• Tidak ada hasil yang ditemukan

Summary Chart

Dalam dokumen LM.AP10 4.21.17.pdf (Halaman 128-135)

Isyung Panlipunan

Gawain 22. Summary Chart

Basahin at unawain ang sumusunod na artikulo, pagkatapos ay punan ng sagot ang summary chart.

Unang artikulo.Ang unang artikulo ay hango mula sa ulat ni Agnes Espinas (2013) na tumatalakay sa Disaster Risk Management sa lalawigan ng Albay.

Sa bahaging ito, palalalimin mo ang mga nabuong pag-unawa tungkol sa paksa. Inaasahan din na sa pagkakataong ito ay kritikal na masusuri mo ang kahalagahan ng aktibong pagkilos sa pagharap sa mga hamon ng kapaligiran.

Geography and Public Planning:

Albay and Disaster Risk Management

Agnes Espinas

Bago pa man magkaroon ng mga organisasyong may responsibilidad na tumugon sa mga kalamidad binibigyang babala ang mga tao sa pamamagitan ng pagpapatunog ng kampana ng simbahan. May mga pagkakataon na may inaatasang tagapamalita ang isang barangay na magbibigay-babala sa mga tao sa paparating na bagyo o anomang uri ng kalamidad. Ang iba ay umaasa sa pakikinig ng balita sa radyo upang magkaroon ng kaalaman sa estado ng kalamidad. Walang sinusunod na sistema o programa ang pagbangon mula sa isang kalamidad. Karaniwan, nasa pansariling desisyon ng isang komunidad ang mga paraan kung paano maiiwasan ang malawakang pagkasirang dulot ng isang kalamidad. Nasa kanilang pagpapasya kung kailan dapat lumikas sa mas ligtas na lugar. Ang pagtungo sa mga evacuation centers, na karaniwang mga pampublikong paaralan, ang paraan upang magkaroon ng access ang mga biktima ng kalamidad ng pagkain, damit, at gamot. Inaasahang sa mga oras ng kalamidad, may mga gagawin ang mga lokal na opisyal upang masigurong ligtas ang kanilang mga nasasakupan subalit, walang sinusunod na protocol at nakahandang plano sa pagharap sakaling magkaroon

129 Bago ang taong 1989, ang istratehiya ng Albay sa disaster risk management ay tinatawag na “after-the-fact-disaster response”.(Romero, 2008:6) Ang paraan ng pamahalaang pamprobinsya, mahahalagang ahensya ng lokal na pamahalaan, at iba pang institusyon ay pagtugon at reaksiyon lamang sa mga naganap na kalamidad. Gayundin naman, hindi nagkakaroon ng pangmatagalang paghahanda para sa kalamidad. Pangunahing pinagtutuunan ng pansin ang kaligtasan ng mga naapektuhang pamilya at ang pagbibigay ng

relief assistance sa panahon ng kalamidad.

Ang mga gawain ng iba’t ibang ahensya na may kinalaman sa pagharap sa kalamidad ay maituturing na nabuo lamang upang tugunan ang pangangailangan at hindi bahagi ng regular na tungkulin ng nasabing ahensya ng pamahalaan. Ang mga disaster control group ay nabuo lamang dahil sa pagkakaroon ng isang kalamidad. Sa pagkakaroon ng kalamidad, ilan sa mga gawain ng disaster control group ay ang pagbibigay ng mga early warning

signal, paglikas ng mga apektadong pamilya, pamimigay ng mga relief goods,

at pagkakaloob ng mga tulong medikal. Sa punto ng paghahanda sa kalamidad, nagkakaroon ng mga pagsasanay at drill subalit hindi ito regular na nagaganap. Matapos ang kalamidad, nakatuon naman ang mga gawain sa rehabilitasyon ng mga nasirang inprastraktura bunga ng dumaang kalamidad.

Taong 1989, sa tulong ng gobyerno ng Italy, pinagtibay ng lalawigan ng Albay ang pagkakaroon ng community-based disaster preparedness upang mabawasan ang malawakang pagkawala ng buhay at pagkasira ng ari-ariang dulot ng mga kalamidad sa kanilang lalawigan.

Ikalawang Artikulo. Ang ikalawang aritkulo ay hango mula sa ulat ng Partnerships for Disaster Reduction – South east Asia Phase 4 (2008). Ang ulat ay tungkol sa implementasyon ng Community-Based Disaster Risk Management sa Pilipinas.

Community-Based Disaster Risk Management (CBDRM) Projects and Programs Implemented by Non-Government Organiations (NGOs)

Sa kasalukuyan, mayroong mga internasyunal at lokal na mga NGO ang nakikibahagi sa mga gawaing may kaugnayan sa CBDRM sa 55 probinsya at siyudad sa Pilipinas. Sa 55 probinsya at siyudad, 43, ang natukoy na mga at-risk, na siyang naging pokus ng mga gawain ng READY Project. Makikita sa talahanayan ang iba’t ibang organisasyon na nagpatupad ng mga gawain may kaugnayan sa CBDRM. Ang mga organisasyong ito ay isinaayos sa kategoryang internasyunal na NGO, lokal na NGO, NAPCVDC NGOs.

