• Tidak ada hasil yang ditemukan

Kaugnayan ng Buhay ng mga naging Pangulo at ng Kasalukuyang Pangulo sa mga Talumpating Kanilang Ipinahayag

Fidel V. Ramos Pagtaas ng GNP, per capita income, mga produktong iniluluwas at bilang ng mga mamamayang may hanapbuhay

ibang bansa

4. Kaugnayan ng Buhay ng mga naging Pangulo at ng Kasalukuyang Pangulo sa mga Talumpating Kanilang Ipinahayag

4. Kaugnayan ng Buhay ng mga naging Pangulo at ng Kasalukuyang Pangulo sa mga Talumpating Kanilang Ipinahayag

Ang pagbigkas ng anumang uri o anyo ng talumpati ay isang daan upang iugnay ng nagsasalita ang mga paksang kanyang ipinahahayag sa personal niyang buhay. Ganito rin ang mapakikinggan sa SONA ng mga pangulo ng bansa.

4.1 Corazon C. Aquino – 1991 SONA

Pinangunahan ni Ginang Aquino ang pagpapanumbalik ng demokrasyang ipinagkait noon ng Rehimeng Marcos sa mga Pilipino sa Himagsikang EDSA ng 1986. Wika niya:

―But in one thing we grew from strength to strength – in the

enlargement of our democratic space and the strengthening of our democracy.‖

Ipinabatid ng dating Pangulong Cory Aquino sa kanyang pahayag sa itaas ang mithiin niyang mapanatili ang demokrasya sa bansa. Naniniwala siyang magagamit at maisasagawa ng taumbayan ang kanilang mga karapatan kung mananatili bilang isang demokratikong bansa ang Pilipinas.

4.2 Fidel V. Ramos – 1997 SONA

Isang sundalo ng hukbong sandatahan ang dating Pangulong Ramos. Nakipaglaban siya sa Rebelyong Hukbalahap (1946-1954), Digmaang Koreano (1950-1953) at Digmaang Biyetnam (1955-1975).

Gayumpaman ay hindi niya isinantabi ang pagpapanatili ng kaayusan at seguridad sa bansa. Kaugnay nito, ibinalita niya na noong minsang nagpulong ang ASEAN‘s Regional Forum, iminungkahi niya ang desmilitarisasyon ng Dagat Timog Tsina upang mapanatili ang kapayapaan doon:

―ASEAN‘s Regional Forum (ARF) has drawn the great

powers with interests in East Asia in a continuing dialogue to deal with regional security concerns, and among the most critical being — that the South strategic sea-lanes of the China Sea should remain an international freeway, open to all innocent passage. Toward this goal, I officially proposed in 1994 the demilitarization of the South China Islets claimed by six littoral states, and the cooperative development of their resources.

Bilang isang sundalo at mamamayang may pakialam sa mahahalagang pangyayaring nagaganap sa labas ng bansa, batid ni Ginoong Ramos ang pagtatapos ng Digmaang Malamig (1947-1991); ang kapangyarihang taglay ng Estados Unidos; ang pagwawakas ng Unyong Sobyet at pagsisimula ng bagong Rusya; ang ‗di matapos-tapos na tensyon sa Tangway ng Korea; at ang paglakas ng ekonomiya‘t militar ng Tsina. Wika niya, lahat ng mga nabanggit ay tiyak na makaaapekto sa kalagayang pang-ekonomiya, pampolitika, at panseguridad ng bansa:

―Just now, no new superpower is likely to challenge the

United States... How a new Russia will evolve from the ideological ruins of the Soviet Union; how peace can be organized once and for all on the Korean peninsula... China‘s rapidly expanding economy will unavoidably press politically and militarily on East Asia. And in the not-too-distant future, China will once again become a great power... How China exercises its potential political,

economic, and military clout must concern all countries of the Asia Pacific – and none more so than we who are closest among its neighbors especially the Philippines.

Dagdag pa riyan, ang dating Pangulong Ramos ay naging chief of

staff ng dating konstabularya (ang pulisya ngayon) mula 1980 hanggang

1986. Muli niyang ipinatupad ang parusang kamatayan na nauna nang ipinawalang bisa ng nakaraang administrasyon nang siya‘y manungkulan bilang pangulo ng bansa. Kanya ring ipinag-ibayo ang kampanya laban sa korapsyon at ilegal na droga. Bukod dito‘y itinayugod din niya ang pangangalaga sa kaligtasan ng kabataan at kababaihan:

―Law enforcement agencies we should reform, reorganize,

and modernize — to raise their level of competence and their standard of dedication to their duties. We will pursue our fight against heinous crimes with greater vigor — even as we continue to cleanse government of the scalawags and grafters within its ranks — whether in the Executive, the Legislative, or Judicial Branch.‖

Sa buong panahon ng kanyang panunungkulan at magpahanggang ngayon ay ibig o sang-ayon siyang susugan ang kasalukuyang Konstitusyon ng 1987. Bagama‘t nabigo dahil na rin sa mahigpit na pagtutol ng dating Pangulong Cory Aquino at ng taumbayan, muli niyang ipinagdiinan ang bagay na ito sa kanyang SONA:

―The entire political system we must make more responsive

to the challenges — and the opportunities — that the new century will bring. We must reexamine the Constitution as thoroughly as the Japanese, the South Koreans, the Thais, among others, are reexamining theirs — to improve qualitatively the state‘s capacity to promote the interests of the national community, even as we

recognize the people‘s right — enshrined in the same Constitution — to seek its improvement.‖

4.3 Joseph E. Estrada – 1998 SONA

Mapapansin sa mga paksang tinalakay ng dating pangulo ang palagiang pangingibabaw ng salitang ―pag-asa.‖

Makikita ito sa binitiwan niyang pahayag:

―Mga kagalang-galang na kinatawan ng sambayanang

Pilipino: Hayaan ninyong wakasan ko ang mensaheng ito sa pagsambit ng isang taimtim na pag-asa.

