Isyung Panlipunan
GLOBALISASYONG POLITIKAL
Kasabay ng paglaganap ng globalisasyong ekonomikal at sosyo-kultural ay ang paglakas ng globalisasyong politikal. Globalisasyong politikal na maituturing ang mabilisang ugnayan sa pagitan ng mga
177
bansa, samahang rehiyunal at maging ng pandaigdigang organisasyon na kinakatawan ng kani-kanilang pamahalaan.
Tulad ng nabanggit sa unang bahagi ng aralin, ang mga kasunduang bilateral at multilateral sa pagitan ng mga bansa ay nagbigay daan sa epektibo at episyenteng ugnayan ng mga bansa na nagdulot naman ng mabilis na palitan ng mga produkto, ideya, kahusayang teknikal at maging ng migrasyon ng kani-kanilang mamamayan.
Ang ugnayang diplomatiko ng Pilipinas sa Australia, China, Japan, South Korea, Thailand, US at iba pang mga bansa ay nagdala ng mga oportunidad pang-ekonomiko at pangkultural sa magkabilang panig. Halimbawa nito ang economic and technical aid na ibinibigay ng ilang bansa sa Pilipinas. Nariyan ang JICA Project ng Japan, BEST Project ng Australia, military assistance ng US, at mga tulad nito.
Sa Timog-Silangang Asya naman halimbawa, kinakitaan ang mga bansang miyembro ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ng mas maigting na ugnayan sa nagdaang mga taon na isa sa nagbigay daan sa mabilis na pag-angat ng ekonomiya ng rehiyon. Kasalukuyang pinaghahandaan ng mga bansang kaanib nito ang ASEAN Integration sa taong 2030 na naglalayong mapaigting ang koordinasyon ng bawat isa upang higit na maging maayos ang pamumuhunan, kalakalan, at pagtutulungang politikal.
Kaugnay sa globalisasyong politikal ay ang gampanin ng mga pandaigdigang institusyon sa pamamahala ng mga bansa. Ayon sa artikulo ni Prof. Randy David na pinamagatang, ‘The Reality of Global pandaigdigang organisasyon tulad ng United Nations, European Union, Amnesty International at mga tulad nito sa mga polisiya at programang kinahaharap ng isang bansa.
May magandang dulot ang globalisasyong politikal kung ang layunin nito ay tulungan ang mga bansa upang higit na maisakatuparan
ang mga programa at proyektong mag-aangat sa pamumuhay ng mga mamamayan nito ngunit maaari rin itong maging sagabal sa pag-unlad ng isang bansa kung ang kanilang interes ang bibigyang pansin.
Kung tutuusin, hindi mapaghihiwalay ang manipestasyong ekonomikal, politikal at kultural sa usaping globalisasyon. Ang mga ito ay sabay-sabay na nagpapabago ng buhay ng maraming tao hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo.
Paksa: Pagharap sa Hamon ng Globalisasyon
Hindi mapasusubalian ang impluwensiya ng globalisasyon sa buhay ng tao. Nagdala ito ng mga pagbabagong nagpabuti sa ilang aspeto ng ating buhay ngunit kalakip din nito ang mga suliraning kailangang harapin at bigyang katugunan.
Malaki ang ginagampanan ng pamahalaan sa pagharap sa hamon ng globalisasyon maging ito man ay sa dimensiyong ekonomikal, politikal o sosyo-kultural.
Narito ang ilang solusyon sa pagharap ng hamon ng globalisasyon na isinasakatuparan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.
Guarded Globalization
Pakikialam ng pamahalaan sa kalakalang panlabas na naglalayong hikayatin ang mga lokal na namumuhunan at bigyang- proteksiyon ang mga ito upang makasabay sa kompetisyon laban sa malalaking dayuhang negosyante.
Bibigyan pansin sa araling ito ang mga pagtugon sa iba’t ibang hamon ng globalisasyon.
