekonomiya ng ating bansa sa buong panahon ng kanyang panunungkulan. Subalit sa huli niyang SONA ay itinanggi niyang iyon ang pinakabantog na nagawa ng kanyang administrasyon para sa sambayanang Pilipino. Wika niya, ang pinakadakilang nagawa ng pamahalaan noong panahong iyon ay ang pagpapanumbalik ng respeto, kapurihan at tiwala ng mga Pilipino sa sarili at sa hinaharap.

Narito ang bahagi ng kanyang talumpati na binigkas niya sa wikang Filipino at Ingles na nagpapatunay sa pahayag na nabanggit sa itaas:

(1) ―Ito ang masasabi ko mga mahal na kapatid at mga

kababayan — ang pinakamahalagang bagay na ating nagawa ay hindi lamang ang pagbalik ng ating ekonomiya tungo sa pag-unlad. Higit pa rito, ang pinakamahalagang bagay na ating nagawa ay ang pagbalik sa bawat Pilipino ng ating paggalang sa sarili, paniniwala

sa ating kakayahan, at pagtitiwala sa ating magandang kinabukasan.

(2) ―I would say this — the best thing we did has not merely

been to restore the economy to the path of growth. I would say our greatest accomplishment has been to bring back the Filipino‘s sense of self-respect and pride — of faith in ourselves and of confidence in the future.

1.4.3 Joseph E. Estrada – 1998 SONA

Hindi nakaligtaan ng dating Pangulong Estrada sa kanyang SONA na magpahayag ng iba‘t ibang paksang may malaking kinalaman sa kahirapan o kaunlarang nararanasan ng bansa.

Nabanggit ni Arrogante na ang pagtatalumpati ay hindi isang karapatan manapa‘y isang pribilehiyong may kaugnayan sa mga pananagutan kaya‘t dapat gamiting kasangkapan para sa kapakinabangan ng nakararami. Ito‘y ipinamalas ng dating pangulo sa sumusunod niyang pahayag:

―Ipinamalas din ng kasalukuyang krisis ang peligro ng labis

na pag-asa sa mga pondong nagmumula sa labas, kaya‘t kailangan nating pag-ibayuhin ang sarili nating pag-iipon, nang may sarili tayong pampuhunan sa ating mga proyekto.

Hinikayat ni Ginoong Estrada ang taumbayan na magtipid at mag-impok para sa kinabukasan. Nais din niyang maging maingat at masinop ang pamahalaan sa paggasta ng pondo nito upang hindi malubog ang bansa sa pagkakautang sa World Bank at sa iba pang banyagang institusyong nagpapautang ng mga salapi.

1.4.4 Gloria M. Arroyo – 2009 SONA

Ipinahayag ni Ginang Arroyo ang kanyang pagkamakabansa sa bahaging ito ng kanyang talumpati:

―I did not become President to be popular. To work, to lead,

to protect and preserve our country, our people, that is why I became President. When my father left the Presidency, we were second to Japan. I want our Republic to be ready for the first world in 20 years.

Sinabi ng dating pangulo na hindi siya nanungkulan para maging popular manapa‘y upang paglingkuran ang Inang Bayan tulad ng ginawang paglilingkod ng kanyang ama, ang dating Pangulong Diosdado P. Macapagal. Nang matapos ang panunungkulan ng kanyang ama, ang Pilipinas ay pangalawa lamang sa bansang Hapon. Umaasa siyang mapabibilang ang Pilipinas sa mga first world country sa hinaharap at nais niyang paghandaan ito ng mga Pilipino.

