• Tidak ada hasil yang ditemukan

Suliranin sa Solid Waste

Dalam dokumen LM.AP10 4.21.17.pdf (Halaman 55-60)

Isyung Panlipunan

Gawain 1. “Sa Gitna ng Kalamidad”

1. Suliranin sa Solid Waste

Tumutukoy ang solid waste sa mga basurang nagmula sa mga tahanan at komersyal na establisimyento, mga basura na nakikita sa paligid, mga basura na nagmumula sa sektor ng agrikultura at iba pang basurang hindi nakakalason (Official Gazette, 2000). Ayon sa pag-aaral ni Oliveira at mga kasama (2013), ang Pilipinas ay nakalikha ng 39,422 tonelada ng basura kada araw noong taong 2015. Halos 25% ng mga basura ng Pilipinas ay nanggagaling sa Metro Manila kung saan ang isang tao ay nakalilikha ng 0.7 kilong basura araw-araw. Mas mataas ito ng 130% kaysa sa world average (National Solid Waste Management,2016). Ang malaking bahagdan ng itinatapong basura ng mga Pilipino ay mula sa mga tahanan na mayroong 56.7%. Samantalang pinakamalaki naman sa uri ng tinatapong basura ay iyong tinatawag na bio-degradable na may 52.31% (National Solid Waste Management Status Report,2015).

Bahagdan ng pinanggagalingan ng solid waste. (National Solid Waste Management Status Report, 2015).

Bahagdan ng pinanggagalingan ng solid waste. (National Solid Residential 56.7% Commercial 27.1% Industrial 4.1% Institutional 12.1% Other Commercial 8.8% Market 18.3% Biodegradables 52.31% Recyclables 27.78% Special 1.93% Residual 17.98% Paper and cardboard 8.70% Textile 1.61% Plastics 10.55% Metals 4.22% Glass 2.34%

57 Mayroong iba’t ibang dahilan kung bakit may problema ang Pilipinas sa solid waste. Isa na rito ang kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura. Tinatayang 1500 tonelada ng basura ang itinatapon sa mga ilog, estero, kalsada, bakanteng lote, at sa Manila Bay na lalong nagpapalala sa pagbaha at paglaganap ng mga insekto na nagdudulot naman ng iba’t ibang sakit. Bagama’t ipinagbabawal, madami pa rin ang nagsusunog ng basura na nakadaragdag sa polusyon sa hangin. Nadaragdagan din ang trabaho ng mga waste collector dahil kailangan nilang magsagawa ng waste segregation bago dalhin ang mga nakolektang basura sa dumpsite, problemang maaari sanang maiwasan kung mahigpit na ipinatutupad sa mga kabahayan at mga pampublikong lugar ang waste segregation.

Samantala, ang mga dumpsite sa Pilipinas, partikular sa Metro Manila, ay nagdudulot din ng panganib sa mga naninirahan dito. Sa ulat na pinamagatang The Garbage Book (Asian Development Bank, 2004) ang leachate o katas ng basura mula sa Rodriguez at Payatas dumpsite na dumadaloy patungo sa ilog ng Marikina at Ilog Pasig hanggang sa Manila Bay ay nagtataglay ng lead at arsenic na mapanganib sa kalusugan ng tao. Panganib din ang dulot ng pamumulot ng basura sa kalusugan at buhay ng halos 4,300 na waste pickers sa mga dumpsite sa Metro Manila at sa maraming iba pa na pakalat-kalat at nagkakalkal sa mga tambak ng basura. Apektado din ang pag-aaral ng mga kabataang waste pickers bukod pa sa posibilidad na sila ay magkasakit, maimpluwensiyahan na gumawa ng ilegal na gawain, o kaya ay mamatay. Matatandaan na ipinasara ang Payatas dumpsite matapos ang trahedya na naganap noong Hulyo 2000 kung saan maraming bahay ang natabunan nang gumuho ang bundok ng basura dahil sa walang tigil na ulan. Nasundan pa ito ng sunog na ikinamatay ng 205 katao.