Ang mga natitirang NGOs ay miyembro ng Victims of Disaster and Calamities (VDC) Sector of National Anti-Poverty Commission (NAPC). Ang limang NGOs ay na ito ay ang Balay Rehabilitation Center, Inc (Balay), Creative Community Foundation, Inc (CCF), Pampanga Disaster Response Network, Inc (PDRN), Philippine Relief and Development Services, Inc (PhilRADS), at PNRC Agusan Del Norte–Butuan City Chapter.

Ang mga nabanggit na internasyunal at lokal na NGOs ay may kabuuang 51 CBDRM-related na proyekto at programa. Subalit, mayroon lamang dalawang NGOs na may kasalukuyang programa na may kaugnayan sa Hydro-meteorological Disaster Mitigation for Secondary Cities in Asia (PROMISE). Ito ay matatagpuan sa Dagupan City, sa Pangasinan at sa Easter Visayas.

131 Talahanayan 1.11 – List of Non-Government Organizations that have Implemented Community-Based Disaster Risk Management (CBDRM) Activities

Sanggunian: Partnerships for Disaster Reduction – Southeast Asia Phase 4 (2008)

Ikatlong Artikulo. Ang ikatlong artikulo ay hango mula sa artikulo ni Lorna P. Victoria, (2001) ang director ng Center for Disaster Preparedness ng Pilipinas.

Replicating Ideally Prepared Communities

(Abinales, 2002 at Heijmans & Victoria, 2001)

Kahit ang Buklod Tao lamang ang tanging people’s organization

sabagong tatag na Philippine Disaster Management Forum, tiniyak pa rin nito na ang presensiya, tinig, at interes ng mga pamayanan sa CBDM ay mapapanatili. Pagkatapos ang matagumpay na disaster preparedness at emergency response

activities tulad ng maayos na paglikas, search and rescue at evacuation center management ng mga pamayanan mula pa noong 1997, tumulong na rin ang

Buklod Tao sa iba pang pamayanan upang maging matagumpay ang kanilang CBDM. Ang Buklod Tao ay isang environmental people’s organization na binuo

ng mga residente ng Doña Pepeng Subdivision at mga informalsettlers ng North at South Libis, Brgy. Banaba, San Mateo noong Pebrero 1997 pagkatapos ang pagkilos ng pamayanan laban sa plano ng isang construction company na magtayo ng isang cement batching plant sa katabing lupaing agrikutlural. Naniniwala silang magdudulot lamang ito ng mga pagbaha sa kanilang pamayanan dahil na rin sa lokasyon nito sa delta ng mga ilog Nangka at Marikina.

Pagkatapos ng isang araw na Disaster Management and Preparedness

Seminar noong Hunyo 1997, binuo ng Buklod Tao ang Disaster Response Committee (DRC) na mayroong 33 miyembro at nagbalangkas ng Counter Disaster Plan. Tatlong disaster management teams ang binuo at ang emergency rescue at evacuation plan ay inayos (kasama ang pagbuo sa 3 bangkang fiberglass). Mula sa konseho ng barangay ay nagkaroon ang Buklod Tao ng isang life jacket. Mula sa ibang mga donasyon ay nakalikom ang samahan ng pondo

(humigit kumulang Php 30,000) na pambili ng flashlights, baterya, mga tali,

megaphones, first aid kits at mga kagamitan sa pagbuo ng tatlong rescue boats.

Dalawang buwan pagkatapos ng disaster preparedness seminar, isang bagyo ang muling tumama sa pamayanan. Kahit na maraming bahayang nasira ay wala namang namatay at maraming naisalba ang mga mamamayan. Simula noon, maaari nang makaiwas sa kapahamakan dahil sa flood-level monitoring, early

warning, evacuation, rescue operations, at relief assistance activities ng DRC at

133 Summary chart

v

Sa puntong ito ay inaasahan na mayroon ka nang malalim na pag-unawa sa mga paksa ng modyul na ito. Ngayon ay sagutan mo ang outer circle ng Gawain 2. Suriin mo ang mga pagbabago sa iyong mga sagot sa bahagi ng PAGTUKLAS.

Paano tinugunan ang mga suliranin at hamong pangkapaligiran?

Batay sa ikalawang artikulo

Batay sa unang artikulo Batay sa ikatlong artikulo

Batay sa tatlong artikulo na aking sinuri, masasabi ko na ang pagtugon sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran ay dapat na ______________________________

____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ ______________________________________.

BINABATI KITA!

Naunawaan mo sa modyul na ito ang maaaring gawin ng tao upang harapin ang lumalalang suliranin at hamong pangkapaligiran. Binigyang-diin ang kahalagahan ng pagtutulungan ng pamahalaan at mamamayan upang maiwasan ang malawakang pinsala na dulot ng iba’t ibang kalamidad na maaaring maranasan sa ating bansa.

Sa susunod na bahagi ng modyul, ikaw ay magsasakatuparan ng isang gawain na maaari mong makaharap o maranasan sa mga susunod na panahon. Gamitin ang iyong mga natutuhan sa mga nakaraang paksa upang maisagawa ng maayos ang panghuling gawain ng modyul na makikita sa bahagi ng ILIPAT/ISABUHAY.

135 ILIPAT/ISABUHAY

Dalam dokumen LM.AP10 4.21.17.pdf (Halaman 128-135)