• Tidak ada hasil yang ditemukan

MGA ISYUNG PANG-EKONOMIYA

Dalam dokumen LM.AP10 4.21.17.pdf (Halaman 144-153)

Isyung Panlipunan

MODYUL 2: MGA ISYUNG PANG-EKONOMIYA

Panimula at mga Gabay na Tanong

Sa modyul na ito ay susuriin ang mga isyung pang-ekonomiya tulad ng globalisasyon, isyu sa paggawa at migrasyon kaakibat ang implikasyon nito sa pamumuhay ng mga Pilipino. Hangarin sa pag-aaral ng mga aralin na nakapaloob sa modyul na ito na maunawaan ng mga mag-aaral ang mga hamon at tugon sa mga isyung nabanggit tungo sa pagpapabuti ng ng kalidad ng pamumuhay. Makatutulong ang pag-unawang ito sa pagpapanatili ng dignidad ng buhay ng isang indibiduwal.

Sa pagtatapos ng modyul na ito ay inaasahang masagot ang tanong na ‘Paano nakaapekto ang mga isyung pang-ekonomiya sa pamumuhay ng mga Pilipino?’

145

Pamantayan sa Pagkatuto

Inaasahang makakamit sa modyul na ito ang sumusunod na pamantayan sa pagkatuto:

Pamantayang Pangnilalaman: Pamantayan sa Pagganap: Ang mga mag-aaral ay may

pag-unawa sa sanhi at implikasyon ng mga lokal at pandaigdigang isyung pang ekonomiya upang mapaunlad ang kakayahan sa matalinong pagpapasya tungo sa pambansang kaunlaran.

Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng

pagsusuring papel sa mga isyung pang-ekonomiyang nakaaapekto sa kanilang pamumuhay.

Mga Aralin at Sakop ng Modyul

Aralin 1 – Globalisasyon: Konsepto at Anyo Aralin 2 – Mga Isyu ng Paggawa

Aralin 3 – Migrasyon

Sa modyul na ito ay inaasahang matututuhan mo ang mga sumusunod:

Mga Aralin Kasanayang Pampagkatuto

Aralin 1:

Globalisasyon: Konsepto at Anyo

 Nasusuri ang konsepto at dimensyon ng globalisasyon bilang isa sa mga isyung panlipunan

 Naiuugnay ang iba’t ibang perspektibo at pananaw ng globalisasyon bilang isyung panlipunan

 Nasusuri ang implikasyon ng iba’t ibang anyo ng globalisasyon sa lipunan

 Napahahalagahan ang ibat ibang tugon sa pagharap sa epekto ng globalisasyon

Aralin 2:

Mga Isyu sa Paggawa

 Naipaliliwanag ang mga dahilan ng pagkakaroon ng ibat ibang suliranin sa paggawa

 Natataya ang implikasyon ng ibat ibang suliranin sa paggawa sa pamumuhay at sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa

 Nakabubuo ng mga mungkahi upang malutas ang ibat ibang suliranin sa paggawa

Aralin 3: Migrasyon

 Naipaliliwanag ang konsepto at dahilan ng migrasyon sa loob at labas ng bansa

 Naipaliliwanag ang epekto ng migrasyon sa aspektong panlipunan, pampolitika at pangkabuhayan

 Nakabubuo ng angkop na hakbang sa pagtugon sa mga suliraning dulot ng migrasyon.

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang titik ng wastong sagot.

1. Ano ang kahulugan ng globalisasyon?

A. Proseso ng pagdaloy o paggalaw ng mga tao, bagay, impormasyon at produkto sa iba’t ibang direksyon na nananarasan sa iba’t ibang bahagi ng daigdig

B. Malawakang pagbabago sa sistema ng pamamahala sa buong mundo

C. Pagbabago sa ekonomiya at politika na may malaking epekto sa sistema ng pamumuhay ng mga mamamayan sa buong mundo

D. Mabilis na paggalaw ng mga tao tungo sa pagbabagong political at ekonomikal ng mga bansa sa mundo.

2. Ano ang pangyayaring lubusang nakapagpabago sa buhay ng tao sa kasalukuyan?

A. Paggawa C. Migrasyon

B. Ekonomiya D. Globalisasyon

3. Isa sa mga kinakaharap na isyu sa paggawa sa Pilipinas ay ang pag-iral ng sistema ng mura at flexible labor. Alin sa sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa konsepto ng mura at flexible labor?

