• Tidak ada hasil yang ditemukan

PAUNANG PAGTATAYA

Dalam dokumen LM.AP10 4.21.17.pdf (Halaman 38-51)

Isyung Panlipunan

PAUNANG PAGTATAYA

1. “Ang kagubatan ay tirahan ng iba’t ibang mga nilalang na nagpapanatili ng balanse ng kalikasan, mahalagang mapanatili ang balanseng ito dahil kung patuloy na masisira ito ay maapektuhan din ang pamumuhay ng tao. Nagmumula din sa kagubatan ang iba’t ibang produkto tulad ng tubig, gamot, damit, at iba pang pangunahing pangangailangan ng tao. Mayroon ding mga industriya na nagbibigay ng trabaho sa mga mamamayan na nakasalalay sa sa yamang nakukuha mula sa kagubatan.” Anong likas na yaman ang tinalakay sa talata?

A. Yamang tubig C. Yamang gubat B. Yamang lupa D. Yamang mineral

Para sa bilang 2-4, basahin ang ulat ng Senate Economic Planning Office tungkol sa epekto ng mga kalamidad sa Pilipinas.

National Disaster at a Glance(Senate Economic Planning Office, 2013)

2. Ano-anong mga aspekto ang naapektuhan ng mga kalamidad na naranasan sa Pilipinas?

A. Kalusugan, Kabuhayan, at Kalikasan

Ngayon, subukin mong sagutin ang paunang pagsusulit upang matukoy ang lawak ng iyong kaalaman tungkol sa mga paksang tatalakayin. Bigyang-pansin ang mga tanong na hindi masasagutan ng wasto at alamin ang sagot nito sa iba’t ibang aralin sa modyul na ito.

Impact of Natural Disasters Natural disasters can cause considerable loss of lives, homes, livelihood and services. They also result in injuries, health problems, property damage, and social and economic disruption. From 2000 to 2012, natural disasters in the Philippines caused the death of 12,899 people and injury to 138,116 persons. These disasters also affected more than 71 million individuals and rendered almost 375,000 persons homeless. The socio-economic damages are estimated at US$3.37 billion with average annual damages of US$251.58 million.

39 B. Kabuhayan, Kalakalan, at Kalusugan

C. Kalakalan, Kapayapaan, at Kalikasan D. Kapayapaan, Kabuhayan, at Kultura

3. Gumawa ng graphic organizer na nagpapakita ng epekto ng kalamidad sa pamumuhay ng tao.

4. Sumulat ng tatlo hanggang limang pangungusap tungkol sa iyong mabubuong kaisipan tungkol sa epekto ng mga suliranin at hamong pangkapaligiran sa pamumuhay ng tao.

5. Anong batas ang ipinatupad upang magkaroon ng legal na batayan sa iba’t ibang desisyon at proseso ng pamamahala ng solid waste sa bansa?

A. Republic Act 9003 C. Republic Act 7942 B. Republic Act 8742 D. Republic Act 7586

Para sa bilang 6, tignan ang graph tungkol sa forest cover ng Pilipinas mula 1990 hanggang 2015. 26.5 26.0 25.5 25.0 24.5 24.0 23.5 23.0 22.5 22.0 1990 - 2015 2005 2010 2015 1990 1995 2000

Ano ang ipinakikita ng graph tungkol sa forest cover ng Pilipinas?

A. Napanatili ng Pilipinas ang kagubatan nito mula noong 1990 hanggang sa kasalukuyan

B. Nagkaroon ng paglawak ng forest cover ng Pilipinas mula 1990-2015.

C. Nagkaroon ng paglawak sa forest cover ng Pilipinas sa pagitan ng 2010-2015.

D. Pangunahing pinagkukunang yaman ng Pilipinas ang kagubatan nito.

7. Bakit mahalaga ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa mga suliraning pangkapaligiran?

A. Kabalikat ang lahat sa pagsugpo sa iba’t ibang suliraning pangkapaligiran.

B. Malawak na suliranin ang mga isyung pangkapaligiran na nararapat harapin ng iba’t ibang sektor sa lipunan.

C. Makababawas sa mga gastusin ng pamahalaan ang pagtulong ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa mga suliraning pangkapaligiran. D. Mahihikayat ang maraming dayuhan na pumunta sa ating bansa kung mawawala ang mga suliraning pangkapaligiran nito.