Isa pang lumalaking suliranin ng Pilipinas ay ang tamang pagtatapon ng electronic waste o e-waste tulad ngcomputer, cellphone, at tv. Lumabas sa pagsusuri na ginawa ng Global Information Society (2010), na humigit

kumulang sa anim na toneladang e-waste ang tinatapon sa landfill na siyang kinukuha ng mga waste pickers upang ipagbili ang anomang bahagi nito na mapapakinabangan. Subalit ang mga ginagawang pamamaraan tulad ng pagsunog upang makuha ang tanso, at pagbabaklas ng e-waste ay nagdudulot ng panganib dahil pinagmumulan ito ng mga delikadong kemikal tulad ng lead, cadmium, barium, mercury, at polyvinyl chloride na nakalalason ng lupa at maging ng tubig(Mooney, Knox, & Schacht, 2011).

Ang mga nabanggit na suliranin sa solid waste ay pinagtutulungang solusyunan ng iba’t ibang sektor. Ipinatupad ng pamahalaan ang Republic Act 9003 o kilala bilang Ecological Solid Waste Management Act of 2000 upang magkaroon ng legal na batayan sa iba’t ibang desisyon at proseso ng pamamahala ng solid waste sa bansa (Official Gazette, 2000). Isa sa mga naging resulta ng batas ay ang pagtatayo ng mga Materials Recovery Facility (MRF) kung saan isasagawa ang waste segregation bago dalhin ang nakolektang basura sa mga dumpsite. Maraming barangay ang tumugon sa kautusang ito, sa katanuyan mula sa 2,438 noong 2008 ay tumaas ang bilang ng MRF sa 8,656 noong 2014 (National Solid Waste Management Status Report, 2015). Iniulat din ng National Solid Waste Management Commission ang ilan sa best practices ng mga Local Government Units (LGUs) sa pamamahala sa solid waste.

Halimbawa ng mga Best Practice sa pamamahala ng Solid Waste

Lugar Best Practice

Sto. Tomas, Davao del Norte

 No Segregation, No Collection

 No Orientation & Implementatin of Ecological Solid Waste Management (ESWM), No Issuance of Municipal Permits

59 Bago City,

Negros Occidental

 Takakura Market Waste Composting

Barangay Bagumbuhay, Project 4, Quezon City

 Garbage = Points

Teresa, Rizal  Residual Waste Management

Quezon City  Pioneering LGU in Dumpsite Conversion with Methane Recovery for Power Generation

(Sanggunian: Aguinaldo, 2014)

Mayroon ding suporta na nanggagaling sa mga NGO upang mabawasan ang suliranin sa solid waste sa Pilipinas. Ilan sa mga ito ay sumusunod:

 Mother Earth Foundation - tumutulong sa pagtatayo ng MRF sa mga barangay.

 Clean and Green Foundation- kabahagi ng mga programa tulad ng Orchidarium and Butterfly Pavilion, Gift of Trees, Green Choice Philippines, Piso Para sa Pasig, at Trees for Life Philippines(Kimpo, 2008).

 Bantay Kalikasan – paggamit ng media upang mamulat ang mga mamamayan sa suliraning pangkapaligiran. Nanguna sa reforestation ng La Mesa Watershed at sa Pasig River Rehabilitation Project.

 Greenpeace – naglalayong baguhin ang kaugalian at pananaw ng tao sa pagtrato at pangangalaga sa kalikasan at pagsusulong ng kapayapaan

Sa kabila ng mga nabanggit na batas at programa ay nananatili pa rin ang mga suliranin sa solid waste sa Pilipinas. Sa kasalukuyan, ang

pinakamalaking hamon ay ang pagpapatupad ng batas at pagbabago ng pag-uugali ng mga Pilipino sa pagtatapon ng basura. Nangangailangan pa nang mas malawak na suporta at pagtutulungan ng iba’t ibang sektor upang tuluyang mabigyan ng solusyon ang suliraning ito dahil ang patuloy na paglala nito ay lalong magpapabigat sa iba pang suliraning pangkapaligiran na ating nararanasan.

Dalam dokumen LM.AP10 4.21.17.pdf (Halaman 55-60)