PANIMULANG PAGTATAYA

Subukin mong sagutin ang paunang pagsusulit upang matukoy ang lawak ng iyong kaalaman tungkol sa mga paksang tatalakayin. Bigyang-pansin ang mga tanong na hindi masasagutan nang wasto at alamin ang sagot nito sa iba’t ibang aralin sa modyul na ito.

147

A. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na bigyan ng kalayaan ang mga manggagawa sa pagpili ng kanilang magiging posisyon sa kompanya.

B. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad na mababang pasahod at paglilimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa.

C. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na palakihin ang kanilang kinikita at tinutubo sa pamamagitan ng pagpapatupad na malaking pasahod at pagpapahaba sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa.

D. Ito ay paraan ng mga mamumuhunan na ipantay ang kanilang kinikita at tinutubo sa pagpapatupad na malaking pasahod at paglilimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa. 4. Mahalaga sa isa manggagawa ang seguridad sa paggawa sa

kaniyang pinapasukang kompanya o trabaho subalit patuloy ang paglaganap ng iskemang subcontracting sa paggawa sa bansa. Ano ang iskemang subcontracting?

A. Sistema ng pagkuha ng isang kompanya sa isang ahensiya o indibidwal na subcontractor upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon.

B. Iskema ng pagkuha ng isang ahensiya o indibiwal na subcontractor ng isang kompanya para sa pagsagawa ng isang trabaho o serbisyo.

C. Pag-eempleyo sa isang manggagawa upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa loob ng 6 na buwan.

D. Pagkuha sa isang ahensiya o indibidwal na subcontractor sa isang manggagawa sa loob ng mas mahabang panahon. 5. Ano ang migrasyon?

A. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar

B. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat sa kaguluhan ng mga mamamayan

C. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula sa isang lugar o teritoryong politikal patungo sa isang lugar pansamantala man o permanente

D. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat dulot ng mga hindi inaasahang pangyayari sa lugar na pinagmulan

6. Suriin ang sumusunod na diyagram at piliin ang angkop na interpretasyon. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

A. Magkakaugnay ang ekonomiya, politika at sosyo-kultural sa pamumuhay ng tao.

B. Saklaw ng globalisasyon ang aspektong ekonomikal, politikal at kultural.

C. Globalisasyon ang sentro ng pamumuhay ng tao. D. Globalisasyon ang susi sa suliranin ng lipunan.

7. Ang pagsulpot ng iba’t ibang outsourcing companies na pagmamay-ari ng mga lokal at dayuhang namumuhunan ay isang manipestasyon ng globalisasyon. Ilan sa mga epekto nito ay ang sumusunod.

I. Nagkaroon ng karagdagang trabaho ang mga Pilipino. II. Nabago ang dinamiko (oras, sistema, istruktura) ng

paggawa sa maraming kompanya.

III. Naapektuhan ang kalusugan ng maraming

manggagawang namamasukan partikular ang mga call center agents. Ekonomikal Politikal Sosyo-kultural Globalisasyon

149

IV. Binago ng globalisasyon ang lifestyle ng maraming Pilipino.

Mula sa mga kaisipang nabanggit, ano ang mabubuong konklusyon dito?

A. Nakatulong ang globalisasyon sa pamumuhay ng tao.

B. Tumugon ang globalisasyon sa pangangailangan ng marami.

C. Mayroong mabuti at di-mabuting epekto ang globalisasyon sa pamumuhay ng tao.

D. Suliranin lamang ang idinulot ng globalisasyon sa pamumuhay ng tao.

8. Maaring suriin ang globalisasyon sa iba’t ibang anyo nito maliban sa isa. Ano ito?

A. Ekonomikal B. Teknolohikal C. Sosyo-kultural D. Sikolohikal

9. Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang kumakatawan sa pahayag na “binago ng globalisasyon ang workplace ng mga manggagawang Pilipino”?