8. Alin sa sumusunod na situwasiyon ang nagpapakita ng top down approach sa pagbuo ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Plan?

A. Pinamunuan ni Kerwin, isang lider ng Non Government Organization (NGO) ang pagtukoy sa mga kalamidad na maaaring maranasan sa kanilang komunidad.

B. Ipinatawag ni Kapitan Daniel Milla ang kaniyang mga kagawad upang bumuo ng plano kung paano magiging ligtas ang kaniyang nasasakupan mula sa panganib ng paparating na bagyo.

41 C. Hinikayat ni Albert ang kaniyang mga kapitbahay na maglinis ng estero upang maiwasan ang pagbara nito na maaaring magdulot ng malalim at matagalang pagbaha sa darating na tag-ulan.

D. Nakipag-usap si Kelly sa mga may-ari ng malalaking negosyo sa kanilang komunidad upang makalikom ng pondo sa pagbili ng mga first aid kit at iba pang proyekto bilang paghahanda sa iba’t ibang kalamidad.

Basahin ang teksto para sa bilang 9-10

9. Sa pamamagitan ng Venn diagram, suriin ang pagkakatulad at pakakaiba ng katangian ng top-down at bottom-up approach.

Sa bottom-up approach, nagsisimula sa mga mamamayan at iba pang sektor ng lipunan ang mga hakbang sa pagtukoy, pag-aanalisa, at paglutas sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran na nararanasan sa kanilang pamayanan. Ito ay taliwas satop-down approach. Ang top-down approach sa disaster management plan ay tumutukoy sa situwasiyon kung saan lahat ng gawain mula sa pagpaplano na dapat gawin hanggang sa pagtugon sa panahon ng kalamidad ay inaasa sa mas nakatataas na tanggapan o ahensya ng pamahalaan. Binigyang-diin nina Shesh at Zubair (2006) na hindi natutugunan ng top-down approach ang mga pangangailangan ng pamayanan at napababayaan ang mga mamamayang may mataas na posibilidad na makaranas ng malubhang epekto ng kalamidad. Limitado ang pagbuo sa disaster management plan dahil tanging ang pananaw lamang ng mga namumunoang nabibigyang pansin sa pagbuo ng plano.

Ang kahinaang ito ng top-down approach ang nais bigyang katugunan ng bottom-up approach. Binibigyang pansin dito ang maliliit na detalye na may kaugnayan sa mga hazard, kalamidad, at pangagangilangan ng pamayanan. Ang pangunahing batayan ng plano ay ang karanasan at pananaw ng mga mamamayang nakatira sa isang disaster-prone area.

10. Batay sa teksto, ano ang iyong mabubuong pangkalahatang ideya sa pagkakaiba ng top-down at bottom-up approach? Ilahad ito gamit ang tatlo hanggang limang pangungusap.

Tignan ang kasunod na pigura upang masagot ang tanong bilang 11-12:

STEP 1: Community Engagement STEP 2: Identification of Vulnerability Factors STEP 3:

Identification of Local and Scientific Strategies STEP 4: Integrated Strategy Community Engagement: - Collaboration with community and stakeholders - Identification of community goals Identification of intrinsic and extrinsic

components contributing to hazard vulnerability. Identification through: 1. Community situation analysis 2. Identification of priorities Local Strategies

- Past and present

- Examples may include: land use planning, building methods, food strategies, social Scientific Strategies

- Past and present

- Examples may include: land use planning, building methods, food strategies, social linkages and Integrated Strategy - Addressing intrinsic components to hazards - Dependent on effectiveness level of each strategy DRR

Ongoing revision and evaluation Process Framework

integrating local and scientific knowledge (J. Mercer)

43 11. Pagtuunan ng pansin ang Step 1, bakit mahalaga ang pagkakaroon ng community engagement kung saan nakapaloob ang collaboration with community and stakeholder?

