• Tidak ada hasil yang ditemukan

Isa-isahin at ipaliwanag ang mabuti at di-mabuting epekto ng MNC’s at TNC’s sa ekonomiya ng bansa

Dalam dokumen LM.AP10 4.21.17.pdf (Halaman 172-176)

Isyung Panlipunan

GLOBALISASYONG EKONOMIKO

3. Isa-isahin at ipaliwanag ang mabuti at di-mabuting epekto ng MNC’s at TNC’s sa ekonomiya ng bansa

173

Pamprosesong Tanong

1. Nakatutulong ba ang mga multinational, transnational corporations at outsourcing sa pag-unlad ng bansa? Patunayan ang sagot.

2. Ano-anong pagbabago ang naidudulot ng outsourcing at multinational at transnational corporation sa ating bansa? 3. Sa pangkabuuan, nakabubuti o nakasasama ba ang mga

pagbabagong nabanggit? Pangatuwiranan. OFW Bilang Manipestasyon ng Globalisasyon

Kung mayroon mang isang buhay na manipestasyon ng globalisasyon sa ating bansa, ito ay ang mga manggagawang Pilipino na nangingibang-bayan upang magtrabaho o maghanapbuhay.

Sa katunayan, malaking bahagdan ng manggagawang Pilipino ay matatagpuan sa iba’t ibang panig ng daigdig partikular sa Timog-kanlurang Asya tulad ng Qatar, Saudi Arabia, United Arab Emirates at Silangang Asya tulad ng South Korea,Japan, Taiwan, Hongkong at China.

Maging sa kontinente ng Europe at America tulad ng Canada at United States ay kakikitaan ng mga manggagawang Pilipino.

Ang pangingibang-bayan ng manggagawang Pilipino ay nagsimula sa panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos bilang panandaliang tugon sa budget deficit ng kaniyang administrasyon. Naging matagumpay ang stop gap measure na ito.

Nang makita ng pamahalaan ang malaking kapakinabangang makukuha dito’y pinaigting pa ang pagpapadala ng mga manggagawa

sa ibang bansa.Kaya naman nagpapatuloy ito hanggang sa kasalukuyan. (Higit na palalalimin ang paksang ito sa susunod na aralin.) GLOBALISASYONG TEKNOLOHIKAL AT SOSYO-KULTURAL

Hindi lamang sa ekonomiya makikita ang manipestasyon ng globalisasyon. Mababanaag din ito sa aspetong teknolohikal at sosyo-kultural ng mga bansa sa daigdig.

Mabilis na tinangkilik ng mga mamamayan sa developing countries ang pagggamit ng cellular phones o mobile phone na nagsimula sa mauunlad na bansa. Partikular dito ang mga bansang tulad ng Pilipinas, Bangladesh at India.

Nakatutulong ang teknolohiyang ito sa pagpapabuti ng kanilang pamumuhay. Sa paggamit nito, mabilis na nakahihingi ng tulong sa panahon ng pangangailangan tulad ng kalamidad. Isa rin dito ang mabilis na transaksiyon sa pagitan ng mga tao.

Halimbawa nito’y ang pakinabang na nakukuha ng mga mangingisda ng Kerala sa India. Bago pa man pumalaot ang mga mangingisda ay tinatawagan na nila ang mga ‘prospektibong’ mamimili kaya naman nabibigyang kasiguruhan na sila ay kikita. Sa katunayan, higit walong porsyento ang itinaas ng kanilang kita dahil sa sistemang ito.

Sa Pilipinas, talamak ang paggamit ng mobile phones. Sa katunayan, ang pagte-text ay naging bahagi na ng pang-araw-araw na pamumuhay ng marami. Ayon sa pag-aaral ni Dr. Pertierra, marami sa mga cellphone users ay hindi lamang itinuturing ang cellphone bilang isang communication gadget, ito ay nagsisilbi ring ekstensiyon ng kanilang sarili kaya naman hindi madaling maihiwalay ito sa kanila.

