Ang ‘Terorismo’ laban sa mga Makapangyarihan

40 

Loading....

Loading....

Loading....

Loading....

Loading....

Teks penuh

(1)

U.P. Intergrated School

Diliman Lungsod Quezon

Ang ‘Terorismo’ laban sa mga

Makapangyarihan

Ipinasa ni Nathalie Dagmang ng 9-Silver Ipinasa kay Ana-Liza Ani

Bilang pagtugon sa kahingian ng Araling Panlipunan 9 Abril 7, 2009

(2)

Sinopsis

Ang salitang terorismo ay binibigyang kahulugan ng iba’t ibang indibidwal na nagmumula sa iba’t ibang sektor ng lipunan. Ngunit sa kasalukyan ay namamayani parin ang depinisyon ng mga nakatataas sa salitang terorismo.

Ang depinisyong ito ay nagbunga ng “Global War on Terror” na

pinamunuan ng Estados Unidos at naglalayon na puksain ang mga terorista sa buong mundo. Sa paglulunsad nito ay nabuo ang “Coalition of the Willing” na binubuo ng mga bansang may kaparehong layunin sa Estados Unidos. Idinikta rin ng E.U. kung sinu-sino ang bumubuo sa “Axis of Evil” na

sinasabing maaaring maging banta sa seguridad ng daigdig.

Dahil sa pagbibigay ng depinisyon ng terorismo, kumalat ang takot sa buong mundo sa mga posibleng terorista na tumutumpak sa depinisyong ito.

Nagdulot rin ang Global War on Terror ng kaguluhan hindi lamang sa mga mamamayan ng Iraq kundi pati na rin sa mga bansa na nasangkot sa giyera ng US laban sa mga “terorista”. Pati ang mga Muslim ay nakaranas ng diskriminasyon mula sa iba’t ibang bansa sa daigdig. Habang sa iba ay

problema ang naidudulot ng digmaan, sa mga imperyalistang bansa, partikular na sa US, naman ay malaki ang pakinabang rito dahil sa magagandang epekto nito sa kanilang negosyo.

(3)

Maging ang Pilipinas ay nagulo rin ng digmaang ito. Ang ating bansa kasi ay napilitang sumali sa giyera dahil sa magiging pakinabang nito sa reconstruction ng Iraq matapos ang digmaan. Kumalat rin ang takot sa terorismo sa ating bansa.

Isinabatas ang Human Security Act na marami ang pagkakapareho sa batas na kontra-terorismo ng US na PATRIOT Act. Kapwa nilabag ng

dalawang batas na ito ang mga karapatang pantao ng mga mamamayan ng kanilang bansa.

Ang hindi makatarungan at mapagtanging (discriminating) depinisyon ng terorismo ang mismong nagdudulot ng takot at kaguluhan sa ating

daigdig. Dapat na isaayos muna natin ito upang tuluyan nang magkaroon ng kapayapaan sa mundo.

Pagkalikha ng Terorismo

Ano ang Terorismo?

Mula sa salitang Terror o takot, ang terorismo ay nangangahulugang mga aksyon na may intensyong gumawa ng takot gamit ang dahas kung saan isinasantabi ang seguridad ng mga mamamayan.

Ang nagbibigay ng depenisyon ng terorismo ay ang gobyerno o ang mga nakatataas. Kung gayon, ang mga tinatawag na terorista ay iyong mga

(4)

gumagawa ng takot laban sa kanila at kasama sa mga takot na ito ay ang paghadlang sa kanilang mga interes at pagtutuligsa sa kanilang mga paniniwala. Makikita ito sa depenisyon ng gobyerno natin sa terorismo sa ilalim ng Human Security Act kung saan kasama sa criteria ang pagkakaroon ng political goal.

Binigyan din nila ng depenisyon ang terorismo bilang isang

ideolohiyang layunin o materyalistikong mithiin o pagsalakay at may mga kilos na laban sa mga batas—mga batas na ang mga superior din ang gumagawa o nagkokontrol. Ibig sabihin, maaari nilang baguhin ang batas upang magamit ito laban sa mga kalaban nila.

Ang terorismo at extremism ay madalas na nabibigyan ng maling depenisyon at gamit. Ang terorismo ay gumagamit ng dahas habang ang extremism naman ay hindi.

Kung susundin natin ang naunang nasabing depenisyon ng terorismo, maaaring tawagin na terorista ang mga gang, magnanakaw, mga rapist at maging ang gobyerno natin na may mga aksyon na hindi dapat ginagawa ng gobyerno sa kanyang mga nasasakupan.

Ngunit ayon kay Derrik Jensen, “civilization is based on a clearly defined and widely accepted yet often unarticulated hierarchy. Violence done by those on higher hierarchy to those lower is nearly always invisible, that is unnoticed. When it is noticed, it is fully rationalized. Violence done by those lower on the hierarchy to those higher is unthinkable, and when it does

(5)

occur is regarded with shock, horror and the fetishization of the victims”. Sinasabi dito na ang karahasan na pinaparusahan ay iyong mga laban sa nakatataas lamang. Ibig sabihin, ang lahat ng ginagawa ng mga nakatataas sa lipunan, gaano man kasama ng epekto nito , ay hindi kailanman magiging “mali” dahil nga sila naman ang nagsasabi kung ano ang “tama” batay sa kanilang mga interes.

Ang Konsepto ng Extremism

Noong Hulyo, 2005, sinabi ng gobyerno na ang bansag na “global war on terror” ay papalitan na ng “struggle against violent extremism” na

binigyan ng acronym na SAVE bilang pagpapakita ng layunin nito na “mailigtas” ang mga mamamayan mula sa karahasan ng mga terorista o extremists.

Ayon sa mga diksyunaryo, ang ibig sabihin ng extremism ay “exceeding the ordinary, usual or expected” at “situated at the farthest possible point from the center”.

Ngunit ano ba (o sino) ang “ordinary, usual or expected” at matatawag na “center”? Syempre, kailangan natin muna ng basehan para malaman natin kung ano ang mga hindi ordinary o normal. At dahil sa kapangyarihan ng mga nakatataas, at dahil na rin sa pagtitingala sakanila ng mga

(6)

Para sakanila, hindi normal ang mga bagay na hindi pangkaraniwan o hindi maganda o sibilisado sa kanilang paningin. Kaya naman walang grupo o indibidwal ang tumatawag sa kanyang sarili na extremist. Ang extremist ay ginagamit lamang ng mga isang grupo/indibidwal sa isa pang

grupo/indibidwal na sa tingin niya ay may mga paniniwala o kilos na salungat sa mga kanya. Isang halimbawa ay ang pagbabansag na extremist ng

gobyerno sa mga radikal na grupo na nagrereklamo sa mga batas na ipinapatupad nito dahil sa pagtutuligsa nila sa mga interes ng gobyerno.

Kung susundin natin ang depenisyon na ito, maaari na rin nating tawagin na extremists ang mga Muslim at ang iba pang mga kasapi ng relihiyong hindi kapareho sa mga kanluranin (ang kadalasang nagsasabi kung ano ang norm/standard). Maging ang mga katutubo ay maaaring

masakop rin sa depenisyong ito dahil sa kanilang mga “kakaibang” pagkain, tradisyon at kultura.