A. Makatutulong ito upang makalikom ng mas maraming pondo

B. Malaki ang posibilidad na maging tagumpay ang proyekto kapag pinagplanuhan

C. Mas magiging kumprehensibo at matagumpay ang plano kung binubuo ito ng iba’t ibang sektor

D. Magiging makabuluhan ang plano kung ang gagawa nito ay ang mga mamamayan

12. Suriin ang Step 3 at Step 4, bakit mas hinihikayat ang pagsasanib o integrasyon ng mga lokal at siyentipikong istratehiya sa pagbuo ng Disaster Risk Reduction and Management Plan? Ilahad ito sa tatlo hanggang limang pangungsap.

13.Ano ang unang yugto ng Community-Based Disaster Risk Reduction and Management Plan?

A. Disaster Prevention and Mitigation B. Disaster Response

C. Hazard Assessment

D. Recovery and Rehabilitation

14. Alin sa sumusunod ang HINDI bahagi ng unang yugto ng Community- Based Disaster Risk Reduction and Management Plan?

A. Capability Assessment C. Loss Assessment

Basahin ang kasunod na teksto para sa bilang 15-17:

Para sa tatlong puntos, gumawa ng flowchart na nagpapakita ng pagkakasunod-sunod ng apat at dahilan kung bakit isinasagawa ang apat na yugto ng Disaster Risk Reduction and Management Plan.

Rubric para sa pagmamarka ng flowchart

Pamantayan Deskripsiyon Puntos Nakuhang

Puntos Nilalaman Wasto ang lahat ng nilalaman ng

flowchart. Naipakita sa flowchart ang lahat ng impormasyon na kailangan maunawaan ang kaugnayan ng mga konsepto.

2

Organisasyon Madaling maunawaan ang pagkakaayos ng mga impormasyon sa flowchart. Ang naisip na flowchart ay nagpapakita ng maliwanag na daloy at pagkakaugnay-ugnay ng impormasyon. 1 Kabuuan 3

Ang Disaster Risk Reduction and Management Plan ay mayroong apat na yugto: Disaster Prevention and Mitigation, Disaster Preparedness, Disaster Response, at Disaster Rehabilitation and Recovery. Sa unang yugto ay isinasagawa ang iba’t ibang pagtataya tulad ng hazard assessment, risk, vulnerability assessment, at capacity assessment. Ang mga impormasyong makukuha dito ay gagamitin bilang batayan sa iba pang yugto ng plano. Sa ikalawang yugto naman ay ipinagbibigay-alam sa mga mamamayan ang mga dapat gawin bago at habang nararanasan ang isang kalamidad upang maiwasan ang higit na pinsala sa buhay at ari-arian. Samantala sa ikatlong yugto ay inilalahad ang mga dapat gawin na pagtugon habang nararanasan ang kalamidad. Sa ikaapat na yugto ay inilalatag ang plano kung paano matutulungan ang mga nasalanta at maging ang komuidad na bumangon mula sa naganap na kalamidad.

45 Para sa 18-20, basahin ang sumusunod na artikulo:

Unang artikulo.Ang unang artikulo ay hango mula sa ulat ni Agnes Espinas (2013) na tumatalakay sa Disaster Risk Management sa lalawigan ng Albay.

Geography and Public Planning:

Albay and Disaster Risk Management

Agnes Espinas

Bago pa man magkaroon ng mga organisasyong may responsibilidad na tumugon sa mga kalamidad binibigyang babala ang mga tao sa pamamagitan ng pagpapatunog ng kampana ng simbahan. May mga pagkakataon na may inaatasang tagapamalita ang isang barangay na magbibigay-babala sa mga tao sa paparating na bagyo o anomang uri ng kalamidad. Ang iba ay umaasa sa pakikinig ng balita sa radyo upang magkaroon ng kaalaman sa estado ng kalamidad. Walang sinusunod na sistema o programa ang pagbangon mula sa isang kalamidad. Karaniwan, nasa pansariling desisyon ng isang komunidad ang mga paraan kung paano maiiwasan ang malawakang pagkasirang dulot ng isang kalamidad. Nasa kanilang pagpapasya kung kailan dapat lumikas sa mas ligtas na lugar. Ang pagtungo sa mga evacuation centers, na karaniwang mga pampublikong paaralan, ang paraan upang magkaroon ng access ang mga biktima ng kalamidad ng pagkain, damit, at gamot. Inaasahang sa mga oras ng kalamidad, may mga gagawin ang mga lokal na opisyal upang masigurong ligtas ang kanilang mga nasasakupan subalit, walang sinusunod na protocol at nakahandang plano sa pagharap sakaling magkaroon ng kalamidad sa kanilang lugar.

