Isyung Panlipunan
Gawain 4. Sa aking komunidad
2. Pagkasira ng mga Likas na Yaman
Ang Pilipinas ay isa mga bansa na biniyayaan ng maraming likas na yaman. Tinatayang 15% ng kabuuang kita ng Pilipinas noong 2010 ay kita mula sa direktang paggamit ng mga likas na yaman, halimbawa nito ay ang
62 pagtatanim at pangingisda. Mahalaga din ang likas na yaman bilang sangkap sa paggawa ng produkto na ginagamit sa iba’t ibang sektor tulad ng industriya at paglilingkod, halimbawa, ang mga computer, sasakyan, makina, at pagkain ay naggawa mula sa mga likas na yaman. Tunay na napakahalaga ng likas na yaman sa ekonomiya ng isang bansa. Sa kasalukuyan, patuloy na nasisira at nauubos ang likas na yaman ng Pilipinas dahil sa mapang-abusong paggamit nito, tumataas na demand ng lumalaking populasyon, hindi epektibong pagpapatupad ng mga programa at batas para sa pangangalaga sa kalikasan, at mga natural na kalamidad. Matutunghayan sa susunod na bahagi ng aralin ang mga kalagayan ng ilan sa mga likas na yaman ng ating bansa.
Sanggunian:(Country Environmental Profile, 2005), (National Economic Development Authority, 2011)at (Center for Environmental Concerns - Philippines, 2012)
2.1 Suliranin sa Yamang Gubat
Maraming benepisyo ang nakukuha natin mula sa kagubatan. Ito ang tahanan ng iba’t ibang mga nilalang na nagpapanatili ng balanse ng kalikasan, mahalagang mapanatili ang balanseng ito dahil kung patuloy na masisira ito ay maapektuhan din ang pamumuhay ng tao. Nagmumula din sa kagubatan ang
Ang likas na yaman ng Pilipinas sa kasalukuyan…
Kagubatan – mabilis at patuloy na pagliit ng forest cover mula sa 17 ektarya noong 1934 ay naging 6. 43 milyong ektaraya noong 2003.
Yamang tubig – pagbaba ng kabuuang timbang ng mga nahuhuling isda sa 3 kilo bawat araw mula sa dating 10 kilo.
Yamang lupa – pagkasira ng halos 50% ng matabang lupain sa huling sampung taon
Yamang mineral – 1.3% ng GDP o 97.1 bilyong piso noong 2009 ay mula sa kita sa pagmimina.
Biodiversity – noong 2008 nasa 221 species ng fauna 526 species ng flora ang nailista bilang mga threatened species.
63 iba’t ibang produkto tulad ng tubig, gamot, damit, at iba pang pangunahing pangangailangan ng tao. Mayroon ding mga industriya na nagbibigay ng trabaho sa mga mamamayan na nakasalalay sa yamang nakukuha mula sa kagubatan (Philiipine Tropical Forest Conservation Foundation, 2013). Sa kabila ng kahalagan, pinangangambahan na maubos o masira ang kagubatan ng Pilipinas kung magpapatuloy ang deforesataion.
Ayon sa Food and Agriculuture Organization ng United Nations, ang deforestation ay tumutukoy sa matagalan o permanenteng pagkasira ng kagubatan dulot ng iba’t ibang gawain ng tao o ng mga natural kalamidad (FAO, 2010). Nagsimula ang deforestation sa Pilipinas noon pang 1500s kung saan ang noo’y 27 milyong ektarya ng kagubatan ay naging 7.2 milyong ektarya na lamang ngayong 2013 (Philippine Climate Change Commission, 2010). Sa katunayan sa ulat ni dating DENR officer-in-charge Demetrio Ignacio, lumabas na ang 24% kagubatan ng Pilipinas ay pangalawa sa pinakamaliit sa mga bansa sa Timog silangang Asya (Andrade, 2013). Higit na mababa ang ulat na inilabas ng European Union Joint Research Centre kung saan gamit ang satellite-based image, nasabi nila na mayroon na lamang 19% ang kagubatan ng Pilipinas (Country delegate to the European Commission, 2009).