Ang Paglunsad ng Global War on Terror

Pagkatapos ng ilang pagatake sa US sa pamumuna ni Osama Bin Laden sa teroristang grupo na Al Qaeda, nagkaroon ng paglusob sa

Afghanistan kung saan nakabase ang grupo at pinaalis sila rito. Pagkatapos rin nito ay ipinagbawal ng United Nations Security Council ang pagtulong sa mga terorista at ang pagpapatira sa mga ito.

(7)

Noong ika-20 ng Setyembre, 2001, sinabi ni George Bush, "Our war on terror begins with al Qaeda, but it does not end there. It will not end until every terrorist group of global reach has been found, stopped and defeated."

Narito ang ilan sa mga pangunahing layunin ng Global War on Terror:

1. Talunin ang mga teroristang gaya nina Osama Bin Laden, Eeman, Abu Musab al-Zarqawi at buwagin ang kanilang mga grupo

2. Tukuyin at hanapin ang mga terorista sa buong mundo

3. Hindi pagbigay ng tulong, suporta at titirhan sa mga terorista (Sa ilalim nito ang pagtanggal ng state sponsorship sa mga terorista at ang

pakikipagtulungan sa iba pang bansa at )

4. Pagpigil sa pageexploit ng mga terorista sa mga mamamayan ng US

5. Pagtanggol sa mga mamamayan ng US sa loob at labas ng bansa

Noong ika-16 naman ng Setyembre ay sinabi ni George W. Bush na ang Amerika ay naglulunsad ng isang “crusade”—kung saan makikita natin kung sino talaga ang totoong target ng digmaang inilunsad niya. Itinuturing rin niya ang US bilang security service provider sa mga “kaibigan” nitong bansa sa buong daigdig.

Ang “Coalition of the Willing”

49 na bansa ang kasapi sa Coalition of the Willing: ang Afghanistan, Albania, Angola, Australia, Azerbaijan, Bulgaria, Colombia, Costa Rica, Czech

(8)

Republic, Denmark, Dominican Republic, El Salvador, Eritrea, Estonia, Ethiopia, Georgia, Honduras, Hungary, Iceland, Italy, Japan, Kuwait, Latvia, Lithuania, Republic of Macedonia, Marshall Islands, Micronesia, Mongolia, Netherlands, Nicaragua, Palau, Panama, Philippines, Poland, Portugal,

Romania, Rwanda, Singapore, Slovakia, Solomon Islands, South Korea, Spain, Tonga, Turkey, Uganda, Ukraine, United Kingdom, United States, at

Uzbekistan. Ilan rito ay nagpahayag ng suporta sa giyera, ang Australia, Bulgaria, Czech Republic, Denmark, Hungary, Italy, Japan, Latvia, Lithuania, Netherlands, Philippines, Poland, Portugal, Romania, Slovakia, Spain, Turkey, Ukraine at United Kingdom. Apat naman dito ay may mga sundalong kasali sa giyera: United States, United Kingdom, Australia, at Poland.

Labinlimang bansang kasapi ang ayaw na pangalanan sila at marahil ay sikreto rin ang kanilang pagsali maging sa sarili nilang mga mamamayan. Pero bakit nila kailangan pang isikreto ito kung tingin naman nila ay tama ang kanilang ginagawa? Talaga bang “willing” sila na sumali sa Coalition of the “Willing”?

Ang karamihan sa pwersa ng Coalition ay nanggagaling sa US at UK. Bagamat hindi sang-ayon ang mga British sa pagsali ng bansa sa Coalition, nagpadala parin si Prime Minister Tony Blair ng mga British troops.

Pinahayag niya na mayroon siyang dalawang dahilan sa pagpapadala niya ng troops: una, dahil ang Middle East ay isang potensyal na market para sa British arm suppliers at pangalawa, ang pagkakaroon ng bagong rehimen sa

(9)

Iraq ay magbibigay ng market para naman sa mga weapons of mass

destruction na gawa sa UK. Dagdag pa rito, ang mga British petroleum firms ay sasali rin sa mga US oil companies gaya ng Halliburton (kung saan

nakaupo bilang chairman ang Vice President na si Dick Cheney) pagkatapos magkaroon ngkontrol ang US sa mga pagkukunan ng langis sa Iraq.

Marami pa sa mga kasapi ng Coalition ang nagsasabing sumali lamang sila dito para makinabang sa magiging reconstruction ng Iraq pagkatapos ng digmaan. Ayon naman sa Institute of Policy Studies (IPS), karamihan sa mga miyembro ng Coalition ay napilitan lamang sumali dahil sa pagsusuhol o pagbabanta sakanila ng US. Maging ang United Nations ay ginagamitan rin ng US ng mga banta at suhol upang masunod ang kanilang mga gusto.

Sa Pilipinas, ipinangako ng US ang mga bagong export quotas, free trade deals, at mga tulong na pangekonomikal at pangmilitar kapalit ang suportang ibibigay ng bansa sa digmaan.

Dahil sa pagsuporta ng US sa North Atlantic Treaty Organization ay naging mas malaki at mas malakas ang Coalition dahil sa kapalit na suportang ibinigay ng mga Soviet Allies.

Noong 1990 pa lamang ay iminungkahi na ng US ang isang digmaan laban sa Iraq. At nang hindi sumangayon ang Yemen sa proposisyon, sinabi ng American delegation sa delegate ng Yemen, “That would be the most expensive vote you’d cast” at pagkatapos ng tatlong araw ay pinutol na ng

(10)

US ang mga pinapadalang tulong nito sa Yemen at pagkatapos naman ng ilang taon ay nagpasabog ng mga missile dito.

Ang mga maliliit na bansa naman gaya ng Iraq at Turkey ay naging target din ng American Espionage upang magbigay ito ng suporta sa global war on terror.

Makikitang hindi lahat ng kasapi ng Coalition ay Willing. Karamihan ay napilitan lamang dala ng takot at mga hangarin para sa kapakanan ng sarili nilang bansa.

Sinabing ang pagsali ng Pilipinas sa Coalition of the Willing ay

magkakaroon ng magandang epekto sa ekonomiya ng bansa. Hindi lamang dahil sa papadamihin ng US ang investments nito sa bansa kundi pati na rin dahil makakapagbukas ang giyera ng madaming trabaho pagkatapos ng giyera. Pagkatapos kasi ng giyera ay kakailanganin ng Iraq ng mga engineer, construction workers at iba pa upang maisagawa ang reconstuction dito. Sinabi ni GMA ay mahalaga ang pagsali nating ito lalo na sa ekonomiya natin na nakadepende sa mga dollar remittance ng ating Overseas Filipino

Workers.

Kaya naman dalawang araw pagkatapos na pagkatapos ng 9/11 attacks ay inalok agad ni PGMA sa US ang mga dating base militar ng mga Amerikanong sundalo sa Subic Naval Base sa Olongapo City at Clark Air Base sa San Fernando, Pampanga. Noong ika-18 naman ng Setyembre,

(11)

commander-in-chief ng Asia Pacific Fllet upang ipakita sakaniya ang mga plano ng US sa mga dating base militar, airspace ng Pilipinas at deployment ng mga military assets sa bansa. Hindi nagdalawang isip si GMA na magpadala ng mga

sundalo sa giyera. Bunga nito ay nagkulang ang mga militar sa Pilipinas.