A. Pag-angat ang kalidad ng manggagawang Pilipino.

B. Pagdagsa ng mga Business Process Outsourcing (BPO) sa bansa.

C. Paghuhulog, pagbabayad at pagwiwithdraw gamit ang mga Automatic Teller Machince (ATM).

D. Pagdagsa ng mga produktong dayuhan sa Pilipinas.

10. Sa pagdagsa ng mga dayuhang mamumuhunan sa bansa bunsod ng globalisasyon ipinatupad nila ang mura at flexible labor sa bansa na nakaapekto sa kalagayan ng mga manggagawang Pilipino. Alin sa mga pahayag ang dahilan ng paglaganap nila nito sa bansa?

A. Pag-iwas ang mga mamumuhunan sa krisis dulot ng labis ng produksiyon sa iba’t ibang krisis.

B. Maipantay ang sweldo ng mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa.

C. Makabuo pa ng maraming trabaho para sa mga manggagawang Pilipino.

D. Maibaba ang presyo sa mga produktong iluluwas na gawa sa bansa sa pandaigdaigang kalakalan.

11. Mahalaga na maproteksyunan ang kalagayan ng mga manggagawang Pilipino laban sa mababang pasahod at di-makatarungang pagtanggal sa kanila sa trabaho dulot ng kawalan ng seguridad sa paggawa. Paano ito maisasakatuparan ng mga manggagawang Pilipino?

A. Pag-boycott sa mga produktong dayuhan at pangangampanya sa mga mamamayan ng pagkondena sa mga ito.

B. Pakikipag-usap ng mga samahan ng mga manggagawa sa mga kapatalista o may-ari ng kompanya sa pamamagitan ng tapat at makabuluhang Collective Bargaining Agreement (CBA).

C. Pagsasagawa ng picket at rally laban sa kompanya at kapitalista

D. Pagsabotahe, paninira at panununog sa mga planta o kagamitan ng kompanya

12. Suriin ang mga pangungusap sa ibaba. Tukuyin kung anong pangkalahatang obserbasyon sa migrasyon ang inilalarawan dito I. Maraming mag-aaral na mga Vietnamese at Koreans ang

nagpupunta sa Pilipinas.

II. Sa paglago ng BPO sa bansa, kaalinsabay nito ang pagdating ng mga Indians bilang managers ng mga industriyang nabanggit.

A. Globalisasyon ng migrasyon

B. Mabilisang paglaki ng globalisasyon C. Peminisasyon ng globalisasyon D. Migration transition

13. Bakit maituturing na panlipunang isyu ang globalisasyon?

A. Tuwiran nitong binago, binabago at hinahamon ang pamumuhay at mga “perennial” na institusyon na matagal ng naitatag

B. Patuloy na pagbabago sa kalakarang pamumuhay ng mga mamamayan

C. Nagdudulot ng masamang epekto sa panlipunan, ekonomikal at pulitikal na aspekto.

D. Naaapektuhan nito ang mga maliit na industriya at mas higit na pinaunlad ang mga malalaking industriya

151

14. Paano nakapagpapabilis sa integrasyon ng mga bansa ang globalisasyon?

A. Makikita sa globalisasyon ang mabilis na ugnayan ng mga bansa

B. Dahil sa globalisasyon mabilis na tumutugon ang mga bansa sa mga banta na magdudulot ng kapinsalaan.

C. Dahil sa globalisasyon nagkakaroon ng mabilis na palitan ng impormasyon at kolaborasyon ang mga bansa

D. Makikita sa globalisasyon ang paghiwa-hiwalay ng mga bansa sa daigdig.

15. Ilan sa mga dahilan ng permanenteng migrasyon ay ang paghahanap ng mga sumusunod maliban sa isa. Ano ito?

A. Hanapuhay B. Turismo C. Edukasyon D. Tirahan

16. Isa sa mga hamon ng globalisasyon sa bansa ay ang pagbabagp sa workplace ng mga manggagawa, binago rin nito ang sistema ng pagpili sa mga manggawa. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapatunay ng pagbabagong ito?