Ngayong taon-sa kabila ng mga mabibigat na suliranin-susulong pa rin ang ating ekonomiya.‖

Para kay Ginoong Estrada, ang pag-asa ay isang napakahalagang salitang hindi kailanman dapat mawala sa isang bansang nakararanas ng matinding kahirapan.

Mararamdaman sa kanyang pahayag na hindi dapat sumuko ang sambayanang Pilipino sa pag-asam at paniniwalang may magaganap pang pagbabago sa bansa sapagkat isa ito sa mga bagay na ginawa niya noong mga panahong siya‘y nasa ganoong kalagayan.

Isinilang ang dating Pangulong Estrada sa Tondo, isang lugar sa Maynila na masasabing talamak ang krimen at kahirapan. Sa panahong iyon, ang salitang pag-asa ay nanatili sa kanyang isipan sapagkat hindi siya tumigil sa pagsusumikap na baguhin ang takbo ng kanyang kapalaran. Dahil sa payak niyang pamumuhay ay napalapit ang kanyang

puso sa mahihirap nating kababayan kaya‘t hinangad niyang maglingkod sa bayan. Ang kanyang dedikasyon at walang kamatayang pag-asa ang nagbigay-katuparan sa kanyang hangarin na makapaglingkod, dagdag pa ang tiwalang ipinagkaloob sa kanya ng mga Pilipino. Bilang sukli, naging huwaran siyang pinuno na may malaking naiambag sa pagpapaunlad ng bansa.

Kaya‘t noong siya‘y naging pangulo ng bansa, ninais niyang ipakilala sa taumbayan ang salitang ―pag-asa‖ na magpapaalalang hindi pa huli ang lahat para sa pagbabago. Naniniwala siya na kung nagawa niyang paunlarin ang kanyang sinilangang bayan, kaya rin niyang paunlarin ang sarili niyang bansa.

Tunghayan naman natin ang isa pa niyang pahayag:

―I have neither pretension nor further ambition, only the

sincere desire to serve. Only the desire to help the least of our people.

Ipinahihiwatig nito na handang gawin ni Ginoong Estrada ang lahat ng kanyang makakaya upang makapaglingkod sa bansa lalo‘t higit sa mahihirap na mamamayan. Inukit niya ang kasabihang ―Erap para sa Mahirap‖ sa puso‘t isipan ng mamamayang Pilipino hindi lamang para labanan ang kahirapan manapa‘y upang maniwala‘t umasang may pagbabagong magaganap sa bansa.

4.4 Gloria M. Arroyo – 2009 SONA

Sa simula pa lamang ng kanyang SONA ay ibinalita ng dating Pangulong Arroyo sa madlang tagapakinig ang pandaigdigang krisis pampinansyal na lubos na nakaapekto sa ekonomiya ng mga bansa sa daigdig:

―Financial meltdown in the West spread throughout the

world. Tens of millions lost their jobs... No one was spared.

It has affected us already. But the story of the Philippines in 2008 is that the country weathered a succession of global crises in fuel, in food, then in finance and finally, economy in a global recession...

Mababatid sa naturang pahayag na mahimalang hindi gaanong naapektuhan ng nasabing krisis ang bansa. Ito‘y sapagkat isang mahusay na ekonomista si Ginang Arroyo na nagtapos bilang magna cum laude at may master at doctorate degree sa kursong Batsilyer ng mga Sining sa Ekonomiks.

Tangi rito, nang makapagtapos sa kursong nabanggit ay nakapagturo siya ng ekonomiks sa mga kolehiyo‘t pamantasan. Samakatuwid, isa ring guro ang dating pangulo. Sa kanyang SONA ay ipinahayag niyang dapat mamuhunan nang malaki ang pamahalaan sa edukasyon at skills training:

―Pardon my partiality for the teaching profession. I was a

teacher, kaya namuhunan tayo ng malaki sa education at skills training.

4.5 Benigno Simeon C. Aquino III – 2012 SONA

Bata pa lamang noon ang kasalukuyang Pangulong Aquino III nang idineklara ng dating Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Batas-Militar. Nasaksihan niya ang pang-aabusong ginawa ng diktaturya hindi lamang sa kanyang pamilya kundi maging sa taumbayan na naging dahilan upang mapanday ang mga prinsipyo niya sa buhay:

―Gaya ng marami sa inyo namulat ako sa panggigipit ng

makapangyarihan. Labindalawang taong gulang po ako nang idineklara ang Batas Militar. Bumaliktad ang aming mundo: Pitong taon at pitong buwang ipiniit ang aking ama; tatlong taong napilitang mangibang-bansa ang aking pamilya; naging saksi ako sa bawat pagdurusa ng marami dahil sa diktadurya. Dito napanday ang aking prinsipyo: kung may inaagrabyado‘t ninanakawan ng karapatan, siya ang kakampihan ko. Kung may abusadong mapang-api, siya ay lalabanan ko. Kung may makikita akong mali sa sistema, tungkulin kong itama ito.

Ngayong siya‘y isa ng pangulo ng bansa, masidhi niyang ipinahayag sa ikatlo niyang SONA na ipagtatanggol niya ang mga naaapi, itatama ang bawat kamaliang kanyang makikita sa pamahalaan at paglilingkuran nang tapat ang sambayanang Pilipino.

Talahanayan 4