Ipinagmalaki pa ng presidente ang pagsali ng bansa ng coalition sa kanyang speech sa Philippine Military Academy kung saan sinabi niya na pinaalam na sakanya ang mga pagpapasabog sa Iraq bago pa man ito maganap. Sinabi niya na ang digmaan ay isang labanan sa pagitan ng mabubuti at masasama at ang layunin nito ay ang palayain ang mga Iraqi mula sa kapangyarihan ni Saddam Hussein. Dagdag pa rito ay nagpahayag siya ng suporta sa war of aggression na inilulunsad ng US sa Iraq.

Kasabay nito, daan-daang mga aktibistang hindi sang-ayon sa pagsali ng Pilipinas sa Coalition ang binubuwag at nilalabanan ng mga pulis na armado ng mga M-16 at machine gun sa tapat ng US Embassy sa Manila. Bumaba ang poll rating ni GMA at bumulusok ito sa negative 14.

Sinabi ng gobyerno na bilang miyembro ng Coalition, nagbibigay ng suportang pulitikal at moral lamang ang bansa. Pero sa katunayan ay “ipinahiram” na ng presidente ang teritoryong panghimpapawid ng bansa upang magamit ito ng US sa digmaan. Bagamat wala pang utos na ibinibigay ang UN tungkol sa pagsali sa digmaan, sinabi parin ng gobyerno na lahat ng desisyon ng presidente ay ayon sa mga aksyon ng United Nations.

(12)

Inaamin naman ng presidente na ang karamihan sa mga kasapi ng National Security Council at marami sa mga Pilipino ang hindi sang-ayon sa desisyon niyang ito. Gayunpaman, sinabi niya na sinisiguro naman ni Bush na ang Pilipinas ang pinakaunang makakaramdam ng magagandang epekto ng digmaan.

Axis of Evil

Noong ika-29 ng Enero, 2002, binansagan ni G.W. Bush ang Iran, Iraq at North Korea na “Axis of Evil”. Ang Axis ay ang mga itinuturing na kalaban ng mga bansang nais puksain ang “terorismo” sa buong daigdig.

Mula sa tawag sa alliance ng Germany, Italy, Japan, Hungary, Romania at Bulgaria noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang salitang Axis. Marahil ay ginamit ang pangalang ito ng US dahil sa ang mga kasapi rin ng Axis ang naging kalaban nila sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig at dahil sa ito ang nagkaroon ng masamang reputasyon bunga ng digmaan.

Tinawag naman sila na “evil” dahil sa mga hawak ng mga bansa na weapons of mass destruction na posibleng maipagamit sa mga terorista at magdulot ng panganib sa mundo. Kung gayon, hindi ba dapat kasama rin ang iba pang bansa, partikular na ang US na may napakarami nito, sa kategoryang ito dahil sa mga hawak nilang weapons of mass destruction?

(13)

Pagkalat ng Terorismo sa Buong Daigdig

Pagkalat ng takot sa “terorismong” binigyang depenisyon ng US Ang pangunahing islamikong militanteng grupo na sinasabing

nagasagawa ng mga teroristang pagatake sa US ay ang Al Qaeda. Ang 1993 World Trade Center attack ay isa sa mga pinakaunang pagatake na

isinagawa ng grupo sa bansa. Nagkaroon din ng 1996 Khobar Towers bombing sa Saudi Arabia at ang 1998 United States Embassy Bombings sa Tanzania at Kenya. Noong ika-23 ng Pebrero, 1998 ay nagdeklara ang mga Muslim ng World Islamic Front na tinawag na “Jihad Against Jews and

Crusaders” bilang tugon sa mga aksyon ng US na taliwas sa mga turo ni Allah.

Pagkatapos ng mga pagbobomba ay inilunsad ni Bill Clinton ang Operation Infinite Reach, isang bombing campaign sa Sudan at Afghanistan na laban sa mga target ng US na may kinalaman sa Al-Qaeda. Sinira nito ang ilang civilian pharmaceutical plant sa Sudan kasama ang mahigit 50

porsyento ng mga pangangailangang parmasyutikal ng bansa.

Pagkatapos nito ay nagkaroon na ng sunod-sunod na pagatake, kasama na rito ang USS Cole bombing noong 2000 at ang 9/11 attacks noong 2001.

(14)

Kasunod ng 9/11 attacks ay agad na inumpisahan ang pagsalakay sa Afghanistan (tinawag na Operation Enduring Freedom) upang maialis ang kapangyarihan ng mga Taliban sa bansa.

Noong 2001 ay inobliga ng UN Security Council ang lahat ng bansa na gawing krimen ang pagtulong at pagbibigay ng tirahan sa mga terorista. Iniutos rin nito na i-freeze ang lahat ng assets ng mga terorista at

kumpiskahin ang lahat ng kanilang mga armas.

Dahil sa mga pangyayaring ito, sa ilalim ng Federal Criminal Code, ay binigyan ng depenisyon ng US ang terorismo bilang "...activities that involve

violent... <or life-threatening acts>... that are a violation of the criminal laws of the United States or of any State and... appear to be intended (i) to

intimidate or coerce a civilian population; (ii) to influence the policy of a government by intimidation or coercion; or (iii) to affect the conduct of a government by mass destruction, assassination, or kidnapping; and ...<if domestic>...(C) occur primarily within the territorial jurisdiction of the United States...<if international>...(C) occur primarily outside the territorial

jurisdiction of the United States..." (…paggamit ng karahasan o mga gawing

maaaring kumitil sa buhay ng tao, paglabag sa batas ng US o ng kahit na anong estado, may intensiyong takutin ang mga mamamayan at gobyerno, paggamit ng mga paraang tulad ng mass destruction, assassination o

(15)

Sinabi rin ni Bush na ang digmaan laban sa mga terorista ay isang idelohikal na digmaan na ang layunin ay ang matukoy, mahanap at maparusahan ang mga terorista at maipakalat ang kalayaan sa buong mundo. ("...today's war on terror is like the Cold War. It is an ideological

struggle with an enemy that despises freedom and pursues totalitarian aims....I vowed then that I would use all assets of our power of Shock and Awe to win the war on terror. And so I said we were going to stay on the offense two ways: one, hunt down the enemy and bring them to justice, and take threats seriously; and two, spread freedom.” )

Dahil sa mga pahayag ng US tungkol sa lumalalang “terorismo” ay kumalat na sa buong daigdig ang takot na baka kumalat rin pati sa ibang bansa ito. Inakala ng ibang bansa na kinailangan rin nilang gumawa ng mga aksyon upang hindi sakanila mangyari ang mga nangyari sa US. Dahil rin sa ibinigay na depenisyon ng US sa salitang terorismo ay natukoy nila ang mga “teroristang grupo” na makikita sakanilang bansa.

Pagkalat ng takot sa tunay na terorismo sa buong daigdig Sa pagitan ng dekada 60 at dekada 70, nagkaroon ng malaking bilang ng mga teroristang pagatake tulad ng hijacking, pagbobomba at panununog ng mga embahada at kidnapping.

Pagkatapos ng yugtong ito ay naitalang 50 % ng napabalitang teroristang atake ay naganap sa Europa, 21% sa Latin America, 14% sa North America, 11% sa Middle East at 11% din sa North Africa

(16)

Ayon sa 25 taon(1951-1976) na pag-aaral ng US News and World Report hinggil sa terorismo sa buong daigdig, humigit-kumulang 900 teroristang atake laban sa mga indbidwal, gobyerno at mamamayan na laban sa mga interes ng Estados Unidos ang nailunsad ng Central

Intelligence Agency o CIA.