A. Humigpit ang pagproseso sa pagpasok ng mga dayuhang kompanya, produkto at serbisyo sa bansa kaya’t kinailangan ng mga world class workers.

B. Tumaas ang kalidad ng mga lokal na produkto sa pandaigdaigang pamilihan kaya’t kinailangang mag-angkat ng mga eksperto sa ibang bansa para sanayin ang mga lokal na manggagawa.

C. Humirap ang kalagayan ng mga dayuhang kompanya sa pagpasok sa bansa kaya’t kinailangang pababain ang sweldo ng mga lokal na manggagawa.

D. Naging malaya ang pagpasok ng mga dayuhang kompanya sa bansa dahil sa mababang pagpapasweldo at pagngonguntrata lamang sa mga lokal na manggagawa.

17. Malaki ang naging papel ng globalisasyon sa pagdagsa ng mga dayuhang kompanya, produkto at paggawa sa bansa. Ayon sa ulat ng DTI noong 2010 may pinakamalaking paglago dito ay sa sektor ng serbisyo na kung saan ang nanguna ang industriya ng BPO. Sa kabilang dako patuloy namang bumababa ang paglago ng sektor ng agrikultura. Anong konklusiyon ang mahihinuha sa pahayag na ito?

A. Mababa ang pagpapasweldo, pabagu-bago ang paggawa sa bansa at ang lengguwaheng English ang isa sa pangunahing wika na madali sa mga Pilipino.

B. Malaki ang naitulong ng pagdagsa ng makabagong gadget sa bansa kaya madaling makasabay ang mga Pilipino sa mga sebisyong on-line.

C. Magaling ang mga Pilipino sa larangan ng teknolohiya at impormasyon.

D. Karamihan sa mga kabataang Pilipino ay kumukuha ng kurso na may kinalaman sa BPO.

18. Ayon sa Ulat ng International Labor Organization o ILO noong 1992 at 1997 mas dumarami na ang bilang ng na-eempleyo sa bansa bilang kaswal o kontraktuwal kaysa sa pagiging regular o permanente bunsod ng mga polisiya tungkol sa flexible working arrangements ng pamahalaan sa mga pribadong kompanya sa hanay ng sektor ng serbisyo, sub-sektor nito at ng mga TNCs. Ano ang iyong mahihinuha sa ulat na ito?

A. Ito ay bunsod ng mataas na pamantayan ng mga dayuhang kompanya sa pagpili ng mga manggagawa upang maging regular.

B. Ito ay bunsod ng mahigpit na patakaran ng pamahalaan sa mga dayuhang kompanya sa Pilipinas kaya’t mura at flexible ang paggawa sa bansa.

C. Ito ay bunsod ng pinaluwag na mga patakaran ng pamahalaan kagaya ng pagpayag sa iskemang subcontracting at tax incentives upang makahikayat ng mas maraming dayuang kompanya na magtayo ng mga negosyo at serbisyo sa bansa. D. Ito ay bunsod ng matinding pangangailangan ng trabaho sa bansa kaya’t kahit mura at flexible labor ay hinayaan ng pamahalaan na magpatupad ang mga pribadong kompanya na gawing kaswal ang mga manggagawang Pilipino.

19. Noong taong 2013, nagmula sa Asya ang pinakamalaking bilang ng mga imigrante na lumabas ng kanilang bansa. Ano ang mahihinuha rito?

A. Kakaunti ang oportunidad na makakuha ng mga mamamayan sa Asya.

B. Kahirapan ang mas namamayani sa Asya at hindi kaginhawahan ng pamumuhay.

C. Mas malaki ang oportunidad sa labas ng Asya

D. Mas kinakakitaan ng malaking oportunidad ng mga Asyano ang ibang lugar bunga ng iba’t ibang hanapbuhay na mapapasukan na angkop sa kanilang natapos

153

20. Maaaring uriin ang outsourcing sa mga sumusunod maliban sa isa. Ano ito?

A. Nearshoring B. Offshoring C. Onshoring D. Inshoring

Dalam dokumen LM.AP10 4.21.17.pdf (Halaman 144-153)