Bago ang taong 1989, ang istratehiya ng Albay sa disaster risk management ay tinatawag na “after-the-fact-disaster response”.(Romero, 2008:6) Ang paraan ng pamahalaang pamprobinsya, mahahalagang ahensya ng lokal na pamahalaan, at iba pang institusyon ay pagtugon at reaksiyon lamang sa mga naganap na kalamidad. Gayundin naman, hindi nagkakaroon ng pangmatagalang paghahanda para sa kalamidad. Pangunahing pinagtutuunan ng pansin ang kaligtasan ng mga naapektuhang pamilya at ang pagbibigay ng

relief assistance sa panahon ng kalamidad.

Ang mga gawain ng iba’t ibang ahensya na may kinalaman sa pagharap sa kalamidad ay maituturing na nabuo lamang upang tugunan ang pangangailangan at hindi bahagi ng regular na tungkulin ng nasabing ahensya ng pamahalaan. Ang mga disaster control group ay nabuo lamang dahil sa pagkakaroon ng isang kalamidad. Sa pagkakaroon ng kalamidad, ilan sa mga gawain ng disaster control group ay ang pagbibigay ng mga early warning

signal, paglikas ng mga apektadong pamilya, pamimigay ng mga relief goods,

at pagkakaloob ng mga tulong medikal. Sa punto ng paghahanda sa kalamidad, nagkakaroon ng mga pagsasanay at drill subalit hindi ito regular na nagaganap. Matapos ang kalamidad, nakatuon naman ang mga gawain sa rehabilitasyon ng mga nasirang inprastraktura bunga ng dumaang kalamidad.

Taong 1989, sa tulong ng gobyerno ng Italy, pinagtibay ng lalawigan ng Albay ang pagkakaroon ng community-based disaster preparedness upang mabawasan ang malawakang pagkawala ng buhay at pagkasira ng ari-ariang dulot ng mga kalamidad sa kanilang lalawigan.

47 Ikalawang Artikulo. Ang ikalawang aritkulo ay hango mula sa ulat ng Partnerships for Disaster Reduction – South east Asia Phase 4 (2008). Ang ulat ay tungkol sa implementasyon ng Community-Based Disaster Risk Management sa Pilipinas.

Community-Based Disaster Risk Management (CBDRM) Projects and Programs Implemented by Non-Government Organiations (NGOs)

Sa kasalukuyan, mayroong mga internasyunal at lokal na mga NGO ang nakikibahagi sa mga gawaing may kaugnayan sa CBDRM sa 55 probinsya at siyudad sa Pilipinas. Sa 55 probinsya at siyudad, 43, ang natukoy na mga at-risk, na siyang naging pokus ng mga gawain ng READY Project. Makikita sa talahanayan ang iba’t ibang organisasyon na nagpatupad ng mga gawain may kaugnayan sa CBDRM. Ang mga organisasyong ito ay isinaayos sa kategoryang internasyunal na NGO, lokal na NGO, NAPCVDC NGOs.

Ang mga natitirang NGOs ay miyembro ng Victims of Disaster and Calamities (VDC) Sector of National Anti-Poverty Commission (NAPC). Ang limang NGOs ay na ito ay ang Balay Rehabilitation Center, Inc (Balay), Creative Community Foundation, Inc (CCF), Pampanga Disaster Response Network, Inc (PDRN), Philippine Relief and Development Services, Inc (PhilRADS), at PNRC Agusan Del Norte–Butuan City Chapter.