Isa dito ang pamamaslang kay Iranian premier Mossadegh at sa pagbabagsak ng kanyang rehimen noong 1953. Kabilang din dito ang pagpapatalsik sa gobyerno ng Guatemala noong 1954, ng Dominican Republic noong 1965, ng Ghana noong 1966 at ng Chile noong 1973.

Ilang mga kilalang lider rin gaya nina Prime Minister Patrice Lumumba ng Congo, Ernesto Che Guevarra, President Salvador Allende ng Chile, dating Bolivian president Juan Torres, Amilcar Cabral, secretary general of the

African Party for Independence in Guinea and Cape Verde Islands, Eduardo Mondlane, lider ng isang kilusan sa Mozambique at Prime Minister Solomon Bandaranaike ng Sri Lanka ang pinaslang ng CIA para sa sarili nitong

interes.---Makikita rito na malaki ang naging papel ng CIA at ng US sa

paglaganap ng terorismo at mga pasistang atake mula dekada 50 hangang huling dekada 70.

Ayon nga kay Admiral Stansfield, direktor ng CIA sa ilalim ng dating administrasyon ni Jimmy Carter, isang epektibong paraan upang maisulong

(17)

ang mga interes ng US ay ang paggamit ng terorismo sa pamamagitan ng pagpasok mismo sa hanay ng mga terorista.

Sa Pilipinas, isang halimbawa ng operasyon ng CIA ay ang pagkakabuo ng Abu Sayyaf noong dekada 90. Ang CIA, Armed Forces of the Philippines at iba pang opisyal na gobyerno mismo ang bumuo sa Abu Sayyaf upang

pwersahin ang Moro National Liberation Front ni Nur Misuari na sumangayon sa usaping pangkapayapaan na pinatupad ng gobyernong Ramos.

Naging matagumpay ang plano ng rehimeng Ramos at

pansamantalang napasuko si Nur Misuari. Ngunit nawalan na ng control ang gobyerno sa grupong Abu Sayyaf at sa kasalukuyan ay gumagawa na ito ng mga teroristang pagatake sa Basilan at iba pang bahagi ng Mindanao.

Taong 1981 ay nagsagawa si dating US president Ronald Reagan ng isang kampanya laban sa terorismo sa buong mundo. Pero sa katunayan ay inilunsad lamang niya ito upang pagtakpan ang mga krimeng gunawa ng CIA at maibintang ito sa Soviet Union at iba pang mga kilusan.

Ang US ay nakarekluta ng iba pang mga bansa upang sumama sa inilunsad nitong giyera para diumano labanan ang terorismo sa buong

mundo. Hindi lamang Afghanistan ang target ng US kundi pati na rin ang iba pang mga bansa na laban sa mga interes ng US.

Dahil dito, hindi lamang sa mga “terorista” takot ang mga

(18)

US kung sakaling kalabanin nila ito. Alam nilang maimpluwensiya,

makapangyarihan at malakas (maraming weapons) ang US at kaya nilang gamitin ito laban sakanila.

Makikita ang takot nila sa US nang napilitan ang mga “unwilling” na estado na sumali sa “Coalition of the Willing” dahil sa malakas na control ng US sa ekonomiya at pulitika ng mga mahihinang bansa. Marami rin sakanila ang pinagbantaan at sinuhulan upang sumali sa Coalition. Pinapakita ng US na kung ang isang bansa maaari lamang maging kasapi ng Coalition o hindi kaya ay kalaban nito.

Ginamit ng US ang pagpapasabog noong September 11 bilang dahilan sa pagsalakay at pananakop nito sa mga bansa tulad ng Afghanistan na mapapakinabangan nito.

Maging ang administrasyong Arroyo rin ay ginamit itong dahilan upang mailusot ang ilang panukala na makakatulong upang makuha ang mga

interes nito kahit na nilalabag nito ang karapatan ng mga mamamayan. Ilan sa mga panukalang ito ay ang anti-terrorism bill, National ID system,

warrantless arrest, deployment ng secret marshal, gyera at militarisasyon sa kanayunan at iba pa.

Ginamit rin ito upang matawag na mga criminal (“terorista”) ang mga kilusang kumakalaban sa kanyang administrasyon. Sa pamamagitan nito ay mabubuwag niya ang mga kilusang ito at mapoprotektahan ang interes ng gobyerno.

(19)

Bunga nito ay dumami ang bilang ng political killings kung saan mapapansin ang isang pattern. Una, ang mga target ng mga pag-atake ay mga aktibista at mga pinuno ng mga radikal na grupo. Pangalawa, ang mga paglusob ay isinasagawa ng sandatahang lakas ng gobyerno at pagkatapos ay ibibintang nila ang pagpatay sa mga NPA. Makikita rin na ang mga lugar na my malaki na presensya ng military ay ang kadalasang may mataas na bilang ng political killings. Minsan pa ay gumagamit ang gobyerno ng mga fall guy upang maipakita ito sa media at magamit sa kampanya nito laban sa “terorismo”. At huli, ang kakulangan ng aksyon ng gobyerno upang

maresolba ang pagpatay. Sa katunayan nga ay tinataasan pa ni Arroyo ang ranggo ng mga tauhan niyang may human rights record. Hinaharang naman niya ang mga opisyal ng gobyerno sa pagtetestigo sa korte nang walang permiso mula sa president ( Ito ay nagresulta sa pagtaas ng paglabag sa mga karapatang pantao.).

Kitang-kita sa pattern na ito na ang gobyerno ang tunay na mga terorista ngunit inilalagay nila sa isipan ng mga mamamayan na ang mga “terorista” ang tunay na may kasalanan kung bakit mayroong kaguluhan sa bansa at gumagawa na sila ng paraan upang mapuksa ang mga teroristang ito. Totoo nga namang pinupuksa nila ang mga “terorista” dahil kitang-kita naman na marami na silang napatay na mga grupo na tumutumpak sa sarili nilang depenisyon ng isang “terorista”. At totoo rin na nagdudulot ng

kaguluhan ang mga “teroristang” ito, gayon nga lang ay hindi ito nakagugulo sa nakararaming Pilipino kundi sa mga nakatataas lamang.

(20)

~

Si Osama Bin Laden ng Saudi ang pangunahing suspek sa mga

pagatake noong September 11. Siya ay dating protégé o alaga ng CIA at ng Estados Unidos. Sumailalim siya sa pagsasanay ng mga Amerikanong

sundalo laban sa Soviet Union na pinagtangkaang sakupin ang Afghanistan noong panahon ng Cold War.

Nakilala si Bin Laden bilang pinuno ng Taliban, ang gobyernong namamayani sa Afghanistan. Binigyan ng suporta ng US at CIA ang pakikipaglaban ng mga Taliban sa mga Ruso noong panahon na iyon.

Ang Taliban ay binuo ng CIA at mperyalismong Estados Unidos laban sa Soviet Union na noon ay isa ring imperyalistang bansa.

Taong 1979 nang nilusob ng Soviet Union ang Afghanistan at sila ang naghari dito. Nagkaroon ng mga pag-aalsa at rebelyon na pinamunuan ni Bin Laden at ng mga Taliban. Dahil sa kaguluhang ito ay mahigit tatlong milyon sa kanilang populasyon ang nagmigrate sa Pakistan, habang isa’t kalahating milyon naman ang nagmigrate papuntang Iran. Sa labas ng bansang

Afghanistan ay nabuo ang ilang mga kilusan na laban sa mga Ruso na sumakop sa Afghanistan.