179
Ilan sa mga halimbawa ng polisiyang ito ay ang:
pagpataw ng taripa o buwis sa lahat ng produkto at serbisyong nagmumula sa ibang bansa. Sa ganitong paraan ay mas tumataas ang halaga ng mga ito kaya naman mas nagkakaroon ng bentahe ang mga produktong lokal; at
pagbibigay ng subsidiya(subsidies) sa mga namumuhunang lokal. Ang subsidiya ay tulong-pinansyal ng pamahalaan. Kilala ang United States sa malaking tulong na ibinibigay nito sa mga magsasaka. Isa pang anyo ng subsidiya ay ang pagbawas ng buwis sa mga produktong lokal kaya naman murang naipagbibili ang mga ito.Bukod sa United States, ang China at Japan ay nagbibigay rin ng malaking subsidiya sa kanilang mga namumuhunan.
Patas o Pantay na Kalakalan (Fair Trade)
Ayon sa International Fair Trade Association (IFTA), ito ay tumutukoy sa pangangalaga sa panlipunan, pang-ekonomiko at pampolitikal na kalagayan ng maliliit na namumuhunan. Para naman sa pananaw ng neo-liberalismo, ang fair trade ay nangangahulugan ng higit na moral at patas na pang-ekonomiyang sistema sa daigdig. Layunin nito na mapanatili ang tamang presyo ng mga produkto at serbisyo sa pamamagitan ng bukas na negosasyon sa pagitan ng mga bumibili at nagbibili upang sa gayon ay mapangalagaan hindi lamang ang interes ng mga negosyante kundi pati na rin ang kanilang kalagayang ekolohikal at panlipunan. Binibigyang pansin din nito ang ilang mahahalagang dimensiyon ng kalakalan tulad ng pangangalaga ng karapatan ng mga
manggagawa (hal.pagbuo ng unyon), pagbibigay ng sapat at ligtas na trabaho sa kababaihan at mga bata at paggawa ng mga produktong ligtas sa lahat. Isa itong alternatibong paraan sa pandaigdigang kalakalan.
Isa sa mga nakinabang sa pantay na kalakalan (fair trade) ay mga magsasaka ng kape. Humigit-kumulang pitong milyong katao mula sa umuunlad na bansa (developing nations) kasama ang Brazil ang nakinabang sa patakarang ito dahil sa mas mataas na halaga nila naibenta ang kanilang coffee bean na nagkakahalaga ng $1.29 per pound kung ihahambing sa $1.25 sa pamilihan. Upang maging kuwalipikado, kinakailangan na ang magsasaka ay makasunod sa mga alituntunin sa paggamit ng pesticide, teknik sa pagsasaka, recycling at iba pa. Sa kabilang banda, hindi lahat ng mga bansa ay napakikinabangan ito tulad ng Columbia, Guatemala at Ethiopia. Malaki ang kinikita ng Starbucks mula sa mataas na uri ng kape mula sa Ethiopia ngunit hindi ang mga magsasaka ng kape. Sa katunayan, isang sentimo lamang mula sa limang dolyar kada tasa ng kape ng Starbucks ang natatanggap ng mga magsasakang ito. Kaya naman, malayo pa ang lalakbayin ng programa o proyektong ito upang higit na mapakinabangan ng mga umuunlad na bansa.
Pagtulong sa ‘Bottom Billion’
Binigyang-diin ni Paul Collier (2007) na kung mayroon mang dapat bigyang-pansin sa suliraning pang-ekonomiyang kinahaharap ang daigdig, ito ay ang isang bilyong pinakamahihirap mula sa mga bansa sa
181
Asya lalo’t higit sa Africa. May mahalagang papel ang mauunlad na bansa sa pag-alalay sa tinaguriang bottom billion. Ngunit ang tulong-pinansiyal (economic aid) ng mayayamang bansa tulad ng Germany, Japan, France at Italy ay sinasabing hindi sapat kung hindi magkakaroon ng mga programa at batas na tutugon sa mga suliraning ito. Partikular dito ang pagbabago ng sistema ng pamamahala na malaki ang kinalaman sa paghihirap ng mga mamamayan nito.