Sa pagtatapos ng kanyang SONA, binigyang diin ng dating Pangulong Arroyo na ipaglalaban niya ang mga karaniwang Pilipino at pangungunahan ang bansa bilang pinuno ng estado hanggang sa huling araw ng kanyang panunungkulan. Tunghayan natin ito sa sumusunod niyang pahayag:

―At the end of this speech I shall step down from this stage,

but not from the Presidency. My term does not end until next year. Until then, I will fight for the ordinary Filipino. The nation comes first. There is much to do as Head of State—to the very last day.‖

1.4.5 Benigno Simeon C. Aquino III – 2012 SONA

Bilang pagmamahal sa ating bansa, maraming isinagawang pagbabago ang kasalukuyang pangulo simula nang siya‘y mahalal sa tungkulin. Naglunsad siya ng mga proyektong makatutulong sa bawat Pilipino, inalis yaong mga gastusing hindi kailangan, hinabol ang mga tiwali sa pamahalaan at binuksan ang bansa para sa mga dayuhang mangangalakal:

"Nagpatupad po tayo ng reporma: tinanggal ang gastusing

hindi kailangan, hinabol ang mga tiwali, at ipinakita sa mundong open for business under new management na ang Pilipinas‖."Sa bawat sulok ng mundo, nagpapakita ng paghanga ang mga komentarista.‖

Dagdag pa rito‘y ipinagmalaki rin ng Pangulong Aquino III ang bansa nang ibalita niya sa taumbayang nakikinig ng kanyang SONA na maraming banyagang indibidwal at institusyon gaya ni Ruchir Sharma, ng Bloomberg

Businessweek at Foreign Policy magazine ang nagagalak at

nagbibigay-puri sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa:

―Ayon sa Bloomberg Businessweek, and I quote: 'Keep an

eye on the Philippines.' Ang Foreign Policy magazine, pati isa sa mga pinuno ng ASEAN 100, nagsabing maaari raw tayong maging, and I quote, 'Asia‘s Next Tiger.' Sabi ni Ruchir Sharma, pinuno ng Emerging Market Equities and Global Macro ng Morgan Stanley, I quote: 'The Philippines is no longer a joke.

1.5 Pamamahala

1.5.1 Corazon C. Aquino – 1991 SONA

Naging maganda ang idinulot na pamamahala ng dating pangulo sa bansa sapagkat pinahalagahan niya ang mga karapatan ng bawat Pilipino at pinangunahan ang pagpapanumbalik at pagtataguyod ng demokrasya sa bansa. Ito‘y mapatutunayan sa sumusunod niyang pahayag:

―Ngunit ang pagkaloob ng kapangyarihan sa mamamayan

ay nangangahulugan hindi lamang ng pagdaraos ng halalan tuwing ikatlong taon. Kailangan pagyamanin ang kanilang pagkakadiit sa pamahalaan – sa araw-araw na gawain ng pamahalaan – upang ang malawak na kayamanan ng isa ay makatulong sa mga pagkukusa ng kabila at ang mga patakaran ng pamahalaan ay paglinangin ng mga mamamayan.

This means the lives of the people shall be constantly improved and the people themselves empowered by the habit of directing their own government. The constant revision of flawed policies and the wider application of good ones are possible only by bringing together the people and the government. People empowerment, through people‘s organizations, NGOs, foundations and cooperatives, is the surest means we know to make government mirror the aspirations of the people.

Ipinahihiwatig ng pahayag sa itaas na ang kapangyarihan ay wala sa pamahalaan kundi nasa taumbayan. Ayon kay Ginang Aquino, kailangang magkaroon ng mabuting samahan o interaksyon ang pamahalaan at ang taumbayan sa isa‘t isa nang sa gayo‘y masolusyunan ang iba‘t ibang suliraning panlipunan at makamtan ng bansa ang minimithing pagbabago at kaunlaran.

1.5.2 Fidel V. Ramos – 1997 SONA

Sa simula‘y nagbigay ng dalawang tanong ang dating Pangulong Ramos kung ano na ang mga nagawa ng kanyang administrasyon tungo sa ikauunlad ng bansa. Nais niyang balikan o alalahanin ng bawat politiko ang kanilang mga ginawa habang sila‘y nanunungkulan upang malaman kung may nagbago sa buhay ng mga Pilipino. Ganito ang kanyang sinabi:

―Have we improved the lives of our people during our terms?