Sa tulong ng US ay nanalo ang Afghanistan laban sa mga Ruso noong 1986. Malaking halaga ang ginugol ng US sa pagtulong sa pagpapatalsik ng

(21)

mga Ruso mula sa Afghanistan. Ang US ang tuluyang nagpalakas sa mga Taliban.

~

Ayon sa Bagong Alyansang Makabayan, mahigit 11 milyong ang namatay sa iba’t-ibang gyerang isinagawa ng Estados Unidos mula noong 1800. Sa pakikidigma nito sa Iraq ay umabot sa 1.5 milyong katao ang napatay ng US troops, kabilang na dito ang daan-daang libong minor de edad.

Naging madugo rin ang malawakang pagpatay ng mga Amerikano sa Korea, Vietnam, Indonesia, Indochina at iba pang bansa sa panahon ng Cold War. Mahigit 200,000 mamamayang Hapones sa Nagasaki at Hiroshima naman ang namatay dahil sa atomic bomb na pinasabog ng US sa bansa. Daan-daang libong Pilipino ang pinatay ng US sa digmaang inilunsad nito sa Pilipinas 1900s. Makikita ito sa mga masaker na isinagawa ng US sa Samar kung saan pinagutos ni General Jacob Smith ang pagsunog sa lahat ng tao rito at sa mga kalapit na bayan na may mga mamamayan na may edad 10 pataas.

Ang Paglulunsad ng digmaan sa ibang bansa

Kahit na sinasabi ng US na ang dahilan nila sa pakikipagdigma ay ang layunin nila na mapuksa ang terorismo sa buong daigdig, hindi parin nila

(22)

masasabing ito lamang ang kanilang dahilan (at hindi rin ito ang kanilang pangunahing dahilan).

Sa katunyan, ang habol lamang nila sa Iraq ay ang mga malaking deposito nito na langis.

Madami ang namatay na sundalong Iraqi, Amerikano at iba pa sa digmaang ito. Dahil sa pagonti ng mga sundalong Amerikano ay napilitan ang US na magrekluta ng mga kabataan upang maging kapalit nila. Ang mga nangangailangan naman ng trabaho ay maluwag na tinanggap ang mga alok habang ang mga mismong nakaupo sa pamahalaan ay hindi kailanman

hahayaan ang kanilang mga anak na sumali sa giyerang alam nila ay hindi “worth” na maging sanhi ng kanilang pagkamatay.

Sa gitna ng digmaang ito, ang Iraq ang nakaramdam ng pinakamalaking pinsala. Madami ang nawasak na mga pasilidad at

maraming sundalo at mga sibilyan ang namatay. Naging masama na rin ang reputasyon ng bansa dahil sa pagsali ng US dito sa “Axis of Evil” na

pinagbibintangan na nagpapalaganap ng terorismo.

Maging ang mga Muslim rin ay tinawag na mga terorista at nabigyan ng hindi magandang reputasyon ng US. Ngunit dapat muna natin tingnan ang mga dahilan ng mga Muslim kung bakit sila nagsasagawa ng mga

atakeng sa pananaw ng US ay terorista: ang hindi pagtupad ng pamahalaan sa kanilang mga pangangailangang ekonomikal at pulitikal, paglaban sa mga

(23)

imperyalistang bansa, at ang mga isyu tungkol sa pagtuligsa sa kanilang relihiyon at mga paniniwala.

Bakit sila tinatawag na mga terorista kung ang mga layunin lang naman nila ay ang mapabuti ang pamumuhay ng mga kasapi ng kanilang pamayanan? Ito ba ay dahil lamang kaiba ang relihiyon nila sa US? Isa nanaman ba itong maling paggamit sa mga salitang Terorismo at Extremism?

Siguro nga ay tamang ang tanging habol lamang ng US (at ng mga “allies” nito na kapwa imperyalista) sa paglulunsad nito ng digmaan ay upang makakalap ng mas malaki pang kayamanan at mapaunlad nito ang sariling bansa. Marahil ay layunin rin nito na makasakop pa ng maraming bansa sa tulong ng mga bansang “nasakop”/kinokontrol na niya (sa tulong ng Coalition of the Willing). Ang mga makakalap na langis at natural

resources ay magiging malaking tulong upang mapaunlad ang negosyo ng mga imperyalistang bansa. Ang mga nasakop naman na bansa ay maaaring gawing tambakan ng mga basura, sarplas at maimpluwensyahan ng kanilang kultura upang maging dependent ang mga ekonomiya nito sakanila. Bunga nito ay mas magiging malawak ang control ng mga Kanluranin sa ibang mga bansa at sila na ang maghahari sa buong daigdig.

(24)

Pagsasabatas sa Terorismo

Ang Human Security Act

Sa ilalim ng Human Security Act (R.A. 9372) na ipinatupad noong ika-8 ng Pebrero, 2007, ay binigyang depenisyon ang salitang terorismo bilang isang planado at mapanganib na paggamit ng dahas at lakas laban sa mga tao, ari-arian at kapaligiran na may intensyong magsimula at magpakalat ng kaguluhan, takot at pangamba sa publiko o kaya naman ay pagbabanta sa gobyerno upang piliting aprubahan o tanggihan ang isang batas. Ang batas na ito ay bilang tugon ng pamahalaan sa banta ng “terorismo” ng bansa kasabay ng pagtupad nito ng Anti-Terror Bill, All-out War at

pakikipagtulungan sa US. Dito ay natukoy ang apat na aktibong teroristang grupo sa bansa: Ang Moro Islamic Liberation Front (MILF), Moro National Liberation Front (MNLF), Abu Sayyaf Group (ASG) at ang New People’s Army (NPA).

Sinasabing pinapakita ito sa pamamagitan ng pagbabanta sa seguridad at kalusugan o paglalagay sa kapahamakan sa publiko,

paghahadlang sa mahahalagang proseso, pagha-hijack, pandudukot ng isang tao, pagpatay (o pagbabanta ng pagpatay) sa pangulo at pangalawang

pangulo o ng isang internationally protected person at ng illegal na pagmamayari o pagbebenta ng mga armas (nukleyar, radyolohikal,

(25)

Sakop rin ng depenisyong ito ang mga rally na hindi alinsunod sa mga kagustuhan ng gobyerno. Kung gayon, ano pa ang iyong magiging dahilan sa iyong pag-rarally kung wala ka naman nang ipaglalaban pa?

Dagdag pa rito ay pinalitan na rin ang batas sa “maximum tolerance” at ginawa itong “calibrated preemptive response” kung saan

pinapahintulutan ang militar na gumamit ng dahas upang itigil ang rally.

Makikita sa mga batas na ito ang pagkawala ng karapatan ng mga Pilipino sa pamamahayag. Nawalan na sila ng karapatan na magsabi ng kanilang mga hinaing sa gobyerno at dahil dito ay maaaring tuluyan nang mawala ang demokrasya at maisantabi ang kapakanan at mga karapatan ng mamamayan.

Maging ang simpleng conspiracy ay itinuturing na rin na terrorism act ng batas at ang pinaghihinalaang terorista ay napapatawan ng mga

parusang kapareho ng sa mga gumagawa mismo ng terrorist acts. Maaari ding idikta ng gobyerno kung sinu-sino ang kabilang sa mga teroristang grupo.