Sa ulat na pinamagatang Status of Philippine Forests ( 2013) ay inisa-isa nito ang mga dahilan at epekto ng deforestation sa Pilipinas. Ito ay ang sumusunod:
Gawain Epekto
Illegal logging
- Ilegal na pagputol sa mga puno sa kagubatan. Ang kawalan ng ngipin sa pagpapatupad ng mga batas sa illegal logging sa Pilipinas
Ang walang habas na pagputol ng puno ay nagdudulot ng iba’t ibang suliranin tulad ng pagbaha, soil erosion, at pagkasira ng tahanan ng mga ibon at hayop. Sa katunayan noong 2008 ay mayroong 221species ng fauna at 526 species ng flora ang naitala sa
ang nagpapalubha sa suliraning ito.
threatened list (National Economic Development Authority, 2011)
Migration – paglipat ng pook panirahan
Nagsasagawa ng kaingin (slash-and-burn farming) ang mga lumilipat sa kagubatan at kabundukan na nagiging sanhi ng pagkakalbo ng kagubatan at pagkawala ng sustansya ng lupain dito.
Mabilis na pagtaas ng populasyon
Ang mabilis na pagtaas ng populasyon ng Pilipinas ay nangangahulugan ng mataas na demand sa mga pangunahing produkto kung kaya’t ang mga dating kagubatan ay ginawang plantasyon, subdivision, paaralan, at iba pang imprastruktura.
Fuel wood harvesting -paggamit ng puno bilang panggatong. Isang halimbawa ay ang paggawa ng uling mula sa puno.
Ayon sa Department of Natural Resources na lumabas sa ulat ng National Economic Development Authority (2011), tinatayang mayroong 8.14 milyong kabahayan at industriya ang gumagamit ng uling at kahoy sa kanilang pagluluto at paggawa ng produkto, ang mataas na demand sa uling at kahoy ay nagiging dahilan ng pagputol ng mga puno sa kagubatan.
Ilegal na Pagmimina Apektado ang kagubatan sa pagmimina dahil kadalasang dito natatagpuan ang deposito ng mga mineral tulad ng limestone, nickel, copper, at gold. Kinakailangang putulin ang mga puno upang maging maayos ang operasyon ng pagmimina. Nagdudulot din ng
65 panganib sa kalusugan ng tao at ng iba pang nilalang sa kagubatan ang mga kemikal na ginagamit sa pagpoproseso ng mga nahukay na mineral. Ayon sa DENR, mayroong 23 proyekto ng pagmimina ang matatagpuan sa kabundukan ng Sierra Madre, Palawan, at Mindoro.
Ang pangkalahatang epekto ng deforestation ay nararanasan ng mga mamamayan lalo na yaong mga mahihirap na umaasa lamang sa kagubatan. Ang patuloy na pagliit ng forest cover ay nagpapaliit din sa pinagkukunan nila ng kabuhayan.
Sa mga nakalipas na taon ay mayroong iba’t ibang batas, kautusan, programa at proyekto na isinagawa sa Pilipinas mula sa pagtutuluungan ng pamahalaan at iba’t ibang sektor ng lipunan upang mapangalagaan ang kagubatan. Makikita ito sa timeline na nahahati sa tatlong bahagi: ang una ay noong panahon ng pananakop mula (1910-1945); panahon matapos ang digmaan (1946-mid 1970s), at 1970-hanggang sa kasalukuyan. Ang mga impormasyon sa timeline na ito ay hango sa aklat na pinamagatang One century of forest rehabilitation in the Philippines (Chokkalingam et al., 2006), sa ulat na pinamagatang Philippine Forest and Wildlife Law Enforcement (Oliva, 2007) at sa opisyal na website ng Forest Management Bureau.
Panahon ng Pananakop (1910-1945)
1910 Itinayo ang kauna-unahang Forestry School (ngayon ay College of Forestry and Natural Resources) sa Los Baños, Laguna.
1916 Isinabatas ang Republic Act 2649 kung saan ay naglaan ng sampung libong piso para sa reforestationng Talisay-Minglanilla Friar Lands Estate sa sa Cebu.
1919 Itinatag ang Magsaysay Reforestation Project sa Arayat, Ilocos, at Zambales.
1927-1931 Itinatag ang Cinchona plantation sa Bukidnon at nagsagawa ng iba pang proyekto para sa reforestation.
1937-1941 Naglaan ng malaking pondo ang pamahalaan para sa mga
programang pangkagubatan. Itinatag ang Makiling Reforestation Project.