Kung mabilis na binago at binabago ng mobile phone ang buhay ng maraming gumagamit nito, higit na pagbabago ang dinala ng computer at internet sa nakararami.

175

Ito ay nakaagapay sa pagbibigay ng iba’t ibang uri ng serbisyo tulad ng e-mail. Napabibilis din nito ang pag-aaplay sa mga kompanya, pag-alam sa resulta ng pagsusulit sa kolehiyo at pamantasan, pagkuha ng impormasyon at balita, pagbili ng produkto at serbisyo na mas kilala sa tawag na e-commerce.

Kaugnay sa pagdami ng mobile phones at computer ay ang mabilis na pagdaloy ng mga ideya at konsepto patungo sa iba’t ibang panig ng mundo dahil ang mga ito ay nasa digitized form. Ang mga ideyang ito ay nakapaloob sa iba’t ibang anyo tulad ng musika, pelikula, videos, larawan, e-books at iba pa na makikita sa iba’t ibang social networking sites at service provider.

Ang mga sikat na awitin, pelikulang, palabas sa telebisyon, viral videos at pictures, hashtags, memes at mga tulad nito ay ilan lamang sa mga mabilis na kinokonsumo gamit ang electronic device na may internet access.

Kalakip nito ang pagtangkilik sa mga ideyang nagmumula sa ibang bansa partikular ang mga nagmumula sa United States.

Sa kasalukuyan, dama rin sa Pilipinas ang impluwensiyang kultural ng Koreans sa anyo ng pop culture dahil sa mga sikat na pelikula, Korean novela, K-pop culture, at mga kauri nito.

Ang lakas ng impluwensiya ng mga nabanggit ay makikita sa pananamit, pagsasalita at pakikisalamuha ng maraming kabataang Pilipino sa kasalukuyan.

Kaalinsabay ng pag-usbong ng mga social networking sites tulad ng facebook, twitter, instagram at Myspace ay ang pagbibigay kakanyahan sa mga ordinaryong mamamayan na ipahayag ang kanilang saloobin sa iba’t ibang paksa o usapin. Aktibo nang nakikibahagi ang mga netizen sa mga usaping lubos na nakakaapekto sa kanila. Netizen ang terminong ginagamit sa mga taong gumagamit ng social networking

site bilang midyum o entablado ng pagpapahayag. Hindi na sila maituturing na pasibong consumer lamang na tumatangkilik ng iba’t ibang produkto at serbisyo. Sa katunayan, ginagamit ng marami ang mga ito upang maipakita nila ang talento at talino sa paglikha ng mga music videos, documentaries at iba’t ibang digital art forms. Maituturing silang prosumers na nangangahulugan ng pagkonsumo ng isang bagay o ideya habang nagpo-produce ng bagong ideya.

Sa kabila ng mga positibong naidudulot, kaakibat din nito ay mga suliraning may kinalaman sa pagkalat ng iba’t ibang uri ng computer viruses at spam na sumisira ng electronic files at minsan ay nagiging sanhi ng pagkalugi ng mga namumuhunan.

Bukod dito nagkakaroon din ng mga pagkakataon na makagawa ng intellectual dishonesty dahil sa madaling pag-copy and paste ng mga impormasyon mula sa internet.

Huwag ding kalilimutan ang isyu ng pambansang seguridad. Ginagamit ng ilang mga terorista at masasamang loob ang internet bilang kasangkapan sa pagpapalaganap ng takot at karahasan sa mga target nito.

Sang-ayon ka ba sa cyber crime law upang mabigyang-tugon ang suliranin ukol dito? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Ang mga penomenong ito ay nakabubuo ng mga bagong ideyang kultural na mabilis namang naipalalaganap sa iba’t ibang panig ng mundo.

Dalam dokumen LM.AP10 4.21.17.pdf (Halaman 172-176)