Ang mga nabanggit na internasyunal at lokal na NGOs ay may kabuuang 51 CBDRM-related na proyekto at programa. Subalit, mayroon lamang dalawang NGOs na may kasalukuyang programa na may kaugnayan sa Hydro-meteorological Disaster Mitigation for Secondary Cities in Asia (PROMISE). Ito ay matatagpuan sa Dagupan City, sa Pangasinan at sa Easter Visayas.

Talahanayan 1.11 – List of Non-Government Organizations that have Implemented Community-Based Disaster Risk Management (CBDRM) Activities

Sanggunian: Partnerships for Disaster Reduction – Southeast Asia Phase 4 (2008)

49 Ikatlong Artikulo. Ang ikatlong artikulo ay hango mula sa artikulo ni Lorna P. Victoria, (2001) ang director ng Center for Disaster Preparedness ng Pilipinas.

Replicating Ideally Prepared Communities

(Abinales, 2002 at Heijmans & Victoria, 2001)

Kahit ang Buklod Tao lamang ang tanging people’s organization

sabagong tatag na Philippine Disaster Management Forum, tiniyak pa rin nito na ang presensiya, tinig, at interes ng mga pamayanan sa CBDM ay mapapanatili. Pagkatapos ang matagumpay na disaster preparedness at emergency response

activities tulad ng maayos na paglikas, search and rescue at evacuation center management ng mga pamayanan mula pa noong 1997, tumulong na rin ang

Buklod Tao sa iba pang pamayanan upang maging matagumpay ang kanilang CBDM. Ang Buklod Tao ay isang environmental people’s organization na binuo

ng mga residente ng Doña Pepeng Subdivision at mga informalsettlers ng North at South Libis, Brgy. Banaba, San Mateo noong Pebrero 1997 pagkatapos ang pagkilos ng pamayanan laban sa plano ng isang construction company na magtayo ng isang cement batching plant sa katabing lupaing agrikutlural. Naniniwala silang magdudulot lamang ito ng mga pagbaha sa kanilang pamayanan dahil na rin sa lokasyon nito sa delta ng mga ilog Nangka at Marikina.

Pagkatapos ng isang araw na Disaster Management and Preparedness

Seminar noong Hunyo 1997, binuo ng Buklod Tao ang Disaster Response Committee (DRC) na mayroong 33 miyembro at nagbalangkas ng Counter Disaster Plan. Tatlong disaster management teams ang binuo at ang emergency rescue at evacuation plan ay inayos (kasama ang pagbuo sa 3 bangkang fiberglass). Mula sa konseho ng barangay ay nagkaroon ang Buklod Tao ng isang life jacket. Mula sa ibang mga donasyon ay nakalikom ang samahan ng pondo

(humigit kumulang Php 30,000) na pambili ng flashlights, baterya, mga tali,

megaphones, first aid kits at mga kagamitan sa pagbuo ng tatlong rescue boats.

Dalawang buwan pagkatapos ng disaster preparedness seminar, isang bagyo ang muling tumama sa pamayanan. Kahit na maraming bahayang nasira ay wala namang namatay at maraming naisalba ang mga mamamayan. Simula noon, maaari nang makaiwas sa kapahamakan dahil sa flood-level monitoring, early

warning, evacuation, rescue operations, at relief assistance activities ng DRC at

Summary chart

Para sa tatlong puntos, punan ng tamang sagot ang summary chart:

v

Paano tinugunan ang mga suliranin at hamong pangkapaligiran?

Batay sa ikalawang artikulo

Batay sa unang artikulo Batay sa ikatlong artikulo

Batay sa tatlong artikulo na aking sinuri, masasabi ko na ang pagtugon sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran ay dapat na ______________________________

____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ ____________________________________________________________________________ ______________________________________.

51 ARALIN 1: Konteksto ng Suliraning Pangkapaligiran

Ang pagkilos para sa pangangalaga ng kapaligiran ay nagsisimula sa pag-unawa sa mga sanhi at bunga ng suliranin at hamong nararanasan natin sa kasalukuyan. Tatalakayin sa araling ito ang kalagayang pangkapaligiran ng Pilipinas at ang pagtugon na ginagawa upang ito ay mabigyan ng solusyon. ALAMIN

Dalam dokumen LM.AP10 4.21.17.pdf (Halaman 38-51)