Panahon matapos ang digmaan (1946-kalagitnaan ng dekada 70)
1946-1948 Limitado lamang ang pondong nilaan ng pamahalaan para sa mga proyekto ng reforestation kung kaya’t hindi gaanong
naisakatuparan ang mga programa.
1948 Muling sumigla ang mga gawain para sa reforestation sa bisa ng Republic Act 115.
1960 Itinatag ang Reforestation Administration sa bisa ng Republic Act 2706. Layunin nito na mapasidhi ang mga programa para sa
reforestation ng bansa.
Kalagitnaan ng dekada 70 hanggang sa kasalukuyan
Nilagdaan ang Presidential Decree 705 kung saan ay ipinag-utos ang pagsasagawa ng reforestation sa buong bansa kasama ang pribadong sektor. Ipinagbawal din ang pagsasagawa ng sistema ng pagkakaingin.
1975
Sa bisa ng Presidential Decree 1153 ay ipinag-utos sa lahat ng mga mamamayang 10 taong gulang pataas na magtanim ng 12
seedling bawat taon sa loob ng limang taon.
1977
Sinimulan ng pamahalaan ang mga people-oriented programs tulad ng Integrated Social Forestry Program noong 1982 at Community Forestry Program noong 1987.
Tumulong din ang mga NGO tulad ng programang “Sloping Land Agricultural Technology” o SALT sa Mindanao, progama ng World Neighbours sa mga komunidad sa kabundukan, at ang programa ni Pastor Delbert Rice sa mga katutubo sa Sta Fe Nueva Viscaya. 1980s
Ipinagbawal ang illegal logging sa bisa ng Executive Order 277 1987
67 Sinimulan ang Forest Sector Projects (FSP) I at II
1987
Naisabatas ang Republic Act 7586 o ang “NationalIntegrated Protected Area System” (NIPAS). Layunin nitong mapangalagaan ang mga tinatawag na protected areas mula sa pang-aabuso 1992
Sinimulan ang National Forestation Program (NFP). Layunin nito na magsagawa ng rehabilitasyon ng 1.4 milyong ektarya ng kagubatan sa buong bansa.
1995
Malaki ang naging epekto ng pagsasabatas ng Republic Act 8371 o Indigenous People’s Rights Act” (IPRA) sa pangangalaga ng kagubatan.
1997
Ipinasa ang sumusunod na batas:
RA 9072 - “National Cave and Resources Management and ProtectionAct”,
RA 9147 - “Wildlife Resources Conservation and Protection Act” RA 9175 - “The Chainsaw Act”
2001
Proclamation No. 643
Hinakayat ang participasyon ng lahat ng ahensya ng gobyerno, pribadong sektor, paaralan, NGO, at mga mamamayan upang makihalok sa tree planting activities. Idineklara ang June 25 bilang Philippines Arbor day.
2004
Nilagdaan ang sumusunod: Executive Order No. 23
- nagdelakara ng moratorium (isang legal na kautusan upang ihinto ang isang gawain) sa pagputol ng puno sa natural at residual na kagubatan. Ipinag-utos din ang paglikha ng anti-illegal logging
task force.
Executive Order No. 26
- idineklara ang pangangailangan sa pagtutulugan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan para sa National Greening Program 2011
Nilagdaan ang sumusunod: Executive Order No. 193
- layunin nito na palawakin ang sakop ng National Greening Program
Republic Act No. 10690
- tinatawag din bilang The Forestry Profession Law
- itinadhana ng batas na ito ang pagsasagawa ng regulasyon sa mga 2015
Mga programa para sa pagpapanumbalik ng kagubatan National Greening program
National Forest Protection Program Forestland Management Project
Integrated Natural Resources and Environmental Management Project Sa kasalukuyan
Sa kasalukuyan, isa sa maituturing na tagumpay ng pagtutulungan ng pamahalaan, pribadong sektor, NGO, at mga mamamayan ay ang unti-unting pagbuti ng kalagayan ng kagubatan ng Pilipinas. Ayon sa ulat ng United Nations Food and Agriculture Organization (FAO), noong 2015 ay panlima ang Pilipinas sa 234 na bansa na may malawak na lupaing napapanumbalik sa kagubatan (Galvez, 2016).