Are our people better off today than they were five years ago?

Kaagad din niyang binigyang kasagutan ang mga katanungan sa itaas sa pagsasabing siya‘y kampante o nakatitiyak na maraming proyekto ang naisakatuparan ng kanyang administrasyon batay na rin sa mga pang-ekonomiya‘t panlipunang indikador, sa testimonya ng mga eksperto at hatol ng ordinaryong mamamayan:

―As for my administration, we are content — in any judgment

of its record so far — to stand on the evidence of the economic and social indicators, the testimony of the experts, and best of all, the verdict of ordinary people.

Sa bandang huli‘y tiniyak ni Ginoong Ramos na patuloy niyang gagampanan nang maayos ang kanyang tungkulin hanggang sa siya‘y bumaba sa posisyon:

―For my part, let me assure you — for my part the work of

government will never slacken during this final year of my watch. I will not be a lame-duck President for two reasons: First, because that is not my nature, and you know that very well. And second, the times call for vigorous tigers and not enfeebled fowls. I will be working and governing — you will all feel and hear and see me

working and governing as your President — until I turn over the Presidency to the 13th President of the Republic at high noon on 30 June, 1998.

1.5.3 Joseph E. Estrada – 1998 SONA

Bilang hinirang na pinuno ng sambayanang Pilipino, taglay ng dating Pangulong Estrada ang kapangyarihang pamahalaan ang bansa. Sa pamamagitan ng SONA ay kanyang ipinahayag yaong mga ninanais niyang patakaran at mga panukalang makapagpapabuti sa kanyang pamamahala.

Tulad ng nabanggit nina H. De Leon at H. De Leon, Jr., isang oportunidad at pribilehiyo ng pangulo na makapagtalumpati sa harap ng Kongreso upang makapagpahayag ng napakaraming usapin hinggil sa kalagayan ng bansa; magtagubilin sa mga mambabatas ng mga bagay na sa palagay niya‘y dapat pag-ukulan ng pansin at aksyunan kaagad; at magpahayag ng mga pambansang patakaran. Sa kanyang SONA ay pinakiusapan ng dating pangulo ang Kongreso na pahintulutan siyang gawing matipid at masinop ang pamahalaan:

―Pakikiusapan ko ang Kongreso na bigyan ako ng

kapangyarihan para reorganisahin ang gobyerno upang ito ay maging matipid at masinop. The aim is not to change the officials but to rationalize goverment operations. We are a small country, we should have only a small goverment. Not only on the nationality but also on the local level.‖

Masasalamin sa naturang pahayag na masidhi ang hangarin ni Ginoong Estrada na magkaroon ng pagbabago sa ilalim ng kanyang administrasyon. Nais niyang pangunahang baguhin ang takbo ng pamamahala sa gobyerno at mabigyang solusyon ang mga problema na siyang sanhi ng kahirapang nararanasan ng bansa. Naniniwala siyang higit pang mapabubuti ang serbisyong naibibigay sa bansa kung magtutulungan ang pamahalaang nasyonal at pamahalaang lokal sa paglilingkod sa taumbayan. Hangad din niya ang higit pang dedikasyon at pagiging responsable ng mga taong nanunungkulan sa gobyerno.

1.5.4 Gloria M. Arroyo – 2009 SONA

Ibinahagi ng dating pangulo sa huli niyang SONA kung paano dapat gampanan ng isang pangulo ang kanyang tungkulin bilang punong tagapagpaganap ng bansa:

―A President must be on the job 24/7 ready for any

contingency, any crisis, anywhere, anytime.

Wika niya, kinakailangang gampanan ng isang pangulo ang kanyang tungkulin nang naaayon sa oras at maging handa sa anumang bagay na maaaring makasagabal sa kanyang pagtatrabaho.

Gayundin, ipinahayag ni Ginang Arroyo ang sarili niyang pagpapakahulugan sa salitang ―pamamahala‖:

―Governance, however, is not about looking back and getting

even. It is about looking forward and giving more—to the people