BINABATI KITA!
PAGNILAYAN AT UNAWAIN
Gawain 6.Decision Diagram
Surrin ang dalawangartikulo tungkol sa epekto ng globalisasyon sa pamumuhay ng mga Pilipino at punan ang Decision Diagram. Halaw angartikulo sa akda ni Lisa Smith. Isinalin ang ilang bahagi ng may-akda ang nasabing artikulo.
Sa puntong ito’y, palalalimin mo ang mga nabuong pag-unawa tungkol sa globalisasyon. Inaasahan na iyong masusuri ang mga positibo at negatibong dulot ng globalisasyon. Makakatulong ang inihandang gawain upang iyong matimbang ang dulot ng globalisasyon sa buhay ng mga Pilipino. Sapat na ang iyong kaalaman tungkol sa globalisasyon.Gamitin ang
iyong mga natutuhan sa bahagi ng PAUNLARIN upang maisagawa ng maayos ang mga gawain sa susunod na bahagi ng modyul, ang PAGNILAYAN AT UNAWAIN.
n
Summary chart
Globalization: Progress or Profiteering?
(Liza Smith)
Gawi ng globalisasyon ang pagdadala ng puhunan at negosyo mula sa pamilihang lokal patungo sa ibang bansa na siyang nag-uugnay sa iba’t ibang pamilihan ng daigdig. Ayon sa mga sumusoporta sa ideya ng globalisasyon, nakatutulong ito sa mga papaunlad na bansa na makahabol sa pag-angat ng ekonomiya dahil sa pagdami ng bilang ng trabahong naibibigay nito bukod pa sa teknolohiyang dala nito. Patunay dito ang mga Asyanong bansa tulad ng India, Pilipinas at Thailand. Para sa mga malalaking negosyante at miyembro ng economic elite, mabuti ang globalisasyon sapagkat nakakukuha sila ng manggagawang handang tumanggap ng mas mababang sahod na nagbibigay naman sa kanila ng higit na kita.
Hindi lamang ang mga negosyanteng nabanggit ang naaapektuhan nito kundi maging ang mga manggagawa sa iba’t ibang bansa na handang makipagkompetensya upang makuha ang mga trabaho kapalit ang mas mababang sahod. Sa katunayan, ilang trabaho (hal. autoworks) mula sa US na dinala ngNorth American Free Trade Agreement (NAFTA) sa bansang Mexico dahil sa mas murang pasahod dito ay inilipat sa ilang bansa sa Silangang Asya dahil sa higit na murang pasahod. Ganun pa man ang mga produktong ito ay ipagbibili sa mga konsumer sa US sa tulad ding halaga. Samantala, ang mababang pasahod na nakukuha ng mga manggagawa sa maliliit na bansa ay ginagamit sa pagbili ng mga tinging produktong nagmula rin naman sa mga kanluraning bansa.
Hindi maipagkakaila ang pagtaas ng antas ng pamumuhay ng mga mamamayan sa papaunlad na mga bansa dala ng industriyalisasyon (teknolohiya) na bitbit ng mga korporasyon at kompanya mula sa mayayamang bansa.
183
Hango ang artikulo sa balita ni Ma. Stella F. Arnaldo ng Business Mirror. Isinalin ang ilang bahagi ng may-akda ang nasabing artikulo.
Ngunit kabaliktaran naman nito ang nagyayari sa mga mauunlad na bansa sapagkat batay sa mga pag-aaral, patuloy ang paglaki ng agwat ng mayayaman at mahihirap sa mga bansang ito. Ilang politiko rin ang nagsasabing patuloy na kumakaunti ang middle class dala ng penomenong ito.