Dahil sa napakalawak na depenisyon ng terorismo ay naaakusahan na rin ng terorismo pati ang mga media, human rights advocates, mambabatas mula sa oposisyon, at mga religious leaders. Mayroon ding ilang

mamamahayag ang nakatanggap ng death treats mula sa gobyerno

(26)

administrasyon ang Hello Garci Scandal upang makapangharas sa mga kasapi ng oposisyon.

Isinasantabi rin ng batas ang mga due process at kahit na walang sapat na ebidensya ay maaari nang hulihin ang suspek. Pinapahintulutan nito ang awtoridad na umaresto ng mga pinagsususpetsahang terorista nang walang warrant of arrest at ikulong nang walang court order.

Pinagbabawalan na ang komunikasyon ng nakahousearrest sa mga taong nasa labas ng kanyang tirahan, pinapayagan na ang pagpapataw ng indefinite detention at pinapawalang bisa ang bail at ang writ of habeas corpus. Maaari ding i-freeze ang assets ng naakusahan at maging ng

kanyang mga kamag-anak at kaibigan. Nawawala rin ang pribasya ng mga nagiging suspek dahil sa paghahalughog sa kanyang mga pribadong

dokumento at pagaaresto nang walang court order.

Isa pang probisyon nito ay ang pagbabawal sa pagsasagawa ng peace talks sa mga rebeldeng grupo tulad ng NPA at MILF at ang magsasagawa nito ay may karampatang parusa.

Makikita rito na ang HSA ay isang “virtually martial rule” dahil sa pagsususpinde nito sa ilang due process at paglabag sa mga karapatang pantao gaya ng Right to Bail, Right to Due Process, Right Against

Incommunicado Detention at Presumption of Innocence. Dahil sa

(27)

on Respect for Human Rights at International Humanitarian Law (CARHRIHL) na hanggang ngayon ay hindi parin naipapatupad.

Sa halip ay nagkaroon ng ibang tugon ang gobyerno ukol sa mga political killings na ito. Nagkaroon ng Department of National Defense (DND) at Armed Forces of the Philippines( AFP), Department of Justice na

nagsasagawa ng Joint FaCT-Finding tungkol sa mga kasanngkot at sa

paghatol sa mga may sala at nagpapalabas ng Witness Protection Program, ang Chief Justice at Supreme Court, ang Department of Foreign Affairs (DFA) na humihingi ng pondo sa European Union at iba pa, at ang CHR na

pinagkalooban ng 25 milyong piso ng US.

Sa pag-aaral na isinagawa ni Philip Aston tungkol sa mga political killings sa bansa ay nagkaroon siya ng ilang rekomendasyon upang mapigilan na ito. Sa kanyang palaga ay dapat na pigilan ng gobyerno na magsalita sa publiko ang mga military tungkol sa mga grupong radikal at civil society groups. Kailangan rin na gamitin ng korte ang kapangyarihan nito sa pagpapatupad ng hustisya at sa pagiimplementa ng mga batas na naipatupad na nito. Makabubuti rin kung ang Ombudsman ay kikilos nang mag-isa tungkol sa mga extrajudicial killings at ang gobyerno naman ay magbibigay ng Special Rapporteur.

(28)

USA PATRIOT Act

Ang USA PATRIOT Act (Uniting and Strengthening America by Providing Appropriate Tools Required to Intercept and Obstruct Terrorism Act of 2001 [Public Law 107-56]) ay isinabatas ng administrasyon ni George W. Bush noong ika-26 ng Oktubre, 2001 pagkatapos ang insidente noong September 11 sa Twin Towers at Pentagon. Naapektuhan nito ang iba pang mga batas gaya ng Foreign Intelligence Surveillance Act of 1978 (FISA), Electronic Communication Privacy Act of 1986 (ECPA), Money Laundering Control Act of, Bank Secrecy Act (BSA) at Immigration and Nationality Act. Pinagsanig rin ito sa Financial Anti-Terrorism Act.

Pinapalawig nito ang kapangyarihan ng mga law enforcement agencies na pasukin/halughugin/imbestigahan ang mga naging komunikasyon ng pinagsususpetsahan na terorista gamit ang telepono, e-mail at cellphone, mga papeles na medical, pinansyal at maging mga record mula sa library. Dagdag pa rito ay pinapalawig rin nito ang awtoridad ng Secretary of Treasury sa pagkontrol sa mga transaksyon, partikular na iyong may mga kasangkot na dayuhan at pinapadali ang pagpapadeport sa mga imigranteng suspek ng terorismo.

Sa batas ring ito ay pinalawak ang depenisyon ng terorismo at ng mga taong matatawag na terorista, na lalong nagpapalawak ng sakop o kontrol ng batas.

(29)

Bungan g pagsasabatas nito ay lumaganap ang paggamit ng National Security Letters, ang mga kasulatan na nagbibigay ng karapatan sa FBI na magkaroon ng ACCESS sa mga pribadong dokumento ng isang suspek nang walang court order. Pinapayagan rin nito na ikulong ang suspek kahit na hindi pa naisisiwalat ang mga ebidensyang laban sakanya o kahit wala pa mang sapat na ebidensya.

Pag-aabuso sa PATRIOT Act

Si Adam McGaughey, isang webmaster ay inakusahan copyright infringement at computer fraud at sa pagiimbestiga sa kanyang kaso ay ginamit ng FBI nag mga probisyon mula sa PATRIOT Act na dahilan upang makakuha ng mga pribadong dokumento mula sa Internet Service Provider.

Ginamit din ito ng Summit, New Jersey na dahilan sa pagpapatanggal nila ng mga naninirahang pulubi sa train station nito. Diniin nila na ang pagpapaalis nilang ito ay konektado sa probisyon ng PATRIOT Act tungkol sa mga atake o karahasan laban sa mga mass transportation system.

Maging sa pagiimbestiga tungkol sa mga drug traffickers ay ginagamit rin ang batas na ito.

Marami ang naging puna sa mga probisyon ng Patriot Act. Dahil dito ay ilang mga panukala na ang ginawa upang magkaroon ng mga pagbabago sa batas na ito. Kasama rito ang Protecting the Rights of Individuals Act,

(30)

Benjamin Franklin True Patriot Act at ang Security and Freedom Ensured Act (SAFE), kapwa mga panukalang hindi nakapasa sa senado.

Noong 2003, naglabas si Charles Lewis ng kopya ng isang panukala ng gobyerno ng Domestic Security Enhancement Act of 2003 (tinawag na

PATRIOT II) na magpapalawak sa mga sakop ng PATRIOT Act.

Nagkaroon ng dalawang bill upang ma-reauthorize ang PATRIOT Act.

Ang una, ang USA PATRIOT and Terrorism Prevention Reauthorization Act of 2005, ay nai-reauthorize ang dalawang nasabing batas at nagdadag ng ilang probisyon sa mga ito. Ilan rito ay ang Death Penalty na ipapataw sa mga terorista, pagpapahigpit ng seguridad sa mga daungan, paghadlang sa pananalapi sa mga terorista, pagpapalawig sa kapangyarihan ng Secret Service, at iba pa. Binago rin nito ang probisyon ng PATRIOT Act kung saan hindi pinapayagan ang suspek na magkaroon ng komunikasyon sa kanyang abogado. Pinayagan na ang pakikipagusap ng suspek sa abogado nito pero kinakailangan naman na ipaalam muna ito sa FBI.