Kasama rin sa duot ng globalisasyon ang ‘homonisasyon’ ng kultura sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Ang pag-usbong ng coffee shops at big-box retailers sa mga syudad ng maraming bansa ay ‘lumilikha’ ng iisang mukha ng pagkakakilanlang kultural.
Ilang kritiko ng globalisasyon din ang nagsasabing pinahihina nito ang pambansang soberanya ng mga maliliit na bansa dahil sa malakas na impluwensyang dulot ng mayayamang bansa kung saan nagmumula ang mga nasabing puhunan at trabaho. Hangga’t hindi nakalilikha ng mga solusyon sa mga hamon na kaakibat ng globalisasyon, mananatili ang edukasyon, flexibility at adaptability sa mga kasanayang makatutulong upang makasabay dito.
Spanish government eyes hike in financial assistance to Philippines
(Ma.Stella F. Arnaldo)
Kasalukuyang pinag-aaralan ng gobyerno ng Espanya ang higit na pagpapalakas ng ugnayan nito sa Pilipinas, maging ang posibleng pagbibigay nito ng tulong-pinansyal sa bansa mula taong 2018 hangagang 2022. Ayon kay Spanish Ambassador to the Philippines Luis Antonio Calvo, umabot ng €50 milyon ang naitulong ng Espanya sa bansa sa mula taong 2014 hanggang 2017. Naging prayoridad sa mga taong ito ang mga programa na may kinalaman sa demokratikong pamamahala, disaster risk reduction, at de-kalidad na pagtugon sa humanitarian crises partikular ang rehiyon ng Bikol at Caraga sa Zamboanga Peninsula.
Ayon din sa kanya’y naghihintay lamang ang mga negosyanteng Espanyol na handang mamuhunan hanggang malinawan sila sa makroekonomikong kondisyon ng bansa. Batay sa tala ng Philippine Embassy sa Madrid, ang kabuuangforeign direct
investments ng Espanya sa Pilipinas ay umabot ng $39 milyon mula 2006 hanggang
2015. Ang kalakalan sa pagitan ng dalawang bansa ay pabor sa Espanya nang kumita ang huli ng $136 milyon sa taong 2015. Ngunit ang iniluluwas na produkto at serbisyo ng bansa sa Espanya ay patuloy ang paglago na may average na 11.13% kada taon simula ng 2011.
Ilan sa mga kompanyang naging bahagi ng public-partnership projects ay mula sa Espanya tulad ng OHL (Obrascon Huarte Lain), na bahagi ngAyala Group
consortiumpara sa Cavite-Laguna Expressway (Calax), Grupo ACS (Actividades de Construccion y Servicios)para sa proyektong paliparan,at Abengoa para sa mga
proyektong patubig.
Mula 2014 hanggang 2017, Pilipinas lamang ang bansa sa Asia-Pacific region ang nakatanggap ng tulong pangkaunlaran (development aid) mula sa Espanya. Kasalukuyang pinag-aaralan ng Espanya na magaya ang proyekto nitong national
disaster risk-reduction managementsa Bicol sa walo pang lalawigan ng bansa na
185
Bumuo ng iyong paglalahat kung nakabuti o nakasama ba globalisasyon sa pamumuhay ng mga Pilipino?
________________
________________
________________
________________
________________
________________
________________
________________
________________
________________
________________
________________
M ab utin g du lot ng glo ba lisa sy on Di -mabu ting du lot ng glo ba lisa sy onPamprosesong Tanong
1. Ano ang mga patunay na mayroong mabuti at di-mabuting dulot ang globalisasyon?
2. Paano binago ng globalisasyon ang pamumuhay ng mga Pilipino? Magbigay ng halimbawa.
3. Sa pangkalahatan, nakatutulong ba o nakasasama ang
globalisasyon sa pamumuhay ng mga Pilipino? Patunayan ang iyong sagot.
187