Ang pangalawang bill naman ay ang USA PATRIOT Act Additional Reauthorizing Amendments Act of 2006. Dito ay inalis na ang probisyon ng unang reauthorization act na pagpapaalam sa FBI bago makipagusap ng suspek sa abogado nito. Inialis na rin ang mga library sa listahan ng mga maaaring makatanggap ng National Security Letters. Sinasabi rin dito na dapat na magbigay ng report taun-taon ang Attorney General tungkol sa mga National Security Letters na inilalabas nito.

(31)

Pinapayagan ng PATRIOT Act na maaaring imbestigahan ang isang suspek at ipaalam ito matagal pagkatapos ng imbestigasyon. Sa ikalawang reauthorization ay binago ito at dapat nang ipaalam ang imbestigasyon sa loob ng 30 araw. Ngunit pinapayagan parin ang korte na patagalin ang pagtatago tungkol sa imbestigasyon kung makakatulong ito sa terorista na mapatupad ang mga plano nito.

Pinatagal rin ang panahon ng pagkakaroon ng surveillance sa mga pinaghihinalaang terorista nang 120 araw habang ang paghahalughog naman sa mga dokumento ng suspek ay pinatagal hanggang 90 na araw.

Pinalawak pa ang depenisyon ng terorismo at isinama rito ang pagtanggap ng mga pagsasanay na pangmilitar galing sa mga grupong terorista mula sa ibang bansa. Kasama na rin sa mga aksyon ng terorismo ang pagsira at pagpaplano ng pagsira sa mga tren at iba pang mass

transport system. Kokompiskahin na rin ang mga nuclear, chemical,

biological o radiological weapons at mga materyales na panggawa sa mga ito. Ang mga nakompiskang assets naman ng terorista ay mapupunta sa kanyang mga biktima.

Kritisismo

Sinasabi ng mga kritiko ng PATRIOT Act na ang batas na ito ay minadali lamang at hindi pinagisipang mabuti ng senado.

(32)

Sa kontrobersyal na pelikula ni Michael Moore na Fahrenheit 9/11, sinabi ni Jim McDermott, isang Congressman, na walang senador ang nagbasa ng panukala. Sinabi pa ni John Conyers, Jr. na hindi naman talaga nila binabasa lahat ng mga batas na ipinapasa nila dahil mapapabagal lamang nito ang trabaho ng senado.

Ilang kritiko rin ang nagsasabi na payagan man ng batas na pakinggan ng FBI ang mga voicemails ng suspek, illegal naman na gamitin ito bilang ebidensya sa korte. Pero sa totoo lang ay maaari paring gamitin ang mga ito bilang ebidensya dahil sa pinapayagan naman ng PATRIOT Act ang pagkuha nito kung kaya’t hindi maaaring sabihin na illegal itong ilabas sa korte.

Sinasabi rin nilang ang mga pagbabagong ginawa sa PATRIOT Act ay nagbibigay lamang ng pagkakataon sa mga ahensya na kumuha lamang ng mga hukom na papanig sakanila—kahit na hindi pa sapat ang ebidensya laban sa suspek. Dahil rin sa mga pagbabagong ito kaya hindi na

pinoprotektahan pa ng mga telephone companies ang mga kliente nito.

Hindi na rin makakasali o makapagbibigay ng suporta ang mga

mamamayan ng US sa African National Congress dahil sa napapasailalim ang organisasyong ito sa depinisyon ng terorista na nakapaloob sa PATRIOT Act. Hindi na rin maaaring ipagpatuloy ng ilang social worker ang pagsasanay nila sa ilang mga volunteer sa pagaalaga sa mga batang naabandona ng gulo sa pagitan ng mga Israeli at Palestinians. Napipigilan din ang ilang peace workers sa pagbibigay nila ng pagsasanay ukol sa epektibong peace

(33)

negotiation at pagpepetisyon sa United Nations tungkol sa pagaabuso sa karapatang pantao. Isa pang grupo, ang Humanitarian Law Project, ay pinagbawalan na bigyan ng tulong at payo ang mga terorista. Nang pinaglaban ng grupo ang pagbibigay nila ng tulong sa mga terorista ay binuwag sila ng gobyerno.

Noong 2005, nagbigay ng report ang Business Week na nagsasaad ng bilang mga NSL na nailabas ng FBI pagkatapos maipasa ang PATRIOT Act. Makikita rito na nakapaglabas na ang FBI ng mahigit 10,000 na NSL at nakakalap ng isang milyong pribadong dokumento mula sa mga negosyong nakabase sa Las Vegas pa lamang.

Maging ang pagpapaalam ng library sa mga magulang ng mga minor de edad na kliente nito ay ipinagbabawal ng FBI. Dahil dito ay itinatapon na lamang ng mga library ang kanilang mga records upang hindi na madawit pa sa mga sakop ng batas.

Noong 2004, ginamit ng FBI ang mga probisyon ng PATRIOT Act upang pasikretong halughugin ang tahanan ni Brandon Mayfield na pinagbintangan sa Madrid train bombings at ipinakulong sa loob ng dalawang linggo. Nang napatunayan na hindi si Mayfield ang may sala sa pagbobomba ay

nakatanggap ito ng public apology mula sa gobyerno.

Sa parehong taon ay hinalughog rin ang tahanan at ipinakulong ng 22 oras ang isang syentista nang makita ng mga pulis ang mga kagamitan nito

(34)

sa kanyang eksperimento. Ginamit rin nila ang US Biological Weapons Anti-Terrorism Act para maisagawa ang interogasyon na ito.

Labintatlong mamamahayag rin ang sinabihan ng FBI na itago ang mga impormasyon na kanilang nakuha mula sa computer intruder na si Adrian Lamo.

Paghahambing

Ang Human Security Act ng Pilipinas at ang PATRIOT Act ng Estados Unidos ay may mga pagkakahawig. At dahil sa pagkakaugnay ng mga batas na laban sa terorismo sa ating bansa sa mga batas g Estados Unidos,

maaaring sabihin na ang PATRIOT Act ang naging balangkas na pinagbatayan ng Human Security Act.

Ilan sa mga pagkakapareho ng dalawang batas ay ang mga probisyon nito tungkol sa pagiimbestiga sa mga suspek ng terorismo. Ang mga paraan ng pagiimbestiga na ito ay madalas na lumalabag sa karapatang pantao ng mga suspek. Hindi na kailangan ng warrant of arrest at sapat na ebidensya upang maaresto ito. Hindi na rin kinakailangan ng court order upang

mahalughog ng mga pulis ang mga pribadong dokumento niya. Ang pagdedetain rin sa suspek ay isinasagawa sa hindi tiyak na panahon. Nilalabag rin ng parehong batas ang karapatan sa pamamahayag.

Halos magkapareho rin ang pagbibigay ng dalawang batas ng depenisyon sa terorismo at ang pagpapalawak ng sakop nito. Sapul sa depinisyon nito ang mga kilusang lumalaban sa gobyerno, mga Islamikong

(35)

militanteng grupo, mga mamamahayag na naguulat ukol sa mga aksyon ng pamahalaan, at mga rebelde. Madalas ay binabansagan rin na terorismo ng mga batas na ito ang mga Human Rights Advocates, lalo na iyong mga may report tungkol sa paglabag ng pamahalaan sa karapatan ng mga

mamamayan nito.

Hindi sang-ayon ang nakararami sa mga mamamayan ng Estados Unidos sa PATRIOT Act gayundin sa Pilipinas kung saan hindi rin sangayon ang mayoriya na mga Pilipino sa Human Security Act. Bagamat ilang

pagtutuligsa na ang naganap upang hindi maipatupad ang dalawang batas, hindi parin napigilan ang gobyerno sa pagpapatupad ng mga ito. Mayroon din namang mga sumangayon sa pagpapatupad ng batas. Gayon nga lang, ang kanilang dahilan ay hindi ang pagsuporta sa mga kaisipan, layunin at mga paraan ng batas. Kaya nila ito sinusuportahan dahil sa malaking pakinabang na makukuha nila kung sakaling mapatupad ang mga ito. Ang iba naman ay natatakot lamang na bansagan ring mga terorista kapag sila ay kumalaban sa mga batas na ito.

Ang Diskurso ng Terorismo

Mahihinuha sa papel na ito na ang salitang terorismo at extremism ay isinabatas at binigyan ng depenisyon na nakabatay sa mga imperyalistang bansa.

(36)

Ang tinutukoy na terror o sindak sa salitang terorismo ay iyong mga nakakatakot para sa kanila. Ang mga bagay naman na tinatawag na extreme ay iyong mga hindi katulad ng mga bansang ito—sa larangan ng kultura, relihiyon , mga tradisyon at kaugalian at iba pa. Sinisiguro din ng mga batas hinggil sa terorismo na mapoprotektahan ang mga interes ng mga ito.

Sa pamamagitan ng pagbibigay ng depenisyon sa terorismo ay nagtagumpay ang US sa pagdidisenyo ng mundo. Ipinakita nila sa

depenisyon na ito kung ano ang hindi “tama” at hindi katanggap-tanggap sa lipunan. Dinikta nila ang standard at sinabing ito ang nararapat na gawin ng ibang bansa. Pinagbintangan nila ang mga sumasalungat sa kanilang mga paniniwala na “extremists”.

Ngunit kung tutuusin ay walang tao ang matatawag na extreme. Ang katawagan na “Extremist” ay ginagamit lamang ng isang indibidwal sa iba na may mga gawing hindi katulad ng sakanya. Kung gayon, maaari rin siyang tawagin na extremist dahil nga magkaiba sila ng mga gawi. Ang pagbabansag sa mga extremist ay isang siklo lamang dahil kung susuriin ay magkakaiba naman tayong lahat. Walang tunay na extremist. Ito ay nasa pananaw lamang ng isang indibidwal at nakabatay sa kung ano ang kanais-nais para sa kanya. At sa kasong ito, ang pananaw ng US ang namamayani sa daigdaig dahil sa kapangyarihan at impluwensya nito sa ibang bansa.

Habang ang mga imperyalistang bansa, partikular na ang US, ay nakikinabang sa digmaan ang Iraq naman at ang mga bansa na pinilit na

(37)

sumali sa digmaan ay napipinsala. Sinasabi ng US na sila ang biktima ng digmaan na ito at kailangan ng buong daigdig na makiisa upang mapuksa ang mga kalaban. Pero talaga bang dapat tayong makisali sa digmaan nila laban sa kanilang mga kalaban? Hindi kaya ginagamit lamang nilang dahilan ang digmaan upang makakuha ng madaming suporta mula sa mga bansang mahihina at pakinabangan ang mga ito para sa sariling interes?

Reaksyon

Ang US ay walang karapatan na sugurin ang mga bansang pinaghihinalaang mayroong weapons of mass destruction dahil kung

titingnan ay mas marami pa nga itong weapons of mass destruction kaysa sa nilulusob nila na Iraq.

Wala rin silang karapatan na idikta kung ano ang depenisyon ng

terorismo dahil sila mismo ay nagdudulot ng takot o terror sa buong daigdig. Tinatakot nila ang Iraq at sinisiraan ito upang makuha ng US ang mga

pakinabang sa bansa. Maging ang ibang mga bansa rin na walang kinalaman sa digmaan ay tinatakot rin nila sa pamamagitan ng sapilitang pagrerekluta sakanila na sumali sa “global” war on terror. Sila ay nakikinabang sa suporta natin habang tayo naman ay ang nakakaramdam ng masasamang epekto ng digmaan.

(38)

Kung susundin naman natin ang depenisyon ng terorismo na

nakapaloob sa mga batas ng US, maaari na rin nating tawagin na extremists ang mga Muslim at ang iba pang mga kasapi ng relihiyong hindi kapareho sa mga kanluranin (ang kadalasang nagsasabi kung ano ang norm/standard). Kung ganon, ibig sabihin ba ay kailangan na nilang baguhin ang kanilang paraan ng pamumuhay upang hindi mabansagan na mga extremist? Maging ang mga katutubo ay maaaring masakop rin sa depenisyong ito dahil sa kanilang mga “kakaibang” pagkain, tradisyon at kultura.

Ang terorismo ay walang iisang unibersal na depenisyon. Dahil ang depenisyon ng terorismo (pati na rin ng extremism) ay nakabase lamang sa pananaw ng isang indibidwal. Nakadepende ito sa kung ano ang

kinatatakutan niya, kung anu-ano ang kaniyang mga interes at layunin at kung sino ang tingin niyang makahahadlang rito. Nakabatay rin ito sa mga paniniwala niya na kanyang pinoprotektahan at ipinaglalaban.

Hindi dapat natin gawing inubersal na depenisyon ang depenisyon na ibinibigay ng mga mauunlad na bansa sa mga terorista at extremists. Ito ay nagpapakita lamang kung gaano tayo napapasailalim sa kanilang kontrol at sa pamamagitan nito ay mas madali nilang masasakop ang ating mga

kaisipan. Dapat ay maisaisip rin natin na hindi tayo ang standard o sentro ng daigdig, gaya rin ng US na hindi dapat tingnan bilang standard sa buong mundo. Huwag natin pairalin ang diskriminasyon at bigyan natin ng respeto

(39)

ang mga taong kaiba sa atin. Sadyang magkakaiba lamang ang mga tao—sa mga interes, layunin, kultura at paninawala.

Gawin nating batayan ang mga pangangailangan ng tao at ang mga bagay na makasasama sa nakararami. Huwag nating bigyang pansin lamang ang mga kahilingan ng mga maimpluwensiya at makapangyarihan.

Dapat na pairaling muli ang demokrasya kung saan ang mayoriya ang magdedesisyon para sa ikabubuti ng bansa at ang tutukoy sa kung ano ang tunay na makapapahamak sa mga mamamayan nito.

Mga Sanggunian

Bulatlat.com www.pinoyweekly.org/cms/2008/06/karapatangpantaoang‘giyerakontraterorismo’ngus 23k -www.laetusinpraesens.org/musings/extreme.php Wikipedia.com http://72.14.235.132/search?q=cache:1R3HP10kdDkJ:www.jhuapl.edu/PO W/library/Rabassa_4-13_POW.ppt+effects+of+war+on+Muslims&cd=4&hl=tl&ct=clnk&gl=ph

(40)

Philippine Daily Inquirer

Seven Years After the Start of the So-Called "War on Terror" by Muqtedar Khan, Iraq Updates.

www.sawikaan.net/terorista.html 29k

-http://www.gerryalbertcorpuz.motime.com/post/419772/Lifted+from+Ang+P amalakaya+mag

Figur

Memperbarui...

Referensi

Memperbarui...